awakening the absolute [namulat sa kalubusan]

Upload: scsmathphilippines-sri-nama-hatta-center

Post on 04-Apr-2018

238 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    1/50

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    2/50

    Ang Namulat sa Kalubusan ay pagsasalin-wikanang Awakening on the Absolute. Ito ay sama-

    samang pinagtulungan at pinagsikapang isalinsa wikang Filipino nang mga pinagpipitagang

    debotong Filipino.

    Ang edisyong ito ay aming inaalay sa lotus napaanan nang minamahal naming Sri Gurudeva:

    Ang Kanyang Banal na Pagpapala

    Srila Bhakti Nirmal Acharya MaharajAng Sevaite na Tagapangulo at

    Humaliling-Acharya nangSri Chaitanya Saraswat Math

    Sa mga nais makipag-ugnayan kumontak sa

    lokal na sangay nito:

    Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines

    Sri Nama-hatta Center#66-D H. Ocampos St., Pook F. Amorsolo,Barangay U.P. Campus, Diliman,

    Quezon City, 1101 PhilippinesE-mail:[email protected]

    mailto:[email protected]:[email protected]:[email protected]:[email protected]
  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    3/50

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    4/50

    Ang Kanyang Banal na Pagpapala

    Om Vishnupada Paramahamsa

    Parivrajakacharya-varya Astottara-sata Sri Srimad

    SRILA BHAKTI SUNDAR GOVINDA DEVA GOSWAMI MAHARAJ

    Ang Pangunahing disipulo at matalik na tagapaglingkod ni SrilaSridhar Maharaj, naging Tagapangulo at Acharya nang Sri

    Chaitanya Saraswat Math.

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    5/50

    Ang Kanyang Banal na Pagpapala

    Om Vishnupada Paramahamsa

    Parivrajakacharya-varya Astottara-sata Sri Srimad

    SRILA BHAKTI RAKSAK SRIDHAR DEVA GOSWAMI MAHARAJ

    Ang Nagtatag at Naunang Acharya nang

    Sri Chaitanya Saraswat Math.

    Dahil sa kanyang mataas na kamulatan at malalim na debosyon

    sa kamalayan kay Krsna, si Srila Sridhar Maharaj ay ginawaran

    ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Maharaj

    Prabhupad, ang kanyang Maestrong Pang-espirituwal, nang

    titulong Tagapangalaga nang Debosyon.

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    6/50

    Habam-buhay akong nagpapasalamat saKanyang Banal na Pagpapala kay Srila A.C.Bhaktivedanta Swami Maharaj Prabhupad, ang

    Dakilang Banal na Embahador ng PanginoongChaitanya at ng Banal na Pangalan sa

    Kanlurang bahagi ng mundo, na amin namangSiksha-guru.

    Itoy aming inaalay din sa aming Sri

    Acharyadeva, sa Kanyang Banal na Pagpapalasi Sri Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-

    Goswami Maharaj na kung saan ang mgadisipulo at mga tagasunod sa linya nang Sri

    Chaitanya Saraswat Math ay patuloy nabinibigyan niya nang inspirasyon at buhay sa

    hangaring matahak ang mga banal na huwarangipinakita nang Dakilang Nagpasimula at

    Nagtatag ng Sri Chaitanya Saraswat Math, angKanyang Banal na Pagpapala si Om Vishnupad

    Sri Srimad B.R. Sridhar Dev-Goswami Maharaj.

    kamasya nendriya-pritir

    labho jiveta yavatajivasya tattva-jijasa

    nartho yas ceha karmabhih

    i

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    7/50

    Hindi natin dapat ituon sa pansarilingkasiyahan ang hangarin natin sa buhay. Marapat

    lamang na maghangad tayo nang isangmasiglang buhay, o ang mabuhay lang, dahil

    ang pagiging isang tao ay nauukol upangmagtanong ng tungkol sa Di Mapag-

    aalinlanganang Katotohanan. At tanging itolamang ang dapat na maging gawain natin sa

    buhay.[Srimad Bhagavatam 1.2.10]

    ii

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    8/50

    Isang napakalaking kasiyahan at kapalaranpara sa akin ang mailahad bilang isang aklat ang

    maikling pangungusap na ito nang KanyangBanal na Pagpapala Srila B.R. Sridhar Dev-

    Goswami Maharaj.

    Sa mga matapat na mag-aaral ng kamalayankay Krsna, tulad ng inihatid sa atin mismo nang

    Supremong Panginoon Sri ChaitanyaMahaprabhu, ang nais ni Srila B.R. Sridhar

    Maharaj ay makapagbigay nang kauntingpaninulang pananalita. Si Srila Sridhar Maharaj

    ay ginawaran ni Srila Bhakti SiddhantaSaraswati Thakur Prabhupada, ang dakilang

    nagpasimula nang mga aral ng dalisay nateistikong pang-debosyunal para sa

    kasalukuyang panahon [1874-1937], nang titulobilang Tagapangalaga nang Debosyon dahil

    ang naging buhay at mga aral nitoangmalawak niyang kaalaman sa mga banal na

    kasulatan, sa salita man o panulat at ang

    malalalim nitong kaalamanay kapwa umantigsa di-mabilang na puso, nang kanyang mgakapatid sa pananampalataya at gayun sa

    kanyang mga disipulo.iii

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    9/50

    Noong pumanaw na sa mundo si Srila A.C.

    Bhaktivedanta Swami Maharaj Prabhupad[1896-1977], ang mahal na kapatid sa

    pananampalataya ni Srila Sridhar Maharaj, atdakilang embahador ng kamalayan kay Krsna sa

    mga taga Kanlurang bahagi ng mundo, maramisa mga disipulo ni Srila Prabhupad Swami

    Maharaj ang binigyan mismo ni Srila SridharMaharaj ng panibagong buhay, ng bagong

    liwanag at pag-asa.

    Si Srila Guru Maharaj ay pumanaw namansa mortal nating pananaw noong 1988, matapos

    niyang maitalaga bilang kahalili ang kanyangpinakamamahal na disipulo, si Srila Bhakti

    Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj. Angkaningningan ng katauhan ni Srila Sridhar

    Maharaj ay matinding nagnining-ning sa puso

    nang kanyang mga disipulo, mga apong-disipuloat kanilang mga tagasunod sa buong panig ngmundo, at doon din sa lugar ng kanyang bhajan

    [kanyang pinagsasambahan], sa napakagandangSri Chaitanya Saraswat Math na nasa

    Nabadwip.

