Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 5:
Mga Likas na Yaman at
Implikasyon nito sa Pamumuhay
ng mga Asyano
7
ii
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon nito sa Pamumuhay ng mga Asyano Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Dionalyn U. Dimagiba
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /
Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: Aileen C. Clemente / Maesie T. Dela Peña
Tagalapat: Ruel S. Reyes / Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R. Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
iii
7
Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 5
Mga Likas na Yaman at
Implikasyon nito sa Pamumuhay
ng mga Asyano
iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Likas na Yaman ng Asya at
Implikasyon nito sa Pamumuhay ng mga Asyano.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon nito sa
Pamumuhay ng mga Asyano.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
v
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
vi
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay
upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
Leksyon 1: Mga Likas na Yaman ng Asya
Leksyon 2: Implikasyon ng Kapaligirang Pisikal at Yamang Likas sa
Pamumuhay ng mga Asyano.
Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang implikasyon ng kapaligirang pisikal at likas na yaman sa
pamumuhay ng mga Asyano;
2. napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman at
kapaligirang pisikal sa pagpapaunlad ng ekonomiya, agrikultura, at
panahanan ng bansa; at
3. nakapagbibigay ng hakbang o pamamaraan ng wastong paglinang at
paggamit ng likas na yaman at kapaligirang pisikal.
Mga Tala para sa Guro
Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
2
Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inilaang sagutang papel.
1. Ano ang pangkalahatang tawag sa mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad
ng lupa, kagubatan, karagatan, ilog at mga depositong mineral?
A. heograpiya
B. kapaligirang pisikal
C. likas na yaman
D. vegetation
2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na pangunahing tagalinang ng kapaligiran
para sa kabuhayan at pagtugon sa pangangailangan?
A. halaman
B. hayop
C. kapaligiran
D. tao
3. Anong rehiyon sa Asya ang kinikilalang may pinakamaraming yamang mineral
partikular na ang petrolyo at langis?
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog Asya
4. Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa buhay ng mga Asyano?
A. Dahil ito ang tumutustos sa pangangailangan ng bansa
B. Dahil ito ay nagpapataas ng antas ng pambansang kita ng bansa
C. Dahil ito ay nagbibigay panahanan, pagkain at kabuhayan sa
mamamayan
D. Lahat ng nabanggit
5. Sa paanong paraan nakatutulong ang tatlong uri ng mineral sa pamumuhay ng
mga taga Tajikistan?
A. Hinahayaan lamang ito upang mapreserba
B. Ginagamit ito upang kainggitan ng iba pang mga bansa
C. Ginagamit nila ito upang makipagpalitan ng produkto
D. Tumutulong ito upang mapaangat ang kanilang ekonomiya
6. Paano nagkakaroon ng tamang ugnayan ang tao at ang likas na yaman?
A. Ginagamit ng tao ang likas ng yaman upang yumaman
B. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang kumita ng pera
C. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang maging kapakipakinabang
D. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang hindi maubusan para sa
kanyang pansariling pangangailangan
3
7. Ano ang hindi mabuting dulot ng walang habas na paggamit ng tao sa kalikasan?
A. Pagkasira ng kalikasan sa patuloy na hindi tamang paglinang nito
B. Pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon
C. Patuloy nitong matutugunan ang ating mga pangangailangan
D. Patuloy na pagdami ng likas na yaman
8. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang Kyrgyzstan na itinuturing na
isa sa may pinakamalaking deposito ng ginto?
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog Asya
9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga gawain na may kaugnayan sa
produksyon ng halaman at hayop?
A. agrikultura
B. ekonomiya
C. kapaligiran
D. panahanan
10. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang nangunguna sa produksiyon ng
langis ng niyog at kopra?
A. Brunei
B. Cambodia
C. Myanmar
D. Pilipinas
11. Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan
ng ikabubuhay at pananahanan. Anong implikasyon ang tinutukoy nito?
A. agrikultura
B. ekonomiya
C. kapaligiran
D. panahanan
12. Ang mga likas na yaman ay nagbibigay pagkain mula sa pagsasaka. Anong
implikasyon ang pinapakita ng pahayag na ito?
A. agrikultura
B. ekonomiya
C. kapaligiran
D. panahanan
13. Ang mga likas na yaman ay nagpapataas ng antas ng pambansang kita ng isang
bansa kung malilinang ito ng tama. Anong implikasyon ang tinutukoy nito?
