dof: hindi pasanin ang chinese loan agreement ng 'pinas

16
Sagot sa Livelihood Emergency at Security ng mga Magsasaka QUEZON CITY – Idiniin ng Philippine National Police (PNP) na tama at detalyado ang Oplan Tokhang reports kasunod ng alegasyong may “cut-and-paste” style o pattern ang drug-related reports ng kapulisan. ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 1 BLG. 2 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • ABRIL 2019 Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_gov bcs.gov.ph bcs_gov Tripol Sagot sa “Tripol Trobol” DISMISS DISINFORMATION NI SEC. ANDANAR 3 2 4 MWSS, DOE, DICT 2 Tama at Ayon sa SOP FREEDOM PARK DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas MANILA - Binigyang-linaw kamakailan ni Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Tony Lambino ang mga alegasyon gaya ng MANILA - Inanunsyo kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pinakahuli nitong 5 5 PSA: Poverty Incidence ng Pilipinas, Bumaba TULONG! - Apektado na ang kabuhayan ng mga magniniyog sa Quezon Province dahil sa dumaraming kopra na hindi maibenta. Photo credit: Yakap at Halik MPC LIGTAS SA 'PINAS - Tiniyak ng PNP ang kaligtasan ng mga dayuhan matapos lumabas ang US travel advisory na mataas ang kidnapping risk sa bansa. SATISFACTION RATING NI PRRD, VERY GOOD PA RIN 10

Upload: others

Post on 14-Nov-2021

6 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

Sagot sa LivelihoodEmergency at Security ng

mga Magsasaka

QUEZON CITY – Idiniin ng Philippine National Police (PNP) na tama at detalyado ang Oplan Tokhang reports kasunod ng alegasyong may “cut-and-paste” style o pattern ang drug-related reports ng kapulisan.

ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 1 BLG. 2 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • ABRIL 2019

Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_govbcs.gov.ph bcs_gov

Tripol Sagot sa“Tripol Trobol”

DiSMiSSDiSinforMation

NI SEC. ANDANAR 3

2

4

MWSS, DOE, DICT 2

Tama at Ayon sa SOP

FREEDOM PARK

DOF: Hindi Pasaninang Chinese Loan

Agreement ng 'PinasMANILA - Binigyang-linaw kamakailan ni Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Tony Lambino ang mga alegasyon gaya ng

MANILA - Inanunsyo kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pinakahuli nitong

5

5

PSA: Poverty Incidence ng Pilipinas, Bumaba

TULONG! - Apektado na ang kabuhayan ng mga magniniyog sa Quezon Province dahil sa dumaraming kopra na hindi maibenta. Photo credit: Yakap at Halik MPC

LIGTAS SA 'PINAS - Tiniyak ng PNP ang kaligtasan ng mga dayuhan matapos lumabas ang US travel advisory na mataas ang kidnapping risk sa bansa.

SATISFACTION RATING NI PRRD, VERY GOOD PA RIN 10

Page 2: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

2Abril 2019

BalitaTokhang Reports: Walang Sablay –PNP

Tama at Ayon sa SOPNi Carolina E. Sigua

Pilipinas,Safe-to-Travel PaRin Ayon sa PNP

Ni Carolina E. Sigua“We are an investigation agency. We have our way of reporting events. This campaign against illegal drugs, naturally, the same report happens again and again. Mag-iiba na lang, of course, ‘yung time and place, the names of the operating troops, and those who are involved. The allegations that the reports

are verbatim, templated, and follows a cut-and-paste style o pattern, these are not true,” paliwanag ni PNP Spokesperson Police Lieutenant Colonel Bernard Banac.

Siniguro rin ng tagapagsalita ng PNP na walang “lapse” sa mga naisapubliko at naisumiteng ulat sapagkat sumusunod ang PNP sa lahat ng standard operating procedures ng ahensya.

“We regularly send out reminders and directives to PNP personnel to strictly comply and follow all the standard operating procedures so that we will not have these kinds of complaints and cases. And if there will be deviation or violation of the standard procedures with respect to human rights and values

of life, definitely, we will not tolerate it like what had happened to the case of Kian delos Santos. Lumabag ang ilan nating kapulisan sa standard procedure, and they were charged as a result,” pagtitiyak ni Spokesperson Banac.

Binigyang-katuwiran din ni Spokesperson Banac ang pagiging konstitusyunal ng Oplan Tokhang. Aniya, mandato ng PNP ang magpatupad ng batas at sawatain ang paglaganap ng krimen.

“We maintain peace and order, and part of that is our Oplan Tokhang. We visit our communities and tell the community members to stop from using, selling, and buying drugs,” pahayag niya.

Matatandaan na noong ika-2 ng Abril ay iniutos ng Supreme Court sa Office of the Solicitor General ang pagsasapubliko ng mga dokumento sa war on drugs operation ng PNP lalo na sa mga humanrights group. ■

QUEZON CITY - Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang dapat ikabahala ang publiko lalo na ang mga dayuhan na nais bumisita sa bansa matapos na mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng US Department of State sa mga bansang may mataas na bantang kidnapping.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Lieutenant Colonel Bernard Banac, mas pinaigting pa nga ngayon ng PNP ang kampanya nito kontra kriminalidad kaya naman nakapagtatakang napasama ang Pilipinas sa naturang listahan.

Sa travel advisory na ito ng Estados Unidos, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang Afghanistan, Algeria, Angola, Bangladesh, Burkina Faso, Cameroon, Central African Republic, Colombia, Democratic Republic of the Congo, Ethiopia, Haiti, Iran, Iraq, Kenya, Lebanon, Libya, Malaysia, Mali, Mexico, Niger, Nigeria, Pakistan, Papua New Guinea, Russia, Somalia, South Sudan, Sudan, Syria, Trinidad and Tobago, Turkey, Uganda, Ukraine (Russian-controlled east), Venezuela, at Yemen na nasa level “K” o may mataas na banta ng kidnapping at hostage-taking ng mga terorista sa buong mundo.

“PNP is in full control of the peace and order situation in the country. And as far as kidnapping is concerned, patuloy na pababa ang incidence ng kidnapping. In fact, noong 2018, mayroon lamang tayong naitala na 38 na kaso ng kidnapping at ngayong taon, bumaba ito sa 10,” paliwanag ni Spokesperson Banac.

Sa huling datos ng Anti-Kidnapping Group, naitala sa kabuuan ang 46 kaso ng kidnap-for-ransom kung saan 24 dito ay naresolba na, 9 ang nasampahan na ng kaso, at 13 ang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan.

Nagtala rin ang grupo ng 52.17 percent na Crime Solution Efficiency at 71.73 percent Crime Clearance Efficiency sa 46 total na kidnapping incidents noong 2018.

Karapatan ng Estados Unidos na bigyang babala ang mga mamamayan nito, ngunit nais pa ring bigyang-diin ni PNP Spokersperson Banac na walang dapat ikabahala ang publiko. “But our assurance to the public is there is nothing to worry about. In fact, the whole of Mindanao is under Martial Law and the security there is very tight and very strict.” ■

ISIS,Neutralized Na

Ni Joan A. Alcantara

QUEZON CITY - Kumpiyansang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi na muling mamamayagpag ang grupong ISIS sa bansa dahil neutralized na ang liderato nito na sinundan pa ng pagbaba ng bilang ng kanilang miyembro at firearms.

“With that neutralization…their leaders and the organization, plus the decimation in their ranks and firearms, has decisively defeated ISIS,” pagtitiyak ni AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo.

Ito’y dulot ng naging matagumpay na operasyon ng militar sa Marawi at sa Central Mindanao.

Bagama’t may mangilan-ngilan pang magkakahiwalay na grupo ng ISIS sa bansa, dahil sa nasaksihan ng tao sa Marawi nahihirapan na silang mag-recruit. ■

( mula sa pahina 1 )

( ▶ 6 )

METRO MANILA, Philippines - Tatlo sa mga ahensya ng gobyernong nangangasiwa sa tubig, kuryente, at internet ang kamakailan ay sumagot sa isyu na ‘di umano’y nagbabantang “delubyo” sa tatlong pangunahing serbisyong pampubliko na ito ng bansa. Ito’y matapos pumutok ang balita at malawakang coverage sa tumagal na water service interruption na nakaapekto sa mga residente ng ilang bahagi ng Metro Manila kasama na ang mga kalapit na siyudad ng Cainta, Antipolo, Taytay, Angono, at Binangonan sa Rizal.

Ibinahagi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Department of Energy (DOE), at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kani-kanilang proyekto o programa ngayong panahon ng tag-init.

Summer season, pinaghandaan ng ilang taon – MWSS

Sa pagpapaunlak ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco, nabanggit nitong naisumite na ng ahensya noong Abril 6 sa Malacañang ang hiningi ng Pangulo Rodrigo Duterte na ulat ukol sa naging kakulangan sa suplay ng tubig sa East Concession Area ng MWSS na sineserbisyuhan ng Manila Water. Bagama’t tumanggi itong ilabas ang kabuuan ng ulat nang walang pasabi ang Palasyo sa panahong nasulat ang artikulong ito, ibinihagi pa

Tripol Sagot sa “Tripol Trobol”

Ni Joan A. Alcantara

Page 3: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

Editoryal 3Abril 2019

MEDIAMANNi Martin M. Andanar

Sa pag-iikot ko sa iba’t ibang probinsya para sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) Roadshow, kung saan ipinaaabot ng aking departamento sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa mga kabataan at taga-media ang kahalagahan ng Freedom of Information (FOI) at ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ay nalalaman ko ang mga saloobin ng mga dumadalo. Lahat kasi ng sektor ay kasali sa talakayan.

Sa mga pagpupulong ay nakatatanggap kami ng mabibigat na tanong. Gaya halimbawa ng: “Kumusta na po ang PCOO ngayong wala na si Mocha?” Sinasagot namin ang ganitong tanong nang buong katapatan. Para sa kaalaman ng lahat, sinagot ni Asec. Kris Ablan, FOI Program Director, ang tanong at sinabi niyang malaking tulong sana si dating Asec. Mocha Uson sa mga ganitong pagtitipon dahil isa itong crowd-puller. Pero may mga bagay na beyond our control at parehong nag-move on na ang PCOO at si Mocha na ngayon ay nominee ng isang party-list.

Maging si Usec. Joel Egco, PTFoMS Executive Director, ay naipaliliwanag ang mga isyu sa media killings. Sinasabi niya na sa mainstream media ay mainit lang ang balita ‘pag may napatay na reporter, pero ‘pag nagbigay na siya ng follow-up report kapag nahuli na ang mga suspek ay hindi naman ibinabalita kaya ang akala ng publiko ay walang development sa mga kaso.

Napag-uusapan din ang sitwasyong pangkabuhayan ng mga kapatid natin sa hanapbuhay na taga-media. Karamihan kasi sa kanila ay mga freelancer kaya maliit na nga ang kita ay wala pang benepisyo. Ang sitwasyong ito ayon na rin sa kanila ang nagiging dahilan kaya nasasadlak ang ilan sa kanilang mga kasamahan sa paggawa ng mali at nagiging bayaran. Problema rin nila ang mga “hao shao” o hindi totoong reporter pero nagpapanggap na legit na taga-media at siya pang malakas manghingi ng payola palibhasa nga ay hindi alam ang Journalist’s Code of Ethics, kaya ang mga tapat sa tungkulin ay nagiging masama na rin ang imahe.

Sinasabi ko sa ating mga kasamahan sa media na masosolusyunan ang mga ganitong problema kung may malakas na representasyon. Napakagaling kako natin na magpapanalo ng mga kandidato at mag-promote ng mga produkto gamit ang ating panulat, pero tayo mismo ay hindi natin maipakilala o maipagtanggol man lang ang ating sarili. Sabi ko sa kanila, ito na ang panahon para magkaisa ang mga taga-media at magkaroon ng solidong organisasyon na may malakas na boses. Dahil kung nagkakaisa ang mga mamamahayag ay mas madaling matutugunan ng pamahalaan ang kanilang mga karaingan.

So far, positibo naman ang kanilang reaksyon. Inaasahan ko na bago matapos ang taon na ito ay may development na at sisimulan nila sa pagtatayo ng kani-kanilang umbrella organization sa bawat lokalidad hanggang sa mapagsama-sama sa isang malakas, mapuwersa, at solidong grupo ng mga mamamahayag.

Ilan lang ito sa aming mga tinatalakay. Kasama pa rin diyan ang paglaban sa fake news at disinformation. Nakatutuwa na maraming estudyante na dumadalo sa Roadshow at nauunawaan nila ang mga isyu lalo pa at sila talaga ang aktibo sa question-and-answer portion at hindi natatakot magtanong. Nagiging malinaw sa kanila ang mga senaryo at dahil dito ay nagiging multipliers sila para ipakalat kung ano ang totoo sa mga programa ng Duterte Administration na lahat ay nakaangkla sa paggaan ng buhay ng bawat Pilipino.

