dr zeus salazar pangkalahatang perspektiba

39
PANGKALAHATANG PERSPEKTIBA Dr. Zeus A. Salazar Retiradong Propesor UP Diliman

Upload: wii-yuhae

Post on 29-Nov-2014

513 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

PANGKALAHATANG PERSPEKTIBADr. Zeus A. Salazar Retiradong Propesor UP Diliman

Tanghal si Rizal bilang natatanging tagapagbuo ng kasalukuyang Kapilipinuhan. Mas masalimuot ang kalagayan ng Pilipinas at ng daigdig ng ika-19 na dantaon. Laluna sa pagitan ng pagkabitay nina Gomburza noong 1872 at ang pagsiklab ng Himagsikan ng KKK noong 1896. Noong 1872 si Zamora, pinakabata at walang kamalay-malay sa mga pangyayari, ay namatay nang halos baliw; si Burgos, naghihintay ng kapatawaran, ay umiiyak na humarap sa garote; samantalang si Gomez, pinakamatanda at mahigpit ang pagkakaugnay sa mga kababayan laluna ng Cavite, ay matatag at bayaning humarap sa kanyang martiryo. Hindi kalabisang isipin na may simpatiya siya kung hindi

man sangkot na kaugnayan sa pag-aalsa sa Cavite; samantalang si Burgos ay bahagyang gagap ang kalagayan ng Pilipinas sa teorya at sa matayog na pagtingin ng isang henyong relihiyoso. Sa pamamagitan ni Paciano naging huwaran ni Pepe ang kanyang tukayong si Burgos; ngunit lampas na sa simpleng sekularisasyon ang kinakaharap ng Kapilipinuhan noong dalawang dekada bago lumitaw kapwa ang La Liga at Katipunan. Kung baga nakapaloob sa dalawang organisasyon ang mga adhikain at layunin na binhi pa lamang noong 1872 kung kailan mas nakaugat sa Bayan kapwa si Padre Gomez at ang kinasangkutan niyang pag-aalsa sa isang dako at, sa kabilang dako, ang ipinaglalaban ng

ng mga paring sekular bilang Filipino kumpara sa mga prayleng Kastila. Anak sa pribilehiyo, naakit sa huling ideolohiya si Rizal at sa Europa, kung siya ay pumunta upang mag-aral sa halip ng Pransya na siyang gusto ni Paciano, natuklasan niya ang ideya ng nacin bilang kabuuang sosyo-pulitikal (Kastila sa simula, pagkatapos ang Filipinas bilang patria) kaalinsabay ng ideolohiya ng liberalismo. Samantala, hindi natutulog ang Bayan; kumikilos na ito sa pamamagitan ng serye ng mga himagsik kung saan nakakabit ang Katipunan na ibabatay ang Himagsikan sa pagbubuo kay/sa Inang Bayan nang makamit nito ang kalayaan (na hindi nakita ni Rizal bilang katumbas ng freiheit sa dula ni Schiller).

Nacin at Inang Bayan. Magkaibang adhika at direksyon na magkakatagpo sa diwa at hangarin ng mga katutubo sa huling dekada ng ika-19 na dantaon na mailalarawan at isinasagisag ng hero-ismo ni Rizal at kabayanihan ni Bonifacio, at sa pagitan ng dalawa, sina Paciano, Josefa, Trinidad, Angelica, Delfina, at iba pang Rizal Mercado. Naging masalimuot pa ang ugnayang ito dulot ng mga pangyayari sa Kalamba at ng paglaho (at sa huliy pagbagsak) ng kapangyarihang Kastila sa daigdig at sa Pilipinas. Uusisain ang buong kasalimuutang ito ng ika-19 na dantaon ng kasaysayan ng Pilipinas, ng bumubulusok na Espanya, at ng daigdig na nagtatransisyon mulang dating kolonyalismo tungong imperyalismo ng panahong industriyal.

