cpp.ph-3 milyon para sa pagtatayo ng eskwelahan; -2 milyon para sa pa-tubig at kalinisan; -1.5...

10
EDITORYAL Ilang linggo ang nakaraan, ipi- nagmalaki ng NTF-ELCAC na inirelis na nito ang 20 milyon bawat isa sa 215 barangay sa Region 11 na ma- katatanggap diumano ng BDP. Ang 4.3 bilyon na ginamit dito ay ba- hagi ng 16.4 bilyon na pondo ng BDP sa ilalim ng 2021 na badyet ni Duterte kung saan tinukoy ang 822 barangay na diumano'y wala nang NPA. Ang 20 milyon kada barangay ay hahatiin sa 12 milyon para sa mga kalsadang "farm-to-market;" 3 milyon para sa pagtatayo ng eskwelahan; 2 milyon para sa pa- tubig at kalinisan; 1.5 milyon pa- ra sa reporestasyon; at 1.5 mil- yon para sa istasyong pangkalusu- gan. Pangsilaw sa masa ang mga proyektong pang-imprastruktu- rang ito para isipin nilang magka- karoon ng pagbabago sa kanilang lugar. Anong buti ang ihahatid sa ma- sang magsasaka ng mga kalsada na diumano'y magpapadali sa pagha- hatid ng produkto sa palengke kung kinakamkam naman ng mga pangi- noong maylupa ang kanilang ani; o kung binabarat sila ng mga komer- syante? Anong buti ng itatayong S inimulan nang ilarga ng rehimeng Duterte ang pagpapatupad ng Bara- ngay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ang mga programang ito ay mga hakbanging pampasiklab para likhain ang ilusyon na may dalang "kaun- laran" ang Armed Forces of the Philippines (AFP) pero katunayan ay lalong magsasadlak sa masa sa hirap at pang-aapi. eskwelahan o klinik kung wala na- mang titser o duktor? Ano ang re- porestasyon kung ang itatanim ay mga komersyal na kahoy na pakiki- nabangan lang din ng malalaking kapitalista? Pantapal lamang ang mga ito sa pang-ibabaw na mga problema ng masa. Walang sumasagot sa sali- gang problema ng masa sa kanayu- nan: ang kawalan ng sariling pag- aaring lupa. Ito ang pinagmumulan ng kanilang hirap at aping kalaga- yan. Ito ang dahilan ng dinaranas nilang pagsasamantala at pang-aapi at kung bakit sila patuloy na sumu- suporta at lumalahok sa armadong pakikibaka. Sinong makikinabang sa mga proyektong ito kundi ang mga kontratista at lokal na burukrata at upisyal na silang hahawak ng pondo sa mga proyektong impra-

Upload: others

Post on 09-Feb-2021

7 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

    Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

    Tomo LI I Bl g. 3

    Pebrero 7, 2 02 1

    www. cpp. ph

    EDITORYAL

    Ilang linggo ang nakaraan, ipi-nagmalaki ng NTF-ELCAC na inirelisna nito ang ₱20 milyon bawat isa sa215 barangay sa Region 11 na ma-katatanggap diumano ng BDP. Ang₱4.3 bilyon na ginamit dito ay ba-hagi ng ₱16.4 bilyon na pondo ngBDP sa ilalim ng 2021 na badyet niDuterte kung saan tinukoy ang 822barangay na diumano'y wala nangNPA.

    Ang ₱20 milyon kada barangayay hahatiin sa ₱12 milyon para samga kalsadang "farm-to-market;"₱3 milyon para sa pagtatayo ngeskwelahan; ₱2 milyon para sa pa-

    tubig at kalinisan; ₱1.5 milyon pa-ra sa reporestasyon; at ₱1.5 mil-yon para sa istasyong pangkalusu-gan. Pangsilaw sa masa ang mgaproyektong pang-imprastruktu-rang ito para isipin nilang magka-karoon ng pagbabago sa kanilanglugar.

    Anong buti ang ihahatid sa ma-sang magsasaka ng mga kalsada nadiumano'y magpapadali sa pagha-hatid ng produkto sa palengke kungkinakamkam naman ng mga pangi-noong maylupa ang kanilang ani; okung binabarat sila ng mga komer-syante? Anong buti ng itatayong

    I lantad at labanan ang mgaproyektong pantapal ng NTF-ELCAC

    Sinimulan nang ilarga ng rehimeng Duterte ang pagpapatupad ng Bara-ngay Development Program (BDP) ng National Task Force to End LocalCommunist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ang mga programang ito aymga hakbanging pampasiklab para likhain ang ilusyon na may dalang "kaun-laran" ang Armed Forces of the Philippines (AFP) pero katunayan ay lalongmagsasadlak sa masa sa hirap at pang-aapi.

    eskwelahan o klinik kung wala na-mang titser o duktor? Ano ang re-porestasyon kung ang itatanim aymga komersyal na kahoy na pakiki-nabangan lang din ng malalakingkapitalista?

    Pantapal lamang ang mga ito sapang-ibabaw na mga problema ngmasa. Walang sumasagot sa sali-gang problema ng masa sa kanayu-nan: ang kawalan ng sariling pag-aaring lupa. Ito ang pinagmumulanng kanilang hirap at aping kalaga-yan. Ito ang dahilan ng dinaranasnilang pagsasamantala at pang-aapiat kung bakit sila patuloy na sumu-suporta at lumalahok sa armadongpakikibaka.

    Sinong makikinabang sa mgaproyektong ito kundi ang mgakontratista at lokal na burukrataat upisyal na silang hahawak ngpondo sa mga proyektong impra-

  • Pebrero 7 , 2021 ANG BAYAN2

    Tomo LI I Bl g. 3 | Pebrero 7, 2 02 1

    NilalamanANG

    instagram.com/prwcnewsroom

    @prwc_info

    [email protected]

    Ang Ang Bayan ay i ni l a l athal a dal awang beses bawat buwan

    ng Komi te Sentral ng Parti do Komuni sta ng Pi l i pi nas

    Ang Ang Bayan ay i ni l a l abas sa

    wi kang Pi l i pi no, Bi saya, I l oco,

    H i l i gaynon, Waray at I ngl es.

