article in filipino

Upload: fe-de-guzman

Post on 13-Jul-2015

404 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

KABANATA I Mga Suliranin at Sandigan Nito

Introduksyon: Ayon sa mga sikolohista may ibat ibang uri ng paraan ang pagmamahal, ilan sa mahahalagang halimbawa nito ay ang kondisyonal na pagmamahal, tunay na pagmamahal at malinis na hangarin sa pagmamahal. Una: kondisyonal na pagmamahal: Love the bastardized version most of us give and receive): this is conditional love. Ill love you if you do this, or act that way, or perform in some way that meets my expectations. Ang ganitong uri ng pagmamahal ay kadalasang nararanasan ng mga taong nasa sapat ng gulang at nasa loob ng isang relasyon. Sa ganitong uri nang pagpapakita ng pagmamahal kadalasang naitatago ang lihim na hinanakit, sama ng loob, sekswalidad, kahinaan at iba pang hindi kaaya-ayang ugali para sa lipunan ng dalawang tao sa isat-isa dahil sa kaalamang ang ganitong damdamin ay hindi katanggap-tanggap sa loob ng isang samahan. Bunga nito itinatanggi natin sa ating sarili ang mga pangit na aspektong ito upang lumabas na kaiga-igaya sa iba at makatanggap ng maraming pagsang-ayon. Sa ganitong emosyon hindi buo ang pagtanggap sa isang tao. Hindi natin sila kayang mahalin kapag hindi natin nagustuhan ang ginawa o inakto nila. Ang mga kadalasang kondisyon nito ay If you dont act the way I think you should act, and then Ill reject you. You are totally unacceptable to me if you cheat, two-time me, hate me, treat my family wrong, dont agree with me on issues,etc. but if you do jump through my required hoops, then Ill love you (conditionally, obviously). Ang ganitong pagmamahal ay kadalasang nakapagdudulot ng takot sa iba. Ang pangalawang uri ay ang tunay na pagmamahal. Ito ang isnag klase ng damdamin na

kinakailangan makamit upang maging Masaya ang isang relasyon ngunit kadalasang bigo ang tao na makamtan ito sa kanilang relasyon na nakapagdudulot ng kabiguan sa panig ng sinumang naglaan ng pagmamahal. Ang ikatlo: malinis na damdamin. Karaniwan itong nauugnay sa tunay na pagmamahal sapagkat ang malinis na damdamin ay nagbuhat sa totoong pagmamahal, pagmamalasakit at pagkakaroon ng malinis na intension at hangarin. Karaniwang halimbawa nito ang pagmamahal ng magulang, kaibigan, kapatid at iba pa. Ayon sa pag-aaral ang pagkakaroon ng depression sa isang relasyon o sa pagmamahal ay normal lamang at nangyayari sa totoong buhay. Kadalasan, mula ito sa mga problemang di natutugunan na sa bandang huli ay maaring lumala at mauwi sa di magandang samahan na makapagdudulot ng matinding depresyon o lubhang kalungkutan. At sa tuwing nagkakaroon ng depresyon ang tao naiisipan niyang gumawa ng mga bagay na hindi maganda laban sa iba o malala ay laban sa kanyang sarili. Kadalasan pa nga ay nakakaroon sila ng suicidal tendency Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang malaman kung ano ang pangunahing pinagbubuhatan ng trauma at depresyon ng isang tao? Kung bakit sila nangangamba na muling pumasok sa isang relasyon?

Layunin: Upang malaman kung ano ang negatibong epekto ng pagmamahal sa pag-iisip at paguugali ng tao. Upang mabigyang paliwanag ang mga kakaibang bagay na nagagawa ng tao sa tuwing sila ay nakakaramdam ng pagmamahal.

Suliranin: Bakit may mga tao ang nakakaramdam ng takot na muling umibig kapag nabigo na sila sa una nilang karanasang magmahal? Anu- ano ang karaniwang nagagawa ng tao kapag nagkakaroon ng depresyon sa pagibig?

Hipotesis: Kapag nagmamahal ang isang tao nakagagawa siya ng mga kakaibang bagay na hindi niya inaasahang makakaya niyang gawin.

