Download - Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
- Elektrisidad at Tubig(Electricity and Water Conservation Tips)
Ilaw (Electric Lighting):
• Siguruhing naka-OFF ang
mga ilaw na hindi ginagamit.
• Linisin ng regular ang mga
ilawan (tube, bulb, diffuser)
upang manatili itong maliwanag.
• Gumamit ng energy-saving o
energy-efficient na ilaw gaya ng
compact fluorescent lamps (CFL).
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Mas matipid sa kuryente ang CFLo kaya ay fluorescent lamps (up to 75 %)kumpara sa parehong lakas ng liwanag na incandescent bulb.
• Mas matipid ang konsumong kuryente ng mababa kumpara sa mas mataas na wattage na ilaw (halimbawa: mas matipid ang 10 watts kung ihahambing sa 50 watts,kaya mas mababa ang bayarin sa kuryente).
• Iwasang gumamit ng decorative lights dahil napakababa ang efficiency ng mga ito.
Incandescent
bulb
Compact
Fluorescent
Lamp
Fluorescent Tube
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa Electric Lighting:
Magkatumbas ng Liwanag na Ilaw
50 Watts Incandescent Bulb
20 Watts Fluorescent Lamp
12 Watts CFL
Presyo ng Kuryente
(As of Aug. 2010, SOCOTECO II)
5.47 Pesos per kWH
Bayarin sa 1 Oras na Paggamit
P 0.28
or 28 Centavos
P 0.11
or 11 Centavos
P 0.07
or 7 Centavos
Bayarin sa 1 Araw na Paggamit (12 Oras)
P 3.30 P 1.32 P 0.79
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(12 Oras bawat Araw)
P 99.00 P 39.60 P 23.65
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit (5 Ilaw, 12
Oras bawat Araw)
P 495.00 P 198.00 P 118.80
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Plantsa (Electric Iron):
• Napakalakas komunsumo
ng kuryente ang plantsa – halos
1,000W kaya maging bihira sa
paggamit nito.
• Gawing maramihan at hindi paisa-isa
sa bawat pagkakataon nang
pagplantsa ng mga damit. Mas efficient
ito kaya dulot ay tipid sa kuryente.
• Kung halos patapos na sa pama-
malantsa, i-OFF na ito. Ang init
na natitira ay sasapat sa panghuling
bahagi ng damit.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Mas maiging gawin ang pamamalantsasa umaga dahil mas komportableat malamig pa. Maiiwasan din ang peak demand hours ng elektrisidad na nagyayari tuwing gabi. Ito kasi ang mga oras na bumababa ang supply voltage kaya medyo apektadoang dagliang pag-init ng plantsa. May pagkakataong mataas ang presyo ng kuryente tuwing peak hours.
• Gumamit ng hanger upang maiwasan ang kusot sa damit at nang hindi na kakailanganin ang muling pagplantsa dito.
• Huwag iwanan nang matagal na naka-ONkapag pansamantalang hihinto sa pagpaplantsa,higit na mabuti ay i-OFF at i-unplug ito.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa Pagpaplantsa (Electric Iron):
Power Rating ng Plantsa 1000 Watts
Presyo ng Kuryente
(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH
Bayarin sa 1 Oras na Paggamit P 5.47
Bayarin sa 5 Oras na Paggamit P 27.34
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(5 Oras Araw-araw)P 820.05
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(5 Oras bawat Linggo)P 136.68
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Pagluluto (Electric Stove, Oven):
• Napakalakas ding komunsumo
ng kuryente ang Electric Stove
(mahigit-kumulang 1,500W).
• Kung maaaring gawin, hayaang matunaw
muna ang yelo sa mga frozen foods bago isalang
sa stove.
• Iwasang gumamit ng malaking stove
sa isang maliit na kaserola dahil mas
malakas ang konsumong kuryente
nito kumpara sa maliit na stove.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Ihanda muna ang lahat ng kakailanganing
sangkap bago magsimulang magluto upang
maiwasan ang pag-ON/OFF ng electric stove.
• Gumamit ng flat-bottom pans na may
maayos na takip upang maiwasan ang
heat transfer losses.
• I-switch ang stove sa “LOW” kung
magsimula nang kumulo ang nilu-
luto. Ang matinding pagkulo ay
hindi nakakapagpabilis ng pagka-
luto ng pagkain.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Gumamit ng sapat lamang na dami ng tubig
upang mapabilis ang pagkulo o pagkaluto at
saka pa lamang dagdagan ng wastong sukat
ng tubig kung kailangan.
