Download - Jueteng [Pananaliksik]
DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino,
ang pananaliksik na ito na pinamagatang
“Jueteng”
ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik mula sa seksyon na IV – St.
Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011.
Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at
inihanda ng mga mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na
paaralan.
Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan
sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:
_____________________
Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)
_____________________________
Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)
PASASALAMATPASASALAMAT
Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod dahil sa kanilang
kontribusyon at naitulong para sa pananaliksik na ito
Kay Bb. Jessilyn D. Ranges, ang aming guro sa Filipino, sa pag-gabay,
pagturo at pagtulong sa paggawa ng pananaliksik na ito.
Sa aming mga respondent na naglaan ng oras upang kanilang masagutan
ang aming mga sarbey-kwestyoner.
Sa aming pamilya, sa pagsuporta at pagbigay-kaalaman upang matapos ang
pananaliksik na ito.
Sa aming mga kamag-aral na nagbigay din ng kanilang mga nalalaman.
Muli, maraming salamat po.
TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN
PASASALAMAT
KABANATA 1 “ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO”
A. INTRODUKSYON
B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
D. KATUTURAN NG MGA TALAKAY
E. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL
KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL”
KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PAG-AARAL”
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
B. MGA RESPONDENT
C. INSTRUMENTONG PAMPANALIKSIK
D. TRITMENT NG MGA DATOS
KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”
KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”
A. LAGOM
B. KONKLUSYON
C. REKOMENDASYON
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A. INTRODUKSYON
Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng malawak na
impormasyon at kaalaman sa inyo tungkol sa Jueteng. Ang jueteng ay isang
iligal na paglalaro na ginagamitan ng mga numero. Ang salitang jueteng sa
hango sa salitang Tsina na nangangahulugang bulaklak(jue) at taya(teng).
B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
1. Kahirapan ng ating bayan. Karamihan saating mga mamamayan ay
nag-jujueteng /nagpapa-jueteng dahil sa kahirapan ng ating bayan.
Dahil kung hindi naman mahirap ang ating bayan tiyak mayroon silang
marangal na trabaho at hindi mauuso ang jueteng.
2. Kawalan ng maayos na maaaring pagkakitaan. Isa pang sanhi ng
jueteng ay ang kawalan ng maayos na pwedeng pagkakitaan ng mga
tao, dahil kung mayroon namang maayos at marangal na trabaho na
maininigay sa bawat tao hindi sila papasok sa mundo ng jueteng.
3. Kawalan ng kooperasyon mula sa iba’t ibang ahensya ng
pamahalaan. Ito ang dahilan kung bakit hindi mapuksa-puksa ang
jueteng, dahil hindi inaasikaso ng mga ahensya ang pagtatrabaho nila
at ang iba sakanila ay kasangkot sa jueteng.
4. Matinding kahirapan ng mga Pilipino na sanhi ng kurapsyon sa
pamahalaan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit pumapasok ang
isang tao sa mundo ng jueteng dahil kung hindi dahil sa korapsyon
hindi sila maghhirap.
5. Ang madaling pagkita ng pera sa Jueteng. Madaling magkapera
sa jueteng kaya madaming tao ang nagpapa-jueteng kahit alam nilang
ito ay bawal.
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang aking pag-aaral tungkol sa jueteng ay mahalaga para
malaman kung bakit maraming tao ang nahuhumaling at naloloko sa
jueteng, kahit alam nilang ito ay ilegal. Mahalaga ang pananaliksik na ito
upang malaman ang mismong ugat ng pagpapa-jueteng ng mga tao,at kung
bakit nila ito ginagawa.
Isa pang kahalagahan ng aking pag-aaral tungkol sa jueteng ay
para malutasan na ang problemang ito. Para malaman ng mga ahensya kung
paano nila ito mapupuksa.
