Download - Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
1/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 1
MAKIBAKA:
Tulain mo ang Ating Paglaya!
KILOMETER 64 POETRY COLLECTIVE-
SOUTHERN TAGALOGALL RIGHTS RESERVED 2013
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
2/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 2
PAUNANG SALITA
Ang KILOMETER 64 POETRY COLLECTIVE SOUTHERNTAGALOG ay isang Pangrehiyong Balangay ng KILOMETER 64
POETRY COLLECTIVE o mas kilala bilang KM64 na nakabase saNational Capital Region.
Binuo ang KM64-ST bilang isang pangrehiyongorganisasyon ng mga manunula at mga makata ng sambayananmula sa Rehiyon ng Timog Katagalugan bilang tugon sa mgapanawagan ng mamamayan at sa kanilang pagtingin sa lipunan,at mailathala ang kanilang mga tula sa internet man, libro at saKalsada.
Ngayon, sa unang pagkakataon ay maglalabas ng libro angKM64 ST na Pinamagatang MAKIBAKA: Tulain mo angating Paglaya! Upang maipakita ang tunay na kalagayan ngmga magsasaka at manggagawang-bukid, manggagawa,kababaihan, karapatang pantao, pag-ibig sa sambayananat pagsusulong ng pakikibakang makabayan.
Maraming salamat sa mga taong nagpasa ng kanilang mga
tula para mabuo ang Librong ito.
Maraming Salamat din sa mga naging bahagi ng Librong ito.Una na ang KM64 na Pinangungunahan nina Rustum Gil Casiaat Pia Montalban, sa K.m. Poetry Quezon napinangungunahan nina Lenkurt Lopez, Noviembre El Drama atGem Aramil, at iba pa.
Maraming salamat at naway tangkilikin niyo ang librong ito.
Para sa Kapakanan ng Sambayanan,
ANGELO P. MADARANGTagapamahala, KM64 Southern Tagalog
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
3/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 3
TALAAN NG NILALAMAN
Mga Likha ni ALDRIN TANJUAN-Ang Mananahi
-Listahan ng Isa
-Si Laman
-Malay, dama, kaya
Mga Likha ni FAYE AMMARY GOMEZ-Kaisa ang Lupa
-Anong Kulay ng Hacienda
-Sayaw sa Alab
-Alab sa Talulot ng Rosas
-Taguan-Pung*
-Huling Liham para kay Berdugo*
Mga Likha ni ANGELO MADARANG-Mula sa Puso
-Manindigan
-Hustisya-Ina
-Milisyang Bayan
-Makabayan
Mga Likha ni ORLY MARCELLANA-Puno ng Niyog, Puno ng Hinagpis
-Pulang Bandila
-Panaghoy ng Bukid
-Huwag niyo akong Kahabagan
-Sino ang Dapat Managot
Mga Likha ni ICA CHIONG-Declaring Love, The Activist Way
-Tahan na
-Closed Lines
Mga Likha ni RUSTUM GIL CASIA-Habilin
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
4/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 4
By: Aldrin Tanjuan
Ilang dekada ka nang pumapadyak saFoot control ng iyong may-edad nang
makina
Pinulikat na ang iyong mga paa
Lumabo na ang iyong mga mata
Kaaaninaw sa maliliit na butas
ng mga Karayom
at pagdurugtong sa mga tela
na nabigyang halaga.
Napasma na ang iyong mga kamay
nabasa matapos ang magdamagan mong
paglalamay
upang tapusin ang iyong mga tahi
Nananakit na ang iyong batok
Nangangawit ang likod na
may nakasabit na medida
Maghapon kang nakaupo
Mas Madalas pa ito
Kaysa sa iyong pagtayo.