Rasyunal na pag-aaral: Ang pag-aaral tungkol sa pagmamahal ay isang bagay na pilit na inuunawa ng mga sikolohista upang mabigyang paliwanag at linaw ang halaga nito at ang mga pangyayari dito na karaniwan ng umiinog o nangyayari sa ating buhay. Bawat tao ay magdadaan at maaring makaramdam ng ganitong damdamin kaya mahalagang maunawaan ito ng lahat at malaman ng lahat ang kahalagahan nito at kung paano panghahawakan ang ganitong uri ng damdamin.

Kahalagahan ng pag-aaral: Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang sa sinumang nasa loob ng isang relasyon tulad ng mag-asawa at magkasintahan gayundin sa sinumang indibidwal na nagmamahal o di kayay nasaktan at dumaranas ng depresyon. Sa mga may asawa, mahalagang malaman nila ang mga bagay na may kinalaman sa pagmamahal upang makatulong sa pagbabago ng kanilang samahan sa isat-isa.

Sa magkasintahan, makatutulong ang tesis na ito upang higit nilang maunawaan ang damdamin ng bawat isa na makatutulong sa pagpapatibay ng kanilang relasyon. Sa mga nagmamahal, upang malaman at maunawaan nila ang mga paliwanag sa mga kilos at gawi ng mga taong nakadadama ng pagmamahal. Sa mga dumaranas ng depresyon, makapagbibigay ito ng mga mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa kanila upang umahon sa kinasadlakang depresyon. Sa mga sikolohista, makapagbabahagi ito ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga pag-uugali at kilos ng tao sa tuwing nakararamdam ng pagmamahal. Makapagbibigay din ito ng mga karagdagang impormasyon sa mga mambabasa at mga susunod pang mananaliksik.

Saklaw at hangganan ng pag-aaral: Ang aming tatalakayin sa pananaliksik na ito ay batay sa romantikong pag-ibig ng mga tao, kasama ang mga kakaibang epekto ng pagmamahal sa kanilang ugali, kilos at pamumuhay. Ang hangganan ng pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga sumusunod: Mga Pilipinong nasa isang relasyon o nakaranas ng pumasok sa isang relasyon. Pagtalakay sa isang relasyon ng dalawang magkaibang kasarian. Nasa edad na 16 pataas. At pagtalakay sa mga negatibong epekto sa pag-uugali ng taong nagmamahal.

KABANATA II Mga Kaugnay na Panitikan at Pag-aaral

Mga teorya na makatutulong at may kinalaman sa aming pananaliksik: Ayon sa mga sikolohista may tatlong mahalagang teorya ang pagmamahal: 1. Liking vs. Loving Psychologist Zick Rubin proposed that romantic love is made up of three elements: attachment, caring, and intimacy. Attachment is the need to receive care, approval, and physical contact with the other person. Caring involves valuing the other peoples needs and happiness as much as your own. Intimacy refers to the sharing of thoughts, desires, and feelings with the other person. Ito ay uri ng pagmamahal kung saan ang isang tao ay nagbabahagi ng kanyang damdamin, saloobin, naisin at nararamdaman sa kanyang minamahal. Pinapahalagahan nila ang isat-isa gaya ng pagpapahalaga nila sa kanilang mga sarili. 2. Compassionate vs. Passionate love According to psychologist Elaine Hatfield and her colleagues, there are two basic types of love: compassionate love and passionate love. Compassionate love is characterized by mutual respect, attachment, affection and trust. Compassionate love usually develops out of feelings of mutual understanding and shared respect for each other. Passionate love is characterized by intense emotions, sexual attraction, anxiety, and affection. When the intense emotions are reciprocated, people feel elated and fulfilled. Unreciprocated love leads to feelings of despondence and despair. Hatfield suggests that passionate love is transitory, usually lasting between 6 to 30 months.