    Sa gitna nang naganap na kaguluhan noongunang buwan ng 1982, marami sa mga deboto

    iv

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    10/50

    ang naghanap ng gabay para sa kanilangespirituwal na buhay, at napapunta sa Sri

    Chaitanya Saraswat Math, kay Srila SridharMaharaj. Ang babasahing ito, ang Ang Pang-

    gising sa Kalubusan ay hango sapakikipagtalakayan sa pagitan ni Srila Sridhar

    Maharaj at ng mga deboto. Ang totoo, noon pamay matagal na naming alam ang

    napakagandang hiyas ng talakayang ito, na ibigsana naming ilathala at ilimbag subalit hindi

    namin matagpuan ang record. Minsan, noongakoy nasa Norway taong 1997, hindi ko

    akalaing makita ko ang video ni Srila SridharMaharaj na ipinapalabas sa bahay ng isang

    deboto, at naku! Salamat naman, kamiypinagpala dahil nakopya namin ang audio, at

    nailay ang saling-wika nito.

    Noon, dalawang maiikling aklat hango sa

    pakikipag-usap din kay Srila Sridhar Maharaj,na may pamagat na Aliw ng Tahanan atPanloob na Kasiyahan, ang nailabas na.

    Bagamat ito sana ang gagawin namingpambungad na pananalita tungkol sa buhay ng

    espirituwal na debosyon, na maaaring ilabassana sa madla, dahil may mga matataas at

    malalalim na konsepto din ito. At ang isa pa,malaki talaga ang naitulong ng aklat na ito na

    v

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    11/50

    labis na nagustuhan ng mga deboto sa buongmundo.

    Marahil ang Ang Pang-gising sa

    Kalubusan ay masasabi nating ikatlo sakabuuang trilohiya nang aklat na ito. Sa aklat na

    ito, si Krsna ay ganap na tinutukoy at inilalahadbilang pinaka-aspeto nang Di Mapag-

    aalinlanganang Katotohanan. Kung kayatmasasabi talaga nating ang kamalayan kay

    Krsna ang pinaka-summum bonum ng lahat ngespirituwal na paghahanap. At dito sa tema nang

    mga aklat na ito ang likas na paghahanap ngbawat nilalang sa kasiyahan, na tanging tao

    lamang ang maaaring makaranasangpaghahanap na ito, na nagsimula sa nabanggit

    na katauhan, ay isang pagpapala para sa isangkaluluwa dahil magkakaroon siya nang higit na

    pagkakataon upang makapaglingkod.

    Bagamat sinasabing ang pinaka-pangunahinat pinaka-mahalagang katangian sa lahato ang

    panimulang katangian ay ang ating matapat napananalig [angsraddha]na sadyang kailangan

    ng mga taong naghahangad ng espirituwal nabuhay, isang kamalian ang sabihing ang

    espirituwal na buhay ay walang-basehan,padalos-dalos o hindi siyentipiko. Kaya sa

    vi

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    12/50

    pamamagitan ng tunay na pagsasagawa nangespirituwal na buhay sa ilalim ng isang

    ekspertong gabay, at gayun din sa tulong ngBanal na Pagpapala, ang layuning ito ay ating

    mauunawaan sa pamamagitan ng tatlongyugtoat ito ang pupukaw o magmumulat sa

    kaluluwa. Ang sabi nga mismo nang Panginoonay, Sa lahat ng uri nang karunungan, sa lahat

    ng uri nang siyentipikong pag-aaral, Ako angespirituwal na siyensya nang sarili, nang ating

    katauhan ang kaalamang tumutukoy sakaluluwa. [Bhagavad-gita 10.32].

    Ganunpaman, dito sa siyensyang ito ni

    Krsna, ang mga ginawa natin ay hindi maaaringsuriin tulad ng mga naging kaugalian, dahil ang

    mga ginawa natinkung tutuusin ay hinditalaga maaaring pag-eksperimentuhan, o kaya

    busisiin, sa pamamagitan ng mga kung anu-

    anong aparato, kundi sa pamamagitan mismonang taong nag-eksperimento nito.Samakatuwid, ang resulta ay mismong makikita

    natin sa mga taong gumawa nito.

    Kung kayat,para sa mga hindi pa binyagan,doon sa mga taong wala pang panimulang

    binyag, ang mga karanasan natin sa ating

    vii

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    13/50

    relihiyon ay di-talaga mawaring misteryo. Tuladng sinabi ni Sri Krsna kay Arjuna:

    Ang pagkamulat sa mga espirituwal na bagay

    ay parang gabi sa mga namatanda nang materyalna kababalaghan, subalit ang mga mulat na

    kaluluwa na nagkaroon ng espirituwal nakaalaman ay nananatiling gising, at tuwirang

    nagtatampisaw sa banal na kalugud-lugod nakasiyahan. Samantalang doon sa mga taong

    gumon naman sa materyal na kasiyahandoonsa mga taong naakit ng mga panandaliang

    materyal na kasiyahan at mga taong salat saespirituwal na kasiyahandahil sa pabaligtad

    nilang pagtahak sa buhay, ay parang gabi namansa mga taong namulat na. [Bhagavad-gita

    2.69].

    Mapalad ang isang taong nagsasaliksik

    kapag tunay at seryoso ang kanyangpaghahanap, dahil tiyak itong makahahanap ngbuhay na kinatawan, tulad sa naitalang payo

    nang Panginoon sa Bhagavad-gita kay Arjuna,na Kanyang disipulo:

    tad viddhi pranipatena,

    pariprasnena sevaya

    upadeksyanti te janam,

    viii

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    14/50

    janinas tattva-darsinah(Bhagavad-gita 4.34)

    Sa pamamagitan ng nakadapang pagbibigay-

    galang, makatwirang pagtatanong at matapat napaglilingkod, ang kaalamang itoy inyong

    matatamo sa inyong maestrong pang-espirituwaldahil siya ay napaligaya mo. Dahil ang mga

    dakilang kaluluwang ito, na pinaka-dalubhasa sakaalaman ng mga banal na kasulatan at tuwirang

    nakakakilala sa Supremong Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan, ang magtuturo sa

    inyo nang banal na kaalaman.

    Ang katangi-tangi sa mga naging pahayagng Kanyang Banal na Pagpapala Srila Sridhar

    Maharaj, ay ang paggamit niya nang mga talatamula sa banal na kasulatan, na bawat linya ng

    salita ay kanyang ipinapaliwanag at inilalahad

    maging ang maganda at nakatagong buhay nakahulugan nito. Dito, ipapakita din natin angisang mala-siyentipiko, malinaw at walang-

    kinakatigang paglalahad habang tumataas angating kaisipan o kamalayan, magmula sa

    pagkilala nang ating sarilibrahma-bhutahprasannatma [Bhagavad-gita 18.55] hanggang

    doon sa eternal at sagradong paglilingkod,muktir hitvanyatha rupam, sva-rupena-

    ix

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    15/50

    vyasastitih: ang unti-unting pagkamulat ngkaluluwa, hanggang sa maabot natin ang

    pinaka-rurok, ang buhay na pakikipag-ibigankay Krsnana naging titulo nga ng aklat na

    ito.