Kurtina, punda, kumot, bestida,
mga uniporme, baro ng poon,
damit pangkasal, pang-abay,
pinaliliitang mga t-shirt o kamiseta,
gown, short, pantalon,blusa,
amerikana, barong, basahan,
mga sirang bag, mga damit pambata,
at kahit anu pa mang
may punit, may butas, tagpiin, o sulsihin
ikaw ang eksperto
pagdating sa pagbibigay porma
sa tela at pagdidisenyo sa mga ito
ako nga ay namamangha sa husay ng
iyong likha,
dinadakila ko ang iyong mga gawa.
-----------------------------------------------
Katumbas ng iyong pagod
pagkapasma, pagpupuyat,
pagpapalipas ng gutom,
mabilis na pagputi ng iyong buhok,
nang paglabo ng iyong paningin
ay kakarampot na kita
na makukuha mo sa makalawa.
At doon pinagtatagpi-tagpi
sinusulsi
ang iyong diwa
kinukwenta ang halaga
na makukuha.
nagtatanong ka.
"sapat na kaya upang makabili
ng isang bagong kamiseta?"
Kalye Trese
Sept. 17, 2012
http://www.facebook.com/aldrin.tanjuanhttp://www.facebook.com/aldrin.tanjuan -
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
5/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 5
LISTAHAN NG ISA
By: Aldrin Tanjuan
Nakakunot noo
pinagmamasdan
lukot na listahang
nakasulat
mga bibilhin
Sa palengke
Sa bayan.
1 kilong baboy
1 kilong manok
1 supot na pakbitin1 malaking bote ng mantika
1 bote ng toyo at suka
1 piling ng saging
1 kilong bihon
1 kabang bigas
1 bote ng ketchup
1 kilong asukal na puti
1 kilong galunggong
1 pack ng kape at gatas na nasa kahon
1 supot na loaf bread
1 at kalahating litro ng coca-cola
Maya-maya
tinawag
si Petek
nilamukos
ang papel
at ipinasok
sa kanang bulsa
sa maong na kupas.
Sabay sabi:
Utang ka kila ka Kiko ng 1 sardinas at 1
kilong bigas
Sumunod ito
at may halong dabogna tinungo
ang pinto.
Naiwan ka
nakatalungko
muling nalukot ang noo
Habang pinagmamasdan ang nilamukos
Na listahang
kaytagal nang nakatago.
Noon pa
gusto
ngunit
nakapako
sa
Isang listahan.
Kalye Trese
Sept. 2012
http://www.facebook.com/aldrin.tanjuanhttp://www.facebook.com/aldrin.tanjuan -
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
6/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 6
SI LAMANBy: Aldrin Tanjuan
Hindi ko matagpuan ang bahid mo sa Logo nanagsasabing
"It's more Fun in the Philippines"
Mas lalong hindi sa listahan ng mga
Ipinagmamalaking bayani
o kaya sa mga sikat na "Presidente ng Pilipinas"
Wala ka nga din sa pagpipiliang kandidato
tuwing eleksyon
At wala ka din sa talaan ng nakikinabang sa
kaban at yaman ng ating bayan
wala ka sa malamig na mga kwarto ng
malacanang
wala ka sa mga mansion
wala ka sa boracay beach para mag-outing
wala ka sa bangko para magwidro
wala ka sa mga eleganteng kainan o five star
hotels
wala ka sa loob ng humaharurot na luxury cars
at
lalong hindi ka kasama sa overseas trips ng mga
lingkod ng bayan
Dahil.
laman ka lang ng usap-usapan, pananaliksik, at
pag-aaral
laman kalang ng mga speech ng mga politiko
laman ka ng mga batas at hindi ka nakikinabang
laman ka ng bansang ito pero mukhang ikaw pa
ang dayuhan
laman ka lang ng guni-guni
laman ka lang ng kalye
ng palengke at kantolaman ng ilalim ng tulay
laman ng iskwater area
laman ng evacuation centers
laman ka ng ibabaw ng overpass
maging sa gilid ng ilog,estero, at mga creek
laman ka din ngayon ng isipan kong litung-lito
sapagkatpara sa iyo daw ang mga programa ng palasyo
pero hindi ka kailanman nakasama sa
pagpaplano
Laman ka daw ng puso at isip ng isang sinto-
sinto
prayoridad ka daw sa pananatili niya sa
pagkakaupo
Laman, Laman, Laman
Ikinatutuwa mo ba ang iyong pagiging laman?
kahit katawan mo ay nauubos na ang laman,
kahit tiyan mo ay laging walang laman,
at kahit ikaw ay sinasadlak sa kawalan
patuloy na ibinabaon sa kamangmangan
at lagi ka lang inaalipusta't pinahihirapan
Kaibigan kailan ka titindig at ipaglalaban ang
iyong mga karapatan?
