Download - Magna Carta Primer
Ang Praymer na ito ng
Magna Carta of Women (R.A. 9710)
ay inedit ni Fe Arriola.
Dinisenyo nina
Pol Torrente at Jay Jamoralin.
Copyright © 2011
PRAYMER
MAGNA CARTA
OF WOMEN
R.A. 9710
Working for Empowerment and Good Governance Institute, Inc. (WeGovern Institute)
NOTES
1
Alam nating lahat na ang kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay binubuo
ng mga babae. Dahil dito, hindi maikakaila na malaki at makahulugan
ang papel nila sa paghubog at pagpapaunlad ng bansa. Sa pamilyang
Pilipino, mahalaga ang ginagampanan nila bilang ina, asawa, kapatid,
anak at lola. Ngunit higit pa dito ay may kakayahan silang maiaalay sa
pagbabago at ikabubuti ng lipunan na kanilang ginagalawan at ng buong
bansa.
Sayang na madalas, may naiiba at di pantay o mas mababang pagtingin
sa pagkatao, talino, lakas ng loob, at lakas sa paggawa ng kababaihan
kumpara sa kalalakihan. Dahil dito, ang kasarian ay nagiging hadlang sa
malayang paglahok ng isang babae sa larangan ng lipunan sa labas ng
tahanan. Ang pagiging babae, sa kasalukuyang sitwasyon, ay nagsisil-
bing balakid sa paglilingkod ayon sa kanyang kakayahan at sa pakikina-
bang sa bunga ng kanyang pagsisikap. Ang tawag dito ay
diskriminasyon. Ang diskriminasyon laban sa kababaihan
ay nangyayari sa maraming sitwasyon
at sa maraming paraan.
ANG MAGNA CARTA OF WOMEN
Ang Magna Carta of Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008
upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan
at sa halip ay itaguyod ang pagkapantay-pantay ng mga babae at la-
laki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga
pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimina-
tion of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pama
magitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga
karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
PONDO
Ang panimulang pondo para sa pagpapatupad ng batas ay manggagaling
sa kasalukuyang “budget” ng mga may kinalamang ahensya, hanggang
sa ang pondo ay maisama sa kanilang taunang “budget” sa ilalim ng
General Appropriations Act. Gagawin ng Pamahalaan ang lahat ng ma-
gagawa upang epektibong maisakatuparan ang katungkulan nito sa ila-
lim ng batas.
16
MGA DEPINISYON
Diskriminasyon – anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o/at nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan. Gender and Development – perspektibang pangkaunlaran na
kumikilala at nagbibigay halaga sa papel ng mga babae sa kaunlaran at nagtataguyod ng kanilang partisipasyon sa pag-kakamit nito. Gender Mainstreaming – istratehiya ng Pamahalaan upang maalis ang diskriminasyon laban sa kababaihan at masiguro ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng oras. Women Empowerment – Pagkakaroon ng mga babae ng mga oportunidad na dati-rati’y nakalaan lamang sa mga lalaki.
2
RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
Itinalaga ng Magna Carta of Women ang Pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.
Ginawa na tuwirang responsibilidad ng Pamahalaan na proteksyunan ang kaba-
baihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga kara-
patan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang Pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng ba-
tas. Kabilang sa mga paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga ba-
tas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng
mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa din ng mga
hakbang ang Pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran,
programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa Pamahalaan ay ang basagin nito ang mga
“stereotype” at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan, tulad ng kostum-
bre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi, na nagpapahiwatig ng hindi pantay sa
pagtingin sa mga babae at lalaki.
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanap-
buhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan (“ethnicity”) ay saklaw ng
Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito ng nabubukod na pansin ang kala-
gayan ng mga batang babae, mga matatanda, mga may kapansanan, mga ba-
bae sa iba’t ibang larangan, “Marginalized Women”, at “Women in Especially
Difficult Circumstances”.
Itinuturing na “Marginalized Women” ang mga babaeng mahirap o nasa di
panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na
matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang
mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at mang-
gagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
Ang “Women in Especially Difficult Circumstances” naman ay ang mga ba-
baeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng mga bik-
tima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prosti-
tusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.
