Download - mungkahing gawain para Sa Ikaapat Na Araw
*Mga Mungkahing Gawain para sa Ikaapat
na Araw(Una at Ikalawang Markahan)
*mga pagsasanay, pagtataya, paalala at iba pang gawaing magsisilbing panghubog sa kasanayan at
kaalamang naitalaga*maaari ring magsilbing follow-up o key
intervention para sa mga kasanayang kailangan pang hubugin
Unang Markahan: Linggo 1
“Batang-bata ka pa”
*Pagbuo ng Simbolo*Pagsulat ng Talata
Unang Markahan: Linggo 1“Batang-bata ka pa”
*Pagbuo ng Simbolo - balikan ang uri (tuwiran, di-tuwiran) - magbigay ng iba pang halimbawa ng akda na sinadyang maraming ginamit na simbolo - magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang bagay (hal. bulaklak, krus, agila) at hayaang magbigay ng sagot na maaaring sinisimbolo ng mga ito - (pabigkas) gamit ang iba pang lunsarang akda (na maraming simbolong ginamit) hayaang tuklasin ng mga mag-aaral ang mga ginamit na simbolo mula rito at humingi ng patunay bilang pagpapatibay sa kanilang kasagutan.
Unang Markahan: Linggo 1“Batang-bata ka pa”
*Pagsulat ng Talata-balikan ang uri (Naglalahad, Naglalarawan, Nagsasalaysay, atbp.)- alalahanin ang mga:
Mga Dapat Tandaan:*layunin (bakit ka nagsusulat?)*madla (para kanino kaya ka nagsusulat?)*persona (sino ka at ano ka bilang manunulat?)
Iba pang Dapat Tandaan:*4B (bantas, balarila, baybay, walang banyagang salita)*nilalaman*panuto*estilo*pamagat*KKK (kaisahan, kaayusan, kabuuan)
Unang Markahan: Linggo 1“Batang-bata ka pa”
*Pagsulat ng Talata- bago ang kani-kaniya / indibidwal na gawaing pasulat, mas makabubuting magparanas muna sa klase ng SAMA-SAMANG PAGBUO
NG SULATIN (pisara)
*mula ito sa pagpili ng paksa hanggang sa paglalagay ng angkop na pamagat
Hal. ng RUBRIK para sa SANAYSAY
4B 5 4 3Kaisahan 5 4 3Kaayusan 5 4 3Kabuuan 5 4 3Estilo 3 2 1Panuto 2 1
- Mula sa nakuha/nabasa/namarkahang 33% na sulatin ng mga mag-aaral, maaaring gamitin ang mga datos na makakalap upang
muling balikan ang mga KARANIWANG PAGKAKAMALI ng mga mag-aaral.
Unang Markahan: Linggo 2
“Ang Sundalong Patpat”
*Talasalitaan*Readers' Theatre
Unang Markahan: Linggo 2“Ang Sundalong Patpat”
*TalasalitaanMga Paraan sa Pagtuklas ng Kahulugan
*kunin ang salitang-ugat*sumangguni sa diksyunaryo*balikan kung paano ginamit sa pangungusap (konteksto)*magtanong sa nakatatanda
- Magpalaro sa mga mag-aaral upang matiyak sa bawat isa na marunong silang tumingin at sumangguni sa diksyonaryo. Magbigay ng 3-4 na salita, isasaayos nila ito sa kung ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga ito. - Sa paghanap ng kahulugan, magbigay ng maraming halimbawang salita na sadyang nagtataglay rin ng maraming kahulugan ngunit iisa ang paraan ng pagbaybay. (Hal. “bata”)
-Magsisilbing quiz ang mga pagsasanay (drills) na isinagawa. - Dito makikita ang consistency ng mga mag-aaral na may kahinaan pa sa kasanayan at maging ang mga pamamaraan sa pagsagot at pag-iisip sa paghanap ng talasalitaan.