Tumindig ka LAMAN.
Huwag manatili lang sa listahan.
http://www.facebook.com/aldrin.tanjuanhttp://www.facebook.com/aldrin.tanjuan -
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
7/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 7
By: Aldrin Tanjuan
May Utak din kami
Na marunong mag-isip.
marunong
humusga,
mag-analisa,
mag-imbestiga,
marunong lumikha
ng mga ideya,
at hindi kami makinang
hindi tatakbo nang mag-isa.
May kaalaman na kami sa pag-oorganisa.
hindi kami mangmang
na hindi dapat ikonsidera,
walang mahihinuha,
walang mapipiga,
hindi nakakapagsalita,
walang mapapala.
kami nga ay mulat
dahil sa karanasan
Marunong ilapat
ang ideya sa praktika.marunong kaming umalam ng panloloko at
totoo,
at hindi kami pwedeng paikut ikutin
nang kahit na sinong abnoy.
Ikaw ay hangal na
isiping kami'y utak lamok,
marunong lang lumipad
at sumipsip ng dugo
o isiping tila baboy
na patatabai't
kakatayin paglaon.
Kami'y hindi nabuhay para kumain,
kami ay kumakain para mabuhay.
hinahanap din namin ang sagot
sa bawat tanong ng aming sikmura.
At kung kami'y ipagsasawalang bahala,
kung kami ay patuloy na hindi ikokonsidera
magisip-isip kanadahil kami
ay marunong din humusga.
Kalye Trese
Sept.07 2012
http://www.facebook.com/aldrin.tanjuanhttp://www.facebook.com/aldrin.tanjuan -
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
8/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 8
KAISA ANG LUPA-Faye Sagun-
May kung anong tunog ang lupa,tila tibok ng mga pusong umaasa
sa pangakong tuluyan nang ibinaonmatapos maupo sa termino ngilang taon.
May kung anong tunog ang lupa,tila batingaw na umaalingawngaw;nanunuot sa damdaming naissumigaw,nagpapaalala sa lagim na dumalawdala ng dilaw na halimawna maraming buhay ang ninakaw.
May kung anong tunog ang lupa,tila mga kamaong patuloy nanauuhawpara sa kanilang lupang pilit nainaagawng panginoong suot ang dilaw namaskarang huwad na repormang kanyangibinabandera.
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
9/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 9
ANONG KULAY NG HACIENDA?-Faye Sagun-
Pintahan mo ng luntiang kulayang haciendang walang buhay;
Binungkal ang lupang bahawAt kumayod na tila kalabaw.
Ilang dekada na ba?Mula nang lupay iyong yakapin?Dugot pawis ay iyong pinagniig.Ngunit hanggang kailan pa?Kulayan mo ng dilaw ang taniman,Ang hacienda ng ganid at sakim naangkan;Sampung taong dapat na palugit,
Ilang bagong taon na ba angsumapit?
Ang araw ay naghugis karit,Sa kahirapan ikaw ay namilipit;Sinunog na ng init ang iyong balat,Pinakapal na ng pagtatanim angiyong palad.
Ngunit nasaan ang iyong lupa?
Ang pangako ay ilang taon na ba?
Buhusan ang hacienda ng pulangpinta,Dinilig na ito ng dugo ng mgakasama;Ang lupang inaalagaan attinamnan,Ay iyo ring naging malawak nalibingan.