Ang pagmamahal na ito ay nahahati sa dalawang uri, compassionate at passionate love. Ang compassionate love ay nasasalamin sa pagpapamalas ng patas na respeto, apeksyon at tiwala sa isat-isa samantalang ang huli ay nasasalamin sa pantay na damdamin at respeto sa isat-isa kadalasan ang passionate love ay tumatagal lamang ng 6 hanggang 30 buwan. 3. Triangular Theory of Love Psychologist Robert Stenberg proposed a triangular theory of love that suggests that there are three components of love: intimacy, passion, and commitment. Different combinations of these three components result in different types of love. While a combination of passion and intimacy leads to passionate love. Relationships built on two or more elements are more enduring that those based upon a single component. Stenberg uses the term consummate love to describe a combination of intimacy, passion, and commitment. While this type of love is the strongest and most enduring. Sternberg suggests that this type of love is rare. Ang ganitong uri ng pagmamahal ang pinakamatibay sa lahat ngunit kadalasan ding mahirap matagpuan ng dalawang nagmamahalan. Kadalasan ang kabiguan sa pagkakaroon ng matibay na relasyon ay maaring makapagdulot ng depresyon sa tao. Ito ang ilang teorya na makatutulong sa pag-unawa sa mga pinagmumulan ng depresyon sa isang relasyon: 1. Cognitive Perspective Theory People in relationship especially college years tend to play disloyalty or jealousy game. Kadalasan itong mangyari sa mga taong nasa taon ng kolehiyo kung saan sila ay nakikipagmabutihan sa iba kahit na mayroon na silang ibang karelasyon. Ginagawa nila ito

upang pagselosin ang kanilang karelasyon o gantihan ito sa ginawang kamalian. Isa ito sa mga mabigat na salik sa pagkakaroon ng lamat sa relasyon na maaring mauwi sa depreyon. 2. Jealousy Theory Males are more upset to sexual infidelity while women are by emotional infidelity. Ang lalaki ayon sa pag-aaral ay mas nasasaktan kapag ang babaing kanilang mahal ay naugnay sa isang sekswal na damdamin para sa ibang lalaki samantalang ang babae naman ay higit na nasasaktan kapag may ibang minamahal ang lalaking kanilang gusto. Anumang makapagdudulot ng sakit sa damdamin ng isang karelasyon ay maaring magbunga ng depresyon. 3. Evolutionary Theory Hypothesize that ensure males that their female partners offspring are their own and females that their male partner will provide resources to facilitate child rearing. Ayon sa pag-aaral na ito ang lalaki ay umaasang ang kanilang anak ay totoong nagmula sa kanila at ang babae naman ay umaasang gagampanan ng lalaki ang kanilang responsibilidad bilang ama ng kanilang mga anak. 4. Social Exchange Theory Relationships draw to a close when the partners find little satisfaction in the affiliation and the presence of barriers such as social, religious and financial constraints as well as lacking time for one another. Ayon sa pag-aaral kapag ang karelasyon ay hindi na nakatanggap ng sapat na kaukulang atensyon at kapanatagan ng damdamin ay maaaring makapagdulot ng paghihiwalay na makapagbubunga ng depresyon sa kabilang panig ng samahan.

Mga kaugnay na pag-aaral buhat sa mga dayuhan: What do you look for a long-term relationship ni Kniffin Wilson. Ayon dito it is not true that physical traits are what we look for a relationship. Nasasaad dito na ang matagalang relasyon at tunay na pagmamahal ng isang tao ay di binabase sa pisikal na katangian ng isang indibidwal bagkus sa damdaming inilaan natin para sa kanila. Classical Age of Greece: Modern Meanings of Love. Isinulat ni Sinclair Lewis sa kanyang Love the Morning and Evening Star. Ayon dito, may apat na mahalagang bahagdan ang pagmamahal: 1. Storge malalim na pagkakaibigan ngunit walang halong sekswal na apeksyon. 2. Agaphe pagmamahal sa iba at hindi sa sarili. 3. Philia pagkakaibigan 4. Eros pasyon New love as it sear the brain sa akda ni Dr. Helen E. Fisher. Ayon dito love produce disparate emotion from euphoria, to anger, to anxiety and seems to be tense or withdrawn when sears the mind. Nakasaad dito na ang pagmamahal ay may ibat-ibang lebel ng emosyon pwedeng makapagdulot ng matinding ligaya, galit, pagkabalisa, o takot para sa iba. Ayon din dito when youre in the throes of romantic love youre overwhelm, out of control and irrational sometimes. Nangangahulugan na kung minsan pa ang tao nagmamahal may posibilidad na gumawa tayo ng mga irasyunal na bagay dahil sa pagmamahal. Sinabi rin na when peoples love is rejected, people contemplate stalking, homicide or even to commit suicide, this drive that romantic love can be stronger than the will to live. Ayon sa salaysay na ito ang taong nasaktan sa pag-ibig maaaring gumawa o makagawa ng mga bagay na hindi ginagawa ng taong nasa