    Ang nais namin, hanggat-maaari, habangisinasalin sa panulat ang mga ipinapahayag ni

    Srila Sridhar Maharaj, itoy talagangnakapaloob sa diwa nang kanyang damdamin

    at agos. At kapag di-na talaga maiwasan, itoysaka pa lamang namin inaayos, na kasing-linaw

    din at tulad ng kanyang mga ipinahayag, (laluna) sa mga magbabasa na hindi pa talaga

    pamilyar sa puro-espirituwal na pananalita niSrila Sridhar Maharaj na talaga namang kaakit-

    akit at parang tumutula.

    Sa katapusan ng aklat na ito ay makikita

    ninyong isinama na rin namin ang ilang talatatungkol sa pag-awit at pag-usal ng Banal naPangalan, ang yuga-dharmma, ang

    inirekumendang pamamaraan upangmaunawaan ang espirituwal na kaalaman sa

    kasalukuyang panahon.

    Talagang napakahalaga nang mgabinitiwang pangungusap dito ni Srila Sridhar

    x

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    16/50

    Maharaj na tumatalakay sa konsepto nangkamalayan kay Krsna, ang totoo, nagulat pa nga

    kami dahil hindi pa ito nailabas ng kanyang mgadisipulo noong 1980. Ganun pa man, mayroon

    pa namang mga naiwang-yaman (na sa palagaynamin, magmula noong 1979-1988, ang mga

    nairekord sa loob ng siyam na taon ay aabutinpa sa mga 80 aklat!); at ang isa pa, kung sakali,

    isang napakalaking pagkakataon, para sa inyongabang-lingkod ang muling makapaglingkod pa

    sa gawaing ito.

    Bilang pagwawakas, buong kasiyahanginihahandog namin sa inyong lahat ang mga

    pahayag na ito nang Kanyang Banal naPagpapala.

    B.S. Tridandi Swami

    Kapistahan sa Pagdiriwang ng Paggunita sa

    Sannyasa-lila ni Sriman MahaprabhuIka 15 ng Enero, 1999

    xi

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    17/50

    pramanais tat sadacaraistad abhyasair nirantaram

    bodhayann atmanatmanambhaktim apy uttamam labhet

    Ang Pinaka-Supremong Debosyon ay ating

    makakamit sa pamamagitan ng dahan-dahangpagtaas ng kamulatan ng katutubong katauhan

    natin at itoy ating magagawa sa pamamagitanng walang-tigil na paglinang sa mga kautusang

    ipinag-uutos sa atin ng mga kinauukulan, at sapamamagitan ng paggawa nang kabutihan at

    pagsasanay sa espirituwal na buhay.[Sri Brahma-samhita talatang 59]

    xii

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    18/50

    Purihin ang Kadakilaan ng Sri Guru at

    ni Sri Gauranga

    Srila Sridhar Maharaj: Makikita natin ang

    talatang ito sa Srimad-Bhagavatam:

    avismrtih krsna-padaravindayoh

    ksinoty abhadrani ca sam tanoti

    sattvasya-suddhim paramatma-bhaktim

    jnanam ca vijnana-viraga-yuktam(Srimad Bhagavatam 12.12.55)

    (Ang sinumang nakaka-alala sa lotus na paananni Krsna, ang lahat ng kasamaan at kamalasan

    nitoy agad na nawawala, at itoy nagkakaroon

    nang mabuting kapalaran. Sa madaling salita,hindi na kayo marurumihan nang mga materyalna bagay, magiging malaya na kayo, at kayoy

    hindi na muling ipapanganak at mamamatay,kung ganoon, simulan na ninyo ang inyong

    espirituwal na buhay. At habang ang pusoninyoy unti-unting nalilinis, at mamumulat, ang

    debosyon ninyo sa ating Panginoon aymagigising ang debosyon ninyo sa Panginoon

    1

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    19/50

    na nasa kaloob-looban ng puso ninyo, at angParamatma ay inyo nang malalaman. Dahil

    dito, unti-unti kayong matututo, magkakaroonkayo nang kaalaman [jnana], kayoy

    mamumulat [vijana], at magkakaroon ngrenunsyasyon [vairagya], pagtalikod sa

    materyal na gawain.).

    Sa pamamagitan ng kamalayan kay Krsna atng pag-alala sa lotus Niyang paakrsna-

    padaravindayoh, ang ating abhadra, ang mgabagay na di kanais-nais, na maaaring makasama

    sa atin ay mapupuksa at madudurog. At anglahat ng klaseng masasama, nakakarimarim, at

    ang lahat ng maruruming bagay na nasa loobnatin ay mapupuksa at madudurog din habang

    walang-patid nating isinasagawa ang kamalayankay Krsna.

    Kahit saang yugto pa ito umabot, kahit itoynasa pinakamababang-antas pa, kahit itoykakarampot o may-dampi lamang ng kamalayan

    kay Krsna, ay sapat na upang puksain ang mgadi kanais-nais na bagay na umuugnay sa atin na

    nasa ibaba. Itoy magdudulot sa atin ngkabutihan:sattvasva-suddhim, tayo ay magiging

    mabuting tao; at magiging malinis ang atingkaluluwa. Ang ating pananaw, ang ating

    2

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    20/50

    kaalaman, ang ating mithiin ang lahat ng ito,ay magiging malinis din. At, paramatma-

    bhaktim: tayo ay magkakaroon na nangdebosyon, magiging malapit ang ating kalooban

    sa pinaka-super na pangunahing lupain; at angating kaalaman, ang ating konsepto tungkol sa

    janam ca ay magiging maayos na. At angkarunungang ito ang konseptong tumatalakay

    sa Kanya ay magiging vijana, magigingmaayos na konsepto, at tayo ay magiging

    virago-yuktam, mawawalan na nang interes samateryal na mundong ito.

    Kaya kahit anu pa ang mangyari, manatili

    parin tayo sa kamalayan kay Krsna. At angnaging payo nga nila sa atin ay: manatili sa

    kamalayan kay Krsna, dahil ito angating gamot.Tanging ito lamang ang medisinang

    makapagbibigay sa atin ng kamalayan kay

    Krsna, ang maaaring magbigay-lunas sa mganararamdaman natin at maaaring tumuklas ngkamalayan kay Krsna na nasa kaloob-looban

    natin.

    Liwanag ng Ilaw

    Ang lumikha sa kamalayan kay Krsna aykamalayan din kay Krsna! Dito ang kailangan

    3

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    21/50

    natin ay tulong ng isang saddhu na may tanganng kamalayan kay Krsna. Itoy parang

    pagpapadingas ng kandila mula sa isa pangkandila. Ang kandila ay hindi kusang

    nagdidingas, kundi,, itoy sinisindihan mula saisa pang kandila parang ganito. Kaya

    kailangang gisingin natin ang nakalibing nakamalayan natin kay Krsna na natatabunan nang

    anyabhilasakarmma-jana(ng mga taong naistumikim ng kanilang ginawa, mga taong

    makasarili, mga taong nais ng materyal nakasiyahan, panandalian man o hindi; at mga

    taong naghahanap ng pilosopiya sa buhay oespirituwal na kaalaman na wala namang

    debosyon sa Panginoon.); kaya, ang liwanag naito, ang pakikisalamuha natin sa saddhu na ito,

    ang siyang tutulong sa atin upang gisingin angnatutulog na kamalayan natin kay Krsna na nasa

    kaloob-looban natin, nang sa ganoon, muling

    bumangon ang kamalayang ito at ipakita angkanyang katauhan sa atin. Kaya ang dapatnating gamiting pamamaraan ay ang: saddhu-

    sangha krsna-bhakti janma-mula, hayasadhusangha ang makisalamuha at makisama

    sasaddhu, sa mga deboto ni Krsna, dahil ito angpinaka-ugat at sanhi nang ating kamalayan kay

    Krsna.