At sa PCOO Roadshow ay muling naibabalik sa mga dumadalo ang tunay na layunin ng pagbabalita na nakakalimutan na ng marami dahil sa social media. Lahat tayo ay may kakayahan na gumawa ng data. Ang data na ito ay nagiging information. Kapag lumaganap na, iyon ay magiging knowledge.

Pero paano magiging knowledge kung fake ang data na naging information?

Kaya dapat talaga nating iwasan ang paglikha ng fakenews at pagpapalaganap nito.

At kapag nabuo na ang cycle ng data, information, at knowledge ay isama sana natin ang isang napakahalagang aspeto. Sana po ay may makuha tayong values na magagamit natin sa ating pang-araw-arawna buhay. ■

DiSMiSS DiSinforMationEDITORIAL BOARD

EILEEN CRUZ-DAVIDEditor-in-Chief

DARIUS JOSUEManaging Editor

ARLENE BARRIENTOSCirculation Manager

CAROLINA SIGUAProduction Manager

KEVIN LARANANGArt Director/ Cartoonist

ENREL TAN RAYMOND DELA RAMA

Layout Artists

JOAN ALCANTARAAssociate Editor

ADRIAN TAMBUYAT ELAINE LAZARO

IVY ATOMPAGJUSTINE HERNANDEZ

MONICA LADISLAWriters/ Researchers

ARNOLD DIAMATPhotographer

BALITA CENTRAL is published bimonthly by the Bureau of CommunicationsServices with office address at PCS Bldg. 310 San Rafael St.

San Miguel Malacañang Complex, Manila 1005.

BALITA CENTRAL is freely distributed by the Bureau of Communications Services. Any person caught selling copies of the tabloid will be penalized.

For any inquiries, you may contact us through the following: Phone: (02) 734-2117 • E-mail: [email protected]

Facebook: bcs.gov • Website: www.bcs.gov.ph

Page 4: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

4Abril 2019

Balita

( ▶ 11 )

Sagot sa LivelihoodEmergency at Securityng mga Magsasaka

I. Agarang solusyon sa pinsala ng mababang presyo ng kalakal ng niyog

Sa naganap na rally sa Mendiola noong Marso 8, kasabay ng naging pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong taon, ibinahagi ng regional organizer ng mga magsasaka mula sa Timog Katagalugan na si Bb. Lea Velasco ang kanilang naising maitaas at magkaroon ng makataong presyo ang kanilang mga niyog at maideklara ang state of calamity sa Timog Katagalugan dahil sa aniya ay sobrang said at sadsad na presyo ng kanilang mga kalakal. “Nagdurusa ang industriya ng niyog,” ang kanyang saktong turan.

Sa kanilang inilathalang pahayag, ang napakababang presyuhan ng lukad at niyog ay hindi sasapat sa pang-araw-araw na gastos na P500-P700 ng isang tipikal na pamilyang magsasaka na may anim na miyembro. Bukod pa rito ang ‘di umano’y nararanasan nilang pandaraya at kaltas sa benta ng copra.

Kasunod nito inilarawan naman ng Yakap at Halik Multi-Purpose Cooperative (MPC), isang organisasyong nakabase sa Quezon na binubuo ng mahigit 5,000 magsasaka, sa 21st Metro Manila Council Meeting na ginanap noong Marso 26, ang isyu ng mababang presyo ng bentahan ng copra o dried meat ng niyog sa kanilang lugar. “As of now po just to give you a short idea of what's happening on the ground, ang coop po namin is buying our farmers᾿ copra. We buy our farmers᾿ copra at about P20 per kilo. Price po ngayon na we have at the market is about P14-P15. If you go to our warehouse po . . . is about 500-1,000 metric tons lahat po nandoon and our farmers are pushing us to buy more copra pero our coop can't accommodate anymore and we can’t even sell our copra kasi lugi na kami ng about P4-P5 pesos,” paliwanag ni G. James Amparo, kinatawan ng Yakap at Halik MPC. “It's about 5,000 farmers in our organization and hirap-hirap na po, iyong nangyayari sa ground.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng ating pamahalaan ang isyung ito sa copra.

“For us it's an emergency because the farmers are really suffering, we call it injury to the coconut farming sector,” pag-amin ni Philippine Coconut Authority (PCA) Division Chief of Market Research & Promotions Rosella Villaruel. Ipinaliwanag pa niyang ilang oil mills ang hindi na bumibili ng copra dahil sa puno na nilang mga kamalig at mababang presyo ng coconut oil sa lokal at maging

internasyonal na merkado. “So, if they will sell their oil in their storage tanks, they might be experiencing losses. That's why some of them temporarily stoppedbuying copra.”

“Copra naman can be stored provided it’s properly dried. But the farmers na walang ibang alternative, are forced to sell the copras for low prices. And some nga hindi na nag-co-copra kasi nga lugi,” dagdag pa ni Engr. Villaruel.

Bilang agarang tugon, umapila ng suporta mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at mga alkalde ng iba’t ibang siyudad sa Metro Manila ang PCA sa naturang council meeting upang makapagbenta ang mga magniniyog ng buko imbis na copra pansamantala. “For us to have it implemented, kailangan po namin ng support ng MMDA and the LGU to provide designated areas wherein the coconut farmers can display and sell buko, and then to provide assistance po and access sa ating mga . . . vendors who will be selling the buko to the kiosks and also in stations,” ani Engr. Villaruel. “Because the buko has more or less more stable and higher prices compared to copra.”

Sa kabilang banda dahil sa stable ang presyo ng buko, maaari rin itong maging isang sustainable livelihood bagama’t itinuturing itong “short-term” solution ng ahensya sa ngayon ayon kay Engr. Villaruel.

Sa kasalukuyan, nagsimula nang makapagbenta ang Yakap at Halik MPC ng mga buko sa pwesto nito sa harap ng gusali ng PCA.

Sa panahong naisulat ang artikulong ito, hinikayat na rin ng MMDA ang Metro Manila Council na suportahan ang proyekto ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol na mapaglaanan ng lokal na gobyerno ng buko stations ang mga magsasakang magbebenta ng green coconuts.

Higit pa roon, nanawagan din si MMDA Chairman Danilo Lim na magpasa ang mga local government units ng mga ordinansang hihikayat sa mga establisyemento, gaya ng mga restawran, na isama sa kanilang menu ang buko bilang pampalamig.

Dahilan ng pagbaba ng copra prices

Sa paliwanag ni Engr. Villaruel, ang dahilan ng pagbagsak ng presyo ng copra ay nagmula sa pagtaas ng produksyon ng lahat ng vegetable oils ngunit pagbaba ng konsumo ng palm oil na nangungunang produktong panlutong langis sa pandaigdigang pamilihan. “Bumaba iyong consumption dahil nga doon sa campaign against palm oil . . . Bumaba iyong price ng palm oil, siyempre, bumaba rin iyong iba kasi automatically kung dominant ka in terms of volume and then mababa iyong price mo, then you’ll gain preference.”

Pangunahin ang coconut oil sa lahat ng exported na kalakal ng niyog ng Pilipinas, kung saan ang raw material ay copra. “Dahil nagma-market lang tayo ng crude coconut oil doon sa abroad, dahil bumaba iyong price, affected tayo. Eh, kung ikaw si processor ng coconut oil, mababa iyong presyo doon, saan mo siya bawiin ngayon? So, mag-work back iyan sa value chain. Kaya bumaba rin iyong price sa copra,” pagpapatuloy pa ni Engr. Villaruel.

“A lot of this is internationally dictated . . . kasi nga maraming supply ng . . . palm oil,” pagsang-ayon ni Deputy Administrator for Operations Roel Rosales.

Karagdagang short-term solutions sa isyu ng copra

Bukod sa nabanggit nang buko trading sa mga siyudad sa Metro Manila at sa kabila ng market-controlled prices na ito, sinabi ng PCA na merong tuluy-tuloy na programang pangkabuhayan na handog sa mga magsasaka ang ahensya bilang alternatibo o “buffer” sa halip na umasa ang mga ito sa copra o niyog lang. “Meron silang banana

inter-crop, cacao inter-crop . . . and coconets, iyong ina-apply sa DPWH roadsides,” pahayag ni Engr. Villaruel.

Tinatrabaho rin ng ahensya ang direct copra or coconut marketing kung saan tumutulong ang PCA sa pag-oorganisa ng mga magsasakang maaaring diretsong makipagnegosasyon sa mga oil mill. May buying station din na katulad ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF) oil mill na pagmamay-ari ng pamahalaan. Prayoridad ng CIIF ang mga magsasakang nagbebenta ng copra o whole nuts. Dahil dito hindi na kailangan pang dumaan ng mga magsasaka sa “middleman” kaya naman makabebenta sila sa premium price. “Secretary (Piñol) has tried to convince the oil millers to have a ceiling price. . . a price that should be higher than the prevailing market price, kasi nga mawawala na iyong inter-layer ng middleman using this concept,” ani Dep. Admin. Rosales.

Nabanggit din ng Deputy Administrator na ang pagkakaroon ng middleman o traders ay parte na ng kultura sa niyugan dahil sa mga ito nakakautang ang mga magsasaka. “So ito iyong intricacies ng coconut industry, which we opt to change, with the coops like Yakap and Halik,” dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, mayroon ding tinatawag na Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na pasilidad ang gobyernong tumutulong magpautang para sa pambili ng truck at working capital ng mga magsasaka sa interes na single digit o mas mababa sa 10%.

“Ngayon we are working with ACPC . . . arm ng Department of Agriculture, na mag-facilitate ng loans, for working capital, loans for equipment, loans for truck, basta para sa agricultural production,” pagbabahagi ni Engr. Villaruel.

Ang ACPCs ay matatagpuan sa mga probinsya ng: Benguet; Kalinga; Apayao; Ilocos Norte at Sur; La Union at Pangasinan; Batanes; Isabela, Cagayan, Quirino, at Nueva Vizcaya; Nueva Ecija; Bataan; Laguna, Quezon, at Rizal; Oriental Mindoro; Occidental Mindoro; Palawan; Camarines Sur, Albay, at Masbate; Iloilo at Guimaras; Capiz; Negros Occidental; Aklan; Antique; Bohol; Cebu; Negros Oriental at Siquijor; Northern Samar; Western Samar, Biliran, at Leyte; Eastern Samar at Southern Leyte; Zamboanga del Norte at Sur; Zamboanga City at Sibugay; Misamis Occidental at Lanao del Norte; Bukidnon; Misamis Oriental at Camiguin; Davao City; Davao del Norte at Sur; Compostela Valley; Davao Oriental; Sarangani; South Cotabato; Sultan Kudarat; Cotabato; Agusan del Norte at Sur; Surigao del Norte at Sur; at Lanao del Sur (Marawi at Wao).

Gamitin ang copra stock para sa biofuel industry bilang midterm solution

Midterm solution ng PCA ang maitaas ang lebel ng hinahalong coconut methyl ester sa diesel mula B2 sa B5. Sa pamamagitan nito, magagamit ang mga copra na nakatambak sa kamalig sapagkat sa kalakal na ito ng

Ni Joan A. Alcantara

FREEDOMPARK

Copra farming ang isa sa ikinabubuhay ng mga magsasaka sa Quezon Province. Photo credit: Yakap at Halik MPC

Page 5: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

Negosyo 5Abril 2019

( ▶ 13 )

. . . report ang pagbaba sa 21 percent ng bilang ng mahihirap na Pilipino sa bansa.

Sa ulat na pinalabas ng PSA sa pakikipagtulungan ng National Economic Development Authority (NEDA), 5.7 milyong Pilipino ang umangat sa poverty threshold sa unang semester ng 2018 kumpara sa naitala noong unang semester ng 2015.

Basehan ng Pag-aaral

Bilang tugon sa mga naglalabasang isyu mula labor groups sa resulta ng surbey, sinabi ni Deputy National Statistician at Assistant Secretary Josie Perez na nagmula sa provincial food bundles ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), presyo ng mga bilihin ng unang semester ng 2018, at resulta ng 2018 Family Income and Expenditures Survey (FIES) para sa kaparehong semester ang mga datos na ginamit sa pag-compute ng kalalabas pa lamang na poverty incidence at threshold kaya naman hindi maaaring wala ang mga itong basehan.

DOF: Hindi Pasanin ang ChineseLoan Agreement ng 'Pinas

Ni Ivy E. Atompag

. . . mataas na interes sa pautang at pagsuko sa soberanya ng Pilipinas dahil sa 3.2 bilyon pisong loan agreement nito sa China sa pagpapagawa ng Chico River Pump Irrigation.

Ang mga alegasyon ang naging tirada ni Bayan Muna Party-List Chair at ngayo’y Senatorial Candidate Neri Colmenares dahil sa pagpasok ng Pilipinas sa ‘di umano’y nakadedehadong loan.