A. agrikultura
B. ekonomiya
C. kapaligiran
D. panahanan
4
14. Habang patuloy na tumataas ang populasyon ng mga tao, lalong nagiging mataas
ang pangangailangan ng lupain na mapagtataniman upang makasapat sa
pagtugon sa pangangailangan sa pagkain. Anong implikasyon ang pinapakita ng
pahayag na ito?
A. agrikultura
B. ekonomiya
C. kapaligiran
D. panahanan
15. Ang land conversion o pagpapalit-gamit ng lupa ay isang halimbawa ng anong implikasyon?
A. agrikultura
B. ekonomiya
C. kapaligiran
D. panahanan
1
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
5
Aralin
1 Mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon nito sa Pamumuhay
ng mga Asyano
Natuklasan mo sa nakaraang aralin kung paano
natutugunan ng mga yamang likas ang pangangailangan ng
tao. Sa iyong paglalakbay sa nakaraang aralin, naitanong mo
ba sa iyong sarili kung ano ang mga likas na yaman na taglay
ng bawat rehiyon sa Asya? Ano ang implikasyon nito sa
pamumuhay ng mga Asyano? Bago mo tuklasin ang
kasagutan sa mga katanungan na ito, mahalagang balikan mo
ang iyong mga natutuhan sa nakaraang aralin upang lubos
mong maunawaan ang mga paksa na tatalakayin sa bagong
araling ito.
Balikan
Aral ng Nakaraan, Ating Balikan!
Bilang pagbabalik-aral sa iyong mga natutuhan tungkol sa mga uri ng likas
na yaman sa Asya, sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gamiting gabay
ang larawan sa ibaba.
6
Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pagpapaunlad ng
kabihasnan noon at maging sa kaunlarang hinahangad ng mga mamamayan sa
kasalukuyan. Ito ang tumutustos sa pangangailangan ng tao upang mabuhay at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Tuklasin
Sa bahaging ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa
bagong aralin. Tuklasin ang mga likas na yaman ng Asya at ang
implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano noon at sa ngayon.
Handa ka na bang matuto? Halina at sasamahan kita sa iyong
pagtuklas! Simulan mo ito sa pagsasagot ng gawaing magpapakilala
sa bagong aralin.
Pagsusuri sa Tula
Panuto: Basahin at unawain ang tula sa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga
katanungan.
Kalikasang aking Kayamanan
Ni Dionalyn Dimagiba
Kalikasan, ikaw ang aking kayamanan
Sa iyo nagmumula ang aming kabuhayan
Dahil sa likas mong yaman, napupuno ang hapag-kainan
Ika’y pinagmumulan ng bawat pagkaing pinagsasaluhan.
Sa kapaligiran nanggagaling, produktong iniluluwas
Kaya antas ng pambansang kita ay tumataas
Katawan ay lumalakas, nag-aabang ng magandang bukas
Bansa ay umuunlad, salamat sa iyong yamang likas.
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
Ano ang mga uri ng
likas na yaman na
matatagpuan sa Asya?
Paano natutugunan ng
likas na yaman ang
pangangailangan ng
tao?
Ano-ano ang epekto
ng paglinang ng tao sa
kapaligiran?
7
Patuloy ang biyaya mo, noon at maging sa ngayon
Bigay mo ring tirahan dala ay proteksyon
Hindi maikakaila ang natatangi mong kontribusyon
Naging dahilan ng pagsulong ng mga nasyon.
Ngunit unti-unting nababahala sa mga kaganapan
Hindi namamalayang inaabuso ka na nang tuluyan
Pagkuha ay walang habas, paggamit ay walang alinlangan
Sa huli naunawaan, ang lahat ay may hangganan.
Kapaligiran ay dumurumi, basura ay dumadami
Suliranin ay lumalaki, nawawala na rin ang biodiversity
Sa pagkawala ng kayamanan, ako mismo ang saksi
Sa paglaho ng kalikasan, paano ba iwawaksi?
Sagutin ang mga kasunod na tanong.
1. Tungkol saan ang tulang iyong binasa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bakit itinuturing ang kalikasan bilang kayamanan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa paanong paraan nakatulong ang likas na yaman sa kabuhayan at pag-unlad
ng mga bansa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga pahayag na “Sa pagkawala ng kayamanan,
ako mismo ang saksi. Sa paglaho ng kalikasan, paano ba iwawaksi”?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Ano ang mensaheng gustong iparating ng may akda sa kanyang tula?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
8
Suriin
Napag-isipan mo na ba kung ano-ano ang mga likas na yaman na
taglay ng bawat rehiyon? Paano ito nakatulong sa pagpapaunlad ng
pamumuhay sa mga rehiyon nito? Halina at iyong tuklasin ang
kasagutan sa mga katanungan na ito.
