cpp.phbilhing bakuna. "wala akong pakia-lam" ang sabi ni duterte sa mga lo-kal na...

10
EDITORYAL Halos isang buwan mula nang simulan ang malawakang pagbaba- kuna sa iba't ibang panig ng mundo, wala pang isinasagawang hakbangin ang gubyernong Duterte para tiya- king mapoproteksyunan ang mala- king bahagi ng populasyon ng Pilipi- nas sa Covid-19. Katunayan, walang balak ang gubyerno ni Duterte na manguna sa ganitong malawakang pagbabaku- na. Sa badyet ng 2021, naglaan la- mang ito ng mahigit dalawang por- syento (2.7%) ng tinatayang gagas- tusing 72 bilyon para bakunahan ang 60% ng populasyon. Ang iba ay uutangin nito sa World Bank at Asian Development Bank. Inoobliga nito ngayon ang ilang malalaking kapitalista na i-"donate" ang kalahati ng kani-kanilang bi- bilhing bakuna. "Wala akong pakia- lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo- kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang isama ang pambansang gubyerno sa mga pakikipag-areglo. Ang mga lokal na gubyernong ku- lang ang pondo ay tiyak na huli ring makakukuha ng bakuna. Kulang na kulang ang planong bilhin para sa libreng pagbabakuna. Aabot lamang sa 42 milyong dosis ang diumano'y nakontratang bilhin na ng pambansang gubyerno (Sinovac), mga LGU at pribadong kumpanya (AstraZeneca). Kahit lahat ito'y ipamahagi, sapat lang ito sa 21 milyon o 19% ng 110 milyong Pilipino, malayo sa rekomendadong 60% mabakunahan. May ilang milyon ding papasok na gawa ng Moderna, Novavax, Pfizer para sa A ng lubhang nahuhuli at kakulangan ng suplay ng bakuna sa Covid-19 ang pinakahuli sa animo'y walang katapusang kapalpakan, pagpapa- baya at korapsyon ng rehimeng Duterte sa pagharap nito sa pan- demyang Covid-19. mga gustong bumili. Umaalingasaw ang katiwalian sa pagbili ng bakuna. Noong Setyembre pa nagpahayag ng pagpabor si Du- terte ng pagbili ng bakuna mula sa China at Russia. Ilang buwan na ang mga sikretong negosasyon. Nag- unahan ang mga upisyal ni Duterte sa pagsara ng mga kontrata hang- gang kinontrol niya ito sa paghirang sa isang "hari ng bakuna," na nag- anunsyo kamakailan na selyado na ang kontrata sa pagbili ng bakuna na gawa ng kumpanyang Sinovac ng China, kahit pa hindi klaro ang pre- syo nito o maging kung gaano ito kaepektibo. Malaking halaga ang pi- naniniwalaang ibinulsang kikbak ni Duterte at mga upisyal ng gubyerno. Kilala ang Sinovac sa buong mundo sa panunuhol. Ayon sa anunsyo ng mga upisyal ni Duterte, katapusan ng Pebrero ang pinakamaagang pagdating ng mga bakuna. Pero bago pa nito, na- kapag-iniksyon na ang malalapit na tauhan ni Duterte, kabilang ang

Upload: others

Post on 22-Jan-2021

6 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo LI I Blg. 2

Enero 21, 2021

www.cpp.ph

EDITORYAL

Halos isang buwan mula nangsimulan ang malawakang pagbaba-kuna sa iba't ibang panig ng mundo,wala pang isinasagawang hakbanginang gubyernong Duterte para tiya-king mapoproteksyunan ang mala-king bahagi ng populasyon ng Pilipi-nas sa Covid-19.

Katunayan, walang balak anggubyerno ni Duterte na manguna saganitong malawakang pagbabaku-na. Sa badyet ng 2021, naglaan la-mang ito ng mahigit dalawang por-syento (2.7%) ng tinatayang gagas-tusing ₱72 bilyon para bakunahanang 60% ng populasyon. Ang iba ayuutangin nito sa World Bank atAsian Development Bank.

Inoobliga nito ngayon ang ilangmalalaking kapitalista na i-"donate"ang kalahati ng kani-kanilang bi-bilhing bakuna. "Wala akong pakia-

lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanyana sa pagbili ng bakuna sa mgakumpanyang parmasyutika, peroinoobligang isama ang pambansanggubyerno sa mga pakikipag-areglo.Ang mga lokal na gubyernong ku-lang ang pondo ay tiyak na huli ringmakakukuha ng bakuna.

Kulang na kulang ang planongbilhin para sa libreng pagbabakuna.Aabot lamang sa 42 milyong dosisang diumano'y nakontratang bilhinna ng pambansang gubyerno(Sinovac), mga LGU at pribadongkumpanya (AstraZeneca). Kahitlahat ito'y ipamahagi, sapat lang itosa 21 milyon o 19% ng 110 milyongPilipino, malayo sa rekomendadong60% mabakunahan. May ilangmilyon ding papasok na gawa ngModerna, Novavax, Pfizer para sa

Ipaglaban ang libre at ligtasna bakuna sa Covid-19

Ang lubhang nahuhuli at kakulangan ng suplay ng bakuna sa Covid-19ang pinakahuli sa animo'y walang katapusang kapalpakan, pagpapa-baya at korapsyon ng rehimeng Duterte sa pagharap nito sa pan-

demyang Covid-19.

mga gustong bumili.Umaalingasaw ang katiwalian sa

pagbili ng bakuna. Noong Setyembrepa nagpahayag ng pagpabor si Du-terte ng pagbili ng bakuna mula saChina at Russia. Ilang buwan na angmga sikretong negosasyon. Nag-unahan ang mga upisyal ni Dutertesa pagsara ng mga kontrata hang-gang kinontrol niya ito sa paghirangsa isang "hari ng bakuna," na nag-anunsyo kamakailan na selyado naang kontrata sa pagbili ng bakuna nagawa ng kumpanyang Sinovac ngChina, kahit pa hindi klaro ang pre-syo nito o maging kung gaano itokaepektibo. Malaking halaga ang pi-naniniwalaang ibinulsang kikbak niDuterte at mga upisyal ng gubyerno.Kilala ang Sinovac sa buong mundosa panunuhol.

