gabay sa poll watcher(final)

37
I. MGA KATANGIAN, KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA WATCHERS A. Anu-ano ang mga KATANGIAN ng mga watchers ayon sa batas? 1. Kinakailangan na rehistradong botante siya sa lungsod o bayan kung saan siya nakatalaga. 2. May mabuti at malinis na reputasyon. 3. Hindi pa nahatulan ng pinal sa ano mang “election offense” o ano mang iba pang krimen. 4. Marunong siyang bumasa at sumulat ng Pilipino, Ingles o anumang dialektang local. 5. Hindi kamag-anak hanggang sa ika-apat na antas sa dugo o sa bisa ng kanyang kasal (e.g. asawa, anak, magulang, pamangkin at pinsan) ng chairman o sino mang miyembro ng BEI sa presinto kung saan siya matatalaga bilang watcher. 6. Hindi siya isang barangay official (“appointive or elective”). B. Anu-ano ang KARAPATAN at OBLIGASYON ng mga WATCHERS? 1. Pumasok sa loob ng presinto at iprisinta sa Board of Election Inspector (BEI) chairman ang appointment na nagpapatunay na siya ay official watcher ng kandidato o partido. 2. Ipatala ang pangalan sa “Minutes of Voting”. 3. Manatili sa kaukulang lugar sa loob ng presinto na nakalaan para sa mga watchers. 1

Upload: independent

Post on 03-Dec-2023

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

I. MGA KATANGIAN, KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA WATCHERS

A. Anu-ano ang mga KATANGIAN ng mga watchers ayon sa batas?

1. Kinakailangan na rehistradong botante siya sa lungsod o bayan kung saan siya nakatalaga.

2. May mabuti at malinis na reputasyon.

3. Hindi pa nahatulan ng pinal sa ano mang “election offense” o ano mang iba pang krimen.

4. Marunong siyang bumasa at sumulat ng Pilipino, Ingles o anumang dialektang local.

5. Hindi kamag-anak hanggang sa ika-apat na antas sa dugo o sa bisa ng kanyang kasal (e.g. asawa, anak, magulang, pamangkin at pinsan) ng chairman o sino mang miyembro ng BEI sa presinto kung saan siya matatalaga bilang watcher.

6. Hindi siya isang barangay official (“appointive or elective”).

B. Anu-ano ang KARAPATAN at OBLIGASYON ng mga WATCHERS?

1. Pumasok sa loob ng presinto at iprisinta sa Board of Election Inspector (BEI) chairman ang appointment na nagpapatunay na siya ay official watcher ng kandidato o partido.

2. Ipatala ang pangalan sa “Minutes of Voting”.

3. Manatili sa kaukulang lugar sa loob ng presinto na nakalaan para sa mga watchers.

1

4. Manood, subaybayan at alamin ang mga kaganapan sa loob ng presinto patungkol sa proseso na isasagawa ng BEI.

5. Magtala ng kung anumang makita o marinig.

6. Kuhanan ng litrato ang anumang kakaibang pangyayari sa Testing and Sealing, botohan, bilangan at pag-print ng mga Election Returns. Kailangan lamang igalang ang secrecy ng balota.

7. Magsampa ng protesta laban sa anumang iregularidad o paglabag sa batas na maaring nagawa ng BEI o ng sino mang tao at hilingin niya na itala sa kaukulang pahina ng ‘Minutes of Voting’.(Gagamitin ang “Protest Form”)

8. Humingi ng ‘Certificate’ na nagsasaad ng paghahain ng nasabing protesta kasama na ang naging resolusyon o hatol dito.

9. Tiyakin na ang ‘indelible ink’ ay nailagay ng tama sa ‘forefinger nail’ ng bawat botante na bumoboto.

10. Tawagin ang pansin ng BEI tungkol sa mga botante na nakaboto na, upang hindi na sila pabotohin muli.

11. Hindi maaaring makipag-usap ang watchers sa BEI, sa mga botante, sa ibang watchers at sa sino mang nandoon sa pook botohan para di makaistorbo sa proseso ng botohan.

12. I-challenge ang sino mang tao na gustong bumoto na hindi naman rehistrado, gumamit ng pangalan ng ibang tao o mayroong “existing disqualifications” at hilingin na itala sa kaukulang pahina sa “Minutes of Voting”. (Gagamitin ang “Challenge Form”)

13. Tingnan kung ang proseso sa pagboto ay nasusunod.

14. Basahin at tiyakin na tama ang mga botong nakalagay sa Election Returns pagkatapos na ito ay makumpleto at mapirmahan ng mga miyembro ng BEI.

15. Lagdaan at lagyan ng kanyang thumbmark ang Election Returns, at kunin ang nauukol na kopya ng Election Returns.

16. Samahan ang BEI sa paghatid ng ballot box, election returns at iba pang mga gamit sa munisipyo.

Ang botohan o halalan ay sa 9 MAY 2016, araw ng Lunes.

I. MGA PREPARASYON BAGO ANG AKTWAL NA BOTOHAN

A. Anong oras dapat ang watchers ay nasa pook botohan o presinto?

5:00 a.m. o ika-lima ng umaga o bago pa man dumating ang BEI at bago magsimula ito sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

B. Anong oras dapat nadoon ang BEI sa pook botohan o presinto?

5:00 a.m. o ika-lima ng umaga.

C. Ang mga dapat dalhin bilang watchers.

1. WATCHER’S KIT.

Laman ng Watcher’s Kit.

1. Ang inyong written authorization/appointment bilang watchers (dalawang [2] kopya);

3

2. Watcher’s ID;

3. Watcher’s Manual

4. Ballpen;

5. Pad paper;

6. Watchers Report

Note: 1. Protest Form (kung gustong magprotesta, ang form na ito ay makukuha sa BEI Chairman)

2. Challenge Form (kung gustong mag-challenge sa isang illegal o flying voter, ang form na ito ay makukuha sa BEI Chairman)

D. Ipakita kaagad sa BEI Chairman ang written authorization / appointment pagdating sa pook botohan. Bago magsimula ang botohan, siguraduhing maitala ang iyong pangalan at maglagda sa MINUTES. Ipatanggap at palagyan ng stamp o lagda ng pagtangap ng BEI Chairman ang isa sa mga kopya ng written authorization/ appointment na dapat panghawakan.

