caregiver.bordaje

Download Caregiver.bordaje

If you can't read please download the document

Upload: miraflor07

Post on 19-Nov-2014

177 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Panimula:A. Pamagat ng Penikula = Caregiver B. May-akda =Chito S. Rono C. Direktor =Chito S. Rono

II. BUOD:Si Sarah(Sharon Cuneta) ay isang guro sa elementarya bilang isang English teacher. Isa siya sa isang daan limampung libong Pinoy OFW's na gustong magtrabaho sa ibang bansa( Lonndon) para masuportahan niya ang kanyang asawa na si Teddy(John Estrada). Pagkatapos ng ilang araw na pananabik na makatrabaho doon sa ibang bansa, at nang siya ay nandoon na, siya at ang lahat ng mga Pilipinong nagtatrabaho doon , isang mahirap na pagsubok ang kanilang naranasan, tulad ng malamig na klima, maduming trabaho. Samantala hinarap ni Teddy ang kanyang trabaho bilang tagalinis ng hospital kahit labag sa kanyang kalooban ang ganoong trabaho dahil umaasa pa rin siya na matanggap bilang Nars.

III. PAGSUSURI A. Uri ng Pelikula B. Kaanyuan ng Pelikula (Drama)

TEMA: KAHIRAPAN Mahirap gampanan ang pagiging ina at asawa dahil gagawin mo ang lahat para sa ikabubuti ng iyong pamilya. Si Sarah ay isang responsableng ina at asawa kahit anong hirap o hindi kadali ang kanyang trabaho pero hindi siya sumusuko alang-alang sa kanyang asawa at anak PAKSA: Isang ina at asawa na ginawa ang lahat para sa kanyang pamilya na gustong mabuo at masaya ang kanyang pamilya KASUKDULAN: Noong siya ay nagsilbi sa isang matandang lalaki(old aged). Ito ay kanyang pinakain,binihisan,pinagsilbihan ng todo gaya ng pagpunas at paglilinis nito ng dumi.Kahit anong malasakit na ginawa niya sa matanda ay wala pa rin itong pakialam. Pinaalis niya si Sarah at itinaboy pa niya ito,kaya napakahirap ito kay Sarah. Sinabihan pa nga siya nito ng I care about my job sir, and I care about you!

f. Pansariling reaksyon sa mga galaw ng pangyayari. Sa unang pagtratrabaho ni Sarah parang hindi niya kaya ang kanyang trabaho magpupunas at naglilinis ng dumi sa kanyang, nandederi siya ng unang una pero naiintindihan naman kasi bago pa, sa kalaunan masasanay rin siya sa trabaho. Parang OA siya doon sa Parte na iyon, kasi alam niya na ganun ang kanyang trabaho pero sa unang una nandederi siya. IV. PANANAW a. Sosyoholikal Sinulosyonan niya ang kanyang kahirapan sa pamamagitan ng pagtratrabaho sa ibang bansa(London) upang masuportahan niya ang kanyang asawa na si Teddy at mapag aral niya ang kanyang anak sa prebadong paaralan.Si Sarah sana ang na ipromote bilang English head teacher, pero mas pinili pa niyang magtrabaho sa ibang bansa at makasama ang kanyang asawa na si Teddy.

Pangunahing Tauhan: *SHARON CUNETA( bilang Sarah) *JOHN ESTRADA (Teddy) *JOHN MANALO(Anak na si Paolo) c.Istelo ng Paglalahad Maganda at maayos ang daloy ng storya, nakaka-antig sa puso. Mgaling umarte ang pangunahing tauhan at talagang maiintindihan mo ang storya. d. Matayutay at Matalinghagang Pananalita I care about my job sir, and I care about you! e. Pansariling Reaksyon sa mga Tauhan Magaling umarte ang mga tauha, mahusay ang drama,at talagang makakaantig sa puso pag si Sarah ay umiiyak, nakakaantig sa puso doon sa parte na nag tatalo sila ni Sarah at ang kanyang Pasyente na lalaki na si Mr. Morgan