    Tumatanggap ang Ang Bayan ng

    mga kontri busyon sa anyo ng mga

    arti kul o at bal i ta. H i ni hi kayat di n ang

    mga mambabasa na magpaabot ng

    mga puna at rekomendasyon sa

    i kauunl ad ng ati ng pahayagan.

    struktura? Hindi ito naiiba sa porkbarrel na ginagamit ng mga kong-resista para sa pagpapagawa ngkalsada o mga waiting shed sa mgapaborito nilang barangay. Ang BDPay pork barrel ng militar, pansuholsa mga lokal na upisyal at pansu-porta sa mga paborito nilang upi-syal. Katulad ng maanomalyangmga proyekto ng mga kongresista,tiyak na tatadtarin rin ng anomal-ya ang BDP.

    Ang BDP ay isang malaking pro-yektong pangsaywar. Nais ng AFPat NTF-ELCAC na palabasing inaa-tupag ng militar ang usapin ngkaunlaran, edukasyon, kalusugan atiba pa. Pinalalabas ng AFP na sa pa-mamagitan ng BDP, makukuha nilaang puso at isip ng masa upang hin-di na sila bumalik sa pagsuporta saBHB.

    Pinagtatakpan ng BDP ang ma-dugong gera ng AFP laban sa ma-sang magsasaka at Lumad sa kana-yunan. Tinatabingan nito ang wa-lang-lubay at walang-habas nakampanya ng mga pagpatay, pag-a-resto, intimidasyon at pananakot,panggigipit, red-tagging at pamimi-

    lit sa mamamayan na "sumuren-der." Kinakatuwang ng BDP angRetooled Community Support Prog-ram (RCSP) ng AFP kung saan ipi-napakat ang mga sundalo ng AFP samga komunidad na nagpapataw ngala-garison na mga paghihigpit la-ban sa masa.

    Sa paghahabol na makakuha ngpondo sa ilalim ng BDP, lalong ti-tindi ang maruming gera ng AFP la-ban sa masa. Naghahabol ang mili-tar na maparami ang mga baryongpaluluhurin nila sa kanilang ka-pangyarihan. Lalong magiging ma-lupit ang pasistang paninibasib samga baryo sa desperasyong ihiwa-lay ang masa sa kanilang hukbo, atmaideklarang "malinis" ang bara-ngay. Lalong darami ang kaso ngpamimilit sa masa na "magsuren-der" at magpagamit sa militar. Lalongayong nagiging malupit ang mgakaso na ibinabaling ng militar angkanilang galit at paghihiganti samasa sa baryo tuwing may mata-gumpay na taktikal na opensiba angNPA.

    Pero ang pinakamakikinabangsa mga proyektong ito ay ang ma-

    lalaking kumpanyang dayuhan atmalalaking burges kumprador nanaglalaway na makapasok sa mgaliblib na lugar sa kanayunan. Ka-lakhan o 75.54% (₱12.42 bilyon) ngpondo ng BDP ay mapupunta saMindanao kung saan nakakonsentraang malalawak na plantasyon, pag-mimina at mga proyektong pang-e-nerhiya na sumasakop sa daan-da-ang libong ektaryang lupain. Pina-lalayas nila ang masang magsasakaat masang Lumad mula sa kanilangsinasakang lupa at lupang ninuno.Layunin ng paglalaan ng pinakama-laking pondo para sa mga kalsadaang pagtiyak na mapadali ang pag-hakot ng mga mineral na iluluwas saibang bansa, ng palm oil, saging,pinya at iba pang mga tanim napang-eksport.

    Dapat ubos-kayang ilantad atlabanan ng masang magsasaka atmga katutubong minorya ang BDPna mga proyektong hindi sagot sakanilang tunay na hinaing.

    Dapat tulungan ang masa sakanayunan na igiit ang kanilang si-gaw para sa tunay na reporma salupa at mga kahilingan para ibabaang upa, itaas ang sahod ng mgamanggagawang bukid at makatwi-rang presyo sa kanilang mga pro-dukto. Katuwang ng masang mag-sasaka, dapat paigtingin ng masangminorya ang pakikibaka para ipag-tanggol ang kanilang lupaing ninu-no.

    Dapat puspusan ding ilantadang korapsyon ng mga upisyal mili-tar kakutsaba ang mga lokal naupisyal at mga kontraktor, na nag-bubulsa ng milyun-milyong piso samga proyektong ito. Hikayatin angmga lokal na upisyal sa barangay natutulan ang ibinibigay na suhol sakanila ng mga upisyal ng militar ka-palit ng pagsuporta sa mga proyek-to ng BDP.

    Dapat labanan ang patuloy napaggagarison at pandarahas ng mi-litar sa kanilang mga baryo parasupilin ang masa at bigyan-daanang malalaking kapitalistang naissumakop sa kanilang lupa, dambu-ngin ang likas na yaman at wasakinang kapaligiran.

    Editoryal: Ilantad at labanan ang mgaproyektong pantapal ng NTF-ELCAC 1

    13 opensiba sa 4 na prubinsya 2

    Hukbo ng mamamayan 3

    Konsolidasyon ng baseng masa sa CagV 4

    Paghaharing teror ng AFP sa ST 5

    Masaker sa Mendiola, ginunita 5

    Sa madaling salita 6

    Dagdag sahod sa mga manggagawa 7

    Subsidyo sa magbababoy at konsyumer 7

    Libu-libong manggagawa, matatanggal 8

    Piket sa Magnolia 8

    Pagdinig laban sa ATL, sinimulan na 8

    5 magsasaka, pinatay ng estado 9

    Paghaharing militar sa Myanmar 9

    Warrant laban sa 2 aktibista, binasura 9

    Ano ang aasahan kay Biden? 10

  • ANG BAYAN Pebrero 7 , 2021 3

    Sa loob ng dalawang linggo, naglunsad ng 13 aksyong militar ang BagongHukbong Bayan (BHB) laban sa nag-ooperasyong mga tropa ng ArmedForces of the Philippines (AFP) sa mga prubinsya ng Bukidnon, Surigao delNorte, Abra at Negros Oriental. Walo sa mga ito ay inilunsad sa Bukidnon.

    Bukidnon. Magkasabay na ina-take ng mga yunit ng BHB ang mgadetatsment ng militar sa Kipulot,Barangay Palacapao at BarangayButong, Quezon noong Enero 20.Sorpresang atake naman ang isina-gawa ng BHB sa kampo ng PhilippineArmy (PA) sa Barangay Minungannoong Enero 26.

    Hatinggabi ng Enero 27 at tang-hali ng Enero 29, inatake ng mgayunit ng BHB ang tropa ng PA saButay Simong, Barangay Namnam,San Fernando at Buko, BarangayBanlag, Valencia City.