matinong pag-iisip. Ang pagmamahal kapag sumobra ay maaaring maging mas matimbang pa sa buhay ng nagmamahal ayon sa kanilang persepsyon. Ang biological mechanism, ayon sa pag-aaral na ito ang pagmamahal ay umiiral sa isip ng tao. Nakakaramdam tayo ng pagmamahal kapag ang utak natin ay nagrelease ng hormones gaya ng oxytoxin, vasopressin, monoamines at neuropeptides na may dopamine. At ang dopamine ay may special opium look-alike na tinatawag na endorphins at kapag sabay sabay itong nirelease ng ating brain doon na magsisimula ang love. Ang sobrang release nito ay maaring makapagdulot ng over- power sa utak natin na nakapagtutulak sa ating gumawa ng mga irasyunal na bagay kapag nagmamahal.

Iba pang pananaliksik: Ayon sa ibang survey 5000 na tao ang nagsabing sila ay sobrang nagagambala sa pagkawala ng kanilang minamahal na umaabot sa puntong nakararanas na sila ng pisikal at emosyunal na problema. May mga ibang nagtatangkang ibangon muli ang relasyon, may galit at may iba namang nais maghiganti o bumawi sa kanyang karelasyon. Ang pag-aaral sa 90 mag-aaral na may edad na 16-18 ay nag-iisa dahil sa kawalan ng kompyansa sa sarili, pagiging malungkutin at takot sa muling rejections ng kapwa. Ayon kay Segrin Powell 101 dating pairs aging 21 years old suffer from poor relationship because of loneliness. Ang loneliness ay isang masakit na pagwawalay sa sarili mula sa mga tao sa kanyang paligid. Ang sosyal na aysolasyon na ito ay maaaring magresulta sa matinding depresyon.

Kaugnay na lokal na pag-aaral: Ayon sa lokal na pag-aaral mas maraming babae ang dumaranas ng depresyon kaysa sa mga lalaki. Halos dalawang beses ng dami ng lalaking depress ang bilang ng mga babaeng depress. Ngunit ang mga lalaki ay mas nahihirapan na makabangon pagkatapos mabigo sa pagibig lalong-lalo na ang mga kabataang lalaki. Dahil kapag nararamdaman nilang niloloko sila, bumababa ang kanilang tingin sa kanilang sarili. Ito rin ang dahilan kung bakit sila ay natatakot na muling umibig. Ang depresyon dahil sa kabiguan sa pag-ibig ng isang lalaki ay tumatagal at nagiiwan ng napakalaking epekto sa kanilang mga buhay. At kung sila ay umiibig muli mas nagiging maingat na sila sa mga babaeng kanilang iniibig. Samantalang mas madaling mag-move on ang mga kababaihan ngunit hirap din silang pumasok muli sa isang relasyon. Karamihan sa mga dumaranas ng depresyon sa pag-ibig ay naiisip na magpakamatay na lamang upang matapos na ang kanilang mga problema. Madalas, mga kalalakihan ang nagpapakamatay. Ang iba naman ay pinapagaan ang kanilang mga nararamdaman sa pamamagitan ng pag-inom ng alak at paggamit ng mga pinagbabawal na gamot. Ayon sa lokal na pagaaral, ang takot na nagbuhat sa nabigong pag-ibig mula sa unang relasyon ay mula sa isang karanasang di kailanman malilimutan. Nagbabago ang takbo ng isip at kadalasan ang lahat ng bagay para sa kanila ay walang halaga. Ito ay buhat sa initial experience, ayon sa pag-aaral anumang pag-uugali ng isang tao ay buhat sa kanyang unang karanasan. Hindi medaling pagalingin ang pusong nasaktan lalo na sa unang pagkakataon. Dahil dito nabubuo ang kanilang takot na muling makipagsapalaran sa isang bagong relasyon.