Sa isang eksklusibong panayam, ibinunyag ni Asec. Lambino na maaaring nag-ugat ang paratang sa isang luma at outdated na dokumentong ibinigay ng DOF sa Kongreso. Ayon kay Asec. Lambino, makikita sa dokumento ang 44 bilyon pondong inilaan ng gobyerno hindi lamang sa consultancy services kundi maging sa construction ng magkakaiba nitong proyekto, kabilang na ang Chico River Pump Irrigation.

“If he got the number from the now outdated document provided to the Congress, then mali ‘yung pagbasa niya. Kasi ‘yung 44 billion, ang kasama roon ay civil works . . . meaning construction

PSA: Poverty Incidence ng Pilipinas, BumabaNi Ivy E. Atompag

“Anu-ano ang mga basis naming data diyan? Una, ginamit namin ‘yung provincial food bundles ng FNRI. Ang FNRI ang nagtakda ng Recommended Energy and Nutrients Intake, ibig sabihin, na kailangan natin ng masustansiyang pagkain na may carbohydrates, protein, and other nutrients . . . And then another reference ‘yung price survey namin. Kasi sa price survey, mayroon siyang tinatawag na food and market basket . . . From there, tiningnan namin ‘yung third reference file or data which is the FIES for the first semester of 2018.”

Ayon pa kay Asec. Perez, ang pamamaraan na ginamit sa naturang pag-aaral ay maiging pinag-aralan ng mga eksperto sa poverty statistics.

“Kung official statistics, siyempre mayroon ‘yung methodology na dapat approved ng PSA Board. Kasi ang PSA Board, siya ‘yung policy-making body ng Philippine Statistical System. Hindi kami pwedeng gumamit ng methodology na hindi na-approve ng PSA Board.”

Kabilang ang Department of Finance at NEDA sa nasabing Board.

Isinasaad ng Official Poverty Statistics ng PSA na umakyat sa 10.9% ang poverty threshold ng bawat pamilya sa unang anim na buwan ng 2018 at naging Php 10,481

kumpara sa unang semestre ng 2015, kung saan ito ay naitala sa Php 9,453. Ipinapakita ng ulat na ang NCR ang may pinakamataas na poverty threshold sa lahat ng rehiyon ng bansa na umabot sa Php 11,752.

Sa naging pahayag naman ng NEDA, pangunahing kontribyutor sa income growth ng bottom 30 percent households sa loob ng tatlong taon ang pagtaas ng kita ng mga manggagawa. Pumapangalawa na ang domestic cash receipt o support na natatanggap ng mga pamilya at entrepreneurial activities. Nakatulong din sa income growth ang mga programa ng gobyerno gaya ng Conditional Cash Transfer Program, dagdag na Php 1,000 sa Social Security System pension, at unconditional cash transfers para sa bawat pamilya.

Ayon sa NEDA, batid ng gobyerno na marami pang problemang dapat kaharapin ang bansa at hindi ito titigil sa paggawa ng paraan upang mas lalo pang mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa.

“We recognize that many challenges remain, and the resolve to reduce inequality does not end. Moving forward, government has to take advantage of the momentum it has built in recent years, while earnestly pursuing other key reforms.” ■

for two projects, and consultancy services for a third. If that’s where the number is coming from, then he misread the document, and that documentis outdated.”

Interes, mataas nga ba?

Nang tanungin ukol sa alegasyong mas mataas ang interest rate ng loan agreement sa China na nasa 2 percent kumpara sa handang ibigay ng ibang bansa tulad ng Japan para sa Chico River Pump Irrigation Project, ipinaliwanag ni Asec. Lambino na hindi maaaring ihambing ang dalawa sapagkat nasa US dollars ang denominasyon ng loan ng China habang nasa Japanese yen naman ang sa Japan.

“Kung titingnan natin, ‘yung loan agreement with Japan, it is in Japanese yen. ‘Yung loan agreement natin with China is in US dollars. So ‘yung 0.1 percent interest rate ni Japan at 2 percent ni China, hindi ‘yan directly comparable.”

Idinagdag ni Asec. Lambino na kung ihahambing ang 40-year loan agreement

offer ng Japan at 20-year loan agreement natin sa China sa US dollars at gawing pareho ang repayment terms, hindi nagkakalayo sa 2 percent ang fixed USD equivalent interest rate ng dalawa.

“If we compare apples to apples, ‘yung yen-denominated loan ay i-convert natin sa US dollar and ‘yung 40-year loan ng Japan gagawin nating 20 years katulad ng loan natin with China, ‘yung interest rates niyan magkakalapit. Nagho-hover ‘yan around 2 percent. So again, misinformed yung statement.”

Sa kabilang banda, nilinaw rin niya na bahagi ng maraming bilateral loan agreement ang pagkuha ng contractor mula sa lending country.

“Kung bilateral ‘yung loan agreement from a partner country, ang tawag doon ay tied loan . . . The main contractor comes from the lending country, that’s typical. And what is also typical in these situations is they will subcontract to a local company. This goes the same for Korean loans, Japanese loans . . .”

Soberanya, isinuko na sa China?

Sa economic briefing na ginanap sa Malacañang noong Marso, sinabi ng DOF na ang “waiver of sovereign immunity” ay kailanma’y hindi nangahulugang pinahihintulutan ng Pilipinas ang sinumang foreign party na kuhanin o angkinin ang likas na yaman ng bansa.

Ang waiver ay nagbibigay-karapatan lamang sa China na dalhin sa arbitration ang Pilipinas sakaling magkaroon ng default sa pagbabayad ng loan.

“We only waived our sovereign immunity when it comes to an arbitration process. Meaning, ‘pag hindi tayo nagbayad, puwede nila tayong dalhin sa arbitration. Pero very unlikely na hindi tayo makakapagbayad. Second, we only waived our sovereign immunity when it comes to arbitration and the execution of an arbitral award. So, it’s not on everything, it’s only on that. And we absolutely do not waive our sovereign immunity when it comes to our military assets, diplomatic assets,

( mula sa pahina 1 )

( mula sa pahina 1 )

Page 6: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

6Abril 2019

Balita( mula sa pahina 2 )

. . . rin ni Admin. Velasco ang short-term, midterm, at long-term initiatives ng ahensya hanggang taong 2040 sa seguridad ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na lugar. Kabilang sa short-term na plano nito ang pagkakaroon ng 1,727 MLD na manggagaling sa mga sumusunod: Putatan Water Treatment Plant 2 – Laguna Lake; Cardona Water Treatment Plant – Laguna Lake; Sumag River Diversion Project; Rizal Wellfield; NRW Reduction – Maynilad; Calawis Antipolo Source System; Lower Ipo – hindi nagamit na tubig mula Angat-Norzagaray Phase 1; Poblacion Muntinlupa Water Treatment Plant 4 – Laguna Lake; at Kaliwa Dam –Quezon Province.

Sa report na ibinahagi ni Admin. Velasco sa Balita Central, kabilang sa agarang solusyon nito ang energization ng 100 MLD ng Cardona Rizal Water Treatment Plant na naglalabas na ng 50 MLD tubig sa kasalukuyan; paglipat ng 10 MLD raw water ng Maynilad sa Manila Water sa La Mesa Portal; pagbukas ng cross border valve upang makapaglipat ng 50 MLD treated water ng Maynilad sa Manila Water; pagbuhay sa 101 balon sa bisa ng Temporary Water Permit na ipinagkaloob ng National Water Resources Board March 14, 2019 Order na tatagal hanggang Hulyo 15; pagpapakalat ng water tankers at static tanks; at pagbago sa intake structure ng La Mesa Water Treatment Plant No. 2 sa pamamagitan ng paggawa ng diversion pipe na magpapasok ng karagdagang tubig sa raw water portal para sa pansamantalang gamit ng Manila Water ng 40 MLD hanggang 80 MLD hanggang sa katapusan ng Abril.

Para naman sa medium solution, plano ng ahensyang magdagdag ng 4,120 MLD na magmumula naman sa mga sumusunod: Lower Ipo – hindi nagamit na tubig mula Angat-Norzagaray Phase 2; konstruksyon ng New Wawa Dam; Sierra Madre; Bayabas Dam; Kanan River Phase 1; at East Bay Laguna Lake. Sa long-term solution, magdadagdag pa ang MWSS ng 8,000 MLD ng tubig na plano nitong kuhanin sa Kanan River Phase 2 at Laguna Lake.

Sumatutal, may 13,847 MLD ang target ng ahensyang maipon na ang trabaho’y sinimulan na rin ngayong taon.

Mayroon ding iba pang proyektong imprastruktura ang MWSS, kabilang na ang isinasagawang konstruksyon ng bagong lagusan (Tunnel 4) mula Ipo Dam papuntang Brgy. Bigte Norzagaray, Bulacan na planong matapos ng Pebrero 2020; konstruksyon ng isa pang bagong lagusan (Tunnel 5) mula Ipo Dam hanggang sa parehong barangay na plano ring matapos ng 2020; at konstruksyon ng karagdagang aqueducts (Aqueduct 7) mula Brgy. Bigte papuntang La Mesa Dam na papalit sa Aqueducts 1 at 2 na planong matapos ng taong 2023.

Mariing pinabulaanan ni Admin. Velasco ang alegasyong hindi napaghandaan ang suplay ng tubig ngayong tag-init. “We have been preparing for it years ago pa,” diin nito.

Muli niyang siniguro sa publiko na ginagawa ng MWSS ang lahat ng makakaya nito upang hindi magkaproblema sa suplay ng tubig.

Forced power outages, i-monitor – DOE

Pinanindigan ni DOE Undersecretary Felix William Fuentebella na may sapat na suplay sa kuryente matapos ang naging paratang ni Senate Committee on Energy Chair Senator Sherwin Gatchalian na “fake news” lang ito dahil sa rotating brownouts na naranasan sa 7 probinsya at 40 na siyudad sa Luzon nito lamang Abril. Ibinaling niya sa halip ang usapin sa magkakasabay na forced power outages na

pinagmulan ng nasabing rotating brownouts. “But the scenario is kapag nagkaroon na ng forced outage na nagkakasabay-sabay, iyon din ang pinapasilip natin.”

Ayon sa DOE, tumaas nang triple kumpara sa average level ang mga nangyaring unplanned outages kamakailan.

Inisa-isa ni Usec. Fuentebella sa Balita Central ang mga pangyayari noong Abril 11 na nagdulot ng rotating brownout sa Luzon. “May red alert tayo, 1-4, pero wala tayong power interruption . . . Nangyari iyong

power interruption 6-9, bakit? Merong incident na at 4:30 nadagdagan na naman iyong forced outage.”

“This was SMCPC Limay . . . that went out at 4:32 due to a boiler tube leak . . . Tapos iyong Limay Unit 1 . . . at 6:09, 60MW nawala rin. Tapos hinahabol ni NGCP iyong mga ibangplanta . . . pero tinamaan na.Hindi na nabalanse, brownout na iyong ibang area,” pagpapaliwanag ni Usec. Fuentebella.

Sinabi ng Undersecretary na noong papasok pa lang ang summer, hinikayat na ng DOE ang masusing pag-monitor hindi lang sa suplay kundi maging sa behavior ng bawat planta. “We saw already na kapag nagkakaroon ng forced outages, nire-report ni system operator ito kay market operator. May nakita kami na iyong market operator pinapadala niya pala lahat sa participant,” at ito’y bilang pagsunod sa protocol ayon kay Usec. Fuentebella. Nagdesisyon ang DOE na samantalahin ang impormasyong nailabas na rin lang upang tingnan ang relasyon ng forced power outages sa price hikes. “So sabi ko since nandiyan na rin naman iyong information, sige, i-announce na natin, hanggang maayos natin. Because we are trying to address iyong correlation ng forced outages doon sa price spikes. Ibig sabihin niyan ganito: if you have Plants A, B, C, and D, under one conglomerate, and then Plant A is scheduled to be out, so there's noproblem . . . But if Plant B becomes on forced outage, we are looking at the behavior of Plant C, B, and D . . . in trying to recover whatever losses that are entailed byPlant B,” pagpapaliwanagng Undersecretary.

Ngunit para kay Usec. Fuentebella, hindi na kinakailangan pang patunayan kung meron ngang sabwatang nagaganap sa forced outages para itaas ang presyo ng kuryente dahil pwede na itong malaan sa behavior pa lang ng mga planta. “But it’s the regulatory agencies, ERC and PCC, to have that interpretation,” paglilinaw ni Usec. Fuentebella. “We are on top of the situation in the sense na we are monitoring all, and we are working 24/7 to make sure that we have the needed capacities. . . We will all submit our findings to the Congress, to the Office of the President, and more inquiries and investigations to the Energy Regulatory Commission and the Philippine Competition Commission.”