    Inisnayp ng isa pang yunit ngBHB ang mga sundalo na nakaista-syon sa Saluringan, Barangay Cana-ngaan, Cabanglasan noong Enero 30.Kinabukasan, pinasabugan ng BHBang rumespondeng mga sundalo.

    Noong Enero 25, pinaralisa ngBHB ang anim na kagamitan ngUlticon Builders Incorporated natinatayang nagkakahalaga ng ₱9milyon. Notoryus ang kumpanya samababang pagpapasahod sa mgamanggagawa at mga pang-aabusosa mga magsasaka.

    Labindalawang sundalo ang na-paslang sa mga opensiba habangwalo ang nasugatan.

    Surigao del Norte. Umaga ngEnero 28, pinaputukan ng isang yu-nit ng BHB-Surigao del Norte angistasyon ng Philippine National Po-lice-Sison sa Barangay San Pablo ngnaturang bayan. Pagkatapos ng da-lawang oras, inisnayp ng isa pangyunit ng BHB ang rumerespondengmga sundalo ng 29th IB sa Bara-ngay Tinogpahan.

    Kinahapunan, pinasabugan ngBHB ang mobil ng pulis na nagba-bantay sa pag-atras ng mga Pulangmandirigma sa Barangay San Pablo.

    Abra. Inisnayp ng mga Pulangmandirigma ang nag-ooperasyongyunit ng 72nd DRC noong Enero 22sa hangganan ng Tubo, Abra at Be-sao, Mt. Province. Dalawa ang nai-talang kaswalti sa mga sundalo.Pangatlong opensiba ito ng BHB-Abra (Agustin Begnalen Command)noong buwan ng Enero.

    Bilang ganti, hindi bababa sa 14bomba ang ihinulog ng AFP sa lugarnoong Enero 24 at 25. Pininsala nitoang mga sakahan, pastulan at gubatkung saan nangangaso ang mgakatutubong Maeng at Agawa.

    Negros Oriental. Inambus ngisang yunit ng BHB-Central Negrosang isang aktibong elemento atahente sa paniktik ng CAFGU ActiveAuxiliary sa Barangay Luz, Guihul-ngan City. Isinagawa ang opera-syon noong Enero 28.

    13 taktikal na opensiba sa 4 na prubinsya

    Matagal nang hindi nakakita ng "hukbo" (kolokyal na tawag sa mgakasapi ng Bagong Hukbong Bayan) si Ka Rolly mula nang tumira angkanyang pamilya sa liblib na bahagi ng kabundukan. Dati siyang nagsasakasa patag pero umatras ang kanyang pamilya sa mas mataas na lugar, kasa-ma ng buong komunidad, para iwasan ang mga sundalong naglulunsad noonng Oplan Habol Tamaraw sa panahon ng berdugong si Jovito Palparan.

    Nang mabalitaan niyang nagka-roon ng labanan sa pagitan ng mga"hukbo" at militar sa karatig baryo,agad siyang pumunta sa gilid ngisang sapa kung saan tantya niyangdadaan ang mga kasama. Kasamaang kanyang mga anak, dalawangaraw nilang inabangan ang yunit ngBHB. May dala silang handang pag-kain at matamang binantayan anglugar.

    "Ito ang tungkulin na ibinigaysa akin ng mga kasama dati-datipa," aniya. Kahit matagal na siyanghindi nakakausap o nabibisita, gi-nampanan niya ang tungkuling ikubli

    at itaguyod ang yunit ng hukbosa panahon ng pag-atake ngkaaway. Simpleng kamote at sa-ging ang inihanda niyang pagkain.

    Nang dumaan ang yunit, hina-nap niya ang dati niyang mga kaki-lala. "Marami nang bagong muk-ha," aniya. Nabalitaan niyang inili-pat na sa ibang mga erya angdating nakatalaga sa erya. Gayun-paman, maiinit pa rin niyang sina-lubong ang mga noon lamang niyanakilala. Umaasa siyang balang-a-raw, makikita niya ulit ang datingmga nakasama.

    Laking pasasalamat ng mga

    Pulang mandirigma kay Ka Rolly sapagsalo ng kanilang platun na tat-long araw nang nagsisikap na ma-kalabas sa kahon ng operasyon ngkaaway. Ibinukas niya ang kanyangsagingan sa mga kasama para ka-nilang pagpahingahan. Mataposang tatlong araw, nagpasya angmga kasamang lumakad na. Sina-mahan sila ni Ka Rolly hanggangmaihatid sila sa iba pang masangnaghihintay ding muling makasamaang BHB.

    Hukbo ng mamamayan

  • Pebrero 7 , 2021 ANG BAYAN4

    Matatag ang suporta ng masangmagsasaka ng Cagayan Valley sahukbong bayan sa gitna ng mga operasyongkombat at saywar. "Talagang matitibay angmga tao rito," ang hindi maiwasangkongklusyon ng mga sundalong paulit-ulitnang naglunsad ng Retooled CommunitySupport Program sa isang baryo sa rehiyon.

    Susi ang paglulunsad ng rebo-lusyong agraryo sa naging mabilisna pagpapalawak at konsolidasyonng mga organisasyong masa, ayonsa mga kasama. Nailunsad sa rehi-yon ang kampanyang anti-usura,pagtataas ng sahod at pagpigil sapangangamkam ng lupa sa nakara-ang taon.

    Rebolusyong agraryoSa isang baryo, kinumpronta ng

    140 magsasaka ang isang usurerona tuluy-tuloy na naniningil ng in-teres sa utang sa kabila ng krisis nadulot ng pandemya at magkakasu-nod na bagyo sa rehiyon. Kapaghindi sila makabayad nang buo saitinakdang panahon, sinisingil silang usurero nang 100% interes ngpautang.

    Tampok ang kaso ng isangmagsasaka na umutang ng ₱51,700na siningil ng usurero ng ₱358,500.Hindi agad na nabayaran ang utangdahil sa pagkasira ng mga pananim.

    Dahil sa kumprontasyon, naga-wang ipabura ng mga magsasakaang balanseng utang ng mga mata-gal nang nakabayad ng prinsipal.Ang mga hindi pa nakapagbayad aymagbibigay na lamang ng prinsipalna utang at interes na katumbas ngisang anihan.