Ang Phobia sa Relasyon ay paraan upang iiwas nila ang kanilang sarili sa muling pagpasok sa panibagong pangako at obligasyon gayundin sa muling pagkabigo. Ang iba naman ay nanganagamba na baka mawalang muli ng kalayaan dahil sa mga limitasyon na dapat lamang gawin o eksklusibo lamang para sa isang relasyon. Isa pang dahilan, maaaring bunga ito ng kanilang mga nakaraang gaya ng nasirang pamilya, hiwalay na magulang, battered na pagkabata o mula sa mga nakababalisang kwento na buhat sa ibang tao. Isa pang dahilan ay ang Phobia sa Pangako, may mga indibidwal na karaniwang nilalayo ang sarili sa relasyon at maging sa opposite sex upang maiwasan ang komitment, ngunit pag sila ay napasok na sa isang relasyon, kadalasan pinipili lamang nila ang short-term relationship. Kadalasang nararamdaman ito ng mga taong takot na mabigo o mabigong muli. Sila ang mga taong kadalasang nakabimbin ang mga plano sa relasyon at pag-aasawa. Ayon sa mga dalubhasa, ang mga commitment phobic na tao ay naghihintay lamang nang tamang pagkakataon upang magsimula ng tahimik at makapili ng taong karapat-dapat para sa kanila. Ang karaniwang ugat ng pagiging commitment phobic ng isang babae ay ang kanilang traumatikong karanasan sa nakalipas gaya ng panloloko sa kanila o pagsasamantala sa kanilang pagmamahal, puri at dangal. Sa mga kalalakihan naman, maaaring gaya din ng unang nabanggit ngunit may ilang ayaw ng relasyon sapagkat ayaw nila ng kompromiso. Ang iba naman ay dahil ayaw na maging responsable sa kanilang karelasyon, pananaw na hadlang ang anumang romantikong relasyon sa anumang nais nila sa buhay o ibang nakasaksi ng pangit na karanasang kaakibat ng pagmamahal. Ang depresyon ay isang malalang sikolohikal na kalagayan kung saan ang isang tao ay nawawala sa tamang pag-iisip at hindi na namamalayan ang kanyang desisyon at ginagawa. Dito

kung saan ang kanyang sistema ay hindi nagrerelease ng endorphins upang siya ay maging masigla. May tatlong pangunahing pinagmulan ng depresyon: Ang pakiramdam ng mga tao na kulang sa pagpapahalaga ng kanilang mga minamahal o mas malalang iniwan at pinabayaan ng kanilang mahal. Pakiramdam nila katapusan na ng lahat nang mga pangarap nila sa buhay. Bunga nito naiisipan nilang saktan ang kanilang sarili o di kaya ay wakasan ang kanilang buhay sapagkat para sa kanila ito ay walang halaga. Karaniwang buhat ito sa pakiramdam na nasasakal na sila sa isang relasyon. Pakiramdam nila sila ay tau- tauhan lamang na kailangang sumunod sa bawat iutos ng kanilang karelasyon. Nawawalan na sila ng kapangyarihan sa sarili nila at pati na rin pansariling desisyon bunga ng takot na kapag hindi sila sumunod ayon sa kagustuhan ng kanilang mahal sila ay iwan o di kayay saktan. Sila ang karaniwang produkto ng battered wife o husband na nagreresulta sa matinding depresyon. Upang makawala sa ganitong pakiramdam kadalasan naiisipan nilang gawin kahit na ano, umabot man sa puntong masaktan nila ang kanilang mga sarili. Ang iba naman kapag hindi na nakayanan ay nagsususicide. Maaaring nag-ugat mula sa isang pagpapanggap dahil sa takot na kapag ipinakilala nila ang totoong sila ay maaaring di matanggap ng kanilang minamahal at sila ay iwan. Ang pangambang iyon ang nakapagdudulot ng depresyon sa isang tao na kapag hindi nakayanan ay mauuwi sa tinatawag na self-inflicted pain. Ang self-inflected pain ay ang pananakit sa sarili ng isang tao lalo na sa aspektong pisikal. Naiisipan nila ang saktan ang sarili, suntukin, sabunutan o kagatin ang sarili, maglaslas, magbaril, magsaksak, magpasagasa, maglason o di kaya ay magpatiwakal. Ayon sa mga dalubhasa, totoong mas masakit ang emosyunal na pighati kaysa sa sugat na pisikal na mas