E. Anu-anong mga kagamitan sa eleksyon ang kailangan dala ng BEI sa pook botohan?

1. Election SuppliesVote Counting MachineBond Paper (long)Ballot Secrecy FolderThumbprint TakerPlastic Seal for the Ballot BoxInstruction to VotersMarking pensBallpens

Indelible Stain Ink

2. Election FormsA3 Poster indicating the clustered precincts

numbersA6 Official BallotsA12 Paper SealA14 Certificate of Receipt of Official Ballots,

other forms and supplies by the BEI A27 Official Receipt of Election Returns

3. Envelopes for Voting and CountingA15 For Rejected Ballots, Half Torn Unused

Official Ballots and other half of torn Unused Official Ballots and Counted Official Ballots

A17 For Election ReturnsA-18-A For Main SD Card, iButton Security Key,

PIN's, Initialization Report, Audit Log, and Precinct Statistical Report

4. Other FormsA30/A31 Temporary Appointment of

Chairman / Poll Clerk / Third Member / Support Staff

A35 Certificate of Challenge or Protest and Decision of the BEI

A39 Oath of Voter Challenge for Illegal Acts

A40 Oath of Identification of Challenged Voter

Precinct Computerized Voters’ List (“PCVL”) and Supplemental PCVL

Election Day Computerized Voters List / List of Voters with Voting Record and Supplemental EDCVL

5

F. Anu-ano ang mga dapat gawin ng BEI bago magbotohan? (mga preliminaries to voting)

Dapat sila ay magmiting at siguraduhing ang mga sumusunod ay magawa:

a. Magkita-kita sa pook botohan bago mag 5:00 a.m o ikalima ng umaga sa araw ng halalan.

b. Siguraduhing ang VCM box at ang ballot box ay nasa loob ng pook botohan.

c. Iset-up ang pook botohan.d. Ipaskil ang isang kopya ng PCVL sa bawat clustered

precinct, malapit sa presinto o pook botohan.e. Ipakita sa publiko at sa mga watchers na naroon na ang:

1. VCM box ay nakaselyo.2. Ballot box ay walang laman at nakasara ng may

apat (4) na seals.3. Pakete ng opisyal na balota ay nakaselyo at

pagkatapos ay bubuksan/tatanggalin ang selyo.f. Para sa precinct/clustered precinct na may detainee

voters (DV) na may espesyal na pook botohan, ang BEI ng nasabing regular na pook botohan gamit ang EDCVL-DV ay dapat na:

1. I-annotate o lagyan ng DV ang mga pangalan ng mga detainee voters sa EDCVL.

2. Samahan ng kanyang “initial” sa tabi ng annotation.

3. Itala sa Minutes ang bilang ng DV at ang katunayan na ang kanilang mga pangalan ay may annotation na “DV”;

4. Sa harap ng SBEI-DV support staff, ihiwalay ang mga balota para sa mga DV at ilagay ang mga ito sa folder.

5. Ilagay ang folder sa loob ng envelope. Isarado ang envelope at iselyo ito gamit ang paper seal.

Ang envelope at paper seal ay ibibigay ng SBEI-DV support staff;

6. Samahan ng kanilang “initial” ang paper seal; at7. Ibigay ang envelope na naglalaman ng DV ballots

sa SBEI-DV support staff, ayon sa pagkakataon.

g. Tanggalin ang paper seal ng VCM box;1. Buksan ang VCM box.2. Tingnan kung ang mga sumusunod ay nasa loob

ng VCM box:i. VCM;

ii. Power cord ng VCM at battery cable;iii. Main SD at back-up SD cards na naka-

install na;iv. Natitirang rolyo ng thermal paper sa

loob ng VCM box;v. Ziplock number “1” na naglalaman ng

tatlong (3) Personal Identification Numbers (PINs) para ma-operate ang VCM; tatlong PINs para sa digital signature; 3 iButtons; at tatlong PINs para sa re-zeroing;

vi. Ziplock number “2” na naglalaman ng checklist ng mga laman ng VCM box;

vii. Ziplock number “3” na naglalaman ng USB modem na may sim card at isang (1) nakahandang karagdagang SIM card (Smart/Gobe/Sun);

viii. Ziplock number “4” na naglalaman ng limang (5) cleaning sheets;

ix. Dalawapu’t-apat (24) na Marking Pens; at

x. Isang (1) yellow sealing sticker na gagamitin pagkatapos ng halalan para isarado ang VCM box.

3. Kuhanin ang iButtons at security PINs mula sa VCM box at ipamahagi ang mga ito sa lahat ng

7

miyembro ng BEI. Ang RE-ZERO PINs ay mananatili sa loob ng VCM box.

4. Kuhanin ang VCM mula sa kahon nito.5. Ipakita sa publiko na ang slots na may label na

“A” at “B” na naglalaman ng main SD at back-up SD cards ay parehong nakaselyo.

6. Ilagay ng maayos ang VCM sa ibabaw ng ballot box.

7. Buksan ang thermal paper printer cover at siguraduhing na ang rolyo ng official thermal paper ay naka-install.

8. Isarado ang thermal paper printer cover.9. Ikonekta ang power adaptor sa VCM AC

powerport (220 VAC) at isaksak ang kabilang dulo sa electrical outlet.

10. Ikonekta ang battery sa VCM DC power port (12 VDC).

11. I-ON ang VCM.

h. Hintayin hanggang lumabas sa VCM ang mensaheng “PLEASE INSERT SECURITY KEY FOR AUTHENTICATION”.

i. Ang miyembro ng BEI ay dapat na:1. Ilagay ang iButton sa ibabaw ng iButton security

key receptacle at maglagay ng bahagyang diin dito. Ang mensaheng “PLEASE CHOOSE YOUR ROLE” at ang papel ng mga BEI ay ipapakita o ididisplay sa screen;

2. Piliin ang “MEMBERS,” at ang VCM ay magpapakita ng mensaheng “PLEASE CHOOSE YOUR USERNAME” na may kasamang “BEI POLL CLERK” at “BEI MEMBER” na opsyon.

i. Piliin ang “BEI MEMBER.”

ii. Ang VCM ay magpapakita ng mensaheng “PLEASE ENTER YOUR PIN.”

iii. I-enter ang security PIN ng BEI member. Ang mensaheng “BEI MEMBER PIN IS CORRECT. THANK YOU” ay ipapakita sa screen at ang VCM ay magbabalik sa naunang mensaheng – “PLEASE CHOOSE YOUR USERNAME.”

iv. Piliin ang “BEI POLL CLERK.”v. Ang VCM ay magpapakita ng

mensaheng “PLEASE ENTER YOUR PIN.”

vi. I-enter ang security PIN ng poll clerk. Ang mensaheng “BEI POLL CLERK PIN IS CORRECT. THANK YOU” ay ipapakita sa screen at ang VCM ay ipapakita o ididisplay ang MAIN MENU.

j. Ang miyembro ng BEI ay pipiliin ang “ELECTION” at sumunod dito ay ang “OPEN VOTING”.

