arpan 9 modyul 2

Upload: europez-alaskha

Post on 06-Mar-2016

1.445 views

Category:

Documents


30 download

DESCRIPTION

asdd

TRANSCRIPT

MODYUL 2: ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSIYONAL NA PANAHON

Panimula

Change is inevitable. Karaniwan nang naririnig ang ganitong kasabihan. Lahat ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka nang pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang ngayon. Kung iisipin, tao lang? Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng malaking pagbabago. Nais mo ba itong malaman?

Sa modyul na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig sa klasikal at transisyonal na panahon. Inaaasahang sa pagkatapos ng iyong paglalakbay panahon masasagot mo ang katanungang ito: Paano nakaimpluwesiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at Transiyonal na Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig?

Mga Aralin at Sakop ng Modyul

Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:

Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe

a. Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean

b. Naisusulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod estado ng

Sinaunang Greece

c. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome

d. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang kalsikal ng Europe sa pag-unlad

ng pandaigdigang kamalayan

Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific

a. Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America

b. Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai)

c. Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng mga pulo sa Pacific

d. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng America, Africa, at

mga Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan

Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe

sa Panahong Medieval

a. Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa

Panahong medieval

b. Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Panahong Medieval

c. Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng

pandaigdigang kamalayan

Aralin1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe

Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa ibat ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin ng lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olympics sa Beijing, China. Saan at kailan nga ba nagsimula ang paligsahang ito?

Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia-isang lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng Klasikal na Kabihasnan sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome.

Gawain1: Ano Say Mo?

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado noong panahong klasikal? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. May pagkakatulad ba ang lungsod-estado noong panahaong klasikal sa karaniwang tagpo sa mga lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Daloy ng mga Pangyayari

Panuto: Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong

Minoan at Mycenean.

Minoan

Mycenean

Gawin 3: Pagpapaliwanag

1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng Kabihasnang Minoan at Mycenean?

2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang Minoan at Mycenean?

3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa pag-usbong ng Kabihasnang Greek?

B. Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma

Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga Helot. Maraming pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartan ang helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga Helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging handa sa kahit anong pag-alsang gagawin ng mga Helot.

Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na displina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo.. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-asawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa eadd na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.

Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilian ang mga pag-aalsa ng mga Helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di tulad ng mga Kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa lipunan, ang kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo-militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masya silang nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.

Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labo-labo kung makipagdigma ang mga Greek. Oo ngat sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga sundalo ay isa-sang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang panganggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.

C. Ang Athens at ang Pag-unlad Nito

Sa simula ng 600 BCE, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens. Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang ngayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala.

Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamumunuan ng mga tyrant na noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na ngabigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan.

Sa simula, ang Athens ay pinamumunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinatawag na Archon na pinapaburan naman ng mga may kaya sa lipunan.

Hindi nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga atisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkapantay-pantay sa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ng pagbabagong ito nanatiling hindi kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika.

Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 BCE sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap ayt ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang politika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsasagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, hindi nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng batas.

Noong mga 546 BCE, isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malwakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig.

Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes.

Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa Asembleya ang mga mamamayan may-ari ng lupa o wala.

Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinatawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipon ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan.

Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa lahat ng mga reppormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.

Gawain 4: Paghahambing

Panuto: Sa tulong venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng sinaunang Greece.

Mga gabay Tanong:

1. Paano nakaimpluwesiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan at Athenian?

2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad ng Kabihasnang Greek?

3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliing tumira, sa Athens o sa Sparta?

Ipaliwanag ang sagot.

D. Ang Simula ng Rome

1. 2.3. 4.

AA

Gawain 5: Isalaysay mo!

Gawain 6: E-Postcard

Panuto: Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Lumkiha ng E-postcard

tungkol dito. Sundin ang format na nasa ibaba.

Larawan Impormasyon

Kahalagahan sa kasalukuyan

ARALIN 2: PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA KLASIKAL NA LIPUNAN SA AMERICA, AFRICA, AT MGA

PULO SA PACIFICA

Gawain 1: Magbasa at Matuto

Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Maya.

A. Mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan.

Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad din ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwesiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kayat itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.

Kabihasnang Maya (250 CE-900 CE)

Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucutan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala.

Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic o tunay na lalaki ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.

Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod-

Ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid.

Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isada, pulot-pukyutan, kahoy, ay balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan.

Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 CE. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo CE, ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrakturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi at natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.

Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucutan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucutan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.

Gawain 7: Ipaliwanag Mo

Panuto: Patunayang may mataas na kabihasnan ang mga Mayan. Punan ng impormasyon ang dayagram.

