baybayin i pinapalagay na katutubo at kauna-unahang abakada o alpabetong pilipino
DESCRIPTION
Baybayin i pinapalagay na katutubo at kauna-unahang abakada o alpabetong Pilipino. binubuo ng 17 titik;tatlong patinig at 14 na katinig . Alpabetong Tagalog binubuo g 5 patinig (a, e, i , o, u) at 15 katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng , p, r, s, t, w, y) - PowerPoint PPT PresentationTRANSCRIPT
Baybayinipinapalagay na katutubo at kauna-unahang abakada o alpabetong Pilipino.
binubuo ng 17 titik;tatlong patinig at 14 na katinig.
Alpabetong Tagalogbinubuo g 5 patinig (a, e, i, o, u) at 15 katinig
(b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y)
Modernisasyon ng Alpabeto ng Wikang Pambansa
Ang dating 20 letra ay naging 31 na (c, ch, f, j, ll, n, q, rr, u, x, z)
sa pamamagitan ng DECS Blg. 194 (1976)
1987 Alpabeto at Patnubay sa Pagbaybay
Bagong Alpabetong Filipno• Ang Alpabetong Filipino ay may 28 titik, ang
mga ito ay:• A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P,
Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, ZKaragdagang Titik (mula 1987)
• C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
Mahahalagang tuntunin ng 1987 Patnubay sa pagbaybay ng Wikang Filipino
1. Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na nasimila na sa sistema ng pagbaybay sa wikang pambansa ay susundin pa rin na kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
2. Ang dagdag na 8 letra ay gagamitin sa pagbaybay ng:
a. pantanging ngalan tulad ng tao, lugar, gusali, sasakyan
b. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
3. Sa panghihiram mula sa Ingles at iba pang banyagang wika, ang pagbabaybay ay naaayon sa sumusunod na paraan:
a. Kung konsistent sa Filipino ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.halimbawa:reporter editormemorandum soprano
b. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent, ayon sa simulaing kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang binasa.halimbawa:
control – kontrolleader – lider
c. May mga salita sa Ingles o iba pang banyagang wika na makabubuting pansamantalang hiramin sa orihinal na anyo tulad ng mga salitang malayo na ang baybay ayon sa alpabetong Filipino.halimbawa:
clutch brochure doughnut
2001 Alfabeto at binagong Patnubay sa Pagbaybay
nanguna sa pag-aaral ng ating alfabeto si Dr. Rosario E.Maminta, kilalang edukador at iskolar sa applied linguistics
Hinati sa 2 pangkat ang 8 letrang idinagdagUnang pangkat: f, j, v, z –may sariling tunog na hindi
nagbabago-bago kaya sapagbaybay ng mga hiram na salita sa Filipino, gagamitin lamang ang mga letrang nabanggit
Halimbawa: Formalismo sabjek varayti volyum
Ikalawang pangkat: c, n, q, x – ay kumakatawan sa mahigit pa sa isang tunog na ang ibig sabihin ay hindi ito kumakatawan sa iisa at tiyak na yunit ng tunog sa palatunugang Ingles kundi nakatutunog pa ng isa pang letra.halimbawa:central – sentral (c na kutawan sa letrang s)cabinet – kabinet (c na kumatawan sa letrang k)
Mga Tuntunin sa Panghihiram1.Gamitin ang mga sumusunod:a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino
bilang panumbas sa mga salitang banyaga.Halimbawa:attitude – saloobin ability – kakayahanrule – tuntunin west – kanluran
b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t –ibang katutubong wika ng bansa.Halimbawa:husband – bana (Hiligaynon)Muslim priest – imam (Tausug)
c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa Espanyol, Ingles, at ibapang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino.halimbawa:commercial – komersyalradical – radikalcheque – tsekeliquid – likido
Gayunpaman,sa pagpili ng salitang gagamitin, isaalang-alang din ang mga sumusunod:
a. kaangkupan ng salitab. katiyakan sa kahulugan ng salitac. prestihiyo ng salita
2. Gamitin ang mga letrang C, N, Q, X, F, J, V, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
a. Pantanging ngalanHalimbawa: Quirino Canada Julia
El Nino State Condominium
b. Salitang teknikal o siyentipikoHalimbawa: enzyme quartz Marxism
x-ray joules zoomc. Salitang may natatanging kahulugang kultural
Halimbawa: hadji – lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca
masjid – moskevakul – panakip sa ulo na yari sapalmera o dahon ng saging
d. Salitang may iregualr na ispeling o gumagamit ng dalawangletra o higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Halimbawa:champagne bouquet rendezvous
3. Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binaybay sa Filipino ang mga salitang hiram.Halimbawa: fixer – fikser subject – sabjek vertical – vertikal zipper – ziper
4. Gamitin ang mga letrang C, N, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.Halimbawa:cell reflex requiem
Mga Batas at Mahahalagang Pangyayari sa WikaSaligang Batas ng 1935 Art. 9 sek. 3
-- pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika
Oktubre 27, 1936 – Batas Komonwelt blg. 184-- pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa
Nobyembre 9, 1937 – Resolusyon ng Wikang Pambansa-- Tagalog ang gagawing saligan ng Wikang Pambansa
Disyembre 30, 1937 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134-- Tagalog ang ipinatupad ni Manuel L. Quezon bilang batayan ng Wikang Pambansa
Abril 1, 1940 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263-- binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa upang magamit sa mga paaralan sa buong kapuluan
Marso 26, 1954 – Proklamasyon Blg. 12 (nilagdaan ni Ramon Magsaysay)-- pagpapahayag na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap simula sa Marso 29 –Abril 4 bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2)
Setyembre 23, 1955 – Proklamasyon Blg. 187 (nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay)-- paglilipat ng petsa ng Linggo ng wika simula ika-13 – 19 ng Agosto bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Manuel L. Quezon (Agosto 19)
Agosto 13, 1959 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (inilabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon)--tatawaging Pilipino ang wikang Pambansa
Hunyo 19, 1974 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura)-- pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong aralan 1974-1975 (alinsunod sa Saligang Batas ng 1972)
Pebrero 2, 1986 – Artikulo XIV, Sek. 6-9 ng Bagong Konstitusyon-- pagpapahayag na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino na dapat payabungin batay sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika.
1996 – ibinigay ang batayang deskripsyon ng Filipino
2001 – ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
Setyembre 9, 1989 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 (ipinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan-- nag-atas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan
1989 – nagkaroon ng patnubay sa ispeling ng wikang Filipino