1. Ang VCM ay maglalabas ng mensahe sa screen na “PLEASE CHOOSE YOUR USERNAME” na may kasamang “BEI POLL CLERK” at “BEI MEMBER” na opsyon.

i. Piliin ang “BEI MEMBER”.

ii. Ang VCM ay maglalabas ng mensahe na “PLEASE ENTER YOUR PIN”.

iii. I-enter ang security PIN ng BEI member. Ang mensahe na “BEI MEMBER PIN IS CORRECT. THANK YOU” ay lalabas sa screen at ang VCM ay babalik sa dating display na may nakalagay na “PLEASE CHOOSE YOUR USERNAME”.

9

iv. Piliin ang “BEI POLL CLERK”.

v. May lalabas na mensahe sa VCM na “PLEASE ENTER YOUR PIN”.

vi. I-enter ang security PIN ng poll clerk. May lalabas na mensahe sa screen ng VCM na “BEI POLL CLERK PIN IS CORRECT. THANK YOU” at pagkatapos nito ay may lalabas muli sa screen na “OPEN VOTING.”

k. Ang VCM ay handa na para mag-print ng Initialization Report. Ang mga mensahe na “OPEN VOTING” at “PRINTING REPORT…” ay lalabas sa screen habang kasabay nito ay ipiniprint ang Initialization Report. Ang nasabing report ay may ipapakita na Zero (0) vote para sa bawat kandidato kasama ang geographic information (rehiyon/probinsya/munisipalidad/barangay/polling center, clustered precinct/precinct sa cluster) machine ID , bilang ng mga rehistradong botante, bilang ng mga botante na nakaboto na, bilang ng mga valid na balotang ginamit sa pagboto, at bilang ng mga na-reject na balota.

l. Pagkatapos mai-print ang Initialization Report, may lalabas na menshae sa VCM na “THE ELECTION IS NOW OPEN.”

m. Ihiwalay ang Initialization Report. Ang Chairman, miyembro ng BEI at poll clerk, kasama ng mga kinatawan ng mga political parties, mga kandidato, o mamamayang may nakatalagang gampanan, ay ilalagay ang kanilang mga pirma sa Initialization Report. Ilalagay ang Initialization Report sa sobre (A17-TS) na nakalaan para dito.

n. Matapos ang pagpi-print ng Initialization Report, ang VCM ay automatikong babalik sa Election Menu. Pindutin ang “BACK” button para magpatuloy sa pag-scan ng mga balota.

o. Ang VCM ay handa nang tumanggap ng mga balota. Sa ngayon, ang VCM screen ay maglalabas ng mensahe na “PLEASE INSERT BALLOT/PAKIPASOK ANG BALOTA”.

p. Siguraduhin na ang INSERT BALLOT screen ay maglalabas ng mga sumusunod na detalye:

i. Sa itaas na kaliwang sulok (Status ng VCM) – OPEN

ii. Sa itaas na kanang sulok – Date and Time

iii. Sa ibaba na kaliwang sulok – Number of Ballots Cast

iv. Sa ibaba na kanang sulok –Precint Code

III. ANG BOTOHAN (CASTING OF VOTES)

A. Anong oras dapat magsimula at matapos ang botohan?

6:00a.m. o sa ganap na ika-anim ng umaga magsisimula.

Magtatapos ng 5:00p.m. o sa ganap na ika-5 ng hapon ng araw ng eleksyon, maliban na lamang kung mayroong mga botante na naroroon na sa loob ng tatlumpung metro (30 meters) and layo mula sa harap ng pook botohan na hindi pa nakakaboto, kung saan ang botohan ay magpapatuloy para mabigyan sila ng pagkakataon na bumoto.

Gagawa ang poll clerk ng kumpletong listahan (in duplicate) na naglalaman ng mga pangalan ng mga botante na may sunod-sunod na bilang. Tatawagin ng poll clerk ang botante na nakalista sa listahan sa pamamagitan ng pagbanggit ng pangalan nito ng tatlong beses sa tonong may tamang lakas at dinig sa buong pook botohan. Ang sinumang botante na nakalagay sa listahan na wala sa pook botohan o hindi tumugon kapag tinawag ang pangalan ay

11

hindi na maaring bumoto. Ang nasabing listahan ay ilalagay sa Minutes.

B. Saan ang lugar ng botohan?

Ang mga botante ay dapat bumoto sa mga lugar na itinalaga ng COMELEC bilang opisyal na pook botohan. Ang poster na nagsasaad ng clustered precinct number (CEF No. A3) ay dapat makikitang nakalagay malapit o sa pintuan mismo ng pook botohan

C. Sino ang maaaring bumoto?

Ang lahat ng mga rehistradong botante na nakalagay ang mga pangalan sa EDCVL ay maaaring bumoto sa 2016 National and Local Election, maliban na lang kung ang kanilang mga pangalan ay naka-crossed out sa listahan na may kasamang alin man sa mga sumusunod na notasyon, pirmado ng EO:

a) Ang botante ay lumipat ng tirahan sa ibang distrito/siyudad/munisipalidad; ob) Ang botante ay patay na.

D. Mga mahahalagang patakaran habang nagbobotohan:

1. Ang mga tao lamang na pinapayagan na manatili sa pook ng botohan (polling place) ay ang mga sumusunod:

a. Mga miyembro ng BEI at support staff;

b. Mga watchers na dapat mamalagi sa lugar o pwesto na nakalaan para sa kanila;

c. Kinatawan ng Comelec;

d. Technical support personnel na nakatalaga sa voting center;

e. Mga botante na bumoboto;

f. Mga botante na naghihintay ng kanilang pagkakataon na makaboto;

g. Jail/Prison Escorts na nagbabantay sa mga detainee voters;

h. Iba pang mga taong awtorisado ng COMELEC.

2. Ang mga sumusunod ay hindi maaring manatili sa loob ng pook botohan o manatili sa lugar sa loob ng radius na may sukat na limampung metro (50) mula sa pook botohan (polling place), maliban na lang kung sila ay boboto:

a. Ang sinumang opisyal o miyembro ng AFP o PNP;b. Sinumang peace officer o armadong tao na nabibilang sa

kahit saang extra-legal police agency, special forces, reaction forces, strike forces, Civillian Armed Force Geographical Units, mga barangay tanod at iba pang forces o para-military forces kabilang ang mga special forces, security gurads at special policemen;

c. Lahat ng iba’t-ibang klase ng armado o hindi armadong extra-legal police forces; at

d. Sinumang barangay official, elected man o appointed.

3. Walang sinumang opisyal ng barangay ang maaring pumasok sa loob ng botohan maliban na lamang kung siya ay boboto;

4. Ang mga watchers ay hindi maaring pumunta sa mga lugar na nakalaan para sa mga botante at sa BEI, at hindi rin sila maaring makipag-usap at makihalubilo sa mga botante;

5. Walang sinumang botante ang maaring maghanda ng kanyang balota na hindi nya gamit ang ballot secrecy folder o ipakita sa sinumang tao ang nilalaman ng kanyang balota;

13

6. Ang opisyal na mga balota, ballot secrecy folder o marking pen ay hindi maaaring ilabas sa pook botohan.

7. Walang sinumang may dalang armas o anumang deadly weapon ang maaring payagang pumasok sa loob ng pook botohan maliban na larnang yaong mga taong pinayagan ng COMELEC.