Tunghayan mo ang dayalogo ng bawat rehiyon tungkol sa
saganang likas na yaman na kanilang taglay.
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA
Sagana ang Asya sa likas na yaman o pangkalahatang tawag sa mga bagay
na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kagubatan, karagatan, ilog at mga
depositong mineral. Malaki ang kapakinabangan ng mga likas na yaman na ito
hindi lamang sa pansariling kapakanan at kabuhayan, maging sa pagpapaunlad
ng ekonomiya ng bansa. Ang bawat rehiyon sa Asya ay nagtataglay ng mga likas
na yaman na nakakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay sa mga rehiyon na ito.
Ako si Hilagang Asya, may malawak
akong damuhan na mainam pagpastulan ng
mga alagang hayop. Ngunit dahil sa matinding
lamig na aking taglay halos walang puno ang
nabubuhay sa akin. Ang tanging yamang gubat
ko lang ay ang troso mula sa Siberia.
Gayunpaman, matatagpuan mo sa akin ang
Kyrgyzstan na isa sa may pinakamalaking
deposito ng ginto at Uzbekistan na nangunguna
sa produksyon nito. Samantalang ang
Tajikistan naman ay sagana sa phosphate,
ginto, at natural gas na produkto rin ng
Turkmenistan at Russia.
Sa yamang tubig naman, nariyan ang
caviar (itlog) ng malalaking isdang likas dito na
tinatawag na sturgeon. Mayroon din akong
tanim na trigo, palay, at barley, gayundin ang
bulak, gulay, tabako, at sugar beets.
Nagkakaroon din ang aking mga tao ng karne at
gatas na nagmumula sa mga alagang baka at
tupa. Anong likas na yaman ang taglay mo?
Timog Asya?
9
Ako naman si Timog Asya, pangunahing
kinabubuhay rito ay pagsasaka kaya sa yamang
lupa ako ay sagana. Mahalagang produkto ko ay
trigo, jute, tubo, gulay lalo na ang palay.
Pinagmamalaki ko rin ang mga kapatagan at
lambak na pinagyayaman ng ilog Indus, Ganges,
at Brahmaputra sa India. Malaki ang reserba ng
bakal at karbon ng bansang ito. Sa yamang
kagubatan naman, nariyan ang kagubatan ng
Nepal na sa gulod ng bulubunduking Himalayas
matatagpuan. Sa mga baybaying dagat naman
ng Pakistan ay matatagpuan ang mga gubat ng
bakawan. Hitik naman sa puno ng mahogany at
iba’t ibang uri ng palm ang gubat ng Timog-
Kanlurang Sri Lanka. Sa akin mo rin
matatagpuan ang kagubatang evergreen at mga
punong satinwood at ebony.
Sagana ang Indian Ocean sa iba’t ibang
yamang dagat. Paghahayupan naman ang
kapakinabangang hatid ng Bangladesh at
Afghanistan. Sa yamang mineral naman,
pangunahing produkto ko ay batong apog,
bakal, tanso, langis, karbon, asin at gypsum.
May likas na yaman ka rin bang ipagmamalaki
sa Silangang Asya?
Oo naman Timog Asya, ako si
Silangang Asya na sagana sa yamang lupa.
Sa akin ninyo matatagpuan ang China na
sakop ang 7% ng lupa sa mundo na
maaaring pagtaniman ng iba’t ibang uri ng
pananim. Ako ay nangunguna sa
produksyon ng palay sa buong mundo. Ilang
bahagi rin ng Silangang Asya ay nakatuon sa
paghahayupan kung saan ang malalaking
hayop ang kanilang ginagamit sa
paghahanapbuhay. Malaki rin ang ambag ng
mga anyong tubig sa pamumuhay ng mga
nakatira sa akin. Salat man ang Japan sa
yamang mineral, nangunguna pa rin ang
bansang ito sa industriyalisasyon.
Nagtatanim sila ng mulberry na pagkain ng
silkworm na dahilan upang manguna sila sa
industriya ng telang sutla.
10
Sa yamang mineral naman, ako ay mayaman.
Kanlurang Asya ang pangalan ko, sagana ako sa
langis at petrolyo. Sa akin ninyo matatagpuan ang
Saudi Arabia na pinakamalaking tagaluwas ng
petrolyo sa buong daigdig. Malaki rin ang
produksyon ng langis sa mga bansang Iran, Iraq,
United Arab Emirates (UAE), Kuwait, at Oman. Ang
natural gas, tanso, potash, zinc, magnesium at
phosphate ay ilan din sa mga yamang mineral na
mayroon ako.
