code of offenses'tagalog version

16
1 KODIGO NG MGA PAGLABAG AT KAUKULANG KAPARUSAHAN Ang sumusunod na Kodigo ng mga Paglabag at Kaukulang Kaparusahan ay nagpapawalang bisa sa Company Rules and Regulations na ibinigay noong 15 January 1979 at lahat ng iba pang patakaran, memorandum at iba pa na salungat sa nasasaad sa ito. Ito ay epektibo ngayong 01 May 1983. Art. 1. Pakahulugan (Definitions) – Ang mga sumusunod na salitang ginamit sa panuntunang ito ay magpapakahulugan ng ayon sa artikulong ito, maliban na lamang kung ang naiibang pakahulugan ang nilalayon, ito ay ang mga sumusunod: a. Ang salitang “Pamunuan o Management” ay tumutukoy sa alinman sa mga sumusunod: President, Executive Advisor or General Manager; b. Ang salitang “Opisyal” ay nangangahulugan na kabilang ang staff assistant, administrative assistant, supervisor, superintendent, division manager or o sinumang katumbang nito; c. Ang salitang “Superiyor” ay nangangahulugan na isang mas mataas na ranggo, antos o istasyon; d. Ang salitang “Tardiness o pagkahuli” bilang ginamit sa ito ay nangangahulugan ng pagpasok sa trabaho na limang minutong huli sa kanyang nakatakdang oras. Art. 2. Taong saklaw ng kodigong ito – Ang mga sumusunod na tao ang saklaw ng mga artikulo nakasaad dito at nangangahulugan na kabilang sa katagang “sinumang taong napapailalim sa panuntunang ito”. a. Lahat ng opisyal at regular na empleyado/manggagawa ng kumpanya; b. Contractuwal na empleyado o Contract employees; c. Trainees/apprentices; d. Kaswal na empleyado o Casual employees sa aktibong panahon ng pagtatrabaho.

Upload: digna-laodenio-burac

Post on 30-Dec-2015

157 views

Category:

Documents


15 download

DESCRIPTION

code of offenses in Filipino

TRANSCRIPT

Page 1: Code of Offenses'Tagalog Version

1

KODIGO NG MGA PAGLABAG AT KAUKULANG KAPARUSAHAN

Ang sumusunod na Kodigo ng mga Paglabag at Kaukulang Kaparusahan ay nagpapawalang bisa sa Company Rules and Regulations na ibinigay noong 15 January 1979 at lahat ng iba pang patakaran, memorandum at iba pa na salungat sa nasasaad sa ito.

Ito ay epektibo ngayong 01 May 1983.

Art. 1. Pakahulugan (Definitions) – Ang mga sumusunod na salitang ginamit sa panuntunang ito ay magpapakahulugan ng ayon sa artikulong ito, maliban na lamang kung ang naiibang pakahulugan ang nilalayon, ito ay ang mga sumusunod:

a. Ang salitang “Pamunuan o Management” ay tumutukoy sa alinman sa mga sumusunod: President, Executive Advisor or General Manager;

b. Ang salitang “Opisyal” ay nangangahulugan na kabilang ang staff assistant, administrative assistant, supervisor, superintendent, division manager or o sinumang katumbang nito;

c. Ang salitang “Superiyor” ay nangangahulugan na isang mas mataas na ranggo, antos o istasyon;

d. Ang salitang “Tardiness o pagkahuli” bilang ginamit sa ito ay nangangahulugan ng pagpasok sa trabaho na limang minutong huli sa kanyang nakatakdang oras.

Art. 2. Taong saklaw ng kodigong ito – Ang mga sumusunod na tao ang saklaw ng mga artikulo nakasaad dito at nangangahulugan na kabilang sa katagang “sinumang taong napapailalim sa panuntunang ito”.

a. Lahat ng opisyal at regular na empleyado/manggagawa ng kumpanya;b. Contractuwal na empleyado o Contract employees;c. Trainees/apprentices;d. Kaswal na empleyado o Casual employees sa aktibong panahon ng pagtatrabaho.