8. Walang sinuman ang mangangampanya ng boto o magsusulong ng anumang propaganda pabor sa o laban sa kaninumang kandidato sa loob ng presinto.

9. Ang mga botante ay boboto ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod sa pagpasok sa loob ng pook botohan.

10. Pakatapos bumoto ng mga botante, kailangan na silang lumabas ng pook botohan upang maiwasan na maging crowded o lumikha ng hindi kanais-nais na pangyayari sa loob ng pook botohan;

11. Habang nagbobotohan, ang BEI o ang sinumang miyembro nito ay hindi maaring magbigay ng pahayag patungkol sa kung ilan na ang bumoto, ilan pa ang hindi bumoboto o maaring magpakita ng kalagayan ng botohan;

12. Ang ballot box ay dapat manatiling naka-lock habang nagbobotohan.

13. Ang BEI ay hindi maaring lumagda sa isang blankong election form bago ito mapunan ng mga miyembro nito, katulad ng Minutes at Election Returns, cellular phones with camera, o kahit anong paraan para makopya ang laman ng balota o ano mang paraan para matukoy ang kanyang boto;

14. Hindi puwedeng sirain o punitin ang balota; o

15. Hindi pwedeng guluhin o subukang guluhin ang normal na operasyon ng VCM.

E. Sinu-sino ang mga maaaring bumoto?

Iyon lamang mga rehistradong botante na ang pangalan ay nakatala sa Posted Computerized Voters List (PCVL) o ayon sa Book of Voters (o compilation ng Voter Registration Records o VRRs) o Election Day Computerized Voters List (EDCVL) o ang registration records ay hindi pa kanselado o deactivated o pinayagang bumoto ayon sa kautusan o order ng hukuman ang maaring payagan o pahintulutang bumoto.

Kung ang VRR ng taong gustong bumoto ay wala o hindi makita, dapat tingnan ang EDCVL.

Ang miyembro ng BEI ay maaring bumoto sa pook kung saan sila nakatalaga sa araw ng botohan.

F. Ang hamon o Challenge:

1. Sino ang maaring mag-challenge sa isang illegal o flying voter?

Sinumang botante o watcher ay maaring tumutol sa isang illegal o flying voter.

2. Anu-ano ang mga maaring dahilan upang hamunin (I-challenge) o tutulan ang isang illegal o flying voter?

Ang mga sumusunod ang mga kadahilanan:

2.1 Ang mga botante ay hindi rehistrado;

15

2.2 Ang botante ay gumagamit ng pangalan ng ibang tao;

2.3 Ang botante ay "disqualified" sa pagboto;

2.4 Ang botante ay dobleng nagparehistro ("double/multiple registrant");

2.5 Ang botante ay tumanggap, umaasang tatanggap ng kontribusyon o pabuya o pinangakuang bibigyan ng kontribusyon o pabuyang pera o anumang bagay na may halaga para sa kanyang boto o para sa boto ng ibang tao;

2.6 Ang botante ay nangako o pumayag na maimpluwensiyahan sa pagbibigay o hindi pagbibigay ng nasabing boto; at

2.7 Ang botante ay pumusta o may interest (direkta o di man direkta) sa isang pustahan na nakasalalay sa resulta ng botohan.

3. Anu-ano ang mga hakbangin para sa paghamon (challenge) o pagtutol sa isang illegal o flying voter?

Ang hamon (challenge) o pagtutol ay dapat idulog sa BEI kung saan sa pagtanggap ng pagtutol, ay kinakailangan;

3.1 Itala ang hamon (challenge) o pagtutol sa Minutes of Voting:

3.2 Hingan ang botante ng anumang patunay ng kanyang katauhan o katibayang siya ang rehistrado;

3.3 Kung ang basehan ng pagtutol ay diskwalipikasyon (disqualification), kailangang ipakita ng tumututol ang katibayan ng diskwalipikasyon.

3.4 Kung ang basehan ng pagtutol ay dahil sa ang botante ay nabayaran, nakatanggap ng pangako o pumusta sa resulta ng botohan, ang botante ay kinakailangang manumpa ukol dito. Kung siya ay tumangging manumpa, hindi siya papayagang bumoto;

3.5 Ang BEI ay maaari ring tumanggap ng anumang patunay o ebidensya para makatulong sa pagdedesisyon kung papayagan o hindi papayagang bumoto ang isang botante.

G. Anu-ano ang mga hakbang o proseso sa pagkuha ng balota para makaboto?

a) Ang botante ay dapat na: 1. Hanapin ang kanyang pangalan sa PCVL na

nakapaskil sa pintuan ng pook botohan upang malaman ang kanyang precinct number at sequence number.

2. Lapitan ang sinumang miyembro ng BEI o ng support staff at ibigay ang kanyang pangalan, precinct number at sequence number.

b) Ang BEI o support staff ay dapat na:1. I-verify kung ang pangalan ng botante ay

nakalagay/nakasulat sa EDCVL. Kung ang pangalan ng botante ay hindi nakalagay sa EDCVL, ang botante ay hindi papayagang bumoto at pakikiusapang umalis sa pook botohan.

2. Kung ang kanyang pangalan ay mahanap, susuriin kung ang alinmang daliri ng kanyang kamay ay may bakas o lagay ng indelible ink. Kung stained, ito ay nangangahulugan na siya ay nakaboto na at s’ya ay palalabasin sa pook botohan matapos ipaalam sa kanya ang dahilan kung bakit. Ang katotohanang ito kasama na ang pangalan at precinct number ng botante ay itatala ng Poll Clerk sa Minutes;

17

3. Kung ang mga fingernails ay hindi stained, alamin ang pagkakakilanlan ng botante sa pamamagitan ng mga sumusunod:

i. Ang kanyang litrato o halimbawa ng kanyang pirma sa EDCVL o sa alin mang identification document maliban sa barangay certificate o community tax certificate; o

ii. Kung wala ang mga nabanggit na patunay ng pagkakakilanlan, sinumang miyembro ng BEI o kahit sinong rehistradong botante ng presinto o clustered precinct ay maaaring kilalanin sa ilalim ng panunumpa ang botante at ang katotohanang ito ay isasama rin sa Minutes.

4. Kung palagay na sa pagkakakilanlan, ang pangalan ng botante ay dapat na ipahayag ng may lakas at diin upang marinig sa buong pook botohan. Kung hindi pa palagay sa kanyang pagkakakilanlan, ang botante ay palalabasin sa pook botohan pagkatapos ipaalam sa kanya ang dahilan dito.