    Sa isa pang baryo, napataas ngmga manggagawang bukid sa isangerya ang kanilang sahod mula ₱150tungong ₱250 kada araw. Itinakdarin sa kumprontasyon ang oras ngpagsisimula ng trabaho at pagbibi-gay ng libreng pananghalian. Ipi-nagbawal din ng mga magsasaka

    ang pagpapai-nom ng nagpapat-rabaho kada hapon dahil nagdudu-lot ito ng gulo sa loob ng baryo.

    Sa dalawa namang baryo, ini-lunsad ng mga maralitang magsa-saka ang isang kampanya para ipa-tigil ang planong pagpapalawak nglupa ng mayayamang magsasaka.

    Pagtatayo ng KRBPatuloy na napalalawak ang

    mga organo ng kapangyarihangpampulitika sa rehiyon. Noong2020, tumaas nang 25% ang bilangng naitayong mga komiteng rebolu-syonaryo sa baryo (KRB).

    Sa isang baryo, 100 magsasaka,kabataan, at panggitnang pwersaang nagtipon para sa itatatag naKRB sa kanilang klaster. Tiniyak ngsangay ng Partido sa lokalidad angpagdalo ng masa sa mabilisang ipi-natawag na pagtitipon. Inilunsadang pulong-pagtatatag pagkataposumalis ang mga sundalong naglun-sad ng nakapokus na operasyongkombat ng militar sa naturangklaster.

    Matagal nang balak ng mgamagsasaka na magtayo ng kanilangsariling gubyerno sa baryo, ngunitngayon lamang nabigyan ng pagka-kataon para isakatuparan ito. Nag-halal ng mga upisyal ng KRB angmga delegado at binuo ang isangtaong programa ng KRB. Pinag-u-sapan din ang pagpapasampa sahukbong bayan.

    May dalawa pang KRB na mag-kasunod na naitatag sa kalapit namga klaster ng mga barangay.

    Konsolidasyon ng baseng masa sa Cagayan Valley:

    Tatag sa pundasyon ng rebolusyong agraryo

    Mga opensibang militarInilunsad ng Bagong Hukbong

    Bayan (BHB) sa Cagayan Valley angmay 20 armadong aksyon laban sapasistang tropa ng kaaway noongnakaraang taon. Tinatayang 55 okatumbas sa dalawang platun angnapinsala sa kaaway.

    Pinakahuli sa mga aksyong itoang pagpapasabog ng eksplosibo ngBHB-East Cagayan sa nag-oopera-syong yunit ng 77th IB sa Mabuno,Gattaran, Cagayan. Anim ang na-paslang sa opensiba sa mismongaraw ng ika-52 anibersaryo ng Par-tido Komunista ng Pilipinas.

    Ayon sa ulat ng kumand ng BHBsa rehiyon, lumaki ang kabuuangpwersa ng BHB nang 45%-55% sabuong 2020. Pinasinungalingan ngBHB ang "pagsurender" ng umano'ymga kasapi at tagasuporta ng BHB sarehiyon. Kabilang dito ang huling batsng mga surenderi sa ZinundunganValley, Rizal, Cagayan noong Enero28. Anang BHB, sila ay mga sibilyangmagsasaka na pinilit at tinakot.

    Iniulat ng rehiyon ang paglakinang 15% sa bilang ng mga bagongkasapi ng Partido. Nakapaglunsad dinng mga rebolusyonaryong pag-aaralmula sa Abanteng Kurso, Intermed-yang Kurso at mga bats ng BatayangKurso ng Partido sa buong taon.

    Ang artikulong ito ay halaw sa isyungOktubre-Disyembre 2020 ng pahayagangBaringkuas, rebolusyonaryong pahaya-gang pangmasa ng rehiyon ng Hilagang-Silangang Luzon.

  • ANG BAYAN Pebrero 7 , 2021 5

    Tuluy-tuloy ang paghahasik ng teror ng 2nd ID sa Southern Tagalog (ST)pagpasok ng 2021. Hindi bababa sa 25 bayan sa limang prubinsya angsaklaw ngayon ng mga nakapokus na operasyong militar at mga operasyongRetooled Community Support Program (RCSP). Isa ang ST sa walong rehiyongprayoridad ng rehimen sa kontra-insurhensyang gera nito.

    Inilulunsad ang mga kampan-yang militar sa pamumuno ni Gen.Antonio Parlade, Jr., nangungunanganti-komunistang troll at hepe ngSouthern Luzon Command ng ArmedForces of the Philippines. Ito ay sagitna ng pananalasa ng pandemyaat mga bagyo na humambalos sarehiyon noong huling kwarto ngtaon.

    Sa Mindoro, limang bayan sa ti-mog na bahagi ng Occidental at limasa Oriental ang hinahalihaw ng203rd IBde mula pa noong 2019. Samga lugar na ito maigting na nilala-banan ng mga magsasaka at katutu-bo ang mapaminsalang mga proyek-tong mina, dam at pekeng progra-mang pangkalikasan na sisira sa ka-paligiran at magpapalayas sa kanila.

    Gamit ng 203rd IBde ang pani-nindak sa tangkang pahinain angpaglaban ng mamamayan sa lugar.Noong Enero, nagdagdag ang briga-da ng dalawang kanyon na 105mmsa Bansud, Oriental Mindoro. Nag-hatid din ng takot sa mga residenteang pagpapalipad ng helikopter samga bayan ng Rizal, San Jose, Bo-ngabong at Mansalay noong bispe-ras ng pasko. Lumapag ito sa Man-tay, Barangay Monte Claro, San Jo-se kung saan nakakampo ang pwer-sa ng RCSP.

    Anim na bayan naman saQuezon ang inooperasyon ng may1,900 tropa ng 201st IBde, kabilangang mga tropa ng 1st IB, 59th IB,80th IB, 85th IB, 22nd DRC at mgapulis. Malaking kasalanan ng mgatropang ito ang dagdag na pagha-gupit sa mga komunidad sa pana-hong katatapos pa lamang manalasang sunud-sunod na bagyo. Pinigilanng mga ito na makarating ang ayudamula sa BHB.

    Nagtayo naman ng bagong mga

    kampo ang 80th IB sa BarangayPuray, Rodriguez, Rizal habangnagpapatuloy ang mga operasyongkombat at RCSP sa Antipolo, Rodri-guez at Tanay. Sa liblib na mgabaryong okupado ng mga RCSP, hi-naharang ng mga sundalo ang pag-pasok ng pagkain at iba pang pa-ngangailangan ng mga residente.