    4

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    22/50

    At ang isa pa, ang sabi nila, ang kamalayankay Krsna ay ahaituki, itoy kusang sumusulpot

    lamang. Kung ganoon, papaano natin makukhaang katotohanang ito? itoy sa pamamagitan

    ng Krsnabhakti, sa pamamagitan ng pananalignatin kay Krsna, ng debosyon natin kay Krsna,

    at sasaddhu; kung ganun, bakit sinasabing itoybasta sumusulpot lamang?

    Hinggil sa bagay na ito, ipinaliwanag ni

    Srila Visvanatha Chakravartti Thakur ang ibigsabihin ng talatang ahaituki na nakasaad sa

    Srimad-Bhagavatam [1.2.6]:

    sai vai pumsam paro dharmoyatho bhaktir adhoksaje

    ahaituky apratihatayayatma suprasidati

    (Ang pinaka-supremong gawain otungkulin [dharma] para sa sanlibutan ay angmga bagay na makapaghahatid sa atin sa

    debosyunal na paglilingkod, doon satransedental na Panginoon. Dahil ang mga

    ganoong debosyunal na paglilingkod ay kusangumuusbong at hindi maaaring pigilan, at itoy

    nagbibigay nang ganap na kasiyahan sa atingsarili) At dito, sa naging paliwanag ni Srila

    5

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    23/50

    Visvanatha Chakravartti Thakur, ang krsna-bhakti ay ahaituki, kusang umuusbong ng

    walang kadahilanan, at itoy apratihata din,tuluy-tuloykaya kapag itoy nagising na sa

    ating puso, tayo ay makakaramdam ng isangkahanga-hanga at kasiya-siyang bagay, yayatma

    suprasidati. Ang kasiyahang itoy magmumulasa ating puso, at itoy ating mararamdaman.

    Ahaituky apratihata: kusa itong uusbong; atitoy hindi natin maaaring pigilin, itoy hindi rin

    maaaring kontrahin, dahil hindi din itotinatablan parang ganito. Ang bhakti ay

    nagmumula din sa bhakti. Kung kayattinatawag ito na ahaituki. Katulad sa isang

    kandila, na sinindihan ng isa pang kandila.Magmula sa liwanag, nagkaroon ng liwanag.

    Itoy sa ganitong paraan natin mahahanap, atdapat nating maunawaan: ang orihinal na

    Liwanag, ay eternal, itoy mag-isang

    namumuhay at kusang tumutulong din sa iba,nang walang dahilan, walang kadahilanan, atkusang umuusbong. Ang sanhi nitoy eternal

    na nananalantay na sa kanya, at tumutulong.

    Ang Kuneksyon sa Kapatagang

    Dahilan ng Lahat

    6

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    24/50

    At ang isa pa, ang bhakti ay apratihata:kung titignan natin, ito ay pansamantalang

    parang nalalabanan, o napipigilan, subalit:nehabhikrama-naso sti pratyavayo-na vidyate

    [Kahit ang maliit na pasimula sa debosyunal napaglilingkod ay hindi masasayang o mababale-

    wala. Bhagavad-gita 2.49] Hindi itomawawala sa inyo! Maaaring pansamantalang

    napipigilan, subalit itoy mananaig pa din dahil may eternal itong katangian.

    Ang katangian ng mga ginawa ninyo ay

    eternal: may kuneksyon sa etenal na aspeto nangsandaigdigan. Kung kaya itoy isang

    apratihata. Ang ganitong uri ng buhay aydapat nating puntahan, kailangang iugnay natin

    ang ating mga sarili sa ganoong uri ng antas ngbuhay sa ganoong klaseng kapatagan, sa

    ganoong uri ng pangunahing buhay, kasamahan,

    o kalagayan. May ganito talagang buhay; angkailangan lamang ay magkaroon tayo nangkaugnayan dito.

    Sistematikong Kaalaman

    Kaya, mula sa talatang ito ng Srimad-

    Bhagavatam:

    7

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    25/50

    avismrtih krsna-padaravindayohksinoty abhadrani ca sam tanoti

    sattvasya-suddhim paramatma-bhaktimjnanam ca vijnana-viraga-yuktam

    (Srimad Bhagavatam 12.12.55)

    Makikita natin sa talatang ito, ang salitangjanam ca vijana virago-yuktam na ang ibig

    sabihin ng jana ay direktang kaalaman ngisang bagay, at ang salitang vijana, ay

    sistematikong kaalaman naman. Maging doon saBhagavad-gita, ang salitang vijana ay ating

    makikita:

    jnanam te ham sa-vijnanam,idam vaksyamy asesatah

    yj jnatva neha bhuyo nyaj,jnatavyam avasisyate

    (Bhagavad-gita 7.2)

    [Ngayon, Akin namang ganap na ilalarawan saiyo, na may timpla nang banal na katamisan,

    ang Aking malawak at kahanga-hangangkapangyarihan. Na kapag itoy inyong

    naintindihan, wala ka nang dapat pangmalaman, dahil ikaw ay malalagay sa

    napakaganda, kasiya-siya at matagumpay nalandas]

    8

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    26/50

    Dito ang ibig sabihin nang jana ay

    pangkalahatang kaalaman, kabuuan, at angsalitang vijana naman ay kaalamang tungkol sa

    kaliit-liitang bahagi nito na parang isangsistema, maayos o sistematikong kaalaman.

    Kaya ang salitang: janam ca vijana-viraga-yuktam, ay tumutukoy sa isang sistema, mga

    ibat-ibang grado ng pamamaraan, ng mgabahagi nito.

    Nasa Ayos na Pagka-akit

    At ang viragaang salitang viraga ay may

    dalawang kahulugan: negatibo, at positibo.Ang negatibong kahulugan ay: hindi ka na

    maaakit pang muli sa mga bagay na walangkaugnayan sa Diyos, na ang ibig sabihin, hindi

    ka na muling maaakit pa sa anumang

    kamunduhan, hindi ka na maaakit ng anumangmateryal na pangangailangan. At ang positibonaman ay ang: visisyate-raga matinding

    [visisyate] pananalig [raga] ganitong klasengpananalig ang dapat nating sundin at tanggapin,

    ang proseso nang pagpili at pagtapon, ito angpananalig na nasa tamang lugar.