madaling maghilom. Mas madaling magamot ang anumang sugat ng katawan kaysa sugat sa damdamin. Ayon din sa pag-aaral naiisipan nilang saktan ang sarili upang hindi na nila mapansin o indahin ang sakit ng emosyunal na pighati na dinanas nila mula sa kanilang kabiguan bagkus mabaling na lamang ang sakit sa pisikal na karamdaman o kaya dinadaan na lamang sa bisyo at kapag hindi na rin kinaya ay umaabot sa puntong sila ay nagpapatiwakal o suicide. Ang mga karaniwang nararanasan ng taong depress ay sobrang kalungkutan, pagkabalisa, pagkapariwara, kawalan ng interes, pag-asa at kahalagahan ng buhay. Nararanasan din nila ang pagbaba ng timbang, kawalan ng gana sa pagkain at pananamlay. Ang iba naman ay dumaranas ng sobrang pagtaba, kawalan ng gana sa pagtatrabaho, ayaw magsalita, tulala at iritable.

KABANTA III Pamamaraan at Pinagmulan ng mga Datos

Pangangalap ng datos: Ang mga datos na nakalap ay mula sa isang masusing pag-aaral tungkol sa epekto ng pagmamahal sa pag-uugali, gawi at kilos ng tao. Ang paraang ginamit sa pananaliksik ay isang paglalarawan sa mga datos na nakalap mula sa pagbabasa ng mga aklat, tala, kasaysayan, kasalukuyang kalagayan at pagsasagawa ng survey mula sa mga taong sakop ng pag-aaral at mga makabagong lathalain na may kaugnayan sa paksa. Mula sa pamamaraang ito layunin ng mananaliksik na makakalap ng mga datos na makapagbibigay linaw sa mga dahilan kung bakit nakagagawa ng mga kakaibang bagay ang tao sa tuwing siya ay nakararamdam ng pagmamahal para sa isang tao.

Disenyo ng pag-aaral: Gumamit ang mananaliksik ng mga istatistikong pag- aaral mula sa pangangalap ng datos o survey, kung saan ay makapagbibigay ito ng mga ilustratibong larawan o tsart upang ipaliwanag ang mga salik at epekto ng pagmamahal sa sistema ng tao. Naghanda ang mananaliksik ng anim na katanungan na sasagutin ng 50 kataong sakop ng pag- aaral. Mula sa datos na makakalap, ito ay susumahin at bibigyan ng kaukulang interpretasyon. Ang pormulang ginamit sa pag- aaral ay: X 100 = total na porsyento

Sa pamamagitan ng pormulang ito maaari ng malaman ang total na porsyento ng kasagutan sa bawat aytem.

KABANATA IV Paglalahad, Pagsusuri at Pagbibigay Interpretasyon sa mga Datos

Ang lahat ng datos na aming nakalap ay mula sa masusing pananaliksik at pag- aaral. At ang mga pamamaraang ito ang magiging kasagutan sa layunin at suliranin ng aming pag- aaral. Isang mahalagang usapin sa epekto ng pagmamahal ay ang pagkakaroon ng takot na muling pumasok sa isang relasyon. Sa survey na aming isinagawa natuklasan namin kung gaano karaming tao ang nakakaramdam ng takot na muling pumasok sa isang relasyon mula sa aming 50 respondente. Talahanayan 1 Bilang ng nagkaroon ng takot sa pagpasok muli sa isang relasyon Natakot ka ba na muling pumasok Bilang ng tumugon Bahagdan sa isang relasyon? oo 27 54% hindi 23 46%

Pigura 1 Bilang ng nagkaroon ng takot sa pagpasok muli sa isang relasyon

Pagsusuri: Mula sa limampung (50) respondente, may dalawamput pitong (27) katao ang sumagot ng oo, kung saan sila ay nakakaramdam ng takot sa muling pagpasok sa panibagong relasyon at dalawamput tatlo (23) ang nagsabing sila hindi sila nakaramdam ng takot na muling makipagrelasyon. May kabuuang apat na put apat (54) na porsyento ang nagsabing oo at apat na put anim (46) na porsyento naman ang hindi. May walong (8) bahagdan ang taas ng sumagot ng oo kung ihahambing sa sumagot ng hindi. Interpretasyon: Sa pag- aaral na ito masasabing hindi nagkakalayo ang bilang ng taong maaring makaramdam ng takot sa pagkabigo sa isang relasyon kung ihahambing sa mga taong nakakaramdam ng takot na muling pumasok sa isang relasyon.

