counsel of god

68
ANG PAYO NG DIYOS SA KALIGTASAN James Padua 1 KALIGTASAN? Sinabi ni Pablo sa mga taga-Efeso: “At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalansang” (Efeso 2:1). Noong tayo ay hiwalay sa Diyos at mga patay dahil sa pagkakasala, hindi natin alam na tayo ay nasa kapahamakan. Gaya ng isang patay sa pisikal hindi niya alam na siya ay patay, gayundin ang isang patay sa espiritwal ay hindi niya alam na siya’y patay. Dahil tayo ay patay sa harap ng Diyos tayo ay pawang mga nasa kapahamakan, kaya't nangangailangan tayo ng kaligtasan. Ano ba ang kapahamakan na naghihintay sa atin? Walang iba kundi ang impiyerno. Lahat ng tao’y nararapat doon magtutungo dahil ang lahat ay nagkasala. Walang sinuman ang nararapat sa atin sa langit dahil banal lamang ang nararapat doon. Dahil dito ang Diyos ay gumawa ng paraan upang ang tao ay makarating sa langit. Gumawa Siya ng paraan at ito ang kaligtasan. Kapag ang tao ay walang kaligtasan siya’y nasa kapahamakan. Ano naman ang ibig sabihin ng kapahamakan? Una, ang kapahamakang tinutukoy ng Bibliya ay espirituwal, ito ay ang maranasan natin ang galit ng Diyos. Huwag nating isipin na kakayanin natin ang galit ng Diyos dahil sa katotohanan hindi natin ito mababata. Mararanasan ng tao ang galit na iyan sa itinakda Niyang panahon o kaya ay sa kamatayan ng tao. Ang magpapatikim ng sakit ng kaparusahan sa tao ay ang impiyerno na nilikha ng Diyos para sa kanyang mga anghel na magkakasala. Ipinaaalam ng Diyos sa mga tao na may naghihintay na kaparusahan sa kanila kung hindi sila magsisisi. Ito ay ipinakita na ng Diyos sa Kanyang mga salita na ipinagkaloob sa atin. Ang Bibliya ay nararapat na maging batayan ng tao sa mga bagay na nararapat niyang paniwalaan tungkol sa Diyos. Walang nalalaman ang tao tungkol sa dapat niyang paniwalaan maliban na ito ay sinabi ng ibang tao o kaya ay kanya ng nakagisnan. Tanging Bibliya ang may kapamahalaan sa nararapat paniwalaan ng tao, kung hindi, ang paniniwalaan niya ay mga kathang-isip lang. Kung hindi paniniwalaan ng tao ang Bibliya, magkakaroon kaya siya ng kaligtasan? Kung hindi niya ito paniniwalaan, kapahamakan ang patutunguhan niya. Ano ba naman ang magiging batayan natin upang hindi ito paniwalaan? Wala, dahil sa lahat ng bagay ang Bibliya ay matapat. Kaya’t kung nais ng tao na maligtas, maniwala siya at sumunod sa mga sinasabi ng Bibliya. Tunay na Kalagayan ng Tao

Upload: james

Post on 27-Apr-2015

598 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

Sabi ng iba itaas mo lang ang kamay mo at tanggapin ang Panginoon ay maliligtas ka na. Sabi naman ng iba kapag ligtas ka na ay hindi na mawawala pa ang kaligtasan mo.Sabi naman ng iba kapag hindi ka nabautismuhan hindi ka na maliligtas. Ano ba ang tutoo? Maaari nyong i-download ang aklat na ito sa kahit ng magkanong offering bilang pantulong sa Malabon at Noveleta Church

TRANSCRIPT

Page 1: Counsel of God

ANG PAYO NG DIYOS SA KALIGTASAN

James Padua

1 KALIGTASAN?

Sinabi ni Pablo sa mga taga-Efeso: “At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalansang” (Efeso 2:1). Noong tayo ay hiwalay sa Diyos at mga patay dahil sa pagkakasala, hindi natin alam na tayo ay nasa kapahamakan. Gaya ng isang patay sa pisikal hindi niya alam na siya ay patay, gayundin ang isang patay sa espiritwal ay hindi niya alam na siya’y patay. Dahil tayo ay patay sa harap ng Diyos tayo ay pawang mga nasa kapahamakan, kaya't nangangailangan tayo ng kaligtasan. Ano ba ang kapahamakan na naghihintay sa atin? Walang iba kundi ang impiyerno. Lahat ng tao’y nararapat doon magtutungo dahil ang lahat ay nagkasala. Walang sinuman ang nararapat sa atin sa langit dahil banal lamang ang nararapat doon. Dahil dito ang Diyos ay gumawa ng paraan upang ang tao ay makarating sa langit. Gumawa Siya ng paraan at ito ang kaligtasan. Kapag ang tao ay walang kaligtasan siya’y nasa kapahamakan. Ano naman ang ibig sabihin ng kapahamakan? Una, ang kapahamakang tinutukoy ng Bibliya ay espirituwal, ito ay ang maranasan natin ang galit ng Diyos. Huwag nating isipin na kakayanin natin ang galit ng Diyos dahil sa katotohanan hindi natin ito mababata. Mararanasan ng tao ang galit na iyan sa itinakda Niyang panahon o kaya ay sa kamatayan ng tao. Ang magpapatikim ng sakit ng kaparusahan sa tao ay ang impiyerno na nilikha ng Diyos para sa kanyang mga anghel na magkakasala. Ipinaaalam ng Diyos sa mga tao na may naghihintay na kaparusahan sa kanila kung hindi sila magsisisi. Ito ay ipinakita na ng Diyos sa Kanyang mga salita na ipinagkaloob sa atin. Ang Bibliya ay nararapat na maging batayan ng tao sa mga bagay na nararapat niyang paniwalaan tungkol sa Diyos. Walang nalalaman ang tao tungkol sa dapat niyang paniwalaan maliban na ito ay sinabi ng ibang tao o kaya ay kanya ng nakagisnan. Tanging Bibliya ang may kapamahalaan sa nararapat paniwalaan ng tao, kung hindi, ang paniniwalaan niya ay mga kathang-isip lang. Kung hindi paniniwalaan ng tao ang Bibliya, magkakaroon kaya siya ng kaligtasan? Kung hindi niya ito paniniwalaan, kapahamakan ang patutunguhan niya. Ano ba naman ang magiging batayan natin upang hindi ito paniwalaan? Wala, dahil sa lahat ng bagay ang Bibliya ay matapat. Kaya’t kung nais ng tao na maligtas, maniwala siya at sumunod sa mga sinasabi ng Bibliya.

Tunay na Kalagayan ng Tao Ang paniniwala naman ng ibang tao, maging mabuti ka lang sa iyong ay kapwa maliligtas ka na. Ito ay isa sa mga kathang-isip ng tao na walang batayan. Hindi sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan maliligtas ang tao. Kahit na gaano karami ang nagawang kabutihan ng tao ay sa impiyerno pa rin siya magtutungo. Ito kasi ang kalikasan ng tao: sila ay mga anak ng kagalitan. Hindi natin magagawang pawiin ang galit ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti upang iligtas Niya tayo. “Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; na siya may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas at mangakaalam ng katotohanan” (1 Tim. 2:3-4). Dahil sa kagustuhan Niyang maligtas ang tao, gumawa Siya ng paraan upang tayo ay maligtas. Nagtagumpay ang Panginoon kaya’t nabuksan Niya ang kaligtasan para sa lahat. Upang mangyari ito napakalaking halaga ang Kanyang pinagbayaran. Kung ito ay ipagbibili, walang tao ang makakabili. Ang ginawa ng Diyos ipinamahagi ito ng walang

Page 2: Counsel of God

bayad. Kaya’t sa oras na ito ay matatanggap natin ang kaligtasan ng Diyos ng hindi na natin paghihirapan pa. Sa sandaling ito ay titingnan natin ang paraan kung paano nating matatanggap ang kaligtasan upang tayo’y maligtas. Dahil napakalaking halaga ang pinagbayaran dito, nangangahulugan na ang tao ay nasa miserableng kalagayan. Nangangailangan siya ng tulong ng Diyos upang maligtas. Ang kaligtasang ipinagkakaloob ng Diyos ay pag-aalis sa atin sa miserableng kalagayang ito. Hindi tayo mayaman na gaya ng ating iniisip. Gaano man kayaman ang tao sa pinansyal pulubi naman siya sa espiritwal. Kaya kailangan natin ang Panginoong Jesus dahil binayaran na Niya ang ating kaligtasan. Bukod sa impiyerno kailangan muna nating maligtas sa kasalanan na ating nagagawa sa buhay na ito. Ito ang dahilan kung bakit tayo nasa kapahamakan. Kahit na wala tayong nalalaman sa mga moral na batas nalalaman natin na ang isang bagay ay masama sa pamamagitan ng ating budhi. Ang batas ng Diyos at ang ating budhi ay nagpapatotoo na tayo’y mga makasalanan. Bilang mga makasalanan at nagkakasala tayo ay nararapat sa kahatulan. Ang kaligtasan ng Diyos ay naghahandog ng kaligtasan sa kasalanan. Kung tayo nga sa ngayon ay ligtas na, paano ko mapapatunayan sa sarili kong ako’y ligtas? Iyan ang nais kong linawin dito. Napakaraming tao ang nagsasabing sila ay ligtas kahit na sa katotohanan ay hindi. Mayroon namang ligtas na subalit pinag-aalinlanganan pa ang kaligtasan niya. Ang mangyayari baka hindi pa siya maligtas dahil sa pag-aalinlangan niya. Mayroon namang tiwala sa kaligtasan nila subalit hindi nagpapahalaga sa kaligtasan nila. Para sa kanila sa oras na tinanggap mo ang kaligtasan ay habang-buhay ka ng ligtas kahit patuloy kang nagkakasala. Hindi din sila maliligtas kahit na sabihing sila’y minsan ng sumampalataya kung hindi makikita ang pagbabago sa kanila. Katotohanang marami ang naniniwala sa Bibliya subalit ang problema ay ang interpretasyong ibinibigay dito. May nagpapahalaga sa isang talata at winawalang-kabuluhan ang iba, sa pagnanasang maitaguyod ang sariling kanila. Kung ganito ang gagawin ng tao sumusuway na siya sa sinasabi ng Diyos. Titingnan natin ang tunay na sinasabi ng Bibliya at titimbangin natin ang sinasabi ng iba kung makatotohanan nga.

Paano Nangyayari ang Kaligtasan? Sa Lumang Tipan ay makikita natin ang larawan kung paano ang pagliligtas. Ayon sa sinasabi ni Pablo: “Sapagkat ang anomang mga bagay na isinulat ng una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa” (Roma 15:4). Nasulat ang lahat ng ito para sa ating kapakinabangan. Sa lahat ng mga nasusulat na ito tayo ay matututo. Ang diwa ng kaligtasan ay makikita natin sa Lumang Tipan sa kasaysayan ng Israel. Noong nasa malubhang kahirapan ang Israel dahil sa pang-aalipin ng mga Egipcio, dumaing sila sa Diyos at ang Diyos ay nagsusugo na magliligtas sa kanila. Kapag sila ay nailigtas na, ang taong naging tagapagligtas ang nagiging pinuno o hari nila. Maraming ulit nating makikita ang mga ganitong tagpo Lumang Tipan. Nangangahulugan na kapag sinabi nating kaligtasan, ang ililigtas ay nasa panganib o malubhang kalagayan at wala ng magawa upang iligtas ang sarili. Pagkatapos ay darating ang isang tagapagligtas na may kakayahang sagipin sa panganib ang ililigtas. Ganito nga ang lagay natin sa ngayon: tayo ay kahalubilo ng mga patungo sa kapahamakan, subalit dumating ang isang Tagapagligtas at tayo ay hinango Niya sa mapait na kalagayang iyon. Tayo ang mga nasa kapahamakan na nangangailangan ng Tagapagligtas; ang Panginoong Jesus ang isinugo upang maging Tagapagligtas natin. Nahahawig sa mga pangyayari sa Lumang Tipan ang pagliligtas ng Panginoon sa Bagong Tipan. Bagaman ang ating kalagayan sa ngayon ay malubha, ayaw iwan ng maraming tao ang kalagayang ito. Sa pagliligtas ng Panginoon tinatawag Niya ang tao upang pumanig sa Kanya. Kaya't ang napapaloob sa kaligtasan sa Bagong Tipan ay ang pagtawag ng Tagapagligtas at ang ating tugon sa tawag na iyan.

Ang Kaligtasan ay Isang Proseso

Page 3: Counsel of God

Ang kaligtasan ay isang proseso. Una, sinasabi na tayo ay maliligtas (Marcos 16:16). Nangangahulugang wala pa sa atin ang kaligtasan subalit maaaring mapasa atin. Ikalawa ay sa ikaliligtas (Heb. 10:39) na nagpapahiwatig na kung magawa natin ang mga sinabi ng Panginoon gaya ng pagsunod at pagpapatuloy, ito ay sa ating ikaliligtas. Pangatlo ay ligtas kayo (1 Cor. 15:2) na nagpapahiwatig na tayo ay ligtas na sa kapahamakan sa ngayon pa lamang. Ito ay pag-aaralan natin sa ikalimang kabanata ng aklat na ito.

- o -

2 SA BIYAYA KAYO’Y NANGALIGTAS

Hindi natin ginawa ang ating kaligtasan kundi ito ay biyaya ng Diyos. “Sapagkat sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya: at ito'y hindi dahil sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios”. (Efe. 2:8). Ano ba ang ibig sabihin ng salitang BIYAYA? Unang ginamit ng Bibliya ang salita biyaya sa Genesis 6:8 na sinasabi, “Datapwat si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon”. Ang salitang biyaya sa Hebreo ay chanan na ayon sa Strong’s Exhaustive Concordance: “a primitive root (compare 'chanah' (2583)); properly, to bend or stoop in kindness to an inferior; to favor, bestow; causatively to implore (i.e. move to favor by petition):--beseech, fair, (be, find, shew) favour(-able), be (deal, give, grant (gracious(-ly), intreat, (be) merciful, have (shew) mercy (on, upon), have pity upon, pray, make supplication…” Sa panahong iyon tanging si Noe lang ang nakapasa sa paningin ng Diyos. Dahil sa kanyang paglakad na matuwid nakuha niya ang pabor ng Diyos at hindi siya napahamak sa paggunaw. Sa dami ng mga tao noong kanyang kapanahunan, tanging siya lang ang sinabing nakasumpong ng biyaya sa Diyos. Nangangahulugan na ang pagsiyasat na ginagawa ng Diyos sa bawat tao ay personal. Isa-isa Niyang kinikilatis at tanging si Noe lang ang nakapasa sa pamantayan Niya. Bilang ganti ng Diyos sa kanya ay nagpakita Ito ng katapatan sa kanyang buong sambahayan. Kaya’t sinasabi sa susunod na talata: “Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumakad na kasama ng Dios” (Gen. 6:9). Sa kapanahunang iyon lahat ng tao ay tatanggap ng kagalitan ng Diyos. Tanging si Noe ang makakaligtas sa galit na ibubuhos ng Diyos sa mundo. Nangangahulugan na ang biyaya ay ang kabutihang-loob o pabor na ating natatanggap sa iba na hindi natin kayang bayaran. Halimbawa ay gaya ng nangyari kay Jose ng mapunta siya sa bahay ni Potiphar, sinasabi, “At nakasumpong si Jose ng biyaya sa kanyang paningin, na ang Panginoon ay sumasakanya, at ang lahat ng kanyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon sa kanyang kamay” (Gen. 39:4). Kung tayo ay nakasumpong ng biyaya tayo ay mapagkakatiwalaan. Ito ay nagbabadya ng pananagutan sa nagbigay sa atin ng biyaya. Si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa Diyos kaya ipinagkatiwala sa kanya ang pagbibigay babala sa buong mundo. Si Jose naman ay nakasumpong ng biyaya kay Potiphar, kaya’t ipinagkatiwala naman sa kanya ni Potiphar ang lahat ng kanyang kabuhayan. Lahat ng nakatanggap ng biyaya nasa kanilang kamay ang malaking responsibilidad. Lahat ng mga tumatanggap ng biyaya ng Diyos ay pinagkakatiwalaan ng Diyos ng Kanyang hiwaga. Hiniling ni Moises na makita ang Diyos at dahil siya ay tumanggap ng mataas na biyaya ay ipinakita sa kanya ng Diyos ang Kanyang likod (Ex. 33:13,17). Nang iwan ni Pablo ang pamumuhay niya at sumunod sa Panginoong Jesus, ang malalim na hiwaga ng Diyos ay nahayag sa kanya (Rom. 16:25; Eph. 6:19). Dahil sa mga kapahayagang iyan, hindi nila mapigilang ipahayag ang kabutihan ng Diyos. Gaya ng nangyari kay Moises ng makita niya ang kabutihan ng Diyos ay nasabi niya, “At ang Panginoo'y nagdaan sa

Page 4: Counsel of God

harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan; na gumagamit ng kaawaan sa libo libo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalansang, at ng kasalanan: at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin” (Ex. 34:6-8). Nahahayag ang biyaya ng Diyos sa Kanyang kabutihan, pagmamahal, pagkalinga, pagpapala at marami pang iba. Ito ang mga bagay na ating natatanggap na benepisyo sa Diyos ngayon. Gaya ng nangyari kay Moises kikilalanin natin at ipapahayag ang hindi mapapantayang kabutihan ng Diyos. Isa sa mga ilustrasyon ng biyaya ng Panginoon ay ang ginawa Niyang pagpapatawad sa dalawang alipin na walang maibayad sa Kanya (Lucas 7:42). Kung magta-trabaho ang mga alipin kahit buong buhay ang ipagtrabaho nila ay wala silang maipambabayad. Sa pagbabayad ay gugugol ka ng maraming kalakasan at masusumpungan mo ang lahat ay kulang pa. Dahil sa pagpapakumbaba at paghingi ng awa, biyayang kaloob na sila ay wala ng pagbabayarang pagkaka-utang. Hindi natin magagawang bayaran ang Diyos kahit na hanggang sa kahuli-hulihang hininga ng pagta-trabaho natin. Ang tanging magagawa natin upang hindi na tayo maghirap pa, hingin natin ang Kanyang biyaya. Libre naman itong ipinagkakaloob sa lahat ng humihingi. Sa gayon makakasumpong tayo ng kapahingahan sa lahat ng ating mga gawa. Ito ang hinahanap natin hindi ba? Kaya’t anong klase ng buhay ang hahangarin ng tao: ang mabuhay para sa Diyos o ang mabuhay ng malayo sa Diyos? Ano ang nagawa ng mga aliping iyon? Kahit na anong kabutihan ang nagawa nila ay hindi naging sapat upang makamit nila ang biyaya ng Diyos. Ito ang katotohanan, hindi tayo gumagawa upang umani ng biyaya ng Panginoon. Kaya wala tayong maipagmamalaking kabutihan na nagawa natin upang tumanggap ng biyaya. Kung ang biyaya ay nakakamit sa pamamagitan ng gawa, ang pinagka-mabuting tao ay gagawa lamang ng kaunti. Ang pinaka-masamang tao ay kakailanganin namang gumawa ng malaki upang magkamit ng biyaya. Kapag hindi niya naabot ang tamang pamantayan at bayad sa pagkakautang niya, hindi siya maliligtas. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang ipagkaloob ng Diyos ang biyaya ng walang bayad: upang ang mga makasalanan na nakakadama ng pangangailangan ng biyaya ay maligtas, at upang ang mabubuting tao na hindi nangangailangan ng Diyos ay huwag maligtas. Dahil ang biyaya ay ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat lamang ng mga nangangailangan nito: mabuti ka man o ubod ng sama ay maliligtas ka dahil sa biyaya ng Diyos. Walang maikakatwiran ang mga mabubuting-tao kung makita nilang maligtas ang isang makasalanan. Ito ay gawa ng Diyos sa Kanyang malayang kalooban. Kapag aking pinag-iisipan ito ay namamangha ako dahil ang isang makasalanang tulad ko ay iniligtas ng biyaya na hindi ko kayang bayaran. Sino ang nagbayad para sa akin? Ang Panginoong Jesus ayon sa Kanyang mayamang kaawaan at hindi ko malirip na mga daan ay iniligtas Niya ako. Hindi ba’t kamangha-mangha iyan? Ito ngayon ang pakiramdam ko: mula sa kawalang pag-asa ako ngayon ay may pag-asa. Marami akong sugat mula sa pagkabata at lahat ng iyan ay gumaling. Tinanggap ko ang Kanyang awa hindi dahil sa aking kabutihan, kundi dahil ipinagkaloob Niya ito ng walang bayad. Kaya’t sa buhay kong ito ay wala akong aalalahanin kundi magpapakagalak sa Kanyang awa at kabutihan. Nasa akin ang kapahingahang hinahanap ng marami. Ako nga ay ligtas dahil sa biyaya ng Diyos.

May-Akda ng Biyaya Walang may-ibig na tayo ay maligtas maliban sa Diyos. Mayroon bang nakakaalam sa atin na tayo ay patungo sa kapahamakan? Wala. Dahil wala tayong kaalaman tungkol sa kapahamakan at kaligtasan. Dahil sa mayamang biyaya ng Diyos, gumawa Siya ng paraan upang malaman natin ang ating pinatutunguhan ay kapahamakan at nais Niyang tayo ay

Page 5: Counsel of God

maligtas. Hindi maikakaila na ang pagkakaroon natin ng kaalaman sa kaligtasan ay isa na namang biyaya. Ang sabi ni Apostol Pablo: “Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa Kanyang sariling akala at biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan” (2 Tim. 1:9). Tinawag Niya tayo ng banal na pagtawag hindi sa dahilang tayo ay mabuti kundi dahil sa Kanyang biyaya. Isa sa kalikasan ng Diyos ay ang pagiging mapagbiyaya. Kasama ng biyayang iyon ay sa ang layunin para sa walang hanggan na Kanya ng binuo bago pa man nilikha ang mundong ito. At ang layunin na iyon ay para sa Panginoong JesuCristo. Dahil sa ito ay nagawa na noong una pa man bago nilikha ang tao, kaya’t ang kaligtasang ito ay may kasiguruhan. Nalalaman ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa pasimula hanggang sa wakas, kaya’t alam Niya kung sino ang mga maliligtas. Kaya’t sa araw na ang tao ay tumanggap ng kaligtasan, hindi na daw mawawala pa ang kaligtasang iyon. Bakit? Dahil sa paunang-kaalaman ng Diyos ay nagawa na Niya ang kaligtasan mo kaya’t hindi na ito maiaalis sa iyo. Tutoong sa paunang-kaalaman ng Diyos ay nakita na Niya ang lahat ng mga ligtas. Ang tanong ay, nakita mo ba ang sarili mo na isa sa mga nakita ng Diyos na ligtas? Maitutulad natin ang kaligtasan sa pagsakay ng bus papuntang destinasyon niya. Halimbawang nasa Cavite ka at sumakay ka ng bus papuntang Maynila. Habang nasa bus o jeep ka at walang disgrasyang mangyayari ay siguradong makararating ka sa Maynila. Pero kung sumakay ka at agad kang bumaba ay hindi ka na makakarating sa Maynila. Hindi perpekto ang halimbawang ito subalit magagamit natin upang maipakita ang katotohanan. Kung pilosopo ang tao ay marami ang maaaring sabihin, kaya’t ipagpapauna na nating hindi ito perpektong halimbawa. Walang disgrasya sa Diyos para sa lahat ng pupunta sa langit. Hindi Siya gaya ng drayber na maaari kang mapahamak sa kawalan ng pag-iingat. Ang kaligtasan natin ay maingat ng naiplano ng Diyos bago pa sinimulan ang sanlibutan. Habang nakasakay ka sa bus na biyaheng langit, siguradong ang tungo mo ay langit. Kapag bumaba ka sa bus na papuntang langit, hindi ka na kasama sa mga ihahatid doon. Makakasiguro tayo ng kaligtasan habang nasa piling tayo ng Diyos, kapag umalis na tayo sa piling Niya paano pa nating masasabing tayo ay ligtas? Magagawang bumaba ng tao sa biyaheng langit na sinasakyan niya, sa pagbaba niya ay huwag na siyang umasang ligtas at iyan ay ipapakita natin. Iniligtas tayo ng Diyos dahil tinawag tayo ng Espiritu Santo sa pangangaral ng ebanghelyo upang magpaligtas. Kaya't masasabi nating ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos dahil Siya ang nagpasimula nito. Ang Diyos na nagligtas sa atin ay dinadala naman tayo sa pananampalataya sa Panginoong Jesus. Kinakailangang ang gawa ng Panginoon ay maibigay sa atin dahil kung sa ating sarili ay wala tayong sariling katwiran. Ang masarap na samyo sa harapan ng Diyos ay ang pagaalay ng Panginoon ng Kanyang buhay para sa atin. Kapag ito ay ating tinanggap at sinampalatayanan tayo ay nagiging kalugud-lugod sa harap ng Diyos. Wala na tayong kasalanang pagbabayaran dahil ang lahat ay binayaran na ng Panginoong Jesus sa atin. Ibinigay sa atin ang kaligtasan dahil hindi natin ito kayang bayaran. Higit sa lahat hindi tayo mga karapat-dapat magtamo nito dahil sa ating kasuwailan. Dahil napakayaman ng Diyos sa awa, tayong mga hindi nararapat sa Kanyang kaharian ay nagkaroon ng mana dahil sa Panginoong Jesus. Ano ang malaking benepisyo nito sa atin? “Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man” (Awit 23:6). Lahat ng iyan ay pawang biyaya sa ating ng Diyos.

Ang Ating Tugon

Page 6: Counsel of God

Matapos ipagkaloob ng Diyos ay lahat ng kailangan sa ating kaligtasan, mayroon naman Siyang hinihingi sa atin: ipagkaloob natin ang ating buhay sa Kanya. Ipinangako ng Panginoong Diyos ang lahat sa Kanya, hinihingi naman Niya ang lahat ng sa atin. Hindi na tayo magiging kaibigan pa ng sanlibutang ito. Hindi na tayo ang mabubuhay sa ating sarili. Hindi na ang kalooban natin ang ating gagawin, kundi ang Kanya ng kalooban ang masusunod para sa atin. Gagawa na tayo ng ayon sa Kanyang kaluwalhatian. Hindi tayo manghahawakan sa mundong ito o sa ating sarili kundi sa Kanya lang. Wala itong tawaran. Hindi natin pwedeng sabihin, isang bagay lang ang para sa aking sarili at lahat ay sa Panginoon na. Maging ang pinaka-iingatan natin ay ibibigay na sa Diyos. Mamumuhay tayong maka-Diyos. Kung ibibigay natin ang buong buhay natin sa Diyos ano ang mawawala sa atin? Nawala na ba ang ating buhay? Hindi. Mula ng mapalayas ang tao sa halamanan ng Eden ay naranasan niya ang kamatayan. Narito ngayon ang Panginoong JesuCristo na nagbabalik sa atin ng buhay na naiwala ni Adan. Pinapaging-bulok ni Adan ang wangis ng Diyos na nasa atin. Narito ngayon ang Panginoon at tayo ay hinuhubog naman sa Kanyang larawan. Dahil pa rin sa kasalanang nagawa ni Adan kaya't ang buong sangkatauhan ay napalayas sa halamanan ng Eden. Muli tayong ibinabalik ng Panginoon sa lugar na iyon. Sa gitna ng halamanan na naroon ang puno ng buhay. Sinumang kumakain ng bunga nito ay mabubuhay. Ang Panginoong Jesus ay nasa atin ngayon na nagbabalik ng buhay na walang hanggan. Ang kamatayan na nararapat nating ikamatay na ikinamatay na Niya, dahil sa Kanyang kamatayan tayo ngayon ay nagkaroon ng buhay. Tayong lahat ay salat sa mga bagay na espiritwal. Mula sa langit ay iniwan ng Panginoon ang Kanyang kaluwalhatian at tinanggihan ang lahat ng kayamanan sa sanlibutang ito. Dumanas Siya ng matinding kalungkutan, pasakit, at kamatayan. Ano ang naging resulta nito sa atin? Tayo ngayon ay nagkamit ng buhay na walang hanggan, may mga mansyon sa langit, may mga koronang tatanggapin sa pagdating ng araw, at magmamana ng kaharian ng Diyos. Isipin natin ang mga bagay na ito na inihanda sa atin ng Diyos? Walang nawala sa atin kundi ang lahat ay atin pang nakamit dahil sa biyaya ng Diyos. Ito ang sinasabi sa atin ni Pablo: “Sapagkat nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong JesuCristo, na bagaman siya ay mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo” (2 Cor. 8:9). Hindi ininda ng Panginoon ang lahat ng mga panlalait, sakit, hampas at kamatayan dahil ang tinitingnan Niya ay ang hinaharap na magiging kalalabasan ng Kanyang sakripisyo. Kung sa pasimula pa lang ng ministeryo ay sumuko na Siya sa mga hirap na naranasan Niya, ano kaya ang kalagayan natin ngayon? Subalit tiniis Niya ang lahat dahil ang hangad Niya ay makamit natin ang biyaya ng Diyos. Kaya't kung ano tayo ngayon, ito ay dahil sa biyaya ng Diyos: mga tagapagmana ng kaharian ng langit.