    9

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    27/50

    Ang pagkaakit ninyo sa [Kanya, sa Diyos]ay hindi magiging hilaw o haka-haka: Mabuti

    to; yan ay masama; ah, ito mayhalo, kundihabang tumataas ka nababawasan naman ang

    pagka-akit mo, nababago ang umaakit sa inyo.Ito ang ibig sabihin nang virago-yuktam.

    Kaya ang karunungang ito ay: janam ca

    vijanam-viragayuktam: karunungang kaakit-akit sa atin at sa naranasan nating sistema, na

    humigit-kumulang siyang nakakakilala talagasa ganoong uri ng damdamin at sa bawat

    bahagi ang lahat ng ito ay kailangan natin.

    Kumikilos ayon sa tungkulin: iba angkahalagahan ng mata, at iba din ang

    kahalagahan ng kamay, silay hindi pantay-pantay; subalit magkakasamang gumagalaw sa

    iisang partikular na sistema. Sama-samang

    gumagalaw: kaya saanman tayo, anuman anggawin natin, kumilos tayo ayon sa ating mgapangangailangan kumilos ayon sa tamang

    galaw. Kaya, ang ulo ay higit na masmahalagakaysa paa. Sa paraang ito, unti-unting

    magiging maayos ang sarili mo sa umiiral nasistema.

    10

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    28/50

    Sa umpisa, hindi pa ito malinaw, lahatsilay kaakit-akit pa sa atin, subalit sa pagtagal,

    ang pagka-akit nating ito ay mapapaloob saisang sistema. At hanggat napapalapit naman

    tayo sa bahaging iyondoon sa umaakit sa atin [Siya] ay inyong makikilala sa pamamagitan

    ng sistematikong pamamaraan.

    Masmalinaw na Konsepto

    Kaya:avismrtih krsna-padaravindayoh

    ksinoty abhadrani ca sam tanoti .

    Ang inilalarawan dito, ay ang kabuuan nglandas para sa maayos na pag-unlad. At

    pagkatapos, ang sattvasya-suddhim: habangtumataas ang inyong kaalaman, ang mga bagay

    na di-kanais nais at hindi kailangan ay

    mapapalis. Higit na nagiging malinaw angkonsepto nang ating kaisipan magigingmalinaw na malinaw. At habang itoy nagiging

    malinaw, ang mga bagay na di-kanais nais, angmga bagay na hindi natin kailangan, ay unti-

    unting maglalaho, hanggang sa maabot natinang perpektong kaisipan: sattvasva-suddhim. Sa

    simula, magkakaroon muna kayo nangkaalaman tungkol sa sattva [katotohanan], na

    11

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    29/50

    itoy eternal pala, sat-cit-ananda (eternal nakatotohanan, kamalayan at kalugud-lugod na

    kasiyahan), hanggang sa unti-unting magingmalinaw na ito at maging purong kaalaman na

    natin.

    Ganito ang pagtaas natin sa kamalayan kayKrsna. Sa simula, ang makikita muna natin ay

    ang matinding liwanag; hanggang sa itoymagka-anyo, magkaroon ng pigura; pagkatapos

    ang kanyang lakas o kapangyarihan ay atin ngmararamdaman; hanggang sa lila [mga pag-

    aaliw] nang kapangyarihang ito. Kaya saganitong pamamaraan, habang papalapit tayo

    nang papalapit, maraming maliliit at katiting nabagay ang buong cit-vilasa (ang mga

    espirituwal na bagay na nasa kapatagan ngkamalayan) ay ating makikita. At habang ikaw

    ay papataas ng papataas, ikaw ay papalapit din

    ng papalapit sa tinutukoy mo, at ang ibat-ibangbagay na nasa kapatagang iyon ay iyo namangmapagmamasdan. Habang ikaw ay pataas ng

    pataas pataas ka din ng pataas sa bhakti, sadebosyon.

    12

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    30/50

    Purihin ang Kadakilaan ng Sri Guru at

    ni Sri Gauranga

    Srila Sridhar Maharaj: May gusto bangmagtanong?

    Disipulo: Doon po saBhagavad-gita, ang sabi

    ni Krsna ay:

    bahunam janmanam ante,jnanavan mam prapadyate

    vasudevah sarvam iti,

    sa mahatma sudurlabhah

    [Bhagavad-gita 7.19]

    (Sa bandang huli, ang isang jani, matapossiyang maraming ulit na maipanganak, at

    maunawaan niyang [dahil nakasama niya angAking dalisay na deboto], ang buong

    sandaidigang tinatahanan ng mga gumagalaw at

    di-gumagalaw na nilalang, ay katulad din pala niVasudeva, at silay nasa ilalim din ng Kanyangkapangyarihan.) [at Ako, bilang si Vasudeva,

    ang bukal ng lahat-lahat ng ito.] Ang

    13

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    31/50

    kaluluwang ito, matapos niyang maunawaan angkonseptong ito, ay agad na nagpapailalim sa

    Akin. At ang mga ganoong klaseng tao aypambihira talaga. Ano po ba talaga ang ibig

    sabihin nito?

    Srila Sridhar Maharaj: Ang ibat-ibangkonsepto nang paniniwala ay nagmumula sa

    konseptong brahma. Dahil doon sa konseptongbrahma ang lahat ng itoy mga pinagsama-

    samang kamalayan: lahat ay pawang nag-iisang kamalayan muna. At pagkatapos, sa

    pamamagitan ng masmalalim na pananaw:makikita natin sa loob ng kamalayang ito ang

    kanilang indibidwal na kamalayan. Mayroonsilang kanya-kanyang kamalayan at sariling

    katauhan.

    Kamalayan at Katauhan

    Ang totoo, walang kamalayan o anumangbagay na may isip ang walang indibiwalidad, o

    katauhan. Kaya, kapag sinabing kamalayan itoay tumutukoy sa katauhan: sa kanyang

    personalidad at sa kanyang kamalayan, at silaymaaaring paghiwalayin. Ang nakikita nating

    ibat-ibang katauhan, ay sinag lamang ngkanilang katauhan parang ganito. At ang

    14

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    32/50

    sinag na ito ng brahmaay kumbinasyon dinng kanilang maliliit na katauhan, kumbinasyon

    ng mga kaluluwa.

    May dalawang uri ng sustansya: ang ksara,na nagbabago, naglalaho; at aksara, di-

    nagbabago, eternal. Sinabi nang PaninoongKrsna saBhagavad-gita [15.16]:

    yasmat ksaram atito ham

    aksarad api cottamahato smi like vede ca,

    prathitah purusottamah

    [Bhagavad-gita 15.18]

    Ako si Purusottamah na higit pa sa

    dalawang sustansyang ito, sa ksara at aksara.At bilang si Purusottama, ang Supremong

    Katauhan, ang mga kadakilaan Ko ay inaawit sa

    buong mundo at sa mga banal na aklat.

    Ang ibig sabihin ng Purusottama ay

    Vasudeva. Kaya, bahunam janmanan ante ;ang mga janis, na nasa impersonal na

    pamantasan, matapos silang paulit-ulit naipanganak, ay darating din sa kaalamang

    tumutukoy kay Vasudeva, sa personal na

    15

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    33/50

    katauhan ng Pinaka-pangunahing Dahilan angLahat.