Ayon sa anunsyo ng mga upisyalni Duterte, katapusan ng Pebreroang pinakamaagang pagdating ngmga bakuna. Pero bago pa nito, na-kapag-iniksyon na ang malalapit natauhan ni Duterte, kabilang ang

Page 2: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

Enero 21 , 2021 ANG BAYAN2

Tomo LI I Blg. 2 | Enero 21, 2021

NilalamanANG

instagram.com/prwcnewsroom

@prwc_info

[email protected]

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loco,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

mga sundalong personal niyangbantay, na labis na ikinagalit ngmga manggagawang pangkalusuganna dapat ay prayoridad na mabaku-nahan. Napabalita rin ang iligal napagpasok ng bakuna mula sa Chinapara iniksyunan ang 100,000 mang-gagawang Chinese sa mga POGO.

Tumatampok ngayon sa Pilipinasat buong mundo kung papaanonghawak ng iilang monopolyong kapi-talista ang pagpapaunlad ng mgabakuna. Pinauunlad at minamanu-paktura ito hindi para sa interes ngsangkatauhan kundi para kumamkamng tubo. Ang pandemyang Covid-19ay sinasamantala ng mga higantengkumpanya sa parmasyutika na nga-yon ay nag-uunahang kontrolin angmalaking bahagi ng pamilihan. Wa-lang pagtutulungan, bagkus naglili-himan at nagkukumpetisyon ang mgakumpanyang ito. Isinisikreto ng mgaito ang pananaliksik at kaalamantungkol sa pagpapaunlad ng bakuna.Inililihim din ang negosasyon sa ben-tahan para maibenta ito sa pinaka-mataas na presyo.

Ang Pilipinas ay walang kapasi-dad na magpaunlad o magmanupak-

tura ng sariling bakuna o mahahala-gang gamot, liban sa paracetamol.Sa ilalim ni Duterte, lalo pang bina-wasan ang badyet para sa panana-liksik. Kaya pagdating sa bakuna saCovid-19, hawak ng mga monopol-yong kapitalista at dayong gubyernoang mga Pilipino sa leeg. Kasosyonila ang mga lokal na malalaking ka-pitalista at kasabwat ang mga bu-rukrata-kapitalista sa gubyerno.

Sa harap ng pandemyang Covid-19 na nakahawa na sa mahigit ka-lahating milyong Pilipino, at mahigit95 milyon sa buong mundo, at iki-namatay ng mahigit 2 milyong ka-tao, puspusan ang pagsisikap ngiba't ibang bansa na isakatuparanang malawakang programa ng pag-babakuna. Nangunguna ang mgakapitalistang bansa tulad ng UnitedKingdom, United States, Japan,China, Canada, New Zealand, Aus-tralia, Singapore at iba pa sa pag-bili ng sobra-sobrang bakuna parasa kanilang mamamayan. Magingang di maunlad na bansa tulad ngCuba, India, Vietnam, Iran at ibapa. ay nakapagpaunlad ng sarili ni-lang bakuna at magsasagawa ng

libreng pamamahagi nito.Hinihikayat ng Partido ang lahat

ng Pilipino na magpabakuna kontra saCovid-19. Ito ay para sa kalusugan ngmga indibidwal at ng buong lipunan.Ang malawakang pagpapabakuna ngpopulasyon ay isa sa susing hakba-ngin upang mapigilan ang pagkalat ngCovid-19. Kasabay nito, dapat res-petuhin ang pasya ng mga indibidwalbatay sa kanilang pinanghahawakangmga paniniwala.

Dapat isagawa ng lahat ng re-bolusyonaryong pwersa ang mala-wakang pagpapaunawa at pagtataasng kaalaman ng mamamayan tungkolsa bakuna upang pawiin ang pa-ngamba o maling paniniwala kaug-nay nito. Dapat tulungan ang lahatna unawain ang kahalagahan ng ba-kuna.

Kailangang igiit ang pagsasa-publiko ng mga pananaliksik sa pag-papaunlad ng mga bakuna kontra saCovid-19. Ito ay upang magkaroonng matatag na batayan ang mga taosa pagpili ng bakunang gusto nilangipa-iniksyon sa kanilang katawan.

Dapat ipaglaban ng sambaya-nang Pilipino ang libreng pagbaba-kuna sa Covid-19. Kailangan igiitang obligasyon ng estado na tiya-king mayroong libre at ligtas nabakuna para sa lahat ng nais mag-pabakuna. Ilantad at batikusin angkakulangan sa badyet at ang ko-rapsyon ng mga upisyal ng gubyer-no sa mga sikretong negosasyon sapagbili ng bakuna.

Kasabay nito, dapat patuloy naipaglaban ang libreng testing at lib-reng pagpapagamot sa Covid-19.Dapat patuloy na itulak ng sambaya-nan ang pagpapalakas sa pampubli-kong sistemang pangkalusugan. Da-pat itaas ang badyet para sa pagpa-paunlad ng mga pampublikong ospi-tal, pag-eempleyo ng mas maramingnars at manggagawang pangkalusu-gan at pagtataas ng kanilang sahod.

Ang pagbabakuna ay mahala-gang bahagi ng pagkontrol sa pag-kalat ng nakahahawang sakit. Ma-raming mga sakit ang napawi o na-kontrol sa pamamagitan ng bakuna.Isa ito sa mahalagang siyentipikongsandata ng sangkatauhan.

Editoryal: Ipaglaban ang libre at ligtas na

bakuna sa Covid-19 1

Datos ng mga bakunang gagamitin sa Pilipinas 3

Protesta laban sa pagbasura sa UP-DND Accord 3

Economic cha-cha, pagtatraydor 4

Mga berdugong sundalo, inambus ng BHB 5

Helikopter ng Solcom, inisnayp ng BHB 5

Kampanyang rekrutment sa Bicol 6

Suplay ng gulay, kukulangin na rin 6

Sobrang pagtaas sa presyo ng karneng baboy 7

Bangkay ng unyonista, ipinagkait sa pamilya 8

Sa madaling salita 9

Krisis sa pulitika sa huling araw ni Trump 10

Page 3: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

ANG BAYAN Enero 21 , 2021 3

NOONG ENERO 18, tinatayang nasa 42.2 milyong dosis naang nabakunahan sa 51 bansa. Tinatayang nasa abereydsna 2.43 milyong dosis naman ang naituturok kada araw.Aabot naman sa 8.33 bilyong dosis ang ipinareserba na ngpinakamalalaking kapitalistang bansa. Kabilang ang Pilipi-nas sa mga bansang kinakailangan pang maghintay hang-gang sa susunod na taon para mapunan ang pangangaila-ngan sa bakuna.

Sa ngayon, limitado pa ang impormasyon kaugnay sabisa ng mga bakuna. Sa isang banda, ito ay dahil sa kum-petisyon at paglilihiman ng monopolyong mga kumpanya saparmasyutika. Sa kabilang banda, dulot ito ng kakagyatanng sitwasyon kung saan kailangan nang ilabas ang mga ba-kuna sa pinakamaagang panahon. Sa nakaraan, umaabot satatlong taon ang pananaliksik at pagpapaunlad ng bakunabago ito pahintulutang gamitin sa pangkalahatang publiko.Ang mga bakuna laban sa Covid-19 ay isinalang sa testingnang halos anim na buwan lamang.