KATAWAN NG PAPEL

Sa pangkabuan, maisasakonteksto ang ating tema sa pamamagitan ng pagtunghay muna sa dalawang penomeno sa labas ng panloob na daloy ng kasaysayan ng Kapilipinuhan: 1) ang daigdig noong ika-19 na dantaon na dumaranas ng transisyon mula sa lumang kolonyalismo tungo sa makabagong imperyalismo ng Kanlurang Europa, kung saan ang Espanya bilang naunang bansang kolonyalistang naglalaho at lubusan nang babagsak ang kapangyarihang pandaigdig ay magiging biktima kapwa ng mga kilusang rebolusyonaryong antikolonyal at ng bagong sumasali sa imperyalismong nakaugat sa Rebolusyong Industriyal --

ang Estados Unidos. Pagkatapos, maaari na nating talakayin ang panloob na kilusang anti-kolonyal ng Kapilipinuhan na para sa Kumperensyang ito ay itutuon sa karanasan at reaksyon ng angkan Rizal Mercado noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon.I Ang Naging Tadhana ng Humihina nang Imperyong Kastila sa mundo habang nagtatransisyon ito sa Europa noong ika-19 na Dantaon mula Dating Kolonyalismo tungo sa Makabagong Imperyalismong dulot ng Rebolusyong Industriyal na nagmula sa Gran Britanya

Produkto ng Rebolusyong Pranses, tinangka ni Napoleon na buuin ang Europa; nabigo siya dahil sa Rusya at sa Espanya, sa tulong ng Inglatera.Francisco Goya El tres de mayo de 1808 o Los fusilamientos del tres de Mayo. Museo del Prado, Madrid

Pagkagapi ng Taglamig na Ruso kay Napoleon

Naunang islayd, karikatura kay Metternich; ibaba (kaliwa) si

Talleyrand ng Pransya; (kanan) si Tsar Alejandro I ng Rusya. Ang tatlong arkitekto ng BANAL NA ALYANSA

Crystal Palace ng 1851 Inilantad at ipinagyabang dito ng Gran Britanya ang lakas at kapangyarihan nitong dulot ng Rebolusyong Industriya.

Sina Napoleon III ng Pransya at Kanzler Otto von Bismarck, ang dalawang magkatunggaling estadista ng huling bahagi ng ika-19 na dantaon

Ang Exposition Universelle ng 1889 sa Paris, tugon ng Pransya sa Crystal Palace ng London (Binisita nina Rizal bilang Indios Bravos)

Si Queen Victoria ng Gran Britanya at ang Emperador Meiji ng Hapon

Sina Abraham Lincoln ng Estados Unidos at Cixi, ang Biyudang Imperatris ng Tsina

Dulot ng muling pagkabuo matapos ang giyera sibil, naging makapangyarihang poder industriyal at imperyalista ang Estados Unidos. Si William Randolf Hearst at ang dilaw na pamamahayag.

LABANANG PANDAGAT SA LOOK NG MAYNILA, 1898

Ang declinacin de la Espaa (o mas angkop, ng Imperyong Kastila) na, bilang penomeno ay nagsimula na noong ika-17ng dantaon. Noong ika-19 na dantaon, lumala ito at humantong sa Rebolusyon ng Amerika Latin (na sinamantala naman ng Amerika sa pamamagitan ng Doktrinang Monroe. Ang huling baytang ng doktrinang ito ay ang pagkamkam ng Amerika sa Kuba, Porto Rico at Pilipinas noong huling bahagi ng dantaon. Ang pagkakaugnay ng pagbagsak na ito ng Imperyong Kastila noon sa buhay at gawa ni Rizal ay paksa niProp. Dr. Milagros C. Guerrero

sa kanyang papel na pinamagatang:Si Rizal sa Harap ng Pagguho ng Imperyong Espanya (1868-1898)

II Ang Panloob na Dinamika ng pagkabuo ng Kapilipinuhan bilang salaysay na may saysay para mga Pilipino Hindi tahasang nakakabit ang pagkabuo ng Pilipinas sa mga pangyayaring natalakay sa Bahagi I. Bilang salaysay na may saysay, may kaugnayan kapwa ang Propaganda at nabuo nitong ideya ng nacin at ang mga paghihimagsik ng mga bayan na humantong sa adhikaing Inang Bayan ng KKK, sa panloob na pagsulong ng kasaysayan ng Kapilipinuhan.