Kabihasnang Aztec (1200-1521)

Ang mga Aztec ay may mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy. Unti-unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang isang nagmula sa Aztlan, isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.

Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan.

Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec.

Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa samga dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado. Nakipagsundo sila sa mga lungsod-estado ng Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.

Sa pagsapit ng ika015 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mga pagbabagong ito ay si Tlacaelei, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinakailangan din nilang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga sa mga naging kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-bansa na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinakailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean hanggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala.

Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin mng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.

Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamyani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputing kaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.

Gawain 2: Daloy ng mga Pangyayari

Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang pag-unlad at pagbagsak ng Imperyong Aztec.

Gawain 3: Pagsulat ng Sanaysay

Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal sa Mesoamerica. Gamiting gabay ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya ng Mesoamerica sa pag-usbong ng mga Kabihasnang Maya at Aztec?

2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang dalawang kabihasnan?

3. Ano-ano ang kanilang mga kontribusyon at bakit ito mahalaga?

Gawain 4: Magbasa at Matuto

Panuto: Basahin at unawin ang teksto tungkol sa Kabihasnang Inca.

Heograpiya ng South America

May magkakaibang klima at heograpiya ang South America kung ihahambing sa Mesoamerica. Magtatagpuan sa hilaga ng Amazon River na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan. Pawang ang mga prairie at steppe naman ang matatagpuan sa Andes Mountains sa Timog na bahagi. Samantala, tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean. Dahil sa higit na kaaya-aya ang topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga unang pamayanan. May mga indikasyon ng pagsasaka gamit ang patubig sa hilagang gilid ng Andes noong 2000 BCE.

Sa pagsapit ng ika-11 siglo BCE maraming pamayanan sa gitnang Andes ang naging sentrong panrelihiyon. Ang mga pamayanang ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon, nagawang masakop ng ilang malalaking estado ang kanilang mga karatig-lugar Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw sa lupain hanggang sa pagsapit ng ika-15 siglo.

Kabihasnang Inca (1200-1521)

Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.

Ang salitang Inca ay nangangahulugang imperyo. Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mgfa Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito anhg 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.

Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupaggui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui , pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.

Dahil sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1523, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napalaking salkaw ng Imperyong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

Siya ang namuno sa mga Espanyol sa pananakop sa Imperyong Inca.

Samakatuwid, ang Imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo.

Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiyang dala ng mga dayuhan. Tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes.

Gawain 5: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)

Panuto: Punan ng tamang sagot ang chart. Pagkatapos, isulat ang iyong paliwanag tungkol sa pamamagitan ng pagdudugtong ng impormasyon sa pahayag na nasa ibaba.

Pamahalaan

EkonomiyaRelihiyonKontribusyon

Maya

Aztec

Inca

Heograpiya ng Africa

Mahalaga ang papel ng heograpiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok sa huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad.

Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 na siglo.

Ang pinakamaliit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Matatagpuan dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, mataas, at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may mga puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon ng Sudan makikita ang Sahara, ang pinakamalawak na disyerto sa daigdig. Ang sahara na mamalaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng halamn at hayop. Tanging sa oasis lamang may mgamaliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa.

Gawain 6

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

Ang mga Pulo sa Pacific

Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat- ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

Polynesia

Matatagpuan sa gitna at Timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia.

Ang Polynesi ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia.

Binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa,

American Samoa, Ninie, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas,

at Pitcairn.

Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia. Umabot hanggang 30

pamilya ang bawat pamyanan dito. Ang sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga

bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng mga pari at mga

banal na estruktura.

Ang pangunahing kabuhayan nila ay ang pagsasaka at pangingisda. Ang karaniwang tanim nila ay taro o

gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, niyog. Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus,

at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating.

Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagang

mana ay nangangahulugang bisa o lakas. Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa

gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.

Micronesia Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at silangan ng Asya.

Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon a

Kiribati), at Nauru. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan.

Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kaniulang mga

pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.

Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog,

at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at strach na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang

ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng

Marianas, Palau, at Yap.

Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit bilang

Paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera (stone money) at mababang pulo (low-

lying coral atolls). Ipinagpapalit ng mga taga-high-lying island ang turmeric na ginagamit bilang gamot at

pampaganda. Samantala, ang mga taga-low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga shell/bead, banig na

yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong

palda ng kababaihan at nahag ng kalalakihan.

Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal para sa mga

makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.

Melanesia

Matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukuyang binubuo ng New

Guinea, Bismarck Archipelago, Papau New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New

Caledonia, at Fiji Islands.

Taro at yam ang pangunahingsinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan at sago palm na

pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba

pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga

Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin , apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.

Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang

mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din

sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana.