Ang mga nakatira sa akin ay nagtatanim sa
mga oasis. Ilan sa pangunahing produkto sa Iran ay
trigo, barley, palay, bulak, mais, tabako, at prutas.
Nangunguna naman ang Iraq sa produksyon ng
dates at dalandan naman sa Israel. Ang
paghahayupan din ay isa sa kabuhayan ng mga
naninirahan sa akin.
Hindi rin ako magpapahuli, Timog-
Silangang Asya ang ngalan ko, sa yamang
kagubatan ay mayaman ako. Ang bansang
Brunei ay may malalawak na kagubatan na
tirahan ng iba’t ibang uri ng unggoy, ibon at
reptile. Sa kagubatan naman ng Myanmar ay
matatagpuan ang pinakamaraming punong
teak sa buong mundo, samantalang sa
Pilipinas naman matatagpuan ang mga
punong palm at matitigas na kahoy gaya ng
apitong, yakal, kamagong, ipil, at narra.
Sagana rin ako sa mga pananim. Sa
katunayan ay sa akin mo matatagpuan ang
Pilipinas na siyang nangunguna sa
produksyon ng langis ng niyog at kopra. Sa
yamang mineral naman, malaki ang
kapakinabangan ng Indonesia dahil sa
malaking deposito ng langis at natural gas na
pangunahing mineral rin sa Malaysia. Ang
malalaking ilog ko rin ay pinagtatayuan ng
dam na nililinang para sa hydroelectric power
na pinagkukunan ng kuryente. Mayroon ka rin
bang maipagmamalaking likas yaman?
11
IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO
Natatangi ang kontinente ng Asya dahil sa taglay nitong mga bagay na may
buhay na bumubuo sa kalikasan at kapaligirang pisikal na nililinang ng mga tao
upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Ang kapaligirang pisikal ay ang
katangian ng daigdig na binubuo ng anyong lupa, klima, anyong tubig, wildlife,
vegetation, at mineral. Malaki ang implikasyon ng kapaligirang pisikal sa iba’t ibang
aspekto tulad ng agrikultura, ekonomiya at panahanan. Ang agrikultura ay
tumutukoy sa mga gawaing may kaugnayan sa produksyon ng halaman at hayop
kasama ang paglilinang ng lupa. Samantalang ang ekonomiya naman ay binubuo
ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglikha,
pamamahagi, palitan at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Malaki rin ang
implikasyon ng likas na yaman sa panahanan o istrukturang gawa ng tao kung saan
namumuhay ang mga ito.
*
PAGSURI SA
BALANGKAS
Sa pagsasaka nagmumula ang pagkain ng mga
tao maging ang produktong panluwas. Kung ang lupain ay
malawak at mataba, mas matutugunan ang pangangailangan
ng bansa at mas makapagluluwas ng maraming produkto.
Karamihan ay gumagamit ng mga makabagong makinarya
upang mapalaki ang kanilang produksyon samantalang may
ilang mga mamamayan ang may maliit na sakahan at
nagbubukid para sa pansariling kabuhayan.
Agrikultura
Malaki ang naging bahagi ng likas na yaman
sa pag-unlad ng maraming bansa sa Asya. Sa likas na yaman
nagmumula ang mga hilaw na materyales at mga produktong
kanilang iniluluwas. Sa tulong ng tradisyunal at makabagong
teknolohiya ay napapataas ang antas ng pambansang kita na
magpapabuti sa pamumuhay ng mamamayan ng isang bansa.
Gayunpaman, hindi maiiwasan ang pagkaubos ng likas na
yaman dahilan upang ang ilang mga bansa ay hindi na ito
mapakinabangan.
Ekonomiya
Sa patuloy na pagtaas ng populasyon, patuloy
ring dumarami ang nangangailangan ng ikabubuhay o
pananahanan. Ang populasyon ng tao ay lumalaki ngunit ang
lupa ay limitado lamang kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa
ang land conversion o pagpapalit-gamit ng lupa, na nagiging
dahilan ng pagkasira ng tirahan ng hayop at pagkawala ng
ilang mga sakahan. Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang
baguhin ang kakayahan ng lupa at maging ang kanilang
kapaligiran.