Art. 3. Mapanlinlang na Pagtatrabaho – Ang sinuman na magpapanggap na empleyado ng JASONCU FOOD PRODUCTS sa pamamagitan ng tahasang pagpapanggap o pagtatago ng kanyang kwalipikasyon na hindi katanggap-tanggap at maaaring mag-disqualify sa kanya na tumanggap ng allowance o sweldo sa ilalim ng trabahong iyon ay matatanggal sa serbisyo/trabaho.

Art. 4. Maling Ulat – Ang sinumang opisyal ng JASONCU FOOD PRODUCTS na ang tungkulin ay magbalik ng pondo o anumang pag-aari ng kumpanya, na sinadyang magbalik ng mali o kulang na pondo ay matatanggal sa trabaho at maaari ring masampahan ng kasong kriminal.

Art. 5. Kawalang-galang sa Pamunuan o Management – Ang sinumang taong saklaw ng panuntunang na gagamit ng walang galang o mapanlait na salita sa President, the Executive Advisor, General Manager, ay matatanggal sa kanyang trabaho o papatawan ng kaukulang kaparusahan.

Page 2: Code of Offenses'Tagalog Version

2

Art. 6 Kawalang-galang sa superbisor/Supervisor- Ang sinumang empleyado o manggagawa ng JASOCU FOOD PRODUCTS, na kikilos ng walang galang sa kanyang superior sa pamamagitan ng panggamit ng mapang-abusong salita at pananakot, ay papatawan ng karamptang kaparusahan na naayon sa sumusunod:

Unang Paglabag…………Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng limang (5) araw

Ikalawang Paglabag…….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw

Ikatlong Paglabag……….Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 7. Kawalang-galang sa ibang tao – Ang sinumang tao na saklaw ng panuntunang ito na magpapakita ng kawalng respeto o galang o anumang hindi tamang paguugali sa isang bumibisitang opisyal, kinatawan ng ibang kumpanya, o ibang tao na may transaksyon sa kumpanya, ay papatawan ng karampatang kaparusahan na naaayon sa sumusunod:

Unang Paglabag…………Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng limang (5) araw

Ikalawang Paglabag…….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw

Ikatlong Paglabag……….Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 8. Pag-atakeng pisikal sa superyor/Superior – Ang sinumang taong saklaw ng panuntunang ito na gagawa ng bayolenteng pag-atakeng pisikal sa kayang superyor ay matatanggal sa serbisyo o trabaho at maaring masampahan ng kasong kriminal.

Art. 9. Panlilinlang laban sa Kumpanya- Ang mga taong saklaw ng panuntunang ito ay:

1. Ang sinuman na sa kabila ng pagkakaalam na ito ay panlilinlang o huwad ay-a. Gumawa ng pahayag o paghahabol laban sa kumpanya; o b. Nagpresinta sa kinauukulang opisyal ng kumpanya para sa pagaapruba ng

bayad laban sa kumpanya; o2. Ang sinuman, upang maaprubahan ang allowance o pagbabayad ng claim

laban sa kumpanya:a. Gumawa o gumamit ng kahit anumang kasulatan o ibang papeles na

naglalaman ng hindi totoo o mapanlinlang na pahayag; o b. Gumamit ng huwad o pekeng lagda sa anumang papeles o gumamit ng

pekeng lagda sa kabila ng kanyang kaalaman na ito ay peke o di tunay; o 3. Ang sinuman na may tungkulin na humawak, magtago o magkontrol ng pondo

o pera o anumang pag-aari ng kumpanya na sadyang inihatid ito sa taong otorisadong tumanggap nito, ngunit ang inihatid ay kulang o hindi angkop sa nasasaad sa resibo; o

4. Ang sinuman na otorisado na gumawa o maghatid ng papeles o dokumentong magpapatunay na natanggap ang ari-arian ng kumpanya na nilayon para sa paggamit nito, ay gumawa at naghatid ng nasabing dokumento ng walang

Page 3: Code of Offenses'Tagalog Version

3

ganap na kaalaman sa katotohanan ng mga pahayag na nasusulat sa papeles na iyon at may kalakip na panlilinlang laban sa kumpanya ay matatanggal sa serbisyo o trabaho at maaaring sampahan ng kasong kriminal.

Art. 10. Diversion or Maling Paggamit sa Pondo ng Kumpanya – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na gagamit sa maling paraan o para sa pansariling interes ang pondo ng kumpanya ay matatanggal sa tungkulin o trabaho at maaaring sampahan ng kasong kriminal.