Sino ang Makatatanggap? Ipinagkakaloob ng Diyos ang Kanyang biyaya sa lahat, bukas ito sa lahat ng tao. Kaya't kung ito ay tatanggapin ng lahat ng tao, ang lahat ay maliligtas. Subalit hindi lahat ng tao ay nagnanasang tumanggap ng kaligtasan, dahil ayaw nilang ipagkatiwala ang buhay nila sa Diyos. Ang biyayang alok ng Diyos ay may bisa doon lang sa mga taong tumatanggap nito. Tayo ay nangaligtas sa pamamagitan ng biyaya. Nangangahulugan ito na inaaamin natin ang ating mga kasalanan at kahinaan sa harap ng Diyos. Kung tayo ay magmamalaki at iisipin na sa ating mga gawang kabutihan ay maliligtas tayo, sasabihin ko na ngayon pa lamang wala tayong kaligtasan. Kaya't ang mga taong nagsasabing hindi sila nang-aapi, mamumuhay ng tahimik, magkakawang-gawa sila para maligtas, sa katotohanan sa kanila ay walang kaligtasan. Ito ay dahil ang biyaya ay malayang-gawa ng Diyos, hindi ito gawa natin. Walang kaligtasan sa ating mga gawa kundi sa biyaya ng Diyos. Gagawa nga ng kabutihan ang tao pagkatapos ay wala namang pananampalataya sa Diyos, paanong maliligtas ito? Tayo ay naligtas sa biyaya ng Diyos at hindi sa ating mga gawa.

Page 7: Counsel of God

- o -

3 NALIGTAS SA PANANAMPALATAYA

Sa mahabang panahon ay hinahanap ko ang kasagutan sa kung ano ang ibig sabihin ng pananampalataya. Hinahanap ko ang kasagutan sa mga aklat, dictionary, mga komentaryo at iba pang makapagbibigay impormasyon. Walang nakapag-bigay sa akin ng sapat na kalinawan. Maraming mangangaral ang napakinggan ko, sa halip na malinawan ko kung ano ang pananampalataya ay lalo lang nagpalito sa akin. Itinatago nila ang kamangmangan nila sa paggamit ng kung anu-anong termino. Kaya't sa halip na malinawan ng nakikinig, lalo lang itong nakakapag-pagulo. Sa katapusan ng sermon tanungin mo kung ano ang natutunan ng mga nakikinig, wala silang maisagot. Kahit na ang mga manggagawang kasabayan ko na mga marurunong sa Bibliya ay minsan ko na ring natanong kung ano ang pananampalataya. Kukuha sila ng sintas sa Bibliya, babasahin at pagkatapos ay hindi din makapag-paliwanag ng maayos. Marami ang nalilito sa kung ano ang isasagot kung ano ang pananampalataya.

Ano ang Pananampalataya? Ano ba ang ibig sabihin ng salitang pananampalataya? Ayon sa sinasabi ng Tagalog na salin ng Ang Bibliya, “Ngayon ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita” (Hebreo 11:1). Sa salin ng Authorized Version ay ganito naman ang mababasa natin, “Now faith is the substance of things hoped for, the evidence of things not seen.” Pag-aralan natin kung ano ang ibig sabihin ng mga salita. Kapag sinabi natin na ang pananampalataya ay “kapanatagan” ay mawawala tayo sa talagang esensya ng kung ano ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay higit pa sa kapanatagan sa mga bagay na inaasahan natin. Hindi din naman natin masasabing ito’y “substance” lamang na nangangahulugan ng pagiging isang diwa. Kaya’t masasabi natin na ang dalawang salin na ito ay hindi umaakma sa talagang nais ipahayag ng sumulat ng Hebreo. Sa salin ng New International Version ay ganito ang sinasabi: “Now faith is being sure of what we hoped for and certainty of what we do not see.” Lumalabas dito na ang pananampalataya ay kasiguruhan o katiyakan ng mga bagay na ating inaasahan. Kahit na hindi pa natin ito nakikita ay naniniwala na tayong ito ay tutoo at tiyak na mangyayari o nangyari. Hindi ito basta isang diwa o kapanatagan lamang kundi ito ay katunayan (substantiate) ng ating pinaniniwalaan. Nais kong ipaliwanag pa ng mainam ang ibig sabihin nito at nawa ay tulungan tayo ng Dios. Ano ang kaibahan ng pintor, ng isang karaniwang tao, at ng isang bulag mula pa sa pagsilang? Nakikita ng pintor ang ganda ng kombinasyon ng mga kulay at hugis, samantalang kung sasabihin mo sa bulag na ito ay dilaw, asul, at pula ang mga bagay na iyon ay hindi niya nalalaman dahil hindi naman niya nakikita. Sa isang karaniwang tao ay nakikita niya ang kaibahan ng mga kulay at hugis. Subalit kung wala siyang pagtingin na gaya ng pintor ay hindi niya makikita ang ganda ng mga pagkakaguhit sa mga larawan. Sa pintor na lumilikha ng mga larawan ay nagkakaroon ng kakaibang ganda ang isang likhang guhit, na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng malaking halaga ang isang gawa. Halos sa ganito natin mailalarawan ang pananampalataya. Maaaring nakikita ng isang tao ang ganda ng mga pangako sa Bibliya subalit hindi siya nakikilos upang paniwalaan ang mga ito. Sa iba naman ay walang halaga kahit na ano pa ang mga nasusulat sa Bibliya dahil wala naman silang pananampalataya dito. Sila ang mga

Page 8: Counsel of God

taong maituturing nating binulag ni Satanas. Nakikita naman ng ilan ang kagandahan ng bawat salitang nilalaman ng mga Kasulatan at ito na ang kanilang nagiging buhay. Anupa’t sa mga taong may pananampalataya ay ito na ang pinaka-mahalagang pagaari nila. Sinasabi ng Kasulatan na may kapahamakang naghihintay sa mga makasalanan doon sa impiyerno. Bagaman hindi natin ito nakikita ay naniniwala na tayo, at ang basehan ng ating pananampalataya ay ang salita ng Diyos. Naniniwala din tayo na ang basehan upang maligtas sa kapahamakang ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Kaya’t bagaman hindi pa natin nakikita ang kaganapan ng ating kaligtasan ay naniniwala tayo na tayo’y ligtas na dahil sa ating pananampalataya. Kaya nga, nangangahulugan na ang pananampalataya ay katiyakan na ang lahat ng sinasabi ng salita ng Diyos ay tutoo bagaman hindi pa natin ito nakikita o nangyayari. Kung wala ang pananampalatayang ito ay ano pa kaya ang mangyayari sa tao?

Lahat ba ng Tao ay May Pananampalataya? Mabuting katanungan. Katotohanan na ang lahat ng tao ay may pananampalataya at ito ay likas na sa atin. Kung walang pananampalataya ay ano kaya ang kasasapitan ng tao sa buhay na ito? Mapapatunayan natin na ang lahat ng tao ay may pananampalataya sa pamamagitan na ng pang araw-araw na buhay. Sa umaga pagpasok natin sa mga opisina o eskuwelahan, umaasa tayo sa mga sasakyan na makakarating tayo ng maaga sa mga patutunguhan natin. Iyon ay isa ng pananampalataya. Nananampalataya ka sa sasakyan; nananampalataya ka sa nagmamaneho na makakarating ka sa patutunguhan mo. Halimbawa pa rin ay ito: naniniwala ka na ang makapagluluto sa mga kinakain mo ay ang apoy. Naniniwala ka din na kapag isinaksak mo ang electric fan sa saksakan ng kuryente ay iikot ito upang mahanginan ka. Naniniwala ka din na kapag dinidiligan mo ang mga halaman ay gaganda ang mga ito at magbubunga o mamumulaklak. Ang lahat ng iyan ay pananampalataya, kaya’t sa pang araw araw nating pamumuhay ay nahahayag na tayong lahat ay may pananampalataya.

Nasa Desisyon ang Manampalataya (1) Lumalabas na ang pananampalataya ay bumabase kauna-unahan sa ating mga karanasan. Dahil sa naranasan nating mainit ang apoy at ito ay makapagluluto kaya't ginagamit natin ang apoy upang makapagluto. Kung sasabihin ng iba na gumamit ka ng baga dahil dito'y makapagluluto ka din ay naniniwala ka dahil alam mong mainit ang baga. (2) Bumabase din ang pananampalataya sa impormasyon na ating tinatanggap. Halimbawa na lamang ay ang sinasabi ng mga scientist na ang mundo daw ay bilog. Hindi naman natin nakikita ang mundo sa kabuuan nito subalit tayo ay naniniwalang ito ay bilog. Ang dahilan, nakita nila ang kabilugan ng mundo nang lumabas sa mundo ang sasakyang pangkalawakan nila. Bagaman hindi natin nakikitang bilog ang mundo ay naniniwala tayo sa kanilang mga nakakita. (3) Ang pananampalataya ay bumabase sa desisyon. May pagkakataon na kahit naging karanasan ng ilang tao ang isang bagay ay hindi pa rin ito mapaniwalaan ng iba. Isang halimbawa nito ay si Tomas na Didimo. Naibalita sa kanya ng mga kapwa alagad na ang Panginoong Jesus ay nabuhay na muli at nakasama pa nila Ito. Para kay Tomas kailangang makita muna niya at mahawakan ang Panginoon bago Ito paniwalaang nabuhay. Kaya't ang nangyari nagpakita sa kanya ang Panginoong Jesus at nagpahawak ng mga sugat, doon pa lamang nanampalataya si Tomas. Nangangahulugan na ang tao na rin ang gumagawa ng desisyon kung ano ang pananampalatayanan niya. Dahil pinili niyang manampalataya sa isang bagay kaya't ito ay kanyang pinaniniwalaan. Dahil na rin sa desisyon niyang huwag manampalataya kahit ang iba'y nananampalataya na ay kadalasang nananaig pa rin ang desisyon niyang huwag sumampalataya, ganito ang kaso ni Tomas. Halimbawang may magsabi sa tao na ang mundo sapad, dahil iyon daw ang katotohanan, nasa tao pa rin kung siya ay maniniwala. Maaaring tanggapin ng tao na siya ay nanggaling sa unggoy o nilikha siya ng Diyos. Anuman ang pinaniniwalaan niya iyon ay

Page 9: Counsel of God

higit niyang binibigyan ng kapamahalaan sa buhay niya. Kaya't kung mananampalataya ang tao sa sinasabi ng Bibliya, higit niyang binibigyang kapamahalaan ang Diyos sa kanyang buhay.

Ang Kalaban ng Pananampalataya Kung ang araw-araw na buhay natin ay binubuo ng pananampalataya, isipin ninyo kung ano ang mangyayari sa mundo o sa tao kung wala na ang pananampalatayang iyan? Kapag nawala na ang pananampalataya sa tao ito ay napapalitan na ng pagaalinlangan. Ito ang pangunahing kalaban ng pananampalataya. Ano pa kaya ang mangyayari sa tao kung puro pagaalinlangan na lamang ang iisipin niya? Kung nagaalinlangan ka na magiging mabilis ang biyahe sa pamamagitan ng pagsakay sa kotse o jeepney, ano pa ang ibang paraan na magagawa mo? Kung nagaalinlangan ka sa paggamit ng apoy o baga sa pagluluto, ano ang iba na maaari mo pang gamitin? Kung nagaalinlangan ka sa paggamit ng kuryente sa pagpapatakbo ng electric fan, aircon, stereo, o refrigerator ay mayroon ka bang maipanghahalili? Napakahirap ilarawan sa isip kung ang lahat ng bagay sa mundong ito ay pagaalinlanganan natin. Subalit imposible na na sa lahat ng bagay ay magalinlangan tayo. Nahahayag sa pang araw-araw na buhay natin ang solidong batayan na tayo ay may pananampalataya na maaaring walang pagaalinlangan. Hindi din naman maikakaila na ang tao ay may kakayanan upang pagalinlanganin ang isang bagay. Masasabi natin na ang pinaka mahigpit na kalaban ng pananampalataya ay ang pagaalinlangan. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay “paniniwala”; ang kabaligtaran nito ay pagaalinlangan na ang ibig sabihin naman ay “hindi paniniwala”. Ang pagaalinlangan sa Diyos ay kasalanan ayon sa sinasabi ng apostol na si Juan: “Ang nananampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagkat hindi sumampalatayasa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak” (I Juan 5:10). Ang pagaalinlangan ay isang katitisuran sa Diyos. Kapag tayo’y nagaalinlangan ay ipinalalagay nating mahina ang Diyos at hindi Niya magagawa ang ating kahilingan. Kapag ang Diyos ay naging mahina at hindi Niya natupad ang Kaniyang mga pangako ay lalabas Siyang sinungaling. “Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, ni anak ng tao na magsisisi; sinabi ba Niya at hindi Niya gagawin: O sinalita ba Niya, at hindi Niya isasagawa?” (Bilang 23:19). Kung ano ang ipinangako ng Diyos ay iyon ang Kaniyang gagawin. Ang Diyos ay hindi gaya ng tao na mahina na hindi makatupad sa kanyang mga pangako. Tapat Siya sa lahat ng Kaniyang sinabi, at mayroon siyang kapangyarihang isakatuparan ang mga sinabi Niya. Bakit kadalasan ay hindi nagkakaroon ng katuparan ang ating mga kahilingan? Ito ay dahil sa wala tayong pananampalataya sa magagawa ng Diyos. Gaya na lang ng mga Israelita na inilabas ng Diyos sa Egipto upang dalhin sa lupang ipinangako ay hindi sila nakapasok sa lupaing pinagdalhan sa kanila. Ano ang dahilan? Sa Hebreo 4:6 ay ganito ang sinasabi sa King James Version: “Seing therefore it remaineth that some must enter therein, and they to whom it was first preach entered not in because of unbelief.” Maliwanag ang sinasabi, dahil sa hindi nila paniniwala kaya hindi nila nakamtan ang pangako. Kung bakit ang ating mga karamdaman ay hindi gumagaling ay dahil mayroon tayong pagaalinlangan sa Diyos. Kung bakit ang ating mga kahilingan ay hindi nagkakaroon ng katuparan ay dahil tayo’y nagaalinlangan. Kung bakit ang ating iglesia ay hindi lumalago ay dahil may mga taong walang responsibilidad na hindi maikilos sa pananampalataya upang humayo. Kung bakit ang tao ay walang pananampalataya ay dahil pinili niya ang magalinlangan. Tayo ang gumagawa ng kinabukasan natin sa Panginoon. Kapag hindi natin narating ang langit sa araw na iyon, ay dahil pinili natin ang hindi makarating doon. Kaya’t kung tayo ay mapahamak ay dahil pinili natin ang magalinlangan sa pagliligtas ng Dios. “…their unbelief make the faith of God without effect” (Romans 3:3, KJV). Piliin natin ang

Page 10: Counsel of God

manampalataya sa Diyos dahil dito ay may kaligtasan. Kung tayo ay mananampalataya ay manampalataya na tayo ng walang pag-aalinlangan.

Ang Pananampalataya ay Hindi Isang Pangyayari sa Buhay Habang nagdurusa sa Hades ng paghihirap, hiling ng mayamang lalaki kay Abraham na mabuhay muli si Lazaro sa mga patay at magpatotoo sa kanyang mga kapatid. “Datapwat sinabi ni Abraham, Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila. At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapwat kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y mangagsisisi. At sinabi niya sa kaniya. Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay” (Luke 16:29-31). Maraming tao ang naghihintay ng mga kakaibang bagay na kailangan pang maranasan nila bago sila manampalataya. Isang halimbawa na nga dito ay ang mayamang lalaki na maaaring noong nabubuhay ay hindi naniniwalang may kaparusahan. Noong namatay siya at naranasan niya ang lupit ng kaparusahan ay doon lang siya naniwalang may impiyerno. Kaya't ang hiling niya kay Abraham ay ibangon sa mga patay si Lazaro upang magpatotoo sa kanyang mga kapatid na may impiyerno. Baka sa pagkabuhay ni Lazaro ay maniwala ang mga kapatid niya. Hindi na natin kailangang maghintay ng mga kakaibang-bagay sa ating buhay upang tayo ay mahikayat na manampalataya. Ang ganitong pag-uugali ay may malaking kabayaran. Halimbawa na lang ay ang nangyari kay Tomas, sinabihan siya ng Panginoon na mapalad dahil nahipo Siya, subalit higit na mapalad daw ang mga nanampalataya bagaman hindi nakakita. Baka magaya din tayo sa mayamang lalaki na sumampalatayang may impiyerno noong naroon na siya. Bagaman hindi pa natin nararanasan o nakikita dapat ay manampalataya na tayo dahil Diyos ang nagsalita. Ang pananampalataya ay kasiguruhan ng mga bagay na ating pinaniniwalaan, nagsalita ang Panginoon na may impiyerno kaya’t tayo ay naniniwala dito. Dito natin lubos na mauunawaan na ang pananampalataya ay hindi ang pagkakita. Matapos makita ng maraming Judyo ang mga himala ng Panginoong Jesus ay hindi pa rin sila nanampalataya. Kaya't ang pananampalataya sa mga bagay na nakikita lang ay mahinang basehan. Ang pananampalatayang nakalulugod sa Diyos ay ang paniniwala sa Kanyang mga sinabi bagaman hindi mo nakikita o nararanasan man. Ang tunay na pananampalataya ay ang pagdedesisyon nating hindi magalinlangan sa Diyos sa lahat ng Kanyang sinabi. Ang pananampalataya ay hindi isang bagay na basta tutubo na lang sa iyo bunga ng isang pangyayari.

Antas ng Pananampalataya Gaano kalaki ang pananampalatayang hinihingi sa ating ng Diyos? Mahalagang maunawaan natin na ang Diyos ay hindi humuhingi ng malaking pananampalataya. Ang hinahanap sa atin ng Diyos ay maliit na pananampalataya na walang pagaalinlangan (Mateo 21:21). “At ang lahat ng bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin” (Mateo 21:22). Kung ang tao ay may malaking pananampalataya ay malaki ang magagawa nito sa kaniya. Kung ang maliit na pananampalatayang kasing laki lang ng binhi ng mostasa ay makapagpapasubasob ng bundok sa dagat, gaano pa kaya ang magagawa nito sa mga taong may malaking pananampalataya. Sa mga pagpapagaling ng Panginoong Jesus ay madalas Niyang sinasabi sa tao, “Ayon sa iyong pananampalataya…” (Marcos 10:52; Lucas 7:50; 17:19; 18:42). Ito ay sa dahilang nakikita Niya kung gaano kaliit o kalaki ang pananampalataya ng tao. Kung ang tao ay walang pagaalinlangan ay magagawa ng Diyos sa kanyang buhay ang ayon sa nais niya. Nais mong gumaling, kung mayroon kang pananampalataya ay gagaling ka. Nais mong tanggapin ang Espiritu Santo, kung may pananampalataya ka ay tatanggapin mo ang kaloob ng Espiritu Santo. Ngunit kung ang tao ay nagaalinlangan, ang natitirang pananampalataya sa taong iyon ay wala nang kabuluhan.

Page 11: Counsel of God

May mga taong malaki ang pananampalatay at ang mga ito ay labis na hinangaan ng Panginoong Jesus. Isang halimbawa ay ang babaing Cananea na humihiling na pagalingin ang kanyang anak. Hindi agad ibinigay ng Panginoon ang kanyang kahilingan kundi dumaan muna siya sa isang pagsubok. Nang mapasahan niya ang pagsubok ay sinabi sa kanya ng Panginoon, “…malaki ang pananampalataya mo, mangyari sa iyo ang ibig mo…” (Mateo 15:28). Isa pa sa labis Niyang hinangaan ay ang pananampalataya ng sundalong senturion na humihiling na pagalingin ang kaniyang alipin. Habang nangangaral ang Panginoon ay lumapit ang senturion at sumang-ayon ang Panginoon na lumakad kasama niya upang pagalingin ang katulong niya. Subalit pinigil Sya ng senturion at sinabi, “…sabihin mo lamang ang salita at gagaling ang aking alila. Sapagkat ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, na may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya’y yumayaon: at sa isa, Halika, at siya’y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa.” “At nang marinig ito ni Jesus, ay nagtaka Siya, at sinabi sa nagsisisunod, katotohanang sinabi ko sa inyo, na kahit sa Israel man, ay hindi ako nakasumpong ng ganitong kalaking pananampalataya” (Mateo 8:8,10). May tinitingnang antas ng pananampalataya ang Panginoong Jesus. Habang lumalaki ang pananampalataya ito ay lalong nakalulugod sa Kanyang paningin. Matutularan kaya natin ang mga taong ito sa laki ng mga tinataglay nilang pananampalataya? Sila ay hindi naiiba sa atin; mga tao din silang gaya natin. Kung sila ay may pananampalataya ay magagawa din nila ang magalinlangan na gaya ng ginagawa ng mga karaniwang tao. Higit nilang pinili ang manampalataya kaysa magalinlangan sa magagawa ng Diyos, at iniligtas sila ng kanilang pananampalataya.

Batas ng Pananampalataya Sasabihin naman ng iba, “Mahirap manampalataya sa hindi mo nakikita, dahil ano ang katunayang ito ay tutoo. Makita ko muna bago ako manampalataya.” Iyan ang katuwiran ng mundong ito: “To see is to believe!” Bagaman iyan ang naging salawikain ng mga matatanda, sa mundong ito ay hindi pa rin nagiging makatotohanan ang kasabihang iyan. Maraming hindi pangkaraniwang bagay ang nakikita ng mundong ito subalit hindi nila mapaniwalaan kahit na tutoo. Marami namang bagay na makatotohanan sa mundong ito na bagaman hindi nakikita at hindi maipaliwanag ay masasabing higit na tutoo kaysa mga hindi nakikita. Kaya nga ang kasabihang “To see is to believe” ay hindi pa rin makatotohanan sa kanila. Iisa lang ang nalalaman kong dahilan , dahil pinili nila ang hindi maniwala. Kaya nga hindi makatotohanan ang salitang “To see is to believe” dahil higit na maraming bagay ang mapandaya sa nakikita. Ang paglakad natin ng ayon sa dikta ng mga bagay na ating nakikita ay patunay na ang tao ay nasa karnalidad pang kalagayan. Ito ang nagiging kaibahan natin sa mundong ito, tayo ay lumalakad sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi ng paningin (II Corinto 5:7). Hindi natin kailangang makita muna ang isang bagay na katunayan sa Diyos upang manampalataya. Ang batas na itinakda sa atin ng Diyos ay manampalataya muna, at pagkatapos ay doon makikita at mahahayag ang kabutihan at kapangyarihan ng Diyos. Ibinalita ni Felipe kay Nataniel na nasumpungan nila ang Mesias na kanilang hinihintay. Nang makaharap ni Nataniel ang Panginoong Jesus ay sinabi Nito sa kanya kung nasaan siya at anong pinaguusapan nila. Agad ay nanampalataya si Nataniel, at ng makita ng Panginoon ang kaniyang pananampalataya ay sinabi Niya: “…makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kaysa rito” (Juan 1:50). Bago manampalataya ang tao sa Diyos ay may ginagawa na Siyang kapahayagan dito sa pamamagitan ng pagbabalita ng iba. Sa araw na magpahayag ang tao ng pananampalataya ay doon pa lamang niya makikita ang mga gawang himala ng Diyos, pati na ang mga katuparan sa kanyang mga panalangin.

Paano Nagsisimula ang Pananampalataya sa Ikaliligtas?

Page 12: Counsel of God

Ang pananampalataya ay may dalawang klase: ang isa ay sa ikapapahamak at ang isa ay sa ikaliligtas. Maraming Hindu, Muslim at iba pang relihiyon na buong-buo ang pananampalataya sa aral ng relihiyon nila, subalit hindi sila mga ligtas ayon sa pamantayan ng ating paniniwala bilang mga Kristiyano. Ang pananampalatayang sa ikaliligtas ay ang pananampalataya ayon sa aral ng ebanghelyo. Ang pananampalataya sa ebanghelyo ay nagsisimula naman sa pakikinig. Upang ang tao ay may mapakinggan, kailangang may mangangaral ng ebanghelyo. Hindi nararapat bakahin ng isang bansa ang ibang mga bansa upang ang pananampalataya nila ay maipakalat lamang na gaya ng ginawa ng mga Muslim at mga Katoliko. Ang disenyo ng Diyos ay manampalataya sa Kanya ang mga tao sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo. Hindi man sila sumampalataya, bigyang kalayaan sila sa kung anong paniniwala nila. Kasama sa paraan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay ang pakikipagkatwiranan. Kung may humahamon sa pag-asa na mayroon tayo, dapat ay nakahanda tayong sagutin ito. May mga tao matapos na makitang higit na makatwiran ang ating pinanghahawakan ay bumibitaw sa paniniwala nila at pumapanig sa atin. Ang pagbibigay ng mga babasahing Kristiyano ay isa sa mga malaking tulong ng pangangaral. Madalas ay walang panahon makinig ang mga hindi mananampalataya subalit may panahon upang magbasa. Kaya't kung mamimigay tayo ng mga tracts piliin natin ang may mensaheng makahihipo at makakikilos sa tao upang gumawa ng desisyon. Bago natin ipamigay ang babasahin, ipanalangin muna na ang mga ito ay huwag masayang, kundi maging kapakinabangan ng mga tatanggap. Kapag napakinggan ng tao o naabutan mo sila ng salita ng Diyos, nasa kanila na ang desisyon kung tatanggapin nila ito. Mahalaga na maghasik tayo ng mga salita na tutubo kung sa matabang lupa mahulog. Sa gayon ay marami ang taong maliligtas. Gaya ng sinabi ni Pablo: “Sapagkat ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinasampalatayanan? At paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? At paano silang mangakikinig na walang tagapangaral? Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:13-14,17). Kung nais nating manampalataya ang tao kay Cristo ay ipangaral natin si Cristo. Paanong sasampalataya ang tao sa hindi naman nila napapakinggan upang magkaroon ng kaligtasan? Kung magkagayon, walang magiging kaligtasan ang tao kung hindi sila umaayon sa batas na itinakda upang sila ay maligtas. May dalawang dahilan kung bakit hindi ito sinampalatayan ng tao: una, maaaring hindi narinig ng tao ang tungkol sa Panginoon; pangalawa, maaaring narinig subalit pinili niya ang hindi manampalataya. Ano man sa mga ito ang dahilan, ang tao ay hindi magkakaroon ng kaligtasan. Sa mga taong nakapakinig na at hindi sumampalataya, wala na tayong magagawa sa kung anong magiging kapalaran nila pagdating ng araw. Sila ang pumili ng kapalaran nilang iyon anuman ang maging kalagayan nila sa walang hanggan. Subalit sa mga taong hindi pa nanampalataya dahil hindi pa napapakinggan ang tungkol sa pangalan ng Panginoon, kung may pag-asa pa sa kanila ay hindi ko alam. Subalit sa kapanahunang ito kung marinig nila ang pangangaral ng ebanghelyo at manampalataya sila sa mga salita ay mangaliligtas sila. Gaya pa rin ng sinabi ni Pablo, “Sapagkat dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, ngunit ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Roma 1:17). Ang pangako ng kaligtasan ay nasa pananampalataya sa ebanghelyo na ipinangaral ng mga alagad ng Panginoon na siya ding ebanghelyo na ating dala ngayon. Nasa inyo ang desisyon mga kapatid: tanggapin ninyo ang pangako ng kaligtasan at huwag pag-alinlanganan. Sa inyo naman na dati ng mga mananampalataya, huwag ninyong iwawala ang inyong pagkatiwala na may dakilang gantimpala. Bukod sa tunay na Diyos na ipinapangaral ng Bibliya, sino pa sa mundong ito ang maaari ninyong pagtiwalaan na nagbibigay ng magandang pagasa ng kaligtasan. Wala akong nalalaman maliban sa nag-iisa at tunay na Diyos. Nasa akin ang desisyon kung ako’y maglilingkod o tatalikod, subalit sa ganang akin ay higit kong pinili ang manampalataya at magpatuloy ng paglilingkod.