• Iwasan ang pabukas-bukas sa takip
ng niluluto kung di-kinakailangan dahil
nasasayang ang init at nadaragdagan
pa ang tagal ng pagluluto.
• I-OFF na ang stove mga ilang minuto
bago matapos ang pagluluto. Sasapat
na ang init na natitira para sa tuluyang
pagkaluto ng pagkain.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa Pagluluto (Electric Stove, Oven):
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Power Rating 1500 Watts
Presyo ng Kuryente
(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH
Bayarin sa 1 Oras na Paggamit P 8.20
Bayarin sa 4 Oras na Paggamit
(2 Oras sa umaga, 1 sa tanghali, 1 sa gabi)P 32.78
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(4 Oras Araw-araw)P 983.40
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(2-Burner Stove, 4 Oras Araw-araw)P 1,966.80
Refrigerator:
• Tiyaking regular na ma-defrost
ang refrigerator. Ang frost ay nagiging
insulating blanket kaya walang hinto
ang pag-andar ng compressor motor.
Ang pag-andar na ito ay komukunsumo
ng kuryenteng higit sa normal na kailangan.
• Huwag iwanang matagal na bukas ang pinto
nito nang higit sa kailangan. Siguruhing maayos ang
pakalapat ng pinto kung nakasara na.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Huwag masyadong punuin ang
loob ng refrigerator dahil ma-
haharangan ang air flow na
magdudulot ng overwork sa
compressor motor.
• Ilagay ang refrigerator na may sapat
na space ang condenser coil na nasa
likuran o ilalim nito at linisin ito ng regular.
• Palamigin muna ang mga pagkain bago ipasok
sa refrigerator. Ang mainit na pagkain sa loob
nito ay nagpapalakas ng power consumption.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Ilagay ang refrigerator malayo
sa stove o iba pang maaring
pagmulan ng init dahil makaka-
apekto sa normal function nito.
• Huwag i-set nang lubhang
mababa ang temperature control
nang higit sa kailangan dahil
tutuloy-tuloy ang andar ng
compressor nito kaya aksaya
lamang ito ng kuryente.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa Refrigerator:
Karaniwang Power Rating
(9 cubic ft unit)130 Watts
Presyo ng Kuryente
(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH
Bayarin sa 1 Oras na Pag-andar ng Compressor Motor
P 0.72
Bayarin sa 4 Oras na Pag-andar ng Compressor Motor (Bawat Araw)
P 2.86
Bayarin sa 7 Oras na Pag-andar ng Compressor Motor (dahil hindi maayos
na paggamit, bawat Araw)
P 5.01
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(7 Oras na Andar Araw-araw)P 150.15
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(4 Oras na Andar Araw-araw)P 85.80
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Air-conditioner:
• Panatilihing hindi sobra ang lamig
ng isang air-conditioned room, gamitin
ang thermostat sa pag-regulate ng
temperatura. (1 degree increase in setting
reduces cooling electric bill by 2 %)
• Siguruhing walang singaw sa mga bintana
o sa pintuan ng isang air-conditioned room.
• Huwag harangin ang front grill at pamalagiing
malinis ang filter ng aircon. Ang clogged filter ay
bumabawas sa kakayahan nitong magpalamig.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Pamalagiing sarado ang pintuan ng isang
air-conditioned room sa lahat ng pagkaka-
taon. Iwasan ang paglabas-masok nang
hindi naman kailangan gaya ng ginagawa
ng mga naglalarong bata.
• Kung maari, huwag ilagay ang aircon sa
lugar na mainit tulad ng malapit sa
lutuan o kaya ay sa tinatamaan ng
init ng araw.
• Magsagawa ng preventive main-
tenance sa pamamagitan ng regular
check-up at pagpapalinis nito.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Dapat ay naka-OFF ang mga ilaw na
hindi ginagamit sa air-conditioned area.
Ang init na nagmumula sa mga ilaw na
ito ay dumaragdag sa load at tagal ng
pag-andar ng aircon unit kapag ito ay
nasa thermostat control.
