Download - Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Banal na Oras sa Santisimo Sakramento
Para sa Kaligtasan
ng mga Sanggol sa Sinapupunan ng Kanilang Ina
• Pagtatanghal ng Santisimo Sakramento
• Luluhod ang lahat.
O Salutaris Hostia- O salutaris HostiaQuae coeli pandis ostium.Bella premunt hostilia;Da robur fer auxilium.- Uni trinique DominoSit sempiterna gloria;Qui Vitam sine termino,Nobis donet in patria. Amen
Panalangin
• O Kabanal-banalang Santatlo – Ama, Anak at Espiritu Santo, sinasamba kita nang lubusan. Iniaalay ko sa Iyo ang kamahal-mahalang katawan, dugo, espiritu, at pagka-diyos ng aming Panginoong Hesukristo, na totoong nasa tabernakulo…
…sa buong mundo, sa pagtutuwid ng mga paglapastangan sa Iyo.
Sa pamamagitan ng walang hanggang biyaya ng Banal na Puso ni Hesus at ng Kalinis-linisang Puso ni Maria, isinasamo ko ang pagbabalik-loob sa Diyos ng mga makasalanan. Amen.
• Panalangin Bago Mag-Rosario
• O Sanggol na Hesus, sa pagdarasal namin ng Santo Rosario, hinihiling namin sa iyo na alisin mo sa puso ng mundo, ang kasalanan ng paglalaglag at pagpatay ng buhay na nasa sinapupunan pa ng mga ina.
• Alisin mo ang lambong ng panloloko na inilagay ni Satanas sa aming puso, na nagtuturo sa amin na ang pakikipagtalik kahit kanino ay isang kalayaan ng tao, kundi makita namin ang totoo – na ito ay pagkaalipin sa kasalanan.
• Ilagay mo sa puso ng lahat ng tao sa buong mundo ang isang bagong paggalang sa buhay na nasa sinapupunan pa lamang. Amen.
Ang Misterio ng Tuwa
(Ang Santo Rosario)
• Ang Pagbati ng Anghel kay Maria
• Ang Pagdalaw ni Maria kay Isabel
Ang Pagsisilang Kay Hesus
Ang
Paghahandog
sa Templo
• Ang Pagkakatagpo kay Hesus ay sa Templo
Ang Salita ng Diyos
Aklat ng Pahayag 12:1-6
Unang Pagbasa
“Ang sinumang si Yahweh ay buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.”
(Salmong Tugunan)
Aleluya!
(Tatayo ang lahat.)
Mabuting Balita, Mateo 2:13-15
Pagninilay
(Maupo ang lahat.)
Mga Panalangin Para sa Kaligtasan ng Buhay
(Luluhod ang lahat.)
• Panalangin sa Diyos Ama ng Buhay
• Walang Hanggan Ama, ipinahayag mo sa amin ang iyong sarili bilang Ama ng lahat ng buhay. Pinupuri ka namin sa maka-amang pagkalinga sa lahat ng iyong nilikha, lalo’t higit sa amin na Iyong nilikha na Iyong kawangis.
• Ama, sa pamamagitan ng iyong kamay na mapangligtas, ipagsanggalang mo ang mga sanggol laban sa aborsyon, iligtas mo sila sa kapahamakan sa sinapupunan pa lamang ng kanilang mga ina.
• Pagpalain mo ng iyong lakas ang lahat ng mga ama upang huwag silang magpadala sa tukso ng paglalaglag ng buhay.
• Pagpalain mo ang aming mag-anak, gayon din ang aming bayan, upang magkaroon kami ng kagalakan ng pagtanggap at pagkalinga sa buhay na nagmumula sa Iyo, aming Walang-hanggan Ama. Amen.
• Panalangin sa Mananakop sa Sinapupunan
Panginoong Hesukristo, nakiisa ka sa aming pagiging
tao, nakiisa ka sa aming buhay at kamatayan, sa aming kamusmusan at
pagtanda. Nakiisa ka rin sa amin na ipinaglihi sa
sinapupunan ng isang ina.
Ikaw na nanatiling Diyos, habang sinasamba ng mga anghel,
namalagi ka ng siyam na buwan sa sinapupunan ng Iyong Ina, si
Maria. Ikaw ang aming Manunubos sa sinapupunan ng aming ina, ang aming Diyos na nagkatawang-tao at isinilang
bilang isang sanggol.
Panginoong Hesus, hinihiling namin sa Iyo na basbasan mo at ingatan ang mga sanggol na nasa sinapupunan pa ng kanilang mga ina. Iligtas mo na huwag silang mapahamak
sa aborsyon.
Bigyan mo ang kanilang mga ina ng biyaya na maihandog
ang kanilang sarili, katawan at kaluluwa, para sa kanilang
mga anak.
Tulungan mo ang lahat ng mga tao na matanggap ang mga hindi pa isinisilang na
sanggol bilang kanilang kapatid, na iniligtas Mo, aming Manunubos, sa
sinapupunan pa lamang. Amen.