Page 13: Counsel of God

Sino ang Sasampalatayanan? Ang mahalagang katanungan ay ito: sino ang dapat nating sampalatayanan? Maraming pinananampalatayanan ang tao: nariyan ang paniniwala kay Buddha, kay Confucius, Mohammed, sa Panginoong Jesus at marami pang kilalang pinuno ng mga relihiyon. Ano ang nararapat nating maging batayan kung sino ang dapat sampalatayanan sa kanila? Kung titimbangin natin ang sinabi ng mga pinuno ng mga relihiyon sa mundong ito, wala sa kanila ang maitutulad sa Panginoong Jesus. Walang sinuman sa kanila ang naka-pangako ng buhay na walang hanggan. Kahit kailan ang pamantayan ng Panginoong sa pagsunod sa Kanya ay hindi bumaba at kaya ng taong sundin. Hindi gaya ng mga tao na nagtatakda ng mga batas na kahit sila ay hindi kayang sundin. Nakatala ang buhay ng Panginoong Jesus sa ebanghelyo. Sinumang makakabasa nito ay luluhod dahil sa pagsisisi sa kanyang mga kasalanan. Makikita niya sa ebanghelyo ang kababaang-loob ng Panginoon, pagiging masunurin Nito sa kalooban ng Diyos, ang hindi Nito malilimitahang kabutihan, at maraming pang iba. Mga bagay na hindi ginawa ng sinumang kilalang pinuno ng relihiyon. Ang mga bagay na Kanyang ginawa ay mga halimbawang ating lalakaran. Kapag sinundan natin ang mga yapak na yaon, masusumpungan natin na ang tunay na buhay ay nasa Kanya. Mayroong nilalaman ang ating pananampalataya, walang iba kundi ang Panginoong Jesus. Pananampalataya sa Kanya na walang pag-aalinlangan.

- o -

3 SA PAGSUNOD MALILIGTAS ANG TAO Isa sa nakakalungkot na pangyayari ngayon ay ang ginagawang pakikipag-tawaran ng tao sa Diyos. Ang kaloob ng Diyos ay ibinibigay Niyang libre subalit ang pagtawag Niya ay humihingi ng buong pagsuko. Ang hinihingi ng Diyos sa atin ay ang lahat-lahat sa atin at ito ay hindi nagbabago. Ang gustong isuko ng tao ay ang ilan lang sa kanilang buhay at hindi ang lahat. Ang gusto nila ay Diyos ang pasunurin sa kagustuhan nila at hindi sila ang susunod sa Diyos. Sinusunod ng tao ang ilan sa mga payo ng Diyos subalit hindi lahat. Ito ay pagsuway sa Diyos. Ang nilalaman ng aklat na ito ay ang payo ng Diyos sa ating kaligtasan. Naniniwala kami na dahil Diyos ang may-akda ng mga bagay na nasusulat kaya’t nararapat itong sundin. Ang hindi pagsunod ay nangangahulugan ng pagsuway. Kaya’t kung sa 99 na payo ay sumunod ka at sumuway ka sa isa, nagkakasala ka sa lahat ng payo ng Diyos (Sant. 2:10). Hindi makikipagtawaran ang Diyos sa tao kailan man. Ang Kanyang itinakda ay mananaig at hindi magbabago. Dahil dito, marapat nating sundin ito ng walang pag-aalinlangan dahil ito ay sinalita ng Diyos. Gaya ng sinasabi ng Panginoong Jesus: “Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisampalataya sa Kanya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking mga salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko“ (Juan 8:31). Sa kabaligtaran kung hindi natin ito susundin tayo ay hindi mga alagad ng Panginoon. Kaya’t kung kinikilala talaga ng tao na ang Bibliya ay sa Diyos, hindi siya mamimili ng gusto lamang niyang sundin at pagkatapos ay hindi na niya pahahalagahan ang iba. Ang tunay na Apostolikong pangangaral ay sumusunod sa halimbawang iniwan ng mga apostol, gaya ni Pablo na nagsabi na: “Sapagkat hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyaha ng Diyos” (Gawa 20:27). Anong mukha kaya ang ipapakita ng mga mangangaral na ang ipinangangaral ay mga bagay na nakalulugod lamang sa mga tao? Ano kaya ang maikakatwiran ng tao kapag tinanong siya ng Diyos kung bakit hindi niya ipinangaral ang mga salitang ito? Dahil ang mga salitang ito ay salita ng Diyos, wala tayong maikakatwiran upang hindi ito ipangaral.

Page 14: Counsel of God

Tayo ay itinuturing ng Panginoon na Kanyang mga alagad kung tayo ay “mananatili” sa Kanyang mga salita. Ibig sabihin ng Panginoon dito ay kung tayo’y manghahawakan, maniniwala, at susunod. Ang nangyayari, dahil sa mga sariling paniniwala at doktrina ay nagkakabaha-bahagi ang mga Kristiyano. Sasabihin ng isa, dahil hindi iyan ang paniniwala namin kaya magkaiba tayo. Sasabihin naman ng iba, ito ang nasasalig sa Bibliya kaya ito ang mas tama. Binibigyan ng tao ng iba’t-ibang kahulugan ang isang talata kaya’t ang tao’y sumusunod na sa interpretasyon at hindi sa maliwanag na salita ng Diyos. Isang halimbawang ginagamit ng tao upang alisan ng halaga ang ibang salita ng Diyos ay ang magnanakaw na nakapako sa krus. Naniniwala tayo na ang magnanakaw ay ligtas dahil sumampalataya siya at pinangakuan ng Panginoon na isasama sa paraiso. Kung gayon kailangan lamang ng tao ay manampalataya at maliligtas na siya, ang sabi ng marami. Hindi na daw kailangan ang bautismo at iba pang bagay upang maligtas. Ang magnanakaw ay hindi naman nakagawa ng mabuti, hindi din siya nabautismuhan subalit siya ay ligtas. Kaya’t hindi na daw natin kailangan ang gumawa pa para sa kaligtasan dahil tayo ay ligtas na noong tayo ay sumampalataya. Ang problema ay ito: hindi naman tayo mga nakapako sa krus kaya’t hindi natin nararapat angkinin ang ipinangako ng Panginoon sa magnanakaw. Hindi naman tayo nakapako sa krus para hindi makagawa ng mga bagay na inutos ng Panginoon. Mayroong salita na para sa ating mga hindi nakapako sa krus. Ito ay ang Juan 8:51, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad sa aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan”. Sa personal kong pagsusuri, lumalabas na ang pananampalataya ay katumbas ng pagsunod. Kung tayo ay sumasampalataya sa mga salita ng Diyos, tayo ay susunod sa mga sinasabi ng mga salitang ito. Pangako ng Panginoon na kung tinutupad natin ang kanyang mga salita ay ligtas tayo. Paano naman kung hindi natin tinutupad? Natural na hindi tayo ligtas. Katunayan ito na ang pangangaral ng salita ng Diyos ay walang pagtatangi. Lahat ay ipapangaral natin dahil ito ay bahagi ng sinabi ni Cristo. Anumang doktrina ang sumasalungat sa mga pahayag ng Panginoon ay dapat tanggihan dahil iyan ang tinatawag ni Pablo na ibang ebanghelyo. “Na ito'y hindi ibang ebanghelyo kundi mayroong ilan na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang ebanghelyo ni Cristo. Datapwat kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang ebanghelyo na iba sa aming ipinangaral sa inyo, ay matakuwil. Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon. Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang ebanghelyo na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil” (Gal. 1:7-8). Ganyan sa sinumang nagnanais pasamain ang ebanghelyo ng Panginoon. Kahit na ito’y kagalang-galang pa, kahit na mayaman pa, kahit na malaki ang naitulong niya sa iyong pinansyal, kahit na isang sugo o anghel pa siyang itinuturing, dahil sa siya’y nagdala ng iba na sa mga ipinangaral ng mga apostol, dapat itong matakwil. Lahat ng taong naniniwala sa Diyos ay nagnanais sumunod sa Diyos. Kahit na yaong mga tao na may pinaniniwalaang ibang mga diyos ay naroon ang pagnanasa na makasunod sa diyos nilang iyon. Gaano pa kaya tayo na naniniwalang tutoo ang Diyos natin ang hindi magnanasang sumunod dito. Tayong mga Kristiyano, ang ating pagsunod sa Diyos ay nararapat na bumabase sa Kanyang mga salita. Iniwan sa atin ng Diyos ang Bibliya upang maging batayan ng ating pagsunod sa Kanya. Nalalaman ng Diyos na napakaraming tao na may maririkit na pananalita ang lalabas at ililigaw ang marami. Pasusunurin ng mga taong ito ang kanilang mga maaakay para sa sarili nilang kapakinabangan. Sa bandang huli ay sa ikapapahamak nilang lahat. Ang Diyos sa Kanyang mayamang awa ay nagsabi: “Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; na Siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan” (1 Tim. 2:3-4). Ang mga salitang ito ng ebanghelyo ang batayan ng ating pagsunod sa Kanya. Anumang bagay ang iuutos sa atin ng sinumang namumuno na kung masumpungan nating ito ay salungat sa salita ng Diyos, hindi ito nararapat sundin. Maging katwiran natin ang sinabi ni Pedro: “Datapwat nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao” (Gawa

Page 15: Counsel of God

5:29). Anumang batas ang itinakda ng tao na sumasalungat sa batas ng Diyos, ang batas ng Diyos ang susundin natin. Dahil sa pamamagitan ng pagsunod na ito nakasalalay ang ating kaligtasan. Ang problema sa ating kapanahunan ngayon, binibigyan ng iba’t-ibang kahulugan ang salitang “pagsunod”. Kapag sinabing pagsunod, ano ang dahilan at ano ba ang susundin? Sumusunod ba tayo sa Diyos dahil tayo ay naligtas na o sumusunod ba tayo sa Diyos upang maligtas? Kailangan pa ba nating sundin ang mga kautusan ni Moises o anong klaseng kautusan ang ating susundin? Ang paniniwala kasi ng marami, hindi mahalaga ang pagsunod upang maligtas. Kung tayo ay ligtas na walang makapag-aalis ng kaligtasang iyon kahit na tayo ay nakasuway pa ayon sa kanila. Ang mga ito ay karaniwang interpretasyon na nagpapalito sa mga walang-malay. Ang tangi kong nalalaman noong ako ay tumanggap kay Cristo, mahalaga ang pagsunod dahil mahal ko Siya at ito’y mahalagang bahagi ng kaligtasan. Lalong naging malinaw sa akin ang lahat ng iyan sa pagdaan ng panahon

Halimbawa ni Cristo Nais kong ipakita ang kahalagahan ng pagsunod sa pamamagitan ng mga halimbawang ipinakita ng Panginoong Jesus noong Siya ay nasa lupa. “Sapagkat bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin” (Juan 6:38). Ang pagiging katulad ni Cristo ay hindi sa anyo kundi sa pagsunod sa Diyos. Ang pagsunod ng Panginoon ay walang reserbasyon kundi lubusan. Ang kaligayahan Niya ay ang kaluguran sa Kanya ng Ama. Ito din ang Kanyang pinaka-pagkain na nagbibigay kalakasan sa Kanya (Juan 4:34). Tinangkang iligaw ni Satanas ang Panginoon noong Siya ay tuksuhin nito. Lahat ng isinagot ng Panginoong Jesus ay ang mga nasusulat. Dahil sa ito ay nasusulat na mga salita ng Diyos, hindi Niya itinuturing na magaang ang isang salita at ang iba ay mabigat. Ang mga mangangaral ngayon ay sumusunod sa landas ni Satanas. Inaalisan nila ng halaga ang isang salita ng Diyos maging kumportable lamang sa pangangaral nila. Inaalis nila ang kahalagahan ng pagsunod na sa katotohanan ay napaka-halagang bagay sa Panginoong Jesus. Lubusan ang ginawang pagsunod ng Panginoong Jesus sa kalooban ng Ama. Kahit na ang buhay Niya ay ipagkakaloob Niya sa pagsunod dahil alam Niyang sa pamamagitan nito maluluwalhati ang Ama (Juan 21:19). Gaya din naman sa atin kung tayo’y susunod sa kalooban ng Diyos ay maluluwalhati ang Panginoon. Mahirap ang pagsunod kung ang tao ay nakahilig sa kasamaan. Kaya tayo dinadala ng Diyos sa iba’t-ibang klase ng pagsubok, upang mapatunayan natin sa ating sarili kung hanggang saan ang ating pagsunod. Sa kaisipan ng Diyos ay alam Niya kung tayo ay magiging tapat o hindi. Mapapatunayan natin sa ating sarili na tayo ay tapat sa Diyos kapag dinala na tayo ng Diyos sa mga pagsubok. Kung tayo ay makapasa sa pagsubok, magmamana tayo ng buhay na walang hanggan. Kung masusumpungan tayong masuwayin, natural na wala tayong magiging buhay na walang hanggan. Halimbawang isa sa mga pasiya ng Diyos ang hindi nasunod ng Panginoong Jesus, sa palagay ba ninyo may kaligtasan tayo? Dahil nasunod ng Panginoon ang buong kalooban ng Ama kaya’t tayo ngayon ay magmamana ng buhay na walang hanggan; sa pamamagitan din naman ng pagsunod sa Kanya. Maliwanag sa Bibliya na ang mga masuwayin ay tatanggap ng kaparusahan (2 Cor. 10:6; Tito 1:16; Heb. 2:2). Nalalaman ng tao na mahalaga ang pagsunod, sa halip na sundin ang kalooban ng Panginoon ay sumuway pa siya, natural na siya ay tatanggap ng kaparusahang ayon sa kanyang nagawa. Iba ang ang intensyon na pagsuway sa hindi mo sinasadya. Kung sakali mang sinasadya ng tao ang pagsuway, dapat niya itong pagsisihan agad upang hindi siya mapahamak. Sundin natin ang payo ni Pablo: “Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagkat dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway” (Ef. 5:6). Ano ang mga salitang walang kabuluhan na iyon? Iyon ay ang mga tao na nagsasabing ang pagsunod ay hindi talagang mahalaga dahil ang nagligtas

Page 16: Counsel of God

daw sa atin ay ang pananampalataya. Kapag sinabing pananampalataya hindi na daw kasama ang mabuting-gawa. Maliwanag ang salita ni Pablo, dumarating ang galit ng Diyos sa mga taong sumusunod sa mga nagsasalita ng mga bagay na walang kabuluhan. Ang turing sa kanila ng Diyos ay mga manunuway. Sa kanila dumarating ang galit ng Diyos. Humiwalay tayo sa kanila. Upang huwag nating gawing maliit na bagay ang pagsunod, ginamit ni Pedro ang Panginoong Jesus na halimbawa. Ang sabi niya: “Sapagkat sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagkat si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y magsisunod sa mga hakbang niya” (I Pedro 2:21). Ang tunay na pagsunod ay wala ng halo pang pagtatanong at pagsalungat.

Ano ang Susundin? Kinakailangang malaman muna natin kung ano ang batas na dapat nating sundin. Sa dami ng mga batas na nasusulat sa Bibliya, baka may magkamali na ang akala ay ipinapatupad ko ang lahat ng mga batas na iyon. Alamin muna natin kung ano ang mga batas na iyon at pagkatapos ay alamin natin kung ano ang dapat sundin.

1. Batas pang sibil Ang mga batas na ito ay may kinalaman sa kanilang mga desisyong pang-pulitika, kalusugan, kalinisan, sa mga kinakain, sa paglilitis sa mga krimen, at sa iba pang bagay. Dahil hindi ito pang-espiritwal kaya’t hindi tayo natatali sa mga batas na ito. Subalit sa mga batas na ito ay may mahahalagang aplikasyon na kung susundin natin ay may benepisyo ng kalusugan at katahimikan sa pamumuhay.

2. Mga batas pang-seremonya Ito naman ay tumutukoy sa mga obligasyong pang-relihiyon ng bansang Israel. Tumutukoy ito sa kanilang mga pag-aalay ng mga hayop na simbulo ng Panginoon, ng mga kapistahan at iba pang ritwal. Ang mga pag-aalay na iyon ay simbulo ng kamatayan ng Panginoong Jesus. Natapos ang mga ritwal na gawaing iyan ng mamatay ang Panginoong Jesus sa krus.

3. Batas pang-moral Ang dalawang naunang batas ay pawang isinulat ni Moises sa aklat ng kautusan. Ang batas pang-moral ay ang sampung kautusan na isinulat mismo ng Panginoong Diyos. Walang sinuman ang nakatupad ng kautusang ito. Kahit na si Moises na pinagbigyan ay hindi natupad ang sampung kautusan. Ang tanging nakatupad nito ay walang iba kundi ang Panginoong Jesus. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang makasalanan ay lalo pang naging makasalanan.

4. Bagong batas Sa sampung kautusan ay walang laman ang aariing-ganap kundi ang lahat ay mapaparusahan. Dito ay walang kapatawaran kaya’t ang Diyos ay gumawa ng paraan upang ang tao ay maligtas sa nagbabantang sumpa ng kautusan. Ibinigay Niya ang isang bagong kautusan na hindi na nasusulat sa pamamagitan ng titik. Kung ang tao ay nasa ilalim ng bagong kautusan ay wala siya sa ilalim ng sumpa ng unang kautusan. Sa unang kautusan ay naroon ang galit sa ikalawa naman ay biyaya. Ang unang kautusan ay Diyos ang nagbigay sa pamamagitan ni Moises, ang ikalawang kautusan naman ay si Cristo mismo. Ito ang salita ng Panginoong Jesus: “Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't-isa: kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't-isa” (Juan 13:34). Pag-ibig ang siyang bagong kautusan ni Cristo. Sa Lumang Tipan bagaman hindi ka pumapatay kahit galit ka sa iyong kapwa ay hindi ka nagkakasala. Sa Bagong Tipan magalit ka lang sa kapatid mo ay nagkasala ka na ng pagpatay at nasa kadiliman ka pa (1 Juan 2:9-11).

Page 17: Counsel of God

Dito mapapatunayan ng tao kung hanggang saan ang pagsunod niya sa Diyos. Noong una bagaman hindi ka nakikitang nangangalunya ay hindi ka nagkakasala. Ngayon ay sinasabing “ang bawat tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kanyang puso” (Mat. 5:28). Sa katotohanan ang mundong ito ay punung-puno ng makalamang paghahangad. “Sapagkat ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi sa Ama, kundi sa sanglibutan.” Kung sa lahat ng ito ay mayroon ang tao, paano niyang maipapakita ang pag-ibig niya sa Diyos? Lahat ng mga magnanakaw, walang pagmamahal sa Diyos, mapagnasa ng iba’t-ibang mga bagay ay pawag hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. Kaya’t imposible ang sinasabi ng ibang tao na hindi mahalaga ang pagsunod. “At sa ganito’y nalalaman natin na siya’y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya at hindi tumutupad ng Kanyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kanya. Datapwat ang sinomang tumutupad ng Kanyang mga salita, tunay na sa kanya ay naging sakdal ang pagibig ng Diyos. Dahil dito’y nalalaman nating tayo’y nasa Kaniya” (1 Juan 2:3-5). Ito ang batayan ng tao upang magkaroon ng kasiguruhan na siya ay nasa Diyos: ang tumupad ng kanyang utos. Kaya mayroon ka ng direksyon dahil nakikilala mo Siya at sa pamamagitan niyan ay nagiging sakdal sa iyo ang pag-ibig ng Diyos. Paano naman ang mga taong hindi nagbigay halaga sa utos ng Diyos? Sila’y nasa kadiliman at hindi pa nakakakilalang tunay sa Diyos. Kaya’t ang mga nagsasabing ang pagsunod sa anyo ng mga kautusan ni Moises ay walang kapakinabangan, sa katotohanan, hindi tayo nasasalig sa kautusan ni Moises kundi ng Panginoong Jesus: ang pag-ibig. Ang pagsunod sa utos na ibinigay ng Panginoon ang maghuhubog sa atin sa kabanalan. Dahil kung may pag-ibig ka sa Diyos iibigin mo Siya ng buong puso. Lalayo ka sa anumang anyo ng kasamaan. Hindi mo iibigin ang sanglibutan pati na ang masasamang-pita nito. Ano ang resulta nito? Kabanalan. Sa pamamagitan ng ating pagsunod makakasiguro tayo ng kaligtasan. Kung walang pagsunod, wala din ang kabanalan.

Paano ang Pagaaring-ganap? Hindi kaya tayo ay sumasalungat na sa sinabi ni Pablo sa Galacia 2:16 na sinasabi: “Bagama't naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay JesuCristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman.”? Wala tayong sinasalungat sa mga sinabi ni Pablo dahil hindi tayo naniniwala na ang tao ay aariing-ganap sa pagtupad ng mga kautusan ni Moises. Ang pagtupad ng kautusan ni Moises ayon sa laman upang ariing-ganap ay hindi kay Cristo at ito ay malayo sa biyaya (Gal. 5:4). Tayo ay inaring-ganap sa pamamgitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus. Ang tinutupad natin ay mga utos ng Panginoon. Wala na tayong maidadagdag pa roon at hindi natin pwedeng bawasan. Ngayong tayo ay mga inaring-ganap na sa pananampalataya, kinakailangan na ang pananampalatayang ito ay makita at magbunga sa pamamagitan ng gawa. Ang gawa ay ang konkretong batayan ng ating pananampalataya. Sa pamamagitan nito maipapakita natin ang ating pagmamahal at pagsunod sa Diyos, ang pagkalinga sa ating kapwa. Kaya't kung wala ang pagsunod, paanong sasabihin ng tao na siya ay sumasampalataya? Ganito ang sabi ni Santiago: “Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya ngunit walang mga gawa? Makapagliligtas baga sa kanya ang pananampalatayang iyan?”

May Gantimpala sa Pagsunod

Page 18: Counsel of God

Ang Diyos ay isang kondisyonal na Diyos. May nakalaan Siyang gantimpala sa lahat ng mga sumusunod sa Kanya. Kung paano nating matatanggap ang gantimpala ay kailangang maipakita natin ang pagsunod sa Kanya. Tayo ba ay sumusunod sa Diyos upang makatanggap ng gantimpala? Kung ang ating pagsunod sa Diyos ay upang makatanggap ng gantimpala ay isang maling motibo. Ang ibinigay sa atin ng Diyos noong una ay biyaya at ang biyayang iyan ay hindi natin binabayaran ng pagsunod. Kapag tayo ay bibigyan ng Diyos ng gantimpala, ibabase Niya ito sa ating mga gawa, gaya ng sinasabi ni Pablo: “Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti kundi utang” (Roma 4:4). Ang pagbibigay-ganti sa mga ginawa natin ay sa Kanyang ikalawang pagbabalik. Nang makilala natin ang Diyos ay natuto tayong sumunod sa Kanya. Ang pagsunod natin sa Kanya ay sa buo nating kalooban at hindi napipilitan (1 Cor. 9:17). Ginagawa natin ito ng may pagmamahal, at dahil sa pagmamahal ay hindi ito naghahanap ng kapalit. Ang tangi nating inaasam ay makasama lamang Siya. Siya na din ang nangako: “Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawat isa ayon sa kanyang gawa” (Apoc. 22:12). Ano ang gantimpala na iyon? Hindi pa natin alam ang ibang gantimpala subalit ang isang may kasiguruhan ay ang langit (Isa. 40:10; Mat. 5:12; Col. 3:24). Kahit na hindi tayo sumusunod sa mga utos ng Diyos, mayroon pa rin tayong gantimpala. Kung nagbibigay ang Diyos ng gantimpala sa mga sumusunod, mayroon rin Siyang gantimpala sa mga sumusuway na mananalansang (Heb. 2:2). Huwag nga lang umasa ang mga masuwayin ng buhay na walang hanggan dahil kapalit ng pagsuway nila ay kapahamakan (Kaw. 24:20; Isa. 3:11; 2 Pe. 2:13). Mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan ang Bibliya ay punung-puno ng mga halimbawa ng pagsunod at pagsuway. Walang sinomang tao na sumusunod sa Diyos ang napapahamak. Ang nagpapahamak sa tao ay ang pagsuway niya. Subalit sa pagsunod ay mayroon tayong kaligtasan. Kailan ba tayo naligtas noong sumampalataya o noong sumunod sa Diyos? Kung tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, patunay ito na ang pagsunod daw ay hindi batayan ng kaligtasan. Ang ganitong pangangatwiran ay sa mga nagbubulag-bulagan lamang. Napakaraming ulit nating mababasa sa Bibliya ang ginawang pagsuway na naging dahilan ng kanilang kapahamakan. Kaya ka sumusunod dahil nananampalataya ka, kung hindi ka sumusunod wala kang pananampalataya. Laging kalakip ng ating pananampalataya ang pagsunod. Hindi tinatapos ng pananampalataya lang ang ating buhay. Pagkatapos nating sumampalataya ay susunod tayo sa Panginoong pinag-alayan natin ng buhay.

May Kaparusahan sa Pagsuway Kung paanong sa pagsunod ay may gantimpala, maging sa pagsuway ay may gantimpalang ibinibigay ang Diyos: “Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagkat dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway” (Ef. 5:6). Ang galit na iyan ay nagpapakita ng kaparusahang ibibigay ng Diyos sa tao. Sa ngayon ay hindi pa natin nakikita ang galit Niya dahil hindi pa ito ang tamang panahon upang ibuhos Niya ito. Ayon pa rin sa ipinahayag ng Hebreo 2:2-3, kung ang salita raw ng mga anghel ay pinagtitibay at ang mga hindi sumampalataya dito ay tumatanggap ng kaparusahan, gaano pa kaya ang kaligtasang ipinangusap ng Panginoon? Natural na ang mga ito ay hindi makakatakas kundi tatanggap ng karampatang kaparusahan. Saan tayo lulugar ngayon? Kung tayo ay susuway, tatanggap tayo ng gantimpalang kaparusahan. Kung tayo naman ay susunod, makakasiguro tayo ng buhay na walang hanggan. Sa mabuhay tayo at sa mamatay tayo susunod tayo sa Panginoon dahil Siya ang may salita ng buhay na walang hanggan.

Page 19: Counsel of God

- o -

5 NALIGTAS SA BAUTISMO

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang bautismo at saan ba ito nanggaling? Kinakailangan ba na ang tao ay mabautismuhan? Ang argumento ng maraming nagsasabing sila ay Kristiyano, hindi daw mahalaga ang bautismo upang ang tao’y maligtas. Ang magnanakaw na nakapako sa krus ay hindi naman nabautismuhan subalit siguradong siya’y ligtas. Kaya't hindi kasama ang bautismo upang maligtas ang tao, ang sabi nila. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito. Nais kong linawin na ang bautismong tinutukoy ko ay ang bautismo sa tubig. Hindi ako tumutukoy sa bautismo sa espiritu at apoy kundi ang aralin na ito ay para lang sa bautismo sa tubig. Mahaba ang pag-aaral na ito subalit makapagbibigay kaaliwan sa mga mambabasa at maipapakita natin ang malalim na kahulugan ng bautismo. Unang makikita natin sa Bagong Tipan na bumabautismo ay si Juan Bautista. Lahat ng mga taong naniniwala sa pangangaral niya ay binabautismuhan niya sa pagsisisi. Kasunod na makikita nating bumabautismo ay ang Panginoong Jesus. Higit na marami ang Kanyang nababautismuhan kaysa kay Juan. Hindi naman direktang bumabautismo ang Panginoong Jesus kundi ang mga alagad ang bumabautismo para sa Kanya. Kaya't kung ang Panginoong Jesus ay nagpa-bautimo at nagbautismo, marapat lamang na ang bawat sumusunod ay magpabautismo.

