bagong programa sa filipino, inilunsad
TRANSCRIPT
Pebrero 2012
Bagong Programa sa Filipino, inilunsad
AMBAG-SALITA:
vugi {pangngalan}
[Ivatan]: itlog ng isda. Halimbawa:
Masarap iulam sa
kanin ang vugi.
Si Prop. Lourd De Veyra (nakatayo; ikatlo mula sa kaliwa) at ang ilang kalahok sa Seminar-Worksyap sa Videography at Masining na Pagsulat.
Sundan sa pahina 18
Inilunsad ng Departamento
ng Filipino noong Enero 28, 2012
ang Programa sa Intelektuwalisa-
dong Filipino at Pagsasalin ng De-
partamento o PIFPAG na nagla-
layong makapag-ambag sa patuloy
na intelektwalisasyon ng Filipino
sa pamamagitan ng pagpapatibay
ng kasanayan ng mga mag-aaral,
guro at propesyunal na gumagamit
nito sa iba’t ibang larangan.
Pinasinayaan ang PIFPAG
sa pamamamagitan ng seminar-
worksyap sa videography at masi-
ning na pagsulat na ibinigay ni
Prop. Lourd De Veyra sa mga mag-
aaral sa kolehiyo at antas grad-
wado, at sa mga guro sa Filipino,
sa A1506 mula 9:00 n.u. hang-
gang 3:00 n.h.
Narito ang iskedyul ng iba
pang seminar-worksyap sa ilalim
ng PIFPAG: sining ng pagtuturo at
pamamahala sa klasrum (Pebrero:
Dr. Lakangiting Garcia); pagsulat
ng screenplay/teleplay malikhaing
(Pebrero: Dr. Fanny Garcia); direct-
ing sa indie film (Marso: Dr. Dexter
Cayanes); materyal-panturo sa Fili-
pino (Marso: Dr. Dolores Taylan);
pagsasalin (Abril: Dr. Raquel Sison-
Buban); teknolohiya at pagtuturo
(Abril: Dr. Rhod V. Nuncio).
Limandaang piso (P500)
ang halaga ng pakikilahok sa
bawat sesyon/klase ng PIFPAG.
Samantala, P200 lamang ang
halaga ng rehistrasyon para sa
mga galing sa public schools
(elementarya, hayskul, kolehiyo)
at P300 naman para sa mga gal-
i n g sa p r i v a t e sc h o o l s
(elementarya, hayskul, kolehiyo
lamang).
Bukas ang PIFPAG sa mga
estudyante sa iba’t ibang antas,
guro sa Filipino at mga asignatur-
ang gumagamit ng wikang Filipi-
no (elementarya, hayskul, kole-
hiyo, gradwadong programa),
praktisyoner sa midya at iba pang
propesyonal, at sa publiko.
Isang serye ng ispesyal
na Seminar Worksyap sa Pag-
tuturo sa Unang Wika (Mother
Tongue-Based Multilingual Ed-
ucation) sa Bagong K-12 Cur-
riculum ang isasagawa sa ila-
lim ng PIFPAG sa Abril at Mayo,
sa mga sumusunod na venue:
El Grande Residencia Resort &
Hotel, Lipa, Batangas (Abril
11); Westown Hotel, Iloilo City
(Abril 25); San Carlos Universi-
ty, Cebu City (Abril 30); Plaza
del Norte Hotel & Convention
Center, Paoay, Ilocos Norte
(Mayo 12); at Bicol University,
Legazpi City (Mayo 19).
*Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
pambansa)? Paano magiging totoo
ang MLE kung hindi naman pala
lahat ng wika sa Pilipinas ay gaga-
mitin (sa halip ay mga dominanteng
wika lamang sa bawat rehiyon)?
Sa usapin ng K to 12, hindi
ba magiging mahirap ang magkasa-
bay na pag-aangat ng kalidad ng
edukasyon at pagpapahaba ng siklo
o cycle nito? Hindi ba mas mainam
na ayusin muna ang kalidad ng
umiiral na 10-taong siklo bago
isipin ang pagdaragdag ng taon?
Saan kukuha ng salapi ang pama-
halaan para sa karagdagang gas-
tusing kaugnay ng K to 12? Uutang
na naman? May maipapautang pa
ba sa atin ang World Bank at iba
pang institusyong pinansyal kung
krisis pa rin sa Europa at Estados
Unidos?
Ilan lamang ito sa mga
tanong na dapat sagutin.~~~
EDITORYAL
2
“Lumilipad‖ (tumatakbo)
ang oras. Tempus fugit, sabi nga
ng mga Romano. Ipinawalang-
bisa na ng Programang Mother
Tongue-Based Multilingual Edu-
cation (MLE) ang opisyal na pa-
mamayani ng Patakarang
Bilinggwal na ipinatupad mula
noong dekada 70. Samantala,
compulsory na rin ang kinder-
garten sa pampublikong paar-
alan. Magkakaroon na rin ng
senior high school (o junior col-
lege?) sa Pilipinas: magiging 12
taon na ang dating 10 taon ng
edukasyong primary hanggang
sekundarya. Binubuo na ang
bagong kurikulum para sa Pro-
gramang MLE at K to 12.
Walang dudang magan-
da ang layunin ng Programang
MLE at K to 12. Gayunman,
upang matiyak na ang anumang
pagbabago’y magiging para sa
kapakanan ng bansa, nararapat
lamang na suriing mabuti ang
anumang bagong patakaran,
lalo na yaong may kaugnayan sa
edukasyon.
Sa usapin ng MLE, hindi
kaya ito’y isang hakbang na
paatras kung isasaalang-alang
ang mataginting na pagsulong
at tagumpay ng wikang Filipino
bilang de-facto na wikang pantu-
ro sa halos lahat ng antas ng
edukasyon sa buong bansa sa
mga nakaraang dekada? Hindi
ba’t marunong nang mag-
Filipino ang lahat ng mga Pilipi-
no mula Batanes hanggang Jo-
lo? Bakit kailangang isantabi pa
ang wikang Filipino bilang
pangunahing wikang panturo?
Bakit sa Indonesia, kahit
maraming wika, isa lang ang
gamit sa edukasyon (ang Baha-
sa Indonesia na siyang wikang
Punong-Patnugot: David Michael M. San Juan
Lupon ng Tagapayo: Dr. Ernesto Carandang II, Prop. Ramilito Correa,
Dr. Feorillo Demeterio, Dr. Teresita Fortunato, Dr. Fanny Garcia, Dr. Lakangiting
Garcia, Dr. Josefina Mangahis, Dr. Rhoderick Nuncio, Dr. Raquel Sison-Buban,
Dr. Dolores Taylan
Kontribyutor (Balita): Dr. Josefina Mangahis, Prop. Ramilito Correa, Dr. Rhoderick Nuncio at Dr. Teresita Fortunato
Kontribyutor (Lathalain, Sanaysay Atbp.): Prop. Voltaire Villanueva
Kontribyutor (Larawan): Dr. Josefina Mangahis at Prop. Ramilito Correa
Lay-out: David Michael M. San Juan
Puno ng Departamento ng Filipino: Dr. Josefina Mangahis
Pamuhatan: Departamento ng Filipino, Rm. 401 William Hall, 2401 Taft Avenue,
De La Salle University / Telepono: (02) 524-4611 lokal 509 / Email: [email protected]
Website: http://www.dlsu.edu.ph/academics/colleges/cla/filipino/
Ilang Tanong Hinggil sa Programang MLE at K to 12
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
3 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
Pambansang Seminar-Worksyap 2012, kasado na Kasado na ang Pambansang Seminar 2012
ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Manila na
may paksang ―Wikang Filipino at/sa Mass Media:
Isyu, Dulog, at Paglinang ng Kagamitang Pampag-
tuturo sa Elementarya, Sekondarya, at Tersyarya.‖
Gananapin ito sa Mayo 2-4, sa Silid 407-408 sa
Bulwagang Yuchengco, DLSU, Taft Avenue,
Maynila.
Sa unang araw ng pambansang seminar ay
nakatakdang magbigay ng pambungad na
pananalita si Dr. Dominador F. Bombongan, Jr.,
Dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining. Susing
tagapagsalita naman si Dr. Bienvenido Lumbera,
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.
Tatalakayin naman ni Dr. Edizon A. Fermin, Punong-
guro ng Miriam College-High School, ang mga
isyung pangwika. Magbabahagi naman ng lektura
sa dulog sa pagtuturo ng wikang Filipino si Prop.
Ronan Capinding, tagapangulo ng Kagawaran ng
Filipino ng Ateneo de Manila University. Samantala,
magsasagawa naman ng panimulang pagsasanay
sa paglinang ng kagamitang panturo sa elementar-
ya, sekundarya at tersyarya si Dr. Nestor de Guz-
man, fakulti ng St. Louis University.