D. KATUTURAN NG MGA TALAKAY
Ang jueteng ay hango sa salitang galing sa Tsina na
nangangahulugang bulaklak(jue) at taya(teng). Ito ay isang ilegal na laro
gamit ang mga numero. Kahit na ito ay ilegal ito ay popular na laro, ito ay
nilalaro ng mga mayayaman at mahihirap na tao. Ang jueteng ay walang tax
kaya malaki ang kinikita ng mga jueteng operators. Sinasabing may daya din
sa larong ito.
Kahit anong gawin ng gobyerno hindi pa rin nila masugpo-sugpo ang
mga pagpapa-jueteng ng mga tao, at ang kahirapan ay patuloy na
lumalaganap sa ating bansa.
Subalit sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada ay nagsabi na ang
juetang ay dapat gawing legal para ang mga profit ay mapunta sa
gobyaerno. Subalit ito ay hindi pinaunlakan ng ating Pangulo na si Pangulong
Aquino at siya’y gumawa ng plano katulong ang Department of Interior and
Local Government at ang Philippine Nayional Police na labanan at tapusin
ang jueteng sa Pilipinas.
E. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL
Sa pananaliksik na ito tatalakayin ang mga sumusunod:
1. Mga dahilan kung bakit nag-jujueteng ang mga tao.
2. Kung bakit hindi mapuksa-puksa ng gobyerno ang jueteng.
3. Kung dapat bang gawing legal ang jueteng.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Ang Jueteng ng Saudi
Mainit ngayon ang usapin ng iligal na sugal sa ating bansa. Ito raw ay
maihahalintulad sa isang sakit na hindi mawala-wala. Mapamayaman,
mahirap o kahit pa yung mga nasa kapangyarihan hirap umiwas sa bisyong
ito. Nasa kultura na raw kasi nating mga Pilipino ang pagkahilig sa sugal -
ligal man ito o labag sa batas.
Pero ang nakakagulat hindi lang pala sa ating bansa talamak ang
problemang ito. Umabot na maging sa ibang bansa at ang operator ng mga
iligal na pasugalan sangkot ang mga Pilipino! Sa Saudi Arabia nakilala namin
si "Jun" at "Greg", Bangkero at Kabo ng "Last Three" ang bersiyon nila ng
Jueteng sa Saudi. Kahit na alam nilang mahigpit ang batas ng Saudi sa sugal
hindi pa rin sila nagpapigil. Sa mahigit isang dekada nila sa kanilang sideline,
hindi pa raw sila nahuhuli. Ayon sa kanila dagdag daw ito sa kanilang
kakarampot na kita.
Kalat na raw sa buong Middle East ang operasyon ng Last Three at
dahil libo-libo ang tumataya malaki raw ang nagiging prize money. Pero kahit
sina "Jun" at "Greg" hindi tiyak sa kanilang magiging kapalaran. Gaya kasi ng
mga numero na kanilang pinatatayaan. walang katiyakan kung hanggang
kailan papabor sa kanila ang kapalaran.
Sa ating bansang Pilipinas tinangka na ng gobyerno natin na alisin ang
jueteng ngunit hindi nila mapuksa puksa ito. Sabi pa nina Juan Ponce Enrile
at Jinggoy Estrada na dapat gawing legal ang jueteng para ang mga
benepisyo nito ay mapunta sa gobyerno. Dalawa pang gobernador ang
sumang-ayon nag awing legal ang jueteng iyon ay sina Ramon Revilla at
Gringo Honassan. Kaya nila gusting maging legal ang jueteng para marami
ang makinabang sa perang kinikita,dahil kapag nagging legal ang jueteng
magkakaroon ito ng tax. Ngunit hindi ito piunlakan ni Pangulong Aquino at
siya’y gumawa pa ng plano katulong ang Department of Interior and Local
Government at ang Philippine National Police na labanan at tapusin na ang
jueteng sa Pilipinas. Itinatag ni Pangulong Aquino ang one strike pilocy. Ang
one strike pilocy ay isang batas na kung saan ang pag-alis at pagpalit sa
mga lahat ng mga pulis sa mga lugar kung saan may jueteng ay
ipinapatupad.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay ginawa ayon sa disenyo ng pamaraang
maimpormasyon na pananaliksik, dahil sa pananaliksik na ito makakakuha
tayo ng impormasyon at idea kung paano malulutasan ang problema sa
jueteng sa pamamagitan ng kanilang mga dahilan.