May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang pamumuhay sa

pakikipagkalakalan sa iba-ibang isla at kontinente.

Bagamat hindi ito kasing-tulad, kasing-tanyag at kasing-yaman ng mga kabihasnan at imperyo sa

America at Africa, nakaimpluwesiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga

karatig bansa nito sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan.

Gwain 7: Pagsagot sa Chart

Panuto: Punan ang kinakailangang impormasyon ang talahanayan.

Isla

Kahulugan ng PangalanKabuhayanRelihiyon

Polynesia

Micronesia

Melanesia

Gawain 8: AdBakit?

Panuto: Pumili ng isang kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal. Gumawa ng dalawang pahinang pamphlet na nagsusulong ng adbokasiya upang mapangalagaan ang mga kontribusyon nito sa kasalukuyan. Sundin ang format sa ibaba.

ARALIN 3: ANG DAIGDIG SA PANAHON NG TRANSISYON: MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-DAAN SA

PAG-USBONG NG EUROPE SA PANAHONG MEDIEVAL

Gawain 1: Daloy ng Kasaysayan

Panuto: Suriin ang diagram at sagutin ang kasunod na mga tanong.

Tanong:

1. Mula sa mga ipinakitang salik sa diyagram, ano sa tingin mo ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Imperyong

Roman? Bigyang katuwiran ang iyong sagot.

2. Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto ng pagbagsak ng Imperyong Roman sa kabuuan ng Europe?

A. Mga salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan

Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome.

Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan. Pagbagsak ng Imperyong Roman

Ang pagbagsak ng Imperyong Roman noong 476 CE, na naghari sa Kanluran at Silangang Europe sa

Gitnang Silangan at sa Hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon.

Tinutukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan.

Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan

ng imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang

lipunan sa dalawang panig ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na

pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan.

Lubhang nakapagpaniha ang kabulukan sa pamahalann at ang kahabag-habag nakalagayan ng

pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Roman. Noong 476 CE, tuluyan itong

bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng

Kristiyanismo.

Sa kabutihang- palad, ang Simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga

barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating

lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa Simbahang Katoliko sa

pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila angh kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa

pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.

Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila

na binyagan sa pagka-Kristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari.

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan

Noong mgaunang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na

nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang

mga pari at mga hirarkiya.

Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng obispo.

Nasa ilalim ng obispo ang maraming pari sa iba-ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo

mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumagguni sa mga obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno.

Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng obispo, hindi lamang mga gawaing espirituwal ang pinangalagaan

ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pagkawanggawa

ng Simbahan. Bukod dito, ang obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa

lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.

Tinatawag na mga arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang

sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may

kapangyarihan ang isang arsobispo sa mga obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome,

na tinatawag bilang Papa, ang kinikilang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europe.

Kabilang siya sa mga arsobispo, obispo at mga pari ng mga parokya.

Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga Kardinal sa

pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal. Sa konseho ng

Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa.

Gawain 3

Panuto: Ilarawan ang tungkulin ng sumusunod:

Pari- _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Obispo-

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Arsobispo-

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Uri ng Pamumuno sa Simbahan

Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng

Simbahang Katoliko Roman at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang

mga nagawa ang makikita sa talahanayan.

Pinuno/PapaParaan ng Pamumuno

Cinstantine the Great Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.

Pinalakas niya ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinag-uri-uri ng mga obispo ang iba-ibang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Roman.

Papa Leo the Great

(440-461) Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europr ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa obispo ng Rome. Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang Kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa Silangang Europe na kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo hanggang sa panahong ito.

Papa Gregory I Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang Europe.

Natamo niya ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang iba-ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba-ibang bansa na hindi pa sumampalataya sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany.

Papa Gregory VII Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa Simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV n kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ang lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.

Gawain 4: Pagpapaliwanag

Panuto: Ipaliwanag ang tanong sa ibaba.

Pamumuno ng mga Monghe

Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong

pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling displina. Sila ang

mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwiran

nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe.

Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito,

malaki ang kanilang impluwesiya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang

paniniwalang Ang pagtatrabaho at pagdarasal, nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na

nakapaligid sa kanilang monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang pagsisikap sa

mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwesiya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong

Panahong Medieval.

Mga Gawain ng mga Monghe. Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang

klasikal ng mga sinaunang Griyego at Roman. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbangan at ang

paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang

kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap

ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa

kasalukuyan.

Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa Kanlurang Europe ay nakatulong din sa

lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga

monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa

kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag ng mga

sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang

tao. Dahil walang sinuman ang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo

ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno, at tulong.

Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng

Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba-ibang dako ng Kanlurang Europe.

