Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Chiu, Ina Cathrina R.
Esguerra, Princess Mhyco L.
Guiñez, Abigail Ann A.
Ocampo, Rosemarie Czarina S.
Salacup, Esther Eunice U.
Isang Panahunang-Papel na Ipinasa kay
G. Jerome A. Ong
Departamento ng Agham Panlipunan
Kolehiyo ng Sining at Agham
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Setyembre 2010
Talaan ng Nilalaman
I. Introduksyon
A. Layunin
B. Sakop at Limitasyon ng papel
C. Kahalagahan ng papel
II. Panahon ng mga Espanyol
A. Ano ang mga sakit
1. Rinderpest
2. Cholera
3. Malaria
B. Epekto ng mga sakit sa Pilipinas
III. Panahon ng mga Amerikano
A. Ano ang mga sakit
1. Rinderpest
2. Surra
3. Anthrax
4. Hemorrhagic Septicemia2 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
5. Strangles
6. Tuberculosis
B. Epekto ng mga sakit sa Pilipinas
IV. Pagsusuri
V. Pagtatapos
VI. Bibliograpiya
I. Introduksyon
Isa sa pinakaseryosong problema noong unang panahon, simula 1521-1941, o noong
panahon ng mga Espanyol at Amerikano sa Pilipinas, ay ang mga sakit na kumitil sa libo
libong tao sa bansa. Ngunit, hindi lang ang mga tao ang natatamaan ng mga sakit. Natamaan
rin ng iba’t ibang sakit ang mga hayop. Nakamamatay at nakahahawang mga sakit ang
tumama sa Pilipinas at kumitil sa maraming hayop.
Sa loob ng halos tatlong dekadang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas,
maraming naisulat ang mga historyador ukol sa mga nangyari sa bansa. Subalit, ang mga
nakasulat na dokumento ukol sa mga sakit ng hayop ay limitado lamang sapagkat ang mga
sakit lamang ng tao ang binigyang pansin.
Ang sakit na Rinderpest ang pinagtuunan ng pansin dahil ito ang pangunahing sakit ng
mga hayop noong mga panahong iyon, hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa buong
mundo.
3 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Ang unang yugto ng ika-20 siglo ang nagpasimula sa pananakop ng mga Amerikano
sa Pilipinas. Hindi pa rin napupuksa ang sakit na Rinderpest na itinuturing na salot sa bansa,
kung kaya’t sa unang yugto ng ika-20 siglo sumibol ang Veterinary Medicine sa Pilipinas.
Dahil sa pagkabuo ng Veterinary Medicine sa bansa, nagsimula na ang pagsulat ng mga
dokumento ukol sa mga sakit ng mga hayop.
A. Layunin
Ang makabuo ng isang komprehensibong pagsisiyasat na nakatuon sa mga
sakit ng mga hayop sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas mula 1521 hanggang 1941.
Mabigyan ng makabuluhang depinisiyon ang mga nabanggit na sakit ayon sa mga
sintomas at deskripsiyon nito. Nais din ng mga may-akda na mailahad ang iba’t ibang
aspekto ng mga sakit sa isang organisadong paraan na naaayon sa panahon, lugar at
epekto nito sa lipunang Pilipino.
B. Sakop at Limitasyon ng Papel
Ang papel na ito ay limitado lamang sa mga taong 1521 hanggang 1941
o sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol at mga Amerikano sa Pilipinas. Tinalakay
ng papel ang mga karamdaman ng mga hayop na may malaking epekto sa Pilipinas
ang at hindi na ang iba pang mga karamdaman. Dahil sa kawalan ng mga dokumento
ay hindi naisasaad sa papel na ito ang mga partikular na lugar kung saan lumaganap
ang ibang mga sakit.
C. Kahalagahan ng Papel
4 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Karamihan sa mga sakit ng mga hayop ay umusbong o nagmula pa noong unang
panahon, partikular na sa panahon ng mga Espanyol at Amerikano. Ang mga sakit din na
nararanasan ng mga tao sa kasalukuyan ay nagmula sa mga hayop. Sa pagtatalakay ng mga
karamdaman ng mga hayop noong panahon ng mga espanyol at kastila, malalaman natin ang
pinagmulan ng mga sakit na problema ng lipunang agrikultural sa kasalukuyan.
Sa pamamagitan rin ng papel na ito, nalaman ang dahilan ng pagbubuo ng Veterinary
Medicine sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, marami nang mga sakit ng hayop, tulad ng Mad Cow disease at Bird
Flu, ang kumakalat. Dahil sa napuksa ang Rinderpest bago matapos ang panahon ng mga
Amerikano sa Pilipinas, mahalagang mapag-aralan kung paano ito napuksa, kahit na hindi pa
ganoong kalawak ang kaalaman ng mga tao hinggil sa paghahanap ng lunas sa isang sakit.
I. Panahon ng Espanyol
A. Saan lumaganap ang mga sakit
B. Ano ang mga sakit
1. Rinderpest
Unang lumaganap ang sakit na Rinderpest noong ika-5 siglo at ito ay itinuring
na isa sa mga sakit ng baka na nagdulot ng pinakamatinding epekto sa lipunan.
Lumaganap ito sa Asia buhat sa Tsina sa panahon ng pananakop ng mga
Monggolyan at dahil sa kalakalan ay lumaganap din sa Dagat Caspian at Dagat
Black. Unang napansin ang karamdamang ito sa Taytay noon patapos na ang taong
5 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
1887. Kung paano umabot ang haykap sa Pilipinas mula sa Tsina o sa Hong Kong
ay hindi natin alam. Naniniwala ang mga eksperto na haykap ng rinderpest ay
umabot sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-aangkat ng mga baka para sa breeding
purposes.