Bukod sa pagbabantay sa forced power outages, nakipagdayalogo na rin ang DOE sa Meralco upang mas paghusayin pa ang mga linya nitong nagtatawid ng kuryente mula sa power

plants papunta sa mga bahay at establisyemento. Sa demand side management, ibinida naman ng DOE ang Interruptible Load Program nito na nagbibigay ng sariling source of power kapag may emergency o forced outage sa halagang P0.006 sa konsyumer. Meron ding Save, Save, Save kampanya ang ahensya na nagbibigay tips sa mga konsyumer kung paano magtipid, gaya na lang halimbawa ng paggamit ng laptop kaysa desktop (50% mas tipid), o ng smartphone kaysa laptop (90% mas tipid). Bukod pa rito ang pinatutupad nang polisiya noon pang 2004 ng ahensya na humihikayat sa mga tanggapan ng pamahalaan na maging conscious sa energy conservation at efficiency.

Naglabas din ang DOE ng mas agresibong Green Energy Option na sa demand na 100KW pataas, maaari nang kumontrata ang isang planta sa renewable energy na powerplant.

Kailangan lang maging fully informed – DICT

“Baka kailangan natin i-explore ang opportunity to discuss sa sinuman kung ano ‘yung mga updates,” ang mahinahong tugon ni DICT Assistant Secretary for Infrastructure Management Bureau and Other Special Concerns Alan Silor nang hingan ng reaksyon ng Balita Central ukol sa panawagan sa Senadong magsagawa ng imbestigasyon sa kabiguan ‘di umano ng DICT na ganap na ipatupad ang Free Internet Access Program o RA 10929. “Because we’re doing well naman,” aniya.

Upang suportahan ang naturang pahayag, ipinaliwanag ni Asec. Silor na sa kabila ng mga problema sa implementasyon ng programa na dinatnan na lang ng kasalukuyang pamunuan ng DICT sa ilalim ni Pangulong Duterte, mayroon nang binago ang ahensya sa terms of reference pagdating sa procurement upang mapabilis ang paglalagay ng insulation ng free public wi-fi.

Sa ilalim ng bagong terms of reference, pinaghati-hati ang implementasyon ng programa kada probinsya upang bigyang pagkakataon ang maraming kontratista, kasama na ang maliliit na market players, na makisali sa proyekto. “In that way, mas mapapabilis because there are more contractors who would be able to deploy the project,” ani Asec. Silor. “Because dati, we only have around three to five contractors who were doing a nationwide project or roll out.”

Iginagawad ang kontrata sa ilalim ng nabanggit na Provincial Wi-Fi Infrastructure Network Model.

Nandiyan din ang kooperasyon ng United Nations Development

Programme (UNDP) na tumutulong sa capacity building ng project focals at convergence initiatives ng stakeholders. Noong Marso lamang ay lumagda rin ang DICT at UNDP ng dokumentong naglalayong mapabilis ang deployment ng hotspots sa 6,000 target sites.

Sa isyu naman ng “shortfall” diumano sa Internet, sinabi ni Asec. Silor na mas mabilis at malawak na Internet na ngayon ang magagamit ng publiko. Ngunit kasabay nito ang taun-taong pagtaas din ng bilang ng subscriber ng Internet o mga gumagamit ng data na nagreresulta sa mataas na demand ng bandwidth.

“We believe the entry of the third major player would also help,” kambyo ni Asec. Silor.

Umaabot naman sa higit isang taon ang pagtatayo ng cellular towers sa kabila ng pangangailangang maparami pa ang mga ito. “Iyong gustong tulong natin sa Malacañang is maybe an Executive Order that would expedite,” apela ni Asec. Silor upang matugunan ang kakulangan sa cell towers. Tugon naman niya sa inaabot na mga buwang aplikasyon sa mahigit dalawampung permits, “We have to streamline the number of permits, and second, let’s try to have a one-stop shop for the processing so that those documents will not just pass on from one agency to the next, but we will have a one office that will handle all application so that all agencies will just come to that office for its approval.” Target na maplantsa ng ahensya ang huli ngayong darating na Hunyo.

Samantala, ang kasunduan naman ng DICT kasama ang National Electrification Administration at Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. ay naglalayong makapagtatag ng mas maraming Points of Presence (PoPs) sa mga probinsya. Sa pagpasok ng Abril ay mayroon nang 18 PoPs na naitala sa mga pangunahing siyudad sa bansa ang DICT.

Sa ulat ng ahensya ng kaparehong buwan, mayroon nang 2,330 free public wi-fi hotspots sa 17 rehiyon, 73 probinsya, at 640 siyudad at munisipalidad sa kasalukuyan. ■

Tripol Sagot . . .

Page 7: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

Balita 7Abril 2019

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya ng gobyerno ang desilting operations nito sa Manila Bay noong Marso ngayong taon.

Ang programang binansagang “Sagip Manila Bay” ay pinangunahan ni DPWH Secretary Mark Villar at dinaluhan ng iba’t ibang opisyal ng gobyerno kabilang na sina Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu at Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa ulat ng DPWH, may tinatayang 225,000 cubic meters ng pinagsamang burak at basura ang kailangang alisin sa 1.5 kilometrong parte ng Manila Bay na nagsisimula sa bahagi ng Manila Yacht Club at umaabot hanggangUS Embassy.

“This is a lot of silt to be removed and we have yet to determine via laboratory tests its actual size and toxicity levels. With that, we shall be seeking again the assistance from the DENR to determine whether this silt, which is probably full of nutrients, is still useful, safe for construction purposes, or they are all to be dumped in landfills,” paliwanag ni DPWH Bureau of Equipment Director Toribio Noel Ilao.

Hinati din ng DPWH ang Manila Bay Area sa limang parte upang mapabilis ang desilting operations na kanilang isasagawa.

“For our information, we divided this portion of Manila Bay into five sectors where we determined that the estimated completion time for each sector ranges from 90 days to 120 days. But we will do double time because of the incoming Habagat. So weather will be playing against and a challenge in our dredging operations,” pagbabahagi ni Dir. Ilao.

Kasabay ng paglulunsad ng dredging, desilting, at declogging operations ng DPWH sa ilalim ng Sagip Manila Bay ay ang launching ng mga bagong biling excavator at iba pang espesyal na makinaryang gagamitin ng ahensiya sa kanilang mga operasyon.

“The LGU in Baseco, the PNP, and the Philippine Coast Guard helped us in the assembly of those three units . . . our three amphibious excavators which we assembled in Baseco. In just seven days, we were able to complete the assembly of those three units,” dagdag pa ng Direktor.

Sa pagtatapos ng kaniyang talumpati, pinasalamatan din ni Dir. Ilao ang lahat ng mga indibidwal at ahensiyang tumulong sa operasyon ng programa. Nanawagan din siya sa lahat ng mamamayang Pilipino na maging mas responsable sa pagtatapon ng kani-kanilang basura upang makatulong sa paglilinis ng Manila Bay.

“Finally, we would like to appeal to our countrymen to reduce and manage our wastes. In the hierarchy of waste management, reduction is the most preferred. For if we do not reduce our environmental footprint, all this cleaning will be nothing,” paghihikayat ng Direktor. ■

Sagip Manila Bay, Inilunsad

Ni Ivy E. Atompag

Lrta starts installation of new,energy-efficient air-conditioning

units on Lrt-2 trains

SANTOLAN, Pasig – The coaches of the LRT-2 System will soon welcome passengers with new air-conditioning units (ACUs) as the installation of the newly arrived train ACUs is already underway and is expected to be completed by April 2019.

Each four-car passenger train has eight ACUs making a total of 80 ACUs to be replaced by Multi-ScanCorporation and MRAIL Inc. Joint Venture for 10 operational LRT-2 trains.

As compared to the old ACUs, the new ACUs are modernized and will use parts from the original equipment manufacturer and the latest technology to seamlessly interface with the Train Monitoring System. ACUs are also guaranteed to use a more environment-friendly refrigerant that is energy-efficient and compliant with the Clean Air Act.

LRTA Administrator Reynaldo Berroya is advising passengers to allow extra time for their commute because the number of running trains will be reduced by one trainset after the other to fast-track the installation process for the Systematic Replacement of Train ACUs.

“We are advising our passengers to leave their homes earlier than usual because of the expected average of 9-10 minutes time interval between the arrivals of trains from the usual 7-8 minutes. We beg for your indulgence in this regard as we continue to improve train facilities for your comfort and convenience,” the Administrator advised.

“The ACUs are now unrepairable and outdated and their cooling capacity has dropped to 50% of its normal cooling capacity due to the rising temperatures being experienced in the Philippines and the length of years the LRT-2 has been in service. It is thus more efficient and more beneficial to replace the ACU system altogether to give optimum comfort to our passengers,” Administrator Berroya noted.

Berroya however clarified that although operational trains will be reduced for the meantime, each LRT-2 train has a 1,628 maximum passenger capacity. He also assured that LRTA is set to repair four down trains to augment the existing operational trains while planning to acquire 14 additional trainsets.

Fielding more trains will reduce the current headway of 7 minutes to only 4 minutes which translates to a shorter waiting time for passengers at LRT-2 stations. Restoration of down trains will be completed in 2019 while the staggered delivery of new trains is expected to be completed in 2020, just in time for the opening of the LRT-2 East Extension to Masinag.

Subsequently, the refurbishments of stations, improvement of lightings, and replacement of station signages are set to commence this year as part of LRTA’s major rehabilitation projects.

“The LRTA will work double-time to fast-track the rehabilitation of the country’s most modernized train system to contribute to the Transportation Department’s ‘basketful of solutions’ to ease the traffic ordeal of Filipino commuters,” the LRTAAdministrator expressed. ■

SAGIPIN ANG MANILA BAY - Pinangunahan ni DPWH Secretary Mark Villar ang desilting operations sa Manila Bay noong Marso.

Page 8: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

8Abril 2019

Editoryal

Mayroon ka bang balitang nais ibahagi? May kolum ka bang nagustuhan? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website.

Isang napakahalagang bagay na alam ng marami nating kababayan ay kung gaano kaganda ang ating bansang Pilipinas. Kahit saang sulok ng bansa, mapapamangha ka sa kagandahang dulot ng mga iba’t ibang tanawin, pook, at ika nga “natural beauty” ng ating mga bulubundukin, karagatan, baybayin, at mga isla. Kahit sa mata ng mga dayuhan, kaaya-aya ang kakaibang landscape at “natural wonders” ng bansa. Nakailang beses na ring nailista sa mga top destinations ng buong mundo ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Hindi rin maipagkakaila na malaking porsyento ng ating mga kababayan ay hindi pa napupuntahan o nakikita ang mga magagandang tanawin at lugar na ito. Marahil dulot ito ng mga gastusin sa pagbiyahe na hindi lahat ay kayang abutin ng marami sa ating mga kababayan. Subalit sa maraming lokal na mga pasyalan at tourist attractions sa iba’t ibang probinsya dumadagsa rin ang ating mga kababayan. Lalo ngayong panahon ng social media, nag-uunahan ang mga Pilipino sa pagpo-post ng mga larawan at “selfie” sa mga lugar na napupuntahan nila at kani-kanilang pamilya.

Upang patuloy na magkaroon ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na magkaroon ng access sa mga lokal na mga pasyalan, nararapat lamang na magkaroon ng suporta ang mga komunidad sa pag-alaga at pag-promote ng lokal na turismo. Ang Deparment of Tourism (DOT) ay seryoso sa pagsasaayos ng mga pangangailangan ng mga lokal na komunidad para rito. Sa katunayan, nais ng DOT na ang turismo ay maging “source” sa pagbaba ng kahirapan sa bansa.

Noong 2016, ang sektor ng turismo sa bansa ay nakapag-contribute ng 8.6 percent sa ekonomiya ng Pilipinas at nakapag-empleyo ng

Palala na nang palala ang trapik sa Metro Manila at iba pang siyudad sa Pilipinas. Ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency, nawawalan ang Pilipinas ng tinatayang P3.5 billion araw-araw nang dahil lang sa trapik. Ibig sabihin nito, nawawalan tayo ng P1.27 trillion kada taon sa trapik. Grabe, ‘di ba?

Perwisyo ang trapik. Kailangan magdagdag ka ng oras papunta sa trabaho dahil kung hindi, sigurado memo ka sa boss mo dahil lagi kang late. Kung estudyante ka naman, drop o bagsak ka sa klase mo sa first period. Mga negosyante naman malulugi din kasi nga ‘yung fuel nila para ma-deliver ang mga produkto tiyak na madaragdagan. Tumataas din ang presyo ng bilihin kasi nga dagdag-konsumo sa diesel ang trapik.