LuntianDilawPula
Ano nga bang kulay ng HaciendaLuisita
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
10/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 10
SAYAW SA ALAB-Faye Sagun-
Isang sayawsa mga buwayang nakatunghaw,
Isang sayawsa saliw ng musikang uhaw.
Salapi o dignidad,barya o dangal;Lugmok sa pamantayan ng moralnilang mga tinatawag na "banal".
Isang sayawsa uhaw na mga nilalang,Isang indak
sa mabangis na lipunan.
*Para kay Sarah at sa lahat ng nasamapang-akit na mga ilaw ng mga nightclub sa Ermita at Baclaran.
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
11/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 11
ALAB SA TALULOT NG ROSAS-Faye Sagun-
Sa kalaliman ng gabi,
sa gitna ng kadiliman,aahon si Magdalenamaglalakadng walang katapusan,walang tiyak na patutunguhan,hanggang makakita ng isang Juan.
Isang Juan na kababakasanng matinding pagkauhaw.
Si Magdalena...
kasing kaunti ng kanyang saplotang kanyang pag-asang tangan;salamin ng kanyang hubad nakatawan,ang kanyang hubad na dangal.
Matapos magsanib ang dagta niya'tpawisna sa imaheng Maria Clara'ypumalis,
muling hahayo si Magdalenanang may ngiti sa kanyang pulanglabi,dala ang kumakalansing na baryasa kanyang uhaw at tigang pa rinna bulsa.
At sa kalaliman ng gabi,sa gitna ng kadiliman,muling aahon si Magdalenamuling maglalakadng walang katapusan,walang tiyak na patutunguhan,hanggang makakita ng panibagongJuan.
*Para kay Sarah, isang kaibigang natagpuansa ilalim ng malamlam na mga ilaw ng Ermita...
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
12/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 12
TAGUAN-PUNG*-Faye Sagun-
Tagu-taguanmaliwanag ang buwan.
sa aming bayan,mga sundalo'y nanirahan.
Pagbilang ko ng sampunakatago na kayo.Utos nilang mga sundalo,magpugay sa kanilang trono.
Isa, Dalawa, Tatloniratrat nila aming mga kubo.Para daw sa Oplan-Bayanihan
tugis-rebelde para sa"kapayapaan".
Apat,Lima,Animwag kang pupunta sa dilimbaka pagdating ng bukaswala nang matira ni isa mongbakas.
Pito,Walo,Siyam
lupa't bahay nami'y kinamkam.Dangal nami'y tinapakanBuhay namin nagayo'y nasaalinlangan.
At sampu...Teka, nasaan na ang tatay ko?
BANG!
"Rebelde yan. napatay saengkwentro!"
*Para sa mga sibilyan na patuloy nanakakaranas ng panghaharas ng mga mgamilitar.
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
13/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 13
HULING LIHAM PARA KAYBERDUGO*
-Faye Sagun-
Jovito,
nakalulungkot isipingnagmaliw na ang iyong pagtingin,dahil ba sa kagandahang kumupaso sa aking pagkabirheng dinahas?
Bakit ka tumatakbo Berdugo?natatakot ka ba sa anyo ko?
Wag kang mag-alala,matatakpan naman ng "make-up"ang mga pasa at sugat sa balat.
Pagkatao kong dinungisa'tginahasa,matatakpan din ng trahe de boda;ternuhan pa ng gwantes na malinisupang kulang na daliri't kuko'y dimapansin;Ipinatahi na rin yaring sugat sa uloupang bumagay sa ipapatong nabelo.
Palparan,maaari mo silang takbuhanngunit ang nalalapit nating pag-iisaay di mo matatakasan.
Dahil matapos ang sumpaanat matagal na takbuhan,ay mag-iisa rin ang ating buhayat magsasama panghabambuhaysa hukay!
*Sa punto de bista ng mga kasamang
pinaslang ni Palparan.PAIGTINGIN ANG MANHUNT KAYBERGAGONG PALPARAN!
