Kagawaran ng Edukasyon
Filipino 1 Pag-unawa sa Napakinggang Teksto, Kuwento
Pag-uulat sa mga Naobserbahang Pangyayari sa
Paligid
Ikalawang Markahan – Ikawalong Linggo
Jonalyn M. Dungca Manunulat
Emily Kinna B. Caluza Tagaguhit
Juvy T. Cortez Tagasuri
Reynaldo O. Comisario, Rhodora V. Mandap, Melesa L. Calapano Mga Validator
Marissa S. Muldong Tagapangulo-Katiyakan sa Kalidad
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
2
Makatutulong ang araling ito upang malaman mo ang mga
mahahalagang elemento ng binasang teksto, alamat o kuwento.
Mababatid mo kung ano ang pamagat ng iyong binasa, sino ang
mga tauhan, saan nangyari ang nasabing kuwento, ano-ano ang
tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento,
ano ang damdamin ng tauhan at ano ang mensahe o
magandang-aral ng kuwentong iyong natutuhan pagkatapos
mong magbasa.
Ito rin ay magbibigay sa iyo ng kaalaman para maiulat mo
nang pasalita ang mga mahahalagang pangyayari na iyong
naobserbahan sa paligid, maaaring sa inyong bahay, paaralan,
komunidad o pamayanan at sa mga napapanood mo sa
telebisyon, cellphone at kompyuter.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay
inaasahang:
1. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-
unawa ng napakinggang alamat/teksto
(Koda: F1PN-IIe-2/F1-IVb-2)
2. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa napakinggang
kuwento sa tulong ng mga larawan at pamatnubay na tanong
(Koda: F1PN-IIf-8)
3. Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari
sa paligid (bahay, komunidad, paaralan) at mga napanood
(telebisyon, cellphone, kompyuter)
(Koda: F1PS-IIc-3; F1PS-IIIa-4 F1PS-Iva-4)
3
Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1.
Tungkol saan ang binasang teksto?
A. Si Lito, ang matalinong doktor
B. Si Karlo, ang masipag na tindero
C. Si Danilo, ang matapang na pulis
D. Si Kardo, ang matulungin na sundalo
2.
Tungkol saan ang binasang teksto?
A. Binyag ni Jun-Jun
B. Kaarawan ni Donna
C. Araw ng Pagtatapos ni Rodel
D. Anibersayo nila tatay at nanay
3.
Tungkol saan ang napanood niya?
A. lindol
B. sunog
C. bagyo
D. pagputok ng bulkan
Matulunging sundalo si Kardo. Siya ay tumutulong sa
pagbibigay ng mga pagkain sa mga tao.
Ika-7 kaarawan ni Donna ngayon. Masasarap ang mga
inihandang pagkain ng kanyang tatay at nanay sa kanya.
Napanood ni Karen sa cellphone ng kanyang Ate Kim ang
balita tungkol sa pagputok ng Bulkang Taal.
4
4.
Ano ang tawag sa sakit?
A. tigdas
B. lagnat
C. bulutong
D. COVID-19
5.
Bakit kaya magkakalayo sa pila
ang mga tao?
A. para mahawa ng ubo
B. para makasingit sa pila
C. para mabigyan ng premyo
D. para maiwasan ang COVID-19
Gawin ang mga sumusunod na panuto.
1. Kulayan ng kulay kahel ang loob ng parisukat.
2. Isulat ang iyong buong pangalan sa loob ng parihaba.
Napanood ni Rico sa telebisyon na mayroong isang uri ng
sakit na dulot ng bagong virus na tinatawag na COVID-19,
kaya dapat ingatan ang kalusugan.
Nakita ni Kuya Vic na magkakalayo o may pagitan ang mga
taong nakapila sa palengke ngayon.
5
3. Kulayan ng kulay dilaw ang tatlong bituin.
4. Gumuhit ng isang bulaklak sa loob ng tatsulok.
5. Gumuhit ng masayang mukha sa loob ng bilog.
Frontliners sina Tatay at Nanay
(Kuwento ni: Jonalyn M. Dungca – Guro sa Itaas Elementary School)
6
“Paalam po, Tatay at Nanay. Mag-iingat po kayo!” sigaw ng
batang si Dora sa papaalis na kotse ng kanyang mga magulang
para pumasok sa trabaho.
Isang pulis ang Tatay Berto ni Dora samantalang ang
kanyang Nanay Rosa naman ay nars.
Madalas na naiiwan si Dora sa pangangalaga ng kanyang
Lola Sisa at ng kanyang Tiya Lorna. Bilang mga frontliner, hindi na
muna umuuwi ng kanilang bahay ang kanyang tatay at nanay
upang makasigurado sila sa kaligtasan ng anak at ng iba pa
nilang kasama sa bahay.