5. Kung ang botante ay hindi challenged o kung s’ya man ay challenged at ang pagtutol/pagkwestyon ay nadesisyunan ng pabor sa kanya, ang botante ay kailangang pumirma sa EDCVL. Sa kaso ng illiterate voters o PWDs na hindi makakapirma, dapat na ang nasabing botante ay tatakan ng kanyang thumbmarks ang EDCVL;

6. Pagkatapos, ang botante ay ididirekta sa chairman na dapat na:

i. Pagtitibayin (authenticate) ang balota sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang pirma sa nakalaang espasyo sa harapan ng balota;

Ang hindi pagpapatibay sa balota ay hindi magiging dahilan para maging invalid ang

balota pero ito ay isang halimbawa o uri ng election offense.

ii. Ipakita sa botante na ang balota ay hindi punit o smudged at hindi pa nasusulatan;

iii. Ilagay ang balota sa loob ng ballot secrecy folder;

iv. Ibigay ang ballot secrecy folder at ang marking pen sa botante kasama ng paalala at paggabay na ang balota ay dapat na pantilihing malinis at walang mga kakaiba/hindi kailangang sulat o markings.

v. Gabayan ang botante kung paano susulatan at sasagutan ng tama ang balota; at

vi. Bigyan ng direksyon ang botante na susulatan at sasagutan ang balota sa nakalaang voting area.

Tanging ang chairman lamang ang dapat mag-issue ng mga official ballots at hindi maaring mag-issue ng lampas sa isang balota sa bawat pagkakataon.

H. Proseso matapos mabigyan ng BALOTA ang botante: (sa puntong ito hawak nang botante ang BALOTA)

1. Ang botante ay:

1. Gamit ang ballot secrecy folder at ang marking pen na itinalaga ng Komisyon, pupunuuan ang kanyang balota sa pamamagitan ng pag iitim o pag-shade ng buo sa oval na katabi ng pangalan ng napiling kandidato o mga kandidato sa bawat posisyon at partido, organisasyon o kowalisyon na kasali sa party list system of representation; at

19

2. Pagkatapos magawa ang pag-iitim sa mga bilog na katapat ng kandidatong napiling iboto, ay ipapasok nya ang kanyang balota sa entry slot;

i. Ang VCM ay magpapakita ng “PROCESSING…/PAKIHINTAY… KASALUKUYANG PINOPROSESO”;

ii. Ang balota ay awtomatikong mapupunta sa loob ng ballot box. Ang VCM ay magpapakita ng mensaheng “YOUR VOTE HAS BEEN CAST/ANG IYONG BOTO AY NAISAMA NA”

iii. Ang VCM ay magpapakita ng ‘AMBIGUOUS MARK DETECED “ kung ang mga oval ay hindi maayos na naitiman o nagkaron ng hindi sinadyang marka sa balota. Magpapakita ng mensaheng “AMBIGUOUS MARK DETECTED/MAY MALABONG MARKA SA BALOTA”. Ang mga sumusunod na opsyon ay ipapakita “TO CAST BALLOT PRESS/PARA IPASOK ANG BALOTA, PINDUTIN” O “TO RETURN BALLOT, PRESS/PARA IBALIK ANG BALOTA, PINDUTIN.” Pindutin ang “TO RETURN BALLOT, PRESS/PARA IBALIK AND BALOTA PINDUTIN” upang maibalik and balota sa botante. Hayaang ang botante ay rebisahin ang kanyang balota at tiyaking ang ovals katapat ng pangalan ng kandidato na ibinoto ay maayos na naitiman.

iv. Kung ang botante ay illiterate voters, PWD voters na may kapansanan sa paningin, at mga senior citizens (SC’s) na kinakailangang gumamit ng headphones, ang BEI ay ilalagay ang headphones upang makasunod sila sa instructions ng VCM.

2. Ang poll clerk o support staff:

a) Imo-monitor, sa di kalayuan, ang VCM screen upang matiyak na ang balota ay matagumpay na tinanggap;

b) Kahit na ang balota ng botante ay matagumpay o hindi matagumpay na tinanggap, lagyan ng indelible ink ang kuko ng botante sa kanang hintuturo o alinmang kuko kung walang kuko ang hintuturo;

c) I-instruct sa botante na ibalik ang ballot secrecy folder at ang marking pen, at lumabas na sa pook botohan.

3. Pagsusuri ng balota ng detainee voters sa special polling places. – Ang BEI ay dapat:

a) Tanggapin mula sa SBEI-DV (Special Board of Election Inspector-Detainee Voter) support staff ang mga balotang natapos ng punuan ng mga detainee voters bago magtapos ang oras na itinakda ng Komisyon para sa pagboto;

b) Kapag natanggap na ang selyadong envelope na naglalaman ng mga accomplished na balota, ang kaganapang ito ay isusulat sa Minutes;

c) Ihayag sa publiko na ang mga accomplished na balota ng detainee voters at ang mga pinunit na hindi nagamit na balota, kung meron man ay natanggap na;

d) Buksan lamang ang envelope kapag ang lahat ng botante sa clustered precincts ay natapos ng bumoto;

e) Ilagay ang mga balota sa VCM;

21

f) Ang kalahati ng mga pinunit na hindi nagamit na balota ay dapat na ilagay sa loob ng envelope (CEF No. A15) para isumite sa Election Officer; at ang natitirang kalahati ng pinunit na hindi nagamit na mga balota na nakalagay sa loob ng envelope (CEF NO. A15) ay ilalagay sa loob ng ballot box; at

g) Ilagay ang pangyayari sa Minutes.

4. Ang mga balota ay maaring i-reject o hindi tanggapin ng VCM sa pag-iscan. Maaring may tatlong ibat-ibang uri ng mensahe kapag ni-reject o hindi tinanggap ng VCM ang balota. Sa bawat isang mensahe, ang BEI ay dapat na mag-obserba ng mga sumusunod na procedures:

a) “MISREAD BALLOT”. Kung ang balota ang hindi nai-scan ng maayos, ang VCM ay mag-didisplay ng mensaheng “THE BALLOT COULD NOT BE READ/HINDI MABASA ANG BALOTA” at “PAPER INSERTED WAS MISREAD. PLEASE VERIFY BALLOT AND REFEED”. I-instruct sa botante na isubong muli and balota sa apat (4) na iba-ibang pamamaraan (4) different orientations.

b) “PREVIOUSLY READ BALLOTS” sa ganitong kaso, ang VCM ay magdidisplay ng ganitong mensahe “BALLOT PREVIOUSLY SCANNED/ANG BALOTANG ITO AY NABASA NA” at “THIS BALLOT HAS BEEN PREVIOUSLY SCANNED”. Ang opsyon na “TO RETURN BALLOT, PRESS/PARA IBALIK ANG BALOTA, PINDUTIN”, press / at “TO DIVERT BALLOT, PRESS/PARA IPASOK ANG BALOTA, PINDUTIN”, pindutin X, ang lalabas sa screen.