Ayon sa tagapagsalita ng rehimen noong Enero 18,nakapagpareserba pa lamang ang Pilipinas ng 25 milyongdosis mula sa Sinovac, 17 milyong dosis mula sa AstraZeneca,10 milyong dosis sa Moderna, at 30 milyong dosis sa Covovax.Karamihan sa mga ito ay wala pang badyet pambili at hindialam kung kailan darating sa Pilipinas.

Sa ngayon, hindi bababa sa 21 malalaking syudad saPilipinas ang nagsabing maglalaan sila ng sariling pondopambakuna sa kani-kanilang mga residente.

Datos kaugnay sa mga bakunang

planong gamitin sa Pilipinas

SANGGUNIAN:

Kumpanya/Institusyon Bisa

Temperatura ng imbakan Presyo

CoronaVac (China)Sinovac Life Sciences

50.4%-91.25%

2-8°C

₱680-₱1,487.5

AZD1222 (UK)AstraZeneca-University of Oxford

70%

2-8°C

₱305

BNT162b2 (US)Pfizer at BioNTech

95%

-70°C

₱1,180

mRNA-1273 (US)Moderna at US National

Institutes of Health

94.1%

2-8°C

₱1,952-₱2,252

Sputnik V (Russia)Gamaleya Research Institute of

Epidemiology and Microbiology

92%

2-8°C

₱560

Covovax (US)Novavax

2-8°C

₱183

NOTA: Kalakhan ng presyo ay batay sa inilabas ng World

Health Organization at Center for Disease Control ng US.

May ilang pagkakaiba ito sa mga presyo na unang lumabas

sa pagdinig ng Senado.

Protesta laban sa pagbasura

sa UP-DND Accord

HIGIT 200 ANG nagtipon sa University of the Philippines(UP)-Diliman, Quezon City noong Enero 19. Kinundena nilaang unilateral na pagwawakas ni Department of NationalDefense (DND) Sec. Delfin Lorenzana sa kasunduang UP-DND na nagbabawal sa pagpasok ng pulis at militar sakampus nang walang paalam.

Layunin ng maniobrang ito na pahintulutan ang militarna manghimasok sa UP na dati nang pinag-initan ngrehimen. Nilalabag nito ang kalayaan sa akademya atinaapakan ang demokratikong espasyo ng unibersidad.Habang walang laman ang kampus dulot ng ipinatutupad naonline learning, malayang makakapaglabas-masok ang mgasundalo sa lugar. Katunayan, walang kaabog-abog na pu-masok ang militar sa UP sa sumunod na araw.

Pinuntirya na rin ng alipures ni Duterte sa kongreso angpagpapabasura sa kaparehong kasunduan sa pagitan ngPolytechnic University of the Philippines at DND.

Upang labanan ito, dapat matapang na depensahan ngmga estudyante ang kampus sa pamamagitan ng pagtitipondito para ipamalas ang kanilang pagtutol.

Page 4: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

Enero 21 , 2021 ANG BAYAN4

libreng pamamahagi nito.Hinihikayat ng Partido ang lahat

ng Pilipino na magpabakuna kontra saCovid-19. Ito ay para sa kalusugan ngmga indibidwal at ng buong lipunan.Ang malawakang pagpapabakuna ngpopulasyon ay isa sa susing hakba-ngin upang mapigilan ang pagkalat ngCovid-19. Kasabay nito, dapat res-petuhin ang pasya ng mga indibidwalbatay sa kanilang pinanghahawakangmga paniniwala.

Dapat isagawa ng lahat ng re-bolusyonaryong pwersa ang mala-wakang pagpapaunawa at pagtataasng kaalaman ng mamamayan tungkolsa bakuna upang pawiin ang pa-ngamba o maling paniniwala kaug-nay nito. Dapat tulungan ang lahatna unawain ang kahalagahan ng ba-kuna.

Kailangang igiit ang pagsasa-publiko ng mga pananaliksik sa pag-papaunlad ng mga bakuna kontra saCovid-19. Ito ay upang magkaroonng matatag na batayan ang mga taosa pagpili ng bakunang gusto nilangipa-iniksyon sa kanilang katawan.

Dapat ipaglaban ng sambaya-nang Pilipino ang libreng pagbaba-kuna sa Covid-19. Kailangan igiitang obligasyon ng estado na tiya-king mayroong libre at ligtas nabakuna para sa lahat ng nais mag-pabakuna. Ilantad at batikusin angkakulangan sa badyet at ang ko-rapsyon ng mga upisyal ng gubyer-no sa mga sikretong negosasyon sapagbili ng bakuna.

Kasabay nito, dapat patuloy naipaglaban ang libreng testing at lib-reng pagpapagamot sa Covid-19.Dapat patuloy na itulak ng sambaya-nan ang pagpapalakas sa pampubli-kong sistemang pangkalusugan. Da-pat itaas ang badyet para sa pagpa-paunlad ng mga pampublikong ospi-tal, pag-eempleyo ng mas maramingnars at manggagawang pangkalusu-gan at pagtataas ng kanilang sahod.

Ang pagbabakuna ay mahala-gang bahagi ng pagkontrol sa pag-kalat ng nakahahawang sakit. Ma-raming mga sakit ang napawi o na-kontrol sa pamamagitan ng bakuna.Isa ito sa mahalagang siyentipikongsandata ng sangkatauhan.

Muling pinaarangkada ng mga kampon ni Rodrigo Duterte sa Senado atKongreso ang pakanang charter change o pagbabago ng Konstitusyong

1987 pagpasok ng 2021.

Sa Mababang Kapulungan, sini-mulan na noong Enero 13 ang pagdi-nig ng komite para sa pag-amyendasa konstitusyon sa Resolution of BothHouses No. 2 (RBH2) sa tulak niHouse Speaker Lord Allan Velasco. SiVelasco ang awtor ng naturang pa-nukala na tinaguriang "one-line-cha-cha" o isang linyang charter change.Laman nito ang pagsisingit ng mgasalitang “unless otherwise providedby law” (liban kung may nakasaad sabatas) sa mga seksyon sa Kontitu-syon na naglilimita sa dayuhang pag-mamay-ari sa lupa, likas na yaman,pampublikong yutilidad, intitusyongpang-edukasyon, midya at adverti-sing. Kung mapagtibay ang gayongpagbabago, maaaring baguhin otanggalin ng Kongreso sa hinaharapang naturang mga probisyon sa pa-mamagitan ng pagpasa ng mga bataskaugnay dito. Target nito ang mgaseksyon na pumapatungkol sa pam-bansang patrimonya at ekonomya;edukasyon, syensya at teknolohiya,arte, kultura at isports; at mgapangkalahatang probisyon. Pangu-nahing layunin nito na itodo ang libe-ralisasyon na magbibigay ng pahin-tulot sa mga dayuhan na 100% namagmay-ari ng lupa at mahahala-gang negosyo na sa ngayon ay inire-reserba sa mga Pilipino.