    Sa Palawan, walang-tigil angFMO at kampanyang pagpapasukong 3rd Marine Brigade. Inaatake ngdi kukulangin sa 600 elemento ngMarines ang Roxas, Taytay, Broo-ke’s Point, Rizal, Bataraza at PuertoPrincesa City. Nililinlang nila ng mgapabuya ang sinumang nagnanais“magbalik-loob at makipagtulu-ngan” sa AFP laban sa BHB at sarilinilang mga kababayan.

    Kabilang sa karumal-dumal namga krimen ng 2nd ID na labag samga batas ng digma ay ang pagpa-tay kina Eugenia Magpantay atAgaton Topacio, ang masaker saBaras 5, pagpaslang sa lider mag-sasakang si Armando Buisan, at sa

    Masaker sa Mendiola, ginunita

    NAGMARTSA TUNGONG Mendiola sa harap ng Malacañang anghindi bababa sa 500 aktibista noong Enero 22 bilang paggunita saika-34 taon ng pagmasaker ng mga pwersang pulis sa 13 nagpupro-testang magsasaka. Hanggang ngayon, wala pa ring natatamonghustisya ang kanilang mga pamilya. Sa halip, tumindi pa ang kahi-rapan at karahasan sa sektor. Noong 2020 lamang, 59 nang mag-sasaka ang pinatay. Naglunsad din ng katulad na mga pagkilos angmga magsasaka sa Laguna, Cebu at Negros Occidental.

    Sa Quezon, ginunita naman ng mga magsasaka ang ika-40 taonng Guinayangan Masaker noong Pebrero 1. Sa masaker na ito saparehong araw noong 1981, dalawa ang napatay nang paulanan ngbala ang 6,000-lakas na martsa ng mga magsasaka.

    Sa Panay, itinatag ang Defend Panay Network noong Enero 29,isang buwan makalipas ang brutal na pagmasaker sa siyam na li-der-Tumandok sa Tapaz, Capiz.

    Pagpupursige ng BHB sa harap ng paghaharing

    teror ng AFP sa Southern Tagalog

    wala nang kakayahang lumaban nasi Mario Caraig.

    Sa kabila ng todong atake sa re-hiyon, nakabuo ang hukbong bayandito ng mga bagong larangang geril-ya at nabawi ang ilang lumang mgaerya. Isinagawa ang kinakailangangmga reorganisasyon sa laranganggerilya upang magkaroon ng masmalapad na maniobrahan habanghinaharap at pinangingibabawan angmalawakang mga operasyong kom-bat at pambobomba ng AFP.

    Ayon kay Armando Cienfuego,tagapagsalita ng BHB sa rehiyon,ito ay dahil “malinaw sa mamama-yang Pilipino kung sino ang totoongterorista sa bansa—ang rehimengUS-Duterte at ang AFP-PNP na wa-lang pinipiling okasyon para maka-paghasik ng lagim at teror sa ba-yan."

  • Pebrero 7 , 2021 ANG BAYAN6

  • ANG BAYAN Pebrero 7 , 2021 7

    Hindi makaagapay ang antas ng sahod ng kalakhan ng mga manggagawasa bilis ng pagtaas ng mga presyo ng mga batayang pangangailangan.Mula pa noong nakaraang taon pumaimbulog ang presyo ng pagkain nanghanggang 77% (karne) ngayong Enero. Pinabilis nito ang tantos ng implasyontungong 3.5% noong Disyembre, pinakamataas sa nakaraang 21 buwan. Dulotnito, bumabagsak ang tunay na halaga ng sahod nang halos 20%. Sa MetroManila, halimbawa, ang ₱537 minimum na arawang sahod ay may tunay nahalaga na lamang na ₱434, sapat lamang para makabili ng isang kilong baboy.

    Sa harap nito, nagiging maskagyat ang pangangailangan parataasan ang sahod ng mga mangga-gawa. Tinatayang nasa ₱346 la-mang ang abereyds na minimum nasahod sa buong bansa. Napakalayonito sa nakabubuhay na sahod na₱1,057 kada araw para sa isang pa-milyang may limang myembro. Ku-lang na kulang ito para tustusanang pagkain, kasabay ng mga baya-rin sa kuryente at tubig, renta atgastos sa edukasyon.

    Kumpara sa mga manggagawasa industriya at serbisyo, mas ma-baba pa ang tinatanggap ng mgamanggagawa sa agrikultura. Mala-laki rin ang agwat ng mga sahod ka-da rehiyon at prubinsya laluna ma-tapos ipatupad ang iskema ng 2-an-danang pagpapasahod.

    Sa halip na agapan, binigyan-la-ya pa ng rehimen, sa pamamagitanng isang kautusan ng ahensya ngpaggawa, na bawasan ng mga kapi-talista ang sahod ng kanilang mgamanggagawa gamit ang pandemya.Mas mababa rin ang sahod na ibini-bigay ng mga kapitalista sa mgamanggagawang nakapailalim sa mgakaayusang work-from-home. Satantya ng National Economic andDevelopment Authority, bumagsakng abereyds na ₱23,000 ang kita ngkada manggagawa dulot ng taha-sang pagkaltas sa sahod, pwersa-hang pagpabakasyon at pagkawalang mga trabaho noong nakaraangtaon.

    Noon pang 2018 nakabimbin sareaksyunaryong Kongreso ang Na-tional Minimum Wage Bill ngblokeng Makabayan na nagtutulak

    para sa ₱750 pambansang minimumna sahod. Ipinapanukala rin ng na-turang batas ang pagbuwag sa mgaRegional Wage Board na kinaka-sangkapan ng mga kapitalista paramagtakda ng mas mababang sahodsa mga rehiyon.

    Ipinanawagan din ng mgamanggagawa at mga progresibongmambabatas na bigyan ng ₱10,000ayuda ang mga manggagawangnawalan ng trabaho dulot ng mgalockdown.

    Ayon sa pag-aaral ng IbonFoundation, si Rodrigo Duterte angpinakakuripot sa lahat ng nagdaangmga pangulo ng Pilipinas sa usapinng pagtataas sa sahod. Sa ilalim ngkanyang rehimen, dalawang beseslamang na itinaas ang sahod sapambansang kabisera, una noong2017 at huli noong 2018. Sa abe-reyds, nagpatupad ang reaksyunar-yong estado mula sa panahon ngrehimen ni Corazon Aquino ng dag-dag-sahod kada 13buwan. Sa ilalimni Duterte, 29buwan nangwalang dagdag-sahod para sa mgamanggagawa sa NCR.Sa kabuuan, kaka-rampot lamang angitinaas ng sahod (9.4%)sa ilalim ni Du-terte kung iku-kumpara saabereyds naitinaas nito(24%) sa ilalimng nagdaangmga rehimen.