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
14/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 14
MULA SA PUSOAngelo Madarang
sa bawat pagpatak ng aking luhasumasabay ito sa lakas ng ulan,sa pag-ihip ng habagat o amihan,kasabay nito ang pag-ibig nawalang hanggan
sa bawat pagtingin ko sa asul nadagat,ang mga luha ko'y lumalapat,sa tabing ng asul na dagat,na patuloy ang pagsalungat
sa bawat kislap ng iyong mata,ako'y patuloy na lumuluha,
dahil ikaw ay masaya,kasabay ng mahalumigmig naumaga.
mahal, iyong pakinggan,sambit ko't taintiman,ako sana'y maunawaan,mula sa puso iyong tingnan.
ito'y ating bukas,
katulad ng dahon na hindikumupas,ito'y pag-ibig na wagas,sasamahan ka hanggang wakas.
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
15/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 15
MANINDIGANAngelo Madarang
Naranasan mo naang tunay na pagkapasistang rehimen na tuta
at ng imperyalistang amo nila
nagmartsa na ang mga magsasakapara sa kanilang lupasumama na rin ang mgamanggagawapara sa karapatan nila
sa ngayonang lahat na'y natitiponupang ipaglaban ang lungsod at
nayonat palayain ang bayan ngayon
Sulong, Masang AnakpawisTumindig ka't humagibisPara sa Paglayang naisat sa pag-agaw na mabilis!
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
16/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 16
HUSTISYAAngelo Madarang
Hustisya!
Nasaan ka?!?
Hustisya,
Hinahanap Kita!
Hanggang nawala,
-Pati ang aking mga Kasama,
Wala pa ring Hustisya!
HUSTISYA'T KATARUNGAN,IPAGLABAN!
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
17/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 17
INAAngelo Madarang
Kayo'y Ina,Ina sa lahat ng bata,Ina pati sa mga kasama,
na nawala rin sa kanilang mga Ina.
Ina ka rin,Maninindigan din,sa karapatan at mithiin,ng bayan nating angkin.
Magtatagumpay ka,Magtatagumpay ka sa kanila,Kasama mo ang mga masa,Ipaglalaban ka rin nila.
Sama ka na,Ikaw na nakakakita,ng laban ng mga Ina,at nakakarinig ng mga sigaw nila!
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
18/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 18
MILISYANG BAYANAngelo Madarang
Nasaan na ang hustisya!Nawawala pa rin silaPinatay mo na sila
Dinamay mo pa ang iba!
Maraming lumalaban ang nawalanMaraming pag-asa ang nalusawMaraming pag-ibig ang lumubogMaraming pagsigaw ang nadurog
REBOLUSYON ang nakikita namingsolusyonREBOLUSYON ang sasagot saaming mga tanong
REBOLUSYON ang dapat isulongREBOLUSYON ang tunay nadadaluyong!
Manggagawa, MagkaisaMagsasaka, MakibakaKabataan, Sumapi sa BagongHukbong BayanSambayanan, Humawak ng armasat makibaka!
Yan ang aming panawaganYan ang aming tinuturanYan ang aming ideolohiyaAt Yan din ang magpapalaya sabansa
at magpapalayas sa mgaImperyalista!
Isulong ang DemokratikongRebolusyong Bayan!
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
19/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 19
MAKABAYANAngelo Madarang
May Paninindigan,Walang Kinikilingan,Anong mabulaklak na salita na
naman iyan,Tuwing Eleksyon, aking naririnigiyan.
Ginagamit ang salitangmakabayan,Ngunit tignan ang kasalukuyan,Totoo bang siya iyan,O balat-kayo lamang.
Kailangan natin ng Tunay na
Makabayan,Sa Senado, Kongreso atLansangan,Dahil ang tunay na Makabayan,Kapiling ng masa sa LansanganHanggang Girian sa Malakanyang.
Senado? Ano ang mga Tao rito,Halos lahat ay Trapo,Nagpapagago sa isang Tao,
Wala nang Tunay na batas sa inyo!