Paglulubog, Wisik, o Buhos? Ang salitang bautismo ay nanggaling sa salitang Griyego na baptizo na ang ibig sabihin ay “paglulubog”. Kung ang tao ay tatanggap ng bautismo nararapat na siya ay ilubog sa tubig. Kung siya ay wiwisikan lamang, hindi siya nabautismuhan kundi nawisikan lang. Kung siya naman ay bubuhusan ng tubig, siya ay nabuhusan at hindi nabautismuhan. Sa wikang Griyego ang salitang wisik ay rhantizo. Ang salitang ito ay ginamit sa Hebreo 9:13, rhantismos sa Hebreo12:24 at 1 Pedro 1:2, at proschussis na ginamit sa Hebreo 11:28. Mapapansin natin sa mga talatang ito na ang pagwiwisik ay konektado sa dugo ng Panginoong Jesus at hindi sa bautismo. Dahil dito, ang pagwiwisik kung gagamitin sa bautismo ay walang bisa. Hindi ka nabautismuhan kundi nabasa ka lang ng tubig. Ang pagbubuhos naman sa wikang Griyego ay ephicheo at ito ay nasa Lucas 10:34. Hindi pa rin siya ginamit sa pagbabautismo sa pagsisisi. Kaya't kung ang bautismo ay gagawing buhos lamang ito ay wala ding bisa. Nabuhusan lamang sila ng tubig subalit hindi sila nababautismuhan. Unang nabautismuhan sa pamamagitan ng pagbubuhos ay si Constantino ang dakila. Ayon sa kasaysayan, naging Kristiyano si Constantino noong 312 A.D. Sa gawain ng mga obispo, kapag tumanggap ang tao sa Kristiyanismo ay agad itong binabautismuhan, subalit si Constantino ay hindi nabautismuhan agad maliban ng siya ay nasa bingit na ng kamatayan. Nang malapit na ang kanyang kamatayan noong 337 A.D., nais sana niya ay mabautismuhan sa ilog ng Jordan. subalit hindi na niya kaya pang maglakbay. Nangyari, binautismuhan siya ni Papa Silvester sa pamamagitan ng pagbubuhos habang nakaluhod. Iyon ang kauna-unahang pagbabautismo na pagbubuhos ng tubig, at ginawa ang pagbabautismong iyon sa pormula ng trinidad Bago pa man naisagawa kay Constantino ang pagbubuhos, may mga katuruan ng kumalat pagkamatay ng mga apostol na salungat sa kanilang katuruan. Isa sa kasulatan na nakuha noong 110 A.D. ay ang Didache, sinasabi dito: “But concerning the baptism, thus baptize; having first recited all these precepts, baptize in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, in running water; but if you do not have running water, baptize in some other water, and if you cannot baptize in cold, in warm water; but if you

Page 20: Counsel of God

have neither, pour water three times in the head, in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.” (http://www.zionkerrville.org/z_baptism.htm). Maraming nagsasabi na ang Diadache ay nalikha sa panahon ng mga apostol. Subalit sa nilalaman ay makikita natin ang pagkakasalungat nito sa mga apostol, kaya't naniniwala ang mga iskolar na ito ay likha ng mga tao pagkaraan ng mga apostol. Sa marami pang pagkakataon, ang paglulubog sa bautismo ay unti-unti ng napalitan ng pagwiwisik at pagbubuhos. Ano ang ibig sabihin nito? Ang lahat ng mga apostol ay nagbabautismo sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig. Pagkaraan nila, ang paglulubog na ito ay napalitan ng pagwiwisik o pagbubuhos. Hindi ang mga apostol ang nagbago ng paraan ng pagbabautismo kundi ang mga tinatawag na Church Fathers. Sa kanila nagsimula ang pagbabago ng katuruan ng mga apostol. Ito ang paalaalang iniwan sa atin ni Pablo: “At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan” (Gawa 20:30). Pagkatapos ng mga apostol, nagsilabas ang mga taong ito na bumago sa doktrina ng mga apostol. Ang mga gawa nila ay hindi ayon sa mga apostol kaya't hindi natin dapat sundan.

Unang Kailangan Bago Mabautismuhan Bago umakyat ang Panginoong Jesus sa langit ay Kanyang ibinilin sa mga alagad: “At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:15,16). Lahat ng mararatnan ng ebanghelyong ito at magsisisampalataya at nararapat bautismuhan, ayon sa utos ng Panginoon. Sinasabi sa huling bahagi ng talatang kinuha natin, “...datapwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.” Ang argumento ng mga hindi naniniwala sa kahalagahan ng bautismo ay ganito: “Hindi naman sinabi ng Bibliya 'ang hindi nabautismuhan at hindi sumampalataya ay parurusahan', kaya't hindi kasama ang bautismo upang maligtas.” Katotohanan wala naman ang salitang mabautismuhan sa huling talata, ang dahilan, paano mong babautismuhan ang isang hindi sumasampalataya upang maligtas? Ang binabautismuhan ay yaon lamang mga sumasampalataya. Wala tayong babautismuhan na hindi mananampalataya kundi sumasampalataya lang. Sa pangangaral ng ebanghelyo kung ang tao’y hindi sumampalataya ay hindi ito nararapat bautismuhan. Kaya't ang tinatawag ng pre-requisite sa bautismo ay ang pananampalataya. Kapag ang tao'y sumampalataya ay kailangang bautismuhan agad. Sa halimbawang ipinakita ng Panginoon, lahat ng sumampalataya sa Kanya ay nabautismuhan. Lahat din ng naniwala sa mensahe ni Juan Bautista ay binabautismuhan niya at pagkatapos ay itinuturo niyang sumampalataya sa darating sa kanyang likuran, sa Panginoong Jesus. Kaya't ang bautismo ay mahalaga bilang ikalawang hakbang ng kaligtasan.

Marcos 16:9-20 Sa talatang ito ng aklat ni Marcos ay maraming nag-aalinlangan. Sinasabi ng marami na ito ay hindi bahagi ng Kasulatan kundi isiningit lamang. Sa New International Version ay makikita pa natin ang salita: “The most reliable early manuscripts and other ancient witnesses do not have Mark 16:9-20.” Ang iba pang salin ng Bibliya ay may ganito ding kahawig na paunang salita. Ibig nilang sabihin, maaaring hindi ito bahagi ng salita ng Diyos dahil raw sa pinaka-matandang manukristo ng Kasulatan ay wala ito. Subalit tayong mga Apostoliko ay naniniwalang bahagi ito ng Kasulatan. Tingnan natin ang mga pagaalinlangan nila at ang katunayan na ito ay bahagi ng ebanghelyo. Isa sa mga dahilang sinasabi ng hindi ito bahagi ng ebanghelyo ay dahil hindi ito matatagpuan sa mas lumang mga kasulatan gaya ng Codex Vaticanus at Codex Sinaiticus. Matatagpuan lamang daw ito sa mas makabagong kasulatan ng Bibliya gaya ng Textus Receptus. Ito ang mga kasulatang hindi naglalaman ng mga talatang ito. Kaya't kung

Page 21: Counsel of God

mayroon man silang paniniwalaan, higit na paniniwalaan daw nila ang mas naunang mga kasulatan. Si Eusebius (340A.D.) na kilalang historyador ay nagpahayag ng pagaalinlangan sa talatang ito ni Marcos. Sa patotoo din ni Jerome, hindi niya nakita sa mga kasulatang hawak niya ang talatang ito ni Marcos subalit isinama pa rin niya sa kanyang Latin Vulgate. May iba pang Church Fathers gaya ni Origen at Clemente ng Alexandria ay walang binanggit sa mga huling talatang ng aklat ni Marcos. Sa website ni Pastor Jim Snapp, (http://www.curtisvillechristian.org/MarkOne.html), ipinakita niya na ito ay talagang bahagi ng ebanghelyo. Sa pagsusuring ginawa niya, mula Marcos 16:8 hanggang Lucas 1:1 ay wala nga sa Codex Vaticanus subalit doon ay nag-iwan ng blangkong espasyo. Maaaring ang sumulat ng codex na ito ayon sa kanya: “This may suggest that the reason why Vaticanus looks the way it does at the end of Markis that (a) the exemplar of Vaticanus contained the Short Ending, and (b) the copyist of Vaticanus rejected the Short Ending, and (c) the copyist guessed -- incorrectly, but off by only four lines -- that the remaining blank space in the second column, plus all of column three, would be adequate for the Long Ending. Thus the copyist formatted the text in such a way that either ending could be adopted by the manuscript's eventual owner.” Sa madaling salita ang espasyong iniwan ng sumulat ng Codex Vaticanus ay nakalaan para sa Marcos 16:9-20. Pinatunayan rin ni Dean John William Burgon na ang huling labing dalawang talata ng aklat ni Marcos ay bahagi ng Kasulatan. Pinag-aralan niya ang lahat ng mga Church Fathers at nakita niya ang maraming katunayan dahil ito ay ginamit rin nila. Naisulat niya ang aklat na pinamagatang The Last Twelve Verse of Mark na may pahinang 350 bilang pagpapatunay na ito ay bahagi ng kasulatan. Walang batayan ang mga nagsasabing ito ay idinagdag na lang sa makabagong sulat ng Bibliya. Sa katotohanan ito ay matatagpuan pa sa mga mas matatandang kodigo gaya ng Codex Washingtonensis, Codex Alexandrinus, and Codex Ephraemi na mga kasulatan noong ika-200 siglo. Ilan pa sa mga taong kinakitaan ng huling talata ni Marcos ay sina Justin Martyr (165 A.D.) sa kanyang First Apology Chapter 45. Si Tatian (172 A.D.) sa kanyang Diatessaron. Si Iraneus (180 A.D.) sa kanyang aklat na Against Heresies, Book III, 10:5-6 . Napakaraming katunayan na kung iisa-isahin natin ang lahat ay hindi magkakasya ang pahina ng aklat na ito. Alisin natin ang pag-aalinlangan sa mga huling talatang ito ng aklat ni Marcos. Ito ay bahagi ng salita ng Diyos. Ito ay nagpapatunay na ang bautismo ay mahalagang bahagi ng kaligtasan.

Ito'y Utos ng Panginoon Maliwanag sa Marcos 16:16 na ang bautismo ay utos ng Panginoong Jesus na gagawin sa lahat ng mga sumasampalataya. “Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas.” Kapag ang tao ay sumampalataya, kailangan itong bautismuhan. Dahil sa ito ay nakita nating salita ng Panginoon kaya't nararapat nating sundin. Hindi nakalulugod sa Panginoon na tayo ay mag-aalinlangan sa pagsunod dahil ang narinig nating sinabi ng mangangaral ay taliwas sa talata. Hindi natin nararapat bigyang katanungan ang Kanyang salita kung ito ay nararapat ba o hindi. Ang magagawa natin, sumunod. Dahil kung hindi tayo susunod tayo ay masusumpungang mga suwail. Ang pagsunod na hinihingi sa atin ng Panginoon ay gaya ng pagsunod ng isang bata: naroon ang pagtitiwala at walang pag-aalinlangan. Bukod pa sa Marcos 16:16 makikita din natin sa Mateo 28:19 na ito ay bahagi ng dakilang utos ng Panginoon. “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Maliwanag sa dalawang talata na ang lahat ng mga sasampalataya ay nararapat na mabautismuhan. Dahil sa ito ay utos na nanggaling sa bibig ng Panginoong Jesus, hindi ba natin ito bibigyan ng halaga?

Page 22: Counsel of God

Ang utos lalo na kung nanggaling sa Panginoon ay nararapat sundin. Magaang pa na ang langit at lupa ay mawala kay sa hindi magkaroon ng katuparan ang Kanyang mga salita. Sa katotohanan, lahat ng mga sumampalataya sa pangangaral ng mga apostol at ng ibang mga alagad ay pawang binautismuhan. Kaya't kung sila ay tumupad sa utos ng Panginoon, tayo man sa kapanahunang ito ay tutupad rin. Hindi tayo hihigit sa mga apostol na tumanggap at tumutupad ng utos. Kaya't kung sinuman ang magsabing hindi mahalaga ang bautismo, itinataas niya ang kanyang sarili na higit pa sa mga apostol ng Panginoon. Maraming bagay na ginawa ang Panginoon na hindi na isinulat sa ebanghelyo (Juan 21:25). Naniniwala rin ako na maraming salita Siyang sinalita ang hindi na isinulat pa, dahil kung isusulat pa ang lahat ng Kanyang mga ginawa at sinalita ay hindi na talaga magkakasya ang aklat sa sanlibutang ito. Bakit naman sa dinami-dami ng Kanyang mga sinabi ay isinama pa ang bautismo sa isinulat? Iisa ang dahilan, dahil ito ay mahalaga. Kung hindi ito mahalaga ay hindi na sana ito isinama ng mga sumulat ng ebanghelyo.

Kailan Nararapat Bautismuhan? May mga samahan na ang ginagawa ay aaralan muna ang tao sa lahat ng aral ng kanilang Iglesia bago ito bautismuhan. Ang iba naman ay nagsasabing kailangan munang maging matatag ang mananampalataya bago bautismuhan. Sayang lang raw kung babautismuhan mo at pagkatapos ay biglang mawawala. Ang iba naman kahit na hindi pa sumasampalataya at kahit na hindi pa naaaralan ng mga aral ng Iglesia ay agad binabautismuhan ang tao. Talagang hihilahin nila ang tao para mabautismuhan nila. Kailan ba ang tamang panahon upang ang sumampalataya ay bautismuhan? Pagdating sa mga ganitong bahagi ng pagdedesisyon, higit na mainam na pagbatayan natin ang gawa ng mga apostol. Mayroon silang halimbawang iniwan kung kailan ang panahong dapat bautismuhan ang sumampalataya. Ang mga gawang iyon ang susundan natin. Kapag ang tao sa panahon ng pangangaral ng mga apostol ay sumampalataya, agad nila itong binabautismuhan. Subalit kung ang tao ay nakapakinig lang at hindi pa naman sumasampalataya ay hindi nila ito binabautismuhan. Sa mga sumampalataya hindi sila nagsasayang ng panahon; hindi nila sinasabing kailangan ay maging matibay muna ang mananampalataya; hindi din nila inaralan muna ang mga tao sa doktrina ng Iglesia, kundi sa araw na magpahayag ng pananampalataya ang tao ay agad nila itong binabautismuhan. Ganoong kaagap ang pagtupad nila sa salita ng Panginoon, hindi gaya ng maraming mangangaral ngayon na may maliit na pagpapahalaga sa bautismo. Tingnan natin ang pagkakaisa ng mga apostol. Noong tinanong ng mga Judyo si Pedro kung ano ang gagawin nila, ang sagot ni Pedro sa kanila: “Mangagsisi kayo at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni JesuCristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo” (Gawa 2:38). Ano ang nangyari sa pangangaral na iyon ni Pedro? “Yaon ngang nagsitanggap sa kanyang salita ay nangabautismuhan...” Walang natangi sa mga taong iyon, lahat ng tumanggap sa salita ni Pedro ay nabautismuhan. Gaano sila karaming sumampalataya? “...at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa” (Gawa 2:41). Walang ipinagpaliban ang mga apostol ng araw na iyon, kundi ang 3,000 kaluluwang sumampalataya sa pangangaral ni Pedro ay agad binautismuhan. Mayroon bang tumutol sa sampung apostol na kasama ni Pedro mg araw na iyon na nagsabi: “Dapat ay aralan muna sila” o nagsabi na: “Dapat ay maging matatag muna sila”? Walang tumutol sa sampung mga apostol na kasama ni Pedro kundi silang lahat ay sumang-ayon na dapat bautismuhan ang mga sumampalataya. Kahit gaano karami ang sumampalataya ay kailangang bautismuhan nila dahil walang pagpapaliban sa pagbabautismo. Mayroon bang isa sa mga apostol na nagsabing hindi mahalaga ang bautismo? Wala. Kahit wala tayong nabasang mahalaga ang bautismo, subalit sa pamamagitan ng kanilang mga gawa ay ipinagsisigawan ang kahalagahan nito. Ang gawa ay higit na sumisigaw ng malakas kay sa salita.

Page 23: Counsel of God

Sa Ikapagpapatawad ng mga Kasalanan Ayon sa sinabi ni Pedro sa mga hindi mananampalataya, magsisi sila at magpa-bautismo sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Kung nagisi ka ay mapapatawad ka sa kasalanan, paano kung nagsisi ka at hindi naman nagpa-bautismo? Maitutulad natin ang kapatawaran ng mga kasalanan sa isang barya na may dalawang tagiliran. Ang isang tagiliran ay ang pagsisisi at ang isa naman ay ang bautismo. Kapag tatanggap ka ng isang barya, hindi maaari na may isang tagiliran lang ang tatanggapin mo kundi laging dalawa. Kaya't kung nais mong tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan, kailangan ay dalawa ang gawin ng tao: magsisi at magpa-bautismo. Hindi ba't ang pagsisisi ay para na nga sa kapatawaran ng mga kasalanan? Bakit kailangan pa ng bautismo? Sa ganito natin mailalarawan ito: kapag nagsisi tayo ay nangangahulugang sumusuko na tayo sa Panginoon. Gaya ng isang sundalong sumuko sa mga kaaway, lahat ng sinabi o ipapagawa ng kaaway ay gagawin niya ng walang kondisyon. Kaya't kung tayo ay talagang nagsisisi, gagawin natin ang lahat ng sinabi ng Panginoon ng wala tayong ibinibigay na kondisyon, tatanggapin natin ang bautismo sa tubig. Kapag naipakita natin ang pagsunod sa gayon tayo mapapatawad sa ating mga kasalanan. Mali naman daw ang pagkaunawa ko sa sinabi ni Pedro, kaya daw tayo nagpabautismo ay dahil napatawad na tayo sa ating mga kasalanan ng tayo ay magsisi. Kung titingnan natin ang salita ni Pedro at ng Panginoong Jesus ay hindi nagkakalayo: “Sapagkat ito ang dugo ng aking tipan, na nabuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mat. 26:28). Kung paanong ang dugo ay sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan; ang pagsisisi at bautismo ay sa ikapagpapatawad rin ng mga kasalanan, hindi magkaiba ang salita ng Panginoon at ni Pedro. Isa sa mga argumento nila upang sabihing hindi ito sa kapatawaran ng mga kasalanan ay ganito: Hindi raw tayo nagpapabautismo upang mapatawad ang ating mga kasalanan, dahil tinanggap na natin ang kapatawaran noong tayo ay magsisi. Ang salitang “sa” sa wikang Griego ay eis na may dalawang kahulugan, ayon sa Webster’s New Collegiate Dictionary, ang salitang "for" na ginamit sa King James Version ay may iba't-ibang kahulugan. Dalawa dito ay (1) purpose (2) because of. Ang huling pagkakagamit ng eis ay nasa Mateo 2:13 na nagpapakitang ang layunin ni Herodes ay patayin ang bata sa oras na malaman niya kung nasaan ito. Ayon sa isang website na nabasa ko: "But the usual idiom with eis was undoubtedly with verbs of motion when the motion and the accusative case combined with eis (‘in’) to give the resultant meaning of ‘into,’ ‘unto,’ ‘among,’ ‘to,’ ‘towards’ or ‘on,’ ‘upon,’ according to the context. This is so common as to call for little illustration." (Grammar, A.T. Robertson, p. 593), (3) Thayer, "...to obtain the forgiveness of sins, Acts 2:38... One last thought along this line and that is a reminder of what J. W. Wilmarth said as quoted above,"...those who contend for the interpretation ‘on account of remission’ will hardly be willing to admit that Peter said ‘Repent’ as well as 'be baptized on account of remission of sins.'" Whatever baptism is "for," repentance is "for." We simply cannot separate them. Therefore, "for" in Acts 2:38 means "unto," or "in order to." (Lexicon, p. 94) (http://www.bibletruths.net/Archives/BTARO58.htm). Ang mga iskolar ng trinitarian na rin mismo ang nagpapahayag na ang bautismo ay sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Juan Bautista Isa pang nagpapatunay na ang bautismo sa tubig ay sa kapatawaran ng mga kasalanan ay si Juan Bautista. Ayon sa kanya: “Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang at ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mar. 1:4). Maliwanag ang sinabi na ang bautismo sa pagsisisi ay sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Nakuha daw ni Juan Bautista ang sistema ng pagbabautismong ito sa mga Essen. Hindi ko alam kung ganoon nga subalit sa nakikita ko ay hindi. Patunayan natin. Ang mga Essen ay may ritwal na paghuhugas ng tubig na hawig ng bautismo. Kinakailangan daw ito dahil sa araw-araw na pakikihalubilo nila sa mga pamilihan at iba

Page 24: Counsel of God

pang mataong lugar ay nahahawahan raw sila ng karumihan. Sa pamamagitan ng paglilinis sa tubig muli silang nadadalisay sa espiritu, kaluluwa at katawan. Malaki ang kaibahan ng gawa ng mga Essen sa ginampanan ni Juan. Ang kanyang pagbabautismo ay paghahanda para sa darating na Mesias ng Israel. Ang pangangaral ni Juan para sa lahat ay pagsisisi at manampalataya sa darating sa kanyang likuran. Samantalang ang mga Essen ay ihihiwalay ang mga tao sa disyerto kapag sumapi sa kanila. Hangad ng mga Essen na ang ideolohiya nila ang maghari, samantalang si Juan ay ang pagdating ng kaharian ng Diyos ang ipinapangaral. Ayon kay Juan bumabautismo siya ng bautismo sa pagsisi, kaya't ang bautismo na kung hiwalay sa pagsisisi ay walang kapatawaran ng mga kasalanan. Kung may pagsisisi nga at wala namang pag-asa sa Panginoong Jesus, ito ay walang kabuluhan. Matapos bautismuhan ni Juan ang mga tao ay pinaghihintay niya sa Panginoong Jesus na sinasabi niyang darating sa aking likuran ang sa inyo'y magbabautismo sa apoy at espiritu. Iba ang bautismo ni Juan sa bautismo ng mga Kristiyano, subalit ito ay hindi magkasalungatan.

Dugo at Tubig Hindi kaya ang mga pahayag natin sa Bibliya ay pawang pagsasalungatan? Sa paanong paraan nga ba tayo napatawad sa ating mga kasalanan: sa dugo, sa bautismo ba, o sa pagsisisi? Walang salungatan sa mga pahayag ng Bibliya, ang kailangan lamang ay kaunawaang galing sa Espiritu Santo. Ang kapatawaran sa pagsisisi ay sasagutin natin pagkatapos ng artikulong ito, sa ngayon ay sagutin muna natin ang tila salungatan sa dugo at tubig. Ito ang katotohanan, hindi natin maaaring paghiwalayin ang dugo at tubig. Noong namatay ang Panginoong Jesus ay tumagas ang Kanyang dugo para sa lahat. Ang kapangyarihan ng dugong iyon ay nananatili sa lahat ng mga sumasampalataya sa Kanya. Kapag tinanggap natin ang Panginoon sa pamamagitan ng bautismo sa tubig ay tinanggap rin natin ang Kanyang dugo. Ito ang sinabi ni Juan sa kanyang sulat: “Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, samakatuwid ay si Jesucristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo” (1 Juan 5:6). Dahil dito hindi maaaring tanggapin ng sinuman ang dugo ng Panginoon ng hindi tinatanggap ang tubig. Bago siya magkaroon ng bahagi sa dugo ay kailangang dumaan muna ang tao sa tubig ng bautismo. Sa pagtanggap niya ng tubig ay kasabay niyang tinanggap ang dugo ng Panginoon. Kaya't kung papansinin natin naroon ang kaisahan ng tubig at dugo. Napatawad tayo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at ng dugo (Mat. 26:28; Gawa 2:38). Nahugasan tayo sa ating mga kasalanan ng bautismo at ng dugo (Apoc. 1:5; Gawa 22:16). Malinis rin ang ating mga budhi sa pamamagitan ng bautismo at ng dugo (Heb. 9:14; 1 Pedro 3:21).

Bautismo sa Lumang Tipan Ang bautismo bang ito ay inihula sa Lumang Tipan? Para sa akin ang pagtutuling ginagawa sa Lumang Tipan ay ang bautismo na ating ginagawa sa ngayon. Ito ang tipan na ginawa ng Diyos kay Abraham: “Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawat lalake sa inyo. At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat na masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo” (Gen. 17:10-11). Sa pagtutuli ay inaalis ang balat na masama, subalit hindi ito ang batayan upang ang tao ay maging sakdal. Dahil sa malaking kakulangan sa kautusang ito, gumawa ang Diyos ng isang panibagong tipan na higit na magiging mainam kay sa una. Mula sa Lumang Tipan ay kailangang magkaroon tayo ng tanda sa laman. Sa Bagong Tipan ay kailangan pa rin ang tandang ito sa laman: ito nga ay ang bautismo. Ito ang sabi ni Pedro: “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Diyos, sa pamamagitan ng

Page 25: Counsel of God

pagkabuhay na maguli ni JesuCristo” (I Pedro 3:21). Kung hindi pahahalagahan ng tao ang bautismo, paano siyang humihiling sa Diyos ng isang mabuting budhi? Kung paanong sa pagtutuli ay inaalis ang balat na masama subalit hindi nito inaalis ang kasamaan ng tao; ang bautismo ay hindi naman sa pagaalis ng laman na masama, subalit higit pa sa pagtutuli ang ginagawa nito. Ang pagtutuli ay gawa ng kamay subalit ang kapatawaran ng mga kasalanan sa bautismo ay hindi ayon sa gawa ng kamay. Gaya ng sinasabi ni Pablo: “Na sa kanya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling hindi gawa ng kamay, sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo. Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa paggawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay. At ng kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kanyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan” (Col. 2:11-13). Tingnan natin sa mga pangangaral ni Pablo kung paanong nangyayari ito.

Kalakip sa Kanyang Kamatayan, Paglilibing at Pagkabuhay Sinasabi sa Roma 6:3-7: “O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kanyang kamatayan? Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay. Sapagkat kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli; na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at ng sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; sapagkat ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.” Tayong mga sumampalataya sa Panginoong Jesus at nabautismuhan ay naging kaisa Niya sa Kanyang kamatayan, paglilibing at pagkabuhay na muli. Ang sabi ng iba, ito ay hindi daw tumutukoy sa bautismo sa tubig. Kung ang bautismong tinutukoy dito ay hindi sa tubig, sa anong klaseng bautismo ito tumutukoy? Tanging ang bautismo sa tubig ang makapaglalarawan ng kamatayan, paglilibing at pagkabuhay na muli ng Panginoon. Ito ang malalim na kahulugan ng bautismo: ito ay ang pagkakakilanlan natin sa Panginoong Jesus. Kaya't ang bautismo ay hindi na dapat pang ipaliban dahil inaanib mo ang tao kay Cristo. Kung sasabihin ng isang samahan, “Kailangang malaman muna ng tao ang doktrina natin bago sila bautismuhan,” Lumalabas na ang bautismong gagawin nila sa tao ay pag-anib sa kanilang iglesia at hindi kay Cristo. Samantalang sa atin ito ang paglakip natin sa Panginoon sa Kanyang kamatayan, paglilibing, at pagkabuhay na muli. Ang bautismo kay Cristo ay bautismo sa Kanyang kamatayan. Kapag ang tao ay inilubog upang bautismuhan, naging kalakip siya ni Cristo sa Kanyang kamatayan at paglilibing. Sa pag-ahon ng tao sa tubig, iyon ay kawangisan naman ng pagkabuhay na muli ng Panginoon. Kaya't ang bautismo ay pagkakakilanlan sa tao ng kamatayan, paglilibing at pagkabuhay na muli ng Panginoon. Sa gayong paraan ay makakalakad siya sa panibagong-buhay. Ang luma niyang pagka-tao ay inilibing na sa tubig ng bautismo. Nagiging sa atin ang kamatayang ikinamatay ng Panginoon sa katawan. Sa gayon ay hindi na nararapat pang magpatuloy ang tao sa kasalanan dahil ang tanda ng kamatayan ay nasa kanya na. Ang karumihan ng ating laman ay atin ng inaalis na siyang simbulo ng pagtutuling hindi gawa ng kamay, at ang lakad ng katawang ito ay inaayon natin sa pagnanasa ng Espiritu na laging sa Panginoon ang kaligayahan. Hinihiling natin sa panalangin na balutin tayo ng Panginoon ng Kanyang makapangyarihang dugo, sa panalangin lamang ba iyon mahihiling? Kinakailangang ipakita natin ang pagtanggap nito sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. Ang tubig na bumalot sa buo nating katawan ay kasabay ang dugo ng Panginoong Jesus na bumalot sa atin na tanda ng kamatayan. Hindi natin nakikita ang dugo, subalit ayon sa sinasalita ng Bibliya hindi ito maihihiwalay sa tubig. Kaya't sa pamamagitan ng dugo na ito. Ito ang matibay na

Page 26: Counsel of God

palatandaan kung paanong maipapakita ng tao ang kanyang pananampalataya sa Panginoon.