B. MGA RESPONDENT
Ang napili naming respondent para sa pananaliksik na ito ay ang mga
taong may edad 25 pataas.
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.
Ito ay isang talatanungan para sa mga taong nagpapa-jueteng,tumataya sa
jueteng at hindi nag-jujueteng sa West Fairview Quezon City. Kami ay
gumawa ng labing-limang(15) SET A at SET B na sarbey-kwentyoner at
dalawampung(20) SET C sarbey-kwestyoner.
Ang unang set ng sarbey ay para sa mga taong nagpapa-jueteng. Ang
ikalawang set naman ay para sa mga taong tumataya/tumatangkilik sa
jueteng. Ang pangatlong set naman ay para sa mga taong hindi lumalahok
sa jueteng.
D. TRITMENT NG MGA DATOS
Dahil ang sarbey lang naman ang aming ginamit binilang lang namin
ang pinakamarami nilang magkakaparehas na sagot at saka binigyan ng
konklusyon.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
Kami ay nagsarbey sa limampu na katao na may edad 25-pataas sa
West Fairview, Quezon City, upang malaman ang kanilang mga dahilan,
saloobin at mga idea sa jueteng. Ang pagsasarbey naming ay nahahati sa
tatlong pangkat ng mga tao at tatlong set ng sarbey-kwestyoner. Ang unang
pangkat ay ang mga taong nagpapa-jueteng at ang kanilang sarbey
kwestyoner ay ang SET A. Pangalawa ay ang mga taong tumataya o
tumatangkilik sa jueteng at ang kanilang sarbey-kwestyoner ay ang SET B.
pangatlo ay ang mga taong walang kinalaman sa jueteng at ang kanilang
sarbet-kwestyoner ay ang SET C.
URI NG SARBEY-KWESTYONER
SET A: Para sa mga nagpapa-jueteng
SET B: Para sa mga tumataya sa jueteng
SET C: Para sa mga hindi nagpapa-jueteng at hindi nag-jujueteng
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang mapuksa ang jueteng sa
pamamagitan ng mga dahilan ng mga tao kung bakit sila nag-jujueteng. Ang
mga dahilan nila ay dapat na marinig ng gobyerno para matugunan ang
kanilang kailangan para matapos na ang jueteng.
B. KONKLUSYON
Maraming epekto ang pagjujueteng ng mga tao sa ating gobyerno.
May masamang epekto rin ito sa mga tao.
Maraming dahilan kung bakit nag-jujueteng, nagpapa-jueteng ang mga
tao. Ang unang dahilan ay ang kahirapan sa buhay. Kaya sila nag-jujueteng
dahil wala silang mahanap na trabaho at kung hindi sila magtatrabaho wala
silang makakain. Isa lamang ang jueteng sa sanhi kung bakit maraming
Pilipino ang nagtatrabaho sa iligal na samahan.
Nalaman namin na maraming tao ang hindi sumasang-ayon sa
pagjujueteng.
C. REKOMENDASYON
Sa kasong ito aming nirerekomenda na dapat mahigpit na
binabantayan ng mga nasa mataas na pwesto ang mga nangyayari
sakanilang bayan,baranggay o komunidad para kung may nasabing
nagjujueteng sakanilang lugar madali itong mawawala at hindi na lalaki ang
samahang iligal na iyon. Dapat ding aksyunan agad ng mga ahensya ang
mga issue na naririnig nila para matapos ito agad.