Gawain 5: Diyagram ng Aking Natutuhan

Panuto: Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa

Europe. Ipaliwanag ang sagot.

B. Ang Krusada

Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni

Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong

Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim

ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa

pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga

kabalyero (knights) na naging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga

kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang at kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang masakop.

Unang Krusada

Ang unang Krusada ay binuo ng 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at

mga Pranses na nabibilang sa nobility. Matagumpay na nabawi ng pangkat na ito ang Jerusalem noong 1099 at

nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming

Muslim ang napatay, pati na ang mga hudyo at Kristiyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem

ngunit sinalakay din ila ng mga Muslim.

Ikalawang Krusada

Sa paghihikayat ni St. Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng France at Emerador

Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan ang pangkat na ito sa pagpunta sa Silangan at ang

pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus.

Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si Frederick ar si Philip naman ay

bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni

Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahuli-hulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong

taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem.

Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.

Krusada ng mga Bata

Noong 1212 isang labindalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay na naniwala na siya ay

tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada. Libong mga bata ang sumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila

ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.

Ikaapat na Krusada

Inilunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga Krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal

ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang

excomunicado. Nagpatuloy sa pangdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kung saan

nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang

Imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay

naging simula ng paghina ng Krusada.

Iba pang Krusada

Nagkaroon ng iba pang krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa

pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila

ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga

Turkong Muslim ang lupain.

Resulta ng Krusada

Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan.

Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang

kulturang Kristiyano ay napayaman din.

Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing

ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang naging dahilan sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang

pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.

Gwain 1

Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig?

2. Sa kasulukuyan, anong pangyayari ang maikukumpara sa naganap na krusada noong Panahong Medieval?

Ipaliwanag.

3. Anong aral ang natutuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa iyong pang-araw-araw na buhay? Ipaliwanag.

Gawain 2: Lesson Closure

Panuto: Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga Krusada. Punan ng impormasyon ang mga

patlang upang mabuo ang talata.

Gawain 3: Video-Kasaysayan

Panuto: Bumuo ng isang pangkat na may tatlong miyembro. Sundin ang GRASPS chart sa pagbuo ng isang video tungkol sa pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Transisyonal na panahon.

Goal

Makagagawa ng isang video na nagpapakita ng pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon.

Bigyang-tuon ang mga sumusunod sa paggawa ng video.

a. Komprehensibong pagpapakila sa isang pamana ng Klasikal at Transisyonal na Panahon

b. Pangangatuwiran ng pangangalaga sa nasabing pamana

c. Kahalagahan ng napiling pamana sa iyong henerasyon

Role

Miyembro ng isang organisasyong pang-nag-aaral na may adbokasiyang ipaalam sa mga kapuwa mag-aaral ang kahalagahan ng mga pamanang Klasikal at Transisyonal na Panahon.

Audience

Mga kapuwa mag-aaral

Situation

Magdaraos ng isang seminar tungkol sa pagpapahalaga sa mga pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon.

Product/Performance

Video

Standards

Ang video-kasaysayan ay mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan

MODYUL 3: ANG PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG: Ang Transpormasyon tungo sa pagkabuo ng

Pandaigdigang Kamalayan

Panimula

Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagkamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig.

Sa modyul na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng daigdig.

Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang dahilan at epekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pag-usbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, politika, at ekonomiya tungo ng modernong pandaigdigang kamalayan?

Mga Aralin at Sakop ng Modyul

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:

Aralin 1: Paglakas ng Europe

a. Nasusuri ang konsepto ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, Simbahang

Katoliko, at repormasyon sa daigdig.

b. Napahahalagahan ang kontribusyon bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance,

Simbahang Katoliko, at repormasyon sa daigdig.

Aralin 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe

a. Nsusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe

b. Natataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe

c. Nasusuri ang mga kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal

d. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo

Aralin 3: Pagkamulat: Kaugnayang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano

a. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan ng mga Rebolusyong Panses at

Amerikano

b. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng konsepto ng nasyonalismo sa Europe at ibat

ibang bahagi ng daigdig

Aralin 1: Paglakas ng Europe

Gawain 1: Word HuntPanuto: Hanapin sa puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa bawat mga pahayag sa kahon na nasa ibaba. Gamitin ang una at huling titik ng salita gabay sa paghahanap ng bawat salita.