• Kung maaring gawin, huwag pamalagiin
ang paggamit ng aircon at sa
halip, electric fan na lang ang
gamitin upang makatipid sa
konsumo na kuryente.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa Air-conditioner, Electric Fan:
KaraniwangPower Rating
Window-type Aircon
1 HP : 746 Watts
Window-type Aircon
3/4 HP : 560 Watts
Electric Fan84 Watts
Presyo ng Kuryente
(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH
Bayarin sa 1 Oras na Paggamit
P 4.07 P 3.08P 0.50
or 50 Centavos
Bayarin sa 1 Araw na Paggamit (12 Oras)
P 48.84 P 36.96 P 5.94
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(12 Oras bawat Araw)
P 1,465.20 P 1,108.80 P 178.20
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit (2 unit, 12
Oras bawat Araw)
P 2,930.40 P 2,217.60 P 356.40
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Washing Machine:
• Ipunin ang labahin hanggang halos kasimbigat
na ang mga ito sa rated capacity ng washing
machine (halimbawa – 5 kg) ngunit di-dapat
lalagpas dito. Saka pa lamang simulan ang
paggamit nito. Ang sobrang bigat ng labahin
ay nakaka-overload at ang kakaunting labahin
naman ay hindi efficient sa konsumo ng
kuryente ng electric motor nito.
• Ilagay ang tamang dami ng
detergent o sabon. Kapag
kulang, maaring hindi lahat
ng damit ay masabunan at
malinis kaya lalabahan itong muli.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Ang paulit-ulit na paglalaba sa
washing machine ay hindi nakatitipid
sa kuryente (kumpara sa minsanan).
• Piliin ang tamang washing cycle
upang maingatan ang mga damit.
• Ang washing machine na ginagamit
bilang dryer na may high spin speed
ay mas energy efficient kaya naka-
titipid ng kuryente.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa Paggamit ng Washing Machine:
Karaniwang Power Rating
(5 kg unit)500 Watts
Presyo ng Kuryente
(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH
Bayarin sa 1 Oras na Paglalaba P 2.75
Bayarin sa 5 Oras na Paglalaba
(1 Beses Bawat Linggo)P 13.75
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(1 Beses na Paglalaba, Bawat Linggo)P 55.00
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(2 Beses na Paglalaba, Bawat Linggo)P 110.00
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
TV, Stereo Component, Computer:
• Kung nanonood ng TV, i-adjust
nang katamtaman lamang ang
volume dahil nakakaapekto din
ito sa konsumo ng elektrisidad.
Kung mas malakas ang volume
mas malaki ang hatak nitong
kuryente.
• Ang mga stereo component o karaoke machine na
malalakas ang sound volume ay matindi din ang
kinukunsumong kuryente.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Huwag iwanan ang computer na naka-standby
o naka-hibernate mode dahil kumukuha pa rin
ito ng power. Dapat itong i-shutdown at i-unplug
kung hindi na gagamitin. Nakatutulong ang
auto-shutdown feature ng monitor kung
kinakailangang naka-ON ang computer.
• Di-hamak na mas matipid sa kuryente ang
laptop computer kaysa sa desktop computer.
• Kahit naka-power off na ang mga
remote controlled na gamit kumakain
pa rin ito ng kuryente kaya nararapat
ding tanggalin sa pagkakasaksak.
Umiiksi pa ang life span ng mga ito
dahil sa wear-and-tear.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa TV, Stereo Component, Computer:
KaraniwangPower Rating
TV21 in. : 100 Watts
Stereo Component5000W PMPO :
500W
Desktop Computer
300 Watts
Laptop Computer
30 Watts
As of Aug 2010,
(GSC) 5.47 Pesos per kWH
Bayarin sa 1 Oras na Paggamit
P 0.55
or 50 CentavosP 2.75 P 1.65
P 0.17
or 17 Centavos
Bayarin sa 1 Araw na
Paggamit (12
Oras)
P 6.60 P 33.00 P 19.80 P 1.98
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
(12 Oras bawat Araw)
P 396.00 P 990.00 P 594.00 P 59.40
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Karagdagang tips upang makatipid sa kuryente:
Maiging gumamit ng mga appliances namay tatak Energy Star o may mataas naEER (energy efficiency ratio ≥11) dahilmas matipid ang mga ito sa kuryentekumpara sa may mababang EER na may parehong working capacity.
Kapag matindi ang sikat ng araw, makatutulongang mga blinds, kurtina, o lilim ng mga tanimna mapaiksi ang cooling operating hours ngair-conditioning appliances.
Mabisa ang skylighting upang maiwasanggumamit ng electric lights kapag sapat angsinag ng araw.
.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Karagdagang tips upang makatipid sa kuryente:
Ang paggamit ng photoelectric switch para
sa outdoor lighting ay makatutulong din sa
pagtitipid kumpara sa manual switching.