Si Dr. Dolores Taylan ang tagapagdaloy sa
unang araw ng seminar. Nakatakda namang mag-
ing reaktor sa unang araw sina Dr. Teresita Fortu-
nato, Dr. Raquel Sison-Buban at Dr. Josefina Man-
gahis.
Sa ikalawang araw ng seminar, tatalakayin
naman ni Dr. Ma. Crisanta Flores, fakulti ng DLSU,
ang papel ng mass media sa pagtuturo. Magbaba-
hagi rin ng kaalaman si Dr. Jose Laderas Santos,
Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipi-
no (KWF), hinggil sa kodigo ng kagandahang asal
ng mga mamamahayag at kahalagahan ng Dek-
alogo ng Wikang Filipino. Nakatakda maging
reaktor sa ikalawang araw sina Dr. Rhoderick V.
Nuncio at Dr. Fanny Garcia. Si Dr. Ernesto Caran-
dang II naman ang tagapagpadaloy ng seminar sa
araw na iyon.
Samantala, sa ikalawang araw ay
magpapakitang-turo rin sina Prop. Voltaire Vil-
lanueva (elementarya), Prop. David Michael M.
San Juan (sekundarya) at Dr. Lakangiting Garcia
(tersyarya).
Sa ikatlong araw naman ay nakatakdang
ipresenta ng mga kalahok sa seminar-worksyap
ang kanilang awtput. Sina Dr. Nuncio at Prop. Lili-
beth Oblena naman ang mamamahala sa
ebalwasyon ng seminar at si Dr. Feorillo A. Deme-
terio III, Pangalawang Dekano ng Kolehiyo ng Mal-
alayang Sining, naman ang magbibigay ng
pangwakas na pananalita.
Si Dr. Emma Basco ang direktor ng Pam-
bansang Seminar 2012 at sina Dr. Ruby Alunen at
Dr. Maria Fe Gannaban naman ang mga pangala-
wang direktor.
Para sa iba pang impormasyon hinggil sa
pambansang seminar, makipag-ugnayan sa depar-
tamento sa pamamagitan ng telepono: 0927-465-
8160; 524-4611, loc. 509; 552 (telefax).
Ang Pambansang Seminar-Worksyap 2012
ay awtorisado ng DepEd Advisory No. 628, s.
2011; Kalatas Mula sa Tagapangulo ng CHED na
may petsang Enero 31, 2012; at Memorandum
Mula sa Punong Komisyoner ng KWF Blg. 01, s.
2012.
KUNTIL-BUTIL: ANO ANG BAGO
sa Pambansang Seminar 2012?
Lektura sa paggamit ng media sa pag-
tuturo
Worksyap sa paglinang ng kagamitang
panturo sa iba’t ibang antas
Samu’t saring isyung pangwika
4 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
Nagbigay naman ng lektyur sa wika para sa
elementarya si Prop. Magdalena Jocson ng San Be-
da College, na sinundan naman ng isa pang lektyur
sa wika para sa hayskul ni Prop. Ronan Capinding
ng Ateneo de Manila University.
Nagbahagi naman ng kanyang lektyur sa
pagtuturo ng panitikan sa kolehiyo si Dr. Michael
Coroza ng Ateneo.
Sa ikalawang araw, Setyembre 29, 2011,
panauhing sanang tagapagsalita sa plenaryo para
sa pagtuturo ng panitkan si Dr. Soledad Reyes ng
Ateneo subalit hindi siya nakarating dahil sa
karamdaman kung kaya’t binasa na lamang ang
kanyang papel sa pamamagitan ni Dr. Corazon Lalu
– Santos, Pangulo ng SANGFIL at propesor sa pani-
tikan ng nabanggit na pamantasan.
Ibinahagi naman ni Dr. Edison Fermin, prin-
sipal sa hayskul ng Miriam College, ang kaalaman
niya sa pagtuturo ng wika sa sekundarya. Sinundan
naman ito ng isa pang lektyur ni Prop. Evangeline A.
Encabo ng DLSU – Dasmariñas, tungkol sa sam-
pung teknik na maaaring gamitin sa pagtuturo ng
panitikan sa kolehiyo. Sa huling lektyur para sa
ikalawang araw ng seminar, nagdagdag pa ng iba
pang teknik sa pagtuturo ng panitikan sa elemen-
tarya si Prop. Patrocinio V. Villafuerte, Puno ng Ka-
gawaran sa Filipino sa Philippine Normal University
(PNU).
Sa ikatlong araw, Setyembre 30, 2011,
nagbahagi ng mga bagong teknik sa pagtuturo ng
panitikan sa hayskul si Prop. Eros Atalla ng Uniber-
sidad ng Santo Tomas (UST). Pagtuturo ng bugtong
sa kolehiyo ang binigyang pansin naman ni Prop.
German Gervacio ng Mindanao State University -
Iligan Institute of Technology. At sa huling lektyur
para sa huling araw ng seminar, naging tagapag-
salita si Dr. Vilma M. Resuma ng UP Integrated
School tungkol pa rin sa pagtuturo ng wika sa ele-
mentarya sa pamamagitan ng pakitang-turo. ~~~
Ika-12 Kongreso...mula sa pahina 18
DLSU, muling Nahalal bilang Miyembro
ng Lupon ng mga Direktor ng SANGFIL
Idinaos din sa ika-12 Kongreso ng SANGFIL ang pa-
ghalal ng mga bagong miyembro ng Lupon ng mga Direktor
ng samahan. Ang mga miyembro ng lupon na natapos ang
termino sa loob ng dalawang taon ay ang mga institusyong
Ateneo de Manila University na kinakatawan ni Dr. Corazon
Lalu-Santos, Pangulo; De La Salle – University na kinaka-
tawan ni Prop. Ramilito B. Correa, Pangalawang Pangulo; UP
– Sentro ng Wikang Filipino bilang awtomatikong Sekretaryo-
Heneral na kinakatawan ng Direktor ng tanggapan na si Dr.
Jovy Peregrino; Miriam College na kinakatawan ni Dr. Rebec-
ca T. Añonuevo, Tagasuri; UP na kinakatawan ni Dr. Jimmuel
Naval, Ingat-Yaman. Miyembro ng Lupon ang UST na kinaka-
tawan ni Dr. Imelda P. De Castro, PNU na kinakatawan ni
Prop. Patrocinio V. Villafuerte. FEU na kinakatawan ni Prop.
Jorge Cuibillas, at Unibersidad ng Baguio na kinakatawan ni
Prop. Ma. Elena B. Bautista.
Sa idinaos na eleksyon ng mga instittusyon bilang
miyembro ng lupon ng mga direktor, ang walong nabanggit
na pamantasan (UP, Ateneo, DLSU, UST, FEU, Miriam Col-
lege, PNU at UB) ay muling nahalal upang manungkulan ng
isang kumpletong termino sa loob ng tatlong taon ayon sa
nirebisa at pinagtibay na konstitusyon ng SANGFIL.
Magiging bagong kinatawan sina Dr. Rosario Torres
–Yu, bilang Sekretaryo Heneral (papalit na Direktor ng SWF);
Dr. Alvin Yapan, bagong Tagapngulo ng Departamento ng
Filipino sa Ateneo de Manila; Dr. Roberto Ampil, bagong Ta-
gapangulo ng Departamento ng Filipino sa UST; Dr. Teresita
Maceda susunod na Tagapangulo ng Departamento ng Wika
at Panitkan sa UP Diliman. Papalitan nila sina Dr. Jovy Pere-
grino, dr. Corazon Lalu – Santos, Dr. Imelda De Castro at Dr.
Jimmuel Naval, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Nakatakdang magpulong sa darating na Disyembre,
2011 ang bagong miyembro ng lupon upang maghala ng
magiging pangulo, pangalawang pangulo, ingat – yaman at
tagasuri. ~~~
“Sa pagtuturo tayo’y natututo.
Sa pagkatuto, tayo’y nagtuturo.”
- Salin ng isang kasabihang Latin Ilang kasapi ng Lupon ng Mga Direktor ng SANGFIL
5 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
Mga Propesor Dumalo sa Kumperensya sa K to 12 Dumalo sina Dr. Rhoderick
Nuncio, Dr. Jo Mangahis at Dr. Felicitas
Herrera sa 9th Ambassador Alfonso
Yuchengco Policy Conference sa Man-
darin Oriental Hotel, Makati City noong
Pebrero 13. Ang paksa sa nabanggit na
kumperensya ay "Toward an Enhanced
Quality Education Program through K to
12: Issues and Challenges.‖
Dinaluhan ng mga pinuno
ng mga pamantasan at kolehiyong pub-
l iko at pribado ang nasabing
kumperensya. Nagbigay ng pambungad
na pananalita si Ambassador Alfonso T.