MAKABAYAN SA SENADO,Oo, kailangan natin ito,Kailangan natin si Casio.na Maupo sa SenadoPara ipaglaban ang Karapatan ngTao!
Makabayan sana,Sana makabayan,Makabayan sana,sa Senado ng mga Taumbayan!
Nobyembre 13, 2012Lungsod ng Maynila
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
20/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 20
PUNO NG NIYOG, PUNO NG
HINAGPISOrly Marcellana
Puno ng niyog ay puno ng milyongbuhayNang mga magsasakang umaasasa niyuganItinanim ang puno at matagal nainalagaanHanggang sa dumami ang bungang niyugan
Ang lupain ay hindi pag-aari ng ngmagsasakaSila ay mga tenant o tinatawag nakasama
Pagkat ang titulo ng lupa ay samayaman napuntaPagkat sila ang gahaman atmapagsamantala
Mababa ang presyo ng niyog o ngkopraMadaming proseso ng kanilangpaggawaSa banding huli ay may utang paang magsasakaKaya laging kapos at mahirap angbuhay nila
Ang puno ng niyog ay tinaguriangpuno ng buhayPagkat maraming produkto angkanyang binibigayWalang bahagi sa puno ng niyogna nasasayangGinagawang pagkain at iba pang
kasangkapan
Kalakaran sa mga hasyenda atmay ari ng lupaAng partihan ay sitenta traynta osaysinta kwarinta
Sila din ang bumibili ng niyog atmga kopraSa presyong napakababa na silaang nag takda
Magsasaka puno ng hinagpis ang
buhayKayat bumangon nagkaisa atlumabanPresyo ng kopra ay dapat taasanGawing pantay ang partihan sahatian
Panginoong may lupa kakampi angmilitarMagsasaka ay dinadahas duon sakanayunan
Kasabwat nila ang opisyal ngpamahalaanNa kapwa rin buwaya at salot sabayan
Darating ang araw magsasaka aymagtatagumpayKapag ganap na lumaya itong atinginang bayanWala ng magsasamantala sa kanila
sa niyugan
Bunga ng kanilang pawis aykanilang makakamtan
January 21, 2009
handog sa lahat ng magsasaka
sa niyugan na magtitipon saNov. 13, 2012 para labanan ang
tangkang pagnanakaw sa
pundo ng coco levy ni JoelRocamora ng Akbyan at NoynoyAquino para ilanan sa pundo ng
CCT at Carper
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
21/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 21
PULANG BANDILAOrly Marcellana
Pulang bandila sagisag nghimagsikan at pakikibakaNang mga naitayong kilusang
mapagpalayaDito man sa atin o mga karatigbansaIwinawagayway ang bandilang pula
Mahal ko ang sagisag ngpakikibakaAng pulang bandilang nagbuklodng adhikaNaghahangad na durugin ang mgamapagsamantala
Buhay may ialay kapalit ngmithiing paglaya
Watawat ay ginagamit sa mgakapulunganMaging sa mga malalakingpagdiriwangSinasabit din sa likod ng mgakinakasalNilalagay din sa ibabaw ng ataol ng
kasamang pumanaw
Bandilang pula na dinilig na ngmaraming dugoBuhay ng magigiting na bayaninating mga ninunoPinatingkad ng dugong inialay ngbuong pusoKasamang pinaslang ng disumusuko
Ialay natin ang taimtim nakatahimikan at paggalangSa mga kasamang ang buhay ayinialay para sa bayanAng bandilang pula na kanilangnabitiwan
Ating tatanganan at patuloy naiwawagayway
Sa buong mundo ay iwagaywayang bandilang pulaBilang sagisag ng kapatirang
internasyunalistaTegring papel na anyo ngimperyalistaTiyak na babagsak sa bayangmagiging sosyalista
October 10, 2008
Bacoor, Cavite
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
22/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 22
PANAGHOY NG BUKIDOrly Marcellana
Di tayo namamalimos at humihinging awaDi tayo luluhod at sa kaaway ay
sasambaSa ating mga lakas at pawismagmumulaAng ganap na tagumpay para sabayang minumutya
Tayo ang nagbubungkal ng lupa atnagtanim ng butilNgunit tayoy busabos atkinukubabawan ng PMLTayong nagpapagod at naglinis ng
bukirinNgunit tayoy gutom at ang lupa aydi atin
Di tayo naghangad na kunin ang diatinDi tayo nangarap na milyon angkikitainSapat nang mapalaya sa daantaong pagkaalipin