Lahat ng sangay at ahensya ng Pamahalaan, pampublikong pamantasan
at kolehiyo, korporasyong kontrolado o pag-aari ng Pamahalaan, LGU at
iba pa, ay dapat magkaroon ng GAD Plan and Budget taun-taon. Ang
GAD budget ay katumbas ng hindi bababa sa 5% ng kanilang kabuuang
pondo. Ito ang gagamitin sa mga programa at proyekto ng at para sa
kababaihan. Kailangan ding magtayo at magpaunlad ng “GAD Focal
Points System” upang mapabilis ang “gender mainstreaming”.
Para sa mga LGU, isinusulong ng batas ang paglikha at pagpapasa nila ng
mga Gender and Development Code upang matugunan, base sa konsul-
tasyon, ang mga isyu ng kababaihan sa kanilang lokalidad.
MGA PARUSA
Ang ahensya ng Pamahalaan, LGU o korporasyong pag-aari o kontrolado
ng Pamahalaan na mapapatunayang lumabag sa anumang probisyon at
“Implementing Rules and Regulations” ng Magna Carta of Women ay
papatawan ng naaayon na parusa batay sa rekomendasyon ng Civil Ser-
vice Commission (CSC) at/o Department of Interior and Local Govern-
ment (DILG).
Ang taong tuwirang may pananagutan sa paglabag, at maaaring pati na
ang pinuno ng ahensyang kinabibilangan nito, ay mananagot sa ilalim ng
batas na ito. Kung ang paglabag ay nagawa ng isang pribadong tao, siya
mismo ang mananagot at magbabayad ng danyos.
MGA “INCENTIVES”
Upang maayos na magampanan ng mga ahensya ng Pamahalaan, LGU at
iba pa ang kanilang mga tungkulin sa pagtataguyod ng mga karapatang
pantao ng kababaihan at matagumpay na maipatupad ang “gender re-
sponsive programs”, lilikha ang Pamahalaan ng mga pabuya o gantim-
pala (“incentives”). Pamamahalaan ito ng isang “board” na gagabayan
ng mga batas at panuntunan na gagawin ng PCW.
15
ANU-ANO ANG KARAPATAN NG
KABABAIHAN AT ANG RESPONSIBILI-
DAD NG PAMAHALAAN UKOL SA
BAWAT ISA NITO?
Kinikilala, iginagalang at itinataguyod ng Magna Carta ang lahat ng kara-
patan – panlipunan, pang-ekonomya, pulitikal, kultural at sibil – ng
bawat babae, sang-ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas at iba pang mga
batas at instrumentong nangangalaga sa kapakanan ng bawat mamama-
yan. Bukod dito, may mga karapatan na sadyang pambabae lamang.
Kabilang dito ang: proteksyon laban sa pang-aabuso at karahasan; kalig-
tasan sa panahon ng kalamidad, krisis, atbp.; pantay na representasyon
at partisipasyon sa pulitika at pamamahala; pantay na pagturing ng ba-
tas; pantay na pagkakataong magkamit ng edukasyon; at komprehensi-
bong serbisyong pangkalusugan.
Bawat babae ay may karapatang maging ligtas sa lahat ng uri at anyo ng
pang-aabuso at karahasan – pisikal, sekswal, emosyonal, at mental –
kabilang ang mga karahasan ng Estado. Ilan sa mga halimbawa ng
Violence Against Women ang pananakot, pambubugbog, pangga-
gahasa, prostitusyon, at “human trafficking”.
Responsibilidad ng Pamahalaan na sugpuin ang
pang-aabuso at karahasan na dinaranas ng
maraming babae, gumawa ng mga hakbang
upang maiwasan ang lahat ng ito, at tulungan
ang mga biktima tungo sa kanilang paggaling
(ng katawan at ng kalooban) at sa pagkakamit
ng hustisya. Bukod tanging pansin ang dapat
igawad sa mga babaeng dumaranas ng pang-
3
Proteksyon Laban sa Pang-aabuso at Karahasan
1
benepisyo at promosyon sa serbisyo ayon sa kakayahan at husay ng
trabaho.