Yuchengco. Si Dr. Patricia B. Licuanan
naman ang susing tagapagsalita sa
nabanggit na pagtitipon. Ang mga pa-
nauhing tagapagsalita ay sina Dr. Reyn-
aldo Vea (pangulo ng Mapua Institute
of Technology) na naglektura sa
"Implications of K-12: Reform on ter-
tiary Education and Proposed Transi-
tion Mechanism"; Dr. Yolanda S. Qui-
jano na tumalakay sa "The K to 12
Pro,gram of the Department of Educa-
tion‖; at si Dr. Chito B. Salazar (pangulo
ng Philippine Business for Educa-
tion/PBED) na siyang nagpaliwanag sa
"Linking K-12 Program to Employment
Opportunities." Tinalakay naman ni
Dr.Vicente K. Fabela
(pangulo ng Jose
Rizal College) ang
"Economic Implica-
tions of the Institu-
tionalization of K to
12 on Basic and Ter-
tiary Education.
Naging ma-
bunga ang talaka-
yan at marami rin
mga katanungan at
paglilinaw mula sa
mga dumalo kaugnay
sa haharapin ng mga
fakulti na nagtuturo ng general educa-
tion subjects sa kolehiyo. Si Dr. Trinidad
S. Osteria (pangulo ng Yuchengco Cen-
ter) ang nagbigay ng pangwakas na
pananalita.
Nauna pa rito, dumalo sa isang
pandaigdigang kumperensya hinggil sa
K to 12 sina Dr. Rhoderick Nuncio, Dr.
Josefina Mangahis at Dr. Ma. Crisanta
Flores noong Enero 19-21 sa Lingayen,
Pangas inan.
Ang tema ng
n a s a b i n g
kumperensya
ay "Addressing
the K to 12>
Curricular En-
hancement in
Phil. Educa-
tion 2012."
Dinaluhan ito
ng 2,200 kala-
hok mula sa
ibat-ibang sulok
ng Pilipinas at
maging ng mga
guro mula sa ibang bansa. Ang nag-
organisa ng nabanggit na conference
workshop ay ang Guro Formation Forum
at Pangasinan State University sa pa-
mumuno ni Dr. Oscar P. Ferrer. ~~~
Sina Dr. Mangahis at Dr. Nuncio sa pandaigdigang kumperensya sa Lingayen, Pangasinan
Ang Global Consortium for
the Advancement of Filipino Lan-
guage and Culture (GLOCAFIL) sa
pakikipagtulungan ng Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Litera-
turang Filipino (PSLLF), National
Commission on Culture and the Arts
(NCCA), University of Hawaii Filipino
and Philippine Literature Pro-
gram (UH-FPLP) at Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) ay magtataguy-
od ng Ika-3 Kumperensyang Inter-
nasyunal sa Filipino Bilang Wikang
Global na may temang ―Ang Wika at
Kulturang Filipino: Iba’t Ibang Isyu
at Hamon ng Siglo 21.‖
Ipinapahayag ng DepEd Advi-
sory No. 599, s. 2011 at Kalatas mu-
la sa Tagapangulo ng CHED na may
petsang Enero 10, 2012 ang mga de-
talye ng nasabing kumpensya.
Ito ay gaganapin sa CSB Hotel
International Conference Center, Estra-
da Street corner Arellano, Malate,
Maynila sa Agosto 3-5, 2012.
Tampok sa kumperensyang ito
ang mga usaping sa pedagohiya, wika,
literatura, komunikasyon, kultura at
mga sining, kabataan, pananaliksik at
adbokasi. Ang conference fee po ay
PhP 6,000 (US $160) para sa maagang
magpaparehistro/magbayad ng hang-
gang Mayo 30, at ang regular na fee ay
PhP 7,000 (US $180). Para sa mga
gradwadong estudyante, ang fee ay
PhP5,000 (Filipino citizens), US $120
(American citizens). Sa Marso 30 ang
dedlayn ng pagpapasa ng abstrak para
Ikatlong Kumperensyang Internasyunal sa Filipino
Bilang Wikang Global, Idaraos sa Agosto sa mga naghahangad na maglahad ng ka-
nilang papel o pananaliksik sa nasabing
kumperensya. Masisipat ang kabuuang
detalye ng komperensya sa
www.scribd.com/david_juan_1/d/72125229 .
Kabilang sa mga nangangasiwa
ng nasabing komperensya si Dr. Teresita F.
Fortunato. Para sa reserbasyon o kompir-
masyon, maaaring kontakin ang alinman
sa mga numero at email na ito: 0916-
3782-823; [email protected]; 0919-
2877-816; [email protected].
Ang unang kumperensyang inter-
nasyunal sa Filipino bilang wikang global
ay isinagawa noong 2008 sa University of
Hawaii-Manoa, at ang ikalawa naman ay
isinagawa sa San Diego, California noong
2009.
~~~
6 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
Wikang Filipino: Wikang Panlahat,
Salalayan sa Pagtatamo ng
Likas-Kayang Pag-unlad
ni Prop. Voltaire M. Villanueva
WIKA AT BAYAN
Sundan sa pahina 8
Bagama’t mailap ang
kaunlaran para sa nakararami,
patuloy pa rin itong hinahangad at
pinapangarap. Kahit kadalasang
ikinakahon ang konsepto ng
k a u n l a r a n s a a s p e k t o n g
pangkabuhayan lamang. Sa papel
na ito, nais kong bigyang linaw ang
gampanin at kahalagahan ng wika
sa pagtatamasa ng kaunlaran hindi
l a ma n g sa pe rspe kt ib an g
e k o n o m i k a l m a g i n g s a
pangkalahatang tunguhin ng ating
bansa. Nais kong bigyang diin ang
hindi panandaliang kaunlaran kung
gagamiting matibay na salalayan
ang wika sa pagtatamo ng pang-
malawakan at pangmatagalang
kaunlaran ng bansang Pilipinas.
Kung kaya’t tatahakin ng papel na
ito ang ugnayan ng wika at
kaunlaran bilang magkasalabid at
magkaugnay na mga konsepto.
Mayroong mga sukatan na
magiging palatandaan upang
maging malinaw ang pagtingin sa
pagtukoy kung ano nga ba
talaga ang tunay na kaunlaran.
Nagbigay ng mga panukat si
Todaro (2009) na magiging gabay
u p a n g m a i p a m a l a s a n g
m i n i m i t h i n g k a u n l a r a n .
P a n g u n a h i n g k o n s e p t o n g
itinampok ng ekonomista ang
sustenance, stability, at
longevity na mahahalagang
sangkap bilang pangunahing
batayan sa pagsukat ng
kaunlaran. Mahigpit naman ang
ugnayan
ng tatlong elemento sa pinakang
-ubod na sumasaklaw sa lahat ng
panukat. Ito ay ang participation
o pakikisangkot
n a n g m a s
n a k a r a r a m i .
S inasapol n i
T o d a r o a n g
konsepto ng
‖likas-kayang pag
- u n l a d ‖ o
s u s t a i n a b l e
development na
nagpupumiglas
na konsepto
upang unawain,
a n g k in i n , a t
isabuhay ng mga
m a m a m a y a n n g i s a n g
pamayanan.
Ang likas-kayang pag-unlad
ay isang uri ng pag-unlad na mas
p i n a s in o p , p i n a ga n da a t
pinakabalanseng paraan ng pag-
unlad. Sa larawang ito ng pag-
unlad, hindi naisasa-alang-alang
a n g m g a k u l t u r a l n a
pa g pa pa h a l a g a t u l a d n g
mayamang wika at kultura upang
mabigyang daan o puwang
lamang ang hindi totoo o
huwad na kaunlaran. Sa
ganang akin, katumbas
lamang ng mga pang-
ekonomikong konsepto ang
p a n g m a t a g a l a n ,
p a n g m a r a m i h a n , a t
panghabambuhay na mga
palatandaan upang
m a t u k o y n a
maunlad ang isang
bagay gaya na
lamang sa tiyak na
pag-uugnay nito sa
wika. Higit na
m a h a l a g a n g
bigyang pansin
ang malawakang
partisipasyon ng
mga mamamayan
b i l a n g
t a g a p a g d u k a l ,
tapaglinang, at
tagapagtaguyod ng wika sa
p a g p a p a y a m a n a t
pagsasangkapan ng wika sa
pambansang kaunlaran.
Samakatuwid, upang mamalas
ang gampanin ng wika sa
pagpapaunlad ng bansa,
nararapat lamang na ang wika
ay ginagamit, nauunawaan, at
patuloy na pinayayaman ng
lahat ng sektor ng lipunan.