“Lola, may tanong po ako sa inyo,” wika ni Dora. “Ano iyon, Apo?” sagot ng kanyang Lola Sisa. “Bakit po hindi na muna
makauuwi sina Tatay at Nanay rito sa ating bahay?” tanong ni
Dora.
“Dahil iba-iba ang nakakasama nilang mga tao sa trabaho.
Natatakot ang mga magulang mo na baka mahawa sila sa
COVID-19 at mahawaan nila tayo,” paliwanag ni Lola Sisa.
“Apo, di ba naipaliwanag na sa iyo ng tatay at nanay mo
ang panganib na dala ng nasabing virus?” tanong ni Lola Sisa.
“Opo, Lola, natatandaan ko rin pong ipinaliwanag nina
Tatay at Nanay na nakatatakot na sakit daw po ang
“Coronavirus” o COVID-19. Wala pa raw gamot para rito kaya
kailangan po natin ang dobleng pag-iingat. Lagi po silang
nagbibilin sa atin na maghugas palagi ng mga kamay gamit ang
sabon, mag-alcohol, magsuot ng face mask, face shield at
iwasan ang paglabas ng bahay,” wika ni Dora.
“Napanood ko rin po, Lola, sa mga balita sa telebisyon na
maraming tao na din po ang mga nagkakaroon ng sakit na
COVID-19,” sabi pa ni Dora.
“Tama ka, Dora,” sagot ng kanyang Tiya Lorna na nakikinig
din sa usapan nilang maglola.
“Habang lumilipas ang mga araw mas nadaragdagan na rin
ang mga pasyenteng nagkakaroon ng COVID-19. May mga
namamatay at mayroon din naman nakaliligtas sa sakit na ito
basta lamang malakas ang resistensiya ng katawan, iniinom ang
mga niresetang gamot ng doktor at nagdarasal sa Diyos,”
paliwanag ni Tiya Lorna.
Pagkalipas ng tatlong linggo, may natanggap na tawag sa
telepono si Lola Sisa, nagkaroon daw ng COVID-19 ang anak
niyang nars na si Rosa.
7
Iyak ng iyak ang batang si Dora nang malaman niya ang
nangyari sa kanyang nanay habang yakap siya ng kanyang Tiya
Lorna.
“Apo, huwag kang mag-alala, ginagamot naman ng mga
doktor ang iyong nanay at ipagdasal natin ang kanyang
kaligtasan. Hindi siya pababayaan ng Diyos,” paliwanag ni Lola
Sisa habang tumutulo rin ang kanyang mga luha.
“Lola, gusto ko pong makita si Nanay,” pakiusap ni Dora.
“Apo, hindi muna natin siya maaaring puntahan sa ospital
dahil sa panganib na dala ng COVID-19, tatawagan ko muna
ang tatay mo para sabihin ang nangyari,” wika ni Lola Sisa.
Pagkalipas ng halos isang buwan ay gumaling na sa COVID-
19 ang nars na si Rosa. Siya ay sinundo at nailabas na nang ligtas
sa ospital ng kanyang asawang pulis na si Berto at kapatid na si
Lorna.
Laking tuwa ni Dora sa magandang balita ng kanyang lola
at sa pagtupad ng Diyos sa kanyang dasal para sa kaligtasan ng
kanyang mahal na nanay. Masaya siyang nakatanaw sa bintana
ng kanilang bahay at hinihintay ang pagdating ng kanyang tatay
at nanay. Para kay Dora, makabagong bayani ang mga frontliner
niyang magulang dahil patuloy silang nagbibigay ng kanilang
serbisyo at tulong sa mga tao.
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng iyong napakinggang kuwento?
________________________________________________________________
2. Sino – sino ang mga tauhan sa kuwento?
________________________________________________________________
3. Ano ang nangyari sa Nanay Rosa ni Dora?
________________________________________________________________
4. Bakit tinawag na frontliners ang mga magulang ni Dora?
________________________________________________________________
5. Paano mo ipakikita ang pasasalamat mo sa frontliners na
patuloy na naglilingkod sa mga tao ngayong panahong
mayroong COVID-19?
________________________________________________________________
8
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga larawan ayon sa
napakinggang kuwento. Lagyan ng bilang 1 – 5 ang patlang.
_____________________ ______________________ ______________________
Sa iyong napakinggang kuwento, mapapansin mo na
ito ay mayroong pamagat, may akda, may lugar kung saan
ito naganap at may mga tauhan. Malalaman mo rin sa
kuwento kung ano ang mga sinabi, ginawa o damdaming
ipinapakita ng mga tauhan na bumubuo rito.
Ang kuwento ay mayroong simula, gitna at wakas. Ito
ay may tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
at magandang-aral na iyong matututuhan.