Panahanan
Implikasyon ng Likas na Yaman
12
Mahusay! Natuklasan mo ang mga likas na yaman na taglay ng mga rehiyon
sa Asya gayundin ang implikasyon ng kapaligirang pisikal sa kanilang pamumuhay.
Napagtagumpayan mo rin ang paunang gawaing patungkol sa bagong
konsepto at mga kasanayan nito. Handa ka na ba sa pagpapatuloy ng mga gawain
at pagsasanay na magpapatibay sa iyong pag-unawa at mga kasanayan sa paksa?
Halina at iyong kaalaman ay pagyamanin!
Pagyamanin
A. Anong Mayroon sa Iyong Rehiyon?
Panuto: Punan ng mga detalye ang diyagram sa ibaba. Isulat sa kahon
ang likas na yaman na sagana sa bawat rehiyon sa Asya. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
B. Dalawang Pagpipilian
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot na nasa
loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Asya ay (sagana / salat) sa likas na yaman.
2. Ang Hilagang Asya ay (malawak / makitid) na damuhan na maaaring
pagpastulan ng alagang hayop.
Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Timog Asya
Timog-
Silangang Asya
Likas na
Yaman sa
Asya
13
3. Sa Kyrgyzstan matatagpuan ang isa sa may (pinakamalaki / pinakamaliit) na
deposito ng ginto.
4. Likas ang (malalaki / maliliit) na isdang sturgeon sa Hilagang Asya.
5. Sagana sa yamang (lupa / tubig) ang Indian Ocean ng rehiyong Timog Asya.
6. Ang Pilipinas ay (nangunguna / nahuhuli) sa produksyon ng langis ng niyog at
kopra.
7. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang (mineral / tubig)
8. Maraming bansa sa Asya ang (papaunlad / papalugi) dahil sa likas na yaman.
9. Ang land conversion ay isang halimbawa ng implikasyon sa
(ekonomiya / panahanan).
10. Ang pagpapataas ng antas ng pambansang kita mula sa pagluwas ng likas na
yaman ay nagpapakita ng implikasyon sa (ekonomiya / agrikultura).
C. Kabuhayang Dala ng Yaman
Panuto: Suriin ang mga likas na yaman o produktong nasa ibaba. Isulat
sa kahon ang kabuhayang bunsod nito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
palay
trigo
mais at
prutas
sturgeon
yamang
dagat mula
Indian
Ocean
ginto
tanso
apog
phosphate
Kabuhayan:
kambing
baboy
baka at
manok
silkworm
Kabuhayan: Kabuhayan:
Kabuhayan: Kabuhayan:
1. 2. 3.
4. 5.
14
D. Kulang Ako Kung Wala ka!
Panuto: Punan ng tamang kasagutan ang bawat patlang upang mabuo ang
sanaysay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
E. Positibo o Negatibo
Panuto: Isulat ang (plus sign) kung positibo ang inilalahad ng
pahayag at kung negatibo naman ay isulat ang (minus sign). Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Sagana ang Asya sa iba’t ibang likas na yaman.
2. Mayaman ang Indian Ocean sa mga yamang dagat.
3. Patuloy ang pagkaubos ng likas na yaman dahil sa walang habas na
paggamit nito.
4. Natutugunan ng likas na yaman ang pangangailangan ng bansa.
5. Ang populasyon ng tao ay lumalaki ngunit ang lupa ay limitado lamang.
6. Sa tulong ng mga likas na yaman, napataas ang antas ng pambansang
kita ng mga bansa na nagpabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan
nito.
Natatangi ang kontinente ng 1. ______________________ dahil sa
taglay nitong 2. ______________________ o mga bagay na nagmumula sa
kalikasan tulad ng lupa, kagubatan, karagatan, ilog at mga depositong
mineral. Malaki ang kapakinabangan ng mga likas na yaman na ito hindi
lamang sa pansariling kapakanan at 3. ______________________ maging sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Ang bawat rehiyon sa Asya ay
nagtataglay ng mga likas na yaman na syang nakakatulong sa pag-unlad
ng pamumuhay sa mga rehiyon na ito. Ilan sa pangunahing produkto ng
Hilagang Asya ay mga yamang 4. ______________________ tulad ng ginto,
phosphate at natural gas. Pagsasaka naman ang pangunahing
ikabubuhay sa Timog Asya. Mahalagang produkto dito ay jute, trigo,
tubo at gulay. Sagana naman ang 5. ______________________ sa yamang
kagubatan. Sa rehiyon na ito matatagpuan ang bansang Pilipinas na
sagana sa punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal at
narra. Palay ang pangunahing pananim sa Silangang Asya na
nangunguna sa produksyon nito sa buong mundo. Ang
6. ______________________ ay sagana sa yamang mineral partikular na sa
7. ______________________ at petrolyo. Matatagpuan sa rehiyong ito ang
bansang 8. ______________________ na pinakamalaking tagaluwas ng
petrolyo sa buong daigdig. Ang likas na yaman at kapaligirang pisikal ay
may malaki ang implikasyon sa iba’t ibang aspekto tulad ng
9. ______________________, 10. ______________________, at panahanan.