7
Ilang kaisipan at puna sa kuwentong
“Ang Dalit sa Kababaihan ni Europa/Sa Europa” at ang
“Trilohiyang may Bahid ng Panininwala Mantsa ng mga
Aral sa Kaluluwa”
ni Dr. Jose Wendell P. Capili*
SIPAT-PANITIKAN
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
Mapangahas ang landas na
tinatahak na landas ni Nonon Villa-
ruz Carandang sa mga akdang pin-
akamagatang ―Ang Dalit sa Kaba-
baihan ni Europa/Sa Europa‖ at ang
―Trilohiyang may Bahid ng Paninin-
wala Mantsa ng mga Aral sa Kalulu-
wa‖.
Sa bandang una, mapapaisip
ang mambabasa kung ang mga
obra ni Carandang ay maikling
kuwento, malikhaing sanasysay o
mga kritikal na obserbasyon tungkol
sa mga lipunang kanyang kinama-
layan. Sa kalaunan, makikita na ang
estetikong bumabalot sa mga akda
ay pinagsanib na puwersa ng iba’t
ibang mga genre.
Sa ―Trilohiyang may Bahid ng
Paniniwala, Mantsa ng mga Aral sa
Kaluluwa,‖ malinaw na may kaugna-
yan pa rin sina
Gautama Buddha,
Panginoong
Hesukristo at Mo-
hammed sa ating
mga pang-araw-
araw na pamumu-
hay. Makikita ito sa
Manila Chinatown,
sa Quiapo o sa Ka-
mindanawan. Si-
nasalaysay ito ni Carandang sa pa-
mamagitan ng mga pakikibaka at
ng mga adhikain nina David,nina
Ben at Marita, at ni Kaleb.
Kay David, ang pagpapa-
kasakit ay may bunga na
―malamig sa simoy ng hangin‖ na
―parang humahaplos at
nagpapaalala ng pagpapahinga‖.
Kina Ben at Marita, ang mga luha
ay sapat na upang mapanatiling
malinis ang paningin, pagtingin at
ang mga pinalilinaw sa mga
bagay-bagay. Bagama’t ma-
lungkot ang kinahihinatnan ni
Kaleb, ang trahedya ng kanyang
pakikibaka ay nagsisilbing aral
upang isaalang-alang ang kapa-
yapaan bilang himno tungo sa
katuparan ng ating mga pan-
garap.
Sa ―Dalit sa Kababaihan
ni Europa/Sa Europa‖, naipakita
ni Carandang sa samu’t saring
mga kuwento ng
mga Pilipina sa
iba’t ibang dako
ng Europa. Sa
Belhika man, sa
bansang Ale-
man, Pransiya,
Italya o sa Austri-
ya, ang tunay na
―pag-ibig‖, o ang
kakulangan o
kawalan nito ang nagging impe-
tus upang maenganyo ang libu-
libong mga Pilipina pagtungo sa
malalayong bayan.
Iba-iba man ang nag-
ing kahihinatnan ng ating
mga kababayan, nananatili
pa rin ang kahalagahan ng
sakripisyo upang maiangat
ang buhay ng kani-kanilang
mga pamilya .
Bata ang boses ni Ca-
randang sa kanyang mga
akda, ngunit malalim ang pi-
losopiyang bumabalot sa
pakikipagtalastasan niya sa
kanyang mga mambaba-
sa. Para kay Carandang,
maraming sektor sa ating
lipunan ang nangan-
gailangan pa ng wastong
pagkalinga at pagtataguyod.
Ang pagiging ―Pilipino‖ ay
patuloy na itinatakda ng
ating mga kababayan sa loob
at labas ng ating bansa.
*Si Dr. Jose Wendell P. Capili ay
iskolar ng Monbusho Research
Scholar (Tokyo), nagtapos ng pag-
dadaludhasaan sa Cambridge Uni-
versity at Doktorado sa Australian
National University. Siya ang Assis-
tant Vice President for Public Af-
fairs at ang Director ng Office for
Alumni Relations (OAR) University of
the Philippines System. Nagtuturo siya
ng Creative Writing and Comparative
Literature sa Department of English
and Comparative Literature sa
University of the Philippines-Diliman.
8
ALINGAWNGAW NG KAHAPON
Wikang Filipino: Wikang Panlahat, Salalayan sa Pagtatamo...mula p. 6
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
Mula sa mga diskurso sa
tahanan, pamayanan, at
pambansa.
Wikang Filipino: Pangmatagalan
at Panghabambuhay
N o o n , n g a y o n , a t
magpakailanman nais patunayan
na ang wikang Filipino ay
mayroong matibay na pundasyon
upang maging esensyal na
kasangga ng mga Pilipino sa
pambansang kaunlaran. Patuloy
na sumasabay ang wikang
Filipino bilang wikang panlahat
sa panahon ng bagong milenyo
at globalisasyon. Ang pagsiglaw
sa mga pahina ng ating
mayamang kasaysayan ang
m a k a p a g p a p a t u n a y s a
m a k a s a y s a y a n a t h i n d i
mapipigilang ginampanan ng
w i k a n g F i l i p i n o u p a n g
mapagbuklod ang bayan laban
sa hinaharap na samu’t saring
karaingan ng lipunan.
Hindi maikakaila na
matagal na ang walang humpay
na pamamayagpag ng wikang
Filipino bilang sandata ng
pagkakaisa dahil batid ito nang
nakararami.
Kadikit ng mga mga prinsipyong
ipinaglalaban ng mga bayani’t
pantas-wika ang kabisaan ng
w i k a u p a n g m a g i n g
makabuluhang sandata sa
pagpapahayag ng mga mithiin
upang isulong ang diwang
makabayan at gisingin ang mga
mamamayan upang kumilos,
makiisa, mag-aklas, makihamok,
at maitampok ang bayan laban
sa opresyon, pang-aabuso, at
hindi tamang pagtrato ng mga
dayuhan maging ng mga
mapagsamantalang kababayan.
Mababanaag sa mga inakda nina
Rizal, Bonifacio, Mabini, del Pilar,
Balagtas, Santos, at napakarami
pang haligi ng kasaysayan,
panitikan, kultura at iba pang
ideolohiya na naging matibay at
matatag na susi ang wika sa
mabilisang pagpapahatid ng
mensahe upang tamasahin ang
hinahangad na kasarinlan.
Lumalabas sa mga pag-
aaral at pananaliksik tulad ni
Parale (1970) na ang wikang
katututo ang naging sandigan sa
iba’t ibang lugar sa Pilipinas
noong mga 1900 na gamitin
bilang wikang
p a n t u r o .
Ipinagpatuloy
a n g
p r o g r a ma n g
ito hanggang
sa lumawak
ang paggamit
s a m g a
pampublikong
p a a r a l a n .
Bagama’t may
mga agam-
a g a m sa
kabisaan ng
sariling wika,
panandalian
i t o n g
i p i n a h i n t o .
Subalit, dahil sa katotohanang
ang wikang katutubo o ang
wikang Filipino ang magiging
instrumento sa malalimang
pagkatuto ng mga mag-aaral,
naibalik ang programa ukol sa
paggamit ng wikang Filipino sa
mga paaralan. Unti –unti na ang
pagpapalimbag ng iba’t ibang
babasahin sa sariling wika, ang
mga pahayagan, atas, at iba’t
ibang kagamitan sa pagtuturo sa
paaralan ay nasa wikang Filipino
na. Naging masidhi ang
pagpapalaganap ng wikang
Filipino. Ang mga pangyayaring
ito sa larangan ng edukasyon ay
lalong pinatitibay ng mga
patunay ukol sa magandang
epekto sa pag-unawa ng mga
mag-aaral sa mga aralin. Isa sa
mga patunay ay ang kahusayan
ng mga mag-aaral sa kanayunan
na mas madaling nalilinang ang
kahusayan sa mga makrong
kasanayan gamit ang wikang
Filipino. Sinundan pa ito ng
m a r a m i n g
pagsusuri at
p a g s u b o k
upang mataya
ang kahusayan
ng programa
sa paggamit ng
wikang Filipino.
S u ma sa k l a w
na ang mga
pagsusuri sa
iba’t ibang
p a n i g n g
bansa, sa huli,
iisa lamang
ang naging
bunga ng pag-
aaral. Tunay na
epektibo ang
pag-aaral ng
mga mag-aaral kung kaagapay
ang wikang Filipino. Ang mga
ganitong pangyayari ang naging
hudyat upang gamitin mula
unang baitang hanggang ika-
apat na baitang ang wikang
Filipino sa pagtuturo. Nang
lumaon naging sama-samang
Sundan sa pahina 9
9 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
pagkilos ng iba’t ibang paaralang
pampubliko at pribado maging
unibersidad sa iba’t ibang lungsod
ang pagdulog sa pagtuturo kaugnay
ang wikang Filipino. Dahil na rin sa
i n i s y a t i b o a t i n s e n t i b o n g
ipagkakaloob ng mga pinuno ng
iba’t ibang paaralan at tanggapan
ng pamahalaan naging marubdob
ang pagpapalaganap ng wikang
Filipino. Marami ang mga
naipalimbag na iba’t ibang
kagamitan tulad ng mga aklat sa
iba’t ibang larangan
tulad ng Agham
panlipunan maging
A g h a m a t
Matematika. Sa
kasalukuyan, patuloy
ang pag-igting ng
pagpapalaganap sa
wikang F i l ip ino
bilang salalayan ng
mataas na uri ng
k a l i n a n g a n .