Unang Markahan: Linggo 2“Ang Sundalong Patpat”
*Readers’ TheatreMga Dapat Tinataglay:
May Mahusay na Nilalaman Kahusayan sa Pagbigkas Talab sa ManonoodMalikhain
Unang Markahan: Linggo 3
“Isang Dosenang Klase ng High School Students” mula sa Aklat na
“ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong
*Simbolo (sarili)*Talatang Naglalarawan
Unang Markahan: Linggo 3“Isang Dosenang Klase ng High School Students” mula sa Aklat
na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong
*Simbolo (sarili) - sa pagpili ng simbolo, natiyak bang:
> angkop ang mga katangian ng 2 bagay? > naipaliwanag nang maayos ang dahilan kung bakit ito
ang napiling simbolo?
Unang Markahan: Linggo 3“Isang Dosenang Klase ng High School Students” mula sa Aklat
na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong*Talatang Naglalarawan
Hal. ng RUBRIK para sa TALATA4B 5 4 3Kaisahan 5 4 3Kaayusan 5 4 3Kabuuan 5 4 3Estilo 3 2 1Panuto 2 1
Unang Markahan: Linggo 4
“Isandaang Damit” ni Fanny Garcia
*Idyoma, Simili, Metapora
Unang Markahan: Linggo 4“Isandaang Damit” ni Fanny
Garcia
*Idyoma- magpapalaro sa klase tulad ng pagpapakita ng mga larawan at mag-uunahan ang mga mag-aaral na sabihin kung anong idyoma ang ipinapakita nito
Unang Markahan: Linggo 4“Isandaang Damit” ni Fanny
Garcia*Simili/Metapora - balikan ang kahulugan, pagkakaiba/pagkakatulad at magbigay ng maraming halimbawa. - simulan ito sa SALITA (bagay), pag-iisip kung ano ang maaaring ikumpara rito patungo sa gamit nito sa pangungusap, sa talata, sa sanaysay, sa kuwento, sa tula at sa iba pa.
- PAGTUKOY (identification) kung ano ang ginamit sa pahayag: simili, metapora - PAGKILALA kung ano ang bagay na kinumpara at pinagkumparahan -PAGGAWA ng sariling halimbawa
Unang Markahan: Linggo 5
Kung Bakit Umuulan
*Alamat*Poster
Unang Markahan: Linggo 5Kung Bakit Umuulan
*Alamat - kahulugan, katangian, kahalagahan, tungkol saan ang ALAMAT? *Poster
HAL. ng RUBRIK ng POSTER
Nilalaman 6 5 4Pagkamalikhain 5 4 3Katapatan sa Paksa 5 4 3Kalinisan 3 2 1Panuto 1 0
Unang Markahan: Linggo 6
Alamat ni Tungkung Langit ni Roberto Añonuevo
*Alamat*Paggawa ng Banghay
Unang Markahan: Linggo 6Alamat ni Tungkung Langit ni
Roberto Añonuevo*Alamat-Tungkol saan ang alamat? - Ano ang pagkakaiba nito sa iba pang genre?
PAGSULAT*tiyaking napapaloob ang mga katangian ng alamat
PAGBIGKAS
*naiparanas ba sa klase ang tradisyong pasalita (oral tradition) na pinagmulan ng alamat?
Unang Markahan: Linggo 6Alamat ni Tungkung Langit ni
Roberto Añonuevo
*Paggawa ng Banghay Masasagot ba ng ginawang banghay ang sumusunod na tanong?
-> nandito na ba lahat ang nais kong isulat?-> malinaw ba ang daloy ng pagkakasunud-sunod nito?-> kuntento na ba ang sa saklaw o sakop ng isusulat ko?-> isinaalang-alang ko ba ang persona, madla at layunin sa pagbuo ko nito?