Art. 11. Hindi Pagsunod sa Alituntunin o Regulasyon – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na:

1. Lalabag o mabibigong sumunod sa anumang alituntunin o regulasyon na alinsunod sa batas; o

2. May sapat na kaalaman tungkol sa alituntunin na ipinapatupad ng pamunuan o opisyal ng kumpanya na kanyang tungkulin na sundin ngunit hindi niya ito sinunod, ay papatawan ng karampatang kaparusahan na naaayon sa sumusunod:

Unang Paglabag…………Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng limang (5) araw

Ikalawang Paglabag…….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw *(according to the English version, first offense is suspension for 10 days, while second offense is suspension for five days)

Ikatlong Paglabag……….Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 12. Di-makatotohanan na opisyal na pahayag – Ang sinumang saklaw panuntunang ng ito na may layuning manlinlang, lumagda sa anumang di makatotohanang talaan, alituntunin o di kaya sa anumang opisyal na papeles, na may sapat na kaalaman na ito ay di makatotohanan ay matatanggal sa tungkulin at maaring maharap sa kasong kriminal.

Art. 13. Mga pag-aari ng Kumpanya – Pagkawala, pagkasira o maling paggamit - Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na walang sapat na karapatan upang:

1. Magbenta o magwaldas; o2. Sadya o sa pamamagitan ng pagpapabaya o sa kagustugan na makapanira, ay

makapaminsala; or3. Sadya o sa pamamagitan ng pagpapabaya ay makapanira o makapinsala ng

pag-aari ng kumpanya ay matatanggal sa kanyang tungkulin o trabaho at maaring maharap sa kasong kriminal.Willfully or through neglect suffers to be lost, damaged sold or wrongfully disposed of any Company property, shall be dismissed from the service and make good the loss or damage, or otherwise

Page 4: Code of Offenses'Tagalog Version

4

punished with any other punishment, without prejudice to any criminal prosecution against him/her.

Art. 14. Tardiness o pagkahuli sa pagpasok sa trabaho – Ang sumusunod na talakdaan o kaparusahan ay maaring ipataw laban sa manggagawa sa bawat pagkahuli sa pagpasok sa takdang oras ng walang sapat na kadahilanan sa loob ng isang calendar year. Ang talakdaan ay ipapataw sa tatlong kaso ng di makatwirang pagkahuli sa loob ng isang quinsena ng isang manggagawa at maaaring ipagpalagay na kaniyang unang paglabag sa loob ng isang takdang kapanahunan at maaring patawan ng kaparusahang naaayon;

Unang Paglabag……..……Babala

Ikalawang Paglabag…...….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng tatlong (3) araw

Ikatlong Paglabag……….. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng tatlong (6) araw

Ikaapat na Paglabag…..….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng labing isang (11) araw

Ikalimang Paglabag………. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng labing anim (16) araw

Ikaanim na Paglabag……. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng dalawampung (20) araw

Ikapitong Paglabag………. Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 15. Pagliban ng walang kaukulang abiso o paunawa – Ang sinumang empleyado sa loob ng isang calendar year:

a. Di pagpasok sa trabaho ng walang nakasulot na pahintulot mula sa kanyang superyor; o

b. Pag-iwan sa kanyang nakatakdang lugar ng trabaho o place of duty sa oras ng trabaho ng walang pahintulot; maliban na lamang kung ang nasabing pagliban ay hindi maiiwasan sa kadahilanan ng kalamidad at/o aksidente at/o ang pagkakasakit ng isa sa agarang miyembro ng kanyang pamilya ay dapat mapatunayan – ay papatawan ng karampatang kaparusahan na naaayon sa sumusunod:

Unang Paglabag …………….Babala

Ikalawang Paglabag ……….Pagkakasuspinded ng walang bayad sa loob ng limang (5) araw

Page 5: Code of Offenses'Tagalog Version

5

Ikatlong Paglabag …………Pagkakasuspindede ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw

Ikalimang Paglabag ………..Pagkakasuspinded ng walang bayad sa loob ng labinlimang (15) araw

Ikaanim na Paglabag ……...Pagkakasuspinded ng walang bayad sa loob ng dalawampung (20) araw

Ikaanim na Paglabag ………Pagkakatanggal sa trabaho

Tala: Ang isang manggagawa ay matatanggal sa trabaho kung siya nakagawa ng pitong araw sunod-sunod na pagliban sa trabaho ng walang paunang pahintulot o higit sa labindalawang (12) araw ng pagliban sa trabaho ng walang paunang pahintulot sa loob ng isang calendar year. Pagpapahaba ng pagliban sa trabaho ng walang pahintulot ay ipagpapalagay na pagliban ng walang pahintulot.

