unang markahan – modyul 7

10
2 Unang Markahan – Modyul 7 SDO TAGUIG CITY AND PATEROS

Upload: khangminh22

Post on 12-May-2023

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

2

Unang Markahan – Modyul 7

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS

3

Para sa tagapagdaloy:

Paunang Salita

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa

pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12

habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa

pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang

pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang

isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano

gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang

hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa

iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing

nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang

anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto

ng mga kasagutan.

4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-

aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa

bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

4

Aralin 7 Lugar na Sensitibo sa Panganib

Ano ang target ko?

Pagkatapos ng aralin sa modyul na ito, inaasahang

nagagawa mong:

Matukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa

lokasyon at topograpiya nito

.

Ano ako magaling?

Panuto: Pillin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa mga bagyo, pagguho ng lupa, tsunami,

baha at lindol?

A. klamidad B. kima C. panahon

2. Ginawa ito upang tukuyin ang mga lugar na mapanganib

bunga ng likas na kalamidad sanhi ng kalikasan.

A. climate map B. hazard map c. NCR map

3. Ito ay uri ng kalamidad na pinangangambahang mangyari

lalo na ng mga nakatira sa malapit sa fault line.

A. bagyo B. lindol C. pagguho ng Lupa

4. Ito ay kalamidad na resulta ng lindol at nararanasan ng mga

nakatira malapit sa dagat.

A. bagyo B. pagguho ng lupa C. tsunami

5. Ang siyudad na ito ay may mababang antas ng pagbaha

batay sa flood hazard map.

A. Malabon B. Navotas C.Valenzuela

Ano ang balik-tanaw ko?

Tukuyin ang anyong lupa at anyong tubig na makikita sa bawat lungsod at

bayan. Iguhit ang angkop na simbolo nito.

5

Lungsod at Bayan

Pangalan ng Anyong

Lupa

Simbolo Pangalan ng Anyong Tubig

Simbolo

Marikina lambak 1. 2.

Pasig kapatagan

3.

Manila 4.

Look ng Maynila 5.

Ano ang gagawin ko?

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

1. Ano-ano ang mga natural na kalamidad ang nakikita sa mga larawan?

2 Nararanasan ba ito ng lahat ng siyudad o bayan dito sa NCR?

Ano ang kahulugan?

“Hazard Map”.

Ito ay isang uri ng mapa na naglalarawan sa mga lugar na

maaaring manganib sa partikular na sakuna o kalamidad .

Karaniwang binuo at ginawa ito upang tukuyin ang mga lugar na

mapanganib bunga ng likas na kalamidad sanhi ng kalikasan .

Ang mga kalamidad na ito ay lindol, pagputok ng bulkan ,

pagguho ng lupa o landslide, pagtaas ng pagbaha , at tsunami.

Napakahalaga ng pagkakaroon ng hazard map. Ito ay dahil

napapaligiran ang ating bansa ng malalaki at malalalim na

6

karagatan . Napakarami rin nating mga aktibong bulkan . Dahil

dito, dapat maging handa tayo sa anumang panganib o sakuna

na kakaharapin natin. Malaking tulong ang hazard map upang

mapigilan ang malubhang pinsala at kapahamakan na

maidudulot ng mga kalamidad sa mga yamang tao at likas na

yaman ng ating rehiyon.

Ito ay naglalarawan ng antas ng panganib sa iba’t ibang

mga lungsod sa NCR bunga ng paglindol. May panganib na

maaaring ikamatay ng mga tao ang paglindol .May panganib sa

pagguho o pagkasira ng mga gusali.

Legend: Pink o Rosas- lugar na mataas na panganib sa tao

Orange o dalandan at yellow o dilaw –sumunod sa

lugar na may panganib sa lindol.

Asul –Hindi gaanong mataas ang panganib sa lindol

Flood RISK Map

Ang mga lugar na nanganganib sa pagbaha ay may

kulay na itim .(Kapag may kulay ang mapa ito ay kulay dilaw)

Ang mga lungsod na ito ay ang Malabon, Navotas , Maynila,

Mandaluyong, Marikina, Pateros, Pasig , at Paranaque.

7

FLOOD HAZARD MAP

Mataas na antas na

maaaring bumaha

Katamtaman antas na

maaaring bumaha

Mababang antas na

maaaring bumaha

Marikina Fault Line

Ayon sa 2004-2010 na pag-aaral ng Metro Manila Earthquake

Impact Reduction, ang fault sa Marikina ay nasa aktibong proseso

na maaaring magbunga ng magnitude 7 na lindol. Anim na

lungsod at isang munisipalidad (Marikina, Quezon , Pasig, Makati,

Taguig, Muntinlupa at Pateros ) ay mapanganib kung magkaroon

ng malakas na lindol.Tingnan mabuti ang Marikina Fault Line sa

ibaba. Kulay pula itong guhit sa mapa.