Nararapat na siguruhin ng Pamahalaan ang respeto sa babaeng pulis
at sundalo sa lahat ng oras. Gayundin ay alisin ang mga patakaran
na humahadlang sa mga babae na gampanan ang tungkulin, pati na
sa “combat” at “field operations”.
KABABAIHAN SA PROSESONG PANGKAPAYAPAAN
Kinikilala ng Magna Carta of Women ang kakaya-
han at malaking papel ng kababaihan sa pagtata-
guyod ng usapang pangkapayapaan. Kaugnay
nito ay ipinag-uutos sa ilalim ng batas ang pagda-
ragdag sa bilang ng mga babaeng lumalahok sa
proseso, kabilang ang mga kasapi ng “peace
panel”. Isinasaalang-alang din sa ilalim ng batas ang mga isyung
pangkababaihan sa “peace agenda”.
MGA MEKANISMO SA PAGPAPATUPAD
NG MAGNA CARTA OF WOMEN
Inaatasan sa ilalim ng Magna Carta of Women ang lahat ng ahensya ng
Pamahalaan, kabilang ang mga LGU, na itaguyod ang gender
mainstreaming sa pagpapatupad ng batas at mga layunin nito. Itinalaga
ang Philippine Commission on Women (PCW) sa pamamahala, pagba-
bantay at tamang pagpapatupad ng Magna Carta.
Gayundin ay itinalaga ang Commission on Human Rights (CHR) bilang
Gender and Development (GAD) Ombud. Ang Commission on Audit
(COA) naman ang siyang namamahala sa taunang pagtingin sa “budget”
ng mga ahensya ng Pamahalaan na nakalaan para sa “gender and
development”.
14
13
Mga Babaeng Atleta
Ang palakasan o “sports” ay isa pang larangan na kayang pasukan at
pagtagumpayan ng kababaihan kung kaya’t hindi sila dapat pigilan o
hadlangan sa paglalaro. Lahat ng paligsahan at palaro na bukas sa
kalalakihan ay dapat buksan rin sa kababaihan. Layon ng Magna
Carta of Women na ang babae na nagwagi sa paligsahan ay maka-
tanggap ng premyo at karangalang katumbas ng sa kalalakihan.
Karapat-dapat ding mabigyan ng pagkakataon ang mga babaeng at-
leta na magtamo ng “athletic scholarship” at mga pagsasanay na
magpapaunlad ng kanilang kakayahan at lakas.
Kaugnay nito ay tungkulin ng Pamahalaan na
gumawa ng mga programang pampalakasan
para sa mga babae. Makabubuting alisin ang
mga “gender stereotype” na pumipigil sa
paglahok ng mga babae sa mga palaro at sa
pagkamit nila ng mga benepisyo sa “sports”.
Upang makamit ang mga layunin ng Magna Carta of Women, ga-
gawa ng paraan ang Pamahalaan upang buhayin ang loob ng mga
LGU, mga organisasyon at ng pribadong sektor na magtataguyod at
susuporta sa kababaihan sa mga programa at paligsahang pam-
palakasan gaya ng lokal na Palarong Pambansa, rehiyunal na South-
east Asian Games at internasyunal na Olympics.
Mga Babaeng Pulis at Sundalo
Wala dapat hadlang sa mga babaeng ibig mag-
ing pulis o sundalo kung kaya rin lang nilang
gampanan ang kaya ng kalalakihan. At dahil
binabalikat nila ang responsibilidad at gawain
ng magaling na pulis o sundalo ay maaari
silang tumanggap ng kaukulang pribilehiyo,
KABABAIHAN SA IBA’T IBANG LARANGAN aabuso o karahasan sa panahon ng kalamidad, armadong sigalot at iba
pang krisis, sang-ayon sa internasyunal na pamantayan sa pagbibigay
proteksyon sa mga sibilyan.