Isinusulong ngayon
sa mataas at
mababang kapulungan ang muling
pagpapanumbalik ng programa sa
edukasyon, ang MLE (Multilingual
Education) o MTBI (Mother Tongue
Base Instruction). Ang programang
ito ay nakatuon sa paggamit ng
unang wika sa pagtuturo.
Gagamitin ang unang wika sa
p a g p a p a u n a w a n g m g a
asignaturang Matematika at
Agham. Ang ganitong panuntunan
ay pinaniniwalaang magtataas sa
antas ng kamuwangan (literacy
rate) hindi lamang sa aspektong
pagbasa at pagsulat kundi ang
paglalapat ng mga kasanayan
upang magamit sa laboratoryo ng
b u h a y ( B E C 2 0 0 2 ) n a
mapakikinabangang pansarili,
pampamilya, pampamayanan at
pambansang kagalingan.
Ang pangmatagalan at
panghabambuhay na tungkulin
ng wikang Filipino bilang
wikang panlahat na kaakibat sa
pagtahak sa matuwid na
landas ay mayroong mga
pinagbabatayang batas. Naging
kalatas sa pagpapairal sa
b a n s a a n g p a g g a m i t ,
pagpapalaganap, at paglinang
ng wikang Filipino alinsunod sa
nakasaad sa Resolusyon Blg.
96-1 na nilagdaan noong
Agosto 28, 1996. Batay sa
resolusyon: ‖Ang Filipino ay ang
katutubong wika na ginagamit
sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga et-
nikong grupo.
Katulad ng iba pang
wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng
mga panghihiram sa mga wika
ng Pilipinas at mga di-
katutubong wika at sa ebolusy-
on ng iba’t ibang barayti ng
wika para sa iba-ibang sitwasy-
on, sa mga nagsasalita nito na
may iba’t ibang sanligang
sosyal, at para sa mga paksa
Wikang Filipino: Wikang Panlahat, Salalayan sa Pagtatamo...mula p. 8
ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.‖
Ang batayang legal na ito
ay pagpapalakas sa wikang
Filipino bilang de jure at de facto
na tunay na mayroong matibay
na batayan upang magpatuloy
na maging wikang panlahat.
Ang patuloy at matuling
pagmemetamorfosis (Pineda) ng
wikang Filipino ay larawan ng
walang agwat na paglinang
ng wikang pambansa.
Patuloy ang pagsulong ng
wika bilang aktibong elemento
sa kabila ng pagpukol ng mga
hamong pumapaligid sa wika.
Ang mga hamong sa wika ay
maihahalintulad sa digmaang
kinakaharap ng wikang
Filipino (Almario 2003). Ayon
sa kanya mayroong tatlong
malaking larangan na
hinaharap ang ating wika. Ang
mga i to ay ay ang
pakikipagtunggali ng ating
wika sa wikang Ingles, ang
paglahok ng iba pang mga wika
sa paglinang at pagpapalaganap
ng isang wikang pambansa, at
ang pagharap ng wika sa urong-
sulong na modernisasyon.
Ang mga gani tong
pangitain sa sitwasyon ng wika
ng ating bansa ay tinugunan at
patuloy na hinaharap ng mga
pantas wika, pamahalaan, guro,
m a n a n a l i k s i k a t
mamamamayan.
Walang pagdududa na
ang wikang Filipino noon,
ngayon, at magpakailanman ay
mapagkakatiwalaang patnubay
na sandigan ng mga Pilipino sa
paglalakbay sa usad ng buhay.
10 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
SIPAT-KULTURA
Kailan darating ang isang araw?
Pagbasa sa Beinte Kuwatro Oras ni Nonon
Villaluz Carandang
ni Prof. Alwin C. Aguirre*
Sundan sa pahina 11
Kakatwa namang sa
panahong binabasa ko ang mai-
kling kuwento ni Nonon Villaluz
Carandang ay siya ring panahong
napabalita na pinababa ng mga
opisyales sa kalakhang Maynila
ang mga higanteng karatula na
nagtatampok sa larawan ng
makikisig na manlalaro ng Philip-
pine Rugby Team na
kakatiting ang saplot.
Nakakahuma-
ling bigyang-pansin
ang argumento ni
G a t c h a l i a n n a
nagpasimuno sa
pagbababa ng mga
billboard ng Bench:
―…ito ay offensive at
ito ay hindi maayos,
lalong-lalo na sa ating
mga kabataan‖. Sa
katunayan ay tina-
kpan pa niya ang mga
mata ng kanyang pa-
mangkin na kasama
niya sa sasakyan
nang mapadaan sila sa Guadalupe
kung saan nakabalandra ang mga
imahen. Mabuti’t hindi niya nai-
bangga ang sasakyan. Kung siya
rin ang may hawak ng manibela.
Sa kontekstong ito umiinog
ang kuwento ni Carandang. Hindi
sa mga higanteng larawan ng
makikisig na lalaki kundi sa isang
sistemang panlipunang ang
tanging binibigyan ng lehitimong
karapatang magnasa ay ang het-
erosexual na lalaki. Sa isang
struktura ng mga relasyon na
may mga hinahayaan tayong
magsabi ng kung ano ang masa-
ma at mabuti para sa ating pan-
lasa, moralidad at kinabukasan.
K u n g
k a i l a n
nila gus-
t u h i n .
K u n g
k a i l a n
n i l a
m a t i p u -
han.
Kuwento
ito ng
i s a n g
nagngan-
g a l a n g
J o e y
P a b l i n g
(na ang
pangalan
ay tila give-away), empleyado sa
ahensiyang nagpoproseso sa
mga aplikasyon para maging
OCW o OFW, na isang araw sa
elevator ay tinamaan ng isang
babaeng bukod sa maganda na
ay mabango pa. Tinangka niyang
sundan ang babae at alamin ang
mahahalagang detalye. Tila,
tunay nga siyang na-love-at-first-
sight dito hanggang sa boss na
mismo niya ang magbabala—
ehem...mukhang nahulog ka sa
aplikanteng iyon…hindi profes-
sional yan…mapanganib para sa
iyo. Ngunit, tulad ng alam ng la-
hat, ang pagnanasa ay hindi ga-
noon kadaling pakawalan. Nai-
sip niyang patulong sa mga
kaopisinang sina Robert at Es-
ter—isa sa mga biktima ng
bangis ng kanyang kapa-
blingan—na silang humahawak
sa rekord ng mga aplikante. Li-
bu-libong dokumento at larawan
ang sinuyod. Si Ester lamang din
pala ang magiging dahilan ng
pagkikita ng bida at ng babaeng
nakabingwit ng puso—Marites
Almonte ang pangalan ng ba-
baeng maganda na ay mabango
pa, ka ib igan n i Ester .
Nakiangkas pauwi ang babae.
Kumain muna sila sa Malate.
May bitukang dragon ang binibi-
ni. Hanggang abutan ng pag-
uumaga sa kalye. Naisipang
magsubuan ng maanghang na
pisbol. Nagpapaalam ang babae
dahil inumaga na. Hindi puma-
yag ang lalaki dahil sa Bulacan
pa pala ang biyahe ng pinupin-
tuho. Umangkas uli sa sasa-
kyan. Nakitulog sa condo ng la-
11
Sundan sa pahina 12
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
laki. Sa sala na lang daw itong
huli. Asus. Nagtabi rin sa kama.
Hanggang sa umabot sa puntong
―iyon‖ ang pagyayakapan at
pagyayapusan. Ngunit, pinigil ito
ng babae. Nagpabatid na
kailangang igalang ng lalaki ang
hangganan ng ―berdeng talam-
pas‖. Tila tupa namang tumalima
ang lalaki. Natulog sila na
magkayakap. Nagising ang lalaki
na wala na ang babae. Nang
buksan ang cellphone ay saka
lamang pumasok ang mensahe
mula kay Robert ukol sa totoong
pagkatao ng kayakap sa gabing
nagdaan. Hinabol ni Joey sa air-
port si Marites. Bigo siya. Lu-
mipad na patungong Japan. Sa
opisina, kahit Sabado, pinapa-
lubag ng kaibigan ang damdamin
ng nabigo sa pag-ibig. Pero nagu-
lat ito sa
inusal ni
Pabling,
habang
h a w a k
n a n g
mahigpit
ang bote
n g
serbeza:
―…nang malaman ko ang tunay
niyang katauhan, mas lalo ko pa
siyang minahal. Hahanapin at
hihintayin ko siya ulit."