1744-1763: Dalawang Dekada ng Pagsibol ng Unang Nasyonalismo o Simpleng Pagkamakabayan?1. Mga rebelyong agraryo sa Bulacan, Morong, Laguna, Bulacan at Cavite sa unang walong probinsya (liban sa Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija) na nag-alsa noong 1896; gayundin sa kasalukuyang Calabarzon (cf. ang susunod na Mapa), kung saan hindi kasali ang Quezon at wala ang Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija. [Iugnay ang kabalisahang agraryo sa krisis sa Calamba bago ang KKK at Himagsikan. Naroon na ang sangkap agraryo]

2. Rebelyon nina Diego at Gabriela Silang (17621763): Unang pagsibol ng nasyonalismo o simpleng pagkamakabayan? Laban sa pagbubuwis at abuso, para sa pag-ookupa ng mga Ilokano ng puwesto sa pamahalaan at sa simbahan. [Sangkap ng darating pang sekularisasyon at representasyon sa pamamahala]

2. Dagohoy bilang pinuno ng pinakamatagal na rebelyon (1744-1829). Naging hiwalay ang kanyang teritoryo sa pamahalaang Kastila. Pagbabalik sa kaugaliang Pilipino. 3. Juan de la Cruz Palaris. Rebelyon sa Pangasinan (kasaama ang La Union) kasabay ng kina Silang (1762-1763); magkaugnay ang dalawang pinuno. Tulad kay Diego Silang, pinagtaksilan at pinatay si Palaris ng kapwa niya Pinoy.

ANG MGA REBELYON SA ILOCOS (BASI: 1807, 1814); AT MAYNILA ( NOVALES: 1821): SINO ANG FILIPINO? SINA ROXAS AT VALERA

SA ILOCOS: REBELYONG BASI NI PEDRO AMBARISTO, SA PIDDIG

SA MAYNILA: PAGKILOS NINA DOMINGO ROXAS AT LUIS RODRGUEZ VALERA NA SUMULAT NG PROCLAMA HISTORIAL, 1808

Mas klarong naiuugnay ang kaisipan ni Balagtas (ang bayan kong sawi) at ang pagkilos ng mga pesante sa rebelyon ni Hermano Pule kapwa sa mga rebelyon nina Dagohoy, Palaris at higit sa lahat Diego at Gabriela Silang, sa isang dako, at sa Himagsikan ng KKK ni Bonifacio sa kabilang dako.

ANG KILUSANG KRIOLYO AT MESTISO AT PAGKAKAUGNAY NITO SA REBELYON NINA HERMANO PULE (1841) AT Iniarte Samaniego (1843)DOMINGO ROXAS (1782-1843) Inaresto sa pagkasangkot sa Rebelyon ni Hermano Pule ( kinulong 1841; pangatlong pagkakulong: 1842 namatay 1843, taon ng rebelyon ng Rehimentong Tagalog sa Malate) . LUIS RODRIGUEZ VARELA, EL CONDE FILIPINO (kasama ni Roxas bilang inspirasyon ni ANDRES NOVALES noong rebelyon nito bilang emperador

ng Pilipinas Hunyo 1822). Proclama Historial.Dapat iugnay ang kilusang kriolyo at mestiso bilang hijos del pais sa kilusang Sekularisasyon na, sa pamamagitan ni Rizal, ay naiugnay sa Propaganda.