Bunga ng pinagpagalan ay dinakakamkamin
Lupa para sa magsasaka at mgawalang lupaDi para sa mayayaman atdayuhang kapitalistaDi lupang bigay bawi nabinabayaran paNang estadong peke na reporma salupa
Kapag lupa ay napaunlad atmagsasaka ay tinulunganUusbong mula dito ang mgaindustriyat pagawaan
Dina kailangang lumawas pa ditosa ating bayanMaraming trabaho sa Pilipinas aymagsusulputanPanaghoy na ito naway umalingaw-ngaw
Marinig ng magsasaka at mgamamamayanMagkaisa nat magbuklod sapakikipaglabanPara sa lupa at ganap na kalayaan
November 27, 2008
Oct. 21, 2012
40yr ang reporma sa lupa sa bansa, ang
pinakamahabang reporma sa lupa sabuong mundo, hanggang ngayon ay
kulang sa lupa at walang lupang
masasaka ang mga magsasaka,
pinakamadugong reporma sa lupa na ang
nakikibakang magsasaka ay
minamasaker, pinapatay at dinudukot,
pinakamagastos --> nilaanan ng pundo
ang bayad sa mga panginoong maylupa
samantalang walang pagpapaunlad sa
agrikultura
ibasura ang CARPER at isabatas ang
GARB HB 374 - tunay na reporma sa
lupa
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
23/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 23
HUWAG NIYO AKONG
KAHABAGANOrly Marcellana
Huwag ninyo akong kahabagan saaking kalagayan
Kung wasak man ang aking mukhaat dina makilalaKung ang aking braso ay naputol atkatawan ay tinadtad ng balaHuwag kayong lumuha mahal kongmga kasama at masa
Huwag ninyo akong kahabaganKung naiwan ko man ang akingtatlong anak na maliliit paBagamat akoy nakabalot at hindi
ko kayo nakikitaSapat na sa aking nagtipon kayo atakoy dinadakila
Mas iyakan ninyo ang mgamagsasakang inagawan ng lupaIyakan ninyo ang masang pinatayat dinukot na dina nakitaIyakan ninyo ang maralitangtahanan ay ginigiba
Iyakan ninyo ang mgamanggagawang dinudusta sapaggawa
Sila ang dahilan kung bakit kosinapit ang ganitong buhaySila na aking minahal atipinaglaban ng akoy nabubuhaySilang mga mandirigma at mgaopisyalNang bagong hukbong bayan naaking nakaramay
Matapos ninyong maibuhos angnapakaraming luhaItaas ang mga kamao at saharapan ng bangkay koy sumumpa
Kayo ang magtutuloy ng naiwankong gawainHawakan ninyo ang baril at patuloyna pag-angalin
September 2, 2012, UP Diliman
Inihahandog ang tulang ito kaykasamang Arman Albarillo,magiting na lider aktibista at kadreng bagong hukbong bayan nanapaslang noong Hunyo 30, 2012sa San Narciso, Quezon
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
24/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 24
SINO ANG DAPAT MANAGOTOrly Marcellana
Sino ang dapat managot at dapatmaparusahanSa kahayupan ng estado sa sarili
nitong mamamayanLahat ng pangulo ay malaki angkasalananMula kay Marcos at kay Noynoyngayon naman
Walang nananagot at walangnapaparusahanSa mga berdugon pulis at militarMga opisyal at pinuno nitong bayanSa kanilang nagawa na pagkakasa
sa bayan
Buhay manok ang buhay ng taoKung kailan nila gusto aypapatayin nila tayoMaraming dinukot at ibinilanggo ngestadoWalang katarungan at walangpagbabago
Kanino tayo lalapit at magsasampang reklamoGayong ang estadoy terorista atberdugoKailangan nating wakasan angpagmamalupit ng estadoMagkaisat maghimagsik atbaguhin ang gubyerno
Agosto 30, 2012, UP Diliman
Wakasan ang empunity okawalang pananagutan ngestado
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
25/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 25
DECLARING LOVE, THE
ACTVIST WAYIca Chiong
The world is filled with you:Your views;
It molded the world, it molded meIt molded how you and I ought tobe TogetherForeverTowards success and liberation,Peace and diminished exploitations
Your sufferings;I have always seen you strugglingSince we built history through
time.Hand in hand, you and iTook the waves upfrontBattling the tides for an ounce ofchange.