    Ang Tunay na Debosyon ay

    Pambihira Talaga

    Subalit ang mga ganoong klaseng janis aymahirap hanapin. Dahil karamihan sa kanilaay

    hindi makatawid sa linyang ito. Silay agad nanaliligaw:

    ye nye ravindaksa vimukta-maninas

    tvayy asta-bhavad avisuddha buddhayah

    aruhya krcchrena param padam tatah

    patanty adho nadrta-yusmad anghrayah

    [Srimad Bhagavatam 10.2.32]

    (O Panginoon, na may matang parang lotus,

    akala nang mga taong walang debosyon sa Inyo

    silay malaya na at nakarating na sapinakamataas na kalagayan dahil sa matindingpag-aayuno at pagpipinitensya, subalit ang

    isipan nilay nananatiling marumi parin. Puropagbabaka-sakali lamang ang kanilang

    ginagawa at ayaw magpailalim pa sa Inyo.Silay muli paring babagsak dahil wala silang

    respeto sa lotus na paanan Mo, dahil akala nila,silay masmataas pa sa materyal na kalagayan).

    16

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    34/50

    Pangkaraniwan nang, dahil sa kanilangmatinding pagsisikap, ang mga janis ay

    nakakaabot sa pinakamataas na kalagayan, atkapag ang kamalayang ito, na pagiging isang

    tao -- ay hindi parin nila nakuhasilay mulina namang babalik. Kailangan pa nilang

    bumalik, kaya sila bumabagsak. At angsinumang makatatawid sa linyang ito, ang

    sinumang makakaunawa nito ay ganito angmasasabi: Ah ganun pala, ang ibig sabihin pala

    ng kamalayan ay katauhan Malaki pala angKanyang katauhan, at akoy maliit lamang ,

    dito nagsisimula ang bhakti. Dito natin makikitaang relasyon ng nasa ibaba at nasa Itaas. At ang

    sa mahatma sudurlabhahang mga ganoongklaseng tao, sa grupo ng mga janis, na

    makapagbibigay sa atin ng kuneksyon sapinakamataas na aspeto ng buhay, ay mahirap

    talagang hanapin. Dahil karamihan sa kanila ay

    bumabagsak at muling bumababa dito.Nararating lamang nila ang mataas na lugar naiyon sa pamamagitan ng matinding

    pagpipinitensya, subalit dahil hindi nilamatanggap na sa pamamagitan lamang pala ng

    debosyon maaari nating makasama ang nasaItaas, silay muling bumabalik.

    17

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    35/50

    Katauhang may Angkop na

    Kapangyarihan

    Subalit ang mga taong nagsasabing:

    vasudevah sarvam iti, si Vasudeva siPurusottamaay may katauhan, ay maaari nang

    tumawid at pumasok sa Vaikuntha, doon saloob ng paglilingkod. At doon sa lugar na iyon,

    ang sabi nila, habang lumalawak ang atingpananaw, ang kapangyarihan sa katauhan ng

    Diyos ay ating makikita. Hanggang sa magingdeboto tayo nina Laksmi-Narayan, at tuluy-

    tuloy ng makapasok sa loob ng Vaikuntha-seva.At sa paglilingkod na iyon, tayo ay

    mapapahanga sa Kanilang kapita-pitagan atkagalang-galang na kalagayan; at doon din sa

    lugar na iyon ay makikita natin ang mgapanuntunangshastric (mga panuntunan ng banal

    na kasulatan), at tulad din ng mga ipinapakitang

    halimbawa nang mga matataas na kaluluwa namagiging gabay natin.

    Ang Paghahanap nang Magagawa

    At doon sa Vaikuntha-seva,kapag napansin

    ng isang kaluluwa na wala siyang masyadonggawain, itoy nakakaramdam ng isang uri nang

    pagka-uhaw na hindi mapawi-pawi. At

    18

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    36/50

    maghahanap ito nang ibang masmalinis atdalisay na rasa (particular na damdamin ng

    isang kaluluwa habang naglilingkod onakikipag-relasyon sa Panginoon, at ang lasa

    na kanilang nararamdaman), kaysa sapanandaliang paglilingkod (dasya-rasa).

    At sa bandang huli, ang serbisyo sa

    madhura-rasa ang ginagawa nang magsing-irog, nang magkatipan ang maghihikayat sa

    inyong muling tumaas pa. Mararamdamanninyong nais pa ninyong tumaas, at muling

    lumalim pa. At unti-unti, habang kasa-kasamaninyo ang mga ahente nito (ng madhura-rasa),

    mapapansin ninyong namumulaklak na pala angpuso ninyo. Mamumulaklak nang todo, habang

    unti-unting dadalhin kayo nang puso ninyo saGoloka Vrndaban (ang pinaka-supremong

    planeta sa lahat ng espirituwal na mundo, doon

    sa lupain ng Panginoong Krsna).

    Ang Serbisyo nang Magandang

    Realidad

    At mapapansin ninyong ang dati natingnapag-alamang brahma; pagkatapos,

    Paramatma, o Vasudeva; at Laksmi-Narayan na unti-unting dumadating sa atin ay kamalayan

    19

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    37/50

    pala kay Krsna, at hindi pala kamalayan kayNarayan. Dahil matapos nating lagpasan ang

    kamalayan kay Narayan, tayo ay mapapapuntanaman sa Realidad ng kamalayan kay Krsna.

    Magigising tayo at pagkatapos natingmamulat mapapansin ninyong kayo ay nasa

    ibang kapatagan na pala at ang prinsipyongumuugnay sa atin sa lahat ng bagay, ang

    prinsipyong kumakatig sa lahat, ay hindi na siNarayan kundi si Krsna na dahil ipapakilala

    dito mismo ni Krsna kung ano Siya. Kayo aylubusan na talagang magigising. Ang puso

    ninyo ay lubusan na talagang magigising, at anglahat ng nasa paligid mo ay ganap na kumpleto,

    dahil naroroon nang lahat ang mga hinahanapmo. Ito ang tinatawag na tunay na teismo.

    Ang tunay na teismo ay teismong

    makapagbibigay sa atin ng ganap na kasiyahan.

    Katulad ng pagdilat ng ating mga mata, angmundo ay agad nating nakikita, maging ang mgamaliliit na bagay ay atin nang nakikita, kaya,

    habang lumalawak ang ating kamulatan,makikita naman natin ang isang partikular na

    mundo, isang partikular na kapaligiran, at itoang Vrndaban ang Goloka Vrndaban, ang

    lupain ng pag-iibigan. At doon sa lugar na iyon,lahat silay walang-tigil na kumikilos; nasa lahat

    20

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    38/50

    ng sulok, at ang lahat ng nasa paligid natin aypawang mababait. Simpleng namumuhay at

    sobrang mababait; at lahat silay punung-punonang kasiyahan sa kanilang ginagawa.

