chap 3pananaliksik

Upload: do-re-mi

Post on 14-Apr-2018

218 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/27/2019 Chap 3pananaliksik

    1/2

    Kabanata 3

    DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

    Disenyo ng Pananaliksik

    Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya. Naniniwala ang mga

    mananaliksik na angkop ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng talatanungan

    o survey questionnaire sa paksa dahil mas mapapadali ang pangangalap ng datos at

    impormasyon mula sa maraming respondente.

    Respondente

    Ang pananaliksik na ito ay nag-sesentro sa mga mag-aaral na high school, ang sarbey ay

    ipinamahagi sa 40 na mga lalaki at babae na high school students at nag-aaral sa New Era

    University. 10 respondente sa bawat taon (grade 7, grade 8,3rd

    year, at 4th

    year). Ang mga

    nasabing estudyante ay may edad na 13-17 years old.

    Instrumento ng pananaliksik

    Talatanungan

    Ito ay isang pangunahing instrumento na ginamit sa aming pananaliksik. Ang

    talatanungan ay naglalaman ng mga maaaring maging reaksyon ng mga respondent ukol sa

    k+12. Sa pamamagitan ng talatanungan, nalalaman ang tunay na pananaw ng mga respondent

    dahil sila ang maaapektuhan ng pagpapatupad ng k+12.

    Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang instrumento sa

    pagkalap ng impormasyon. Pagkatapos itong masagutan ng mga respondente ay agad

    isasagawa ang pagtatally sa bawat sagot ng mga katanungan. At susunod dito ay ang paggawa

    ng grap na nakabase sa mga sagot ng mga respondent.

    Interbyu

    Ang interbyu ay ang pagtatanong sa respondente ng personal. Ito ay epektibong pamamaraan

    dahil ang bawat sagot ng respondente ay agad na maipararating sa nag-iinterbyu. Ito ay mas

    mabisang paraan dahil ang source ng impormasyon ay ang mismong kalahok at malalaman

  • 7/27/2019 Chap 3pananaliksik

    2/2

    agad ang pananaw ng respondente. Ang bawat sagot ng kalahok ay pinag-iisipang mabuti bago

    ito maparating sa nag interbyu.

    Tritment ng Datos

    Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at pagsukat ng mga data ang percentage

    technique sa pananaliksik na ito. Ginagamit ang percentage technique upang makita ang

    kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondente. Ginagamit din ito

    upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang

    partikular na tanong.

    Ang ginamit na pormula ay ang:

    n

    %= N

    Kung saan:

    n = bilang ng sagot

    % = bahagdan / total na percentage

    N = bilang ng respondente

    x100