Kabilang sa mga hakbang na hinihingi sa Pamahalaan ay ang pagdarag-
dag ng mga babae sa tauhan ng mga ahensya na naatasang tumulong
(tulad ng babaeng pulis) sa mga biktima. Inaasahang aabot ang bilang
nila sa 50% ng mga tauhan ng mga nasabing ahensya. Gayundin, paiig-
tingin ang pagsasanay sa mga tauhan ng Pamahalaan sa agarang pag-
tugon sa mga sitwasyon ng pang-aabuso at karahasan sa kababaihan.
Mahalaga na may sapat na kaalaman ang mga ito sa karapatang pantao
at sa “gender sensitivity” (maselan na pang-unawa sa usapin ng kasa
rian).
Samantala, lahat ng Local Government Unit (LGU) o Pamahalaang Lokal
ay inaasahang magtatayo ng women’s desk o tanggapang pangkababai-
han sa bawat barangay na siyang matatakbuhan ng mga biktima ng pang
-aabuso at pandarahas.
Bawat babae ay dapat unahin sa pagbibigay ng proteksyon at kaligtasan
sa panahon ng sakuna at kalamidad tulad ng pagbaha, lindol, sunog at
iba pang krisis.
Responsibilidad ng Pamahalaan at ng mga
ahensya at yunit nito na iligtas ang mga babae
sa panahon ng krisis at bigyan ng agarang tu-
long at serbisyong medikal, sikolohikal at pi-
nansyal. Tungkulin din nilang pangalagaan
ang mga babae sa kanilang pagpapagaling at
rehabilitasyon o pagbabawi ng lakas ng kata-
wan.
Kaligtasan sa Panahon ng Kalamidad, Krisis, atbp.
2
4
Bawat babae ay may karapatang bumoto, tumakbo sa eleksyon, at
manungkulan sa anumang pwesto sa pamahalaan. Karapatan din niyang
magtayo, lumahok o mamuno sa mga “non-government organiza-
tion” (NGO) at mga samahang may kaugnayan sa pulitika at sa pulitikal
na kalagayan ng bansa. Pwede din siyang maging kinatawan ng Pama-
halaan sa internasyunal na antas at lumahok sa mga gawaing pang-
internasyunal.
Responsibilidad ng Pamahalaan na tiyaking
ang kababaihan ay may pantay na pag-
kakataon na kumatawan at makibahagi sa
makabuluhang pagpapasya ukol sa mga pam-
bansang usapin, at sa paghubog, pagsasakatu-
paran at ebalwasyon ng mga batas, patakaran,
programa at polisiya ng Pamahalaan. May
katayuan at boses din dapat siya sa mga or-
ganisasyon, samahan, at pribadong sektor sa
lahat ng antas, maging lokal, pambansa o
internasyunal man.
Upang maging bahagi ang mga babae sa lahat ng mahahalagang prose-
song nabanggit, itataguyod at ipatutupad ng lokal at pambansang Pama-
halaan at mga ahensya nito ang mga sumusunod:
• Sa loob ng 5 taon, ipantay ang bilang ng babae at lalaking em-
pleyado ng Pamahalaan na nasa ikatlong baytang na pwesto;
• Itaas sa 40% ang bilang ng mga babaeng myembro ng
“development councils”;
• Bigyan ng pagkakataon ang mga grupo at organisasyon ng kaba-
baihan na magkaroon ng kinatawan at makilahok sa mga inter-
nasyunal, pambansa, rehiyunal at lokal na pagkilos;
• Bigyan ng pagkakataon ang kababaihan na katawanin ang Pama-
halaan sa mga internasyunal na pulong at pagkilos, at maging
kasapi ng internasyunal na organisasyon;
5
Pantay na Representasyon at Partisi-pasyon sa Pulitika at Pamamahala
3 Ang babaeng manggagawa o empleyado, lalo na ang mga ina, ay dapat
lang pangalagaan laban sa “occupational and health hazards” o mga pe-
ligro sa paggawa at kalusugan na makakaapekto sa kanilang tungkulin sa
pamilya at komunidad.