Madaming magagandang solusyon ang nakalatag na at ginagawa ng ating pamahalaan. Nariyan ang Build, Build, Build ng DU30 Administration. Binuo na rin ang I-ACT upang pagsama-samahin ang pwersa ng gobyerno para mawala o mabawasan ang trapik.

Ang nakikita ko namang solusyon dito ay simple lang - disiplina ng motorista at lahat ng gumagamit ng kalsada. Ang problema kasi sa enforcement ng batas, kailangan pa natin ng napakaraming mga enforcers. ‘Pag may disiplina ang tao, ‘di na kailangan ng sobrang daming enforcers bukod sa bawas gastos pa ito ng gobyerno.

Ang problema mga ka-Central, sobrang dami ng pasaway sa atin. Obserbahan n’yo po. ‘Yung mga pedestrian, naging bisyo na ang jaywalking. Mga vendors, inokupahan naman ang mga sidewalk kaya ang mga tao sa kalye na lang naglalakad. ‘Yung mga nagmo-motor naman, puro singit at pati mga sidewalk sinasampahan. Yung mga pribadong kotse, kahit coding bumabiyahe pa. Ang lalaki ng mga sasakyan nila tapos isa lang pala ang sakay. Siyempre, ‘di pahuhuli ang mga bus at jeep na humahambalang na lang kahit saan magustuhan. Lahat po nang ‘yan, e, talagang sa trapik papunta. Dagdag pa diyan ‘pag may nagkasagian, talagang hihintayin pa ang mga enforcers kahit ‘yung trapik ilang kilometro na.

Ngayon, paano na ba ‘yan? May solusyon pa kaya? Sa tingin ko ay meron naman po. Dapat maituro sa lahat ang tamang disiplina sa kalye.

Sa mga kabataan, dapat maituro sa kanila ang tamang paggamit ng kalsada sa eskwela. Gawin sana itong isang regular na aralin sa

SAMU’T SARINi Darius F. Josue

DiSiPLina: PEtMaLUnGSaGot Sa MaLaLanG traPiK

TANAW Ni Harold E. Clavite

anG KahaLaGahan nG LoKaL na tUriSMo

( ▶ 13 )

elementarya at high school. Kailangan na ibaon sa kanilang mga murang kaisipan na ang kalsada ay para sa lahat.

Sa mga matatanda naman, dapat magkaroon ang gobyerno ng isang tunay at malawakang information and education campaign upang baguhin ang pananaw ng nakararami. Dapat maunawaan ng lahat na ‘di tayo dapat mag-double parking, magtinda, o sakupinang kalsada.

Ang mga talagang pasaway na motorista, dapat ‘wag nang pagbibigyan ang mga ‘yan. Resetahan agad dapat ng traffic law enforcers. Sa mga vendors at pedestrian naman, e, halos walang magawa mga enforcers kasi nga wala silang lisensya na pwedeng ikabit sa traffic violation ticket. Diyan naman makatutulong ang isang National ID System.

Tingin ko rin dapat magkaroon ng isang governor ang National Capital Region para calibrated ang diskarte sa trapiko ng lahat ng local government units (LGUs). Or at least, mailipat sa Department of the Interior and Local Government ang pangangasiwa ng trapiko. Sa sistema kasi ngayon, ang Metro Manila Development Council ay nakadepende sa Metro Manila (MM) Council na binubuo ng mga MM mayors at iba pang kagawaran sa ehekutibo. Ano nang mangyayari kapag ayaw ipatupad ng isang mayor ‘yung napagkasunduan sa MM Council? Kaya nga may mga mahihigpit na LGU, at meron ding maluluwag pagdating sa traffic law enforcement.

Isa pa sa solusyon na nakikita ko diyan, mga ka-Central, ay ang pagkakaroon ng specialized training or educational institution para sa traffic law enforcement education. Dapat gawin nang propesyunal ang mga enforcers. Ngayon kasi, ‘di pa naman propesyon ang traffic law enforcement. Wala pang eskwelahan natin ang nag-o-offer ng ganyang kurso at ‘di pa rin sakop ng Professional Regulation Commission o PRC ang traffic law enforcement. Ang naging kalakaran tuloy, mga tao ng pulitiko ang iniuupo sa enforcement lalo na sa mga LGUs. Tapos, pag-alis ni pulitiko, wala na rin si enforcer.

Magkaisa na po sana tayong lahat sa pagkakaroon ng disiplina sa lansangan. Werpa to all ka-Central!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, at sumbong, mag-text sa 0917-871-6834o mag-email sa [email protected] sa mga nakaraang isyu ng Samut Sari,i-like kami sa facebook sa @bcs.gov obisitahin ang www.bcs.gov.ph. ■

5.2 milyong Pilipino. Sa ilalim ng National Tourism Development Plan, aabot sa 6.5 milyong Pilipino ang makapagtatrabaho sa sektor ng turismo hanggang sa pagtatapos ng termino ni Presidente Duterte sa 2022.

Upang maisakatuparan ito, kinakailangang magtulungan ang nasyonal at lokal na gobyerno, pati na rin ang mga komunidad at iba pang stakeholders sa turismo.

Sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, pinag-iibayo naman ang lokal na turismo. Ayon sa Provincial Government ng lalawigan, sa ngayon ay mas mabilis at madali nang puntahan ng mga turista ang iba’t ibang mga magagandang tanawin at pasyalan. Ayon kay Rachel Magday-Itchon, Executive Assistant ng Provincial Government ng Nueva Vizcaya, konektado na ang mga daan sa mga bayan at barangay sa lalawigan kung kaya’t madali nang mapasyalan ng turista ang mga historical at eco-tourism attractions sa lugar. Ang mga lokal na kalsada at daan ay pinagtulungang pondohan at ipagawa ng Provincial, Municipal at Barangay Local Government Units sa mga nagdaang taon. Pati ang mga national road ay pinondohan na rin ng mga national agencies sa ilalim ng mga programa ng pamahalaan gaya ng “Convergence Program” ng Department of Trade and Industry at Department of Public Works and Highways, at ang “Conditional Matching Grant” na dating kilala noon bilang “KALSADA Natin Project” ng Department of Interior and Local Government.

Dahil sa mga interconnected road sa Nueva Vizcaya, tuluy-tuloy ang biyahe ng mga turista

Page 9: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

9Abril 2019

Editoryal

Mayroon ka bang balitang nais ibahagi? May kolum ka bang nagustuhan? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_govbcs.gov.ph bcs_gov

May problema tayo sa tubig, patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, at kuryente. Ngunit dahil tayo’y Pilipino, tinatawanan lang natin ‘yan. Matatag tayo at hindi patatalo. Sabi nga sa Gallup’s 41st Annual Global End of Year Survey na isinagawa nitong nakaraang Enero, angPilipinas ay ikatlo sa pinakamasayang bansa sa buong mundo.

Hindi naman nagpapabaya ang ating pamahalaan sa mga problema ng bayan. Kung inyong maaalala, ang problema sa tubig ay agad nasolusyunan nang ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa dati ang suplay nito. Kapag hindi nagawan ng paraan ng Maynilad at Manila Water ang problema sa tubig, kakanselahin ng Pangulo ang mga kontrata nila sa gobyerno.

Nakaabang na rin ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Energy na suspindihin ang implementasyon ng TRAIN 2 kapag ang presyo ng langis ay umabot sa $80 kada bariles. Sa problema sa kuryente naman, may mga proyekto rin ang ating pamahalaan na nakapila upang hindi tayo mawalan ng suplay.

Patuloy tayong maging positibo. Isa sa mga maaari nating gawin ay ang pagtitipid. Huwag tayo mag-aksaya ng tubig. Iwasan munang magmaneho ng kotse kung hindi naman kinakailangan. Patayin ang mga de-kuryentengkagamitan na hindi ginagamit. Marami tayongmaaaring gawin upang makatulong sa mga problema ng bayan.

Bukod sa masayahin, likas na masipag din ang mga Pilipino. Gamitin natin ang katangiang ito upang maitawid ang mga pangangailangan ng ating pamilya. Alam kong mahirap gawin, pero para sa pamilya doble-kayod tayo dahil mahal natin sila. Kapag tayo ay nagsumipag pa, makakawala tayo sa kahirapan.

Tulungan na rin natin ang ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga adhikain ng kasalukuyang administrasyon. Nakikita naman natin na marami nang naisakatuparan ang ating Pangulo bagaman ikatlong taon pa lang naman n’ya sa panunungkulan. Sa bilis nga ng pagkilos ng gobyerno natin ngayon, bago matapos ang termino ng Pangulo siguradong magiging mas maalwan na ang ating buhay.

Kaya kahit may mga problema sa tubig, krudo, at kuryente, tuloy lang. Pilipino tayo at ‘di tayo patatalo sa problema. ■

TanglawNi Eileen Cruz-David

KaYa natin ‘Yan

From the Deskof SpokesNi Salvador S. Panelo

The Palace notes and welcomes the results of the latest survey conducted by the Social Weather Stations which shows that 79% of adult Filipinos are satisfied with the performance of President Rodrigo Roa Duterte with a 6-point increase in his net satisfaction rating from +60 in December 2018 to +66 in March 2019.

The message of the survey is crystal clear. The more the critics and detractors malign PRRD, the higher the rating he gets. These political adversaries are being swallowed by their own hubris. Survey after survey they are being repudiated. They appear to be ensconced if not entangled in their own web of lies that they cannot unshackle themselves from it.

The critics, detractors, and the political opposition have been deaf to the voice of a great majority of our people and blind to the sweeping changes in the political and social landscape effected by this unorthodox, maverick and daredevil leader who is fiercely devoted to - and protective of - the interest of the greater masses ofour people.

Rather than continue with their hate campaign against the President, they should join the majority supporting Administration’s programs designed to serve and protect the nation and its citizenry and start contributing for the country’s progress.

President Duterte is racing against time to fulfill his campaign promise of slaying the dragon of illegal drugs, criminality, corruption, and rebellion, as well as providing the people with a comfortable life under a reign of peace during his term. No negative force will detract him from his goal of liberating the people from the causes that enslave them and stunt the growth of the country.

Our people from all across geographic areas (+52 in December 2018 to +56 in March 2019 in Luzon; +62 in December 2018 to +69 in March 2019 in the Visayas; +73 in December 2018 to +88 in March 2019 in Mindanao; and +58 in December 2018 to +61 in March 2019 in Metro Manila) see his sincerity in realizing his sacred vow to the electorate and witness the tangible results of his people-centered decisions and decisive actions that foster genuine and positive change.

Destiny has placed this President at the helm of thistroubled land, so it is his destiny to remove it from itsdistress and lead it to a state of peace and progress. ■

on thE Q1 2019 SWS SUrvEY

on thE intErnationaLCriMinaL CoUrt

The President’s staunchest critics and vocal detractors are at it again lambasting the supposed withdrawal of the Philippines from the Rome Statute and necessarily from the jurisdiction of the International Criminal Court (ICC), on March 17, 2019.

The Philippines cannot leave that which has never joined in the first place. Our position on the matter remains clear, unequivocal and inflexible: the Philippines never became a State Party to the Rome Statute which created the ICC. As far as we are concerned, this tribunal is non-existent and its actions a futile exercise.

Should the ICC proceed with its undertakings relative to the Philippines and violate the provisions of the instrument which created it in the process, it can only mean that it is bent on interfering with the sovereignty of our Republic. Such intrusion can only validate the theory of the countries that withdrew their membership and those that do not want to join it that the ICC continues to exercise unaccountable prosecutorial powers and has become a tool for political prosecution thereby a threat to the national sovereignty of countries.

Detractors of the President are quick to harp on the alleged injustices in the Philippines. They appear not to know or simply ignore the fact that the jurisdictional crimes of the ICC are already covered by ourdomestic laws.

Any individual who seeks redress for grievances on any kind of injustice is free to file a complaint with our courts using Philippine laws.

Under Article 127 of the Rome Statute, “a withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective, nor shall it prejudice in any way the continued consideration of any matter which was already under consideration by the Court prior to the date on which the withdrawalbecame effective.”

Granting arguendo that the Philippines is a State Party to the Rome Statute and its withdrawal therefrom is made pursuant to its Article 127, the condition sine qua non before ICC can exercise jurisdiction over State Parties is their unwillingness or inability to carry out the investigation and prosecution of covered crimes. This is the principle of complementarity.

The Philippines, particularly its Judiciary, cannot be considered unwilling or unable to prosecute as all the courts are functioning, so are administrative bodies

tasked to investigate complaints filed by any person for the purpose of determining the existence of aprobable cause.

We have a robust judicial system and it soundly operates. The conviction by the Caloocan court of three policemen for the killing of Kian delos Santos is eloquent proof of this, which the State Department of the United States acknowledges in its recent human rights report.