Bautismo ni Moises Paanong nangyayari na tayo ay nagiging mga bagong nilalang pagkatapos ng bautismo? Tingnan natin ang halimbawang ibinigay ni Pablo na nangyari sa Israel. Ganito ang sinasabi sa 1 Corinto 10:1-2, “Sapagkat hindi ko ibig mga kapatid , na di ninyo maalaman, na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, at ang lahat ay nagsitawid sa dagat; at ang lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat.” Noong lumisan ang Israel sa bansang Egipto, sa kanilang paglalakbay ay dumating sila sa dagat na pula. Noon ay hinahabol sila ng hukbo ni Faraon at sa pagkakataong iyon ay wala na silang matatakbuhan dahil nasa hangganan na sila ng dagat. Inutusan ng Panginoong Diyos si Moises na itaas ang tungkod at paluin ang dagat, sa gayon nahati ang dagat na pula. Lumakad ang Israel sa gitna ng dagat sa tuyong lupa; sumunod rin sa kanila ang hukbo ng Egipto upang ibalik silang bihag sa Egipto. Nang makaahon na ang Israel, inutusan ng Panginoong Diyos si Moises na muling ibalik ang tubig. Ang mga hukbo ni Faraon na humahabol ay pawang natabunan ng tubig at doon sila nangamatay. Kahawig nito ang nagaganap sa atin sa araw na tayo ay bautismuhan: ang mga bagay na umaalipin sa atin ay namatay na at nalibing sa pamamagitan ng bautismo. Noong tayo ay umahon, iniwan na natin sa tubig ang lumang pagkatao at ang umaahon ay isang bagong tao na sa harap ng Diyos. Kaya't kung may nakikita pa tayong kasalanan sa ating katauhan, sundin natin ang sinabi ni Pablo: “Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, ngunit mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus” (Roma 6:11). Hindi na nararapat pang maghari sa isang namatay ang kasalanan.

Hayagang Pagtanggap Tinanggap na natin ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng panalangin at ang bagay na iyan ay sa iyo at sa Diyos lamang. Paano ako makasisiguro sa iyo na handa kang sumunod sa Diyos sa lahat ng naisin Niya at handa kang ihayag ang pagtanggap sa Kanya? Iyan ay magagawa sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. Sa pamamagitan nito ay ipinapakita mo sa lahat ng nakakasaksi ang hayagang pagtanggap sa Panginoong Jesus. Hindi pag-anib sa relihiyon ang ipinapakita sa pagbabautismo kundi ang paglakip kay Cristo. Kaya't hindi nararapat magmalaki ang tao na siya ay nabautismuhan sa Iglesia ni Cristo o sa Protestante: ang maipagmamalaki ng tao ay nasa kanya na si Cristo. Nang tayo ay mabautismuhan ay hinubad natin ang lumang pagkatao. Sa pag-ahon natin sa tubig, tayo ay binibihisan naman ng isang panibagong pagkatao: ang ibinibihis natin ay walang iba kundi si Cristo na. Kaisa na tayo ni Cristo at hindi mga kaaway. Ang nakikita ng Panginoong Diyos sa atin ngayon ay hindi na ang pagiging makasalanan, kundi si Cristo na ating Panginoon. Ito ang sabi ni Pablo: “Sapagkat ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo” (Gal. 3:27). Dahil ang dugo ni Cristo ay nasa atin na kaya't Siya ang ibinihis natin. Hindi na tayong mga makasalanan ang nakikita ng Diyos kundi ang gawa ni Cristo sa atin.

Paanong Nagiging kay Cristo ang Bautismo Nagiging kay Cristo ang bautismo kapag ito ay ginawa sa pangalan Niya. Ang pagbabautismo sa pangalan ng Panginoong Jesus ay ang tamang bautismo na nararapat gawin ng tao. Ito ang biblikal na paraan ng bautismo. Sa buhay ng Kristiyano lahat ng bagay ay nararapat niyang ginagawa para sa Panginoon. Hindi ang bautismo lang kundi lahat ng bagay ay kay Cristo. Ito ang payo ni Pablo: “At anomang inyong ginagawa, sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Diyos sa pamamagitan niya” (Col. 3:17). Kumain tayo at ginawa natin sa pangalan ng Panginoon, sa atin pa ba ang gawang iyon?

Page 27: Counsel of God

Lahat ng sinalita natin; lahat ng ginagawa natin, na kung ang lahat ng ito ay sa Panginoon ito ay hindi na sa atin. Halimbawang inalay mo sa Panginoon ang isang bahagi ng iyong salapi, maituturing mo pa bang sa iyo ang ipinangako mong iyon? Kaya nga bawat bagay na ginagawa natin na kung ito ay ginagawa natin sa pangalan ng Panginoong Jesus ito ay sa Panginoon na mismo. Walang sinumang Kristiyano ang hindi malulugod na malaman Niyang ang lahat ng bagay sa kanya ay sa Panginoon na. Noong ialay ko sa Panginoon ang aking mga anak, inalisan ko na ng karapatan ang sarili para sa kanila dahil hindi na sila sa akin. Sila ngayon ay para sa Panginoon. Nagsisilbing isang katiwala na lang ako ng Panginoon para sa kanila. Upang hindi masabi ng mga taga-Corinto na sila ay pag-aari ni Pablo o ninuman, ang tanong ni Pablo sa kanila: “Nabahagi baga si Cristo? Ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? O binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?” (1 Cor. 1:13). Kung sila ay binautismuhan ni Pablo sa kanyang pangalan, para sa kanya ang bautismong iyon. Dahil ang tinanggap nilang bautismo ay hindi naman sa pangalan ni Pablo kundi sa Panginoong Jesus, kaya't ang bautismong iyon ay sa Panginoon. Para bang samahan na kapag sinabing Lutheran, ang nagtatag ng samahang ito ay si Martin Luther. Kapag sinabing Knox Methodist Church, ang nagtatag nito ay si John Knox. Kapag sinabing Iglesia ni Cristo, si Felix Manalo ang kinikilalang nagpasimula nito. Subalit kung tayo ay kay Cristo tayo ay Kristiyano. Kaya't kung ang bautismo ay hindi natin gagawin sa pangalan ng Panginoong Jesus, paanong ito ay magiging sa Panginoon? Upang ito ay maging sa Panginoon kailangang gamitin natin ang Kanyang pangalan.

Bautismo sa Kanyang Pangalan? Hindi lamang sa paraan ng pagbabautismo nahahati ang Kristiyanismo kundi pati na sa paggamit ng pormula nito. Ang isang pangkat ay naniniwala na ang bautismo ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng nakasulat sa Mateo 28:19; ang isa naman ay naniniwala na ang dapat sundin ay ang nasa Gawa 2:38. Timbangin natin kung ano ang talagang pormula na dapat nating gamitin. Sinasabi sa Mateo 28:19, “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautimuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Ang pagbabautismo sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo ay ang pormula na ginagamit ng mga Trinitarian. Bukod sa mga Trinitarian ginagamit rin ito ng mga Saksi ni Jehova, Worldwide Church of God, Mormon at iba pang samahan na hindi naman tuwirang naniniwala sa trinidad. Kung papansinin natin ang binigyan ng utos ay ang mga apostol, kaya't kung may sinumang unang tutupad ng utos na ito ay walang iba kundi ang mga apostol rin. Tinupad nga kaya ng mga apostol ang utos ng Panginoon? Bilang pagsunod sa utos ng Panginoong Jesus, ito ang ipinangaral ni Pedro sa mga taong nahipo sa kanyang pangangaral: “At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo” (Gawa 2:38). Ilan sa mga nakausap kong Trinitarian ay nagsabi na si Pedro ay sumuway sa utos ng Panginoong Jesus. Inutusan daw siya na magbautismo sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo pagkatapos ay magbabautismo siya sa pangalan ng Panginoon, kaya’t para sa kanila si Pedro pa ang sumuway. Ang ganitong katwiran ay pamumusong. Kung si Pedro ay sumuway nangangahulugan ito na walang kaligtasan sa pangangaral niya. Subalit bakit hanggang ngayon ay tinatanggap ng lahat ng mga Kristiyano na si Pedro ay inspirado ng Espiritu Santo? Ito ang katotohanan: tinupad ni Pedro ang utos ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagbabautismo sa pangalan ni JesuCristo. Kung si Pedro ay nakapag-aalinlangan naroon naman ang ibang mga apostol na dapat sana ay nagprotesta sa sinabi niya. Subalit wala kahit na isa sa mga apostol na kasama niya ang nagprotesta. Wala kahit isa ang nagsabi: “Pedro, ang utos ng Panginoon magbautismo tayo sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo, at hindi sa pangalan ni JesuCristo.” Dahil walang nagprotesta nangangahulugan na

Page 28: Counsel of God

tama ang sinabi ni Pedro na ang pagbabautismo ay sa pangalan ng Panginoong Jesus. Tinanggap ng mga apostol ang utos ng Panginoon, sila din ang tumupad sa utos ng Panginoon. Pansinin nating muli ang sinabi ng Panginoong Jesus: “...na sila'y inyong bautimuhan sa pangalan...” Ang pagkakagamit sa salita ay pang-isahan lamang. Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay hindi mga pangalan kundi ito ay mga titulo. Kung ano ang pangalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo ay iyon ang ibabautismo ng mga apostol sa mga tao. Ang katuparan ng bautismong ito ay walang iba kundi ang pangalan ng Panginoong Jesus. Bukod kay Pedro ginawa din ni Felipe ang magbautismo sa pangalan ng Panginoon. Sa Samaria ay ito ang nangyari sa kanya: “Datapwat ng magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios, ay nangabautismuhan ang mga lalake't mga babae” (Gawa 8:12). Makikita nating hindi na naghintay ng mahabang panahon si Felipe, kundi ng manampalataya ang mga tao ay agad niyang binautismuhan ang mga ito. Walang salungatan kay Pedro at kay Felipe. Nang mabalitaan sa Jerusalem ang naging paglago ng salita ng Diyos, isinugo nila si Pedro upang magbautismo ng marami pang sumampalataya at tanggapin nila ang kaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay (tal. 16). Hindi lang si Pedro at Felipe ang nagbabautismo sa pangalan ng Panginoong Jesus kundi pati na si Pablo. Noong nasa Efeso si Pablo at nakita niya ang ilang alagad ni Juan Bautista, tinanong niya ang mga ito kung tinanggap ba nila ang Espiritu Santo. Wala silang natatanggap sa dahilang hindi pa sila nababautismuhan sa pangalan ng Panginoong JesuCristo. Nang sila ay mabautismuhan at ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila ay tinanggap nila ang Espiritu Santo (Gawa 19:5-6). Nang manampalataya ang mga alagad ni Juan sa pangangaral ni Pablo, agad niyang binautismuhan ang mga ito. Walang salungatan kina Pedro, Felipe, at Pablo sa pagpapatupad ng bautismo. Ang sumusuway sa utos ng Panginoon ay ang mga taong walang kaliwanagan tungkol dito. Kaya't kung titingnan natin sa kasaysayan ng unang iglesia sa panahon ng mga apostol, lahat ng tao ay nabautismuhan nila sa pangalan ni JesuCristo. Ang mga Judyo sa Gawa kapitulo 2; ang mga Samaritano sa Gawa 8:12-17; ang buong sambahayan ni Cornelio sa Gawa 10; pati na ang mga alagad ni Juan Bautista. Wala tayong makikitang nabautismuhan sa pangalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ang lahat ng binautismuhan dito ay nabautismuhan sa pangalan ng Panginoong JesuCristo. Ito ay mga patunay na nararapat nating sundin. Hindi kinontra ni Pedro ang Panginoon, ito ay kanyang sinunod. Maliwanag nating makikita sa Catholic Encyclopedia na ang pagbabautismo sa pormula ng trinitarian ay hindi talaga sa mga apostol nagmula. Ito ay ipinatupad na lamang ng mga taong kumbertido sa Kristiyanismo na noong una ay mga pagano. Narito ang sinabi nila:

“Nothing is more certain than that this has been the general understanding and practice of the Church. Tertullian tells us (De Bapt., xiii): "The law of baptism (tingendi) has been imposed and the form prescribed: Go, teach the nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Ghost." St. Justin Martyr (Apol., I) testifies to the practice in his time. St. Ambrose (De Myst., IV) declares: "Unless a person has been baptized in the name of the Father and of the Son and of the Holy Ghost, he can not obtain the remission of his sins," St. Cyprian (Ad Jubaian.), rejecting the validity of baptism given in the name of Christ only, affirms that the naming of all the Persons of the Trinity was commanded by the Lord (in plena et adunata Trinitate). The same is declared by many other primitive writers, as St. Jerome (IV, in Matt.), Origen (De Princ., i, ii), St. Athanasius (Or. iv, Contr. Ar.), St. Augustine (De Bapt., vi, 25).” (http://www.newadvent.org/cathen/02258b.htm).

Alam ng mga Katoliko na ang bautismong ginagawa ng mga apostol ay sa pangalan ng Panginoong Jesus. Para sa kanila ito ay hindi naman dapat sundin, mas sinunod nila ay ang mga taong hindi naman inspiradong gaya ng mga apostol. Ganito ang sinabi nila:

Page 29: Counsel of God

“St. Thomas, St. Bonaventure, and Albertus Magnus are invoked as authorities for this opinion, they declaring that the Apostles so acted by special dispensation. Other writers, as Peter Lombard and Hugh of St. Victor, hold also that such baptism would be valid, but say nothing of a dispensation for the Apostles. The most probable opinion, however, seems to be that the terms "in the name of Jesus", "in the name of Christ", either refer to baptism in the faith taught by Christ, or are employed to distinguish Christian baptism from that of John the Precursor. It seems altogether unlikely that immediately after Christ had solemnly promulgated the trinitarian formula of baptism, the Apostles themselves would have substituted another.”

Ayon pa rin sa Catholic Encyclopedia, unang nagsabi na kailangang trinitarian formula ang nararapat gamitin ay si Justin Martyr. Hindi ito galing sa mga apostol. Walang Trinitarian formula na inutos ang Panginoon at iyan ay patutunayan pa rin natin sa kabanatang ito. Ang pagbabautismo sa pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi naman nawala kahit noong nakilala na ang pormula ng trinidad.

Sa Kapamahalaan o sa Pangalan? Ang bautismong gingawa daw ng mga apostol ay hindi naman sa pangalan ng Panginoong Jesus kundi sa kapamahalaan. Ipinapangaral daw ni Pedro na magpabautismo sa pangalan ng Panginoon subalit kapag babautismuhan na nila ang tao ay sa pangalan raw ng Ama, Anak at Espiritu Santo ang kanilang sinasambitla. Ito ang katotohanan, kapag ang tao ay binabautismuhan sa ibang pangalan, halimbawa ay sa pangalan ni Juan, nagiging alagad ni Juan ang taong iyon. Sa wikang Griego, ang salitang pangalan ay hindi lamang basta pangalan ang ipinapahayag, kundi pati na ang kapamahalaan nito. Kaya't ang mga alagad ni Juan Bautista ay hindi alagad ng Panginoong Jesus ay dahil bautismo ni Juan ang tinanggap ng mga ito. Noong binautismuhan ng Panginoon ang Kanyang mga alagad, hindi na Niya sinabing, “Binabautismuhan ko kayo sa aking pangalang Jesus,” dahil Siya na mismo ang nagbautismo sa mga ito. Naniniwala akong binautismuhan sila ng Panginoon subalit hindi na nasulat. Sa pagbabautismo ng mga apostol sa pangalan ng Panginoon, ang tumatayong bumabautismo kahalili ng Panginoon ay ang tao, gaya ng sinasabi sa Juan 4:1-2. Kaya't ang taong nabautismuhan ay hindi magiging alagad ng taong nagbautismo o ng iglesiang kinabibilangan niya, kundi nagiging alagad ito ng Panginoong Jesus. Kung may binautismuhan si Pablo sa kanyang pangalan, ang taong iyon ay alagad niya; subalit ang bautismo ni Pablo ay sa pangalan ng Panginoong Jesus, kaya't ang mga tao ay alagad ng Panginoon. Kung babautismuhan natin ang tao sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo, nasaan ang kapamahalaan nito? Kaya natin binabautismuhan ang tao sa pangalan ni Cristo dahil doon may kapamahalaan. Ganoong kahalaga ang salita sa panahon ng pagbabautismo. Halimbawang binautismuhan natin ang tao ng walang ginamit na pangalan, magiging alagad ng nagbautismo ang taong iyon at hindi alagad ng Panginoon. Kaya natin ginagamit ang pangalan ay upang maging kakaiba ang bautismo natin: bautismo na ayon sa Bibliya. Noong pinagaling ni Pedro ang lumpo sa pintuang maganda ng templo, hindi ba't pangalan ng Panginoong Jesus ang sinambit niya? (Gawa 3:6) Noong tinanong ng senadrin si Pedro kung sa kaninong pangalan ang ginamit niya sa paggawa ng himala, ang sagot niya ay kay JesuCristo (Gawa 4:7,10,12). Sinasambitla ng mga alagad ang pangalan ng Panginoong JesusCristo sa kanilang pangangaral, pagpapagaling ng mga may-sakit at sa pagbabautismo. Tanging pangalan ng Panginoong Jesus ang nararapat gamitin upang maging katanggap-tanggap ang pagbabautismo. Tinanggap ng mga apostol ang kapamahalaan sa Panginoon, kaya’t pangalan ng Panginoong ang kanilang ginagamit sa pagbabautismo.

Bautismo ni Cristo

Page 30: Counsel of God

Sinabi natin na kung ang kandidato sa bautismo ay bautismuhan ng tao sa kanyang pangalan ay nagiging alagad niya ito. Dahil ang ating Panginoong Jesus ay binautismuhan ni Juan, nangangahulugan ba na ito ay kanyang alagad? Iba ang bautismong tinanggap ng Panginoong Jesus kay sa bautismong ginagawa ni Juan sa kanyang mga naging alagad. Hindi nagpabautismo ang Panginoon upang maging alagad ni Juan kundi ito ay sa tatlong kadahilanan: Una, kinakailangang makita ni Juan kung sino ang pinapatotohanan niya. Kung hindi magpapabautismo ang Panginoon kay Juan ay hindi nito makikita kung sino talaga ang Panginoon. Ganito ang sabi ni Juan Bautista: “At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya. At siya'y hindi ko nakikilala: datapwat ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo. At aking nakita at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Diyos” (Juan 1:32-34) Ikalawa, ayon sa Panginoong Jesus: “Payagan mo ngayon: sapagkat ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katwiran” (Mateo 3:15). Hindi sa dahilang Siya ay may kasalanan kaya't kailangang Siya ay bautismuhan, hindi iyon ang dahilan. Kundi ang kinakailangan ay tuparin Niya ang buong katwiran ng Diyos. Walang sinabi kung paano at ano ang katwiran na iyon kaya't ang interpretasyong ibibigay natin ay base na lamang sa Kanyang ministeryo. Ang kinakailangan ay sumailalim Siya sa kundisyon ng Diyos na tila baga may kasalanan upang pasanin ang kasalanan ng sanlibutan. Ito ang magiging pasimula upang maranasan Niya ang sakit at gagawin Niyang pagtubos sa buong sanlibutan. Kapag napagtagumpayan Niya ang pagtupad sa utos ng Diyos, natupad Niya ang buong katwiran ng Diyos. Iyon nga ang nangyari: nagtagumpay Siya. Pangatlo, upang makapag-iwan ng halimbawang susundan ng lahat. Ang paalala ni Pedro: “Sapagkat sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagkat si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (1 Pedro 2:21). Kung ang Panginoong Jesus ay nanalangin, kailangang tayo ay manalangin; kung Siya ay nag-ayuno, kailangang tayo ay mag-ayuno; kung Siya ay nagpabautismo, kailangang tayo ay magpabautismo. Marami Siyang halimbawang iniwan sa atin na dapat nating lakaran. Sa bibig mismo ng Panginoon makikita natin ang kahalagahan ng bautismo: “At sinabi nila sa kaniya, Kaya namin. At sinabi sa kanila ni Jesus, Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo” (Marcos 10:39). Kung ano ang bautismong tinanggap ng Panginoon ay babautismuhan tayo. Kaya't hindi natin nararapat maliitin ang pagtanggap ng bautismo sa tubig. Sa bautismong tinanggap ng Panginoon ay kailangang bautismuhan din tayo.

Tugon sa Tawag ng Diyos Kaya't kung paanong sumunod ang Panginoon sa kalooban ng Ama ng buong-buo, kailangang sumunod rin tayo. Ang bautismo na sinasabing pagtupad ng buong kalooban ng Ama ay pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kung mamaliitin natin ang kaloobang ito ng Diyos para sa atin, paano nating pangangatwiranan ang Diyos pagharap natin sa hukuman Niya? Noong tinawag tayo ng Diyos, ano ang naging tugon natin? Pananampalataya. Sapat na kaya ang mga bagay na iyan? Hindi, dahil sa dakilang utos, lahat ng sasampalataya ay babautismuhan sa Kanyang pangalan. Kaya't sa katotohanan ang pananampalataya ay hindi pa ang lubos na pagtugon sa tawag ng Diyos, ito ay unang hakbang pa lamang. Kinakailangang mabautismuhan ang tao pagkatapos manampalataya. Ayon sa sinabi ni Pablo: “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Diyos, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni JesuCristo” (1 Pedro 3:21). Sa pagtawag sa atin ng Diyos, tinutugon natin ito ng may mabuting budhi. May pagtitiwalang gaya ng isang bata na walang pagaalinlangan. Paanong magiging

Page 31: Counsel of God

mabuting kalooban ang ating gawa kung sa likod ng isipan natin ay itinuturing nating maliit na bagay ito? Pagkatapos ng bautismo ay nananatili pa rin sa atin ang laman. Hindi ito saklaw ng bautismo. Kaya sinasabing ang bautismo ay hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, dahil ang laman natin ay kailangang kasama ni Cristo na mapako sa krus. Ito ang sagot sa ating laman, ang krus ay ang ang ating pagkakakilanlan kay Cristo. Kinakailangang madurog ang laman na ito sa krus kasama ng Panginoon. Ang katwiran pa rin nila: “Tubig lang yan para bigyan natin ng halaga.” Tutoong tubig lang ang ating pinaglulubugan, subalit hindi dahil sa tubig kaya tayo nagpapabautismo: kundi dahil sa pagsunod. Gaya ng naipakita natin sa nakaraang kabanata, kung walang pagsunod wala ring kaligtasan. Kung talagang hindi mahalaga ang tubig, subukan nga nilang huwag maligo at uminom ng isang lingo. Sa nakikita ko sa unang dalawang araw pa lang ay makikita na agad nila ang kahalagahan ng tubig.

Napakahalaga sa Kaligtasan Pagkatapos nating makita ang pagpapahalaga ng Panginoong Jesus sa bautismo, iisa ang magiging konklusyon natin: ito ay mahalaga sa kaligtasan. Sino ang paniniwalaan natin: ang Bibliya o ang mga taong nangangaral ng sarili nilang aral? Kung hindi sana natin nakita ang kahalagahan nito, maniniwala tayo sa kanila. Subalit nakita natin bukod sa Panginoon, ang mga apostol mismo ay nagbigay rin ng halaga, kaya't sino tayo upang hindi magbigay ng halaga? Hindi lamang napakahalaga ng bautismo bilang ating pagsunod, napakahalaga rin nito sa ating kalitasan. Iyan ay nasusulat sa Bibliya sa Marcos 16:16 at 1 Pedro 3:20-21. Ginagamit natin ang talata sa aklat ni Pedro, ang sabi ng maraming mangangaral, hindi naman tubig ang nagligtas kay Noah kundi ang arkong sinakyan nila. Kung babalikan natin ang talata ay ganito ang sinasabi: “Na ng unang panahon ay mga suwail na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nananatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig: na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa nakatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni JesuCristo.” Maliwanag ang sinasabi na tubig ang nagligtas sa kanila at ang nangyari sa kanila ay ka-tipo ng bautismo na ating tinanggap ngayon. Paanong nangyari? Noong tumaas ang tubig ay namatay ang lahat ng mga masasamang tao. Tubig ang pumatay sa unang sanlibutan, tubig rin ang nagligtas sa buong pamilya ni Noe. Kahawig nito, kapag dumaan tayo sa tubig ng bautismo, iniiwan na natin ang sanlibutan at lumalakad tayo sa panibagong buhay. Gaya ng lumisan ang Israel sa bansang Egipto, kung hindi sila dumaan sa bautismo ni Moises ay mabibihag silang muli ng Egipcio. Pagka-ahon nila sa tubig, ang mga Egipcio na humahabol sa kanila ay natabunan ng tubig at doon nangamatay: sila naman ay ganap ng malaya sa pagka-alipin. Ang umaalipin sa kanila ay wala na at sila ay nasa lakbayin na patungo sa lupang pangako. Tayong mga nabautismuhan na sa Kanyang pangalan ay malaya na sa pagkaka-alipin ng sanlibutan. Ang ating tinatahak ngayon ay ang lupang ipinangako ng Diyos sa lahat ng nagsisiibig sa Kanya. Isang araw ay tatanggapin natin ang gantimpalang naghihintay sa atin.

- o -

5 ANG MAGTIIS HANGGANG SA WAKAS AY MALILIGTAS

Page 32: Counsel of God

Isa sa mga pinasisinungalingan ng popular na relihiyon ay ang pagtitiis na nararapat gawin ng Kristiyano. Ayon sa kanila, “Ano pa ang kailangang ipagtiis mo samantalang ligtas ka na?” Kaya't ang nangyayari nagiging maliit na bagay sa kanila ang pagtitiis. Kapag hindi na nakayanan ang pagsubok at tumalikod sa paglilingkod sa Diyos, ayon sa kanila ang taong iyon ay ligtas pa rin. Mababasa natin sa Mateo 24:13, “Datapwat ang magtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.” Ang talatang ito ay hindi raw tumutukoy sa mga Kristiyano kundi sa mga Judyong sasampalataya sa Panginoon sa panahon ng dakilang kapighatian at sa mga Kristiyanong maiiwan sa rapture. Tingnan natin ang mahalagang katotohan sa talatang ito.

Ang Kaligtasan ay Pagpapatuloy Ang talata sa aklat ng Mateo ay tumutukoy sa tinatawag nating katapusan ng panahon, na kung saan ang buong mundo ay daraan sa isang malaking kapighatian. Nais ko munang pag-aralan kung ano ang maaaring mangyari kung ang tao ay umurong sa paglilingkod at biglang inabutan ng kamatayan. Ang paniniwala natin ay kailangang magtiis ang tao sa anumang bagay na darating, kailangan niyang magtiis hanggang sa wakas ng sanlibutan upang maligtas. Kapag ang tao ay hindi nakapagtiis ay hindi maliligtas. Gayundin, ang magtiis hanggang kamatayan ay maliligtas; subalit ang hindi magtiis, umurong at tumalikod sa Panginoon, kapag namatay ay hindi maliligtas. Mailalarawan natin ang prosesong ito sa kalagayan ng Israel bago sila inalis ng Diyos sa Egipto. Sumasampalataya sila sa Diyos na ililigtas sila sa pagka-alipin. Ang kanilang dalangin ay malakas na naririnig ng Diyos habang alipin sila ng Egipcio hanggang sa ipadala ng Diyos si Moises upang alisin sila sa pagkaka-alipin na iyon. Sa madalaing salita hindi pananampalataya ang magiging una at huling hakbang ng mga Judyo sa kaligtasan. Mayroon pa silang kailangang gawin sa mga panuntunang itinakda ng Diyos upang makalaya. Kahit na may pananampalataya ang tao kung bihag pa rin ay nasa kapahamakan pa rin siya. Ang kinakailangan ay makalaya sila ng lubusan sa pagka-aliping iyon. Sa gayon ay dininig ng Diyos ang panalangin at iniligtas sila subalit hindi pa rin sila talagang ligtas. Nang isinugo ng Diyos si Moises at naitatag ang araw ng paskua, ligtas sila dahil hindi sila napinsala ng dumaan ang anghel ng kamatayan, subalit hindi pa lubos ang kanilang kaligtasan. Sinabi ng Diyos na sila ay magsilikas: ligtas sila sa pagsunod na iyon dahil nagsilikas sila, subalit ang kaligtasan nila ay hindi pa ganap. Dumaan sila sa bautismo ni Moises, doon pa lang naging maliwanag ang kanilang kalayaan. Naligtas sila sa pagkaka-alipin subalit hindi pa rin nila nakakamit ang pangakong lupain na kanilang mamanahin: nangangahulugang hindi pa lubos ang kanilang kaligtasan. Naglakbay sila hanggang sa dumating sa lupang pangako. Hindi agad nila inari ang lupang iyon kundi nagpadala pa sila ng mga tiktik upang magmanman sa kagandahan ng lupain. Ang nangyari'y hindi nakapasok sa lupain ang henerasyong iyon dahil sa kanilang pagrerebelde sa Diyos. Ayon sa sinabi ni Pablo: “Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Diyos; sapagkat sila'y ibinuwal sa ilang” (1 Cor. 10:5). Ligtas pa kaya ang mga taong pinatay ng Diyos sa ilang? Hindi natin makikita ang ganap na kaligtasan ng tao habang hindi pa siya dumarating sa katapusan: iyon ay maaaring sa katapusan ng buhay o ng panahon. Sa araw na manampalataya ang tao ay ligtas na siya subalit hindi pa ganap ang kaligtasang iyon. Sa oras na sumampalataya ang tao at naaralan ng bautismo at tumanggap naman, subalit inabutan siya ng kamatayan isang oras matapos ipagkaloob niya ang buhay niya sa Diyos ay ligtas siya. Kung sakaling sumampalataya ang tao at naaralan ng bautismo, subalit habang patungo na sa tubigan ay kinuha ng Diyos: ligtas siya dahil naroon pa rin ang pagsunod. Sakali mang tumanggap ang tao at gustong magpabautismo at hindi binautismuhan ng ministro o pastor at biglang namatay ang tao, naniniwala akong ligtas ang tao dahil naroon ang pananampalataya at pagsunod. Ang mananagot sa kamatayan ng taong iyon dahil sa hindi nakatanggap ng benepisyo ng bautismo ay ang pastor o ministro na dapat sana ay magbabautismo. Kung ang tao ay sumampalataya subalit hindi binigyang halaga ang

Page 33: Counsel of God

bautismo kahit nalaman niyang mahalaga ito at pagkatapos ay namatay, hindi ligtas ang taong ito dahil wala sa kanya ang pagsunod. Lahat ng Israel na namatay dahil sa salot na ipinadala ng Diyos ay pawang hindi ligtas. Nasalot sila dahil sa kanilang pagrerebelde. Lahat naman ng Israel na namatay na nagsisi dahil hindi nila pinaniniwalaan ang salita ng Diyos ay pawang ligtas, bagaman namatay sila sa disyerto sa loob ng 40 taon. Makikita natin ang kaganapan n gating kaligtasan kung sa katapusan ng ating buhay o katapusan ng panahon ay nananatili tayong tapat sa Diyos.