Kailangang kung saan nagtatrabaho ang mga babae ay may mga pasili-
dad at serbisyo na susuporta sa kanila upang kapwa nila magampanan
ang tungkulin sa pamilya at sa trabaho. Ang pagtatayo ng “day care cen-
ter” at “breastfeeding station” ay ilang halimbawa. Karapatan ng babae
sa ilalim ng Labor Code na magkaroon ng maternity leave benefits o
dalawang buwang pagliban sa trabaho na may sweldo para sa mga ba-
baeng nanganak o sumailalim sa operasyon sanhi ng “gynecological dis-
order”.
Bibigyang proteksyon din ang kababaihan laban sa lahat ng uri ng
diskriminasyon, kaharasan, pagsasamantala at pang-aabuso sa lugar ng
hanapbuhay. Sinisiguro naman ang kanilang karapatang magpahayag ng
kanilang saloobin, makilahok sa mga desisyon at pagplaplano na may
kinalaman sa trabaho, makapag-organisa at magtayo ng unyon o sumali
dito.
Proteksyong Sosyal Tinutugunan ng Pamahalaan ang pangangailangan ng
bawat babae, lalung lalo na ang mga matatanda at
may kapansanan sa pamamagitan ng proteksyong
sosyal galing sa Social Security System (SSS) at Phil-
Health.
12
Ang mga ahensya ng Pamahalaan na may malaking responsibilidad
sa “Marginalized Women” ay ang Presidential Agrarian Reform
Council (PARC), National Fisheries and Aquatic Resources Manage-
ment Council, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP),
Presidential Commission for the Urban Poor at ang National Anti-
Poverty Commission.
• Tulungang pumaloob ang kababaihan sa mga partidong pulitikal
at tiyakin ang pagtanggap sa kanila bilang kaisa;
• Bigyan ng pampasiglang dahilan upang kumilos ang mga parti-
dong pulitikal upang makagawa ng adyendang pangkababaihan.
Tulad ng kasunod, pwede itong makuha sa paliwanag o sa pag-
bibigay ng pabuya;
• Bigyan ng pampasiglang dahilan ang pribadong sektor upang gu-
mawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng representasyon at
partisipasyon ng kababaihan sa kanilang mga desisyon at upang
mabigyang puwang ang mga babae sa kanilang pamunuan.
Bawat babae ay may karapatang proteksyunan laban sa lahat ng
diskriminasyon sa ilalim ng batas.
Responsibilidad ng Pamahalaan na pag-aralan
at kung kailangan ay repasuhin at tanggalin
ang mga batas na hindi pantay ang turing sa
mga babae at sumasalungat sa pangangaila
ngan at kabutihan nila. Tungkulin din ng
Pamahalaan na lumikha ng mga batas na gaga-
rantiya sa tunay na kapakanan ng kababaihan.
Karapatan ng bawat babae ang makapag-aral at matamo ang mga bi-
yaya ng edukasyon. Karapatan din nila ang sumailalim sa mga maka-
bagong pagsasanay upang pahusayin at palawakin ang kanilang mga
kaalaman at kakayahan. Ipinagbabawal ng Magna Carta ang anumang
uri ng diskriminasyon sa larangan ng edukasyon. Isang halimbawa ang
pagbabawal sa hindi pagtanggap o pagtanggal sa paaralan ng mga ba-
Pantay na Pagturing ng Batas
4
6
Pantay na Pagkakataong Magkamit ng Edukasyon
5
Mga Batayang Pangangailangan ng
Marginalized Women
Binibigyan ng natatanging pansin ng Magna Carta of Women ang mga
sumusunod na pangangailangan ng “Marginalized Women”:
Sapat na Pagkain Ang unang pangangailangan ng bawat babae ay sapat,
ligtas at masustansyang pagkain at ang pagkakaroon
ng pagkukunan nito. Upang matamo ito, mahalagang
makalahok ang kababaihan sa produksyon ng pag-
kain, magmay-ari ng lupa ang babaeng magsasaka, at
gumamit at mamahala ng mga yamang tubig ang ba-
baeng mangingisda. Malaki ang maitutulong ng su-
portang pinansyal, teknikal at pang-imprastraktura ng Pamahalaan.