APLIKASYON NG PAGLIBAN – MAYROON AT WALANG BAYAD(APPLICATION OF LEAVE OF ABSENCE – WITH OR W/OUT PAY)

[Guidelines/Conditions/Procedure]

1. Aplikasyon ng bakasyon na mayroong bayad ay kinakailangang maipasa sa loob ng apatnapu’t walong (48) oras bago ang nakatakdang petsa kung hindi ito ay hindi maaaprubahan at ituturing na lamang na pagliban na may pahintulot.

2. Lahat ng aplikasyon para sa pagliban na mayroong bayad na ipinasa isang araw bago ang Holidays ay hindi papayagan o aaprubahan.

3. Kung ang manggagawa ay hindi makakapasok sa kanyang trabaho, siya ay bibigyan hanggang alas dose ng tanghali (12:00 noon) para sa morning shift at alas dose ng gabi (12:00 midnight) para as night shift – upang makakuha ng aprubadong pagliban sa trabaho, kung hindi siya ay ituturing na AWOL.

4. Ang Sick leave with pay na inilapat lamang isang araw bago ang Holiday ay papayagan lamang kung ang karamdaman ay patotohanan ng ating company Physician Dr. / Dra. Deduyo.

5. Kung ang manggagawa ay magpapasa ng kanyang aplikasyon para sa vacation leave with pay na may kalakip na kapani-paniwalanhg patunay at ito ay naipasa isang araw bago ang Holiday, at/o sa loob ng panahon o petsa ng hinihiling na pagliban ay maaaring maaprubahan.

Art. 16. Paglabag sa TIME CARD – Sa anumang oras na ang isang mangagagwa o empleyado ay mahuli na (1) nagtatanggal ng time card na pag-aari ng ibang empleyado o manggagawa nang walang pahintulot ng supervisor or management staff; o, (2) kusang nagbabago ng time card; o, [3] paggamit ng time card ng ibang empleyado, siya ay papatawan ng kaukulang parusa na naaayon sa sumusunod:

Page 6: Code of Offenses'Tagalog Version

6

Unang Paglabag ………………..Pagkakasuspinde ng sampung (10) araw ng walang bayad

Ikalawang Paglabag………………Pagkakatanggal sa trabaho

Tala: Ang isang empleyado o manggagawa na nakakuha ng benepisyo sa pamamagitan ng paglabag sa nasabing alituntunin ay mapapatawan din ng kaparehong kaparusahan kung ito ay nangyari na may pahintulot niya.

Art. 17. Pagkukunwari o Malingering – Ang sinumang empleyado na upang makaiwas sa kanyang trabaho, tungkulin o duty ay:

1. Ipinagpapalagay na may karamdaman, kapansanan, pagkawala sa sariling pagiisip; o,

2. Sadyang sinugatan ang sarili ay sususpendihin ng walang bayad sa loob ng labinlimang araw.

Art. 18. Pagtulog sa Oras ng Trabaho – any ang sinumang saklaw ng panuntunang kodigo na ito, na nahuling natutulog sa oras ng trabaho ay papatawan ng kaukulang kaparusahan ayon sa sumusunod;

Unang Paglabag …..…….Babala

Ikalawang Paglabag…….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw

Ikatlong Paglabag………. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng dalawampung (20) araw

Ikaapat na Paglabag…….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng tatlumpung (30) araw

Ikalimang Paglabag……….Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 19. Pag inom ng anumang nakalalasing na inumin habang nasa oras ng trabaho – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na nahuling umiinom ng anumang inuming nakalalasing sa oras ng trabaho ay papatawan ng kaparusahan ayon sa sumusunod;