2. Ang pag-aalsa ng mga Tagalog laban sa mga Espanol ay isang dahilan sa
paglaganap ng rinderpest sa iba pang bahagi ng Pilipinas. Ang mga Pilipinong
tumatakas mula sa kaguluhan ay sinama ang kanilang mga baka sa pag-alis, at may
iba pang mga hayop na ninakaw at dinadala sa iba pang mga lugar. Ang
paglalakbay ng mga tauhan kasama ang kanilang mga hayop na posibleng
nagdadala ng rinderpest ang pangunahing dahilan kung bakit ang haykap ng
rinderpest ay umabot sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Ang Rinderpest o Cattle Plague ay isang nakahahawa at nakamamatay na sakit
na malimit na dinaranas ng mga hayop tulad ng kalabaw, usa, kambing, baboy at baka.
Ang sakit na ito ay maaring maisalin sa pamamagitan ng pagkikiskisan ng nguso at
paglalanghap ng haykap na napapasa mula sa nahawaang hayop kapag ang mga hayop
ay magkalapit-lapit sa isa’t isa. Naipapasa ito sa pamamagitan ng dugo, dumi, laway,
luha, gatas at ihi sa isang hayop mula sa isang may sakit na hayop.
Ang unang tanda ng pagkakaroon ng rinderpest ay ang pag-akyat ng
temperatura ng hayop na sinusundan ng pagkawala ng gana sa pagkain,
panunuyo ng nguso, kombulsyon at panghihina. Bukod pa rito ay nagkakaroon
din ng pagkawala ng kintab at lambot ng balahibo sa mga baka. Dahil sa
namumuong sipon ay nagbabara ang nguso ng mga hayop at pagkaraan nito,
6 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
sila ay nagmumuta. Nakararanas ang mga may sakit ng paninibi at pagkaraan
ng ilang araw naman ay pagtatae na may kaakibat na pagdurugo. Sa mga
maituturing na malubhang kaso, mas mabilis ang pamamayat at panghihina.
Ang tagal ng pagkakasakit ng isang hayop ay naaayon sa lakas ng resistensiya
nito at sa tindi ng sakit. Mabagal kumalat ang sakit na Rinderpest at maaring abutin ng
ilang linggo bago ito kumalat sa isang lipon ng hayop. Ayon sa mga eksperto, mas
matindi ang epekto ng sintomas ng Rinderpest sa mga unang araw ng pagkakasakit at
sa ilang pagkakataon, ito ay nakapapatay sa loob ng ilang araw lamang.
2. Cholera
Depinisyon
Ang kolera ay isang malubhang sakit na sanhi ng bakteryang Vibrio cholera na tipikal
na makikita sa anyong tubig katulad ng lawa at ilog. Ang kolera ay napapasa sa hayop sa
pamamagitan ng nahawaan na pinagmulan ng tubig. Ang kontaminasyon ay nagmumula sa tae
ng apektadong hayop. Ang kolera ay nakakaapekto sa ilang hayop at nagsasanhi ng pagtatae,
pagsusuka, dehydration, at pagkakagulat. Ang kamatayan ng hayop ay mangyayari ng ilang
oras lamang kapag hindi ginamot.
Karamihan ng hayop ay hindi nagkakaroon ng sakit na kolera. Ang aso ay puwede
lamang maapektohan kapag ito ay nailantad sa malaking numero ng Vibrio Cholerae sa
pagkain o kaya’y sa tubig. Ang pagsiklab ng kolera ay nakita bison, baka, at aso.
7 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Transmisyon ng Sakit
Ang hayop ay puwedeng mailantad sa bakterya sa pamamagitan ng paglunok o
pagkain. Ito ay makikita sa pagkakalantad sa tae galing sa apektadong hayop, sa tubig at
pagkain na kontaminado ng tae o kaya’y sa hindi lutong kabibe.
Halos lahat ng hayop na apektado ay hindi magpapakita ng anumang sintomas. Kapag
ang sakit ay nagpakita na, ang hayop ay maglalabas ng maraming taeng tubig at suka. Sa
ganitong dahilan ay mabilisan silang mauubusan ng nutrisyon at tubig sa kanilang katawan na
magsasanhi ng kanilang pagkamatay.
3. Malaria
Ang malaria ay isang epidemiya na may mas mabisang epekto sa tao kaysa sa hayop.
Bagama’t ang malaria ay hindi napapasa mula tao papunta sa hayop, marami pa ring mga
hayop noong panahon ng mga Espanol ang namatay dahil sa sakit na ito sapagkat ang parasite
na nagdudulot ng sakit na ito, hindi katulad nang sa tao na galing sa kagat ng lamok, ay
nakukuha pa rin ng mga hayop mula sa pagkain o sa tubig.
Ang sanhi ng malaria ay ang parasito na tinatawag na Plasmodium. Ang maliit na parasitong
ito na binubuo ng isang cell lamang ay unang lumulusob sa atay, magbabagong-anyo upang
makalusot sa red blood cells, magsisimula nang dumami at kumalat pa sa ibang red blood cells. Sa
ibang kaso ng malaria, ang mga mga nahawaang red blood cells ay bumabara sa malalaki at maliliit
na ugat sa ulo na siyang magiging dahilan ng kamatayan.