Aliping di Tapat Hindi natin maikakaila na tayo ay pawang mga alipin ng Diyos. Bilang mga alipin anumang oras na naisin ng Panginoon na palayasin tayo sa Kanyang tahanan ay magagawa Niya. Hindi mapapalayas ng alipin ang Kanyang Panginoon dahil hindi naman sa kanya ang tahanan. Ang tanging magagawa ng alipin ay sumunod sa mga sinasabi ng Kanyang Panginoon. Sa parabulang ibinigay ng Panginoon sa Mateo 24:45-51, ipinapakita dito ang isang aliping pinagkatiwalaan ng panginoon ng lahat ng kanyang pag-aari. Nang umalis ang kanyang panginoon, nagpasimula maghari-harian ang alipin sa bahay ng kanyang panginoon: binubugbog ang kapwa niya katiwala, walang ginawa kundi ang kumain, uminom at maglasing. Ang akala niya matagal pang magbabalik ang kanyang panginoon. Dahil sa hindi niya alam ang araw ng pagbabalik ng kanyang panginoon, inabutan siya sa ganoong kalagayan. Ano ang gagawin ng panginoon: “At siya'y babaakin, at isasama ang kanyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.” Ito ang isa sa mga nakalimutan ng naniniwala sa OSAS: tayo ay alipin pa rin ng Diyos. Kaya't bilang mga alipin, kailangan nating maglingkod sa Diyos, hanggang mangyari ang Kanyang ikalawang pagbabalik. Ang Panginoong Jesus mismo ang nagsabi na kung hindi tayo maabutang ginagawa ang ating mga tungkulin, ang magiging bahagi natin ay ang lugar ng kahirapan. Ang gusto ng tao laging pahinga kahit hindi pagod, ayaw nila ng trabahong ibinibigay ng Panginoon. Ang katwiran nila, ligtas pa rin sila kahit hindi nila magawa ang mga bagay para sa Panginoon. Kaso ang makikita nating sinabi ng Panginoon ay kabaligtaran ng paniniwala nila: “Siya'y babaakin at isasama ang kanyang bahagi sa mga mapagpaimbabawa: doon na nga ang pagtatangis at pagngangalit ng mga nginpin.” Upang hindi tayo magkaroon ng bahagi sa mga ito: kailangang gawin natin ang ating mga katungkulan bilang mga alipin. Magtiyaga tayo sa pagtatapat habang hinihintay natin Siya, dahil ang sabi Niya: “Ang magtiis hanggang sa wakas ay maliligtas.”

Parabula ng Sampung Dalaga Ang parabula ng Panginoong Jesus sa Mateo 25:1-13 ay nagpapakita ng pagtitiyagang nararapat sa mga banal. Maniniwala sana tayong tutoo ang once saved always saved kung hindi natin nababasa ang mga talatang ganito gaya rin ng nauna. Sa parabula ng sampung dalaga, ang lima ay matatalino at ang lima ay mga mangmang. Kung titingnan natin lahat sila ay mga mananampalataya at matiyagang nagsisipaghintay sa pagdating ng Panginoon. Sa kanilang paghihintay lahat sila ay nakatulog. Muli lamang silang nagising ng sumigaw ang taga-bantay na dumarating na ang kasintahang lalaki. Ang mga hawak nilang ilawan ay sumisimbulo sa Espiritu Santo: kaya't lumalabas na ang mga matatalino at mga mangmang ay pawang tumanggap ng kaloob na Espiritu Santo. Kaya't itong mangmang at matalino ay parehong may Espiritu Santo. Sa paglalim ng gabi, ang ilawan ng mga mangmang ay malapit ng mamatay dahil walang silang baon na langis. Ang matatalino naman ay may baon na sapat hanggang sa pagdating ng kasintahang lalaki. Dahil ayaw magbigay ng mga pantas na dalaga napilitan muna ang mga mangmang na umalis upang bimili ng langis para sa kanila. Sa kanilang pagbalik ay nasumpungan nilang dumating na ang Panginoon na kanilang hinihintay at kasama na Nito ang mga babaing kasama nila. Dumating ang Panginoon sa

Page 34: Counsel of God

panahong hindi nila inaasahan. Akala nila ay sapat na ang kaunting langis para maligtas na sila. Masaganang ibinibigay ng Diyos ang Espiritu Santo sa lahat ng mga nagnanasa nito. Ang mga hindi nagbigay halaga dito dahil minaliit ang kaloob na ito, sa nalalapit na pagdating ng Panginoon ay hahanapin nilang muli ang kaloob na ito. Sakali mang muli nilang matanggap ay magiging huli na ang lahat, dahil ipipinid ng Diyos ang pinto upang wala ng makapasok. Lumalabas sa parabulang ito ng Panginoon, mahalaga ang Espiritu Santo upang maligtas, Subalit ang Espiritu Santo ay hindi tanda na kailangang ng iligtas ng Diyos ang tao, dahil ang mga mangmang na dalaga ay may Espiritu Santo din, subalit hindi sila mga iniligtas ng Panginoon. Ibinigay ng Diyos ang Espiritu Santo upang tumagal tayo ng paghihintay sa muling pagbabalik ng kasintahang lalaki. Subalit ang kailangan natin ay hindi katiting na Espiritu, ang kailangan natin ay maraming baon na Espiritu Santo. Upang kung sakaling ang kadiliman ay lumaganap at maubos ang langis na nasa ating sulo, magagamit natin ang baon nating langis upang makatagal ng paghihintay sa Panginoon. Kaya't sa araw na tayo ay haharap sa Panginoon upang hukuman, titingnan ng Panginoon kung sino ang nakatagal ng paghihintay sa Kanya. Wala ng kasiguruhan ang kaligtasan ng mga taong nasa labas kung datnan sila ng Panginoon na hindi naghihintay. Sa kakaunting Espiritu na tinanggap ng tao, kakaunti ang kanyang magiging pagtitiyaga; sa maraming Espiritu na kanyang tinanggap, mahaba ang kanyang magiging pagtitiyaga. Sa pamamagitan ng Espiritung ito na nagbibigay sa atin ng kalakasan, sasalubungin natin ang Panginoon sa takdang panahon. Sa pamamagitan ng Espiritung ito, matututo tayong magtiis hanggang sa wakas upang maligtas.

Ngayong Mga Huling Araw Kung ikukumpara natin ang kalagayan natin sa mga naunang Kristiyano, halos hindi naging iba ang kalalgayan nila noon sa magiging kalalagayan natin. Bago nangyari na nakubkob ng mga sundalong Romano ang buong Jerusalem, ang lahat ng mga Kristiyano ay nakalabas na dito. Mayroon mang mga naiwan, ang mga iyon ay hindi nagpatuloy sa pananampalataya. Kaya't sa pagbagsak ng Jerusalem ay kasama silang napahamak nito. Nakita ng mga unang Kristiyano ang katuparan ng sinabi ng Panginoon: “Datapwat pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kanyang pagkawasak ay malapit na. Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan” (Lucas 21:20-21). Nangyari ang bagay na ito noong 70 A.D. Walang Kristiyanong naiwan sa Jerusalem. Ang marami sa kanila ay nagsitakas patawid ng Jordan sa bundok ng Pella. Kaya't sa panahong iyon ay walang Kristiyanong napahamak sa loob ng Jerusalem. Ang mga nanatili sa pananampalataya ay naligtas, subalit ang mga tumalikod ay napahamak sa loob ng Jerusalem Dito natin makikita ang tamis ng manghawakan sa mga salitang ipinayo sa atin ng mga apostol. Ang malaking kalamidad na ito ay muling mararanasan at maaaring sa kapanahunan natin. Kaya't sa ating panahon tayo naman ang makakaranas ng tamis ng pag-iingat ng Panginoon. Ang tanong ay: handa ka na ba?

Pag-uusig ay Bahagi ng Kristiyanong Pamumuhay

Ang Panginoong Jesus ay nagsabi: “Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila ka sa kanyang Panginoon. Kung ako'y kanilang pinag-usig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking mga salita, ang inyo man ay tutuparin din” (Juan 15:20). Hindi nagkulang ang Panginoong Jesus ng pagpapaala-ala sa atin. Bawat tumatanggap sa Kanya ay daraan sa mga pagsubok at iyan ay sigurado. Wala ritong makakalibre. Kapag tumanggi ang tao sa pagsubok, inilalagay niya ang sarili niyang higit sa Panginoong Jesus.

Page 35: Counsel of God

Noong unang natatag ang iglesia, ang mga Kristiyano ay hinuhuli at pinapatay o kaya ay ginagawang ilawan sa hardin ng hari. Hanggang ngayon ay napakaraming bansa pa rin ang gumagawa ng ganito sa mga Kristiyano. Nararanasan ito sa India, Indonesia, Pakistan, Cambodia, China, Iraq, Iran, Saudi Arabia at iba pang mga bansa na hindi kumikilala sa Panginoong Jesus. Hindi lamang ito nababalita sa mga dyaryo natin dahil ang mga mamamahayag ng mga bansang iyon ay ayaw sumimpatiya sa mga Kristiyano. Subalit sa mga website sa internet patungkol sa mga pinag-uusig na mga Kristiyano ay naroon ang report. Halimbawa ay ang ulat ng Evangelical Fellowship of Canada na sinasabing may dalawang daang milyong Kristiyanno sa may 60 bansa ang pinag-uusig at pinagkakaitan ng makataong karapatan dahil sa pananampalataya kay Cristo. Ito ay makikita natin http://www.evangelicalfellowship.ca/pch/index.asp. Mapalad tayo dito sa Pilipinas dahil hindi ganoon ang pag-uusig ang pag-uusig sa atin. Dumarating man ang pagsubok sa atin sa bansang ito ay sa ibang kaparaanan naman. Ginagamit ang ating mga kapamilya, kasamahan sa trabaho, mga kaibigan o kapit-bahay upang tayo ay laitin sa pagiging Kristiyano. Kadalasan din ang nagiging pagsubok natin sa bansang ito ay kahirapan. Kaya't sa katotohanan napakaraming bagay ang sa atin ay nagnanais maghiwalay kay Cristo. Ang paalaala ng Panginoon: “Ang magtiis hanggang sa wakas ay maliligtas.” Hindi pwedeng sa kalagitnaan ng ating paglilingkod ay bigla tayong uurong at magbabalik sa sanlibutan. Hindi din pwedeng matapos nating yakapin ang pananampalataya kay Cristo ay bigla natin itong itatatwa, dahil sa inutusan tayo ng may-kapangyarihan na itanggi ang ating paniniwala. May alam akong ilang Kristiyano sa Saudi Arabia na pilit na pinayakap sa relihiyong Muslim dahil kung hindi ay lalo silang pahihirapan. Hindi din pwedeng naglilingkod tayo sa Diyos at pagkatapos ay hangad pa rin natin ang mga materyal at maka-sanlibutang paghahangad, hindi tayo maaaring maglingkod sa dalawang panginoon. Ang kailangan ay Diyos lamang kung ninanais natin ang buhay na walang hanggan. Ang sabi ng Panginoon: “Ngunit ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: at kung siya ay umurong ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa” (Heb. 10:38). Isang naniniwala sa OSAS ang nagsabi sa akin na hindi naman raw sinabi sa talatang ito na hindi na maliligtas. Hindi lang raw malulugod sa kanya ang Diyos pero ligtas pa din siya. Noong ipinabasa ko ang sumunod na talata ay wala siyang maisagot. “Ngunit tayo'y hindi doon sa mga nagsisibalik sa mga kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa” (tal. 39). Ang talatang ito ay nagpapahayag pa rin na kailangan natin ng pagtitiis hanggang sa wakas ng ating buhay o sa wakas ng mundo upang maligtas.

Paalaala ni Pablo at Pedro Ipinalaala ng Panginoong Jesus ang ating magiging kalagayan sa sanlibutang ito, si Pablo man ay nagbigay ng gayong babala na sinasabi: “Oo, at lahat ng ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig” (2 Tim. 3: 12). Kapag sinabi nating “banal” ay nangangahulugang hiwalay. Ibig sabihin ni Pablo dito, ang pamumuhay na may kabanalan ay pagiging hiwalay natin sa gawa ng sanlibutan. Ang mga halimbawa ng mga gawa ng salibutan ay nasa 1 Corinto 6:9-10 at Galacia 19-21. Ang mga ito ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng langit. Kung gayon ang pamumuhay ng may kabanalan ay pamumuhay na tahimik, hindi manlalasing, walang kalaguyo, kundi naroon ang katapatan sa Diyos. Sa kabila ng kabutihang makikita sa atin ng sanlibutan tayo ay uusigin nila. Hindi magagawang bayaran ng sanlibutan ang kabutihan na ating ginagawa. Gaya ng ginawa ng Panginoong Jesus na nagpagaling ng mga sakit, bumuhay ng mga patay, at gumawa ng hindi mabilang na kabutihan ay kanila pang ipinapatay. Ang tanging ganti na maibibigay ng sanlibutan ay ang usigin tayong mga nagnanasang mamuhay ng may kabanalan kay Cristo na ating Panginoon. Bakit? Ang sagot ng Panginoon: “Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastasin na ako muna ang kinapootan bago kayo” (Juan 15:18).

Page 36: Counsel of God

Itong ating bansa ang tanging Kristiyanong bansa sa Asya. Subalit ang pagiging Kristiyano nito ay hindi talaga natin makita. Ang nangyayari may mga Kristiyano ditong inuusig dahil sa pagtanggap nila ng tunay na pananampalataya. Kaya't bagaman ang Pilipinas ay Kristiyanong bansa, hindi nakikilala ng mga Kristiyano dito ang Panginoong Jesus. Dahil kung kilala nila ang Panginoon ay hindi nila uusigin ang bawat taong nagpapahayag ng pananampalataya kay Cristo at namumuhay ng may kabanalan. Ang paala-ala naman ni Pedro: “Ngunit kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya: kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito” (1 Pedro 4:16). Sa halip na tayo ay umurong dapat na tayo ay matuwa. Gaya ng mga unang Kristiyano, nagalak sila dahil nagkaroon sila ng bahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Sakali mang tayo ay maghirap dahil sa pag-uusig sa sanlibutang ito, ang sabi ni Pablo: “Sapagkat napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapat-dapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roma 8:18). Pagdating natin sa langit hindi na natin maiisip ang lahat ng paghihirap dito sa lupa, dahil doon ay kasama na natin ang Panginoong Jesus. Ang espiritung dumadaya sa ating kapanahunan ay hindi kaiba sa dumaya kay Eba sa halamanan ng Eden. Ang sabi ni Satanas kay Eba: “Tunay bang sinabi ng Dios?” Ito din ang espiritung nagbibigay alinlangan sa mga anak ng Diyos. Maliwanag nating nababasa: “Ang magtiis hanggang sa wakas ay maliligtas.” Ang sabi naman nila: “Sa araw na maligtas, hindi na mawawala ang kaligtasan mo. Kahit na tumalikod ka, ligtas ka pa rin dahil walang hanggan ang kaligtasan mo” Sino ang papaniwalaan natin? Mas nanaisin kong maniwala sa mga salita ng Diyos, kahit hindi ako dumaan sa pag-aaral sa mga paaralan.

Paglayo sa Mabuting Aral Sa ating kapanahunan ngayon ay laganap na laganap ang mga maling katuruan, pagbibigay ng pag-aalinlangan sa mga salita ng Diyos, ang kalituhan at marami pang iba na nagbibigay ng pagaalinlangan sa salita. Ito ang huling kapanahunang tinutukoy ni Pablo: “Sapagkat darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi magkakaroon ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; at ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang tainga, at mga ibabaling sa katha” (2 Tim. 4:3-4). Maraming tao sa ating kapanahunan ngayon na ang pagpapalipat-lipat nila ng iglesia ay gayon na lamang. Hindi sila makatiis sa isang iglesia upang manatili sa dahilang ayaw nilang marinig ang pangangaral ng pastor o ang pamamalakad nito. Kapag dumating na sa puntong hindi na makatiis, ang ginagawa'y umaalis. Ilang tao ang nakikilala kong umalis dahil ayaw ng makarinig ng mga magagaling na aral. Lumipat sila sa ibang samahan na magsasalita ng nais nilang marinig. May ibang mga tao naman na nagtayo ng sarili nilang grupo at pagkatapos ay naghalal ng mangunguna sa kanila, ng tao na mangangaral ng nais lamang nilang marinig. Ayon sa sinasabi ni Pablo, ibabaling na lamang ng tao ang kanilang paniniwala sa mga katha. Isang babae ang inireport Mike Enriquez sa programang Imbestigador ang nagsabi sa mga sumusunod sa kanya, na dahil sa kanilang pagsunod sa kanya ay yayaman sila, tutubo ang mga bagong bahay na gusto nila, magiging magagandang babae sila, magiging mga reyna at hari sila, at kung ano-ano pa ang mga ipinangako. Sa tuwa ng mga miyembro, nagbigay sila ng mga salapi at iba pang mga regalo. Sa tagal ng kanilang paghihintay, nainip sila at nagbaklasan hanggang sa mauwi sa demandahan. Isa pang tao ang mula sa probinsya ang halos diyos na ang pagtingin ng mga miyembro. Hindi ko lang maalala ang pangalan ng taong ito. Apat ang asawa niya at ang mga miyembro ay nag-aalay pa ng kanilang mga anak na babae sa taong ito. Ipinangako niya na silang lahat ay hahatian niya ng kanyang kayamanan sa oras na ipagkaloob ng Diyos ang kayamanan nila. Dumating ang isang araw na napatay niya ang isa sa mga asawa niya. Doon nabisto ang lahat ng kanyang mga pandaraya sa mga tao. Isang tao pa rin sa lugar ng Naic, Cavite ang ipinakita sa telebisyon na nagpakita ng kapangyarihan na hindi sila tinatablan ng talim ng itak at ng mga matutulis na bagay. Dahil sa kapangyarihang iyon, marami siyang nakukuhang miyembro sa samahan nila. Ang

Page 37: Counsel of God

kapangyarihan daw niya ay galing sa Espiritu Santo, kaya't mga lalaki at babae ay nahahalina sa relihiyong itinayo niya. Ang payo ni Pablo kay Timoteo: “Datapwat manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan” (2 Tim. 3: 14). Kailangang tayo ay manatili sa mga turo at aral ng mga apostol dahil sa pamamagitan nito ay makasisiguro tayo ng kaligtasan (1 Tim. 2:3-4). Subalit kung hindi tayo mananatili sa mga turo at aral ng mga apostol ay hindi tayo makakaasa ng kaligtasan (1 Cor. 15:2; Rom. 1:16). Kaya't ang payo ni Pablo sa lahat ay huwag tayong magsipagturo ng iba pang doktrina na hindi natin natutunan sa kanilang mga apostol (1 Tim. 1:3). Kaya't ang nangangaral at nakikinig at tumutupad ng mga salita ay nararapat manatili sa mabuting katuruan ng mga apostol. Ang mga ito ay magtuturo sa atin na lumayo sa anumang kalikuan sa sanlibutang ito.

Pagbabawas sa Salita ng Diyos Isang hula sa Lumang Tipan ang nagaganap sa ating kapanahunan ngayon na nagsasabi: “Narito ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon. At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan” (Amos 8:11-12). Sinasabi ng marami na ito ay matutupad pagkaraan ng rapturena kung saan panahon na wala ng mangangaral ng ebanghelyo. Hahanapin raw nila ito at hindi nila masusumpungan. Sa aking pagmamasid nakikita ko na ang mga talatang ito ay natutupad na sa ating kapanahunan. Ang mga iskolar ay naghahanap ng dalisay na salita ng Diyos subalit wala silang masumpungan. May pangkat ng mga iskolar na nanghahawakan sa salin ng King James Version (KJV) at may mga pangkat na nanghahawakan naman sa New International Version (NIV) o iba pang salin ng Bibliya. Ang iba't-ibang pangkatin na ito ay mga nagpapagalingan ng mga pinanghahawakan nilang salin ng Kasulatan. Ang sabi ng mga iskolar ng KJV, ang mga taong nagsalin ng NIV ay mga bakla, tomboy at mga erehe. Kaya't paanong mangyayari na ang NIV ay siyang tunay na salita ng Diyos gayong hindi nito isinalin ng nararapat ang mga salita. Maraming ulit silang nag-alis ng mga salita at inalis ang pangalan ng Panginoong Jesus, kaya't paanong mapagkakatiwalaan ang salin na ito? Sabi naman ng mga nasa pangkat ng NIV, ang mga nagsalin raw ng KJV ay mga mamamatay-tao. Ang nag-utos ng pagsasalin nito na si King James ay isang bakla at dominante. Maraming salita sa salin ng KJV ay idinagdag at marami ang hindi naisalin ng wasto. Kaya't ang King James Version ay hindi raw natin mapagkakatiwalaan. Dahil sa nangyayaring siraan ng mga grupong ito, maraming tao nalilito at nagtatanong kung ano ang tutoo. Ano ba ang salin na dapat nating pagkatiwalaan? Obserbahan natin ang mga talatang ito: Mateo 17:21; 23:14; Marcos 7:16; 9:44; 11:26; 15:28; 16:9-20; Lucas 17:36; 23:17; Juan 5:4; 7:53-8:11. Ang mga talatang nabanggit sa ebanghelyo ay hindi raw bahagi ng mga Kasulatan at maraming iskolar na ayaw ng isama pa ang mga talatang ito. Isinama na lamang ang mga ito dahil sa impluwensya marahil ng King James Version. Sapat na bang batayan ang mga lumang dokumento upang sabihing ito ay hindi bahagi ng ebanghelyo? Hindi ba't ang mga escribang kumokopya ng mga Kasulatan ay nag-aalis at nagdadagdag rin naman? Isang halimbawa ng pagbabawas ay ang makikita natin sa website na ito: http://www.angelfire.com/la/prophet1/p66.html. Ito ay ang Bodmer Papyrus:

Page 38: Counsel of God

Ayon sa sumulat: “Oldest copy of John (125 AD) has KJV "Holy Spirit". Deceitful scribe has marked the word 'Holy' and wants to omit it. Notice the sixth line down from the top, where

it is written (lit. Spirit Holy). The markings above the word

("Holy") show that the scribe decided to delete this word after he wrote it — giving the reading "[the] Spirit was not yet," as opposed to "[the] Holy Spirit was not yet." (John 7:39). Ang mga tao ngayon ay nalilito sa paghahanap kung nasaan ang tunay na salita ng Diyos. Wala ng mapagkatiwalaan dahil ang bawat isa ay patuloy na nagsisiraan. Kung sa mga iskolar ito ay problem, sa ating mga karaniwang tao ay hindi ito talagang problem. Ayon sa ipinangako ng Panginoon: “Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng Kanyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili” (Juan 7:17). Hindi pa rin maikakaila na mahalagang may malaman tayo sa orihinal na wika ng Bibliya, subalit hindi ito maipanghahalili kung tayo ay lalakad sa kalooban ng Diyos. Kapag ginawa natin ang Kanyang kalooban ng walang pagtutol, malalaman natin ang tunay na doktrina Niya. Sa gayon, anumang salin ang gamitin natin, mapagkikilala natin kung ito ba'y sa Diyos o hindi.

Magtiis Tayo

Magtiis tayo hanggang sa wakas. Tanging ang mga taong nakatiis hanggang sa wakasa lamang ang maliligtas. Lahat ng Israel na napahamak sa panahon ng kanilang paglalakbay ay mga hindi ligtas. Subalit ang lahat ng mga nagtiis hanggang sa ibigay ng Diyos ang lupain ipinangako sa kanila, iyon lamang ang nangligtas. Itong kapanahunan natin ay nakikita natin ang mga palatandaan ng mga huling araw: ang mga tao'y maibigin sa salapi, mga walang paggalang, ang masama ay nagpapakasama pa, at ang mabuti at nagpapakabuti pa. Ito ang panahon na higit tayong nangangailangan ng pagtitiis. Nawa ay bigyan pa tayo ng Diyos ng mahabang pagtitiis, upang kung dumating na ang Kanyang itinakdang kawakasan, tayo ay maligtas.

Page 39: Counsel of God

- o -

7. KALIGTASAN SA PAGSISISI

“Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipapatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” (II Cronica 7:14).

Bago umakyat ang Panginoong Jesus sa langit ay Kaniyang ibinilin sa mga alagad ang pangangaral ng pagsisisi at pagpapatawad sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan (Lucas 24:47). Ang pagsisisi ay salitang ipinapangaral simula pa noong nagkasala ang tao, sa mahabang panahon na nagdaang yaon. Napakarami pa ring tao ang hindi nalalaman kung ano ang pagsisisi. Nadarama ng tao na kailangan niyang magsisi, subalit hindi niya nalalaman kung paano ang tunay na pagsisisi.

Mga Maling Aral sa Pagsisisi

Maraming pinuno ng relihiyon, gaya ng Budismo na nagsasabing hindi dapat madama ng tao ang pagkakaroon ng pagkahiya sa sarili, dahil ang mga ito daw ay humahadlang sa pagkakaroon ng lubos na kaligayahan at kapayapaan. Subalit ang Dios ay nagiwan sa atin ng isang saksi na hindi tatahimik hanggang ito’y magkaroon ng kasiyahan sa kapatawaran na nanggagaling sa Dios: ito ay walang iba kundi ang ating budhi. Kung seselyuhan nila ang sarili nilang mga budhi upang huwag lamang makadama ng pagkahiya lalo naman silang magugumon sa paggawa ng lalo pang malaking kasamaan. Ang budhi natin ay sumasaksi na tayo’y makasalanan at nangangailangan ng pasisisi.

Sinasabi naman ng mga paring Katoliko na kung ang tao’y magsisisi, ay dapat niyang ikumpisal sa pari kung ano ang mga nagawa niyang kasalanan. Sa gayon, kung marinig ng pari ang bigat ng mga kasalanan ay mabibigyan daw ang tao ang tamang kaparusahan sa pamamagitan ng bilang ng pagdarasal. Kapag narinig nila ang mga kasalanan mo, sasabihin ng pari: “Magdasal ng sampung ‘Aba ginoong Maria’ at dalawampung ‘Ama Namin’, at pagkadasal mo ay pinatawad na ang mga kasalanan mo.” Silang mga pari daw ang nagiging kinatawan ni Cristo sa lupa, kaya’t kung sila’y magsabing may kapatawaran ang tao ito’y patatawarin daw ng Diyos.