c) “INVALID BALLOT”. Kapag ang balota na hindi configured sa VCM ay naisubo, ito ay magdididsplay ng

mensaheng “INVALID BALLOT DETECTED/MALING BALOTA ANG NAKITA” at “PLEASE MAKE SURE THAT YOU RECEIVED THE CORRECT BALLOT”

Ibabalik ng botante ang balota sa chairman, at susuriin kung ang ballot ID ng rejected ballot ay tumutugma sa clustered precinct number. Kung hindi ito tugma, ang chairman ay lalagyan ang balota ng marking “REJECTED” at ilalagay ito sa loob ng envelope para sa mga rejected ballots. Ang chairman ay mag-iissue ng tamang balota sa botante. Kung ito ay tumugma, hayaang ang botante ang magsubo ng balota sa apat (4) na iba-ibang pamamaraan (4 different orientations)

Ang rejected ballot ay mapupunta sa rejected bin ng ballot box. Ang VCM ay magdidisplay ng mensaheng “TO DIVERT BALLOT IN REJECTED BIN PRESS”. Pagkatapos ang botante ay pipindutin ang X.

Maliban sa number (3) sa itaas, walang pamalit na balota ang iiissue sa botante na ang balota ay rejected ng VCM.

I. Ano ang gagawin sa mga hindi nagamit na mga balota?

1. Ang BEI Chairman ay isusulat sa Minutes ang bilang ng mga hindi nagamit na balota;

2. Pagkatapos, lahat ng mga di-nagamit na mga balota ay pupunitin" ng kalahating-pahaba (half lengthwise) na kaharap ang mga miyembro ng BEI at mga watchers;

3. Ang kalahating hindi nagamit na mga balota ay ilalagay sa loob ng envelope (A-15), selyado ng paper seal at ibibigay sa Election Officer, at

4. Ang kalahati naman ng hindi nagamit na mga balota ay ilalagay sa loob ng envelope (A 15), at ilalagay sa

23

compartment ng ballot box para sa mga valid na boto. Ang katotohanang ito ay dapat na nakasulat din sa Minutes;

J. Anu-ano ang mga proseso o patakaran sa pag hahanda sa mga balota para sa mga hindi marunong bumasa at sumulat at sa mga may kapansanang botante (illiterate or disabled persons).

Walang sinumang botante ang pahihintulutan na makaboto bilang illiterate o disabled person (hindi marunong bumasa at sumulat at may kapansanang botante) maliban na lamang kung ang katotohanang ito ay nakatala sa EDCVL or VRR. Kung ang botante ay hindi marunong bumasa o sumulat o kaya ay may kapansanan, siya ay tutulungan sa paghahanda ng kanyang balota ng alinman sa:

a. Kanyang kamag anak hanggang sa ika-apat na “degree” sa dugo o sa bisang kanyang kasal (e.g. asawa, anak, magulang, pamangkin at pinsan);

b. Sinumang tao na kapalagayang loob ng botante na kasama nya sa bahay o tirahan; o

c. Sinumang miyembro ng BEI.

Ang taong may pisikal na kapansanan na gumamit ng AES ay maaari ding gabayan sa paglalagay ng kanyang balota sa VCM. Ang mag-aalalay o gagabay ay dapat siguraduhing ang nilalaman ng balota ay hindi nakalantad kapag inilalagay na ang balota sa VCM.

Ang taga-assist ay hindi maaring mag-alalay ng illiterate o disabled voter ng higit sa tatlong beses maliban ang mga miyembro ng BEI.

Sa lahat ng pagkakataon, ang poll clerk ay dapat na linawin sa illiterate o disabled voter kung pinahintulutan ng huli(illiterate o disabled voter) ang taga-alalay na tulungan siyang bumoto.

Ang taga-alalay ay ihahanda o sasagutan ang balota sa harap o presensya ng illiterate o disabled voter gamit ang ballot secrecy folder.

Ang lahat ng pangyayaring ito ay dapat na nakatala sa Minutes at ito ay dapat na lagdaan ng taga-alalay sa kaukulang puwang sa Minutes.

IV. ANG BILANGAN NG BOTO ATPAGTRANSMIT NG RESULTA (COUNTING

AND TRANSMISSION OF VOTES)

A. Kailan nagsisimula ang bilangan ng boto?

Dapat magsimula ang bilangan ng boto pagkatapos mismo ng botohan.

B. Paraan ng Pagbilang at Pagtransmit ng Resulta ng Botohan

a) Sa pagtatapos ng botohan at bago magsimula ang pagbibilang ng mga boto at ang botohan ay isasarado sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sumusunod na hakbang:

1. Ang chairman ay ilalagay ang kanyang iButton security key sa ibabaw ng iButton security key receptacle, didiinan ito ng bahagya at pagkatapos, ang VCM ay magpapakita ng mensaheng “PLEASE ENTER YOUR PIN”;

2. Ang chairman ay ie-enter ang kanyang PIN;3. Ang VCM naman ay magpapakita ng mensaheng

“BEI CHAIRMAN PIN IS CORRECT. THANK YOU”.

4. ANG VCM naman ay muling mapupunta at ipapakita ang MAIN MENU.

25

b) Mula sa Main Menu, piliin ang “ELECTION” sa pagpipilian. Ang VCM ay ipapakita ang Election Menu na may pagpipiliang “CLOSE VOTING” at pindutin ang option na ito;

c) Pagkatapos piliin ang Close Voting, ang VCM ay ipapakita ang mensaheng “PLEASE ENTER YOUR PIN”. Ang mga sumusunod na hakbang ay dapat gawin:

1. I-enter ang security PIN ng chairman. Ang mensaheng “BEI CHAIRMAN PIN IS CORRECT. THANK YOU” ay ipapakita sa screen.

2. Pagkatapos, ang VCM ay ipapakita ang mga sumusunod na mensaheng “PRESS OK TO ADD A DIGITAL SIGNATURE TO THE ELECTION RESULTS. NUMBER OF SIGNATURES TO THE ELECTION RESULTS. NUMBER OF SIGNATURES: [0/3]” kasama ang “OK” at “CANCEL” options. Ang chairman ay pipindutin ang “OK”.

3. Pagka-pindot sa “OK” button, ang VCM ay hihingin ang security key password at ipapakita ang mensaheng “PLEASE TAP THE IBUTTON ON THE IBUTTON RECEPTACLE”.

4. Ang poll clerk ay ilalagay ang kanyang iButton (security key) sa ibabaw ng iButton security receptacle at bahagyang didiinan ito. Ang VCM ay magpapakita ng mensaheng “PLEASE ENTER THE DIGITAL SIGNATURE PASSWORD”. Ang poll clerk ay ie-enter ang kanyang digital signature password. Ang VCM ay ipapakita ang mensaheng “THE SIGNATURE HAS BEEN ADDED SUCCESSFULLY”.