Disenteng Pamamahay Kailangan ng bawat babae ang sariling bahay na
matutuluyan ng kanyang pamilya. Responsibilidad ng
Pamahalaan na magtatag ng mga programa at
proyekto para sa ligtas at matibay, maayos at disente,
at abot-kayang pabahay sa mga pook na may tubig at
elektrisidad at kung saan may matatagpuang hanap-
buhay.
Disenteng Trabaho Ang pangunahing pangangailangan na dapat tutukan
ng Pamahalaan sa lalong madaling panahon ay ang
paglilikha ng trabaho para sa nakararaming mamama-
yan kasama na ang kababaihan. Dapat magkaroon
ang kababaihan ng pantay na pagkakataon na maka-
hanap ng disenteng trabaho o hanapbuhay kung saan
sila ay makatatanggap ng sapat na sahod at mga
benepisyo, may mahusay at ligtas na kalagayan, may
kalayaan sa pagpapahayag, at may pantay na pagkakataon sa pag-unlad
at promosyon.
11
baeng guro o estudyante dahil sa pagbubuntis nang hindi kasal.
Responsibilidad ng Pamahalaan na alisin ang
lahat ng balakid sa malayang pag-angkin ng
kababaihan sa edukasyon o anumang huma-
hadlang na makamit nila ang galing at husay
sa anumang larangan. Mahalaga na upang
makapagpadalubhasa ay mabigyan sila ng pag-
kakataong magkaroon ng “scholarship”.
Kailangang tiyakin din ng Pamahalaan na maalis ang mga “gender
stereotype” o mga mali at mapanghamak na paglalarawan at imahe ng
babae, sa mga aklat at iba pang bagay na ginagamit sa paaralan. Dapat
ding matanggal ang mga ito sa midya – mga babasahin, radyo, telebi-
syon at pelikula. Sa halip ay tangkilikin ang paggamit sa lahat ng oras at
pagkakataon ng “gender-sensitive” na pananalita at pag-iisip.
Bawat babae ay may karapatang makatanggap ng komprehensibong ser-
bisyong pangkalusugan. Sadyang karapatan din niya bilang babae na
magpasya ukol sa bilang at pag-aagwat ng mga anak, na magkaroon ng
pantay na responsibilidad ang kalalakihan sa pag-aalaga at pagpapalaki
ng anak, at ang pangangalaga sa kanyang kapakanan at kalusugan sa
pagtatrabaho sa loob at labas ng bahay.
Responsibilidad ng Pamahalaan sa lokal at
pambansang antas na siguruhing nakatatang-
gap ang lahat ng babae ng komprehensibong
serbisyong pangkalusugan. Una dito ang
“maternal health care” o pangangalaga sa mga
ina at “pre and post natal care” para sa mga
buntis at bagong panganak. Nandyan din ang
pagtataguyod ng “family planning methods”.
7
Mabigyan ng Komprehensibong Serbisyong Pangkalusugan
6
10
SENIOR CITIZEN (may edad 60 pataas)
Ang mga nakatatandang kababaihan ay
dapat igalang, alagaan, at bigyan ng mati-
wasay na buhay. Karapatan nila na hindi
maabandona at maging ligtas sa pang-
aabuso, karahasan, pagsasamantala at
diskriminasyon.
KABABAIHANG MIGRANTE
Sagutin ng Pamahalaan ang kaligtasan ng
mga babaeng migrante laban sa pang-
aabuso at karahasan habang naghahanap-
buhay sa ibang bansa, tulad sa “illegal re-
cruitment” at “human trafficking”. Dapat
silang mabigyan ng proteksyon at matatak-
buhan sa panahon ng anumang uri ng kri-
sis. Responsibilidad din ng Pamahalaan na tulungan ang mga ba-
baeng nais maghanapbuhay sa ibang bansa na magkaroon ng pagsa-
sanay na magpapahusay sa kanilang kakayahan sa paggawa. Bukod
dito, bibigyang kalutasan ng Pamahalaan ang pagdami ng Pilipinong
lumalabas ng bansa para magtrabaho, tutuntunin ang ugat ng prob-
lema at lilikha ng mga lokal na trabaho at pang-ekonomyang opor-
tunidad sa bansa. Gagabayan naman ang mga balikbayang mangga-
gawa na nais nang magtrabaho dito sa Pilipinas.