There is therefore absolutely no basis for the ICC to continue whatever it started against the President or the Philippines. Nor is there any basis for the opposition and the critics’ perorations on the subject. ■

( ▶ 14 )

Page 10: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

PRRD, Very Good Pa Rin!Nananatili sa kategoryang “very good” ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakabagong surbey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) sa 1,440 adult Filipinos noong Marso 28-31, 2019.

Nakakuha ng +66 na net satisfaction rating ang Pangulo na mas mataas ng 6 na puntos mula +60 noong Disyembre 2018. Ayon sa SWS, ang 6 na puntos na dagdag ay epekto ng 15 puntos pagtaas sa Mindanao, 7 puntos sa Visayas, 4 na puntos sa Luzon, at 3 puntos sa Kalakhang Maynila. Sa isinagawang surbey, 79 percent ang nagpahayag ng kasiyahan sa pamumuno ng Pangulo, 13 percent ang nagsabing hindi sila nasiyahan, habang 8 percent naman ang hindi tiyak.

Muling pinulsuhan ng Balita Central ang taumbayan sa katatapos pa lamang na surbey, at narito ang ilan sa kanila:

Felix Bernaldez, 43, Legarda, Manila“Base sa nakikita ko, sa ginagawa niya, maganda naman ang kanyang pamamalakad. Kung ako nga ang magbibigay ng average, 80 pataas ang ibibigay ko. Kasi, talagang sa mga nangyayari gaya ng Build, Build, Build Program, at pati sa drugs, totoong may pag-usad. Nabawasan ang mga kriminal at magnanakaw. Natakot talaga kasi silang gumawa ng masama.”

Jomil del Rosario, 35, Sta. Cruz, Manila“Maayos ang pamumuno niya, Ma’am. Mas lumawak pa ang mabubuting nagawa niya. Hindi tulad ng mga datihang presidente. Siya, marami talaga siyang nagawa.”

Derick Aquino, 26, Tanza, Cavite “Well, sa mga nangyayari naman, marami nang nabago ngayon. Halimbawa ay iyong sa Boracay at sa Manila Bay. Kahit sinong presidente ang naupo, walang nakapagpalinis noon, bukod tangi si President Duterte lang. Pati na rin ang kriminalidad, bumaba talaga, e. Talagang hindi ka na matatakot ngayon kahit nasaan ka, kahit ilabas mo pa ang cell phone mo sa daan. Hindi tulad dati na sobrang ilag ka sa tao, kasi nga, baka mayroong kumuha, alam mo ‘yun?”

Darryl Indelible, 30, Tanza Cavite“Opo, naniniwala naman ako. Kasi, mas dumali ang pang-araw araw na buhay ko simula nang naging presidente siya. Halimbawa na lang iyong mga ordinaryong bagay, gaya ng sa transportation. Sa Makati kasi ako nagtatrabaho.Sumasakay ako ng MRT. Kada dating ng mga tren, inaabot ng 30 minutes. Pero nung siya na ang presidente, mga 5 minutes na lang. Hindi na rin masyadong nasisiraan. Isa pa, ‘yung sa tax. Dati, ang laki ng binabayaran ko sa tax na halos kakarampot na lang ang take-home pay ko. Dahil sa TRAIN Law, kahit papaano, malaki-laki na ang take-home pay ko. Although, nababawasan ako ng tax, at least, hindi na ganoon kalaki. Pati na rin ‘yung sa Build, Build, Build Program. Pwede rin iyon.”

10Abril 2019

Balita / Pananaw

Arlie Mae Orgullo, 22, Imus, Cavite“Opo, naniniwala ako. Kasi napakarami niyang na-implement na batas, ‘di gaya ng mga nagdaang presidente. Halimbawa na lang diyan iyong sa anti-drugs, anti-corruption, sa tax din. Ayun, iyong sa TRAIN Law, maganda ‘yun.”

- President Rodrigo Roa Duterte First Mindanaoan President

Photo credit: Courtesy of PCOO PPD

Page 11: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

Balita 11Abril 2019

( mula sa pahina 4 )

. . . niyog nanggagaling ang coconut oil na pinagmumulan naman ng coconut methyl esther. “So, it will allowthe . . . movement of the product instead na nakatengga ito ngayon sa mga inventory,” ani Dep. Admin. Rosales sa naisin nitong maitaas ang lebel ng mix.

Sa kasalukuyan ay nasa usapin pa rin ang PCA at National Biofuels Board sa pagtaas ng lebel ng coconut methyl esther sa B5. “Para it’s good for the environment but moreso, it should be able to help the farmers’ copra stocks, iyong inventory na gumalaw for the biofuel industry,” pagbabahagi ni Dep. Admin. Rosales.

Long-term solutions sa problema ng niyog

Sa bukod na p a n a y a m , n a g p a s a l a m a t si G. Amparo sa pagsisikap ng pamahalaan, partikular na sa PCA, sa p r o a k t i b o n g hakbangin nitong m a t u g u n a n ang ani niya ay krisis sa niyog, bagama’t nagpahayag siya ng pag-aalala sa “band-aid” solution na pagbebenta ng buko sa iba’t

ibang siyudad sa Metro Manila.

Kanyang ibinunyag ang kanilang naising magkaroon ng processing facility sa kanilang lugar bilang long-term na sagot sa isyu. “Imagine . . . we have about 3.5M hectares of coconut sa buong Pilipinas . . . if I’m correct . . . and out of 3.5M hectares we only have about 11 processing facilities.” Paliwanag pa niya, “Ang hirap kasi mag-attract ng investors kasi iyong. . . business side natin masyadong maraming policy. Hindi mo mapadali. . . iyong proseso, na for them to come in. So . . . re-request namin talaga sa PCA and sa government . . . is that even give us a loan, kami na ang magtatayo ng processing facility namin at least mas malaki iyong maa-absorb namin na coconut from our community.”

Kumpara sa pagluwas ng fresh o young coconut, na bukod sa kailangang gastusan sa logistics ay maaari pang masira, marami nang magagamit na buko kung mapoproseso ito sa Quezon pa lang. “It’s more sustainable . . . iyong magiging proseso,” pagkukumbinsi ni G. Amparo.

Sang-ayon naman sa suhestiyon na pagtatayo ng processing facilities ang PCA. Kay Engr. Villaruel, ang hakbanging ito ay “value adding” - ibig sabihin, hindi lang crude coconut oil kundi maging ibang naprosesong produkto mula sa niyog gaya ng biodiesel, cosmetics, o coconut water beverage ang maaaring mai-export na ng Pilipinas sa ibang bansa. “So high value products po iyon na hindi na basta-basta affected nu’ng market for vegetable oils.”

Bilang tugon naman sa usapin ng mahinang pagpasok ng mga namumuhunan sa bansa dahil sa burukrasya, aminado si Engr. Villaruel na kailangang mabilisan ang pagtatayo at pagpapatakbo ng isang processing plant upang makahabol sa produksyon at maging competitive. Aniya, ang ease of doing business na isa nga sa mga prayoridad ng Pangulong Rodrigo Duterte ay makatutulong sa mabilisang transaksyon ng bawat ahensya ng gobyerno. “Na naka-specify na iyong number of days to act, and then wala na mostly iyong personal

na transaksyon . . . and potential corruption,” pahayag ni Engr. Villaruel. Habang pinaplantsa pa ito, hinikayat ni Engr. Villaruel ang mga magsasakang kumunsulta sa regional and provincial offices ng PCA para malaman ang mga programa ng ahensyang maaaring makatulong sa kanila.

“So binigyan naman sila (Yakap at Halik MPC) ni Secretary ng assurance na he will try his best to work it out,” ani Dep. Admin. Rosales. Para sa kanya, kailangan pang paigtingin ang produksyon ng high value products mula niyog para hindi lang copra. “In cases, not just coconut oil but even in other products . . . iyon ang aming long term. So that we are not too dependent on the international market. Then you do also some more inter-cropping para may buffer. Para . . . in times like this and it’s bound to happen again, na bababa ang presyo sa international market, may buffer ang mgafarmers,” aniya.

Prinesenta rin ni Dep. Admin. Rosales ang Phases 1-3 ng infrastructure assistance ng PCA para sa mga magsasaka.

Ayon kay Dep. Admin. Rosales, kailangang may direct copra marketing (Phase 1) upang makahiram ang mga magsasaka ng pera para sa logistics at working capital ng mga ito (Phase 2). Matapos ay maaari na silang mag-imbak ng copra o niyog (Phase 3) kung saan pwedeng makatulong ang PCA sa pagpapatayo ng warehouse.

II. Alang-alang sa patas na imbestigasyon para sa “Negros 14”

Kaakibat sa isyu ng sadsad na presyo ng kalakal ng niyog, nabanggit din ni Bb. Velasco ang ‘di umano’y kasalukuyang harassment na dinadanas ng mga magsasaka at magniniyog sa kanilang mga lugar sa kabila ng kahirapan at kagutumang hinaharap ng mga ito.

Kamakailan lamang ay naging laman ng mainstream ang pagkondena ng iba’t ibang grupo mula sa iba’t ibang bansa sa isinagawang search operation ng kapulisan sa Negros Oriental na nagresulta sa pagkasawi ng 14na magsasaka.

Mariiing pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Lieutenant Colonel Bernard Banac ang ‘di umano’y “massacre” at iginiit na ang naging operasyon sa Negros Oriental ay lehitimo. “Meaning it was carried out with the proper search warrant, issued by the local courts,” pagpapaliwanag ng tagapagsalita ng PNP. “Now, the claim is it was a massacre. Of course not. There cannot be a massacre because it happened in different locations, and at different times . . . And it will never happen, because the PNP will not do such a thing,” dagdag pa nito.

Ayon kay Spokesperson Banac, 16 sa mga nalambat ngunit payapang sumuko ang makapagpapatunay ng maayos na naging pagtrato ng mga kapulisan ng PNP habang isinasagawa ang operasyon. Ngunit para sa mga pumiling manlaban, “Then of course, the police is authorized by law to respond accordingly.”

Sa kabila nito, ninais pa rin ng ahensyang magsagawa ng patas na imbestigasyon para sa mga pamilya ng mga nasawi. “The Chief PNP immediately relieved the provincial director of Negros Oriental, and the chief of police of the other three municipalities to give way for the impartial investigation and for fairness,” ani Spokesperson Banac. “For the families . . . of those who died, and of course, our police officers also. To give fairness to them, because they were just doing their job,” turan pa niya.

Ang imbestigasyon ay kasalukuyang isinasagawa sa ilalim ng Internal Affairs Service ng ahensya.

Background, imateryal

Kasunod nito ipinahayag din ni Spokesperson Banac na malakas ang ebidensyang ang mga suspek, na hinihinala ring sangkot sa iba pang kriminalidad, ay nag-iingat

ng kontrabando. “There’s a strong basis, well they can appear to be farmers, outwardly, physically they seem to be farmers. But we know for a fact, other than being farmer, they are doing other things, like criminal acts, like they are being suspected for having been involved in shooting incidents of our police and military, and some killings of the police and the military.”

Nang tanungin kung anu-anong hinihinalang kriminalidad pa sangkot ang mga suspek, sinabi ni Spokesperson na ang mga ito’y imateryal na sa kinakaharap nilang kasalukuyang kaso. “In the eyes of the law, if you commit a crime, if you are suspected to be violating the law, it doesn’t matter what organization you belong . . . If you violate the law, there is no consideration of your background. You have to be answerable tothe law.”

Sa isinagawang search operation, 41 assorted firearms ang nakumpiska.

Misinformed critics

Para kay Spokesperson Banac, “misinformed” ang mga kritikong kabilang sa “Global Day of Action” na nagpoprotesta ng hustisya para sa “Negros 14”.

“I think iyong basis nila ay misinformed sila . . . Immediately they will jump into the issue, and then blow it up out of proportion . . . And create an image that the PNP conducted this massacre, as they say, which is totally false, and unfounded, and baseless,” pag-uulitng Spokesperson.

Sa kabila nito, sinigurado pa rin ng PNP sa publiko na hindi nito hinihikayat ang kultura ng “impunity”. “That we assure the public that when there are illegal acts committed by our personnel, we never tolerate them. In fact, we charge them accordingly, if evidence warrants.”

Bagama’t buong kumpiyansa pa ring sinabi ng Spokesperson na walang makikitang mali ang korte sa nabanggit na operasyon. “We just did our job to implement the court order.”

Sa huli, pinaalalahanan ni Spokesperson Banac ang publiko, kabilang na ang mga magsasaka at maging ang mga nakatira at nagtatrabaho sa ibang bansa, ng propesyonalismo ng PNP at ang pagbibigay halaga nito sa karapatang pantao. “The PNP is a professional organization and we adhere to the . . . rule of law, and respect of human rights. We value life, and the PNP is just doing its mandate of enforcing the law and all these allegations of wrongdoings of the PNP aremisinformation to create a negative picture of the government and of the PNP, of course.”