Ang pangungumpisal na pinapairal ng Iglesia Katoliko ay hindi Biblikal, kundi ito ay isang tradisyon. Wala tayong makikitang halimbawa na ginawa ang mga apostol ng Panginoong Jesus na pinangumpisal nila ang tao sa kanila. Wala din tayong makikita sa mga aral ng Panginoong Jesus at ng mga apostol na nararapat mangumpisal ang nagkasala sa tao. Ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao kaya may kapamahalaan Siyang magpatawad. Subalit ang ginawa ng Panginoong Jesus na pagpapatawad sa mga kasalanan ay hindi ginawa ng mga apostol. Ang aral ng mga apostol, sa Dios natin nararapat ikumpisal ang ating mga kasalanan.

Nagawa ng Panginoong Jesus ang magpatawad ng mga kasalanan dahil Siya ay walang kasalanan. Hindi Siya nangangailangan ng tagapagligtas dahil Siya na ang Tagapagligtas sa mga nagkasala at nasa kapahamakan. Nalalaman ng mga apostol na sila’y nagkasalang gaya natin, kaya’t nangangailangan sila ng kapatawaran at kaligtasan. Hindi nila hinimok ang mga tao na mangumpisal sa kanila, dahil wala naman silang kapatawarang maibibigay. Kundi ang pangangaral ng mga apostol, ang pagsisisi ay nararapat sa Panginoong Jesus dahil Siya ang nagpapatawad ng mga kasalanan. “Siya’y pinadakila ng Dios ng kaniyang

Page 40: Counsel of God

kanang kamay upang maging Prinsipe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan” (Gawa 5:31).

Mayroon namang tao na nagsasabing siya’y nagsisisi sa kaniyang mga kasalanan. Upang maipakita ang seryoso niyang pagsisisi ay pinapahirapan pa ang sarili. Taun-taon ay nagpapanata sila ng pagpipinitensya: mayroong pinapalo ang kanilang sarili at pagkatapos ay susugatan at ang mga sugat ay papaluin muli; mayroon namang bumubuhat ng mabigat na krus na ang akala nila ay sila mismo ang Cristo; mayroon namang naglalakad ng kung ilang milya at pagkatapos ay walang saplot ang talampakan. Sa mga ginagawa nilang pagpapakahirap ay para bang ayaw na nilang magkasalang muli. Ginagawa daw nila ang mga pagpapahirap na iyon upang makamit raw nila ang kapatawaran ng Diyos. Ang mga ito ay kasama sa kamangmangang itinuro sa atin ng Iglesia Katoliko.

Ano ang magiging pakinabang ng lahat ng paghihirap na iyon kung kinabukasan ay babalikan mo ang lahat ng mga naging bisyo mo? Hindi natin kailangang pahirapan ang ating sarili upang makamit ang kapatawaran ng Dios. Sa katotohanan wala sa lahat ng iyan ang makatatanggap ng kapatawaran galing sa Dios.

Ang Imbitasyon ng Dios: Magsisi

Lahat ng tao na hindi nakakapagsisi bago mamatay ay impiyerno ang kinababagsakan. Hindi ako naniniwala na dahil ang tao’y mabait at matulungin sa kapwa ay papasok siya sa kaharian ng langit. Ang lahat ng mga pumapasok sa kaharian ng langit ay ang mga taong dumaan sa tunay sa pagsisisi at sumunod sa salita ng Diyos. Kaya’t hindi maikakatuwiran ng tao na siya’y mabuti kaya’t nararapat siya sa kaharian ng langit.

Natutuwa ba ang Diyos sa tuwing may taong namamatay na pumapasok sa impiyerno? Ang sabi ng Panginoong Diyos: “Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama? Sabi ng Panginoong Dios: at hindi baga mabuti na siya’y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay” (Ezekiel 18:23). Naging napakasama man ng tao sa buhay na ito ay walang kaligayahan ang Diyos sa kamatayan ng mga taong yaon. Ang kaligayahan ng Diyos ay makita na ang tao’y humiwalay sa kaniyang kasamaan at magsisi sa mga kasalanan.

Nang magkasala si Adan at marinig niya ang tinig ng Panginoong Diyos ay nagtago siya sa mga puno. Ang tanong sa kanya ng Diyos: “Saan ka naroon?” (Genesis 3:9). Ang ibig sabihin ng Panginoong Diyos, ikaw ba ay sa akin pa o hindi na? Hinihingi ng Diyos kay Adan na aminin niya ang nagawang pagkakasala at siya ay patatawarin. Sa halip na magpakumbaba si Adan ay ibinigay niya ang sisi sa kanyang asawang si Eba; ibinigay naman ni Eba ang sisi sa ahas na tumukso sa kaniya. Walang sinoman sa kanila ang umamin ng pagkakasala kundi sila ay nangagdahilanan pa.

Sa pasimula ng pangangaral ng Panginoong Jesus, kauna-unahan Niyang ipinangaral ang pagsisisi sa mga tao (Mateo 3:17; Marcos 1:15). Ano ang dahilan ng pangangailangang ito na magsisi ang tao? Dahil nakikita ng Panginoong Dios ang nakakakilabot na kaparusahan sa impiyerno kung hindi magsisisi ang tao. Lahat ng tao ay doon magtutungo at nais itong pigilan ng Dios. Hindi Siya nalulugod sa nakikita Niyang kapahamakan ng mga kaluluwa; higit Siyang nalulugod kapag nakikita Niya na ang tao’y nagsisisi sa ikaliligtas. Subalit ang pagnanasa ng Diyos na tayo ay mabuhay ay hindi nauunawaan ng mga tao.

Maihahambing natin ang ating sarili sa isang gamo-gamo na natutuwa sa magandang kislap ng apoy. Alam natin na kapag nadampi ang gamo-gamo sa apoy ito ay mapapahamak. Sigawan man natin ito na umalis sa apoy upang huwag mapahamak ay hindi tayo maiintindihan nito. Kung atin namang huhulihin ang gamo-gamo upang ilayo sa apoy, malamang na mapatay natin ito at masaktan lamang. Dahil sa hindi tayo maiintindihan nito at hindi natin maaaring supilin ang malaya nilang kalooban, ang tangi

Page 41: Counsel of God

nating magagawa upang sila’y maligtas ay maging gamo-gamo rin tayo. Sa gayong paraan ay maihahatid natin ang babala sa panganib na aabutin niya.

Gumamit ang Panginoong Diyos ng mga tao upang tayo ay himukin sa pagsisisi, subalit ang mga taong isinugo Niya ay hindi natin pinakinggan sa mahabang panahong sila’y nangangaral sa tao. Sa kahuli-hulihan ay nagkatawang tao ang Diyos upang tayo'y bigyang babala, na kailangang magsisi dahil tayo ay patungo sa kapahamakan. Hindi ginawa ng Diyos na ilagay sa ating kalooban na tayo’y palakarin Niya sa katuwiran, dahil sa ganoong paraan, ang malaya nating kalooban ay kukulungin Niya. Ang nais ng Diyos, ang ating kalooban mismo ang gagawa ng desisyon na susunod sa Kaniya upang maligtas. Ang lahat ng ito ay magsisimula sa pagsisisi.

Paano Ang Magsisi?

Sa mahabang panahon ng kasaysayan ng tao, ang pagsisisi ay ipinapangaral subalit hindi pa rin lubos na maunawaan. Paano ba natin maipapakita ang tunay na pagsisisi? Paano din ba tayong makapagsisisi? At ano ang dapat nating pagsisihan?

Gaya ng sinabi ko nang una hindi sa pamamagitan ng pangungumpisal sa mga pari, dahil ang mga paring iyan ay pawang nagkasala din. Hindi din sa pamamagitan ng pagpipinitensya upang ipakita nating tayo’y nagsisisi, dahil napakahirap ng bagay na iyan. Ang pagsisisi ay paghingi ng kapatawaran sa Diyos, ito ay halos gaya ng ginagawa nating paghingi ng paumanhin sa ating mga asawa o mga magulang. Ganoon lamang kadali. Hindi na natin kailangan pang magpakahirap na magdasal ng sampung Ama Namin at dalawampung Aba Ginoong Maria, upang maipakita lang ang ating pagsisisi. Hingin lamang natin sa Diyos na patawarin tayo sa ating mga pagkakasala.

Ayon sa ipinapakita ng Bibliya, hindi lang tayo basta hihingi ng kapatawaran. Bago natin hingin ang kapatawaran sa anumang nagawa nating kasalanan: kailangang ipahayag natin ang lahat ng iyon sa Panginoong Dios. Gaya ng halimbawang ipinakita ni David: “Aking kinikilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli. Aking sinabi, Aking ipahahayag ang aking pagsalansang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan” (Awit 32:5). Kailangan kilalanin natin na tayo’y nagkasala at tanggapin natin ang lahat ng ating kasamaan at pagsalansang sa Diyos. Tinisod natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga kasalanan kaya’t nararapat nating tanggapin at kilalanin ang ating mga kasalanan, at humingi tayo ng paumanhin sa Diyos.

Hindi ang lahat ng pagkakasalang nagagawa natin sa ibang tao ay maituturing ng mga kasambahay natin na kasalanan. May mga pagkakasala tayong nagagawa na hindi itinuturing ng gobyerno na kasalanan. May mga pagkakasala tayong nagagawa laban sa Diyos na hindi itinuturing ng sinoman na kasalanan. Subalit ang lahat ng kasalanan na ating nagagawa laban sa ating kapuwa, sa mga kasambahay, at pati na sa gobyerno ay kasalanan sa Diyos. Sa gayon ding paraan, may mga kasalanan tayong nagagawa sa ating kapuwa, mga kasambahay, at sa gobyerno ng tao, subalit hindi kasalanan sa Diyos: ang mga ito ay may kinalaman sa ating pagsunod sa Diyos.

Ano ang ibig sabihin ng pagsisisi? Sa salitang Griego ito ay metanoia, ito ay dalawang salita mula sa salitang meta ang ibig sabihin ay “pagbabago” at ang noia na nanggaling sa salitang nous na ang ibig sabihin ay “isipan”. Nangangahulugan na ang pagsisisi ay “pagbabago ng isipan”. Kung ano ang mga bagay na ating ipinagkasala ay tatalikuran na natin at hindi na muling babalikan pa.

Upang maipakita natin ang tunay na pagsisisi kinakailangang ito ay magkaroon ng bunga. Sinabi ni Juan Bautista: “Kayo nga’y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi” (Mateo 3:8). Sa paanong paraan na tayo’y magbubunga sa ating pagsisisi? Lahat ng bagay na ating pinagsisihan ay kailangang hindi na natin muli pang babalikan, iyan ang tanda na tayo ay talagang nagsisisi sa ating mga kasalanan. Ang payo pa ng Diyos: “Lisanin ng masama ang kanyang lakad, at ng liko ang kanyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa

Page 42: Counsel of God

Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagkat siya’y magpapatawad ng sagana.” (Isaias 55:7).

Paano kung nagsisi ka ngayon at kinabukasan ay nagawa mong muli ang kasalanang pinagsisihan mo? Kung nagawa ng tao ang kasalanan ng hindi sinasadya, pangako ng Diyos na sagana ang kapatawarang ibibigay niya sa tao. Nalalaman ng Diyos ang nilalaman ng isip ng tao, pinapatawad Niya ang tao na talagang may lubos na pagsisisi, ang mga ito ay makakatanggap ng saganang kapatawaran sa Dios. Nalalaman ng Diyos kung pagpapaimbabaw lamang ang pagsisisi, simula pa lang na humingi ng kapatawaran ang mga taong ito ay wala na silang matatanggap na tawad galing sa Diyos.

Pangako ng Dios

Maraming ulit nating mababasa sa pahina ng mga Kasulatan na ang Diyos ay magpapatawad ng sagana. Sinabi ni Juan na minamahal: “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan. Kaya’t kung ang tao ay tunay na nagsisisi, mapanghahawakan niya ang mga pangakong ito ng Diyos: mayroong nakalaan na kapatawaran sa kaniya.

Kahit na gaano karami ang kasamaang nagawa ng tao hindi naliligayahan ang Diyos sa kamatayan ng mga taong ganito. Ang tao ay nagiging maligaya kapag ang kaaway nila’y namatay na, subalit ang Diyos gaano man ang naging pagkakasala ng tao, kapag ito’y nagsisi ay Kaniyang pinatatawad.

Hindi maitutumbas ang mga kayamanan ng sanlibutang ito upang tubusin ang tao sa pagkakasala. Kaya’t ang hinihingi na ng Diyos sa mga kaluluwa ay magsisi. Mayroong biyaya na nakatago ang Diyos sa lahat ng nagsisisi. Sapat ang biyaya ng Diyos upang malampasan ng tao ang lahat nilang pagkakasala sa tulong ng Diyos, ang kailangan lang ay magsisi. Hindi natin maaaring sabihin, dahil marami at mabigat ang ating mga kasalanan kaya’t hindi tayo mapapatawad ng Diyos, ang Diyos ay sagana na magpapatawad sa atin. Kung hindi natin panghahawakan ang mga pangako ng Diyos, ito ang magpapahamak sa tao. Sa hindi paniniwala ng tao sa mga pangakong ito ay ginagawa niyang sinungaling ang Diyos. Kailangan mong magsisi subalit hindi mo matanggap ang kapatawaran ng Dios, hindi ka mapapatawad ng Dios, kung hindi mo sasampalatayan ang kabutihan Niya.

May Kaligtasan sa Pagsisisi

Tingnan natin ang napakasarap na pangako ng Dios: “Ngunit kung ang masama ay humiwalay sa kanyang lahat na kasalanan na kanyang nagawa, at ingatan ang lahat ng aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya’y walang pagsalang mabubuhay, siya’y hindi mamamatay. Wala sa kanyang mga pagsalansang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kanya: sa kanyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya” (Ezekiel 18:21-22). Maliwanag ang mga pangakong ito ng Dios. Bakit mamamatay ang tao, gayong may pagkakataon na siya’y mabuhay?

Hindi ang lahat ng taong nagbabago ay nangangahulugang nasisisi May mga taong matapos mabilanggo at humiwalay sa kanilang kasamaan ay mga walang pagsisisi sa kalooban sa nagawa nilang kasamaan. Nagbago ang mga gawa ng mga taong ito subalit ang kasamaan ay naroon pa rin. Kahit na gaano pa sila naging kabuti sa kanilang pagbabago, wala silang kaligtasan.

Kinakailangan na ang tao ay magsisi, humiwalay sa lahat niya kasamaan at ingatan ang mga palatuntunan o kautusan ng Diyos. Kapag ginawa niya ito, gaano man kalaki ang nagawa niyang kasamaan sa nagdaan ay hindi na aalalahanin pa ng Diyos. Ganyan ang kabutihan ng Diyos. Ang pangako ng Diyos: hindi na siya mamamatay kundi siya ay magmamana na ng buhay na walang hanggan. Hindi nalulugod ang Diyos sa kamatayan ng taong masama. Ang kaluguran ng Diyos, makita Niya na ang taong masama ay nagsisisi upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Page 43: Counsel of God

May Kapahamakan sa mga Tumalikod at hindi Nagsisi

Ang babala naman sa mga taong tumanggap na ng kaligtasan: “Ngunit pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, at gumawa ng ayon sa lahat ng kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na isinalangsang, at sa kaniyang mga kasalanan na ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya” (tal. 24). Kaya nga, yamang ang buhay natin ay ibinigay na sa Panginoong Diyos, mabuhay na tayo ng ayon sa katuwiran ng Diyos at huwag ng lumayo pa. Napakahalaga ng ating kaligtasan kaya’t ngayon pa lamang tayo ay magsisi na. Kung hindi natin ito gagawin ngayon pagkatapos ng kamatayan ay walang hanggan na ang ating magiging pagsisisi.

Halimbawang ang tao ay nagsisi noong tanggapin niya ang Diyos, mananatili bang ligtas ang taong ito sa habang panahon? Oo, habang nananatili siya sa pananampalataya. Paano kung siya ay tumalikod? Ang ipinapakita ng doktrinang once saved always saved (o OSAS): ang tao ay mananatiling ligtas sakali mang siya ay mapalayo at magkasala sa Diyos. Ano ang sinabi ng Diyos sa nagdaang talata na kinuha natin? “Walang aalalahanin sa kanyang mga matuwid na gawa na kanyang ginawa, ...sa mga yaon mamamatay siya.” Kung gayon ang doktrina ng OSAS ay sumasalungat sa salita ng Diyos.

Sakali mang ang tao ay magkasala subalit nananatili ang kanyang pananampalataya sa Diyos, naniniwala akong maliligtas ang tao kung magsisisi siya. Magkasala man siya ng apat na raan at siyam na pung beses sa isang araw, may nakalaang apat na raan at siyam na pung beses na kapatawaran sa kanya kung siya ay magsisisi. Subalit wala namang tao na magkakasala ng ganyang karami sa loob ng isang araw. Sa katotohanan ang tunay na Kristiyano ay nakikipagbaka sa laban sa kasalanan. Kaya't dumaraan ang isang araw, ang kristiyano ay may pagkakataong hindi nakakagawa ng anumang kasalanan. Nariyan ang Espiritu Santo upang sa kanya ay gumabay, inilalayo nito ang kasamaan sa Kristiyano.

Napakahalaga ng pagsisisi sa ating kaligtasan. Sa pamamagitan nito'y inaamin mo ang iyong kasalanan at nakahanda kang ito ay talikuran na. Subalit kung ang Kristiyano ay nagsisi at pagkatapos ay muling nagbalik sa kasalanan, hindi na anak ang turing sa kanya ng Diyos: gaya na siya ng isang baboy na matapos hugasan ay muling nagbabalik sa putikan; gaya siya ng isang aso na matapos isuka ang kinain ay muli pang kakainin. Ang naghihintay sa kanya ay isang kahindik-hindik na paghuhukom dahil mabuti pang hindi niya nakilala ang katotohanan.

Pagkadama ng Kalungkutan

Maraming tao ang nagsasabing sila ay nagsisisi sa mga nagawa nilang pagkakasala. Ano kaya ang katunayan nilang maipapakita? Sa mga panahon ng aking paglilingkod sa Diyos, may dalawang klase ng tao akong nasumpungan na naging palatandaan ko kung sino ang magiging matibay at kung sino ang mahihiwalay pagdating ng araw. May mga taong nagpapatoo na matapos nilang tanggapin ang Diyos ay napuno sila ng kasiyahan at para bang hindi na sila daratnan ng mga problema; nagkaroon ng kaluwagan sa kanilang damdamin at naging na matahimik sila. Ang ikalawang klase ng mga tao na nakita ko ay ang mga nagpapatotoo, na noong makilala nila ang Panginoong Jesus ay doon nila nalaman na ang kanilang mga gawa ay hindi nakalulugod sa Kaniyang paningin.

Maraming tao ang nagiging maligaya dahil sa pagtanggap sa Panginoong Jesus. Ang kaligayahang ito kailan man ay hindi makakapagpatatag sa ating pananampalataya. Kung sino pa ang mga naging maligaya sa kanilang pagtanggap, kadalasan ay siya pang kauna-unahang nawawala pagdating ng mga pagsubok. Walang kapahayagan sa kaligayahan, ang kailangan ay makilala natin ang ating sarili at kung Sino ang paglilingkuran natin. Malibang darating ang kapahayagan sa mga taong ito ay hindi sila magiging matibay sa pananampalataya. Hindi nila nakikita ang kakulangan, kundi ang nakikita nila ay ang mga benepisyo lamang.

Page 44: Counsel of God

Higit akong humahanga sa mga taong na matapos tanggapin ang Panginoong Jesus ay nagsabi na nasumpungan nilang hindi sila nakalulugod sa paningin ng Diyos. Ito ay isang kapahayagan: nakita agad ng tao ang kaniyang pagiging makasalanan. Siya’y hindi karapat-dapat sa Diyos subalit nakita niya ang biyaya at pagpapatawad ng Diyos. Ito ang mga tao na kadalasang nagiging matatag sa kanilang pananampalataya.

Dumarating sa tao ang pagkahiya sa sarili sa araw na makita nila ang pagiging makasalanan nila. Ang pagkahiyang ito ay nagdadala ng kalumbayan at ang kalumbayang ito ay patunay na tinatanggap ng tao na siya’y nagkasala laban sa Diyos.

Naging karanasan ng mga taga-Corinto ang pagkahiya sa kanilang mga kasalanan, ng sila’y sawayin ni Pablo sa pamamagitan ng kanyang mga sulat. Sa halip na ang mga taga-Corinto ay magrebelde sa ginawang pagsaway sa kanila, tinanggap nila na sila’y mga nagkamali sa kanilang mga gawa. Ang naging resulta, sila ay nagkaroon ng kalumbayan. Sa ikalawang sulat ni Pablo sa kanila ay kanyang sinabi: “Ngayo’y nagagalak ako, hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi; sapagkat kayo’y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios, upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin. Sapagkat ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: dapatwat ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay” (II Corinto 7: 9-10).

Dalawang klase ang kalumbayang sinabi ni Pablo: una ay ang kalumbayang ukol sa Dios, ikalawa ay ang ukol sa sanlibutan. Ang kalumbayang ukol sa Dios ay nagdadala sa tao sa ikapagsisisi tungo sa kaligtasan; ang kalumbayang ukol naman sa sanlibutan ay nagda-dala sa tao sa kamatayan.

Ang halimbawa ng kalumbayang ukol sa Diyos ay ang nangyari kay Pedro. Bago ipako sa krus ang Panginoon, nangako si Pedro na hindi Niya ito iiwan mangahulugan man ng kanyang kamatayan (Lucas 22:33). Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sinasabi ko sa iyo Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako’y hindi mo nakikilala.” Matapos niyang ipagkaila ng tatlong beses ang Panginoong Jesus, “ay tumilaok ang manok. At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo. At siya’y lumabas at nanangis ng kapait-paitan” (tal. 60-62). Labis ang naging pagsisisi ni Pedro dahil sa ginawa niyang pagkakaila sa Panginoon, subalit ng sila ay muling magkita ng Panginoong Jesus, nanampalataya siya na ang kapatawaran ay iginawad sa kanya. Sa gayon ang pagsisisi ni Pedro ay naging sa ikaliligtas.

Ang halimbawa naman ng kalumbayang nanggagaling sa sanlibutan ay ang nangyari kay Judas Iscariote. Alam natin na sa kasaysayan ay ipinagkanulo niya ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng tatlong pung piraso ng pilak. Akala niya ay huhulihin lang ang Panginoon at pagkatapos ay pawawalan, ang hindi niya alam ito pala ay papatayin na pala pagkahuli. Nakakita lamang sila ng tamang pagkakataon sa pamamagitan niya. Sinasabi ng Kasulatan, “Nang magkagayo’y si Judas, na nagkanula sa kaniyo, pagkakitang siya’y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda, na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapwat kanilang sinabi, Ano sa amin? Ikaw ang bahala niyan. At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at umalis; at siya’y yumaon at nagbigti” (Mateo 27:3-5).

Hindi matanggap ni Judas na mayroon pang kapatawaran sa kaniyang mga kasalanan. Sa labis niyang kalungkutan ay hindi niya natagalan ang paguusig ng budhi dahil sa Panginoon na walang kasalanan at hinatulan ng kamatayan. Siya ay nagpakamatay ng makita niya ang sitwasyon ng Panginoon.

Mainan na magkaroon ng kalumbayan ang tao bilang pagtanggap sa kanyang sarili na siya ay nagsisisi. Subalit ang kalumbayang ito ay huwag maging dahilan ng labis na kalungkutan dahil kung hindi, baka ito ay maging sa ikamamatay. Tanggapin natin ang

Page 45: Counsel of God

ating mga kasalanan at panampalatayanan natin na ang Diyos ay magpapatawad ng sagana sa lahat ng may tunay na pagsisisi at pananampalataya sa Kanya.

Ang pagpapakita ng kalumbayan ay palatandaan na tayo mismo ay namumuhi sa kasalanan na ating nagawa. Walang sinumang tao na nagkasala ang maligaya pa rin habang humihingi ng kapatawaran, dahil kung ganito ang gawa ng isang tao, malinaw na hindi siya seryoso sa kanyang pagsisisi. Kaya nalulungkot ang tao habang nagsisisi, ito ay dahil nasusuklam siya sa kanyang ginawa. Ang paghingi ng tawad ay tanda na hindi na natin muling gagawin ang kasalanang ipinagkasala natin. Dumarating lamang ang kaligayahan pagkatapos na ating matanggap ang kapatawaran.

Wala tayong maririnig sa Diyos na salitang, “Pinapatawad na kita.” Ang patawad ay kailangang panampalatayanan nating tinanggap natin sa panahon ng ating paghingi ng kapatawaran. Hindi na natin kailangan pang marinig ang tinig ng Diyos, ang kailangan natin ay pananampalataya sa pagpapatawad Niya.

Kondisyon ng Diyos sa Pagpapatawad

Ito ay isang mahalagang bagay na dapat nating maunawaan upang magkaroon tayo ng kasiguruhan na makatanggap ng kapatawaran sa Diyos. Sa bawat pabor na ating hinihingi sa Diyos, nakita ko na Siya ay nagbibigay ng kondisyon. Ito ang kondisyon ng Diyos sa pagpapatawad: una, kailangang matanggap natin na ang Diyos ay nagpapatawad ng sagana. Ayon sa sinabi ni apostol Juan: “Kung ipahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” Kung tapat ang ating pagsisisi ay tapat siya na magpapatawad sa atin.

Sinasabi ng iba, tatanggap ka pa rin ba ng kapatawaran sa Diyos kahit paulit-ulit mong nagagawa ang kasalanan mo? Nalalaman ng Diyos ang nilalaman ng puso ng tao; alam ng Diyos kung sino ang taos sa puso na nagsisisi. Ang mga taong ito ay makakaasa na sila’y may matatanggap na kapatawaran. Nalalaman rin ng Diyos kung sino ang mga taong hindi seryoso sa ginagawa nilang pagsisisi. Ang mga taong ito sa araw pa lang na humingi ng tawad sa Diyos ay walang kapatawarang matatanggap. Nakikita ng Diyos ang kanyang puso kung may balak pa sa kanilang isipan na gawin ang pinagsisihan nila. Hindi sila maaaring umasa na sila’y napatawad sa oras na iyon dahil alam ng Diyos ang nasa isipan nila.

Hinihingi ng Dios na tayo’y magbunga ng karampatang bunga ng ayon sa pagsisisi. Sinabi ng Panginoong Jesus sa babaing patutot na hinatulan ng kamatayan, “...mula ngayo’y huwag ka ng magkasala” (Juan 8:11). Naniniwala ako na ang babaing ito ay umalis at hindi na muli pang nagkasala. Ang hindi na niya muling pagbalik sa kasalanan ay patunay na ang kanyang pagsisisi ay nagbunga.

Gaano kasaganang magpatawad ang Panginoong Diyos? Ang tanong ni Pedro sa Panginoon: “Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? Hanggang makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.” (Mateo 18: 21-22). Kung babasahin natin ang huling bahagi sa King James Version ay sinasabing, “seventy times seven”, ang katumbas nito ay apat na raan at siyam na pu. Ito ay utos pa lamang ng Panginoong Jesus sa tao, paano pa kaya Siya na sagana sa pagpapatawad? Magakasala man tayo ng 490 beses ay may kapatawaran tayong matatanggap sa Kanya.

Paano kung iyon at iyon din ang ginagawang kasalanan sa iyo, magpapaloko ka na lamang ba? Gaya ng sinabi natin, nalalaman ng Diyos ang nilalaman ng puso ng tao. Kung ang pagsisising ginawa ng tao ay hindi talaga bukal sa kaniyang kalooban, ito ay hindi makata-tanggap ng kapatawaran; gayundin, kung sinasabi ng tao na siya’y nagsisisi at hindi naman nagpapakita ng pagbabago sa kanyang ginagawa, hindi ito makatatanggap ng kapatawaran. Subalit kung ang tao ay talagang bukal ang kalooban na nagsisisi at sa hindi inaasahan ay nagawa niyang muli ang dating ipinagkasala, naniniwala akong may

Page 46: Counsel of God

kapatawaran sa taong ito. Makagawa man siya ng apat na raan at siyam na pung klase ng kasalanan, nalalaman ng Diyos kung nararapat na ito ay patawarin.