    Dagdag-sahod, kagyat na pangangailangan

    ng mga manggagawa

    Subsidyo sa

    magbababoy

    at konsyumer

    NANAWAGAN ANG KilusangMagbubukid ng Pilipinas(KMP) noong Pebrero 1 naibaba ang presyo ng karnengbaboy sa antas nito noong2019 bago manalasa angAfrican Swine Fever (ASF).Ito ay matapos na pumalo sa₱400 ang presyo ng liempo at₱370 naman sa kasim. Anito,magagawang ibaba angpresyo kung bibigyan ng tu-long sa produksyon at ayudaang mga magbababoy.

    Sa partikular, nanawaganang KMP na maglaan ng₱15,000 subsidyo para samga magbababoy at nag-aa-laga ng mga manok, at₱10,000 naman na ayudapara sa mga konsyumer. Igi-niit nito na ayuda, at hindipautang ang magsasalba samamamayan mula sa pagsiritng presyo ng baboy.

    Iginiit din nito na kaila-ngan ng mabisang interben-syon ng estado sa pagbili atpagbebenta ng karne paramabuwag ang monopolyongpagpepresyo at pagsasaman-tala ng mga malalaking traderat kartel. Nanindigan ito nahindi importasyon ang solu-syon sa mataas na presyo ng

    karneng baboy, manok atiba pa na itinutulak

    ngayon ng rehi-men.

    Pinirmahansa parehong araw

    ni Rodrigo Duterteang isang kautusanna magpapataw ng"price ceiling" omaksimum na

    ₱270/kilo sa pre-syo ng pigue ng

    baboy at ₱300sa liempo at

    ₱160 sa manok.Ipatupupad ito si-

    mula Pebrero 8.

  • Pebrero 7 , 2021 ANG BAYAN8

    Libu-libong manggagawang Pilipino ang nakatakdang mawalan ng traba-ho ngayong Pebrero-Marso matapos na magdeklara ang tatlong kum-panya ng planong magbawas ng empleyado o di kaya'y magsara dulot ngpagkalugi.

    Noong Pebrero 2, inanunsyo ngPhilippine Airlines na magtatanggalito ng 2,300 manggagawa dulot ngpagbagsak ng bilang ng mga nagbib-yahe sa loob at labas ng bansa. Ti-natayang 30% ito ng kabuuang lakaspaggawa ng kumpanya. Sa taya ngrehimen, nawalan ng ₱400 bilyonnoong 2020 ang industriya ng byaheat turismo nitong nagdaang taon.

    Bago nito, nag-anunsyo rin angMakati Shangri-la Hotel ng pansa-mantalang pagsasara simula Pebre-ro 1. Hindi pa isinasapubliko ngkumpanya kung ilang manggagawaang tatanggalin nito.

    Magsasara rin ang pabrika ngNissan Motors (nagmamanupakturang sasakyan) sa Laguna alinsunodsa mga plano nitong magbawas ngpandaigdigang produksyon noonpang 2019. Dati nang mababa ang

    demand para sa mga kotse bago paang pandemya, at lalupa itong bu-magsak noong nakaraang taon.

    Dagdag ang mga manggagawangito sa tinatayang 5.79 milyong Pilipi-nong nawalan ng trabaho dulot ngmga restriksyon sa lockdown noong2020. Kumitid ang ekonomya ngbansa nang 9.5% sa buong 2020 du-lot nito. Pinakamalala ang pagbagsakna ito mula pa 1946 o pagkatapos ngIkalawang Digmaang Pandaigdig.

    Sa kabila ng hirap na dinaranasng mga nawalan ng trabaho, walangprograma ang rehimen para ayuda-han sila. Wala silang aasahang sub-sidyo dahil ibinasura ng rehimenang panukala ng Department of La-bor and Employment na maglaan ngkakarampot na ₱20 bilyong mini-mum na subsidyo para sa kanila sapambansang badyet.

    Libu-libong manggagagawa,

    matatanggal ngayong unang kwarto

    Nagsimula na noong Pebrero 2 ang pagdinig sa Korte Suprema laban saAnti-Terrorism Law o ATL. Pitong abugado na kumakatawan sa 37 peti-syon ang humarap dito. Sa labas ng korte, tinatayang 500 ang nagtipon parasuportahan sila.

    Para padulasin ang pagdinig,inutos ng korte noong nakaraangtaon na pagsamahin ang 37 peti-syon. Bilang pagtalima, binungkossa anim na klaster ang mga probi-syong kinukwestyon ng mga peti-syuner.

    Kinatatampukan ang anim naklaster ng sumusunod: 1) pagtatak-da na may lehitimong dahilan angmga isinampang mga petisyon saKorte Suprema; 2) paghamon sa pa-giging konstitusyunal ng batas, par-tikular ang sobrang malabo o ma-saklaw na depinisyon nito ng "tero-rismo;" 3) pagpapatunay na dikonstitusyunal ang mga kapangyari-

    hang ibinigay sa binuong Anti-Ter-rorism Council; 4) pagkontra sa de-pinisyon at pagparusa sa pagba-bantang magsagawa ng terorismodahil hindi ito naaayon sa mga batasna nagbabawal sa pagparusa samga kasong hindi pa itinuturing nakriminal nang isagawa; 5) pagkontrasa pagpapahaba ng detensyon dahillabag ito sa konstitusyon, lokal nabatas at internasyunal na mga ali-tuntunin; at 6) pagkontra sa pag-tanggal ng probisyon para sa pag-bibigay ng angkop na danyos sa mgabiktima ng tortyur at ibang katuladna paglabag sa nakatakdang mgaproseso.

    Sa unang araw ng pagdinig, tu-mampok ang tanong kung tama bangsa Korte Suprema isinampa ang kasonang wala pang aktwal na kasongnaisampa kaugnay dito. Bilang tu-gon, binanggit ng mga petisyunerang daan-daan nang kaso ng red-tagging at ang kaakibat na panggi-gipit at pamamaslang.

    Sa umaga rin ng araw na iyon,isinampa sa Korte Suprema ang kasong dalawang Aeta para hingin angpansamantalang pagpapatigil saimplementasyon (TRO o temporaryrestraining order) ng batas. Ang da-lawang katutubo ang unang inares-to, tinortyur at sinampahan ng ga-wa-gawang kaso sa ilalim ng ATL.