8 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Ang mga sintomas na ang isang hayop na mayroong malaria ay lagnat na dulot ng pagsisikap
ng katawan na patayin ang banyagang parasito. Kapag ang sakit ay hindi nagamot kaagad,
mamamaga ang pali at ang atay, nagkakaroon ng kubusdugo, at naninilaw ang balat ng biktima ng
sakit. Ang kubusdugo at ang panlalambot o pagbabara ng mga ugat sa utak ay ang pangungahing
dahilan ng pagkamatay dahil sa malaria.
C. Ano ang epekto ng mga sakit
Ang Rinderpest, Malaria at Kolera ay tatlong malulubhang sakit ng mga hayop na sabay sabay
na lumaganap sa Pilipinas. Dahil sa sabay sabay na pagkalat ng mga sakit na ito, minsan na ring
napagkamalan na ang tatlong sakit na ito ay may kinalaman sa isa’t isa. Ang katotohanan, iba-iba
ang mga nabanggit na sakit, ngunit pare-pareho ang mga epekto nila sa lipunan ng ating mga ninuno.
Kapag hinahayaang lumala ang sakit, iisa lamang ang tutunguhan ng mga hayop: kamatayan.
Ang karamihan sa mga namamatay na hayop ay tinatapon sa ilog, inaasinan at kinakain o binibilad sa
araw. Ang iba naman ay sinusunog o inililibing.
Sa pagkamatay ng mga kalabaw, nahirapan ang mga magsasaka na mag-araro ng lupa. Ang
lupang hindi naararo ay siyang naging breeding grounds ng mga amopheline mosquitos na nagdadala
ng mga sakit, katulad ng malaria. Ang bilang ng mga insidente ng pangangagat ng mga lamok na ito
ay tumaas at nagdulot ng mga sakit pati na sa mga tao na siyang naging dahilan ng paghina ng labor
force.
Dahil sa pagkamatay ng mga hayop, lalo na ng mga baka at kalabaw, ang agrikultura iba’t-
ibang lugar ay humina nang ilang taon. Sa Taytay, kung saan pinakaunang umiral ang Rinderpest,
tumigil ang agrikultura at komersyo dahil sa pagkakasakit ng mga hayop. Sa Tuy, Batangas, dahil sa
9 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
tatlong taon ng pag-balewala ng mga sakahan na sanhi ng kakapusan ng kalabaw na tumutulong sa
pag-aalaga ng araruhan, ang mga sakahang ito ay nagmukhang ilang. Ang mga pueblong dating
prodyuser ng palay at tubo ay nagkaroon na ng mga lupang napupuno ng damo. Ayon sa isang doktor
ng Bulacan noong mga panahong iyon, ang Rinderpest ay nagdulot ng “matinding pagkasira at
pagkamatay ng libo-libong bovine creatures, na tumungo sa pagbabago ng buong proseso ng
agrikultura.” Noong 1888, nasa 20 libong kalabaw na ang namatay dahil sa rinderpest. Apat na taon
ang lumipas nang nagsimula ulit sa pagtatanim ang mga magsasaka. Ang agrikultural na produksyon
ng Luzon ay hindi gumaling ulit hanggang 1893 nang nag-angkat at nagdagdag muli ng mga kalabaw
sa bansa.
Dahil sa pagkamatay ng maraming hayop na sanhi ng paglaganap ng mga epizootic ay
naapektuhan din ang paglalayag sa iba’t ibang anyong tubig sapagkat ang mga kapitan ay
nahihirapang mag-navigate ng kanilang mga barko dahil sa mga katawan ng patay na hayop na
nakalutang sa tubig.
Nagdulot din ang mga sakit na ito ng gutom at malnutrisyon sa mga tao, sapagkat
nagkukulang na ang ani ng mga magsasaka. Sa Pangasinan, ang panustos ng palay ay nabawasan, at
nagtungo ito sa matinding pangangailangan na mag-angkat ng palay mula sa bayan ng Cochin sa
Tsina upang mapuna ang kakulangan sa suplay. Ang ibang probinsya naman ay may parehong
karanasan dahil ang mga taniman ay naiwang walang laman, at kung may maani man ay nabubulok
lamang sapagkat walang magagamit na kalabaw para madala ang mga produkto sa pamilihan. Ang
presyo ng kalabaw ay kusang tumaas din. Sa taong 1888, ang presyo ng isang hayop, mula sa Pfs 12-
15 ay biglang naging Pfs 35-40. Dahil doon, ang mga pamilyang nasa gitnang uri ng lipunan ay hindi
nakakabili ng panibagong hayop para maipagpalit sa namatay.
10 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Nasalanta ang mga katutubo nang ilang taon dahil sa sabay na paglaganap ng Rinderpest at
Malaria. Noong 1888 hanggang1889, lumaganap ang Malaria sa panahon ng pag-aani at umiral pa rin
ito hanggang sa sumiklab ang Kolera noong simula ng tag-ulan at nagkaroon ng ideyal na kondisyon
para sa transmisyon ng mga water-borne diseases.
Habang ang malaria ay lumalaganap na sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, biglang umusbong
ang malubhang epidemya ng kolera ng 1889. Ang malaria at kolera ay nagdulot ng mga mabalasik na
epekto, lalong lalo na dahil magkasabay silang sumiwalat. Kahit na mas malala ang karamdamang
dulot ng kolera, mas marami ang namatay dahil sa malaria. Ang malaria ay may mas matinding
epekto sa produktibo ng mga Pilipino. Habang ang kolera ay umiiral lang nang mga tatlong buwan
habang, ang malaria ay pabalik-balik sa mga nabubuhay mula sa sakit at patuloy-tuloy na napapasa sa
iba pang mga hayop.
Nang sa wakas ay nahanap na ang lunas sa mga sakit, naubos na rin ang mga hayop na siyang
dapat gamitin para magsimula na ulit ng agrikultura.