Simple ang kuwento. Wala
naman itong pretensiyong mag-
wagayway ng nakagigising-
gunitang slogan. Mabilis—
nangyari ang lahat sa loob ng 24
oras. Matamis. May pangako ng
pag-ibig at kaligayahan. Isang
araw ay darating din ang
inaasam-asam. Feel-good.
Sa paglipas ng panahon
Kailan darating ang isang araw...mula p. 10
at pagdanas sa maraming
pagkilos at pagbabago sa iba’t
ibang sektor ng lipunan, umaasa
tayo na, isang araw, sana’y
makamtan ng lahat ang pantay
na karapatang mabuhay at lumi-
gaya. Hindi sa ganitong paraan
sinasabi ang isang pulitika. Ba-
balutin ito sa retorikang intel-
ektuwal at poetikang matalim.
Ngunit, sa totoo, ito ang buod at
ubod ng mga pagkilos. At hindi
na ito bago sa panitikan, sa
partikular, o anumang larangan
ng sining na nagiging daan para
sa representasyon at ekspresyon
ng pagnanais na pagbabago at
pagnanasang isang araw ay
maabot ng lipunan ang isang
sistemang makabuluhan at
mapagpalaya sa lahat.
Bagamat hindi ito pinag-
sisigawan ng Beinte Ku-
watro Oras ni Carandang,
madaling masambot ang
implikasyong ito sa narati-
bo. Lalo itong mas ma-
linaw kung titingnan ang
gamit ng kuwento sa topos
ng ―pagkaunsiyami sa ka-
ganapan ng pagnanasa‖.
Nang makita ni Joey si
Marites sa elevator, nagsimula
na ang pagkaudlot ng kanyang
kaligayahan. Sinundan niya’t di
makita. Nang matagpua’y bi-
nalaan ng boss. Nang hinanap
sa rekord ay mailap pa rin. Hang-
gang sa magkakilala’t magkalap-
it. Aakalain na magtatapos na
ang paghahanap sa tunay na
kasiyahan. Nagpalitan ng mga
ngiti’t salita at naglapit ang di-
wa’t katawan. Hanggang sa
malapit na tilang marating ang
rurok ng kaligayahan—o, papunta
na roon—nang pigilan mismo ng
babae (na sa puntong ito ay batid
ng mambabasa ang kom-
pleksidad ng sitwasyon maliban
na lang kung may tiyuhin kang
magtatakip sa iyong mata) na hu-
mantong sa ganoong antas ang
kanilang pagkakalapit. Nagising
ang lalaki at di na makita ang ni-
nanasa. Hinabol sa airport ngunit
nakalipad na ang eroplano.
Iisiping magwawakas na ang pa-
ghahabol sa ninanais. Wala na
namang dapat pang habulin.
Alam na ni Pabling ang itinatago
ni Marites. At kung di man niya
nalaman ay nakaalis na rin ito.
Ngunit ang pagnanasa ay
sadyang di dapat maabot. Sa
pagtatapos ng kuwento ay ipi-
nabatid ng lalaki na hihintayin
niyang bumalik ang umalis at lalo
niya itong minahal nang totoo
nang malaman ang pagkukubli sa
pagkatao. Kaya nga naibuga ng
kumpare ang serbesa sa sarili
nitong kandungan.
Minsan, isang masarap na
higop ng hangin ang makabasa
ng kuwentong nagtatampok sa
danas ng mga nabibilang sa
nasasantabing sektor na hindi
sadyang kinatha upang ipagsiga-
wan ang pighati at trahedya ng
pagiging periperal na nilalang sa
lipunan. Puwede rin naman kas-
ing maging sweet at touching at
feel-good ang naturang mga
kuwento at ang pagpigil sa gani-
tong sensibilidad ay katumbas
din marahil ng paglabag sa
karapatan ng mga taong maging
maligaya. Kaya lang, alam naman
nating ang mga salita—lalo sa pa-
12 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
nitikan—ay di napipinid sa isang
suson lamang ang kahulugan.
Pinakamabisang elemento
ng kuwento ang tema ng
pagnanasa—ito ang kanyang bato
-balani, ang birtud, o agimat.
Kung may hahanapin tayo sa
kuwento, marahil ito ay ang mas
mabisa pa sanang paggamit sa
tema ng ―pagkaudlot ng
pagnanasa‖ dahil, mula sa aking
pagbasa, ito ang magdadala sa
kanyang pulitika na hindi man
niya ipangalandakan (na siyang
magaling) ay bibitbiti’t bibitbitin
pa rin. Tila masyadong napaaga
ang ―reveal‖ sa kung ano ang
magiging sentro ng komplikasyon
ng relasyon nina Joey at Marites—
6-7PM pa lang sa CR, naibigay na
sa mambabasa ang pina-
katatago. Maaaring hindi naman
ito intensiyong itago nang mata-
gal sa kuwento. Marahil ang
punto ng kuwento ay ang pag-
tatapos nito kung saan na-
kalagak ang tunay na pag-
bubunyag ng kinikimkim ni
Pabling (at ng naratibo): ―mas
lalo ko pa siyang minahal‖ anupa-
man, bagaman at, sinupaman.
Kaya nga feel-good, wala namang
masamang maging masaya.
Kung gayon man, ang ha-
hanapin naman natin ay ang
kompleksidad sa pagbuo ng
pagkatao ni Joey Pabling. Isang
tanong halimbawa: bakit minahal
niya ang babae kahit nalaman
niyang nagsinungaling ito tungkol
sa kanyang pagkatao? O, bakit
ganun kadali ang resolusyon ng
kuwento, kung resolusyon ngang
matatawag ang pag-amin ni Joey
sa kanyang nadarama? Saan ito
nanggaling? Bakit ngayon lang?
Bakit kay Marites? Bakit nga-
yon pa? Hindi
lang pala iisa
ang tanong.
Hindi lang
iisa dahil ang
pagnanasang
tinutukoy sa
kuwento ay
di rin lang sa
lalaki nakatu-
on.
Nakakawing din ito sa
pagnanasa ni Marites bilang
transeksuwal na babae na ang
katuparan ng pag-abot sa
inaasam-asam ay di rin ma-
kuha nang madali. Nagustuhan
ang lalaki at nakalapit ito.
Nagkadikit ang isip at kasama
ang katawan, ngunit ang mis-
mong katawan na makapagbib-
igay, tila, ng kaganapan ng
nasa ay siya pa ring pumipigil
sa pag-abot nito:
Narating nila ang san-
daling may pangangailangan sa
pagtatalik subalit hindi na pina-
yagan pa ni Marites ito. Ito rin
ang katawang gagamitin ni
Marites bilang OFW sa isang
kulturang may sariling pag-
unawa at pagtrato sa katawan
niya bilang isang migranteng
manggagawa, bilang isang Fili-
pino at isang transeksuwal na
babae. Ang katawan, marahil,
bagamat asahan niya, ay di pa
rin makapagbibigay sa kanya
ng ninanasa o inaasam baga-
mat ito ang pangunahin niyang
daan tungo sa pag-abot dito.
Ang aspektong ito ang dahilan
kung bakit makabuluhan sa
kuwento ni Carandang ang ak-
tong pagpapatanggal ng nagla-
lakihang larawan ng mga halos-
hubad na lalaki sa
mga pangunahing
kalye. Representa-
syon ito ng mga
k a t a w a n n a
nagpapahiwatig ng
isang uri ng
pagnanasang hin-
di pinapayagang
ipahayag ng isang
maka-heteroseksuwal na lalaking
pagtingin.
Totoo nga siguro ang tinuran
ni Abalos ng Mandaluyong nang
usisain siya ukol sa pagtatanggal
ng mga ito: ―Baka sabihin nila
nagpapaka-moralista ako. I’m not
very conservative.‖ Pero tiyak na
pulitikal ito sa ganang ang pulitika
ay tungkol sa relasyong pangka-
pangyarihan sa lipunan na siya ring
kinapapalooban ng pagnanasang
lagi’t laging nauunsiyami. Mga
pagnanasang nauunsiyami na
sintomas ng isang strukturang pan-
lipunang lagi’t lagi ring may
isinasantabi. Si Lacan ang nagpahi-
watig na ang pagnanasa ay di magi-
ging ganap. Ipinaliwanag ni Zizek
kung bakit may buti ring maidudu-
lot ito: ―…it is the barrier of these
intrusions which maintains the Goal
in its elevated sublimity, so that –
to revert to a Derridean formulation
– the condition of impossibility of
realizing the Goal is simultaneously
its condition of possibility…‖
*Si Prop. Alwin Aguirre ay nagturo ng Kul-
turang Popular at Panitikan, Kasarian at
Sexualidad sa UP Diliman. Nalimbag ang
kanyang aklat na Nagtapos siya ng
hayskul sa Quezon City Science High
School. Kasalukuyang naninirahan at nag-
aaral ng doktorado sa New Zealand.