Kapag gumagamit ng mineral water dispenser,
huwag hayaan na permanenteng naka-power ON
ang heater at cooler. Ito’y dahil sa kahit na automatic
ang mga itong mag-ON o OFF ayon sa internal
thermostat setting, nasasayang ang init o
lamig ng tubig sa paglipas ng oras na
walang gamit. Ang pag-ON ng mga ito
ng automatic na hindi naman ginagamit
ay aksaya sa kuryente.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Karagdagang tips upang makatipid sa kuryente: Mas matipid sa kuryente ang microwave
oven kaysa sa ordinary electric stove sa angkop na pagluluto (500W lamang ito).
Ang mga “grounded” (nakakukuryente) na appliances ay humahatak ng elektri-sidad kahit hindi ginagamit kaya dapat i-unplug o kaya ay ipaayos sa qualified technician.
Ang mga short circuits o electrical faults dulot ngsirang appliance ay humahatak din ng napaka-tinding level ng kuryente, kaya delikado at dagdag pa sa bayarin.
Nagreresulta sa maling electric billing ang sirao uncalibrated na electric meter kaya dapatitong palitan o ipa-calibrate sa distribution utility o electric cooperative.
---oOo---
• Siguruhing walang water leaks o
tumatagas na tubig sa mga gripo
at linya ng tubo.
• Gumamit ng basin o palanggana sa
paglalaba, paghuhugas ng mga prutas,
gulay, at mga gamit sa kusina.
• Gumamit ng watering can o sprinkler sa
pagdilig ng mga halaman.
• Sa baso ilagay ang tubig tuwing nagsisipilyo
ng ngipin at huwag hayaang tuluy-tuloy ang
agos sa gripo.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Tubig at Bayarin dito
• Isara ang gripo habang nag-aahit.
• Huwag hayaang nakabukas ang gripo habang
naghuhugas ng mga pinggan at iba pa.
• Iwasan ang pagpa-flush ng toilet bowl kung
di-naman kailangan.
• Gumamit ng balde o angkop na lalagyan kung nagka-carwash.
• Kung may problema ang inyong linya ng
tubig, iulat kaagad sa water district office
• Magbayad sa tamang panahon ng inyong
water bill upang hindi magka-penalty (may
dagdag-bayad ito).
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Tubig at Bayarin dito
Gastusin sa Paggamit ng Tubig:
Karaniwang Konsumong Residential
0-10
cubic meters
(Water District)
11-20
cubic meters
(Water District)
Water Pumps
1.5 HP / 1120kW
(Household Property)
Unit Price
(As of Aug. 2010, GSC)
P 19.20
per cu.m
basic charge +
P 18.45
per cu.m
4.97 Pesos per kWH
BayarinP 192.00
basic charge
P 192.00 +
P 18.45/cu.m
P 5.60 for 1 Hour pump run
Bayarin sa 1 Buwang Paggamit
P 192.00P 192.00 +
P 18.45/cu.m
P 504.00
for 3 Hrs a day pump run
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Tubig at Bayarin dito
Gaano katindi ang epekto ng water leaks?
• Ang maliit ngunit tuloy-tuloy na patak ay umaabot sa 67.5 litro
bawat araw (P 1.30 bawat araw / P 39 kada buwan kung P 19.2 ang
bawat cu.meter).
• Sumasayang ng 900 litrong tubig ang 0.8 mm
na butas sa linya ng tubo (kasing liit lamang ito
ng diameter ng isang tingting, aksaya ng P 17.30/araw
o P 518/buwan).
• Ang 1.6 mm na butas ay sumasayang naman
ng 3,000 litro kada araw (P 57.60/araw o P 1728/buwan).
• Umaabot naman sa 10,000 litro ang nawawalang tubig sa
isang araw ng butas na 3.2 mm ang laki (kasinliit ng munggo,
aksaya ng P 192/araw o P 5760/buwan).
---oOo---
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Tubig at Bayarin dito
“A peso saved is a peso gained..”
Maraming Salamat Po!
Mga Pinagkunan ng Impormasyon:
More Than 100 Ways to Improve Your Electric Bill, http://www.eei.com
Reducing Your Electrical Bill, http://www.econogics.com
Dolefil Enercon Program
General Santos Water District Primer
SOCOTECO II monthly billing
Karamihan ng larawan ay mula sa http://www.fotosearch.com
Bumalangkas: Joel G. Paramo
Registered Electrical Engineer
© 2010