5. Ang VCM ay ipapakita ang mensaheng “PRESS OK TO ADD A DIGITAL SIGNATURE TO

THE ELECTION RESULTS. NUMBER OF SIGNATURES: [1/3]” kasama ang “OK” at “CANCEL” options. Ang poll clerk ay pipindutin ang “OK”.

6. Pagkapindot ng “OK’ button, ang VCM ay hihingin ang security key password at “PLEASE TAP THE IBUTTON ON THE IBUTTON RECEPTACLE”. Ang BEI member ay ilalagay ang kanyang iButton sa ibabaw ng iButton security key receptacle ay bahagyang didiinan ito. Ang VCM ay magpapakita ng mensaheng “PLEASE ENTER THE DIGITAL SIGNATURE PASSWORD”. Ang BEI member ay ie-enter ang kanyang digital signature password. ANg VCM ay ipapakita ang mensaheng “THE SIGNATURE HAS BEEN ADDED SUCCESSFULLY”.

7. Ang VCM ay ipapakita ang mensaheng “PRESS OK TO ADD A DIGITAL SIGNATURE TO THE ELECTION RESULTS. NUMBER OF SIGNATURES: [2/3] kasama ang “OK” at “CANCEL” options. Ang BEI menber ay pipindutin ang “OK”.

8. Ang VCM ay hihingin ang security key password at “PLEASE TAP THE IBUTTON ON THE IBUTTON RECEPTACLE”.

9. Ang chairman ay ilalagay ang kanyang iButton sa ibabaw ng iButton security key receptacle ay bahagyang didiinan ito. Ang VCM ay magpapakita ng mensaheng “PLEASE ENTER THE DIGITAL SIGNATURE PASSWORD”. Ang BEI member ay ieenter ang kanyang digital signature password. ANg VCM ay ipapakita ang mensaheng “THE SIGNATURE HAS BEEN ADDED SUCCESSFULLY”.

d) Ang VCM ay awtomatikong magpprint ng walong (8) kopya ng NATIONAL RETURNS, at walong (8) kopya ng LOCAL

27

RETURS. Tanggalin ang election returns at ilagay sa nakalaang envelope na paglalagyan. Mapapansin an gang status ng VCM ay magpapakita ng “CLOSED.”

e) Pagkatapos mai-print ang walong (8) kopya ng National Returns at walong (8) kopya ng Local Returns , may lalabas na mensahe sa VCM na “DO YOU WAN T TO TRANSMIT ELECTION RESULTS?” , na may “YES” at “NO” na option. Pillin ang “YES”.

f) May lalabas na mensahe sa screen ng VCM na “ PLEASE PLUG IN THE TRANSMISSION DEVICE” . Sino man sa mga miyembro ng BEI ang magi-insert ng USB transmitting device sa USB port.

g) Pagkatapos nito, ang VCM ay automatikong magse-send ng election results sa transparency server na may naka-display na mensahe na “ SENDING PACKAGE TO THE KBP: TRANSPARENCY SERVER THORUGH ETH0”.

h) Pagkatapos ng matagumpay na transmisyon sa transparency server, ang VCM ay magpapadala naman sa central server na may mensaheng naka-display na “SENDING PACKAGE TO THE CENTRAL : CENTRAL THROUGH ETH0”.

i) Matapos ito, ang VCM ay magse-send sa City/Municipality Board of Canvassers (C/MBOC) na may naka-display na mensahe na “SENDING PACKAGE TO THE ‘C/MBOC city/municipality name’ THROUGH ETH0”.

j) Pagkatapos ng transmisyon, ang VCM ay automatikong magpi-print ng Transmission Report.

k) Matapos iyon, ang VCM ay automatikong magpi-print ng mga natitirang bente dos (22) na kopya ng National Returns at bente-dos (22) na kopya ng Local Returns.

l) Ang VCM ay babalik na sa Main Menu.

m) Alisin ang transmission report at election results. Alamin at siguraduhin kung matagumpay ang pagpapadala ng election results sa kinauukulan.

n) Kung ang pagpapadala ay hindi naging matagumpay, ang election results ay manual na ire-retransmit sa pamamagitan ng mga sumusunod: 1. Mula sa Main Menu, piliin ang “ELECTION” pagkatapos ay “RE-TRANSMIT RESULTS”.

2. Sa screen ng VCM ay may lalabas na mensahe na may opsyon na “KBP:TRANSPARENCY SERVER”; CENTRAL: CENTRAL”; “C/MBOC : name of province-city / municipality” at “SELECT ALL”.

3. Pillin ang kinauukulang taga-tanggap kung saan hindi naging matagumpay ang pagpapadala. Ang VCM ay maglalabas ng mensahe na “TRANSMITTING RESULTS” .

4. Ang VCM ay automatikong magpi-print ng Transmission Report.

5. Alamin at siguraduhing matagumpay ang pagpapadala ng election results sa kinauukulan.

o) Ang VCM ay babalik sa Main Menu. Ang miyembo ng BEI ay magpi-print ng Statistical Report at Audit Report.

1. Mula sa Main Menu, piliin ang “REPORTS”.

2. May lalabas na mensahe sa VCM na may opsyon na “PRINT NATIONAL RETURNS REPORT” ; “PRINT LOCAL RETURNS REPORT”; PRINT STATISTICAL REPORT”; at “PRINT AUDIT REPORT”.

3. Piliin ang “STATISTICAL REPORT”. Ang VCM ang magpi-print ng report. Alisin ang report mula sa VCM.

29

4. Ang VCM ay babalik sa REPORTS Menu.

5. Pillin ang “PRINT AUDIT REPORT”.

6. May lalabas na mensahe sa VCM na ‘DO YOU WANT TO PRINT THE COMPLETE AUDIT LOG?” na may ”YES” at “NO” na opsyon. Piliin ang “YES”.

7. Ang VCM ang magpi-print ng kumpletong audit log.

8. Ang VCM ay babalik sa Main Menu.

p) Ang miyembro ng BEI ay pipiliin ang “ELECTION” pagkatapos, “WRITE-PROTECT DATA” mula sa Election Menu.

q) May lalabas muli na mensahe sa VCM na “LOCK BACKUP MEMORY” at “WRITE-PROTECTING DATA CANNOT BE REVERSED. DO YOU WANT TO CONTINUE?” na may“YES” at “NO” na opsyon. Piliin ang “YES”.

r) Matapos pindutin ang “YES”, may lalabas na mensahe sa VCM na “LOCK BACKUP MEMORY”at “LOCKING EXTERNAL MEMORY…”. May lalabas muli na mensahe sa VCM na “LOCKING EXTERNAL STORAGE DEVICE” at “THE BACKUP SD CARD IS LOCKED. PLEASE PRESS THE OK BUTTON TO SHUTDOWN THE SYSTEM”.

s) Pindutin ang “OK”. Matapos nito, ang VCM ay mamamatay (completely turned off).

t) Alisin ang SD card mula sa slot “A” ng VCM, ilagay ang card sa loob ng envelope na nakatalaga para dito at lagyan ng selyo. Ang backup na SD card ay hindi maaring alisin sa VCM, at ang takip ng slot “B” ay mananatiling nakasara.