~~~
Kailan darating ang isang araw...mula p. 11
13 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
DALIT SA KABABAIHAN NI EUROPA / SA EUROPA
ni Nonon Villaluz Carandang Isang reaksyon
ni Dr. Janet Tauro Batuigas*
SIPAT-PANITIKAN
Nawawala ako! Ito ang
pakiramdam ng Bisayang may
lahing Kastila at Intsik na nagturo
ng Filipino ng 10 taon sa DLSU
Manila at ngayun ay maglilimang
taon ng nagpupumilit mag-Ingles
dito sa mahikal na lupain ng mga
Hobbit habang binabasa ang
malalim, makinis at maraming
sanaysay ni Nonon Carandang.
Masarap basahin na tila
nagbabasa ka ng tula may ritmo
at imahen kahit na may mga ba-
haging mahirap maunawaan. La-
lo na sa mga bahaging si-
nasalaysay niya ang mga Mito ni
Europa, Belhikano, Aleman, Aus-
triyano, Romano at Pranses. Para
bang nagbabasa ka ng akdang
sinulat ng mahal kong diyos ng sa-
naysay na si Buenvanentura Medina
Jr. mahirap pero masarap basahin
Nalungkot ako sa sa pagiging
nag-iisa ni Ate Cory at ni Susan; nai-
yak ako sa sapilitang separasyon ni
Sabel sa lupang tinubuan ng kanyang
pag-ibig, naaliw ako sa sayaw
ng buhay ni Tita Marie napaka-
ironic, natawa ako at humanga
sa karakter ni Tita Emy.
Sa sanaysay na ito na-
raramdaman ko sa mga karak-
ter at karanasan nila ang
aking nawawala. Ilang taon na rin na
pinipilit kong isalin ang salitang na-
wawala sa salitang Ingles upang mai-
paliwanag kung ano ang aking na-
raramdaman bilang isang Pinay sa
dayuhang bansa.
Kaya matapos malinis
ng luha ang aking mga mata,
napabuntong-hininga ako at
nagdasal ng ―Maraming sala-
mat po Panginoon sa nilikha
mong Nonon Carandang na
naghahanap sa mga
nawawalang kagaya
ko.‖
*Si Dr. Janet Tauro
Batuigas ay nagturo
at naging tagapan-
gulo ng Departa-
mento ng Filipino sa De La
Salle University. Siya ngayon
ay nagsusulat sa mga paha-
yagan sa bansang New Zea-
land. ~~~
14 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
More Fun Nga Ba sa Pilipinas?: Turismo,
Prusisyon ng Itim na Nazareno at si
Totoong Happiness
ni David Michael M. San Juan
Maraming Pilipinong elite at middle
class ang tuwang-tuwa sa bagong
slogan sa turismo ng Pilipinas na
diumano’y ―sinaliksik‖ pa ng isang
prestihiyosong advertising firm pa-
ra sa Department of Tourism
(DOT).
―IT’S MORE FUN IN THE PHILIP-
PINES‖ daw, sabi nila.
Mas masaya nga ba sa Pilipinas?
Kunsabagay, ang elite at middle
class sa Pilipinas ay lagi namang
masaya dahil wala silang problema
sa pera di gaya ng mga mahihirap
ng mamamayan ng bansa. Batay
sa datos mula sa presentasyon ni
G. Tomas Africa, former adminis-
trator ng National Statistics Office
(NSO), na pinamagatang ―Family
Income Distribution in the Philip-
pines, 1985-2009: Essentially the
Same‖ halos di nagbabagong ma-
lawak na agwat o gap sa pagitan
ng mga mahihirap at ng mga ma-
yayaman sa Pilipinas gaya ng pina-
tutunayan ng income
share ng upper 50% at bottom
50% ng populasyon mula pa noong
dekada 60.
Hindi kataka-taka na tuwang-tuwa
ang elite at middle class sa slogan
na ―IT’S MORE FUN IN THE PHILIP-
PINES‖ dahil sa mga nakaraang
dekada, kayang-kaya naman tala-
KULTURANG POPULAR
ga nilang libutin ang mga lugar
sa bansa na kakikitaan ng
saya o ―fun.‖ Sila lang naman
kasi ang may sapat na pera at
panahon na makapaglibot sa
mga destinasyong karaniwa’y
malayo sa kinalalagyan ng
mga mahihirap (at kung nasa
bakuran man ng mahihirap,
karaniwan namang serbidor o
alila ang mahihirap ng mga
turista, sa halip na turista sa
kanyang sariling bayan).
Hindi rin kataka-taka na ang
mga gaya naming ―kontrabida‖
na naiinis, nandidiri at kiniki-
labutan sa bagong slogan sa
turismo ng Pilipinas ay tinatawag
ng mga elite at middle class na
―taksil sa bayan.‖ Dapat daw
magkaisa ang lahat ng mga ma-
mamayan para itaguyod ang turis-
mo ng bansa. Para sa kanila, ma-
saya na ang Pilipinas, masaya na
ang aurang bansa, basta masaya
sila. Wala na silang pakialam
kahit hindi namang masaya ang
ibang Pilipino.
Totoo naman na marami talagang
lugar sa Pilipinas na nagbibigay
ng dobleng ligaya (“more fun”) sa
mga turista. Totoo namang
Sundan sa pahina 15
Sundan sa pahina 16
More Fun Nga Ba..mula sa pahina 14
15 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
masarap magpakalunod sa tubig
ng beach sa Boracay. Totoo na-
mang masarap umakyat sa Banaue
Rice Terraces. Totoo namang ma-
sayang maglibot sa
mga dambuha-
lang mall ng Pilipinas.
Totoo namang ma-
sayang maglakad-
lakad sa Palawan.
Totoo namang
masarap mamasyal sa
buong Pilipinas…pero
totoo rin na-
mang “can’t afford” o
walang kakayahan ang maraming
Pilipino na maging turista sa sarili
nilang bayan. Ang hirap sa
mga elite atmiddle class, akala nila
ay sila lang ang mga anak ng Diyos.
Akala nila, basta masaya sila ay
okey na ang lahat. Paano naman
ang ibang walang pera?
Paano ang mga ordinaryong mang-
gagawa na hindi naman young ur-
ban professional (yuppie), hindi
rin spoiled brat ng mga magulang
na banker o stock broker, at wala
ring kamag-anak na may matataas
na pwesto sa gobyerno? Paano ang
mga Pilipinong hindi makasali
sa “fun” ng lokal na elite at middle
class at ng mga dayuhan nilang
kaibigan?
Siguro, bago tayo mag-isip ng ma-
gandang slogan sa turismo na
makaaakit sa mga dayuhang tu-
rista, dapat munang tiyakin natin
na ang bawat Pilipino ay may sapat
na pagkain, disenteng trabaho,
maaliwalas na tahanan,
kumpletong edukasyon at iba pang
mga pangunahing pangan-
gailangan. Siguro, dapat nating si-
kapin na dumating muna ang
panahon na bawat Pilipino, “can
afford” nang maging turista sa
sariling bayan bago natin ialok
ang Pilipinas sa mga dayuhan.
Ang hirap sa mga elite at middle
class sa Pilipinas, kuntento na
sa “feel good mode” at “positivist
mantra” sa gitna ng mga dam-
buhalang problema ng mayorya
sa kanilang mga kababayan. As
if naman na ang positive thinking
per se ay magdudu-
lot na ng instant
progress sa lahat.
Ayaw ng
mga elite at middle
class na itanghal o
ipresenta ang
totoong kalagayan
ng Pilipinas bilang
isang Third World
country. Manang-
mana sila sa
isang first la-
dy noon na para
hindi makita ng
mga foreign dele-
gates sa isang international con-
ference sa Maynila ang kalunus-
lunos na itsura ng mga tagpi-
tagping basurang tinatawag na
―bahay‖ ng mga squatter, ay
gumastos nang malaki para tak-
pan ang mga nasabing ―bahay.‖
Para sa elite at middle class, ang
magandang mukha lang ng Pilipi-
nas ang dapat makita ng mga
dayuhan. Parang alikabok,
parang basura ang mga
mahihirap na ipinaiilalim sa
karpeta (“swept under the
rug”) ng magaganda at
makukulay na slogan
sa turismo.
Hindi maintindihan ng
mga elite at middle
class na hindi naman
talaga “fun” ang buhay
ng mga mahihirap sa
Pilipinas.