III. Panahon ng Amerikano
A. Saan lumaganap ang mga sakit
B. Ano ang mga sakit
1. Rinderpest
Ang rinderpest ang pinakamalubhang karamdaman ng mga hayop sa
kasaysayan ng Pilipinas. Una itong sumibol noong panahon ng mga Espanol,
at ito ay lalong luaganap sa Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano.
Nang matapos ang pag-aalsa at paglalaban ng mga Tagalog sa mga Espanol,
11 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
maraming Pilipino ang umalis sa kani-kanilang tahanan at lumipat sa ibang
lugar, kasama ang kanilang mga alagang hayop na posibleng nagdadala ng
haykap ng rinderpest. Ang paglilipat-tahanan na ito ang dahilan kung bakit
nakarating ang rinderpest sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Noong Mayo 1900, ang rinderpest ay umabot na sa mga kalabaw at
baka ng Aparri, Cagayan, sa hilagang dulo ng Luzon at patuloy na
ikinamamatay ng mga hayop. Sa kalagintnaan ng 1900, naapektohan na rin
ang timog-silangang Luzon. Ang sakit ay lumaganap papuntang Alabay at
Camarines Sur. Sa Nueva Caceres naman, halos lahat na ng kalabaw at baka
ay namatay dahil sa sakit. Sa Pili, nakapalibot sa Bicol River ang mga
katawan ng mga kalabaw at baka at ang nalalanghap na ng mga tao ang
mabahong hangin na dulot ng pagbubulok ng mga katawan nito. Noong
January 1901, lumagpas na sa Luzon ang rinderpest. Umabot na ito sa
silangan Visayas.
Upang maiwasan ang matitinding epekto ng rinderpest sa kabuhayan ng
mga tao noong panahon, binigyan ng mga Amerikanong opisyal ang mga
kauna-unahang beterinanryo ng Pilipinas ng tungkuling magsagawa ng
inspeksyon ng lahat ng karne ng baka at magsuri ng mga kuwadra upang
masiguro na malinis ang kapaligiran ng mga hayop. Noong 1911, isang
Gobernador Heneral na nagngangalang William Cameron Forbes, ang
Direktor ng Bureau of Agriculture noong panahon, ay nagsagawa ng pagkilos
upang puksain ang rinderpest sa bansa sa pamamagitan ng mahigpit na pag-
12 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
quarantine ng mga apektadong hayop. Muntik nang magtagumpay ang
pagkilos na ito ngunit ang ibang gobernador ng mga probinsaya aynagsagawa
ng mga programa para sa desentralisasyon ng kani-kanilang mga barangay na
siyang nagdulot ng muling pagkabuhay ng rinderpest.
2. Anthrax
Ang Anthrax ay isang malubhang sakit na nakamamatay at nakahahawa
sa mga kalabaw, baka, kabayo, baboy, kambing, tupa, ibon, at sa warm-
blooded na hayop sa kadahilanan ng bakteryang Bacilli anthracis. Ang
bacillus ay may binlit na hindi madaling mapapatay ng pamatay ng mikrobyo
at mataas na temperatura at ang binlit ay maaring mabuhay ng taon sa lupa.
Transmisyon
Ang sakit ay maaaring maipasa ng direkta sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Maaari rin itong maipasa sa hindi direktang paraan sa pamamagitan ng tao,
ibon, aso, kambing, baboy, damo, at sa tubig at lupang nagtataglay ng binlit
ng bacillus. Ang anthrax ay nagsisimulang lumaganap tuwing umpisa ng tag-
ulan at nagtatapos ng Agosto. Ang organismong ito ay nagiging mas
makamandag tuwing may pagbabago sa klima.
Sintomas
13 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Nakikita ang sintomas ng sakit na ito sa mararaming paraan. Sa ibang
pagkakataon, ang mga hayop ay bigla na lamang namamatay nang walang babala
at wala man lang pinapakitang sintomas. Mayroon ding pamamagang lumalabas
sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, o kaya’y sa paanan. Ang hayop ay nagmumukhang
mahina at pagewang-gewang sa paglalakad. Ang mata ng may anthrax ay
namamasa-masa habang ang kanilang tae ay matigas at may dugo. Lumalambot
ang kanilang tae habang dumarami ang nakahalong dugo rito. Ang hayop na may
sakit ay kaunti lamang ang kinakain. Sa malubhang kaso, ang hayop ay bigla
bigla na lamang namamatay habang nagtatrabaho , nakatayo, o kaya ay sa gabi.
Panginginig at pagkokombulsyon ang makikita na sintomas sa hayop bago ito
mamatay. Sa hindi gaanong malubhang kaso, ang hayop na may sakit ay maari
pang mabuhay ng dalawa hanggang siyam na araw at kung ito ay gumaling, ang
kanyang temperatura ay unti-unting bababa. Ang sakit ay mas malubha sa umpisa
kumpara sa katapusan nito. Sa simula ay mabibilang lamang ang nagtataglay ng
sakit ngunit biglang dadami ang mahahawa sa may impeksyon pero pagdating
huli ay kakaunti lamang ang tunay na mabibiktima na sakit na anthrax. Ang mga
hayop na nakaranas ng matinding pag-atake ng sakit ang siyang mabubuhay at sa
kabaliktaran naman ang hayop na nagpapakita ng anumang sintomas ay siyang
mas maagang namamatay.