Giit ni Velasco, ang pagpapa-tupad ng cha-cha na ito ay upangmakabangon ang bansa mula sapandemya sa pamamagitan ng pag-

akit sa dayuhang pamumuhunan.Pero ayon sa mga pag-aaral, hindidayuhang puhunan ang kailangan ngbansa kundi malaki-laking alokasyonupang subsidyuhan ang nagigipit namga empresa at mamamayan paramuling pasikarin ang ekonomya.

Dambuhalang kita, at hindipagpapaunlad ng ekonomya angpakay ng mga dayuhang kapitalistasa Pilipinas. Ayon sa Ibon Founda-tion, tuluy-tuloy at papalaki angpumasok na dayuhang kapital sabansa mula pa dekada 1980 sa ka-bila ng mga restriksyon sa konstitu-syon. Mula abereyds na $187 milyonnoong dekada 1980, nasa $6.3bilyon na ito sa 2015-2019.

Sinaid lamang ng mga dayuhangkumpanya ang rekurso ng bansa atpinakinabangan ang murang lakas-paggawa ng mga Pilipino para mag-kamal ng dambuhalang kita. Hindinaging instrumento ang dayuhangkapital para palaguin ang ekonomyaat paunlarin ito para makatayo sasariling paa. Litaw na litaw ito sapanahon ng pandemya kung saanwalang kakayahang magmanupak-tura ng batayang pangangailangangmedikal ang bansa. Nakaasa angmga Pilipino at mga manggagawanito sa suplay, pagpepresyo at kap-ritso ng dayuhang mga kumpanya sabatayang mga kagamitang medikalat gamot. Wala silang magawa kun-di maghintay na maambunan ng ba-kuna.

Sa Senado, ibinunyag ni Sen.Tito Sotto na kinausap siya ni Du-terte noong Nobyembre 2020 nabuhayin ang charter change parasipain ang mga progresibong parti-do sa Kongreso sa pamamagitan ngpagbabasura sa sistemang party-listat itulak ang mga amyenda sa mgaprobisyon sa ekonomya. Mayroonnang inihapag ang dalawa niyangalipures na senador na panukalangpagbubuo ng constituent assemblypara sa “limitadong mga amyenda"noon pang Disyembre 2020.

Binatikos ng Partido ang eco-nomic cha-cha at pagpapalabas nahindi ito kasing-sama ng nagdaangmga cha-cha na nakasentro sa mgaprobisyon sa pulitika. Anito, angdeklaradong layuning pagbibigay samga kapitalistang dayuhan ng ka-rapatang buong pagmay-arian anglupa, natural na yaman at mga ne-gosyo ay katumbas ng ganap nadayuhang pagkubabaw sa ekonom-ya. Sa gayon, nagtatraydor si HouseSpeaker Velasco at kanyang mgakasapakat sa pagsusulong ng buu-buong pagkolonya ng mga multina-syunal na korporasyon sa Pilipinas,sa pakikipagsabwatan sa mga lokalna kumpanya ng malalaking burge-syang kumprador.

Wala pang nakaupong rehimenghindi nagtangkang baguhin angKonstitusyong 1987 para tanggalinang nalalabing mga proteksyon saekonomya. Batayang patakaran ngsunud-sunod na mga burukrata-kapitalistang gubyerno, na nagsi-silbing ahente ng malalaking bur-gesyang kumprador, ang pag-akit samas maraming dayuhang pamumu-hunan sa pamamagitan ng liberali-sasyon.

Huling inilusot ng mga alipuresni Duterte ang cha-cha sa Kongresonoong Disyembre 2018 sa pangu-nguna ni dating House SpeakerGloria Macapagal-Arroyo. Hindi itopumasa sa Senado.

Economic cha-cha, pagtatraydorsa gitna ng pandemya

Page 5: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

ANG BAYAN Enero 21 , 2021 5

INAMBUS NG BAGONG Hukbong Bayan (BHB)-Abra (Agustin Begnalen Com-mand) ang mapang-abuso at berdugong mga sundalo ng 24th IB at 72ndDivision Reconnaissance Company noong Enero 4 sa Barangay Pacgued, Ma-libcong, Abra. Siyam ang napaslang sa opensiba kabilang ang platun lider nasi 2Lt. Zaldy D. Lapis, Jr..

Mabilis ang isinagawang sorpre-sang pag-atake ng yunit ng BHB samga sundalo. Isang buwang nang-halihaw at naglunsad ng nakapokusna operasyong militar sa mga komu-nidad ang naturang yunit. Inisnaypng BHB ang rumespondeng helikop-ter na walang patumanggang nag-istraping sa naturang lugar. Nag-paulan ng 23 bomba ang SuperTucano Bomber Plane na nangwasaksa mga taniman ng magsasaka atkagubatan mula Enero 5 hanggang7.

Talamak ang krimen ng 24th IBat 72nd DRC sa mamamayangAbreño. Kabilang dito ang pamama-ril sa anim na kabataang nangingis-da sa Barangay Lan-ag, Lacubnoong Pebrero 2020. Nakaligtas angmga biktima pero nagdulot ang pa-mamaril ng matinding takot sa mgaresidente. Isa sa mga biktima angtagapangulo ng Sangguniang Kaba-taan ng barangay. Pinalabas pa ngmga sundalo na mga kasapi umanong BHB ang naturang mgakabataan. Liban dito, notoryus angyunit sa pagnanakaw at pangraran-sak ng mga bahay ng sibilyan.

Mula 2018 hanggang 2019, wa-

lang tigil ang panggigipit at pana-nakot ng 24th IB sa mga kasapi atlider ng Kakailian Salakniban TayAmin a Nagtaudan, lokal na bala-ngay ng Cordillera People's Alliancesa Abra.

Negros. Labing-tatlong sundalong 62nd IB ang napaslang sapananambang ng isang yunit ngBHB-Central Negros noong Enero10. Pinasabugan ng mga Pulangmandirigma ang mga sundalo saSityo Batong-buang, Barangay Tri-nidad, Guihulngan, Negros Oriental.