    At doon naman sa loob ng Vrndaban, ay

    parang ayaw mo nang umalis, o magpalit ngkaibigan; ang tanging uhaw na iyong

    nararamdaman ay ang, eternal na pagka-uhaw,ang pagka-uhaw na mapalapit pa sa kanila, ang

    mapalapit ang ating kalooban sa kanila. Doon ayhindi mo na maiisip na maghanap pa nang

    masmataas na kapaligiran dahil halos naratingna ninyo ang pinaka-sukdulan at ang tanging

    nalalabi na lamang, ay kung papaano natinmapapalapit ang ating kalooban sa mga

    nakapaligid sa atin.

    At ito ang mag-uudyok sa atin upang

    kumilos: upang higit na mapalapit pa ang atingkalooban sa mga nakapaligid sa atin. Ang mganakapaligid sa atin ay pawang eternal, subalit

    dahil sa tindi nang paghahangad natingmapaugnay sa kanila nagkakaroon ng

    kumpetisyon, nagkakaroon ng pagalingan(habang naglilingkod ng buong pagmamahal).

    At may mga sinusunod na panuntunan hinggilsa mga bagay na ito.

    21

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    39/50

    Ang Pagsanib sa Kamalayan kay

    Krsna

    Ito ang nangyayari habang tumataas tayo.Doon ay makikita natin ang uri ng

    pangangailangan, na nagpapagalaw sa mgaginagawa nating paglilingkod. At itoy paulit-

    ulit na nagaganap at ang paulit-uli na itoynananatiling sariwa at bago! Hindi lumuluma,

    kahit lumipas pa ang mahabang panahon.Halimbawa, sa umaga, araw-araw tayong

    nagugutom, masarap kumain, subalit doon salugar na iyon hindi palaging ganito hindi sa

    lahat ng oras ay nagugutom tayo, parang ganito.Kaya, lahat ay masarap tikman, at hindi

    napapanis. Doon sa kapatagang iyon, ang orasay tumatakbo, subalit itoy eternal. Ang

    nangangasiwa nito ay siyogamaya (ang panloob

    na kapangyarihan ng Panginoong Krsna, nanangangasiwa at nagpapatakbo nang kanyanglila).

    At sa bandang huli, ang pinaka-masayang

    bahagim, ang ganap at lubos na kasiyahan nglahat ng mga bahagi ng ating sistema, ang ganap

    na kasiyahan nang lahat ng atomo sa atingespirituwal na katawan ay atin ng matatamo:

    22

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    40/50

    priti anga lage kale, priti anga mora Angbawat bahagi nang aking katawan, ay

    nagsusumamong makasama ang ibang bahaging aking katawan. Darating tayo sa yugtong,

    ang sambandha ang relasyon natin sa mganakapaligid sa atin ang lahat ng atomo sa

    aking espirituwal na katawan at isipan aymaghahangad upang mapasama at makahalubilo

    ang bawat bahagi nang mga nasa paligid natin.

    At dahil lahat silay pawang nagkakasundo,anuman ang kanilang gawin ay inaayos ni

    yogamaya. At ito ang pinakamataas nakonsepto. Priti anga lage kale, priti anga mora

    Ang bawat atomo sa katawan ko aynagmamahal sa mga nakapaligid sa akin, at ito

    si Krsna. Akoy napapaikutan na nangkamalayan kay Krsna. Ang ibig sabihin ng

    napapalibutan na ay, Saanmang dako silay

    nakayapos sa akin; nawala ang sarili ko sakamalayan kay Krsna, sa mga nakapaligid saakin. Ang bawat atomo sa aking katawan ay

    nakakaramdam ng kanya-kanyang kasiyahanhabang Kanyang yakap-yakap.

    At ang bagay na itoy maaaring mangyari

    lamang sa pamamagitan ng magsing-irog napakikipag-relasyon sa Kanya, dahil ang lahat ng

    23

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    41/50

    atomo sa katawan mo ay Kanyang yayakapin,Kanyang bibihagin, habang papalapit ng

    papalapit ang kalooban natin sa Kanya. Angtawag dito ay adi-rasa, o kaya ay mukhya-rasa.

    Ang tawag sa madhurya-rasa ay adi-rasa, naang ibig sabihin ay, ito ang pinaka-orihinal sa

    lahat, ito ang pinaka-bukal ng lahat ng iba pangrasas, dahil sa kanya nakasalalay ang buhay

    nang lahat ng rasa. Kung kayat tinatawagsiyang adi-rasa. At ang mukhya-rasa naman

    ay: ang kabuuan nang lahat ng rasas angsabi sa atin ito na ang pinaka-diwa, ito na ang

    kabuuan nang lahat ng ito.

    At ito ang dalang regalo ni Mahaprabhunoong dumating dito ang madhurya-rasa. At

    itoy anarpita carim cirat, kailanmay hindi panaipapamahagi sa iba dahil, ayon sa ating

    pagkakaalam, wala Siyang pagkakataon upang

    itoy Kanyang gawin.

    Pinakamataas na Pagbubunyag

    Doon sa aklat na Jaiva Dharma, na sinulat

    ni Srila Bhaktivinoda Thakur, isang Vaishnavaang nagtanong sa kanyang Gurudeva, Ayon sa

    inyo, ang Debosyon ay eternal; kung ganoon,bakit sinasabi ninyong itoy nagmula kay

    24

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    42/50

    Mahaprabhu? At ang sagot sa kanya niParamahamsa Babaji, na kanyang Guru ay,

    Bumisita ako noon sa Vrndaban at ito rin angtinanong ko sa eternal na tagapaglingkod ni Sri

    Chaitanyadeva, si Sanatana Goswami: Sakatagang anarpita carim ciratano po ba ang

    kahulugan ng talatang kailanmay hindi panatatalakay?

    Ang sagot sa kanya ni Sanatana Goswami

    ay: Ang Bhakti ay eternal; katulad sa mgaisinasaad sa Narada-bhakti-sutra, sa

    Sandilya-sutra, at sa lahat ng banal nakasulatan subalit ang dalang debosyon ni

    Mahaprabhu, ang debosyong dala-dala niMahaprabhu Sri Chaitanyadev noong Siyay

    nandirito pa ay hindi pa kailanman naibibigay satao. Kung kayat itoy tinawag na anarpita

    carim. Bakit? Anong klaseng debosyon ba ito?

    Ito po yun: ang ganap at lubusang pagsuko opagpapailalim kay Krsna sa pamamagitan ngmagsing-irog na pakikipag-relasyon sa Kanya,

    kung saan ang bawat atomo sa kaluluwang-jivaay tinatanggap at niyayapos din ng bawat atomo

    nang kamalayan kay Krsna nang madhura-rasa, ay hindi pa kailanman nailalabas sa

    publiko. Ito ang aking natuklasan, atpinaniniwalaan. Ang bagay na itoy maaari

    25

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    43/50

    ninyong tanggapin o hindi. Ganito angnaging kasagutan ni Sanatana Goswami sa

    nagtatanong na Vaishnava: Ito ang personal napaniniwala ko bahala kayo kung itoy gusto

    ninyong tanggapin o hindi. Ito ang kanyangnaging kasagutan.