    Maayos na nailatag ng mgaabugado ang mayor na mga argu-mento. Nakatakdang ipagpatuloyang pagdinig sa Pebrero 9.

    Pagdinig sa Korte Suprema laban sa ATL, nagsimula na

    Mga manggagawa ng

    Magnolia, nagpiket

    NAGPIKET ANG MGA mangga-gawa ng Magnolia sa harap ngkanilang pabrika sa General Tri-as, Cavite noong Enero 28 paraipanawagan ang dagdag na sa-hod at mas makataong mga kun-disyon sa paggawa sa gitna ngpandemya.

    Panawagan din nilang kila-lanin ang collective bargainingagreement sa pagitan ng ma-neydsment at kanilang unyon.Laman nito ang pagbibigay ngkumpanya ng mga benepisyo,backpay para sa tatlong taon atbonus ng mga manggagawa. AngMagnolia, isang kumpanya ngSan Miguel Corporation, ay nag-mamanupaktura ng mga pro-duktong gatas (butter, cheese, atice cream).

    Sa Mandaue City, naglunsadng 3-araw na silent protest angmga manggagawa ng Coca-colanoong Pebrero 3 upang igiit samaneydsment ang pag-regulari-sa sa may 86 na manggagawanito.

  • ANG BAYAN Pebrero 7 , 2021 9

    Limang magsasakang nakikibaka para sa kanilang karapatan sa lupa angpinatay ng mga elemento ng estado sa nakaraang dalawang linggo.Isa rito si Antonio Arellano, ta-

    gapangulo ng Paghiliusa sa Mangu-nguma sa Binabono, isa sa mga nag-petisyon laban sa Anti-TerrorismLaw (ATL). Pinatay siya sa BarangayJonob-jonob, Escalante CIty saNegros Occidental kasabay ngunang araw ng pagdinig ng kaso saKorte Suprema noong Pebrero 2.Kaalyadong organisasyon ang Pag-hiliusa ng National Federation ofSugar Workers, isa sa pinakamada-las i-red-tag ng militar sa Negros.

    Patay din ang magsasakang siRommy Torres, isa sa mga luma-laban sa pang-aagaw ng lupa ng pa-milyang Villar sa Norzagaray, Bu-lacan. Dinukot siya noong Pebrero 3sa Barangay San Mateo sa naturangbayan pero sa Laguna na natagpuanang kanyang bangkay noong Pebre-ro 5.

    Noong Enero 21, binaril at pina-tay si Vernel Mondreal sa hangga-nan ng mga barangay na Salvacionat Igdalaquit sa Sibalom, Antique.

    Tagakoordina si Mondreal ng Igpa-nolong Human Rights Desk.

    Sa Sorsogon, pinatay ng mgapulis at sundalo ng 31st IB siMichael Bagasala sa San Antonio,Barcelona noong Enero 24. May ba-kas ng tortyur ang kanyang bang-kay. Ayon sa mga saksi, tinortyur ngmilitar si Bagasala bago siyapinatay.

    Pinatay din ng mga pulis si NoelDegamon, Jr. noong Enero 29 saBarangay Luna, Surigao City. Pare-hong dating Pulang mandirigma nasumurender pero hindi nakipagma-butihan sa militar sina Bagasala atDegamon.

    Iligal na pag-aresto. Hindi ma-katarungang inaresto ang mga mag-sasakang sina Virgilio dela Cruz,Jerry Ramos at Herminio Ramos saBarangay Villaflor, Cauayan, Isabelanoong Enero 23. Tinamnan ng ebi-densya ang kanilang bahay paramagkaroon ng batayan ng pang-aa-resto. Pinararatangan silang mga

    myembro ng hukbong bayan.Sa rehiyon ng Caraga, magka-

    kasunod ang iligal na pag-arestonoong Pebrero 6 sa mga lider-masana sina Gina Tutor ng Gabriela,Greco Regala ng Pamalakaya-Agu-san del Norte at Isaias Ginorga ngPiston.

    Panununog. Sinunog ng mgamaton ng pamilyang Yulo ang dala-wang bahay ng mga magsasakanoong Enero 23 sa Buntog, Bara-ngay Canlubang, Calamba, Laguna.Makalipas ang tatlong araw, buma-lik ang mga maton at binugbog anganim na magsasaka. Pinagbantaandin nila ang mga residente ng sityona papatayin kung patuloy na lu-maban sa planong pagpapalit-gamitng lupa.

    Panggigipit. Dinumog at hina-lughog ng 60 elemento ng 2nd IBang mga bahay ng mga residente ngBarangay Madao, Uson, Masbatenoong Pebrero 1. Liban sa panana-kot, ninakawan din ng mga sundaloang pamilya ni Enrique Tumampil,lider ng Kilusang Magbubukid ngMasbate.

    5 magsasaka, pinatay ng mga ahente ng estado

    Myanmar, balik sa paghaharing militar

    NAGKUDETA ANG MILITAR ng Myanmar (datingBurma) noong Pebrero 1 para patalsikin sapwesto ang halal na mga upisyal ng bansa. Ina-resto at idinetine ng Tatmadaw, tawag sa arma-dong pwersa rito, si Aung San Suu Kyi, ang kini-kilalang lider ng sibilyang burukrasya at iba pangmatataas na upisyal. Nakatakdang buksan noongaraw na iyon ang bagong halal na parlamento.

    Idinahilan ng Tatmadaw ang walang base-hang paratang na nagkaroon ng malawakangdayaan sa eleksyon kung saan nilampaso ngpartido ni Suu Kyi ang prenteng partido ng mili-tar. Pinabulaanan ang paratang na ito ng mgaindependyenteng tagamasid at ng komisyon saeleksyon ng bansa.

    Sa kudetang ito, muling napatunayan ang ma-higpit na kontrol ng militar sa estado ng Myanmarna hindi nadaig ni Suu Kyi. Mahigpit na kinundenang United Nations at maraming bansa ang kudeta.Sa loob ng Myanmar, ilan nang protesta anginilunsad ng mga tagasuporta ni Suu Kyi.