Kasama sa mga hindi pinatatawad ng Diyos ay ang mga taong hindi din marunong magpatawad sa kasalanan ng iba. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagkat kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. Datapwat kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan” (Mateo 6:14-15). Kaya nga, kung nais nating tumanggap ng kapatawaran sundin natin ang mga salitang ito ng Diyos.

Naniniwala rin ako na ang mga taong hindi tumatanggap ng sariling pagkakamali na nagagawa sa kanilang kapuwa ay hindi din mapapatawad ng Diyos. Gaya ng nangyari kay David, matapos na siya’y magkasala ng pangangalunya kay Batsheba at maipapatay si Urias, nagpatuloy siya sa kaniyang paghahari na tila baga napakataas pa rin ng integridad. Akala niya ay nasa kanya pa rin ang patnubay ng Diyos, ang hindi niya alam lumayo na sa kanya ang Diyos ng mga oras na iyon. Isinugo ng Panginoong Diyos ang kanyang propetang si Nathan at pinagsalitaan nito si David sa nagawang kasalanan. Doon nabatid ni David ang kanyang kasalanan, kaya’t kanyang sinabi: “Ako’y nagkasala laban sa Panginoon. At sinabi ni Nathan kay David, Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan; hindi ka mamamatay” (II Samuel 12:13). Natanggap ni David ang kapatawaran ng tanggapin niya ang nagawang kasalanan.

Hihingi tayo ng kapatawaran sa Diyos samantalang ang kasalanang nagawa natin sa kapatid ay hindi natin inaamin. Paano tayong mapapatawad ng Diyos sa ibang kasalanang pinagsisisihan natin, kung ang pagkakasala natin sa kapwa ay hindi natin matanggap? Ang paghingi ng kapatawaran ay napakadaling bagay. Hindi na natin nararapat pahirapan ang ating sarili sa mahahabang panalangin o pagpapasakit sa katawan. Ang kailangan natin pagkatapos ng pagsisisi ay isakripisyo ang lahat ng ating ipinagkasala: iyan ang isang bagay na napakahirap gawin, higit na mahirap sa pagpipinitensya, subalit makakaasa tayo ng kapatawaran sa ganiyang klase ng pagsisisi.

Ang pangako ng Diyos na kapatawaran sa mga kasalanan ay hindi maaaring akuin ng sinoman. Ang pangako ng Dios na kapatawaran ay may kondisyon, hindi ito basta ibinibigay ng Diyos sa mga taong hindi karapat-dapat na hindi tumutupad sa Kaniyang mga itinalagang kondisyon. Kaya’t hindi maaaring aminin ng tao na siya’y pinatawad na ng Diyos samantalang hindi naman niya nagagawa ang mga kondisyon. Gaya ng isang kahariang sumuko sa kanyang kalaban, hindi siya ang magbibigay ng kondisyon sa pagsuko niya. Ang sinukuan niya ang magbibigay ng kondisyon. Ang Diyos ay magpapatawad ng sagana doon lang sa mga taong tunay na sumuko sa Kanya.

Batayan ng Pagsisisi

Tayo ngayon ay nasa panahon ng biyaya. Habang hindi pa nangyayari ang ikalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus ang tao ay may pagkakataon pa upang magsisi, kapag siya’y nagsisi ang Diyos ay may nakalaang kapatawaran sa kanya. Paanong nangyayari na sa araw na kanilang marinig ang pangangaral ng pagsisi ay sumusunod sila at nagsisisi?

Kung pagbubulayin natin, sa ganang ating sarili ay wala tayong dapat pagsisihan dahil bulag tayo sa sarili nating mga gawa. Hindi natin kinikilala na ang mga masasamang gawa natin ay masama talaga. Makikita natin ang mga magulang na kung magmura sa kaniyang kapuwa ay balewala, subalit kapag narinig niyang nagmura ang kanyang anak ay nagagalit sila. Kung ganoon alam ng mga magulang na masama talaga ang magmura subalit hindi nila pinipigilan ang sarili nila; hindi sila nagsisisi sa mga masamang nasabi nila.

Dumarating ang pagsisisi sa tao sa araw na sila’y maliwanagan ng ebanghelyo. Hindi tinitingnan ng tao ang kanilang masamang gawa dahil sila’y nasa kadiliman pa. Namumulat lamang ang tao sa kanilang masamang gawa dahil sa kaliwanagan na ibinibigay ng

Page 47: Counsel of God

ebanghelyo ni Cristo. Ano ang maitatawag natin dito? Ito ay biyaya na nanggagaling sa Diyos. Hindi magagawa ng tao na magpakumbaba sa harap ng Diyos kung sa kaniyang sarili lamang. Kung hindi dahil sa biyaya ng Diyos na dumating sa kaniya sa pamamagitan ng pangangaral ay hindi niya matututunan ang pagsisisi.

Ilang situwasyon ang ginagamit ng Diyos upang ang tao ay akayin? Hindi natin ito mabibilang. Maraming ulit na ang Diyos ay tumatawag sa tao sa pamamagitan ng iba’t-ibang pangyayari subalit hindi tumutugon ang tao. At habang hindi nangyayari ang takdang panahon ng paghatol sa lahat ng tao, ang Diyos ay patuloy na magsusugo ng Kaniyang mga lingkod upang akayin ang marami sa tunay na pagsisisi. Tama si Pablo sa pagsasabi na “ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi” (Roma 2:4). Subalit ano ang ginagawang tugon ng tao? Hinahamak niya ang lahat ng ito.

Hindi tayo titigilan ng Diyos na tawagin upang magsisi. Sa Kanyang labis na pagmamahal ayaw Niya na ang sinoman ay mapahamak. Malaki ang tiniis sa atin ng Diyos sa panahon na tayo ay hindi tumugon sa Kanyang mga tawag. Mabuti na lamang at ang Diyos ay mayaman sa pagtitiis. Kaya nga, kung mayroon mang dahilan kung bakit tayo ay natutong magsisi ay dahil sa kabutihan, pagtitiis, at pagpapahinuhod sa atin ng Diyos. Wala tayong maipagmamalaki kundi ibaba natin ang ating sarili at ating idalangin, “Patawarin mo ako Panginoon dahil ako’y naging bulag sa aking mga gawa. Ngayong nakita ko na ang kaliwanagan ay nais kong manatili dito. Hawakan mo ako ng mahigpit at huwag ng pawalan pa.” Tayo din ang magpapatotoo sa bandang huli na napakainam ng tayo’y nasa Dios.

Gumawa ng Pagsasauli

Maipapakita nating lubusan ang ating pagsisisi sa pamamagitan ng pagsasauli o pagbabayad. Halimbawa nito, kung may nakuha tayong pagaari ng iba, kailangang ibalik natin ito sa talagang nagmamay-ari. Ang pagbabayad sa ating mga nagawa ay utos ng Panginoong Diyos sa panahon pa lamang ni Moises. Sa Exodo 22:1-15 ay makikita natin ang mga karampatang kabayaran sa mga bagay na kinuha.

Ang batas na ito ay hindi inalis ng Panginoong Jesus sa Bagong Tipan kundi Kanya pang sinang-ayunan. Nang magtungo siya sa bahay ni Zaqueo na isang maniningil ng buwis ay sinabi sa Kanya nito, “Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pagaari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung sakali'’t nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay isasauli kong makaapat” (Lucas 19:8). Ang gawang ito ay hayagang pagpapakita ng tunay na pagsisisi. Kung nagkasala tayo sa ating kapwa tayo ay nagkasala na rin sa Diyos.

May pagkakasalang tayong nagagawa laban sa Diyos na maaaring hindi laban sa ating kapwa, subalit ang mga kasalanang nagawa natin sa ating kapwa ay kasalanang nagawa natin sa Diyos. Kaya’t kung tayo ay magbabayad sa ating kapuwa na naging kasalanan natin sa kanila, nararapat na magbayad din tayo sa Dios. Hindi ko ibig sabihin na ang nakuha nating piso sa ating kapuwa ay babayaran nating ng apat na piso sa Diyos, kundi ang tanging kabayaran na maibibigay natin sa Diyos ay ang bunga ng ating pagsisisi. Mayaman ang Diyos at hindi Siya nangangailangan ng anumang materyal na bagay na manggagaling sa atin. Ang buong mundong ito ay pagaari Niya, kaya’t hindi natin maaaring ibayad sa Diyos ang sarili Niyang pagaari. Ang tanging kabayaran na Kaniyang hinihingi ay ang bunga ng ating ginawang pagsisisi.

Darating ang Paghuhukom

Bakit kailangan natin ang magsisi? Ayon pa rin sa sinabi ni Pablo: “Datapwat ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom. Na Siya ang magbibigay sa bawat tao ayon sa kaniyang mga gawa” (Roma 2:5-6). May itinakdang paghuhukom ang

Page 48: Counsel of God

Diyos at sa araw na iyon ay magsusulit ang bawat tao sa mga bagay na kanyang ginawa ng siya’y nabubuhay.

Hihingin ng Diyos sa araw na iyon kung tayo ay tumalikod sa ating mga kasalanan o hindi. Kung ang tao ay hindi magsisisi sa kanyang mga gawa, ang lahat ng araw na kanyang ipinamuhay dito sa lupa ay pagtitipon lamang ng kapootan sa araw ng paghuhukom. Kung ang tao ay magsisisi, lilimutin ng Diyos ang lahat ng kanyang nagawa at siya ay maliligtas sa paghuhukom. Mahirap tumayo sa hukuman ng Diyos, ang lahat ng tumatayo dito ay pawang patungo na sa walang hanggang pagdurusa.

Sa araw ng paghuhukom, pawang sumbat ang maririnig ng mga taong hindi nagsipagsisi. “Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Niniveh na kasama ng lahing ito, at ito’y hahatulan: sapagkat sila’y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito’y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas. Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng lahing ito, at ito’y hahatulan: sapagkat siya’y nanggaling sa mga wakas ng lupa upang pakinggan ang karunungan si Salomon; at narito, dito’y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon” (Mateo 12:41-42).

Ano ang kalagayan ng Niniveh ng sila ay datnan ng pangangaral ni Jonas? Sinabi ng Diyos kay Jonas: “Bumangon ka at pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagkat ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko” (Jonas 1:2). Nalalaman ni Jonas na ang mga taga Ninive ay talagang masama at ayaw niyang magtungo doon, kaya’t tumakas siya sa tawag ng Dios. Higit bang malakas ang tao sa Diyos? Hindi nagawang takasan ni Jonas ang responsibilidad na ipinaguuto sa sa kaniya ng Diyos. Lumulan siya sa isang sasakyan patungong Tarsis, subalit sa kanilang paglalayag ay nagpadala ang Diyos ng isang malakas na hangin. Alam ni Jonas na iyon ay gawa ng Diyos kaya’t inutusan niya ang mga lalaki na buhatin siya at itapon sa dagat. Nang mga oras na iyon ay naghanda na ang Diyos ng isang malaking isda na magdadala kay Jonas sa Ninive.

Pagdating sa bayan ng Ninive ay nagsimulang mangaral si Jonas na nagsasabi: “Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak. At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Diyos; at sila’y nangaghayag ng ayuno at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain ni magsiinom man ng tubig; kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawat isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang kamay. Sino ang nakakaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay ang Kaniyang mabangis na galit, upang tayo’y huwag mangamatay. At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, na sila’y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan na Kaniyang sinabing Kaniyang gagawin sa kanila; at hindi Niya ginawa” (Jonas 3:4).

Ang Ninive sa panahong iyon ay isang napakayamang siyudad dahil ito’y naging sentro ng kalakalan. Marami ang mayaman at mayroon din namang mahirap; ang kalayawan ay laganap pati na ang mga pangdadahas. Subalit ng marinig nila ang pangangaral ni Jonas, mula sa hari hanggang sa pinaka-mahirap na tao ay nagsipagsisi. Kung sila na sagana sa panahong iyon ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan. Napakaraming sumbat ang maririnig ng lahing ito sa kanila, marami sa panahong ito ang nangangaral ng pagsisisi subalit ang tao hindi ginagawa ang magsisi. Si Jonas ay isang araw lamang lumibot sa bayan at nangaral ng pagsisisi, ang buong bayan ng Ninive ay nagsipagsisi agad pagkarinig ng pangangaral!

Sa panahon ng paghuhukom ay makikita din natin ang reyna ng Seba na tatayo at susumbatan ang lahing ito. Nang marinig niya ang karunungan ni Solomon ay hindi siya nanatili sa kaniyang bayan, kundi nagtungo sa Jerusalem at sinaksihan niya ang

Page 49: Counsel of God

karunungan ni Solomon. Ang bayan ng Sabah na nasa Gitnang Silangan ang bayan ng reyna, tingnan ninyo sa mapa kung gaano ang paglalakbay na ginawa niya upang hanapin ang mabuting karunungan. Sasabihin ng reyna ng Seba sa panahong iyon ng paghuhukom: “Ako’y nanggaling pa sa isang lupaing napakalayo upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. Bakit sa dinami dami ng nangangaral ng ebanghelyo ay hindi kayo nagsipagsisi?”

Walang kotse o eroplano ang masasakyan sa panahong iyon upang makarating agad sa Jerusalem. Pinagtiyagaan ng reyna ang napakahabang biyahe upang saksihan lamang ang pangangaral ni Solomon. Ang gawain ng mga Kristiyano ay napakarami sa ngayon. Hindi mahihirapan ang sinoman upang maghanap, subalit sino nga ba ang talagang humahanap sa Diyos? Napakalaking kapootan ang haharapin ng lahing ito dahil sa kanilang hindi pagsisisi.

May paghuhukom na gagawin ang Diyos at ito ay darating na. Walang sinoman ang makakatakas dito kundi tayong lahat ay haharap sa Diyos upang hukuman. Ibinigay ng Dios ang mga paraan upang tayo ay magkaroon ng kaligtasan, at isa na dito ang pagsisisi. Kaya’t habang mayroon tayong panahon upang magsisi ay gawin na natin ngayon.

Babala

Tungkol sa mga nagsisising hindi nagsisipagbunga, ang babala ni Juan Bautista: “At ngayon pa’y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawat punong kahoy nga na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at hinahagis sa apoy” (Mateo 3:10). Kung sa pagkarinig ng mga mensaheng ito at ginawa agad upang isapamuhay, tayo nga ay magkakaroon ng kaligtasan; kung sakali mang narinig natin ang mensaheng ito at hindi tayo nagpakababa sa harap ng Diyos, gaya ng sinasabi, tayo ay puputulin at ihahagis sa apoy.

Ano ang ibig sabihin kung ipagpapaliban natin ang pagsisisi matapos nating marinig ito? Nangangahulugan ito na ang tao ay nagmamalaki sa Diyos. Sa mga taong hindi nagsisipamunga sa kanilang pagsisisi, at sa mga taong hindi nagsisisi, hindi natin maaaring pagmalakihan ang Diyos dahil anumang oras ay maaari Niyang putulin ang ating buhay. Dapat tayong matakot dahil ngayon pa lang ay sinasabing “nakalagay na ang palakol sa ugat.” Anumang oras na Kaniyang selyuhan ang ating buhay upang ipadala sa kabilang-buhay, wala tayong magagawa dahil Siya ang may hawak ng palakol.

Kaya nga, ngayon pa lang ay sinasabi ko: magsisi tayo sa ating mga kasalanan at talikuran ang lahat ng mga masasamang gawa. Ito ay unang hakbang pa lamang tungo sa kaligtasan.

Pagsisisi sa Pangalan ni Jesus

Ang pagsisisi ay pagtalikod sa mga kasalanan. Kung tayo ay nagsisi na, isang panibagong lakbayin ang ating tatahakin. Ang Islam, Judaismo, at iba pang sekta ng relihiyon sa Kristiyanismo ay nagtuturo na kailangang magsisi. Kung tayo ay makikinig sa pangangaral ng Islam na magsisi, ay mangyayari na ang kanilang daan ang bago nating lalakaran; gayundin ang Judaismo na kung tanggapin natin ang kanilang pangangaral ng pagsisisi, ay ang kanilang daan ang bago nating lalakaran.

Sasabihin ko sa inyo ng may katapangan ito: ang tanging pagsisisi na binibigyan ng Diyos ng parangal at kapatawaran ay ang pagsisisi tungo sa ikapagiging tunay na Kristiyano. Sinasabi ng Bibliya: “At sinabi niya sa kanila, Ganiyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; at ipangaral sa Kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:46-47). Kung gayon, hindi pala tayo basta magsisisi lamang, kundi kinakailangang gawin natin ang pagsisisi sa pangalan ng Panginoong Jesus. Dahil Kristiyanismo ang ating haharapin pagtalikod natin sa mga kasalanan, kaya’t nararapat na gawin ang pagsisisi sa pangalan ng ating Panginoong JesuCristo.

Page 50: Counsel of God

Dugtong pa ng Panginoong Jesus: “At kayo’y mga saksi ng mga bagay na ito” (tal. 48). Anong kapatawaran ang ipinangako ng ibang mga relihiyon? Wala. Pinatototohanan ng mga apostol ayon sa turo ng Espiritu Santo na ang kapatawaran ng mga kasalanan ay tanging sa Panginoong Jesus natin masusumpungan. Kahabag-habag ang mga taong gumawa ng pagsisisi subalit hindi sa Panginoong Jesus nanumbalik. Ang tinanggap nila ay ang aral ng mga tao lamang. Walang ibang tao na gaya ng mga apostol na nakapagpatotoo na sila ay pinatnubayan ng Espiritu Santo.

Narito ang mga Kasulatang nagpapatunay na ang kapatawaran ng mga kasalanan ay tanging sa Panginoong Jesus lamang:

Lucas 1:77 – “Upang maipakilala ang kaligtasan sa Kaniyang bayan, Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan.”

Lucas 24:47 – “At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.”

Gawa 2:38 – “At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni JesuCristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.”

Gawa 5:31 – “Siya’y pinadakila ng Dios ng Kaniyang kanang kamay upang maging Prinsipe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan.”

Gawa 10:43 – “Siya ang pinatototohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawat sumasampalataya sa Kaniya ay magkakamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng Kaniyang pangalan.”

Gawa 13:38 – “Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito’y ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan.”

Gawa 26:18 – “Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila’y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila’y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.”

Nakagagalak dahil tayong mga nakasisigurong na kay Cristo na ay makatitiyak na may kapatawaran sa ating mga kasalanan. At kung tayo ay napatawad na sa ating mga kasalanan, tanggapin natin ang kaligtasang ipinagkakaloob ng Diyos.

7 NALIGTAS SA PAMAMAGITAN NI JESUCRISTO

Ang mundo natin ay maraming tinitingnan na tagapag-ligtas. Ang tanong ay, sino kaya sa kanila ang karapat-dapat na kilalaning tagapag-ligtas? Ito ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang ating magiging kalalagayan pagkatapos ng buhay sa mundong ito. Tayo ang mga nangangailangan ng kaligtasan, mapagkakatiwalaan ba natin ang Panginoong Jesus upang maging ating Tagapag-ligtas? Para sa akin hindi ko mapagaalinlanganan kailan man ang Panginoong Jesus bilang Tagapag-ligtas. Ito ay sa dahilang hindi siya maikukumpara sa kanino mang tagapag-ligtas ng mga relihiyon sa mundong ito. Kahit na sabihing ikaw ay may pananampalataya, sumusunod sa Diyos, nabautismuhan, at nananatili sa pananampalataya ay hindi mga sapat upang ang tao ay maligtas. Ang Juadismo ay may pananampalataya, bautismo, at sila ay nananatili, subalit sila ay mga hindi ligtas: ang dahilan ay wala silang JesuCristo. Ganito rin ang mga Muslim mayroon silang pananampalataya, nagpapakamatay pa sila sa idelohiya at doktrina nila, at may ritwal silang ginagawa upang ang tao ay maging kaanib nila, subalit sila ay mga hindi ligtas. Ang

Page 51: Counsel of God

dahilan ay wala silang JesuCristo. Kahit na sinong tao, gaano man kalaki ang pananampalataya nila sa diyos nila ay walang kabuluhan kung wala ang Panginoong JesuCristo sa buhay nila. Ito ang kaibahan ng Kristiyanismo sa lahat ng relihiyon sa mundong ito: hindi ito isang relihiyon. Ang Islam, Budismo, Shinto, at iba pa ay pawang mga relihiyon. Samantalang ang Kristiyanismo ay relasyon sa Diyos. Gaya ng itinuro ng Panginoon, kung tao ay mananalangin sa Diyos ay ating Siyang tatawaging “Ama”. Kaya't hindi ito isang relihiyon, kundi ito ay pakikipag-relasyon natin sa Diyos: tayo bilang Kanyang mga anak at Siya bilang ating Ama.

Si Jesus ay Nabuhay sa Mundong Ito Ang Panginoong Jesus sa tunay na kalalagayan ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Hindi Siya isang pwersa ng kalikasan kundi Siya ay isang persona na nararapat nating makilala. Hindi natin Siya makikilala sa pamamagitan ng mga encyclopedia kundi sa pamamagitan ng Kanyang salita mismo: sa Bibliya. Sa Kanyang pagkakatawang-tao ay nakihalubilo Siya sa atin. Naranasan niya ang ang ating mga hinagpis, ang kalungkutan, at nakisimpatiya sa ating mga kahinaan. Kinuha Niya ang lahat ng ating mga karamadaman upang hindi na tayo magdusa. Tanging hinihiling Niya ay manampalataya tayo sa Kanya. Kaya't sa pakikisama Niyang iyan, pinatunayan Niya na siya ay ating masasandalan. Hindi lamang Siya matatakbuhan sa lahat ng pangangailangan, kundi pinatunayan Niyang Siya ay isang Tagapag-ligtas na mapagkakatiwalaan. Sinong tagapag-ligtas ng mundong ito ang namatay at pagkatapos ay muling nabuhay? Ang Panginoong Jesus ay namatay para sa katubusan sa ating mga kasalanan at siya ay muling nabuhay upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan sa ating ikaliligtas. Siya lang ang may-karapatang upang ariing Tagapag-ligtas ng sinumang nangangailangan ng kaligtasan. Nabuhay Siya upang ipakilala ang Kanyang sarili na Siya ang Tagapag-ligtas.

Ipinahayag sa Lumang Tipan na Siya ang Tagapag-ligtas Paanong naligtas ang mga tao sa Lumang Tipan? Ayon sa ipinapakita sa Lumang Tipan, ito ay dahil sa pagsampalataya nila sa pangako ng Diyos. Noong magkasala si Adan at Eba ay ipinahayag na ng Diyos sa kanila: “At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kanyang binhi; ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong” (Gen. 3:15). Hinintay ni Adan at Eba ang pangakong ito ng Diyos. Akala pa nila ang panganay nilang si Cain ang ipinangakong iyon ng Diyos subalit hindi pala. Ang pangakong ito ng kaligtasan ang tinitingnan ng lahat ng mga patriarka. Halimbawa ay ang pangako ng Diyos kay Abraham: “...pagpapalain sa iyo ang lahat ng mga angkan sa lupa” (Gen. 12:3c), na ang tinutukoy ng Diyos sa pangakong ito ay ang Panginoong Jesus mismo (Gal. 3:8,16). Kaya't ang lahat ng mga banal sa Lumang Tipan ay nakatingin sa iisang Tagapag-ligtas na ipinangakong ito: sa Panginoong Jesus. Hinulaan Siya ng lahat ng mga propeta hinintay Siya ng lahat ng mga banal, kaya't ang lahat ng umaasang iyong sa Kanya at namuhay ng banal ay naligtas.

Ipinahayag sa Bagong Tipan na Siya ang Tagapag-ligtas Ang kabuuan ng Bagong Tipan ay nagpapahayag na Siya ang Tagapagligtas. Una, ito ay makikita nating pinanghawakan ng Panginoon. Ikalawa, ito ay makikita nating ipinangaral ng mga apostol at mga ebanghelista. Tingnan muna natin ang mga pinanghahawakan ng Panginoon at pagkatapos ay ang pangangaral ng mga apostol. Ayon sa Marcos 2:17, sa salin ng King James Version ay ganito ang mababasa natin: “When Jesus heard it, he saith unto them, They that are whole have no need of the physician, but they that are sick: I came not to call the righteous, but sinners to

Page 52: Counsel of God

repentance.” Sa Bibliyang Tagalog ay wala ang huling salita, kaya't ang kinuha ko ay ang sa King James. Sino ang nangangailangan ng mga manggagamot? Ang mga may-sakit. Ang Panginoong Jesus ay naparito hindi sa mga taong matuwid sa sarili nilang paningin, kundi sa mga taong nangangailangan ng Tagapagligtas. Hindi gaya ng mga kilalang pinuno ng relihiyon sa mundong ito, ang kanilang pinakikisamahan ay ang mga taong tinitingala at tinatanggap ng buong lipunan. Nabalitaan na ba nating si Muhammad o si Buddha ay naging kahalubilo ng mga patutot at dinala nila ang mga ito sa pagsisisi? Ang pinaka-masamang kriminal ang at mga mangmang na tao ay pinakisamahan Niya upang magbago ang mga ito. Mula noon hanggang ngayon ay gayon ang mga nangyayari: ang hinahanap ni Cristo sa pamamagitan ng mga mangangaral Niya ay ang mga masasama sa ikapagbabago. Sa layuning ito ay naparito Siya: upang iligtas ang mga nangangailangan ng kaligtasan. Siya pa rin ang nagsabi: “Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang Kanyang buhay na pangtubos sa marami” (Mat. 20:28). Tayo ang nararapat maparusahan sa ating mga kasalanan; tayo ang nararapat mamatay dahil tayo ang nagkasala, subalit ang tinubos tayo ng Panginoon sa kaparusahan upang tayo ay mabuhay. Sino sa mga dakilang pinuno ng relihiyon ang magagawang akuin ang kamatayan ng mga maliliit na tao sa mata ng lipunan? Halos lahat ng mga pinuno ng relihiyon ay pinagsisilbihan at sa kanila nagpapakamatay ang mga tagasunod nila. Ang Panginoong Jesus sa katotohanan ay dapat nating pagsilbihan, subalit Siya ay naparito upang magsilbi sa atin. Naparito Siya hindi mamatay tayo para sa Kanya, kundi naparito Siya upang mamatay na pinaka-pantubos sa atin. Isang bagay na hindi nagawa ng sino mang pinuno ng relihiyon. Masdan pa natin ang Kanyang kapangyarihan na nagpakain Siya ng limang libong lalaki dahil sa awa Niya. Pinagaling Niya ang lahat ng mga may-karamdaman dahil pa rin sa awa Niya. Sa lahat ng mga naipamalas Niya, Siya lang ang kwalipikado upang kilalaning Tagapag-ligtas ng buong sanlibutan. Hindi si Buddha, o si Confucius, o si Muhammad kundi tanging Siya lang. Kailan man lahat ng mga taong walang pananampalataya kay Cristo ay walang kaligtasan. Ayon sa ipinahayag ng Diyos sa mga apostol: “At kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtasa” (Gawa 4:12). Kahit na sabihin pang napakabubuti ng mga taong walang Cristo, ayon sa sinasabi ay wala pa rin silang kaligtasan. Kahit na ang mga taong ayon sa katawagan ay Kristiyano ay mga wala pa ring kaligtasan kung wala talagang pananampalataya kay Cristo. Ang ibinibilang ng Panginoon ay hindi ang titulo kundi ang ating pagsunod sa Kanya, upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Bakit sa Kanya matatagpuan ang kasiguruhan? Ayon sa pahayag ng Diyos kay Juan: “Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay (at ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag). Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa Kanyang Anak na si JesuCristo” (1 Juan 1:1-3). Dahil Siya ang buhay at kung ang buhay na iyon ay nasa atin ay hindi tayo makakasumpong ng kamatayan. Ang buong payo ng Diyos ay isinaysay sa atin ng mga apostol upang sa pamamagitan nito ay makamit natin ang buhay na walang hanggan. Mahalaga ang pananampalataya, mahalaga ang pagsunod, mahalaga ang bautismo, mahalaga ang pagsisi, mahalaga ang pagtitiis, higit sa lahat mahalaga ang Panginoong Jesus. Sakali mang mayroon tayong JesusCristo na kinikilala at wala naman sa atin ang pagsunod, o hindi tayo nagsisisi, o sa pagdating ng pagsubok ay humiwalay tayo sa Panginoon, wala tayong magiging kaligtasan. Ang lahat ng iyan ay sangkap na nagkakalakip-lakip para sa ating ikaliligtas.

Page 53: Counsel of God