Unang Paglabag………….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw

Ikatlong Paglabag………. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng dalawamgpung (20) araw

Page 7: Code of Offenses'Tagalog Version

7

Ikaapat na Paglabag……….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng tatlumpung (30) araw

Ikapitong Paglabag………. Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 20. Pangkaligtasang Panuntunan– Ang paninigarilyo sa lugar na mayroong babala na “Bawal ang Manigarilyo” o “No Smoking” at/o paglabag sa iba pang panuntunang pangkaligtasan ay maaring mapatawan ng mg sumusunod na aksyon:

a. Kung walang naidulot na pinsala o pagkasira;

Unang Paglabag ………….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng limang (5) araw

Ikalawang Paglabag ……. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw

Ikatlong Paglabag …..……Pagkakatanggal sa trabaho

b. Kung may naidulot na pinsala o pagkasira;

Unang Paglabag ………….Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 21. Pagkikipagaway sa Lugar ng Paggawa; Hindi Maayos na Paguugali; - Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na: –

1. Nagsimula o kusang loob na lumahok sa pakikipag-away sa lugar ng paggawa; o

2. Umasal sa hindi maayos na pag-uugali sa oras at lugar ng paggawa, tulad ng pagsigaw, pagsumpa o imprecation, paggawa ng anumang bagay na makasasagabal o makaka-antala sa normal na Gawain sa loob ng lugar ng paggawa ay mapapapatawan ng kaukulang aksyon :

Unang Paglabag …………. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng labinlimang (15) araw

Ikalawang Paglabag …….… Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng dalawampung (20) araw

Ikatlong Paglabag …………Pagkakatanggal sa trabaho

Page 8: Code of Offenses'Tagalog Version

8

Art. 22. Pagsusugal sa lugar na sakop ng lugar ng paggawa – Sinumang saklaw ng panuntunang ito na mapatunayang kasali o kalahok sa anumang anyo ng pagsusugal sa lugar na sakop ng lugar ng paggawa ay mapapatawan ng sumusunod na aksyon:

Unang Paglabag ………… Pagkakasuspinde ng walang bayad mula lima (5) hanggang sampung (10) araw

Ikalawang Paglabag …..…Pagkakasuspinde ng walang bayad mula labing-isa (11) hanggang labinlimang (15) araw

Ikatlong Paglabag …………Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 23 – Pagnanakaw sa ari-arian ng kumpanya – Sinumang saklaw ng panuntunang ito na nahuling nagtatanggal o naglilipat mula sa lugar ng paggawa nang walang kaukulang pahintulot na gawin iyon, anumang ari-arian, anumang kagamitan, materyales at/o mga suplay na pag-aari ng kumpanya, anuman ang kundisyon o halaga ng nasabing kagamitan, ay matatanggal sa trabaho at maaaring sampahan ng kasong kriminal.

Art. 24 – Pagnanakaw ng personal na gamit ng katrabaho – Ang sinumang empleyado kumuha, magkamit o nagtatago ng anumang gamit sa anumang paraan, ng kagamitan, pera, personal na pag-aari o artikulo na anumang halaga na pag-aari ng kanyang katrabaho ay maaring matanggal sa trabaho at maaring masampahan ng kasong kriminal.

Art. 25 – Labis na Pagpapatubo- Ang sinumang saklaw panuntunang ng panuntunang ito na magpapahiram ng salapi sa kanyang katrabaho at magpapatubo ng labis ay mahigpit na pangangaralan o kaya’y papatawan ng angkop na kaparusahan.

Art. 26 – Imoral na Pag-asal o gawi – Ang sinumang saklaw ng panuntunang panuntunang ito na magpapakita ng imoral na asal ay matatanggal sa trabaho o kaya’y papatawan ng angkop na kaparusahan.

Art. 27 – Malaswang Pag-uugali – Ang sinumang saklaw ng panuntunang panuntunang ito na magpapakita ng malaswang pag-uugali o asal alinman sa pamamagitan ng salita o gawa na nakakasakit batay sa pamantayan ng moralidad ay maaaring masuspinde ng walaang bayad sa loob ng sampung (10) hanggang labinlimang (15) araw.