Unang Markahan: Linggo 7
“Salamin” ni Assunta Cuyegkeng
*Tula
Unang Markahan: Linggo 7“Salamin” ni Assunta Cuyegkeng
*Tula - maaaring makatulong kung bigyang-pansin ang pormalistikong pananaw (uri, elemento) - bago ang kani-kaniya / indibidwal na gawaing pasulat, mas makabubuting magparanas muna sa klase ng SAMA-SAMANG PAGBUO NG SULATIN (pisara) - maaaring magsimula sa tulang may sukat at tugma (TANAGA) hanggang sa maiparanas sa klase ang pagsulat ng tulang may malayang taludturan
Hal. ng RUBRIK para sa TULABantas 5 4 3Baybay 5 4 3Balarila 5 4 3xBanyaga 5 4 3Nilalaman 5 4 3Panuto 5 4 3
Unang Markahan: Linggo 8
“Ang Pintor” ni Jerry Gracio
*Tayutay*Pagbigkas ng Tula
Unang Markahan: Linggo 8“Ang Pintor” ni Jerry Gracio
*Tayutay - pasalita man o pasulat, mahalagang malinaw ang kasanayang nalinang sa mag-aaral:
+PAG-ALAM, kung batid ng mag-aaral na may ginamit na tayutay sa teksto/akda +PAGTUKOY, kaya ng mag-aaral na tukuyin/sabihin ang uri ng tayutay na ginamit sa teksto/akda
+PAGBUO, (may padron man o wala) may kakayahan ang mag-aaral na gumawa ng halimbawa ng pahayag na may tayutay
*dito makapipili ang guro ng pagsasanay na aangkop sa pangangailangan ng klase
Unang Markahan: Linggo 8“Ang Pintor” ni Jerry Gracio
*Pagbigkas ng Tula- saulado man o binabasa, kailangang malinaw sa
mag-aaral ang nilalaman at konteksto ng kaniyang bibigkasing tula upang mas maging ganap at may sandigan ang paraan ng pagbigkas niya rito:
- Hal. ng rubrik ng pagbigkas ng tula:Lakas (Volume) 20 17 15 12
Bigkas (Pronunciation)
20 17 15 12
Ginhawa (Self-Confidence, Comfortability)
20 17 15 12Kulay (Emotion,
Color)20 17 15 12
Ugnay (Audience Impact)
20 17 15 12
Unang Markahan: Linggo 9
Impeng Negro ni Rogelio R. Sicat
*Pagbubuod ng Maikling Kuwento
Unang Markahan: Linggo 9Impeng Negro ni Rogelio R. Sicat
*Pagbubuod ng Maikling Kuwento -pabigkas man o pasulat, kailangang matiyak sa mga mag-aaral na sa pagbubuod, dapat tandaan na:
^malinaw pa rin ang daloy ng pangyayari^nailalarawan pa rin nang maayos ang mga tauhan at ang kanilang
papel sa kuwento^natutukoy ang mga lugar at panahon na pinangyarihan ng kuwento^nag-iiwan sa tagapakinig o mambabasa ng kakaibang dating at
pag-unawa kahit buod lamang ang napakinggan o nabasa
Unang Markahan: Linggo 10
Ang Ambahan ni Ambo ni Ed Maranan*Pagbubuod at Presentasyon
Unang Markahan: Linggo 10Ang Ambahan ni Ambo ni Ed Maranan
*Pagbubuod at Presentasyon- ang pinakamabigat na pagsubok sa bahaging ito ng guro at mag-
aaral ay ang matiyak ang katapatan sa paksa ng nilalaman at presentasyon- para sa guro, mahalagang itanong ang sumusunod sa mag-aaral na
magtatanghal:Nakasunod ba sa mga panuto?Angkop ba ang presentasyon sa paksa at nilalaman? Malinaw ba ang layunin ng gawain para sa lahat ng miyembro?Anu-ano ang naging o magiging balakid para sa ikatatagumpay ng pangkatang gawain?Anu-ano ang posibleng solusyon para sa
mga nabanggit na balakid?