    Ang Daigdig nang Dedikasyon

    Kaya, doon sa debosyon, itoy may mga

    pasimula; naririto ang simula nang debosyunalna buhay, kung saan sinabi ni Krsna ang

    katagang, vasudevah sarvam iti . (Bhagavad-gita 7.19) [Ako si Vasudeva, ang bukal at

    sustansya nang lahat]. Dito nagsisimula angbhakti, ang pagpasok natin sa elementarya ng

    debosyunal na paaralan na masmataas pa sajana na masmataas pa sa karunungan at

    sa vairagyasa renunsyasyon, sa pagtalikod sa

    materyal na buhay, ang tawag dito aysanta-rasa(balintiyak o neutral, walang-pinapalingangdamdaminpara sa Panginoon.).

    Dito nagkakaroon nang ibat-ibang grado o

    baitang tulad ng: dasya-rasa (ang pagpapaka-alipin); pagkatapos angsakhya-rasa (kapatiran);

    ang vatsalya-rasa (ang pagiging isangmagulang); at ang madhura-rasa (pag-

    26

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    44/50

    aasawahan). Ang detalye nang lahat ng itoynasa ramananda-samvada. Sa ganitong

    paraan, ang bhakti ay makikita nating tumataas.Kaya, sistematiko nating alamin ang lahat ng

    ito, lunukin, lunukin kung ano ang bhakti.Ngunit sa simula, kailangang maging malawak

    muna ang ating paniniwala sa positibongmundo, sa mundo nang dedikasyon.

    27

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    45/50

    Ang ilog ng Godavari. Ang bantog na lugar na

    pinagganapan nang pamosong pag-uusap nina Sri

    Chaitanya Mahaprabhu at ni Ramanda Raya.

    28

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    46/50

    Purihin ang Kadakilaan nang Sri Guru at

    ni Sri Gauranga

    Ang pamosong pag-uusap na ito (ang

    ramananda-samvada) ay naitala ni Srila Krsnadasa Kaviraja Goswami sa kanyang kahanga-

    hangang paglalarawan ng buhay ni SriChaitanya Mahaprabhu, sa Sri Chaitanya-

    charitamrta, [sa Ikawalong Kabanata ngMadhya-lila: Ang Talakayan sa pagitan nina

    Sri Chaitanya Mahaprabhu at RamanandaRaya]. Ang pag-uusap na itoy sandaling

    tinalakay lamang ni Srila Sridhar Maharaj, atitoy aming nabanggit lamang dahil ang

    ramananda samvada ay labis na malapit sakalooban ni Srila Sridhar Maharaj, at itoy

    madalas niyang binabanggit. Iniutos kasi sakanya noon nang kanyang Guru, si Srila Bhakti

    Siddhanta Saraswati Thakur, na hanapin anglugar kung saan naganap ang makasaysayang

    pagtatagpong ito, sa tabing-ilog ng Godavari (na

    nasa Andhra-pradesh, India) at magtayo nangTemplo sa lugar na iyon. Maraming ulit nangsinasabi sa atin ni Srila Sridhar Maharaj na

    naroroon sa loob nito ang kaubuan, ang pinaka-

    29

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    47/50

    basehan ng lahat ng paniniwala tungkol saVaishnavaismo nang mga taga Gaudiya (mga

    tagasunod ni Chaitanya).

    Ang Ginintuang Handog

    sri-krsna-caitanya prabhu nityananda,sri-advaita gadadhara

    srivasadi-gaura-bhakti vrndagolokera prema dhana, harinama-sankirttana:

    Ang Hare Krsna Mahamantra [Ang Dakilang

    Awit para sa ating Kaligtasan] ay GinintuangHandog ng Ginintuang Panginoong Sri

    Chaitanya Mahaprabhu sa mundo, itoynagmula pa sa Goloka-dham, sa pinakamataas

    na espirituwal na kalangitan:

    Hare Krishna Hare Krishna

    Krishna Krishna Hare HareHare Rama Hare RamaRama Rama Hare Hare

    harer nama harer nama harer namaiva

    kevalam,kaulau nasty eva nasty eva nasty eva gatir

    anyatha

    30

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    48/50

    Tanging ang Banal na Pangalan! Ang Banal naPangalan! Ang Banal na Pangalan lamang! Ang

    maaaring magligtas sa atin sa panahong ito niKali. Dahil kung hindi natin ito aawitin tiyak

    ang ating kapahamakan.[Brhan-naradiya-Purana, 3.8.126]

    Ang Kali-yuga ay sinasamba nang mga taong

    may matataas na kaalaman, dahil batid nilang samakasalanang panahong ito, ang lahat ng

    perpeksyon sa buhay ay madali natingmakakamit sa pamamagitan ng sankirttan, ng

    sama-samang pag-awit ng mga Banal naPangalan ng Panginoon.

    Sri Karabhajan Muni

    (Srimad-Bhagavatam 11.5.36)

    trnad api sunicena taror abi sahisnuna

    amanina manadena kirttaniyah sada harih

    Ang taong higit na masmapagkumbaba sa

    damo, at higit na mapagtiis kaysa sa isang puno,handang magbigay-galang sa iba kahit hindi pa

    siya galangin, ay karapat-dapat upang umawitmuli nang Banal na Pangalan ni Krsna.

    31

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    49/50

    Sri Chaitanya Mahaprabhu(Siksastakam, 3)

    sri krsna caitanyaradha-krsna nahe anya,

    rupanuga janera jivana:

    Ang Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhuay walang iba kundi ang pinagsamang Sri Sri

    Radha at Krsna, Sila ang buhay at kaluluwanang tunay na mga tagasunod ni Srila Rupa

    Goswami(Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur

    Prabhupad)

    Habang isinusuko ninyo ang inyong sarili salotus na paanan ni Sri Gauranga, mapapansin

    ninyong kayoy nasa ligtas na kalagayan habangnaglilingkod kina Sri Sri Radha-Govinda.

    Huwag ninyo Silang direktang sambahin. Dahil

    maaaring mapahamak kayo. Masligtas kayokapag ginawa ninyo ito sa lotus na paanan ni SriGauranga.

    (Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva GoswamiMaharaj)

    prabuddhe jnana-bhaktibhyam

    atmany ananda-cinmayi

    udety anuttama bhaktir

    32

  • 7/31/2019 Awakening the Absolute [Namulat sa Kalubusan]

    50/50

    bhagavat-prema-laksana

    Ang pinakamataas na uri nang Debosyon, angating Pag-ibig sa Supremong Panginoong Sri

    Krsna, ay nagigising sa puso nang bawat deboto

    sa pamamagitan ng Kaalaman at Debosyon.

    (Sri Brahma-samhitatalata 58)