PARA SA NATIONAL POSITIONS (President, Vice-President, Senators, Party List)

i. City o Municipal Board of Canvassers;

ii. Congress, direktasa Senate President;

iii. Commission;

iv. Citizens arm naawtorisado ng Comelec na magsagawa ng opisyal na bilang;

v. Dominant majority party na dinetermina ng Comelec;

vi. Dominant minority party na dinetermina ng Comelec;

vii. Ballot box

viii. Provincial Board of Canvassers

ix. Ten (10) accredited National parties,x. Two (2) accredited major local parties

xi. Four (4) national broadcast o print media entities

xii. Two (2) local broadcast o print media entities

xiii. Four (4) major citizens arm, kasama na ang accredited citizens arms at iba pang non-partisan groups o organization na nakatala sa Comelec

xiv. Isang kopya ay ipapaskilsadingdingnanasa malapit sa pook botohan.

PARA SA LOCAL POSITIONS: (Governor, Vice-Governor, Congressman, Bokal, Mayor, Vice-Mayor, Konsehal)

i. City or Municipal Board of Canvassers;

31

ii. Commission

iii. Provincial Board of Cavassers;

iv. Citizens arm na authorized ng Commission;

v. Dominant majority party;

vi. Dominant minority party;

vii. Isa ay ilalagay sa dingding na nasa loob ng pook botohan

viii. Ballot box

ix. Ten (10) accredited National parties,

x. Ten (10) accredited major local

xi. Five (5) national broadcast o pri

xii. Two (2) local broadcast o print media entities;

xiii. Three (3) major citizens arms, kasama na ang mga non partisan nakatala sa Comelec.

Pagkatapos ng pagpiprint ng election reports at pagtatransmit ng precinct results sa lahat ng pagbibigyan ng kopya, ang main menu ay awtomatikong lalabas sa VCM machine. Ipi-press ng operator ang SHUTDOWN na opsyon at ang VCM ay awtomatikong magsha-shutdown.

V. DISPOSISYON NG VCM, BALLOT BOXES, SUSI AT ELECTION RETURNS AT IBA PANG DOKUMENTO

Ano ang gagawin sa VCM, ballot boxes, susi, election returns, at mga dokumentong ginamit pagkatapos ng bilahgan at maihayag ang resulta ng naganap na eleksyon?

1. Ilalagay ng BEI sa loob ng ballot box ang selyadong ng envelope na naglalaman ng kopya ng printed ER para sa ballot box, kopya ng Minutes of Testing and Sealing, Voting and Counting of Votes na para sa kahon ng balota, kalahati ng hindi nagamit na balota at mga hindi tinanggapna balota ng VCM.

2. Isasara ang ballot box at ilalock ito sa pamamagitan ng isang serially numbered seal may steel wire at tatlong padlocks. Ang tatlong padlocks ay ilalagay sa isang nakahiwalay na sobre, at pipirmahan ito ng lahat ng miyembro ng BEI.

3. Alisin ang main memory sa VCM, ilagay ito sa envelope na nakalaan para dito at selyuhan. Lagyan-ito ng label na “TRANSMITTED” o “NOT TRANSMITTED” upang maipakita kung ang resulta ay nai-transmit na o hindi pa. Ilagay sa envelope ang clustered precinct number at city/municipality. Ang envelope na ito ay isusumite sa Reception and Custody Group ng City / Municipal Board of Canvasser. Ang memory card ay gagamitin ng Boards kung sakaling hindi nagging matagumpay ang transmisyon.

4. Ibalik ang VCM sa Support Technician ng voting center.

5. Dalhin ang ballot box kasama ang mga watchers sa city o municipal treasurer. Kung sakaling ang ballot box ay hindi naka-locked o hindi nakaselyo, ila-lock o seselyuhan ito ng treasurer.

6. Dalhin sa election officer ang Book of Voters, EDCVL, PCVL, tatlong (3) envelopes na naglalaman ng susi sa padlock ng ballot box na dadalhin sa Election Supervisor, Provincial Prosecutor at 4 Provincial Treasurer, Envelope (A

33

l1) na naglalaman ng Minutes para sa Commision, envelope (A l5) na naglalaman ng kalahating napunit na hindi nagamit na mga balota, listahan-ng mga botante na pinayagang makaboto pagkatapos ng alas sais ng gabi ng May 10, 2010, envelope na naglalaman ng Initialization Report, Precinct Audit log Report at Precinct Statistics reprit,envelopes na naglalaman ng kopya ng election returns para sa Provincial Board of Canvassers, Regional Board of Canvassers at COMELEC at iba pang dokumento at papeles.

TANDAAN:

Manatili sa lugar na itinalaga para sa mga watchers. Pumili ng posisyon kung saan ay makikita mo palagi o sa lahat ng panahon ang lahat ng mga ginagawa ng BEI, partikular na ang pagbibigay ng balota sa mga bumoboto.

Huwag umalis sa lugar ng pook botohan nang walang kahalili, kapalit o karelyebo;

Magpasa ng challenge o protesta kung kinakailangan sa pamamagitan ng Challenge Form o Protest Form at tiyakin na ito ay matatala sa Minutes.

Humingi ng certification na pagsasampa ng protesta o challenge, at ang naging resolusyon ng BEI dito;

Tawagin ang pansin ng BEI sa anumang aksyon nito na hindi naayon sa batas o utos ng COMELEC;

Hingin sa BEI na paalisin ang mga taong walang karapatan manatili sa loob ng presinto/pook ng botohan;

Bantayan at subaybayan ang bilang ng mga taong nakaboto na at hindi pa nakakaboto;

Tiyakin na ang lahat ng mga taong nakaboto na ay malalagyan na indelible ink, sa kuko ng kanang hintuturo;

Gumawa ng karampatang "report" o "ulat" ng mga iregularidad, paglabag sa batas at hindi pangkaraniwang pangyayari sa loob ng presinto kung saan naka-assign at sa nakapaligid na lugar, at ipagbigay alam kaagad ito sa lider o coordinator ng partido o kandidato.

35

PollwatchersGabay saPARA SA MAY 9, 2016 NATIONAL, LOCAL & ARMM

REGIONAL ELECTIONS

May 9, 2016 ELECTION

37