Higit isang linggo nang nanana-lasa ang operasyong militar ng 62ndIB sa komunidad. Pinasingungali-ngan ni Ka JB Regalado, tagapagsa-lita ng naturang yunit ng BHB, angpahayag ng militar na may isa pangengkwentrong naganap noong ha-pon ng parehong araw. "Isa itongmisengkwentro sa pagitan ng pwer-sa ng 62nd IB at mga CAFGU," ayonpa sa kanya. Kontra-aksyon angopensiba sa mga atake at panggigi-pit ng rehimeng Duterte sa mama-mayang Negrense.

Albay. Tatlong maiiksing armasang nasamsam ng BHB-Albay (San-tos Binamera Command) sa pana-

nambang nito sa 31st IB noongumaga ng Enero 17 sa BarangayBanquerohan, Legazpi City. Tatlongsundalo ang napatay.

Rizal. Dalawang beses nainambus ng BHB-Rizal ang isangplatun ng pinagsanib na tropa ng80th IB at Philippine National Po-lice-Rizal sa Sityo Dapis, BarangayPuray, Rodriguez noong Enero 4.Isa ang napatay at maraming su-gatan sa mga sundalo.

Panay. Tatlong armadongopensiba ang inilunsad ng mga Pu-lang mandirigma noong Disyembre2020. Dalawang beses na inambusng BHB-Capiz ang nag-ooperasyongtropa ng 12th IB sa Barangay Buri,Tapaz, Capiz noong Disyembre 9.Samantala, pinasabugan ng BHB-Iloilo ang mobil ng pulis sa Bara-ngay Balicuas, Tubungan, Iloilonoong Disyembre 16. Isa ang na-paslang at walo ang sugatangsundalo sa mga opensiba.

Mga berdugong sundalo sa Abra, inambus ng BHB

NAITABOY NG ISANG yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Mindoro (Lucio deGuzman Command) ang papalapag na helikopter na S70i BlackHawk ngArmed Forces of the Philippines matapos itong paputukan sa San Jose, Occi-dental Mindoro noong Enero 9.

Palapag na sana ang naturanghelikopter sa Sityo Mantay, Bara-ngay Monte Claro para ihatid angmga upisyal ng AFP Southern LuzonCommand. Pangangasiwaan ng na-turang mga upisyal, kasama si AFPSolcom Chief Lt. General AntonioParlade, Jr. ang programa ng sapi-

litang pagpapasuko sa mga resi-dente.

Napilitan sina Parlade na mag-lakad na lamang tungo sa susunodna baryo habang napapalibutan ngmga sundalo para makaalis sa lugar.

Samantala, isang helikopter naHuey (UH-IH) ng AFP ang bumagsak

Helikopter ng Solcom, inisnayp ng BHB-Mindoro

sa Sityo Nahigit, Barangay Bulonay,Impasug-ong, Bukidnon noong Enero16. Anim na beses nagpabalik-balikang naturang helikopter na nagsa-gawa ng pagmomonitor at nagdede-liber ng suplay sa nag-ooperasyongmga sundalo sa mga hangganan ngMisamis Oriental, Agusan del Sur atBukidnon. Dahil dito, ipinag-utos ngDepartmet of National Defense angpansamantalang pagpapatigil sapaggamit ng mga Huey na helikop-ter.

Page 6: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

Enero 21 , 2021 ANG BAYAN6

Kampanyang rekrutmentsa Bicol

Para ikampanya ang pagpapapultaym sa Bagong Hukbong Bayan, nagingsusi ang dedikasyon ng mga kagawad ng sangay ng Partido sa Baryo Hi-

gos sa Bicol.

Upang makatugon sa target namag-ambag ng 10 bagong rekrut,itinakda sa bawat kagawad ng sa-ngay ang pagrekomenda ng maaa-ring mapapultaym, pangunahin mulasa kabataan. Kabilang sa mga bata-yan ang edad, rekord ng pagkatao,pagiging kasapi ng organisasyon atinabot na edukasyon, mga magulangat kapamilya at kahandaan sa pagi-ging kasapi ng hukbo.

Tuluy-tuloy na pagpapaliwanagang ginawa ng sangay sa mgainteresadong sumapi sa hukbo. Ha-los araw-araw silang pinupuntahansa kanilang bahay at kasabay nakinakausap ang pamilya. Tumutu-long din sa produksyon ang sangayat doon lalong ipinauunawa sakanila ang ugat ng kanilangpaghihirap sa araw-araw. “Ipinalili-wanag namin na walang ibang solu-syon sa krisis kundi ang pagkakai-sa’t paglaban, at ang armadongporma nito ang pinakawasto atangkop,” sambit ni Ka Mario, isangkagawad ng sangay.

Liban sa mga pag-aaral sa loobng mga organisasyong masa, bini-bigyan din ang mga target pasam-pahin ng pag-aaral sa RegulasyongMilitar. Ipinauunawa sa kanila ang

kahalagahan ng buong-panahongpagseserbisyo sa hukbo at kahan-daang maitalaga saanman kakaila-nganin.

Resulta ng pagsisikap ng sa-ngay, matagumpay na nakapagpa-pultaym ng pitong mandirigma angBaryo Higos nitong nakaraang taon.Ilang kabataan ang nagpartaym din.“Mayroon pa kaming isang platunng milisya na mapanggagalingan ngmga bagong rekrut,” dagdag ng ka-sama.

Kahit mga Pulang mandirigmana ang kanilang mga kababaryo aypana-panahon pa rin silang kinuku-musta ng sangay. Katuwang rin angsangay sa pagbigay-atensyon samga alalahanin ng naiwang mgapamilya.

Motibasyon din sa mga nire-rekrut ang nakikitang mahusay nahalimbawa ng mga kagawad ng sa-ngay. “Kung nais naming makapag-papultaym, dapat kumilos din ka-ming pultaym sa baryo. Natutunannaming tiyakin na maglaan ng pa-nahon sa bawat araw upang bigyangatensyon ang mga problema, interesat pangangailangan ng aming mgakababaryo,” pagtatapos ni Ka Ma-rio.

Suplay ng gulay,

kukulangin na rin

SA HARAP NG nagtataasangpresyo ng gulay, walang planoang Department of Agriculturena palakasin ang produksyonnito sa bansa. Ito mismo angnag-anunsyo sa posibilidad namagkararanas ang bansa ng79 araw na kakulangan ng gu-lay ngayong taon. Tinatayangaabot sa 434,841 metriko-to-nelada (MT) ang kukulangin,katumbas ng konsumo ng mgaPilipino sa loob ng dalawa atkalahating buwan.