15
7. Ang tirahan ng mga hayop ay nasisira dahil sa pagpapalit-gamit ng lupa
o land conversion.
8. Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at
nililinang para sa hydroelectric power na siyang pinagkukunan ng
kuryente.
9. Ang Pilipinas ay nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis
ng niyog at kopra.
10. Ang Timog-Silangang Asya ay may malawak na kagubatan na
nagsisilbing panirahan ng iba’t ibang uri ng unggoy, ibon at reptilya.
F. ImPILIkasyon
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik A kung ang
pahayag ay implikasyon sa Agrikultura, E kung sa Ekonomiya at P kung ito ay
implikasyon sa Panahanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
___ 1. Ito ay tumutukoy sa mga gawain na may kaugnayan sa produksyon ng
halaman at hayop kasama na ang paglilinang ng lupa.
___ 2. Binubuo ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan
sa paglikha, pamamahagi, palitan at pagkonsumo ng mga produkto at
serbisyo.
___ 3. Kayarian o istrukturang gawa ng tao kung saan namumuhay ang mga ito.
___ 4. Isang katotohanan na ang populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi,
kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa ang land conversion o pagpapalit-gamit
ng lupa.
___ 5. Ang mga likas na yaman ay nagpapataas ng antas ng pambansang kita ng
isang bansa kung malilinang ito nang tama.
___ 6. Ang mga likas na yaman ay nagbibigay ng pagkain mula sa pagsasaka.
___ 7. Sa pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan ng
pananahanan.
___ 8. Paggamit ng tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan lupa.
___ 9. Sa likas na yaman nagmumula ang mga hilaw na materyales at mga
produktong iniluluwas ng mga bansa.
___ 10. Karamihan ay gumagamit ng mga makabagong makinarya upang mapalaki
ang kanilang produksyon.
16
Isaisip
Ganap mo nang napaunlad sa bahaging ito ang iyong kasanayan
at kaalaman tungkol sa mga likas na yaman ng Asya at implikasyon nito
sa pamumuhay ng mga Asyano. Sa puntong ito, ay magagamit mo ang
iyong mga natutunan sa pagsagot sa gawaing ito. Kumpletuhin ang
sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Natutunan ko na ang mga likas na yaman sa Asya ay
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Malaki ang implikasyon ng kapaligirang pisikal at
likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano sapagkat
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
17
Isagawa
Ako ang Boses ng Kalikasan!
Panuto: Ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na makausap ang iba’t ibang
pinuno ng mga bansa mula sa mga rehiyon sa Asya. Kinakailangan
makapagbigay ka ng mensahe na magsusulong sa pangangalaga at
wastong paggamit ng likas na yaman. Sa paanong paraan mo hihikayatin
ang iyong mga tagapakinig? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Rubrik: Ako ang Boses ng Kalikasan
Pamantayan Puntos
Nilalaman Mahusay na nakalikha ng mensahe. Nabigyang-
diin ang layunin ng mensahe na isulong ang
pangangalaga sa kapaligiran at wastong paggamit
ng likas na yaman.
8
Organisasyon Malinaw ang layunin at kaisipang inilalahad sa
mensahe. Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng
ideya.
5
Kakintalan Napukaw ang atensyon ng mga mambabasa at nag-
iwan ng malalim at magandang na impresyon. 7
Kabuuang Puntos 20
18
Binabati kita dahil maayos mong natapos ang mga nakalipas na gawain.
Napagtagumpayan mo ang iyong paglalakbay at may sapat ka ng kaalaman at
kasanayan patungkol sa mga likas na yaman sa Asya at implikasyon nito sa
pamumuhay ng mga Asyano.
Inaasahan ko na isasabuhay mo ang kaalaman na iyong natutunan sa
paksang tinalakay.
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inilaang
sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa likas na yaman na taglay ng Asya?
A. Ang Asya ay sagana sa likas na yaman na pinagmumulan ng kabuhayan
dito.