3. Rabies
Ang Rabies ay isang nakakahawang sakit ng hayop na maaring maipasa sa
pamamagitan ng laway, luha, gatas at ihi. Ito ay malimit na nakikita sa mga
14 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
alagang hayop o mga hayop na naninirahan malapit sa mga tao tulad ng: aso,
pusa, baka, daga at kabayo. Maari din mahawa ang tao ng Rabies sa pamamagitan
ng kagat ng isang hayop na may sakit at ang epekto nito sa tao ay halos iisa
lamang ng sa hayop.
Sintomas
Madaling makita ang sintoma ang Rabies ngunit malimit paring namamatay ang mga
tinatamaan ng sakit na ito. Mahaba ang incubation period ng Rabies at ang mga sintoma nito ay
lumalabas lamang pagkaraan ng sampung araw o kung minsan ay ilang taon; at dahil dito’y mahirap
maagapan ang paglala nito. Meroong dalawang uri ng Rabies na naaayon sa mga sintmomang
ipinapakita ng may sakit. Ang una ay ang Furious Rabies at ang pangalawa naman ay ang Dump
rabies.
Ang Furious Rabies ay kadalasang nakikita sa mga aso’t pusa. Ito ay ang uri ng Rabies kung saan
nagiging labis na agresibo at sensitbo ang mga hayop sa kapaligiran. Sa simula ng mga sintoma ay
maaring mapansin ang pagkakaroon ng pagbabago sa ugali ang hayop tulad ng: kawalan ng gana at
labis na pagpapakita ng agresyon na madalas na nahahantong sa pangangagat. Nawawalan rin ang
hayop ng nais maglaro at lumabas at malimit ay natutulog. Susunod dito ay ang pagkaparalisa ng
panga, na nagdudulot ng paglalaway, at lalamuna, na nauuwi sa pag-iiba ng tahol ng hayop. Sa ibang
kaso ay dumadahak ang hayop dahil sa nahihirapan itong lumunok ng pagkain. Ang huling yugto ay
ang tuluyang pagkaparalisa ng hayop. Ang pagkaparalisa ng baga ang malimit na ikinamamatay ng
may sakit.
15 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Ang mga sintoma ng Dump rabies ay masasabing kasalungat ng sa Furious Rabies. Nagsisimula ang
Dump Rabies sa pagkaparalisa ng ulo at leeg ng hayop. Sa kalaunan ay magkakaroon ng kahirapan sa
paglunok ang hayop at lubusan itong mahihina hanggang sa hindi na ito makagalaw.
Anumang uri ng rabies ay madalas na nakamamatay para sa isang hayop dahil sa
ito ay virus na nakakaapekto sa utak at nervous system. Pumapasok ito sa RNA
structure ng isang organismo at magpaparami sa may bahagi ng ulo, Central
Nervous system at Salivary Glands.
3. Hemorrhagic Septicaema
Ang Hemorrhagic Septicaema ay isang malubha at sadyang nakakahawang
sakit na nakakaapekto sa halos lahat ng maamo pati na ang mabangis na hayop, ngunit
mas naapektuhan ng sakit ang mga baka, tupa, baboy, at manok.
Transmission
Ang sakit na ito ay dala ng samu’t saring napakaliit na mikrobyong
(Pasteurellosis) hugis itlog na mahahanap sa dugo at tissue ng hayop na may
Hemorrhagic Septicaema. Ito ay nakikita sa lupa, sa tubig na mabagal ang paggalaw o
kaya’y sa nakatigil na tubig, sa iba’t ibang halaman, at sa lahat ng nabubulok.
Sintomas
16 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Sa normal na kondisyon, hindi ito nakakasama ngunit sa mga piling kondisyon,
ang sakit ay nagiging sadyang mapanganib at nakamamatay. Ang masasamang epekto
ng sakit ay panghihina ng resistensiya sa katawan ng hayop na sanhi ng sipon, sobrang
pagtatrabaho o kaya’y kakulangan sa pagkain. Ito ay nakapapasok sa katawan ng
hayop sa pamamagitan ng maruming pagkain, o kaya’y hadhad at sugat balat.
Ito ay kasimbilis kumalat katulad ng sakit na Anthrax. Ang hayop na mukhang
malusog ay bigla nalang iikot ng isa o dalawang beses at biglang mamamatay. Kung
ang sakit ay mas mahaba sa normal na binangit, ang may sakit na hayop ay biglang
titigil kumain, ang kanyang pulso ay bibilis, at ang kanyang temperatura ay aakyat ng
40 C. Ang kanilang balahibo ay mukhang magulo at magaspang. Ang mucous
membrane ng kanilang bibig, ilong, at mata ay nagpapakita ng malilim na pulang
kulay. Kapag ang kurso naman ng kanilang sakit ay mas mahaba ng ilang oras, may
maliliit na tagasdugong batik na matatagpuan sa ibabaw ng mucous membrane lining
na kulay asul o kaya’y lila na matagpuan sa butas ng ilong. May matatagpuan ring
malaki, mainit, at masakit na pamamaga sa ilalalim ng kanilang lalamunan at sa
pagitna ng kanilang ibabang panga. Sa ibang kaso, ay umaabot ang pamamaga ng 4-6
inches kakapal, at minsan ito ay nagmumula sa leeg hanggang dibdib. Ang paghinga
ng hayop ay apektado at hirap na hirap sanhi ng matinding pamamaga sa lalamunan na
magiging sanhi ng pagkamatay ng hayop. Ang kanilang mga bibig din ay puno ng tuyo
at mahibla na laway habang ang kanilang mga dila ay nakalabas lamang. Minsan, sa
ganitong kondisyon, ang hayop ay nagtatagal ng isa hanggang apat na araw, ang hayop
ay nagkakaroon ng sintomas ng pneumonia at matinding panankit ng tiyan. Sila ay
17 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
nanginginig sa simula ng sakit at pagkatapos ay magkokombulsyon. Minsan ang
kanilang tae ay matigas at natatakpan ng makapal na mucus na may halong dugo,
habang ang iba ng kasong malubha ay may matubig na diarrhea water diarrhea na
may dugo.