Noon pang nakaraangtaon inirereklamo ng mga ma-mimili ang pagsirit ng mgapresyo ng gulay na dulot ngkakulangan ng suplay. Tinata-yang tumaas nang 60% angmga presyo ng gulay sa pang-kalahatan mula pa Nob-yembre. May mga gulay nahalos doble ang itinaas angpresyo.

Imbes na resolbahin angkakulangan sa lokal na suplay,mas inuna ng rehimen angpagpapalakas ng produksyonng mga produktong pang-eksport. Naglaan ito ng ₱360milyon para sa ProductivityEnhancement Project, isangproyekto para sa pagpapaun-lad ng produksyon ng pang-eksport na mga pananim gayang saging, kawayan, manggaat sibuyas. Pinakamalaki anginilaan para sa saging (₱220milyon). Pawang mga malala-king prodyuser na nakare-histro sa Security ExchangeCommission ang maaaringmakinabang dito at hindi angmaliitang mga magsasaka. Sakabilang banda, naglaan la-mang ito ng tig-₱3,000 ayu-dang pera at ₱2,000 ayudangpagkain sa tinatayang 900,000libong magsasaka para sabuong taon o katumbas ng ka-karampot na ₱8 kada araw.

Page 7: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

ANG BAYAN Enero 21 , 2021 7

Marami ang nagalit sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mgaproduktong pagkain, laluna ng karneng baboy, sa Luzon

mula pa noong Disyembre 2020. Sa pinakahuling ulat ng De-partment of Agriculture (DA), tinatayang pumalo na sa ₱380hanggang ₱420 kada kilo ang presyo ng liempo sa Metro Manila,habang ₱320 hanggang ₱380 naman ang sa kasim. Malayung-ma-layo ito sa itinakdang suggested retail price ng DA na ₱290 at ₱260para sa naturang mga produkto.

Pinangangambahang papalo sa₱400 ang abereyds na presyo ngkarneng baboy sa darating na mgalinggo dahil sa nakaambang pagtigilng pagpapadala ng suplay ng baboysa Luzon mula Visayas. Haloskatumbas na ito ng arawang sahodng isang manggagawa.

Malaki ang epekto nito sa bayandahil ito ang pangunahing karne nakinokonsumo ng mga Pilipino. Saabereyds, tinatayang kumokonsumoang kada Pilipino ng 15.6 kilo ngkarneng baboy bawat taon, mas ma-taas sa pandaigdigang abereyds na14.2 kilo. Samantala, kumokonsumonaman ang bawat Pilipino ng 12.8kilo ng karneng manok, at 3.1 kilong karneng baka.

Dahil sa napakataas na presyong karneng baboy, maraming Pilipi-no ang natutulak ngayon na kumon-sumo na lamang ng ibang produk-tong karne. Pangunahing itinutu-rong dahilan sa pagtaas ng presyoang pagbagsak ng suplay ng baboydulot ng pagkalat ng pandemyangAfrican Swine Fever (ASF) sa bansa.Ang ASF ay isang bayrus na nakaha-hawa sa mga baboy. Wala pa itongbakuna. Lahat ng baboy na nahaha-wa nito ay namamatay. Para pigilanang pagkalat, pinapatay hindi la-mang ang mga baboy na nahawakundi pati ang mga kasama nito sababuyan o bakuran. Walang epektosa tao ang ASF.

Noon pang maagang bahagi ng2020 napag-alaman ng rehimen nababagsak ang produksyon ng kar-neng baboy nang minimum na 10%.Sa kabila nito, walang kagyat na

programa ang De-partment of Agriculture(DA) para apulain angpandemya at proteksyunan ang lo-kal na mga prodyuser. Wala rinitong inilaang sapat na pondo parasa mga apektadong magsasaka, la-luna sa maliitang mga magsasaka nanag-aalaga ng mga baboy sa kani-kanilang mga bakuran.

Matapos ang dalawang taongpananalasa ng bayrus, ngayon palamang nagpatupad ang DA ngprograma para sa pagpoprodyus ngmga test kit para sa ASF. Aabot sa₱10 milyon ang inilaan para sa pro-duksyon ng mga ito na nagkakaha-laga ng ₱45 kada isa. Ngayon palamang din ito naglaan ng kaka-rampot na ₱400 milyong pondo parasa muling pagpaparami ng mgababoy.

Sa ngayon, tinatayang mahigit431,000 baboy na ang pinatay sa Pi-lipinas mula nang kumalat ang bayrusnoong 2019. Pinakaapektado ang mganag-aalaga ng baboy sa Luzon, kungsaan nasa 4 hanggang 5 milyong ba-boy (53%-67% ng inaalagaan) anghindi na napakinabangan. Sa nakara-ang mga buwan, nasa 200,000 baboyna ang dinala sa Luzon mula sa Visa-yas (Cebu) at Mindanao (Gen. SantosCity) para punan ang kakulangan ngsuplay doon.

Sa halip na ibangon ang lokal naproduksyon, inianunsyo ng DA noongEnero 8 ang plano ng rehimen naipagpatuloy ang ganitong kalakaranng paglilipat ng suplay ng karne tu-ngong Luzon. Hindi nito mareresolbaang kakulangan sa suplay at posib-

Sobrang pagtaas sa presyong karneng baboy

leng magbunsod pa ng pagtaas ngpresyo sa mga eryang pinagkukunanng malakihang bolyum.

Mas masaklap pa, ginagamit ngahensya ang kakulangan ng suplaypara itodo ang importasyon hindilamang ng karneng baboy, kundipati ng karneng manok at baka.Noong nakaraang taon, nag-angkat ang bansa ng 895 milyongkilong karne, kalakhan (45%) aykarneng manok. Kumpara sa 2019,tumaas nang 18% ang bolyum nginangkat na manok sa 2020. Tu-maas din ang sa karneng baka(45%) at karneng kalabaw (10%).Kalakhan ng imported na karne ayginagamit sa pagprodyus ng mgapinrosesong produktong karne ga-ya ng delata, hotdog, corned beefat iba pa na tumaas ang demandsa panahon ng pandemya. Pinaka-malaking bahagi ng mga angkat aymula sa US.

Tulad sa nakaraan, dagdag naimportasyon ang sagot ng DA sakakulangan ng suplay ng karnengbaboy. Balak nitong triplehin angiaangkat na karneng baboy sa 2021,sa kabila nang napakamahal napresyo nito sa pandaigdigang pami-lihan.