    Search warrant laban sa 2 aktibista,

    ipinawalang-bisa

    IDINEKLARA NG ISANG huwes sa Mandaluyong City na "dibalido" ang search warrant na ginamit para halughugin angtinutuluyang bahay ng mga aktibistang sina Lady Ann Salemat Rodrigo Esparago noong Disyembre 10, 2020. Idineklararin ng husgado na hindi maaaring gamitin na ebidensya ang“nasamsam” na mga baril at eksplosibo mula sa kanila. Sagayon, walang kaso ang Philippine National Police laban sadalawa. Mahalagang tagumpay ito ng lahat ng mga inarestogamit ang depektibong mga search warrant at sinampahanng gawa-gawang mga kaso.

    Ang hindi balidong search warrant ay inilabas ni JudgeCecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City, ang tinaguriang“reyna ng pabrika ng mga warrant.”

    Sina Salem at Esparago ay kabilang sa pitong aktibistangiligal na inaresto sa araw na ginugunita ang Araw sa Kara-patang-tao na tinaguriang Human Rights Day 7. Ang iba pa aysina Dennise Velasco; Mark Ryan Cruz, Romina Raiselle Astu-dillo, Jaymie Gregorio at Joel Demate. Si Salem ay patnugot ngonline na pahayagang Manila Today habang ang anim ay mgaaktibistang nagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa.

  • Pebrero 7 , 2021 ANG BAYAN10

    Nagpalit ng hepe ang estado ng imperyalistang US noong Enero20. Nanumpa si Joseph Biden bilang ika-46 na presidente ng USat si Kamala Harris bilang kanyang bise-presidente sa gitna ng ru-maragasang krisis sa ekonomya, pulitika at kalusugan ng bansa.

    Tulad ng mga nauna sa kanya,itinataguyod ni Biden ang "pamu-muno ng US sa buong mundo" nawalang iba kundi ang imperyalistanghegemonya nito sa daigdig. Gayun-paman, nahaharap siya sa papala-king hamon ng multipolar na mundokung saan lumalakas ang Russia atChina bilang karibal na mga imper-yalistang sentro, dagdag sa datinang mga kapitalistang kumpetisyonsa Europe.

    Nahaharap din si Biden sa pa-patinding paglaban ng mga mangga-gawang Amerikano na aktibongnagtatanggol sa kanilang mga kara-patan sa ekonomya at pulitika. Ma-lakas ang presyur sa kanya na tup-din ang kanyang mga ipinangako atdinggin ang hinaing para sa traba-ho, dagdag-sahod, mas maaayos nakundisyon sa paggawa at serbisyongsosyal, gayundin ang hustisyang na-kabatay sa pananagutan at pagtigilng rasismo, kawalang pagpaparaya,brutalidad ng pulis at militarisasyonng institusyon nito.

    Sino si Joseph Biden?Si Joseph Biden, 76, ay beterano

    sa pulitika na myembro ng De-mocratic Party ng US. Una siyangnagtangkang tumakbo sa pagka-presidente noong 1988 pero napili-tang umatras matapos mapatuna-yang di totoo ang ilan sa ipinagma-laki niyang detalye sa buhay. Tu-makbo, nanalo at nagsilbi siyang bi-se-presidente ni Barack Obama mu-la 2009 hanggang 2017. Bago nito,senador siya ng estado (katumbasng rehiyon) ng Delaware mula 1973hanggang 2009.

    Kilala si Biden sa kanyang pani-nindigang "kiling sa Kanan" sa loobng kanyang partido. Siya ang pa-ngunahin at pinakamasugid na De-

    mocrat na tagapagtaguyodng gerang agresyon ng USsa Afghanistan at Iraq noongpinuno siya ng komite sa ug-nayang panlabas sa Senado.Sa kalaunan ay inatras niyaang kanyang suporta sa mgagerang ito, pero hindi siyasumuporta sa panawagangpauwiin ang mga tropangAmerikano. Pinangasiwaan niya ang"rekonstruksyon" sa Iraq sa ilalimng administrasyon ni Obama. Sinu-portahan niya ang gerang agresyonnito sa Libya at ang pag-aarmas samga rebeldeng grupong kontra-Assad sa Syria.

    May rekord siya ng rasismo bi-lang senador ng Delaware na akti-bong lumaban sa pagsasabatas ngmga patakaran para sa integrasyonng mga Itim at puting estudyantenoong dekada 1970.

    Paunang mga hakbangSa kanyang mga unang araw bi-

    lang presidente, pinirmahan ni Bi-den ang 30 kautusan para baliktarinang pinakamasasahol na patakarangpasista, kontra-migrante at paborsa mga kaibigang kapitalista ngsinundan niyang presidente na siDonald Trump. Kabilang dito angpagpapatigil ng konstruksyon ngpader sa hangganan ng US atMexico at pagbasura sa patakarangnagbabawal sa pagpasok ng mama-mayan mula sa ilang bansang Mus-lim. Nagpataw din siya ng mas mahi-higpit na patakarang kontra-Covid-19at itinuloy ang pag-ayuda sa naghi-hirap na Amerikano, tulad ng unanang ginawa ni Trump. May mgautos siyang pumapatungkol sa pag-agapay sa pagbabago ng klima atpagprayoridad rito sa mga pataka-ran ng bansa.

    Gayunpaman, nakikitang kulangang ilang kautusan, tulad ng pag-suspinde lamang at hindi tahasangpagpatawad ng utang ng mga es-tudyante. Sinuspinde niya ang pag-bibigay ng bagong mga permit ngpagmimina ng langis, pero tuloy la-mang ang mga operasyon ng 10,000dati nang pinahintulutang mgakumpanya.

    Patakarang panlabasItataguyod ni Biden ang pama-

    mayagpag ng militar ng US sa SouthChina Sea bilang direktang pa-nangga sa ekspansyunistang mgahangarin ng China. Ang hinirangniyang mga upisyal para sa ugnayanpanlabas, komersyo at paniktik aypuro kilala sa pagiging agresibo sapakikitungo sa China.

    Sa inisyal na mga pahayag ngmga upisyal na ito, lalo ring magi-ging agresibo ang administrasyon niBiden sa panghihimasok sa Syria,Iran at Turkey sa ngalan ng "pag-babago ng rehimen." Wala ringmagbabago sa pakikitungo nito saIsrael at hindi nito ililipat ang em-bahada ng US na nasa teritoryongiligal nitong inokupa sa Jerusalem.Patuloy din itong magiging "kontra"sa Cuba, Venezuela at North Korea.Ang mga patakarang ito ay hindibago at pagpapatuloy lamang samga patakarang una nang itinagu-yod ni Biden bilang bise-presidenteng administrasyong Obama.

    Ano ang aasahan sa bagongpresidente ng US?