Talahanayan 2 Tagal ng panahon bago pumasok muli sa isang relasyon Tagal bago pumasok muli sa isang relasyon Kulang isang buwan Bilang ng tumugon Bahagdan 4 8%

Isa hanggang tatlong buwan Isa hanggang anim na buwan Isang taon Higit sa isang taon Wala pang bagong relasyon Pigura 2

4 6 13 18 5

8% 12% 26% 36% 10%

Tagal ng panahon bago pumasok muli sa isang relasyon

Pagsusuri: Mula sa isinagawang survey napag- alaman naming apat (4) mula sa limampu (50) sumagot ang nagsabing sila ay muling pumasok sa relasyon sa loob lamang ng kulang isang buwan, gayundin din sa isa hanggang tatlong buwan. Ito ay katumbas ng tatlong porsyento (3%) sa buong tala. Samantalang anim (6) ang sumagot ng mula isang buwan hanggang anim na buwan. Ito ay katumbas ng labing dalawang porsyento (12%). Mayroong labing tatlo (13) ang nagsabing nasa loob ng isang ang tagal bago sila muling nalipagrelasyon, na may katumbas na dalawangput anim na porsyento (26%). Tatlongput anim na porsyento ang nagsabing higit sa isang buwan at sampung porsyento (10%) ang wala pa hanggang sa kasalukuyan. Interpretasyon:

Masasabing mula sa nakalap na datos na mas maraming indibidwal ang naghihintay ng higit sa isang taon bago pumasok muli sa isang relasyon. Kakaunti lamang ang nagsasabing o pumasok na sa isang relasyon makalipas lamang ang isang buwan o kulang isang taon. Talahanayan 3 Dahilan ng takot sa hindi muling pagpasok sa panibagong relasyon Dahilan kung bakit ayaw na muling pumasok sa isang relasyon Takot na muling masaktan Pagkawala ng interes sa relasyon Takot sa panibagong relasyon Hindi pa nakakapagmove- on Pinagbabawal sa pamilya Bilang ng tumugon Bahagdan 36 10 10 1 1 62.07% 17.24% 17.24% 1.72% 1.72%

Pigura 3 Dahilan ng takot sa hindi muling pagpasok sa panibagong relasyon

Pagsusuri:

Mula sa aming limampung (50) respondente, tatlumput anim (36) sa kanila ang nagsabing natatakot na sila sa posibilidad na muling masaktan, katumbas ito ng 62.07%. May kabuuang sampung (10) sagot naman ang nawalan ng interes at takot o nagkaphobia sa relasyon. Ito ay katumbas ng 17.24 na porsyento. Samantalang may tig- isang sagot naman ang bawal sa pamilya at hindi pa nakakamove- on sa unang pagkabigo. Interpretasyon: Mula sa graph na ito masasabing malaking dahilan ang pagkakaroon ng takot na muli pang masaktan kapag pumasok sa panibagong relasyon bunga ng inisyal na pagkabigo sa unang relasyon. Sumunod na dahilan ang pagkakaroon ng takot sa panibagong obligasyon ng relasyon at pagkawala ng interes. Maliit naman ang bilang ng nagsasabing sila ay pinagbawalan dahil sa hindi magandang kinalabasan ng kanilang relasyon at pagkakaroon ng sariwang pighati sa nakaraang relasyon.

Talahanayan 4 Mga karaniwang dahilan ng depresyon sa pag- ibig Dahilan ng depresyon sa Bilang ng tumugon Bahagdan isang relasyon Pagkakaroon ng selos 26 25.49% Kawalan ng oras sa isat isa 34 33.33% Pagiging dominante ng karelasyon 6 5.88% Pagkakaroon ng di- pagkakaunawaan 36 35.29%

Pigura 4 Mga karaniwang dahilan ng depresyon sa pag- ibig

Pagsusuri: May apat na karaniwang pinagmumulan ng depresyon sa isang romantikong relasyon. Una pagkakaroon ng selos, may dalawamput anim (26) ang sumagot nito at may kabuuang 25.49%. Ang kakulangan ng sapat na oras sa isat isa ay nakaaapekto din sa pakakaroon ng depresyon sa relasyon, ito ay may katumbas na 33.33%. Ang sunod ay ang pagkakaroon ng dominante o nakakasakal na karelasyon, umabot sa anim (6) o may katumbas na 5.88% at ang huli ay di- pagkakaunawaan na may 35.29% at 36 na respondente. Interpretasyon:

Mula sa apat na karaniwang pinagmumulan ng depresyon, ang pagkakaroon ng dipagkakaunawaan sa loob ng relasyon ang pinakapangunahing dahilan. Maaaring bunga ito ng pagkakaiba sa panawnaw o pamantayan sa buhay. Ang pangalawa ay kakulangan sa sapat na oras sa isat isa kasunod ng pagkakaroon ng selos at huli ay ang pagkakaroon ng nakakasakal na relasyon. Buhat sa mga nasabing sanhi ng depresyon nakakagawa ang mga tao ng hindi normal na kilos dahil sa depresyon.

Talahanayan 5 Mga nagagawa ng taong depress sa pag- ibig Nagagawa kapag depress Bilang ng tumugon Bahagdan sa isang relasyon Pagkawala ng gana sa pagkain 17 12.32% Hindi makatulog 28 20.29% Wala sa sarili 18 13.04% Pagkawala ng gana sa pag-aaral 12 8.7% Iritable o magagalitin 28 20.29% Walang ganang magsalita 28 20.29% o tahimik Pananakit sa sarili 7 5.07% Pigura 5 Mga nagagawa ng taong depress sa pag- ibig

Pagsusuri: Mayroong kabuuang labing pitong (17) sagot sa mga taong nawawalan ng gana sa pagkain tuwing depress sa pag- ibig, ito ay may katumbas na 12.32%. May dalawamput walong (28) sagot para sa mga sumagot na hindi sila makatulog, tahimik at iritable. Ito ay katumbas ng 20.29%. May labing walong (18) sumagot ng nawawala sila sa sarili pa depress sa relasyon, ito ay katumbas ng 13.04%. Labing dalawa (12) ang sumagot na sila ay nawawalan ng gana sa pagaaral katumbas ng 8.7%. At pitong (7) katao ang nagsabing kaya nilang saktan ang kanilang sarili dahil sa depresyon sa pag- ibig. Bagamat ito ang maliit na porsyento (5.07%) isa pa rin ito sa masasabing nakakaalarmang katotohanan na maaaring magawa ng isang tao. Interpretasyon: Ang mga pangunahing nagagawa ng tao kapag depress lalo na sa isang relasyon ay ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog, iritable o magagalitin kasama na rin ang pagiging tahimik. Sunod ang pagiging tulala o wala sa sarili na umaabot sa puntong nakakagawa sila ng desisyong di masyadong napag-iisipan. Kasama din dito ang pagkawala ng gana sa pagkain at pag- aaral at ang pinakahuli ngunit malala sa lahat ay ang pananakit nila sa sarili nila kapag di na nila kinakaya ang depresyon.

Talahanayan 6 Bilang ng nakagagawa ng irasyunal na bagay kapag nagmamahal Makakagawa/ nakagawa ka na ba ng Bilang ng tumugon Bahagdan irasyunal na bagay kapag nagmamahal? oo 43 86% hindi 7 14% Pigura 6 Bilang ng nakagagawa ng irasyunal na bagay kapag nagmamahal

Pagsusuri: Sa kabuuan may apat na put tatlong (43) sumagot ng oo kaya nilang gumawa o nakagawa na sila ng mga hindi inaasahang bagay kapag nagmamahal. May katumbas ito na 86% at pito (7) naman ang nagsabing hindi sila gagawa ng anumang bagay na hindi nila pinag- iisipan muna. Interpretasyon:

Mula sa aming pag- aaral masasabing mas marami ang taong kayang gumawa ng mga hindi inaasahang bagay kapag nagmamahal kaysa sa mga taong naniniwalang walang silang potensyal na gumawa ng mga di- pangkaraniwan o irasyunal na bagay dahil sa pagmamahal.

KABANATA V Pagbubuod, Kongklusyon at Rekomendasyon

Pagbubuod: Mula sa aming pag- aaral ng mga may kinalamang dokumento sa aming pag- aaral (archival study) pati na rin ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng survey na sinagutan ng limapung (50) katao, napag- alaman ng mga mananaliksik na sa pagmamahal hindi lahat ng nabibigo dito ay nakakaramdam ng takot na muling pumasok sa isang relasyon. Halos kalahati ng Ang karaniwang binigay nilang dahilan