Samantala, nagbabala na rinang mga mangingisda at mga ne-gosyante sa pagmamanukan ngposibilidad na pagtaas ng presyo ngkanilang mga produkto dulot ngpagbaling ngayon ng mga konsyumersa isda at karneng manok.

sa Sityo Nahigit, Barangay Bulonay,Impasug-ong, Bukidnon noong Enero16. Anim na beses nagpabalik-balikang naturang helikopter na nagsa-gawa ng pagmomonitor at nagdede-liber ng suplay sa nag-ooperasyongmga sundalo sa mga hangganan ngMisamis Oriental, Agusan del Sur atBukidnon. Dahil dito, ipinag-utos ngDepartmet of National Defense angpansamantalang pagpapatigil sapaggamit ng mga Huey na helikop-ter.

Page 8: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

Enero 21 , 2021 ANG BAYAN8

UMABOT SA MAHIGIT tatlong linggo bago ibinigay sa pamilya angbangkay ni Vilma Salabao, unyonista na kabilang sa minasaker ng pulis atmga tauhan ng 2nd ID sa isang manggahan sa Sityo Malalim, BarangaySan Jose, Baras, Rizal noong Disyembre 17, 2020.

Kabilang din sa mga biktima sa naturang masaker sina CarlitoZonio, tagapangalaga at punong upisyal sa seguridad ng manggahan;magpinsan na sina Jonathan at Niño Alberga, mga gwardya; at siWesley Obmerga. Si Obmerga ay may tuberkulosis at sakit sa bato,samantalang may kanser si Salabao. Tinagurian ang mga biktima bi-lang Baras 5.

Sa imbestigasyon ng Karapatan-Southern Tagalog, nakitaan ng mgapalatandaan ng matinding tortyur ang mga bangkay ng mga biktima.

Matapos ang karumal-dumal na krimen, nagtanim ng mga ebiden-syang baril at pasabog ang mga pasista upang palabasing mga kasapi silang Bagong Hukbong Bayan (BHB). Unang ibinalita ng 2nd ID sa pamu-muno ni Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. na umano’y mga kolektor ng rebo-lusyonaryong buwis ang kanilang mga biktima, at napatay nang manla-ban. Makalipas ang ilang linggo, sinabi naman ni Sec. Eduardo Año ngDepartment of Local and Interior Government na mga partisano umanoang mga biktima.

Pamamaslang. Pinatay ng Philippine National Police (PNP)-Camari-nes Sur si Aldren Lagdaan Enriquez, aktibong myembro ng Camarines SurPeople's Organization na pinaratangang myembro ng BHB noong Enero 6sa Barangay Sagrada, Iriga City. Pinasok ng 30 pulis ang kanyang bahayat walang awa siyang binaril sa harap ng kanyang dalawang batanganak.

Pinatay din ng PNP-Region 5 si Eddie Barcoma Belludo ng SityoCamenorial, Barangay Banquerohan, Legazpi City noong Enero 11.Pinaratangan siyang myembro ng hukbong bayan at tinamnan ngebidensyang baril at pasabog.

Panggigipit. Sinampahan ng gawa-gawang kasong pagpatay si Win-del Bolinget, tagapangulo ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) batay saparatang ng isang pulis sa Tagum City, Davao Del Norte. Pinaratangansiya at siyam pang indibidwal sa pagpatay kay Garito Tiklonay Malibato,myembro ng grupong Lumad na Karadyawan, noong Marso 2018. Si Ma-libato ay pinatay ng paramilitar na Alamara.

Iligal na pag-aresto. Inaresto sina Ruel Custodio at RubenEstocado, parehong magniniyog na myembro ng Coco Levy Funds IbalikSa Amin, ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at sundalo ng 201stIBde sa Barangay Zone 3, Poblacion, Atimonan, Quezon noong Disye-mbre 26. Inakusahan silang mga myembro ng BHB at tinamnan ng mgabaril at pasabog. Hindi sila pinahintulutang madalaw ng kanilang mgapamilya.

Pagdukot. Hindi pa rin inililitaw ang magsasakang si Anselma Garde,31, mula nang siya ay dukutin ng 62nd IB noong Enero 17 sa SityoBatong-Buang, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.

Sa parehong araw, kinanyon at binomba ng militar ang bukiring bahaging mga barangay ng Sandayao, Trinidad, Binobohan, Imelda at Tacpao saparehong bayan. Nagresulta ito sa pagbabakwit ng nasa 100 pamilya.

Bangkay ng pinatay na unyonista,

ipinagkait sa pamilya

Panay. Noong Enero 7, sapilitang

pinabalik ni Meyor Roberto Palomar ng

Tapaz, Capiz ang may 500 pamilyang

Tumandok na nagbakwit matapos

arestuhin at patayin ng mga pulis ang

kanilang mga lider noong Disyembre

30, 2020. Sa inisyal na ulat may 300 din

na ang sapilitang pinasurender ng AFP

sa Tapaz.

Caloocan City. Daan­daang resi­

dente ng Caloocan ang umalma matapos

mag­anunsyo ang DSWD na kanselado

ang proseso ng beripikasyon sa ikala­

wang pamamahagi ng Social Ameliora­

tion Program sa lugar noong Enero 13.

Nireklamo din nila ang online na siste­

ma ng pagrerehistro ng DSWD na Star­

pay dahil sa dami ng hinihinging rekisi­

to at kawalan ng klarong gabay kung

paano makukuha ang ayuda.

Navotas. Para bigyang daan ang

proyektong reklamasyon ng San Miguel

sa Tanza, Navotas, 30 pamilyang ma­

ngingisda ang pinalayas noong Enero

15 ng mga tauhan ng San Miguel

Corporation dahil magsisimula na ang

konstruksyon sa lugar. Daing ng mga

residente, binabaha at delikado ang

lugar ng kanilang relokasyon. Pinagba­

walan din silang mangisda sa tabing­da­

gat.

Negros. Mahigit 7,000 pamilya

ang apektado sa dalawang magkasunod

na biglaang pagbaha sa mga bayan ng

Talisay, Silay, Victorias at EB Magalona

sa Negros Occidental noong Enero 1 at

Enero 9. Umabot sa ₱16.5 milyon ang

halaga ng nawasak na ari­arian at kabu­

hayan.

Cebu City. Nagdeploy ang militar

ng mga tangke at mga sundalo sa mga

barangay ng Pasil, Sawang Calero, Suba

at Ermita sa Cebu City noong Enero 15.

Ligalig at kalituhan ang idinulot ng

animo’y martial law sa lugar. Tatlong

araw na namalagi ang mga sundalo dito.

Page 9: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

ANG BAYAN Enero 21 , 2021 9

leng magbunsod pa ng pagtaas ngpresyo sa mga eryang pinagkukunanng malakihang bolyum.