4. Surra
Origin
Ayon kay Dr. Griffith Evans, kilala na ang Surra sa India simula pa noong 1880
(Salmon and Stiles, 1902). Ang pagdating ng Surra sa Pilipinas noong 1901 ay hindi pa
gaanong napansin ngunit napag-alamang ang sakit ay dinala ng mga English troops mula sa
Tsina hanggang sa India at sa kalaunan ay dinala ng mga American troops mula Tsina
hanggang Pilipinas. Ang pagkakatuklas ng Surra sa mga kabayo sa Pilipinas ay nagdulot ng
pagbabawal sa pagluluwas ng kahit anong hayop mula Pilipinas hanggang Amerika
(Salmon and Stiles, 1902).
Depinisyon
Ang surra ay isang nakakahawang sakit na umaatake sa mga kabayo, kalabaw,
baka, pusa, usa at kambing. Ito ay dulot ng haemoflagellate na Trypanosoma evansi. Ayon
kila Salmon at Stiles (1902), ang T. evansi ay unang nadiskubre noong 1901 ni Drs. Slee at
Kinyoun mula sa dugo ng mga katutubo at dayuhang kabayo. Ang Surra ay mas kilala
bilang isang sakit na pumapatay sa mga kabayo, samantalang nagdudulot ito ng
karamdaman sa mga baka at kalabaw, at kung minsan ay gumagaling sila. Subalit, kapag
18 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
ang sakit na ito ay sumiklab sa unang pagkakataon sa isang lugar, ang mga baka at kalabaw
ay namamatay kaagad gaya ng sa kabayo.
Ang Surra ay lubhang nakamamatay sa mga kabayo. Ang mga kalabaw, tupa,
kambing at baboy ay hindi na tinatablan ng T. evansi. Nagbabahay ang mga T. evansi sa
mga hayop na nabanggit , nang walang pinapakitang kahit anong sintomas. Ngunit,
lumalabas ang mga sintomas ng Surra sa mga hayop na ito kung sila ay exposed sa severe
stress tulad ng mahabang biyahe, pagkagutom at sobrang trabaho.
Sintomas
Maraming sintomas ang Surra tulad ng Anemia, pagpapayat kahit na may gana namang
kumain, pa-ulit ulit na pagbaba at pagtaas ng temperature resulta nito ang panunuyo ng balat,
panghihina ng mga paa, depresyon, prostration recumbency, paroxysmal trypanosome parasitemia,
pagmamanas ng katawan at pagkamatay.
Ang iba pang mahalagang sintomas na nakikita sa may mga sakit na Surra ay pagbaba ng
kakayahang magparami dahil sa kawalan ng ganang makipagtalik, pamamaga ng bayag (de Jesus
1963; de Villa et al. 1991); kinakikitaan rin sila ng iba’t ibang senyales ng pangangamba tulad ng
paikot ikot na galaw, panginginig, pagiging agresibo, running aimlessly and sudden collapse in
severely stressed and overworked cattle and buffaloes. Ang mga allergy at matinding pag-uhaw ay
nakita rin sa mga kabayo. Lumaganap rin ang aborsyon sa mga baka (Manresa 1935; Cresencio et al.
1994)
Transmission
19 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Ang Surra ay naipapasa mechanically sa pamamagitan ng mga insekto na sumisipsip ng dugo,
tulad ng Horseflies, stableflies, Buffalo Flies, at mga lamok. Ang iba namang insekto na hindi
sumisipsip ng dugo tulad ng Houseflies ay maaari ring makapag-transmit ng T. evansi kapag may
nainom silang dugo ng hayop na may sakit na Surra, galing sa sugat o mucous membrane ng hayop
na iyon. Kapag kinain rin ng kahit na anong carnirorous ang laman o dugo ng hayop na may sakit, ay
maaari rin silang mahawahan. Intra-uterine infection was not found n 15 calves borned from infected
mother. On the contrary, kinakitaan ng congenital transmission in calves from T. evansi positive
dams.
5. Glanders
Ang Glanders ay isang nakakahawang sakit na karaniwang matatagpuan sa mga
kabayo. Ang iba pang mga hayop tulad ng aso, pusa at kambing, ay maaari ring magkaroon ng
Glanders kapag
Ang strangles ay isang labis nakakahawa at malubhang sakit na sanhi ng bakteryang
Streptococcus equi. Ang pangalang strangles ay nagmula sa parang sinasakal na paghinga ng mga
kabayo, na sanhi ng paglaki ng kanilang kulani sa sihang. Ang unang makikitang sintomas sa kabayo
ay mataas na lagnat, mahina ang pagkain, at depresyon. Makikita rin ang lumalabas na manipis at
matubig na nana sa butas ng ilong ng kabayo. Ang nanang na ito ay biglang magiging malabnaw at
kulay dilaw. Ang mga iba pang nakikitang sintomas ng sakit na ito ay malubhang pamamaga ng
mucosa sa ulo at lalamunan. Makikita rin ang pamamaga at minsan ay pagputok ng kulani.
6. Strangles20 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Ang strangles ay isang labis nakakahawa at malubhang sakit na sanhi ng bakteryang
Streptococcus equi. Ang pangalang strangles ay nagmula sa parang sinasakal na
paghinga ng mga kabayo, na sanhi ng paglaki ng kanilang kulani sa sihang.