8

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Aling mga lugar sa rehiyon ang sensitibo sa mga panganib

tulad ng paglindol?

2. Alin naman ang mga lugar ang sensitibo sa mga panganib

tulad ng pagbaha?

3. Ano ang dapat gagawin kapag may kalamidad sa inyong

lugar?

4. Sino ang tumutugon sa mga ganitong suliranin sa sariling

lungsod?

5. Ano ang dapat gawin para maiwasan ang mga kalamidad?

Ano pa ang gagawin ko?

A. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali

kung di wasto.

1. Maraming lugar sa National Capital Region ang binabaha.

2. Pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng bawat

lungsod ang mga kalamidad.

3. Lahat ng mga naninirahan sa paligid ng mga ilog at

mabababang lugar sa mga lungsod ay apektado ng

Marikina fault line.

4. Mabuting pag-aralan ang hazard map ng rehiyon.

5. Dapat laging handa sa mga kalamidad .

B. Panuto: Magtala ng 5 lugar na maaapektuhan nang husto

kapag lumindol dahil sa Marikina Fault.

1. 3. 5.

2. 4.

C. Panuto:Punan ng mga letra ang kahon upang mabuo ang

inilalarawang salita.

1. Mapa na naglalarawan ng mga lugar na maaaring

manganib dahil sa sakuna

9

2. Mga di inaasahang pangyayari sanhi ng mga proseso sa

kalikasan

3. Ang Marikina ay nasa aktibong proseso na at

maaaring magbunga ng magnitude 7 na lindol

4. Bilang ng lungsod at bayan sa NCR na magiging

mapanganib kung magkakalindol dahil sa Marikina

fault line

5. Ang Malabon, Navotas , at Maynila ay ilan sa mga lugar

na nakakaranas nito pagkatapos ng isang malakas na

ulan

Ano ang natamo ko?

Ang Taguig at karamihan ng mga lungsod sa National

Capital Region ay nakakaranas ng pagbaha, bagyo, lindol

sanhi ng kalikasan.

Ano ang kaya kong gawin?

Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon? Isulat

at ipaliwanag ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bumuhos ang malakas na ulan na nagdulot ng mataas na

pagbaha sa inyong lugar. Walang typhoon signal kaya ikaw

ay may pasok sa paaralan.

10

Kumusta na ng target ko?

Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng mapa na naglalarawan sa mga lugar na

maaaring manganib sa partikular na sakuna o kalamidad.

A. Hazard Map B. Essential Map C. National Map

2. Natutukoy nito ang mga lugar na nanganganib sa pagbaha.

A. Hazard Map B. Flood Risk Map C. National Map

3. Alin sa mga sumusunod na syudad ang lubhang maapektuhan

kapag lumindol dahil sa Marikina fault?

A. Caloocan B. Navotas C. Taguig

4. Mataas ang antas na makaranas ng pagbaha sa lugar na ito.

A. Las Pinas B. Malabon C. Pasay

5. Bakit mahalaga na malaman ang kinaroroonan ng fault line sa

ating rehiyon?

A. Ito ay dagdag kaalaman.

B. Magkakaroon ng ibabalita sa klase.

C. Upang maging handa at maligtas sa sakuna.

Ano pa ang kaya kong gawin?

A. Itala ang mga lungsod at bayan sa NCR sa hanay ng

panganib na maaarinng maranasan.

Baha Lindol Bagyo Pagguho ng

Lupa

B. At para sa karagdagang kaalaman, mangyaring panoorin

ang video sa ibaba gamit ang link.

https://www.youtube.com/watch?v=fva-lgZMn-w

For inquiries, please write or call Schools Division of Taguig City and Pateros Gen. Santos

Ave., Central Bicutan, Taguig City

Telefax: (02) 8533-1458; (02) 8514-7970 Email Address: [email protected]; [email protected]

Sanggunian

• Goyal, Mary Ann DG., Gerilla, Emilyn F., Cruz, Cristina DC., Carable, Paul Nylden A.,

Aralin Panlipunan 3 , Kagamitan ng Mag-aaral , National Capital Region

• Google https://www.youtube.com/watch?v=OKL9-SouV4g

https://www.youtube.com/watch?v=Qx0agmeUKs0

https://www.youtube.com/watch?v=fva-lgZMn-w

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief

DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writers: NOEL S. SORIANO ZENY V. HAMBALA

Content Evaluators: NOEL S. SORIANO Language Evaluator: NOEL S. SORIANO

Reviewer: CHERYL IBARRETA Editor: GINA A. OCFEMIA Lay-out Artist : CRISELLE G. FERREROS

MA. CRISTINA M. JAVIER Illustrator : MELANIE O. ALORRO

MICHELLE B. MANAGUELOD

Content Validator: CAROL C. JINAHON Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS

REPRESENTATIVES School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)

DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)

EPS In-charge: MR. FERDINAND PAGGAO, EPS AP

DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMDS/ALS