III. Pagtatapos

May karampatang sagot at solusyon ang pamahalaan sa problema ng ating mga magsasaka. Kailangan lang tayong maging maalam ng totoo at tamang impormasyon at patuloy na maging aktibo sa ating mga karapatan “so they won’t fall into cracks,” ika nga. ■

Sagot sa Livelihood…

Page 12: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

12Abril 2019

Kalusugan

“Kung ikaw ay isang healthcare facility, dapat malinis ang loob mo para ‘yung bacteria, hindi kumalat,” dagdag pa nito. “Imo-monitor ‘yan every year, globally.”

Sang-ayon naman dito si Engr. Joselito Riego De Dios, Chief Health Program Officer ng Disease Prevention and Control Bureau ng DOH. “Yes, it's a priority, because it could be a source of disease transmission.”

Water supply

Bilang sagot, sinabi ng DOH na sa kasalukuyan ay may tinatrabaho nang standard design para sa lahat ng

healthcare facilities ang Health Facility Development Bureau ng ahensya. Kasama na rito ang pagsisiguro ng availability ng water supply. “So definitely kasama lagi

naman iyan - health facilities, water supply - it’s part nu’ng development,” ani Engr. De Dios.

Ibinihagi rin ni Engr. De Dios ang Sagana at Ligtas na Tubig Para sa Lahat (SALIN) na naglalayong siguraduhing may suplay ng tubig ang naturang healthcare facilities. Pinapangunahan ang implementasyon at pagsusuri ng programa ng Department of Interior and Local Government,

katuwang ang DOH at National Anti-Poverty Commission.

Sanitation

Sinabi ni Engr. De Dios na sa disenyo ng isang healthcare facility, nararapat lamang na ikonsidera ang requirements ng sanitation bukod sa water supply. “At ginagawa naman iyon,” aniya sa tinatrabahong standard design ng Health Facility Development Bureau ng DOH. Ngunit pagdating sa responsibilidad ng pagpapanatili ng kalinisan ng rural health units at barangay health stations, “It should be the local government units.”

Hygiene

Handwashing ang katumbas ng hygiene, kaya naman kay Engr. De Dios kritikal pa rin ang suplay ng tubig. “Kaya nga ine-ensure na dapat may water supply para 'yung hygiene practices we’ll be able to apply.” Siyempre, importante rin na may pasilidad. “And iyan nasa design naman ng toilet meron talaga siyang lavatory para roon maghugas ng kamay.”

Pagpapaalaala pa ni Engr. De Dios, anghygiene ay dapat ipraktis. ■

MANILA - Kasunod ng paglabas ng report ng WHO at UNICEF na substandard ang estado ng water supply, hygiene, at sanitation ng healthcare facilities sa buong mundo, sinabi ng Department of Health (DOH) na prayoridad naman ng ahensyang masiguro ang availability ng malilinis na kubeta sa healthcare facilities ng bansa kung saan pumupunta ang mahihirap na pamilya para sa ilan nilang pangangailangang medikal.

Ang healthcare facilities sa Pilipinas ay kasalukuyang binubuo ng iba’t ibang rural health units at barangay health stations na nagkalat sa buong bansa.

Bagama’t hindi pa indikasyon ang report ng tunay na estado ng suplay ng tubig, hygiene, at sanitation ng healthcare facilities sa Pilipinas, ang standard ay magkaroon ng 100% clean toilets sa mga healthcare facilities ng bansa.

“That’s our standard when we say Sustainable Development Goal targets. That’s ‘universal access’. And when you say universal access, lahat ng healthcare facility ay kailangang magkaroon ng maayos, malinis na toilet, with adequate and clean water supply, and hygiene facilities (like handwashing facilities),” pagbabahagi ni Engr. Bonifacio Magtibay, Technical Officer for Environmental and Occupational Health ng WHO.

Makikita sa larawan ang Don Mariano Health Center and Lying-in Clinic sa Brgy. San Juan Cainta, Rizal. Photo credit: WHO

Page 13: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

“Yes, I believe na dapat ay at least bachelor’s degree holder ang candidate for a senator. Sana rin na ang kaniyang degree ay naka-align sa kailangan ng posisyon na tinatakbuhan niya para mayroon siyang enough background sakaling gampanan na niya ang kaniyang trabaho bilang senador.”

Feature

Dapat ba na CollegeGraduate ang isang

tumatakbong Senador?

13Abril 2019

Ronald Ryan Chon, 26, San Antonio, Zambales

“Okay naman po. Ibig ko pong sabihin, dapat talaga ay college graduate. Kasi kung college graduate, may pinag-aralan lalo na sa politics.”

Reynalyn Perez, 18, La Union

“Supposedly po ay dapat college graduate para at least may alam siya kung ano ang dapat mangyari

sa Pilipinas.”

Anoniñez Magsumbol, 42, Vigan City

“I believe, in my own opinion, dapat at least, college graduate ang tumatakbong senador. Kasi sa ngayon, ang mga nagtatrabaho here locally, ang employers nila, they are requiring college graduates. What more if you are applying for a higher position in the government wherein you are managing and controlling government funds and projects? So I believe dapat ang kailangan talaga ay college graduate.”

Jose Pinlac, 46, Antipolo City

“S’yempre, dapat. Parang ganito ‘yan. Actually, lahat ng posisyon sa gobyerno, dapat ay mataas ang educational

attainment. Halimbawa, sasakay ka ng eroplano. Ang piloto mo dapat aviation course ang tinapos niya. Hindi ka

naman siguro sasakay ng eroplano kung hindi iyon ang pinag-aralan niya, ‘di ba?”

Leo Villanta, 30, Pasig City

“Dapat po ay talagang may pinag-aralan. At dapat po ay bukal rin sa kalooban niya bago maging kandidato. Ang pagiging senador ay napakalaking obligasyon sa mga tao. Ito rin ay dapat pinag-aaralan, lalo na kung ano ang makabubuti sa ating mga kababayan.”

Rene Bacani, 61, New York, USA

“College graduate? Oo naman! Mas maganda pa rin ‘yung may pinag-aralan para alam niya kung ano ang gagawin.

Pero sa totoo lang, mayroon naman diyan na may pinag-aralan nga, marami namang ginagawang kalokohan. Doon

lang tayo sa maganda ang palakad.”

Julia Palmera Uy, 60,Kaunlaran Village, Caloocan City

“Kumporme po, eh. Ang ibig kong sabihin, kahit high school graduate kung mahusay naman ang palakad

at matinong tao, bakit hindi, ‘di ba? Meron nga d’yan, college graduate nga, corrupt naman.”

Wilfredo Parasi, 65,San Jose Del Monte, Bulacan

anG KahaLaGahan nG LoKaL . . .( mula sa pahina 8 ) ( mula sa pahina 5 ). . . papunta sa mga historical at cultural tourist site gaya ng St. Vincent Ferrer Church at Dampol Bridge sa bayan ng Dupax del Sur, Water Falls at Citrus Plantation sa bayan ng Kasibu at Quezon, at ang Capisaan Cave System sa bayan din ng Kasibu.

Ayon naman kay Marichelle Costales, Supervising Tourism Operations Officer ng lalawigan, dumarami na ang mga bumibisitang turista rito dahil na rin sa mga naipagawang access

road sa mga tourism area. Base sa tala ng Provincial Tourism Office, may 4,012 na turista ang dumating sa lalawigan noong 2016; 4,202 noong 2017; at 6,035 noong 2018.

Ayon kay Magday-Itchon,tuluy-tuloy rin ang infrastructureprojects ng Provincial Government sa mga liblib namga barangay upang maisama sila sa pangkalahatang pag-unlad ng Nueva Vizcaya sa mgasusunod na taon. ■

. . . and when it comes to public use assets or assets that have a public purpose.”

Ayon sa DOF, binibigyang proteksyon maging ng Article 8.1 ng mismong loan agreement ang mga karapatan at ari-arian ng bansa. Ang lupain, kagubatan, at iba pang likas na yaman ng Pilipinas ay nauuri bilang public assets, maliban na lamang kung mayroong batas o opisyal na pahayag na salungat dito kaya naman hindi maaaring makuha ang mga ito basta-basta ng sinumang dayuhan o foreign entity.

Siniguro rin ng ahensya na “ang mga rulings o desisyon mula sa arbitrasyon ay napapailalim o hindi maaaring mangibabaw sa ating Konstitusyon at sa sistema ng hukuman sa Pilipinas.” Binigyang-diin ng DOF na “responsable ang pamamahala ng gobyerno sa mga utang ng Pilipinas, maging panloob man ito o panlabas” kung kaya’t walang dapat ikabahala.

Binigyang-linaw rin ni Asec Lambino sa parehong panayam ang kahulugan ng “waiver of sovereign immunity”.

“First, what does ‘waving of sovereign immunity’ mean? It means ‘pag umutang tayo, pumapayag tayo na ‘pag ‘di tayo nakapagbayad, may recourse ‘yung lender. Kasi, ‘pag may sovereign immunity tayo, ibig sabihin ‘pag pinautang tayo at ‘di tayo nakapagbayad, wala silang habol. So, ‘di ba? Sino ang magpapautang nang walasilang recourse?”

Ngunit wala ngang dapat ikabahala ang publiko dahil ayon kay Asec. Lambino, kayang bayaran ng Pilipinas ang naturang loan. ■

DOF: Hindi Pasanin . . .

Page 14: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

14Abril 2019

Balita / LifestyleDICT Digital Parenting Conference,

Tinututukan ang Iba’t Ibang“Challenge” sa Internet

QUEZON CITY – Sa naising mas mapaigting pa ang kampanya laban sa iba’t ibang “challenge” na dala ng Internet, noon pang nakaraang taon ay naglunsad na ng serye ng Digital Parenting Conference ang Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maalalayan ang mga magulang sa tamang paggabay sa kanilang mga anak sa paggamit ng naturang teknolohiya.

Sa nakuhang panayam ng Balita Central kay DICT Secretary Eliseo Rio, Jr. matapos pumutok at mag-trending ang balita ukol sa ‘di umano’y online suicidal game na “Momo Challenge” na bumibiktima ng mga bata, aniya taong 2018 pa nang simulan ng

Cybersecurity Bureau ng ahensya ang pag-iikot sa iba’t ibang eskwelahan upang tulungan ang mga magulang na i-monitor ang access ng kanilang mga anaksa Internet.

“There are so many dangers in the Internet. Although we consider ‘Momo Challenge’ a hoax, still, even if it’s just a hoax, we are doing the Digital Parenting Conference. But it is not only for the content like this, kasama na rin dito ang pornography at cyber bullying,” paliwanag ni DICT Secretary.

Binigyang-diin din ni DICT Cybersecurity Bureau Policy Lead Genalyn Macalinao sa isang Digital Parenting Conference ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa information and communications technology ng mga magulang. Hinikayat din nito ang mga local government units na makipagtulungan sa pagsugpo ng computer fraud, cyber terrorism, cyber extortion, at cyber bullying.

Nito lamang Abril isinagawa ang ikaapat na conference sa Cagayan De Oro na tinampok ang usapin ukol sa cybersecurity safety.

Sa anumang banta, atake, o isyu online, maaari lamang ay ipagbigay-alam sa Cybersecurity Bureau sa teleponong (02) 920-0101 local 1002, 1802, at 1201 o mag-e-mail sa [email protected].

“Do not share anything that is against the law. For example, sharing pornographic images or sharing fake news. We should all be careful,” paalalang Kalihim. ■

RAT 2019 Sabi nga nila, “This is your most awaited year!” Malapit mo nang matagpuan ang iyong “forever”.

OX 2019 Sa mga single, asahan ang mga nakakakilig na pakikipag-ugnayan sa opposite sex. Subuking lumabas at makipagkilala.

TIGER 2019 Patuloy na uusbong ang iyong buhay pag-ibig. Sa mga dalaga at binata, ito na ang tamang pagkakataon para matagpuan ang taong nakatalaga para sa inyo. Para naman sa mga gustong mag-level up sa kanilang mga pinopormahan, ituloy mo lang! Makukuha mo rin ang matamisniyang “oo”.

RABBIT 2019Sa mga single na Rabbit, may mangilan-ngilang tao ka na makikilala ngunit sa bandang huli ay wala ka pa ring matitipuhan. Hindi pa ito ang taon para makilala mo ang taong makapagpapatibok ng iyong puso.

DRAGON 2019 Magiging masaya ang iyong buhay pag-ibig, lalo na sa mga may-asawa. Siguraduhin lang na magkakaayos agad sakali mang magkaroon ng ‘di pagkakaunawaan.

SNAKE 2019 Huwag umasa sa kakatok na pag-ibig, madi-disappoint ka lang. Chillax, hindi pa dumarating si “the one”. Sa mga mag-asawa, magkakaroon ng ‘di pagkakaunawaan. Habaan mo pa ang iyong pisihangga’t maaari.