Sintomas
Ang unang makikitang sintomas sa kabayo ay mataas na lagnat, mahina ang pagkain,
at depresyon. Makikita rin ang lumalabas na manipis at matubig na nana sa butas ng ilong ng
kabayo. Ang nanang na ito ay biglang magiging malabnaw at kulay dilaw. Ang mga iba pang
nakikitang sintomas ng sakit na ito ay malubhang pamamaga ng mucosa sa ulo at lalamunan.
Makikita rin ang pamamaga at minsan ay pagputok ng kulani.
Ang strangles ay makaka-apekto sa mga kabayo sa kahit anong taon, ngunit ito ay
madalas na nakikita sa mga taong isa hanggang limang taon. Ang sakit na ito ay karaniwang
nakukuha sa ibang kabayo na naglalabas ng bakterya o kaya sa panahon ng pagkakasakit o sa
dulo ng pagkakasakit ng apektadong kabayo. Ang sakit na ito ay kadalasang nakikita sa grupo
ng mga kabayo. Maaring ang isang kabayo na nagtataglay ng sakit ay hindi magpakita ng
sintomas ngunit ito ay puwede paring makahawa. Halos 20 porsyento ng mga kabayo ang
nakakahawa pagkalipas ng isang buwan na maglaho ang lahat ng sintomas nito.
Kapag ang kabayo ay nailantad na sa bakterya, ito ay magpapakita na ng mga sintomas
sa loob ng dalawa hanggang anim na oras. Magkakaroon ng nana sa kulani sa loob ng isa
hanggang dalawang lingo pagkatapos ng pasimula ng sakit kung hindi ito magagamot.
Karamihan ng kabayo ay makakabawi sa sakit, ngunit may sampung porsyento ng hindi 21 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
nagamot na kabayo ang mamatay, karaniwan sa pangalawang impeksiyon na nagsasanhi ng
pulmoniya.
Minsan, ang grupo ng mga nana na nagmumula sa kulani ay kakalat sa ibang aarte ng katawan ng
kabayo, katulad ng baga, at iba pang lamang loob, at kung minsan ay sa utak pa ng kabayo. Ang
tawag sa kondisyon na ito ay “bastard stangles”. Ang kondisyon na ito ay bihira lamang, ngunit
nakakamatay.
Transmission
Ang direktang pagkakasama sa pagitan ng mga kabayo ay ang karaniwang paraan upang ang
strangles ay mapasa, ngunit ang sakit ay puwede ring mailipat sa pamamagitan ng nahawaan na
kagamitan. Hindi maayos na pagkalinis ng pinaghahatiang balde, kabalyerisa, at tutos ay puwedeng
maging dahilan ng pagkakahawa ng sakit sa mga kabayo. Sa kabutihang-palad, ang bakterya ay
namamatay ng mabilisan sa kapaligiran.
Tuberculosis
Isa na ring sakit na naging malaking suliranin noong unang panahon ang Tuberculosis o Pagkatuyo.
Kung ating ibabase ang depinisyon nito sa The MERCK Veterinary Manual ito ay nangangahulugang
isang nakakahawa at granulomatous na sakit na dulot ng habishay ng pangalang Mycobacterium.
Naapektuhan nito ang karamihan ng mga hayop na may gulugod, isang uri ng hayop na lubhang
naapektuhan ng sakit na ito ay ang mga baka at sa kasalukuyang panahon ay laganap pa rin.
22 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Inabot pa ng taong 1882 bago nagkaroon ng opisyal na nabigyang buong pansin ang
kasakitang ito, pinangunahan ni Dr. Robert Koch, isang Aleman na siyentipiko, ang pag-aaral at
napatunayan niya na may mga maliit at pahabang organism na nagdudulot ng sakit kapag naipasa sa
ibang hayop. Katulad na rin ng ibang mga karamdaman sa mga hayop, ito ay pwedeng maisalin sa iba
sa pamamagitan ng pagpasa ng mga maliit na patak mula sa mga hayop na mayroon na nung sakit sa
iba o kaya naman ay ang pagkain ng mga nakontaminang pagkain, gatas o tubig.
May mga katangian na nagsesenyales ng pagkatuyo, nagsisimula ito sa lugar kung saan
nagkaroon ng impeksyon, madalas ay inaatake ang baga, dahil sa waks na pumapalibot sa
organismong ito, nahihirapan ang mga puting cell para makain ito. Sa mga panahong ito ang
nagkaroon ng pagkatuyo ay nakakaramdam ng pagkaantok kasama na ang pagkapayat na nagiging
dahilan ng pagkasira ng mga organs nilalaman. Pagkatapos nito ay lubos na pagkahina ang sumunod
at sa unang panahon ito ay humahantong na rin sa pagkamatay.
C. Ano ang mga epekto
Kahit iba-iba ang mga sakit sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
kumpara sa mga sakit noong panahon ng pananakop ng mga Espanol, ang mga epektong dulot ng
mga karamadaman ng mga hayop ay magkatulad lamang.
Ang mga sakit na nakatala ay iba’t ibang mga sanhi ng pagkamatay ng libo-libong mga hayop
sa Pilipinas, partikular na ang mga kalabaw at baka na silang pangunahing naapektuhan ng karamihan
sa mga sakit. Malubha ang epekto ng pagkamatay ng mga hayop na ito sapagkat ang mga sila at
tumutulong sa paghahanap-buhay ng mga Pilipino noong panahon. Malaki ang kontribusyon nila sa
agrikultura na siyang nagpapaunlad ng komersyo ng ating bansa.