b.Sikolohikal Ang sariling pananaw ng mga tao ay hindi oala madali ang magtraho sa ibang bansa. Pero kung mag pursige kang mag trabaho at mag susumikap tiyak mag tatagumpay ka sa buhay. Dahil walang imposible bastat meron kang tiwala sa sarili, may pasensya at paninindigan sa buhay. c.Realismo Marami ang pamilya na nakakaranas ng tulad ni Sarah dahil sa gustong maayos ang buhay at map[ag paaral nila ang kanilang anak sa pribadong paaralan.Isinasakrepisyo ang sarili nila na malayo sa isa't-isa para lang sa mga pangarap sa buhay lalo na sa pamiya. IV. BISANG PAMPANITIKAN a. Bisa na isip Dapat mag sakripisyo talaga para sa kapakanan ng iyong pamilya. Huwag mabahala o huwag intindihin ang sasabihin ng mga tao kung ano ang trabaho mo. Basta malinis ang yong konsensya at dapat may panatag at tiwala sa sarili anu man ang mangyari

b. Bisa sa Damdamin Makakaantig sa puso ang eksena kung saan sumasagot ng palaban sa Sarah laban sa kanyang amo na si Mr. Morgan.Noong una ay napakasungit talaga ng matanda sa kanya ngunit sa kalaunan ay napamahal na siya nito at ito ay unti-unting bumabait sa kanya pati na ang anak nitong sa David. Hanggang sa gumaling si Mr. Morgan ay naisipan nitong isama siya sa kanilang tahahan ngunit tumanggi sa Sarah at nagpasyang umuwi sa kanila dahil hindi niya matiis ang kasungitan ng anak nitong babae. Pero bumalik din si Sarah at nag pagbalik niya ay wala na si Mr. Moran dahil ito ay patay na kaya siya ay nalungkot sapagkat napamahal na rin ito sa kanya. c.Bisa sa Kaasalan Una, ng si Teddy ay hindi pa rin matanggap bilang nars,kaya lagi siyang naglalasing at laging nag-aaway sila ni Sarah. Lagi nalang mainit ang ulo ni Teddy. Pangalawa, Nang si Teddy ay gusto ng umuwi sa Pilipinas at gusto rin ni Sarah na umuwi ngunit nagbago ang isip ni Sarah at nakipaghiwalay siya kay Teddy.

b. Bisa sa Damdamin Makakaantig sa puso ang eksena kung saan sumasagot ng palaban sa Sarah laban sa kanyang amo na si Mr. Morgan.Noong una ay napakasungit talaga ng matanda sa kanya ngunit sa kalaunan ay napamahal na siya nito at ito ay unti-unting bumabait sa kanya pati na ang anak nitong sa David. Hanggang sa gumaling si Mr. Morgan ay naisipan nitong isama siya sa kanilang tahahan ngunit tumanggi sa Sarah at nagpasyang umuwi sa kanila dahil hindi niya matiis ang kasungitan ng anak nitong babae. Pero bumalik din si Sarah at nag pagbalik niya ay wala na si Mr. Moran dahil ito ay patay na kaya siya ay nalungkot sapagkat napamahal na rin ito sa kanya. c.Bisa sa Kaasalan Una, ng si Teddy ay hindi pa rin matanggap bilang nars,kaya lagi siyang naglalasing at laging nag-aaway sila ni Sarah. Lagi nalang mainit ang ulo ni Teddy. Pangalawa, Nang si Teddy ay gusto ng umuwi sa Pilipinas at gusto rin ni Sarah na umuwi ngunit nagbago ang isip ni Sarah at nakipaghiwalay siya kay Teddy.

IV. EBALWASYON A. Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon na makasali sa pelikula,ang gagampanan ko ay ang katayuan ni Sarah. Dahil naisip ko na mahalaga talaga ang pamilya at lahat na mahal mo sa buhay. Kahit mahirap, minsan masaya ka na rin na makatulong sa iyong kapwa at masusubukan mo talaga kung gaano ka katatag. B. Pinamagatang CAREGIVER ang pelikula dahil ito ay isang kwento ng mga karanasan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa na di mo naiintindihan kung gaano kahirap at pati pamilya ay isinasakripisyo. Kahit na mawalay ka sa iyong mahal sa buhay ay binaliwala mo lang ito. Nangingibang bansa nalang tayo dahil malaki ang sahod doon kumpara dito sa ating bansa. C.Dapat bang ipalabas sa publiko dapat ipalabas sa publiko ang pelikula para malaman kung gaano kahirap ang magtrabaho sa ibang bansa