Your cooperation;It was a collective actionIn which I adored.It drew me towards freedom,
To cut loose of the restrainingchainsIn an effort to free all.It drew me towards you.
It was a romantic plot Like Romeo and Juliet, we loved alotExcept that we both joinedAnd mutually condemnedThe unjustice that there is.And jointly, we acted uponOn each and every concernThe biased rulers have to offerAlong with their water cannons andfire extinguisers.
Thats what I have always seen in
you.And through my craft, and throughthe years
Of sacrifices and countles tears,
Of simple accomplishments andmatchless joys,Of side by side encouragementsand solidarityI have always, always loved you.
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
26/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 26
TAHAN NAIca Chiong
Pigilan ang pagbaha ng mga mata,pagkat ating munting alaala ayaking pabaon
kasama ang ating pangarapsa kinabukasang mayabong.
Luwagan ang pagkakahawak sa'king brasoPagkat ang ang sakripisyong ito'yhindi lang sa iyo at akinkundi para sa mga susunod sa'tin.
Pagbigyan ako ng isang ngitipagkat di na mauulit
itong mga nakaw na saglithangga't kaginhawaa'y atingmakamit.
Iabot sa akin ang aking bagpagkat alam nating pareho,na sa aking paglayagisang hakbang tayo makakagaan.
Tahan na, pagkat hindi mapapawi
ng mga luha ang bawat pait,hinagpis at paghihirap natin,kundi sa aksyong malupit.
Pakatatandaan na bagamatmalayo,malapit o sa pamamagitan ng kahitsinoipinaaabot ang pagmamahal kosa iyo, sa bawat tao at lalo na kaybunso.
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
27/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
Kilometer 64 Poetry Collective Southern Tagalog Page 27
CLOSED LINESIca Chiong
The tall poles at the side of the roadcarry lines that transmit a force,bringing massive amounts of energyable to power up this country. However
possible,
these lines are suddenly cut short as thedistancefrom the heart of the country increases:In which these lines are mostly presentonlyat the heart of the country,
connecting convinience from selectedfamiliesat certain places where most houses arebuilt
with metal and cement foundationsand where childrens faces light up
as they laugh at cartoons.If not for these lines, Christmaswouldnt be Christmas without the lightsshining brighter than the moon. Blessings
such as these are hoarded only to menwith fat pockets. Yes, it didnt matterhow dark the world is; we have reachedan age where these lines could stretch far
enough to connect people from aroundthe world. However, why is itthat when we look at a mountains
silhoutte
at night, only a few faint lights are seen
The lines cut short the last polestands at the end of the cemented path,leaving a world of darknesseven to those who need to see.
-
7/29/2019 Makibaka - Tulain mo ang Ating Paglaya
28/28
MAKIBAKA: Tulain mo ang ating Paglaya!
HABILIN-Stum Casia
Matayog
na bundok na
pursigido
at ubos-kaya nating
sinisikap pataginang iyong inihabilin
sa amin
nang iyong tanggapin,
finally,
ang bakasyongbuong panahon mongipinagpaliban.
At karangalan naming durugin
ang unang batongmasasalubong namin
sa daraanan.
***kay ka Roger