23 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
Dahil sa mga epidemiya ng mga hayop, naapektuhan na rin ang mga tao. Naparalisa
ang kabuhayan ng mga Pilipino dahil nawalan sila ng mga kalabaw na tumutlong sa trabahong
pagsasaka. Ang produksyon ng palay sa Pilipinas ay napinsala, at sumunod na dito ang pagkagutom
ng maraming tao. Lalo nang dahil sa rinderpest ay nawalan ng istak ng sariwang karne ng baka ang
palengke. Ang amerikanong gobyerno ay napipilitan nang mag-angkat ng palay, karne at gulay upang
mapunan ang pagkukulang ng supply ng pagkain dito sa Pilipinas.
Ang mga ilog din ay napupuno ng mga katawan ng patay na kalabaw at baka, at nawawalan
ng kasariwaan ang hangin nang dahil sa amoy ng nabubulok nang mga hayop. Sa tangkang puksain
ang mga sakit ng hayop, lalo na ang rinderpest, malaki ang nagastos ng amerikanong gobyerno.
Dahil sa dumarami ang mga uri ng sakit at ang mga nahahawaan at namamatay na hayop,
sumibol na ang mga kauna-unahang beterinanryong Pilipino. Ang pagbubuo ng veterinary medicine
sa Pilipinas ay isang positibong epekto ng paglaganap ng mga epidemiya sa panahon ng pananakop
ng mga amerikano sa bansa.
**Bumaba ang ekonomiya ng Pilipinas. Umonti ang nakukuhang gatas at karne, poor
reproductive performance, lower value of affected animals, cost of labor and medications and decline
in crop production.
IV. Pagsusuri
Sa ating tuloy-tuloy na progreso sa kasalukuyang mundo madalas nating nakakalimutan na
karamihan sa ating nalalaman ngayon ay nagmula sa maraming taon na pag-aaral at pagsisiyasat sa
nakaraan. Gawin na lamang nating halimbawa ang Palagamutang Hayop, bilang mga mag-aaral hindi
natin nabibigyan ng sapat na halaga ang parte ng medisinang ito. Kailangang tandaan na ito ay
24 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
nakaapekto sa atin bilang Pilipino, sapagkat dumaan ang mga panahon kung saan lumaganap ang mga
sakit na hindi lamang sa tao nagbibigay ng problema kundi pati na rin sa mga hayop.
Ngunit kailangan ring tandaan na ang mga Pilipinas ay napasailalim sa maraming kritikal na
panahon at dalawa na rito ay ang kundisyon kung saan nanirahan ang mga Espanyol at Amerikano sa
ating bayan. Sa kanilang pananatili ay may dumating na oras kung saan kumalat ang mga epidemya
sa ating bansa.
Sa pagkakaiba ng panahon, kasama na ang konsiderasyon sa pagusbong ng medisina at
kaalaman sa dalawang panahon, makikita natin kung paano nagawang ibahin ng mga sakunang ito
ang paggalaw natin sa ating bansa at kung mayroon ba itong naging impact sa ating trato ng medisina
na naayon hindi lamang sa ating pangangailangan kundi pati na sa mga hayop na ating tinuturing na
mahalang parte ngating sibilisasyon at pamumuhay.
V. Pagtatapos
VI. Bibliography
Palagamutang Hayop by Gregorio Araneta
The Merck veterinary manual and handbook of diagnosis, therapy and disease
prevention and control for the veterinarian
Veterinary medicine by Blood, douglas, Charles
Agents of apocalypse by ken de bevoise
Small animal medical diagnosis by Michael d. Lorenz
25 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
The most common dangerous communicable diseases of animals in the Philippines
and their prevention by gregorio araneta
An Outline of the Infectious Diseases of Domestic Animals by Ivan Arthur Merchant
and Ralph D. Barner1
A century of veterinary medicine in the Philippines 1898-1998 by Mauro F. Manuel
http://www.horses-and-horse-information.com/articles/0196stran.shtml
http://www.omafra.gov.on.ca/english/livestock/horses/facts/03-037.html
Zoonoses: infectious diseases transmissible from animals to humans by: Hartmut
Krauss.. publisher: Washington, DC : ASM Press 2003 third edition
Veterinary epidemiology by michael thrusfield.. blackwell publishing third edition
http://en.wikipedia.org/wiki/Glanders
http://www.icassecretariat.org/node/273
http://www.cfsph.iastate.edu/FastFacts/pdfs/cholera_F.pdf
The Control and Eradication of Rinderpest in the Philippines, 1901-1941 by
Arleigh Ross D. de la Cruz (thesis paper)
- Sporadic Outbreaks of Surra in the Philippines and its Economic Impact.. Manuel,
M. F. The Journal of Protozoology Research, 8(3): 131-138. 1998.
http://ir.obihiro.ac.jp/dspace/handle/10322/288
- http://www.icassecretariat.org/node/273
- http://www.pvma.com.ph/history
- http://www.nap.edu/openbook.php?record_id=10733&page=11
26 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941
- http://www.wrongdiagnosis.com/m/malaria/symptoms.htm
- http://www.lenntech.com/library/diseases/malaria/malaria.htm
- http://www.manbir-online.com/diseases/rabies-4.htm
- http://www.animalhealthchannel.com/rabies/symptoms.shtml
- http://www.ehow.com/list_5848731_signs-symptoms-rabies-cattle.html
- http://www.helium.com/items/1495087-rabies-in-cattle-symptoms-and-prevention
27 | Mga Karamdaman ng mga Hayop noong panahong 1521-1941