Mapapansin mo rin na mayroong iba’t ibang
pangyayari sa paligid na iyong naoobserbahan. Ito ay
maaaring sa inyong bahay, komunidad (barangay o
pamayanan) at paaralan, gayundin, may mga napapanood
kang mahahalagang balita o impormasyon sa telebisyon,
cellphone at kompyuter na makatutulong sa iyo upang
magkaroon ka ng sapat na kaalaman tungkol sa mga
nagaganap sa loob at labas ng ating bansa.
Nagpaalam si Dora sa
kanyang tatay at nanay
na nakasakay sa kotse
papuntang trabaho.
Iyak nang iyak si Dora
nang malaman niyang
nagkasakit ng COVID-
19 ang kanyang nanay
habang yakap siya
kanyang Tiya.
Nakatanggap ng
tawag sa telepono si
Lola Sisa na nagka-
COVID-19 ang anak
niyang nars.
9
____________________ _____________________
Masayang nakatanaw
sa bintana si Dora
habang hinihintay ang
pag-uwi ng kanyang
tatay at nanay.
Sinundo na si Nanay
Rosa at nailabas nang
ligtas sa ospital ng
kanyang asawa at
kapatid na si Lorna.
Pakinggan o basahin nang mabuti ang teksto, alamat o
kuwento upang iyong maunawaan kung tungkol saan
ang iyong pinakinggan o binasa.
Malaking tulong ang mga larawan sa pagsasaayos ng
tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
isang alamat o kuwento.
Nag-iiwan ng magandang aral ang bawat alamat o
kuwento.
Kaya mong iulat ng pasalita ang mga naobserbahan
mong pangyayari sa iyong paligid (bahay, komunidad,
paaralan) at sa mga napapanood mo sa (telebisyon,
cellphone at kompyuter) dahil ito ay personal mong
nakita o nasaksihan.
Nakatutulong ang paggamit mo ng telebisyon,
cellphone at kompyuter sa pagkalap ng mga
mahahalagang impormasyon. Gamitin mo lamang ang
mga ito sa mabuting pamamaraan upang hindi ka
mapahamak.
10
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang larawan kung ito ay nagpapakita
ng tamang gawain ngayong panahon na mayroong COVID-19 at
ekis ( X ) kung hindi.
______1. _________ 4.
________ 2. __________ 5.
_________ 3.
Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Ano ang naramdaman ni Dora nang malaman niyang
magaling na sa COVID-19 ang kanyang nanay?
A. masaya B. natakot C. nagulat D. malungkot
11
2. Ano ang bilin ng mga magulang ni Dora sa kanya upang
makaiwas sa sakit na COVID-19?
A. mamasyal sa parke
B. maglaro sa palaruan
C. maghugas ng kamay gamit ang sabon
D. magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain
3. Ano ang tawag, ngayong panahong mayroong COVID-19 sa
ating bansa at sa buong mundo, sa katulad ng mga magulang ni
Dora na isang pulis at nars?
A. artista B. iskolar C. kapitan D. frontliners
4. Sa panahon ngayon na may COVID-19 sa ating bansa at sa
buong mundo, ano ang kailangang isuot ng mga tao kapag
lalabas ng bahay?
A. bota B. jacket C. kapote D. face mask
5. Ano ang palaging sinasabi ng mga doktor at nars sa lahat ng
tao upang makaiwas sa sakit na COVID-19?
A. mamili sa mall
B. maligo sa dagat
C. mag-ehersisyo sa kalsada
D. manatili sa loob ng bahay
12
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Missouri DHSS Department of Health and Senior Services, Novel
Coronavirus (COVID-19)
https://health.mo.gov/living/healthcondiseases/communicable/n
ovel-coronavirus/pdf/novel-coronavirus-factsheet-tagalog.pdf
RiteMed, Hand hygiene: Tamang Paraan ng Paglilinis ng Kamay
https://www.ritemed.com.ph/articles/hand-hygiene-tamang-
paraan-ng-paglilinis-ng-kamay
Susi ng Pagwawasto:
Unang Pagsubok Pagpapakilala sa Aralin (sagot sa mga tanong)
1. D 1. Frontliners sina Tatay at Nanay
2. B 2. Dora, Tatay Berto, Nanay Rosa, Lola Sisa at Tiya Lorna
3. D 3. nagkaroon ng sakit na COVID-19
4. D 4. dahil bilang isang pulis at nars, sila ay naglilingkod sa mga
tao lalo na ngayon na meron COVID-19
5. D 5. Susundin ko po ang kanilang sinabi na manatili lamang sa
loob ng bahay at ipagdadasal ko sila
Balik-Tanaw
(pagsunod sa panuto)
1.
2. Gawain Pangwakas na Pagsusulit
3. 1. / 1. A
4.
5. 2. x 2. C
3. x 3. D
4. x 4. D
5. / 5. D