Mula kina Balagtas (Ang Bayan Kong Sawi) sa pagsasateorya ng pagkamakabayan at Hermano Pule (sa pagnanais na maging bahagi ng sistemang prayle at sa pakikipagtulungan sa elit na kriolyo at mestiso) malinaw na, laluna sa panig nina Varela at Roxas (na may kaugnayan sa isang rehimentong Pilipino ng Hukbong Kastila), ang direksyong pangkasaysayan ng una (Balagtas) tungo kay Bonifacio at ng ikalawa (Hermano Pule) tungo sa sekularisasyon nina Gomburza at mula rito sa Propaganda, bagamat may mga elementong ng sinaunang relihiyon sina Hermano Pule, bagay na nag-uugnay rin dito kina Bonifacio.

Ang direksyon ng pagkamakabayan (na may bahid panrelihiyon ng kilusan ni Hermano Pule) patungo kina Bonifacio at Mabini ang siyang susuriin ni Prof. Dr. Noel V. Teodoro sa kanyang ambag na pinamagatan:Salinlahi ng mga Hroe at Bayani: Ang Bayan mula kay Balagtas tungo kay Mabini (1838 -1899)

IIITatalakayin ng mga sumusunod na ambag ang bayan ng Calamba at ang interaksyon ng angkan Rizal Mercado sa loob nito; at gayundin ang pagkakasangkot nito kapwa sa Propaganda (Jose) at sa makabayang Katipunan (Paciano, Josefa, Trinidad, Angelica na anak ni Narcisa at Delfina na anak ni Lucia, ang kapwa magulang na babae ng dalawa, at marahil iba pang kamag-anak.

Ang Kalamba sa Ikalawang Bahagi ng Ika-19 na Dantaon Prop. Rina Alvero-BoncocanKAILAN KA UUE? Lihamang Rizal sa Usaping Kalamba, 1889-1891 Dr. Nilo S. Ocampo Angkan Rizal Mercado sa Pagsibol at Pagpapaibayo ng Kamalayang Mapaghimagsik Prop. Ma.Carmen V. Pealosa & Dr. Zeus A. Salazar Si Rizal bilang Tagapagpaganap ng mga Plano ni Paciano? (1882-1896) Prop. Roberto C. Mata

IV Sa mga sumusunod na ambag tutunghayan ang pag-angkin sa ngalan at pagkatao ni Rizal mulang panahon ng KKK hanggang sa katapusan ng Komonwelt; ang pagpapahalaga ng kasalukuyang estado kina Rizal at ang kanyang angkan; pagtingin kay Rizal ng mga kaanak ngayon; reaksyon ng Simbahan kay Rizal; at ang pagtanggap sa kanya ng mga sekta, higit sa lahat sa Calamba. Sa huli, tatalakayin ang mga suliranin ng pagtuturo hinggil sa buhay at gawa ni Rizal.

Isang Panimulang Pag-aaral sa Pag-angkin kay Rizal ng Katipunan (1892-1897), Rebolusyon ni Aguinaldo (1897-1901), Philippine Commission at Pamahalaang Kolonyal na Amerikano (1899-1946) Bb. Rosana A. Diwa & Prop. Ma. Carmen V. Pealosa Pagpapahalaga ng Estado at Bayan sa Pagkamakabayan: Ang mga Monumento ni Rizal at ng Angkan Dr. Victoria Narciso-Apuan Pagtingin kay Rizal ng Kasalukuyang Kaanak ng Angkan Rizal Mercado Bb. Gemma Cruz-Araneta Pasubali sa Kabila ng Pagtatangi: Ilang Tala sa Pananaw ng Simbahang Katoliko kay Rizal Dr. Lars Raymund C. Ubaldo

Calamba at Banahaw: Ang Pag-angkin kay Rizal sa/ng Relihiyong Bayan ng Pilipinas Dr. Prospero R. Covar Ang RA1425 at mga Suliranin sa Pagtuturo ng Kursong Rizal G. Jonathan C. Balsamo & G. Alvin D. Campomanes

KONKLUSYON