B. Hindi napakikinabangan ng mga Asyano ang likas na yaman sa Asya.
C. Hindi natutugunan ng likas na yaman ang pangangailangan ng mga Asyano.
D. Salat sa mga likas na yaman ang kontinente ng Asya.
2. Paano nagkakaroon ng tamang ugnayan ang tao at ang mga likas na yaman?
A. Ginagamit ng tao ang likas ng yaman upang yumaman.
B. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang kumita ng pera.
C. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang maging kapakipakinabang.
D. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang hindi maubusan para sa
kanyang pansariling pangangailangan.
3. Paano mo ilalarawan ang mga likas na yaman sa Hilagang Asya?
A. Bagama’t wala halos nabubuhay na puno dahil matinding lamig ay sagana
naman ito sa mga yamang mineral gaya ng ginto, phosphate at natural gas.
B. May malawak na kagubatan na tirahan ng iba’t ibang uri ng unggoy, ibon
at reptile.
C. Sagana at nangunguna sa produksyon ng palay sa buong mundo.
D. Salat sa yamang mineral ngunit nangunguna sa industriyalisasyon ng tela.
4. Ano ang hindi mabuting dulot ng walang habas na paggamit ng tao sa kalikasan?
A. Patuloy na pagdami ng likas na yaman.
B. Patuloy nitong matutugunan ang ating mga pangangailangan.
C. Pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi wastong paglinang dito.
D. Pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.
19
5. Saang rehiyon matatagpuan ang bansang Pilipinas na nangunguna sa
produksyon ng langis ng niyog at kopra sa buong mundo?
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog Silangang Asya
6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kapakinabangan ng
likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano.?
A. Natutugunan ng likas na yaman ang pangangailangan sa panahanan at
kabuhayan.
B. Sa likas na yaman nagmumula ang mga hilaw na materyales at produktong
iniluluwas ng mga bansa sa Asya.
C. Tumataas ang antas ng pambansang kita ng mga bansa dahil sa paglinang
sa mga likas na yaman.
D. Lahat ng nabanggit.
7. Salat man ang Japan sa yamang mineral ay nangunguna pa rin ang bansang ito
sa industriyalisasyon. Sa anong partikular na industriya nangunguna ang
bansang Japan?
A. ginto C. petrolyo
B. langis ng niyog D. telang sutla
8. Alin sa mga sumusunod ang angkop na konklusyon sa pahayag na “Ang
populasyon ng tao ay lumalaki ngunit ang lupa ay limitado lamang kung kaya’t
ang ilan ay isinasagawa ang land conversion na nagiging dahilan ng pagkasira
ng tirahan ng mga hayop”?
A. Habang patuloy lumalaki ang populasyon, lalong nagiging mataas ang
pangangailangan para sa likas na yaman partikular sa panahanan.
B. Hindi mapipigilan at makokontrol ang pagtaas ng populasyon.
C. Mahalaga ang land conversion upang matugunan ang pangangailangan sa
panahanan ng tao.
D. Nagiging sagabal ang tirahan ng mga hayop sa pangangailangan ng tao.
9. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang Saudi Arabia na pinakamalaking tagaluwas
ng petrolyo sa buong daigdig. Sagana rin ang rehiyong ito sa natural gas, tanso,
potash, zinc, magnesium at phosphate. Anong konklusyon ang mabubuo mula
sa pahayag?
A. Pagluluwas ng petrolyo ang tanging kabuhayan sa Kanlurang Asya.
B. Salat sa yamang mineral ang Kanlurang Asya.
C. Sagana at kilala ang Kanlurang Asya sa mga yamang mineral.
D. Walang likas na yamang taglay ang Kanlurang Asya.
10. Sa likas na yaman nagmumula ang mga hilaw na materyales at mga produktong
iniluluwas ng mga bansa sa bawat rehiyon sa Asya. Anong implikasyon ang
ipinapakita ng pahayag na ito?
A. agrikultura C. ekolohiya
B. ekonomiya D. panahanan
20
11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon sa agrikultura?
A. Ang pagsasaka ang pangunahing pinagmumulan ng pagkain at produktong
iniluluwas ng mga bansa.
B. Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa
at maging ang kanilang kapaligiran.
C. Maraming mamamayan ang nagsasagawa ng land conversion upang
matugunan ang pangangailangan sa panahanan.
D. Patuloy ang pagtaas ng antas ng pambansang kita ng bansa dahil sa
makabagong teknolohiyang ginagamit sa paglinang ng likas na yaman.