WOMEN IN ESPECIALLY DIFFICULT CIRCUMSTANCES
Sa ilalim ng Magna Carta of Women, ang
kababaihan sa kategoryang ito ay may
karapatan sa mga serbisyong medikal, si-
kolohikal, ligal at pinansyal mula sa Pama-
halaan at mga ahensya nito.
Tungkulin ng Pamahalaan ang maglaan ng responsable, mabisa at ligal
na mga paraan sa pagpaplano ng pamilya na naaayon sa kultura, tradi-
syon at relihiyon at sumasaklaw sa lahat ng katayuan at kalagayan ng
buhay. Titiyakin din ng Pamahalaan ang pagkakaroon ng pantay na
karapatan at kapasyahan sa pagitan ng babae at lalaki sa mga usaping
pampamilya. Tungkulin din ng Pamahalaan na pigilan at gamutin ang
mga impeksyon at sakit ng babae tulad ng “breast”, “cervical” at iba
pang uri ng kanser, mga “sexually transmitted disease” o mga sakit na
nakukuha sa pakikipagtatalik tulad ng “HIV” at “AIDS” at iba pang mga
sakit at kalagayan na dinaranas ng babae lamang.
Responsibilidad din ng Pamahalaan ang magdulot ng agarang serbisyong
pangkalusugan sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso at karahasan,
mga bata at matatanda, at mga may kapansanan.
Gagawa ng nauukol na hakbang ang Pamahalaan upang maalis ang
diskriminasyon sa kababaihan sa lahat ng usaping may kinalaman sa ka-
sal at relasyong pampamilya at sisiguruhin nito ang:
• Parehong karapatan na pumasok at
lumabas sa kasal o relasyong sibil na
ayon sa Family Code na walang pagkil-
ing sa personal na paniniwala at relihi-
yon;
• Parehong karapatan na malaya at
buong-loob na pumili ng mapapanga-
sawa at magpakasal;
• Magkasamang pagdedesisyon ng ba-
bae at lalaki kung ilan ang anak at kung kailan magkakaanak, at
magkaroon ng edukasyon, impormasyon at pamamaraan upang
matamasa ang karapatang ito.
8
Pantay na Karapatan sa mga Usapin ng Pag-aasawa at Pagpapamilya
7
KABABAIHANG MORO AT KATUTUBO
Kinikilala at iginagalang ng Magna Carta of Women ang mga nata-
tanging karapatan ng mga babaeng Moro at
katutubo na isabuhay at ingatan ang
kanilang kultura, mga tradisyon, gawi, at uri
at pamamaraan ng pamumuhay.
Responsibilidad ng Pamahalaan na isaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan sa
paghubog, paglikha at pagpapatupad ng
mga pambansang batas, patakaran at pro-
grama. Upang matiyak ito ay magsasagawa
ang Pamahalaan ng regular na konsultasyon sa mga komunidad ng
Moro at katutubo. Tungkulin din ng Pamahalaan na gumawa ng
pampaaralang “curriculum” na nagsasaalang-alang sa kultura ng mga
Moro at katutubo, at gagamitin sa bawat paaralan sa buong bansa.
BATANG BABAE (may edad 18 pababa)
Nangunguna sa ilalim ng Magna Carta ang
karapatan ng mga batang babae na madu-
lutan ng serbisyong pang-edukasyon at
pangkalusugan. Isinaalang-alang sa batas
ang kultura, tradisyon at relihiyon ng gru-
pong kanilang kinabibilangan. Halimbawa,
ang mga batang Moro ay may karapatang
mag-aral sa Madaris, maliban sa mga karani-
wang pampubliko at pribadong paaralan.
9
ANO ANG MGA NATATANGING
KARAPATAN AT PANGANGAILANGAN
NG MARGINALIZED WOMEN AT
ANO ANG SAGUTIN NG PAMAHALAAN
SA MGA ITO?