Sa sobrang hirap ng buhay ng
mga ordinaryong Pilipino, si
Hesukristo, ang Itim na Naza-
reno na lang ang inaasahan
nilang makapagliligtas sa ka-
nila. Sa
panahong wa-
lang ginawa
kundi mag-isip
ng slogan sa
turismo ang go-
byerno, bakit
nga ba hindi aa-
sa sa milagro ng
Nazareno ang
mga Pilipinong
maysakit na wa-
lang perang
pambayad sa
mga ospital na
karamiha’y
pribado o semi-
pribado na. Sa panahong na-
pakahirap maghanap ng tra-
baho sa bansa dahil wala na-
mang mga industriyang
naitatayo ang gobyerno, bakit
nga ba hindi mananalangin sa
Itim na Nazareno ang mga
Pilipino para magkaroon sila
16
PANULAAN More Fun...mula sa pahina 15
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
ng trabaho o kaya’y manalo
sa lotto. Sa panahong wala na-
mang totoong pakialam
o“concern” ang mayorya
ng elite at middle class sa kanil-
ang kalagayan, bakit nga ba hin-
di aasa ang mga mahihirap na
Pilipino sa pagmimilagro ng Itim
na Nazareno na nangakong
―ihahatid ang Mabuting Balita
sa mga dukha…‖ (“proclaim the
Good News to the
Poor”). {Tingnan ang Isaiah 61:1
o Luke 4:18}
OO, it’s never been fun in the
Philippines, para sa aming mga
mahihirap. Dahil ayaw n’yo na-
man kaming tulungan, kay Se-
ñor Jesus Nazareno na lang ka-
mi aasa.
Huwag kayong mag-alala, in-
spirasyon lang namin siya. Alam
naming ang tunay na pagbaba-
go ay hindi ipagkakaloob ng
Maawaing Bathala, ng Diyos ng
Kasaysayan sa mga taong hindi
kumikilos para sarili nilang
paglaya. Sabi nga ng mga nau-
na sa amin: ―Nasa Diyos ang
awa, nasa tao ang gawa.‖ Ang
tunay na pagbabago ay mag-
mumula sa aming mga kamay…
kaming mga hindi ninyo isinasali
sa “fun” ninyo…kaming lagi na
lamang ninyong ineetse-pwera
at kinakalimutan. Sana, tulun-
gan n’yo na lang kaming likhain
ang mundo kung saan
ang “fun” o ―happiness‖ ay para
sa lahat na. ~~~
KABALINTUNAAN*
Walang puso
ang pulis,
ang maton,
ang gobyerno,
sa Barangay Corazon de Jesus
at wala ring Kristong nagsanggalang
sa mga dukhang inagawan
ng espasyo.
Ganyan kami
sa Pilipinas,
sa bayan ng de-boteng happiness
at huwad na sayang pang-iilan lamang:
it’s more fun pa rin ba
ang bukambibig ng elitista’t petiburgesya? Ah, lasing lang sila
sa sariling Kool-Aid;
patikimin din sana
sila ng langit
ng bitter pill
na Poverty
ang name na generic
para hindi na nila ipagsigawang
“It’s more fun in the Philippines.”
*Isinulat bilang reaksyon sa demolisyon sa Lunsod ng San Juan noong Enero.
17 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
Aktibong nakiisa ang Departamento ng Filipi-
no sa 5th DLSU Arts Congress sa pamamagitan ng
mga guro at mag-aaral ng departamento na nagbasa
ng papel sa nabanggit na kumperensya na isinigawa
sa Bulwagang Yuchengco noong Pebrero 15.
Kabilang sa mga nagbasa ng kanilang papel
sa kumperensya sina Dr. Emma Basco (―Dulang
Mananap: Tanghalan ng Buhay-Politikal, Sosyo-
kultural, at Ispiritwal ng mga taga-Hilagang Kama-
rines‖); David Michael San Juan (―Euphoria,
Pakikibaka at Bahala Na: Marxistang
Kontekstwalisasyon ng Tatlong Awiting Post-Edsa‖)
at Zendel Rosario Taruc (―Ang Pagsipat sa Kultura ng
Unibersidad ng Sto. Tomas at Unibersidad ng Pilipi-
nas: Isang Hambingang Pag-aaral‖),
Si Dr. Feorillo A. Demeterio III
ang tagapangulo ng Organizing Committee ng
nabanggit na kongreso.
Bahagi rin ng Arts Congress ang eksibit na
pinamagatang Visual Perspective: Art Explorations by
BALITA
Lasallian Educators. Tampok sa nasabing eksibit
ang iba’t ibang likhang-sining gaya ng eskultura
at pinta ng mga guro at mag-aaral ng mga paar-
alang La Salyano. Kasama sa eksibit ang ilang
eskultura ni Dr. Feorillo A. Demeterio III at isang
pinta ni David Michael M. San Juan. Pormal na
pinasinayaan ang eksibit sa DLSU Museum
noong Pebrero 15. Bukas ito sa publiko hang-
gang sa ika-4 ng Mayo.
Itinanghal naman sa Teyatro Teresa
Yuchengco noong Pebrero 16 ang iba’t ibang
talento ng mga La Salyano sa sayaw, awit ang
pagtula. Kabilang sa mga nagtanghal si Prop.
Genaro Gojo Cruz at G. Joel Costa Malabanan,
gradwadong mag-aaral sa ilalim ng Departamen-
to ng Filipino. Binasa ni Prop. Gojo Cruz ang
kanyang kwentong pambatang may pamagat na
―Ang Batang May Maraming-Maraming Bahay‖
at inawit naman ni G. Malabanan ang kanyang
dalawang orihinal na komposisyong ―Limot na
Bayani‖ at ―Speak in English Zone.‖
Mga Guro at Mag-aaral ng Departamento
Lumahok sa 5th DLSU Arts Congress
Mga eskultura ni Dr. Demeterio sa DLSU Museum. Ang pinta ni G. San Juan sa DLSU Museum.
18
BAGONG PROGRAMA SA FILIPINO INILUNSAD..mula sa pahina 1
Ang mga kalahok habang nakikinig kay Prop. Lourd De Veyra.
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 4, Bilang 3* ISSN 2094-9332
Nagkakahalaga ng P1,200 ang rehis-
trasyon sa nasabing worksyap (P1,000
para sa mga early bird, hanggang Mar-
so 31).
Bukod sa mga seminar-
worksyap ay may mga sertipikong pro-
grama (certificate program) din sa ila-
lim ng PIFPAG gaya ng Sertipikong kur-
so sa Riserts sa Filipino (Pagsulat ng
Tesis at Disertasyon, Interdisiplinaryo
at Multidisiplinaryong Lapit sa Riserts
sa Filipino); Sertipikong kurso sa Pag-
sasalin at Editing sa Filipino;
Sertipikong kurso sa Pagpaplanong
Pangkurikulum K+12 sa Filipino; at
Tatlong buwang sertipikong programa
para sa mga banyagang estudyante –
Filipino Language & Cultural Immer-
sion Program (FLACIP).
Nabuo ang PIFPAG sa
pamamagitan ng inisyatiba ni
Dr. Rhoderick Nuncio na kasalu-
kuyang college research direc-
tor ng Kolehiyo ng Malalayang
Sining, at sa tulong ng positi-
bong tugon ng Departamento
ng Filipino sa nasabing pro-
grama. Nagsagawa ng feasi-
bility study ang departamento
bago simulan ang PIFPAG.
Masisipat sa pifpag.co.cc ang
iba pang impormasyon hinggil
sa PIFPAG.
Nagdaos ng Ika-12 Kon-
greso at Pambansang Seminar-
Worksyap ang Sangunian sa Filipi-
no (SANGFIL) noong Setyembre 28-
30, 2011 sa awditoryum ng Na-
tional Institute od Science and
Mathematics Education De-
veloment (NISMED), Unibersidad ng
Pilipinas – Diliman. Ang tema ng
nabanggit ng seminar ay ―Gurong
Giliw: Teknik, Tanong. Tanaw sa
Wika at Pilipinas ng mga Piling Gu-
ro, Tampok ang Mahuhusay na Gu-
ro sa Wika at Panitikan ng Pilipi-
nas.‖
Sa unang araw, nagbigay ng
bating pagtanggap at inspirasyunal
na pananalita ang Tsanselor ng UP
Diliman na si Dr. Ceasar A. Saloma.
Naging pangunahing tagapagsalita
naman sa plenaryo si Dr. Pamela C.
Ika-12 Kongreso at Pambansang Seminar-Worksyap, Idinaos ng SANGFIL
Constantino, ng UP, na tumalakay
tungkol sa pagtuturo ng wika sa
tatlong antas ng pag-aaaral sa
elementarya, sekundarya at
tersyarya.
Sundan sa pahina 4
Si Prop. Ramilito Correa habang nagsasalita sa ika-12 Kongreso ng SANGFIL.