Mas masaklap pa, ginagamit ngahensya ang kakulangan ng suplaypara itodo ang importasyon hindilamang ng karneng baboy, kundipati ng karneng manok at baka.Noong nakaraang taon, nag-angkat ang bansa ng 895 milyongkilong karne, kalakhan (45%) aykarneng manok. Kumpara sa 2019,tumaas nang 18% ang bolyum nginangkat na manok sa 2020. Tu-maas din ang sa karneng baka(45%) at karneng kalabaw (10%).Kalakhan ng imported na karne ayginagamit sa pagprodyus ng mgapinrosesong produktong karne ga-ya ng delata, hotdog, corned beefat iba pa na tumaas ang demandsa panahon ng pandemya. Pinaka-malaking bahagi ng mga angkat aymula sa US.

Tulad sa nakaraan, dagdag naimportasyon ang sagot ng DA sakakulangan ng suplay ng karnengbaboy. Balak nitong triplehin angiaangkat na karneng baboy sa 2021,sa kabila nang napakamahal napresyo nito sa pandaigdigang pami-lihan.

Samantala, nagbabala na rinang mga mangingisda at mga ne-gosyante sa pagmamanukan ngposibilidad na pagtaas ng presyo ngkanilang mga produkto dulot ngpagbaling ngayon ng mga konsyumersa isda at karneng manok.

Page 10: cpp.phbilhing bakuna. "Wala akong pakia-lam" ang sabi ni Duterte sa mga lo-kal na gubyernong nagkakani-kanya na sa pagbili ng bakuna sa mga kumpanyang parmasyutika, pero inoobligang

Enero 21 , 2021 ANG BAYAN10

Sa ikalawang pagkakataon, si President Donald Trump ng US ay na-impeachsa Kongreso sa botohan noong Enero 12, walong araw bago siya palitan ni

Joseph Biden sa White House. Si Trump ang pinakaunang presidente ng US nadalawang beses na na-impeach.

Pangunahing laman ng kasongimpeachment laban kay Trump angincitement to insurrection o pag-uudyok ng insureksyon. Batay ito sailang linggo na niyang pagkakalat ngmga kasinungalingan tungkol saeleksyong Nobyembre 2020 at sakanyang talumpati sa isang ralinoong Enero 6 na nagresulta sa mga“aktong marahas, mapangwasak atseditious (mapang-upat ng paglabansa estado o awtoridad).” Tinutukoydito ang bigong pagsalakay ng mgagrupong maka-Trump sa nakaupongKongreso ng US kung saan lima angnapatay at marami ang nasugatan.

Liban sa nabanggit na talumpa-ti, laman din sa impeachment angpagtatangka ni Trump na baligtarinang resulta ng lokal na eleksyon saGeorgia. Una nang sinampahan ngimpeachment si Trump noong Di-syembre 2019, pero pinawalang-sala siya ng Senado noong Enero2020.

Ang impeachment ay rurok ngkrisis sa pulitika at ekonomya ng USna kinatatangian ng isa sa pinaka-matinding krisis sa kalusugan, pag-tindi ng krisis sa kabuhayan ng ma-mamayang Amerikano at pagtiningng kanilang disgusto sa kontra-imigrante, rasista at pasistang ad-ministrasyon ni Trump.

Pagsalakay sa Capitol HillNoong Enero 6, sinalakay ng

mahigit 2,000 tagasuporta ni Trumpang seremonyal na pagbibilang ngmga botong elektoral na isinasaga-wa ng mga kongresista at senadorsa Capitol Hill (tawag sa kulumponng mga gusali kung saan ginaganapang mga sesyon ng Mataas at Ma-babang Kapulungan ng Kongreso ngUS). Ang pagbibilang ang hulinghakbang para maideklara nang na-nalo si Joseph Biden bilang ika-46na presidente ng US.

Kulminasyon ang pagsalakay saKongreso sa mahigit dalawang bu-wan na pagtanggi ni Trump sa kan-yang pagkatalo sa eleksyon. Paulit-ulit ang walang basehan niyangpagdedeklara na “landslide” angkanyang pagkapanalo gayong napa-kalayo ang naging resulta ng bila-ngan. Lamang si Biden sa kanya ng7 milyong boto sa pangkalahatangeleksyon. Malayo rin ang panalo niBiden sa botong elektoral—306 sakanyang 232.

Ilang oras bago nila pasukin angKongreso, inudyukan ni Trump angkanyang mga tagasuporta na “mag-martsa tungong Kongreso” para“itigil ang pagnanakaw” ng elek-syon. Ilan sa kanila ay armado atnagbalak na "dakpin" ang aabutan

Pagtining ng krisis sa pulitikasa huling mga araw ni Trump

nilang pinangalanan ni Trump namga "traydor sa demokrasya."

Sa loob ng Kongreso, 100 kong-resista at 13 na senador ang nagbalakna kwestyunin ang mga resulta ngboto. Iniimbestigahan ngayon sa USang naging papel ng mga kapartido niTrump na senador at kongresista saplanado na pananalakay.

Patalsikin sa anumang paraanItinuloy ang pag-impeach kay

Trump sa Kongreso matapos tu-manggi si Vice President Pence natanggalin siya sa pwesto gamit angAmendment 25 ng KonstitusyongUS. Pinahihintulutan ng probisyongito na tanggalin ng mga myembro nggabinete ang nakaupong presidente,sa tulong ng Kongreso, at palitansiya ng kanyang bise.

Ayon sa mga Democrat, maha-lagang ma-impeach si Trump paramagsilbi itong halimbawa para sasusunod na mga kaso at para pag-bawalan siyang tumakbo sa 2024 saanumang pwesto sa gubyerno. Pi-nagdedebatehan pa kung ang kasolaban kay Trump ay lilitisin sa ba-gong uupong senado.

Sa pagtatapos ng kanyang ter-mino, isa-isa nang dumistansya angmga upisyal, negosyante at ibangmga kapartido ni Trump sa kanyangadministrasyon. Marami nangmyembro ng kanyang gabinete angnagbitiw sa pwesto.

Marami nang mga kumpanya angnag-atras ng kanilang mga donasyonsa partidong Republican. Bago paman nito, isinara na ng mga higan-teng kumpanyang social media(Facebook, Twitter at Instagram)ang mga account ni Trump na mata-gal na niyang ginagamit para sulsu-lan ang kanyang mga tagasuporta atmagkalat ng disimpormasyon.

Noong umaga ng Enero 20,hatinggabi sa Pilipinas, sumumpa nabilang ika-46 na presidente ng US siBiden, at natapos na ang paghaharini Trump.