Art. 28. Pamemeke o Palsipikasyon – Ang sinumang saklaw ng panuntunang panuntunang ito na may layuning mandaya sa pamamagitan ng:

1. Pagpalsipika o pagbabago ng lagda o anumang parte nito o kahit anumang kasulatan, na kung tunay ay maaaring magbigay ng legal na obligasyon sa sinuman o maaaring magbago sa kanyang legal na karapatan sa kanyang pinsala; o

2. Mag-usal, mag-alok, magbigay o maglipat ng nasabing kasulatan na alam niyang binago na ay may salang palsipikasyon at maaaring matanggal sa trabaho at maaari ring masampahan ng kasong criminal.

Page 9: Code of Offenses'Tagalog Version

9

Art. 29. Pangingikil o Extortion – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na mananakot laban sa iba na may kalakip na layuning makakuha ng sapilitan ng anumang kagamitang may halaga o kalamangan ay magkakasala ng pangingikil o extortion at matatanggal sa trabaho o kaya’y papatawan ng angkop na kaparusahan.

Art. 30. Panunumpa ng walang katotohanan o Perjury – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na sadyang magbibigay at ng di makakatotohang salaysay sa isang pagsisiyasat, sa pamamagitan ng panunumpa sa ilalim ng batas o ibang anyo ng panunumpa na nasasaad sa batas, magbibigay ng hindi totong pahayag na materyal sa isang pagsisiyasat ay magkakasala ng panunumpa ng walang katotohanan o perjury at matatanggal sa trabaho o kaya’y papatawan ng angkop na kaparusahan.

Art. 31. Pakikipagsabwatan o Conspiracy – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na makikipagsabwatan sa ibang tao o mga tao upang lumabag ng mga gawa na ipinagbabawala sa ilalim ng panuntunang ito, kahit isa lamang sa kanila ang gumawa upang maisakatuparan ang bagay na napagkasunduan, ay matatanggals a trabaho o kaya’y papatawan ng angkop na kaparusahan.

Art. 32. Nakabinbing Kasong Kriminal – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na may nakabinbing kasong criminal sa anumang korte na makakasira sa imahe o interes ng kumpanya ay masususpinde ng walang bayad hanggang sa matapos ang kanyang kaso. Kung siya ay mapawalang-sala sa kanyang kasong criminal siya ay maaarin nang maibalik sa kanyang trabaho at bibigyan ng kaukulang sweldo sa panahon ng kanyang pagkakasuspinde. Kung hindi man, siya ay tuluyan nang matatanggal sa trabaho.

Art. 33. Paglinlang sa Tiwala ng Kumpanya – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na magsisiwalat o magbibigay ng lihim ng kumpanya o impormasyong lingid sa publiko sa taong di awtorisadong makaalam nito na may layong masira ang imahe o interes ng kumpanya ay matatanggal sa trabaho o kaya’y papatawan ng angkop na kaarusahan.

Art. 34 – Hindi pagsunod sa naitakdang pamamaraan ng panuntunan – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na siyang:

1. Responsible sa pagkakaantala ng pagsisiyasat laban sa isang tao na lumabag sa panuntunang ito; o

2. Sa kabila ng kanyang kaalaman at sadyang hindi ipinatupad ang mga naitakdang probisyon na nakasaad sa panuntunang sa isang pagsisiyasat; ay maaaring masuspinde ng walang kaukulang bayad o sweldo o kaya’y papatawan ng angkop na kaparusahan.

Art. 35. Kapabayaan sa Trabaho – Ang sinumang sakalw ng panuntunang ito na napatunayan na nagpabaya o nagkulang sa pagtupad ng kanyang tungkulin ay masususpinde sa loob ng tiyak na panahon ng walang bayad o sweldo o kaya’y papatawan ng angkop na kaparusahan batay sa mga pangyayari.

Page 10: Code of Offenses'Tagalog Version

10

Art. 36. Di-awtorisadong panggamit ng Kagamitan ng Kumpanya – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na walang pahintulot na gumamit ng anumang kagamitan, kasangkapan o ‘office equipment’ na pag mamay-ari ng kumpanya sa pansariling kapakanan ay mapapatawan ng kaukulang parusa:

Unang Paglabag ……………. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung

(10) araw

Ikalawang Paglabag …..……. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng labinlimang (15) araw

Ikatlong Paglabag ……………Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 37. Pamiminsala o ‘Sabotage’ – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na magdudulot ng nakakahamak na pagkasira sa trabaho, kagamitan o makinarya ng kumpanya o di wastong pakikialam sa produksyon ng kumpanya ay magkakasala ng sabotage at matatanggal sa trabaho at maaaring masampahan ng kasaong criminal.