HORSE 2019 Congratulations! Magiging masaya ang iyong buhay pag-ibig ngayong taon. Mayroong malaking tsansa na mauwi sa seryosohan ang nasimulang pagkakaibigan. Ngunit, magaganap lamang ito kung ikaw ang tipo ng tao na mahilig lumabas at makipag-ugnayan sa mga datihan at baguhang mga kaibigan.

on rELEaSinG thE narCo LiSt to thE PUbLiC

The Constitutional provision recognizing the right of the people to information on matters of public concern is clear. The right to information of the people gives the government the corollary duty of providing them such especially when the same affects their lives and welfare.

The matter of illegal drugs is a matter of national security given that its continued proliferation, despite the government’s success in containing it by the relentless police operations against it, has put in peril not only the basic unit of our society which is the family but the local government units as well. Thousands of barangays have been contaminated. There is no doubt that we are now in a state of narco-politics.

If those involved in the unlawful drug trade will be running the local governments then public safety is endangered and the Republic necessarily is placed on the precipice of destruction.

The government therefore is duty bound to undertake measures to preventthis endangerment.

The law enforcement agencies, after painstaking investigation and surveillance using modern technology and sourcing credible information from those who have been previously arrested and prosecuted as well as the thousands

who voluntarily surrendered, have come up a list of personalities who are involved in the dreaded but profitable illicitdrug industry.

The public and the voters have the right to know who these destroyers of society are who have placed all of us to the brink.

They cannot - and must not - be given the authority to rule and govern for they will only hasten the destruction ofour country.

Well-meaning personalities have expressed concern that releasing the narco list is a violation of due process as the persons listed therein will be painted in public as evildoers without them being afforded the opportunity to refutethe accusation.

The evil sought to be avoided by its release is much, much greater than the perceived violation of an individual’s right which the law allows a vindicationand compensation.

In balancing the interests between those of the individual candidates, who take the risk of being exposed by running for a public office and therefore effectively waiving their right to the presumption of innocence, and that of the nation, unquestionably the country’sinterests prevail. ■

( mula sa pahina 9 )

From the Desk . . .

Ano’ng Naghihintay sa Iyong Buhay Pag-IbigNgayong 2019 Year of the Earth Pig?

Marites Allen, The Face of Philippine Feng Shui

Page 15: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

15Abril 2019Entertainment

Kamote Darius Josue

ACROSS2 Philippine Coast __________ 5 Philippine _______________ Authority 8 _______ ng Kagitingan9 Kilala rin bilang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas11 ____________ Appropriations Act12 Mapagkukunan ng murang bigas13 Bangsamoro Transition _______________

DOWN 1 Philippine _______ Development Corporation3 Partido ___________ Pilipino4 Student ______ Discount6 _______ Service Commission7 Department of ___________ Reform9 _______ Plaka Law10 __________ Island

Abangan ang sagot sa susunod na isyu.

1

5 6

4

7

2 3

8

10

12

13

11

9

S U D O K U

7

3

9

1

8

5

4

1

5

2

2

9

3

5

5

1

6

2

1

5

2

6

9

5 2

6

8

72

6 5

Mga sagot sa nakaraang isyu

1 6

8

4

5

7

2

3 9

7 2

6

9

4

8

3

5 1

3 5

1

8

9

6

7

4 2

4 7

1

3

8

9

5

6 2

9 5

7

1

2

3

6

4 8

8 4

6

2

3

5

9

1 7

7 3

4

1

2

6

8

9 5

2 9

3

6

5

7

1

8 4

5 8

9

4

7

1

6

2 3

S U D O K U

T E L E C O M M U T I N G

B U I L D

C O M E L E C

N A T I O N A L

F E D E R A L I S M O

D O HR E A L

R

HA

INASYO

BAT

L

M

R

W

PD

A AYO

BA

GSAMOR

EAL

Ano’ng Naghihintay . . .

SHEEP 2019 Alagaan ang iyong relasyon. Intindihin ang partner kung sakaling may ‘di pagkakaintindihan.Matutong magpatawad.

MONKEY 2019 Napakagandang oportunidad para sa mga binata’t dalaga. Makatatagpo ng mga tao na magbibigay sa 'yo ng kakaibang thrill na maaaring mauwi sa taong nakalaan para sa’yo.

ROOSTER 2019 Dadalo ka sa kabi-kabilang salu-salo kaya’t maraming bagong mukha kang makikilala. At dahil sa abala ka sa pakikisalamuha sa iba’t ibang tao, malaki rin ang posibilidad na makilala mo na ang iyong “greatest love”. Sa mga may karelasyon, ito na rin ang tamang panahon para lumagaysa tahimik.

DOG 2019Sa mga single d’yan, itigil na ang pananaginip nang gising at simulan nang hanapin si Mr. o si Ms. Right. Lumabas at makipagkilala. Baka sakaling matagpuan mo na s’ya.

BOAR 2019 Ang pagbabalak at pagsasakatuparan ay dalawang magkaibang bagay. Mas makabubuti kung sabay mo silang gawin nang may pag-iingat.

Kilala sa tawag na “The Philippine Feng Shui Queen”, si Marites Allen ang una at natatanging Filipina na tumanggap ng titulong “Master of Feng Shui” mula sa prestihiyosong International Feng Shui Association. Sundan si Marites Allen sa kanyang Facebook, Twitter, Instagram o sa marites.allen.com, frigga.co.uk, at wealthluck.com.

( mula sa pahina 14 )

Page 16: DOF: Hindi Pasanin ang Chinese Loan Agreement ng 'Pinas

MANILA - Kinilala kamakailan bilang ISO Certified ang produksyon ng iba’t ibang lathalain at audio-visual materials ng Bureau of Communications Services (BCS), isang ahensya sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Iginawad ni G. Aristian Putra, Southeast Asia Regional Manager ng Worldwide Quality Assurance Ltd. UK, kasama sina Engr. Abraham at Remedios Cadaon, ang prestihiyosong ISO 9001:2015 Certification sa Kawanihan nito lamang Marso 2019.

Pinangunahan ang seremonya ng mga opisyal ng BCS at dinaluhan ni PCOO Good Governance, GOCCs at Finance Undersecretary George Apacible na nagpaabot ng taos na pagbati ni PCOO Secretary Martin Andanar sa karangalang nakamit ng ahensya.

ISO journey

Nagsimula ang naisin ng ahensyang masertipikahan noong taong 2014, sa ilalim ng pamumuno ng dating direktor na si Dr. John S. Manalili, CESO III. Nag-umpisang magmay-ari ng digital printing machines at tumanggap ng mga printing request mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaan ang BCS. Nagsagawa rin ng ilang seminar at pagsasanay sa pag-imprenta ang ahensya para sa mga empleyado nito.

Taong 2015 naman nang unang binuo ng BCS ang QMS Core Team, na pangunahing responsibilidad ay pangunahan ang quality management ng ahensya. Sinimulan din sa taong ito ang pagsasabuo ng Operations Manual na sa kasalukuyan ay naka-upload sa Transparency Seal ng BCS.

Nagpatuloy sa paghahanda ang ahensya at noong 2016, nagdesisyon na nga itong kumuha pa ng mga ekspertong tutulong

sa pagtapos ng Quality and Operations Manuals nito. Kinumpleto na rin sa taong ito ang Job Descriptions Manual na requirement ng PRIME HRM programa ng Civil Service Commission.

Nang sumunod na taon, nagsagawa naman ang BCS ng orientation sessions upang ipaliwanag sa mga empleyado ang mga proseso at polisiya ng Operations Manual na noo’y naaprubahan na. Ginanap din ang isang Internal Quality Audit Workshop upang mas lalong maintindihan ng Internal Quality Audit

(IQA) Team ng BCS ang tamang pagsasagawa ng isang audit. Sa k a u n a - u n a h a n g pagkakataon ay nakapagsagawa ang IQA Team ng BCS ng internal quality audit sa paglilimbag at produksyon ng photo exhibits at events na dalawang p a n g u n a h i n g operasyon ng ahensya. Uploaded din ang certificate ng internal quality audit na ito sa Transparency Seal ng BCS.

N a g s i m u l a n g maglunsad sa taong 2018 ng serye ng seminar-workshops sa transition, context of organization,

process mapping at iba pa ang BCS bilang paghahanda sa nalalapit na ISO 9001:2015 audit. Pagdating ng Disyembre, sumailalim na sa dalawang magkahiwalay na audit ng WQA ang ahensya. Matapos nito, handa na ang team para sa ikatlo at huling ISO 9001:2015 audit.

ISO-certified

Nagbunga rin ang masusing paghahanda ng BCS nang sa wakas ay makamit ng ahensya ang minimithi nitong ISO 9001:2015 Certification noongMarso 1, 2019.

Para kay Usec. Apacible, ang ISO 9001:2015 Certification ay tanda lamang ng kasipagan at dedikasyon ng lahat ng opisyal at kawani ng BCS na makapaghatid ng kalidad na serbisyo sa parehong gobyerno at publiko.

Walang dudang maituturing na isang malaking tagumpay sa kasaysayan ng ahensya ang pagkamit nito ng isang internasyonal at prestihiyosong pagkilala. Ang ISO 9001:2015 Certification ay testamento sa kakayahan ng BCS na sumunod sa regulasyon at magkaloob ng mga kalidad na produkto at serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng gobyerno at publiko. ■

SUCCESS! - Nagbunga rin ang pagsisikap ng BCS nang sa wakas ay makamit nito ang pinakaaasam na ISO 9001:2015 Certification. Makikita sa larawan sina (L-R) Engr. Abraham at Remedios Cadaon; BCS Officer-in-Charge Eileen Cruz-David; PCOO Good Governance, GOCCs at Finance Undersecretary George Apacible; WQA Ltd. UK Southeast Asia Regional Manager G. Aristian Putra; BCS Planning Division Head Ma. Lilibeth Taclan; BCS Special Operations Division Chief and Special Production Division Officer-in-Charge Darius Josue; at BCS Finance and Administrative Division Chief Lino Aala.

QUEZON CITY – Iginiit kamakailan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary for New Media and External Affairs Lorraine Badoy sa ginanap na launch ng pahayagang laban sa fake news ang mas pangangailangan sa nakaimprentang lathalain sa panahon ngayon na namamayagpag ang social media.

Sa isang ekslusibong panayam, ibinahagi ni Usec. Badoy na hindi dahilan ang mas pinaigting na gamit ng digital media upang mawalan ng importansya ang nakaimprentang pahayagan gaya ng Balita Central. Ayon sa kanya, bagama’t maganda ang social media, kasama naman sa mga epekto nito ang mabilis na paglaganap din ng mga maling impormasyon.

“I love books very much, but I love the kindle, I have thousand of books, walang kapalit ‘yung analog, more important pa nga siya,” turan ni Usec. Badoy. “Digital is a fantastic game changer but at the same time, because of digital, the spread of fake news is exponential. It’s really quick so you need something like this to slow you down.”

Ipinaliwanag din ni Usec. Badoy na nakatutulong ang mga nakalimbag na lathalain upang mas tumimo ang mensahe ng isang may akda. “I believe that when you read something analog like this, because it’s slower, you have more time to absorb what’s being told, to get a fuller picture,” ayon sa Undersecretary.

Marami pa naman sa mga Pilipinong walang access sa internet ang mas nangangailangan ng serbisyo mula sa gobyerno kaya malaking tulong ang mga babasahing katulad ng dyaryong Balita Central, paghihimok pa ni Usec. Badoy. Kaya para sa Undersecretary, isang karangalan para sa Bureau of Communications Services (BCS) na mapunan ang gap na ito.

“‘Wag natin i-take for granted na porke may smartphone at internet . . . lahat ng Pilipino ganyan din ang reality . . . Access to information ay isang pantaong karapatan. ‘Yan ang binibigay at ginagampanan ng Balita Central.”

Ang Balita Central ay isang pahayagang naghahatid ng tamang balita ukol sa mga gawain at proyekto ng kasalukuyang administrasyon. Isa lang ito sa mga inisyatiba ng BCS na ahensya sa ilalim ng PCOO. ■

iSo 9001:2015 CErtifiCation,iGinaWaD Sa bCS

Ni Adrian B. Tambuyat

iMPrEnta, MaS KaiLanGan -PCoo nEW MEDia ChiEf

Ni Adrian B. Tambuyat

FIGHT FAKE NEWS - Nagpakita ng buong suporta sina (L-R) PCOO Legal Affairs and Chief of Staff Undersecretary Marvin Gatpayat; PCOO Good Governance, GOCCs at Finance Undersecretary George Apacible; LRTA Administrator Reynaldo Berroya; PCOO New Media and External Affairs Undersecretary Lorraine Marie Badoy; at BCS Officer-in-Charge Eileen Cruz-David sa launch ngBalita Central noong Pebrero.