12. Alin sa mga sumunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon sa ekonomiya?
A. Ang populasyon ng tao ay lumalaki ngunit ang lupa ay limitado lamang.
B. Isa ang land conversion sa pangunahing dahilan ng pagkasira ng tirahan ng
mga hayop at pagkawala ng ilang sakahan.
C. Maraming mamamayan ang may maliit na sakahan at bukid na
pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.
D. Patuloy ang pagtaas ng antas ng pambansang kita ng bansa dahil sa
makabagong teknolohiyang ginagamit sa paglinang ng likas na yaman.
13. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang China na sumasakop sa pitong
porsiyento (7%) ng lupa sa mundo at nangunguna rin sa produksyon ng palay?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
14. Habang patuloy na tumataas ang populasyon ng mga tao, lalong nagiging mataas
ang pangangailangan ng lupain na mapagtataniman upang makasapat sa
pagtugon sa pangangailangan sa pagkain. Sa anong implikasyon ang ipinapakita
ng pahayag na ito?
A. agrikultura C. ekolohiya
B. ekonomiya D. panahanan
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatutulong sa pangangalaga ng
kapaligirang pisikal at mga likas na yaman?
A. Pagkontrol sa dami ng populasyon.
B. Pakikiisa sa mga programang nagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan.
C. Patuloy at walang habas na paggamit ng likas na yaman para sa pansariling
kapakanan.
D. Wastong paggamit at paglinang ng mga likas na yaman.
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo
sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng
harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung
iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa
sa aralin. Muli ang aking pagbati!
21
Karagdagang Gawain
Ang Panata Ko
Panuto: Gumawa ng isang panata/panunumpa para sa kalikasan. Kinakailangan na
ang iyong panata ay naglalaman ng mga hakbang na iyong handang isagawa upang
mapangalagaan ang kapaligiran gayundin ang maisulong ang wastong paggamit ng
likas na yaman. Dugtungan ang open-ended statement sa ibaba sa pagbuo ng
panata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Rubrik: Ang Panata ko
Pamantayan Puntos
Nilalaman Mahusay ang pagkakalikha sa panata.
Nakapagbigay at nabigyang-diin ang mga hakbang o
gawaing nais isagawa upang mapangalagaan ang
kapaligiran at maisulong ang wastong paggamit ng
likas na yaman.
8
Organisasyon Malinaw na naipakita ang layunin at kaisipang nais
ilahad sa isinagawang panata. Mahusay ang
pagkakasunod-sunod ng ideya.
5
Kakintalan Napukaw ang atensyon ng mga mambabasa at nag-
iwan ng malalim at magandang impresyon. 7
Kabuuang Puntos 20
Bilang isang mabuting kabataang Pilipino, ako ay
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
22
Susi sa Pagwawasto
PAGYAMANIN D
1.Asya
2.Likas na yaman
3.Kabuhayan
4.Mineral
5.Timog-Silangang
Asya
6.Kanlurang Asya
7.Langis
8.Saudi Arabia
9.Agrikultura
10.Ekonomiya
PAGYAMANIN E
1.+ (plus sign)
2.+ (plus sign)
3.- (minus sign)
4.+ (plus sign)
5.- (minus sign)
6.+ (plus sign)
7.- (minus sign)
8.+ (plus sign)
9.+ (plus sign)
10.+ (plus sign)
SUBUKIN
1.C 2.D 3.D 4.C 5.D 6.C 7.A 8.A 9.A 10.D 11.D 12.A 13.B 14.A
15.D
PAGYAMANIN B
1.sagana
2.malawak
3.pinakamalaki
4.malalaki
5.tubig
6.nangunguna
7.mineral
8.papaunlad
9.panahanan
10.ekonomiya
PAGYAMANIN F
1.A
2.E
3.P
4.P
5.E
6.A
7.P
8.P
9.E
10.E
TAYAHIN
1.A
2.C 3.A 4.C 5.D 6.D 7.D 8.A 9.C 10.B 11.A 12.D 13.C 14.A 15.C
BALIKAN
May kanya-kanyang sagot.
TUKLASIN
May kanya-
kanyang sagot
PAGYAMANIN A
May kanya-
kanyang sagot
PAGYAMANIN C
May kanya-
kanyang sagot
ISAISIP
May kanya-
kanyang sagot
ISAGAWA
May kanya-
kanyang gawa
KARAGDAGANG
GAWAIN
May kanya-
kanyang gawa
23
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.
"K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of
Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01
/AP-CG.pdf.
"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management
and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.
"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource
Management and Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]