Art. 38. Pangkahalatang Artikulo/Panuntunan – Bagaman hindi partikular na nabanggit sa panuntunang ito, lahat ng kaguluhan o pagkukulang na maaring makapinsala sa kaayusan at disiplina sa loob ng kumpanya, lahat ng pag-uugali na maaaring makasama sa kumpanya at mga paglabag ng sinumang saklaw ng panuntunang ito, ay ipagsasaalang-alang ng kumpanya at papatawan ng kaparusahan batay sa uri at antas ng paglabag.

Art. 39. Paninira\Pagkakalat – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na mahuhuling nagkakabit o nagsusulat ng hindi awtorisadong anunsyo o kasulatan o sinumang nagtatanggal, naninira ng anyo ng anunsyo o bulletin board o anumang bahagi ng nasasakupan ng kumpanya ay papatawang ng kaparusahan na naaayon sa sumusunod:

Unang Paglabag …………. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw

Ikalawang Paglabag……….. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng dalawampung (20) araw

Ikatlong Paglabag …………..Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 40. Paninirang Puri o Defamation – Paggawa ng mali o malisyosong pahayag o di awtorisadong pagsisiwalat laban sa ibang empleyado, superbisor o opisyal, na may layuning manira o mangwasak ng reputasyon, awtoridad o opisyal na katayuan ng taong sangkot ay papatawang ng kaparusahan na naaayon sa sumusunod:

Unang Paglabag ……………. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw

Page 11: Code of Offenses'Tagalog Version

11

Ikalawang Paglabag.……….. Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng dalawampung (20) araw

Ikatlong Paglabag ….…………..Pagkakatanggal sa trabaho

Art. 41. Masamang Pag-uugali Pagkatapos ng Oras ng Paggawa – Ang sinumang saklaw ng panuntunang ito na mahahatulan ng paglabag sa batas na may kinalaman sa moral turpitude ay mahaharap sa pagkakatanggal sa trabaho.

Art. 42. Paglabag na Hindi Kabilang sa Panuntunang ito – Ang mga paglabag o pagsuway sa panuntunan ng kumpanya na hindi nakabilang sa panuntunang ito o anumang compay rules and regulations ay sasailalim sa disiplinang aksyon batay sa mga pangyayari sa bawat kaso.

Art. 43. Paglisan sa Lugar ng Paggawa sa Oras ng Trabaho o Loitering – Ang sinumang empleyado na makikita na wala sa nakatakdang lugar ng paggawa sa oras ng trabaho ng walang sapat na kadahilanan ay papatawang ng kaparusahan na naaayon sa sumusunod:

Unang Paglabag………………….Babala

Ikalawang Paglabag…..………….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng limang (5) araw

Ikatlong Paglabag…….………… Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng sampung (10) araw

Ikaapat na Paglabag……..…….Pagkakasuspinde ng walang bayad sa loob ng labinlimang (15) araw

Ikalimang Paglabag ……………...Pagkakatanggal sa Trabaho

Pagpapataw ng parusa sa mga paglabag ay batay sa partikular na artikulo na ikinategorya na tinutukoy sa ibaba:

I. Paglabag na hindi na maaaring patawan ng kaparusahan pagkalipas ng isang calendar year: Article nos. 14, 15, 18, 19, 39 and 43

II. Pagkakatanggal sa trabaho o kaya’y pagpapataw ng angkop na kaparusahan batay sa uri at antas ng paglabag. Article nos. 3, 4, 5, 8, 9,10,12,13,23,24,25,26,27,28,29,30,31,32,33,34,37,38,41 & 42

III. Pagpapataw ng parusa para sa mga paglabag na nagpapatuloy kahit lumipas ang isang calendar year (no prescription). Article nos. 6, 7,11,16, 17, 20, 21, 22,35, 36, & 40