• Panalangin kay Maria, Ina ng Lahat ng Buhay sa Sinapupunan
O Maria, Ina ng buhay sa sinapupunan, ang lahat ng buhay ay ipinagkakatiwala
namin sa iyo, ang buhay ng lahat ng mga babaeng
nagdadalang-tao at ang mga sanggol na nasa kanilang
sinapupunan…
… ang buhay-katawan at buhay-kaluluwa ng mga tao, ang buhay ng lahat ng mga bagong silang
na sanggol, at ang buhay ng mga matatanda. Iningatan mo ang Panginoon sa iyong sariling
puso, sa lahat ng aming kailangan, ilapit mo kami sa
Diyos, O Ina ng mga buhay sa sinapupunan. Amen.
Pagtatalaga ng Bansa sa Dalawang Puso ni Hesus at Maria
Puspos ng pag-ibig na Puso ni Hesus at Maria, naririto kaming nagpupugay, nagmamahal at gumalang. Inihahandog at
itinatalaga namin ang aming sarili sa Iyo nang walang
hanggan. Tanggapin mo kami at angkinin ng ganap.
Linisin, liwanagan at pabanalin kami upang mahalin ka namin
Panginoong Hesus sa pamamagitan ng Puso ni Maria,
at upang mahalin ka namin Maria sa pamamagitan ng Puso ni Hesus. O Puso ni Hesus na
naghahari kay Maria, O Puso ni Maria na nabubuhay kay Hesus
at para kay Hesus.
O Puso ni Hesus na sinugatan ng aming mga kasalanan,
ibinigay mo sa amin ang Iyong Ina sa Bundok ng Kalbario. O Puso ni Maria na sinugatan ng
kapighatian at sa pakikibahagi sa pagpapakasakit ng kanyang
Anak na si Hesus para sa aming kaligtasan. O Banal na
Pagbubuklod ng Dalawang Puso.
Papuri sa Diyos Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo. Papuri sa
Banal na Espiritu ng Diyos na nagbuklod sa Dalawang Puso.
Nawa ay pagbuklurin mo rin ang aming mga puso upang ang
lahat ng puso ay mamuhay sa pagtulad sa banal na pagkakaisa na naghahari sa Dalawang Puso.
Nagtagumpay ka, O puspos ng hapis at Kalinis-linisang Puso ni Maria. Maghari ka, O Kabanal-banalang Puso ni Hesus, sa
aming mga puso, sa aming mga tahanan, sa aming mga mag-anak, sa Iyong Simbahan, sa
buhay ng mga mananampalataya…
…sa puso ng mga hindi pa nakakakilala sa Iyo, at sa lahat
ng mga bansa sa buong mundo. Itatag mo sa puso ng
sangkatauhan ang tagumpay at paghahari ng Dalawang Puso
upang ang isang sigaw ng mundo ay marinig sa bawat
sulok ng daigdig:
“Purihin magpakailanman ang Kabanal-banalan Puso ni Hesus at ang Puspos ng
Hapis at Kalinis-linisang Puso ni Maria.”
O pinakamamahal na San Jose, ipinagkakatiwala ko ang
aking buhay sa iyong karangalan, ibinibigay ko ang aking sarili sa iyo upang ikaw ay maging aking ama, aking tagapag-ingat at gabay sa
daan ng kaligtasan.
Tulungan mo ako na magkaroon ng malinis na
puso at isang maalab na pag-ibig sa aking kalooban. Sa
iyong halimbawa, magampanan ko nawa ang
aking mga gawain sa pagbibigay papuri sa Banal
na Santatlo…
…kaisa ng Dakilang Puso ni Hesus at ng Kalinis-linisang Puso ni Maria. O banal na
San Jose, ipanalangin mo na makabahagi ako sa
kapayapaan at kagalakan ng iyong banal na kamatayan.
Amen.
Benediksiyon
(Nakaluhod ang lahat.)
Tantum Ergo
Tantum ergo, Sacramentum
Veneremur cernui;
Et Antiquum documentum
Novo cedat ritui;
Prestet fides supplementum
Sensuum defectui.
Genitori, GenitoqueLaus et jubilatio;Salus, honor, virtus quoqueSit et benedictio;Procedenti ab utroqueCompar sit laudatio.Amen.
Pari: Binigyan mo sila ng tinapay buhat sa langit,
Lahat: Na naglalaman sa kanyang sarili ng lahat ng katamisan.
Pari: Manalangin tayo….
Pagpupuri
• Purihin ang Diyos,
• Purihin ang Kanyang Santong Ngalan,
• Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo,
• Purihin ang Ngalan ni Hesus,
- Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso,- Purihin ang Kanyang kamahal-mahalang Dugo,- Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa Altar,- Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw,
-Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos, si Maria Santisima,- Purihin ang Santa at di narungisang paglilihi sa kanya,- Purihin ang kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit,- Purihin ang Ngalan ni Maria, Birhen at Ina,
- Purihin si San Jose, kanyang kalinis-linisang Esposo,- Purihin ang Diyos sa Kanyang mga Anghel at Kanyang mga Santo.
O Sacrament Most Holy
O Sacrament Most Holy
O Sacrament Divine
All praise and all thanksgiving
Be every moment Thine,
Be every moment Thine.
Maraming Salamat!at
Magandang Gabi!