ALAMERKANTILISMO

DIMBSETNATSETORP

VSIOLPROTSETORPR

COKATOLIKOWHPSEI

EMDKERALSEARLKES

TSKUYMTTAPTKNGPR

NIRSFAGUMOYASOOU

MNLWCSBSNRBNCTRK

PATPLYASHREOPYUG

EMYMBOURGEOISIEA

RULRENAISSANCESP

YHCRANOMLANOITAN

1. B______________R Nagmamay-ari o namamahala ng bangko

2. B______________E Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe

3. E______________E Pangalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig

4. H______________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal

ng Griyego at Romano

5. K______________O Nangangahulugang universal

6. M______________O Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng

kanyang ginto at pilak

7. N______________L Dahil sa pagkatatag nito, muling lumakas ang kapangyarihang M__________Y ng hari

8. P______________E Mga tumutol o sumalungat sa turo ng Simbahang Katoliko

9. R______________E Nangangahulugan itong muling pagsilang

10. R_____________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang bansang Katoliko ay yumakap sa ibang relihiyon

Gawain 2: Burgis Ka!

Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeoisie. Iyong itala ang mahahalagang datos na nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept map ng nasabing datos tungkol sa bourgeoisie. Isulat ito sa kuwaderno.

Pag-usbong ng Bourgeoisie

Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa Medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang.

Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal at binabayaran sila sa kanilang paggawa.

Sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, naging isang makapangyarihangpuwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker, mga shipower, mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisan na sa panahong ito naiuuri na sa manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang.

Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa animo ng piyudalismo, pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan, at pagmamay-ari.

Nagkaroon lamangng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo

Gawain 3: Magbasa at Unawain!

Panuto: Basahin mo at unawain ang teksto hingil sa merkantilismo. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong mga tanong.

S

Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naipahayag sa teksto, ano ang kahulugan ng merkantilismo?

2. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika rin ang layunin ng merkantilismo?

Gawain 4: Hagdan ng Pag-unawa!

Panuto: Paano nga ba nakatulong ang pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe? Sa tulong ng kasunod na teksto, itala mo sa ladder diagram ang mga kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national monarchy.

Pagtatag ng National Monarchy

Malaki ang naitulong ng pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang mga noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong may lupa.

Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pag-bubuo ng matatatag na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mamamayang nagpapatupad ng batas at nagsasagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito.

Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong maylupa kung kinakailangan. Bukod dito, maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya, at administrador.

Pag-usbong ng mga Nation-state

Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya, naitatag na rin ang mga batayan ng mga nation-state sa Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na pinananahanan ng mamamayan na may magkatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultura, ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang estado sapagkat nananahan sila sa isang tiyak na teritoryo at may pamahalaan silang may soberanidad o kasrinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may katapatan sa kianilang bansa.

Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari.

Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monarkiya kahit mangahulugan ito ng digmaan. Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasnayan para patakbuhin ang pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga opisyal at kawani ang pangongolekta ng buwis, pagpapatupadng batas, at pag-kakaloob ng hustisya.

Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong lakas ang Europe. Nabuo sa Europe ang mga bagong institusyong pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan din sa pagpapalawak nito ng impluwensiya. Naganap ito sa panghihimasok at pananakop ng mga Europeong nation-state sa Asya, America, at nang kinalaunan, sa Africa.

PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY

A. Ang mga Minoans

Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 BCE o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo bricks at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat.

Hindi nagatagal, kinilala naman ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito ,matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad.

Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 BCE narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad ng husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.

Sa pamayanang Minoan, ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng Arena sa buong daigdigkung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.

Ang mga Mycenaean

Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece.

Ang Mycenaean na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnayan ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing panganggalang sa mga maaaring lumusob dito. Pagdating ng 1400 BCE, isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos nang masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kuwento at alamat ng mga Greek.

Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin ng mga kuwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa bandang huli, hindi nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay.

Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may gangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionian. Nakilala sila bilang mga Ionian.

Ang mga pangayayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na tumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga ibat ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing gawaing pangti ay kabuhayan. Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.

Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionian ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malakaing bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE hanggang 400 BCE at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.

Athens

Sparta

Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong sidlo BCE ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagatayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain.

Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono.

Ang mga Roman ay itinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hiulaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika, at sayaw.Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan. Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.

Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 BCE.

Paano nagsimula ang Rome?

Pamahalaan

Relihiyon

Ang mga Mayan ay may mataas na antas ng kabihasnan

Arkitektura

Ekonomiya

Napatunayan ko na may mataas na kabihasnan ang mga Mayan dahil

Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga Maya, Aztec, at Inca dahil ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Bakit tinawag na dark continent ang Africa?

Ghana, Mali at Songhai

Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahil sa kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga African na mayaman sa ginto at ng mga African na mayaman sa asin.

Ghana

Ipinag-utos ni haring Al-Bakri na ibigay sa kaniya ang mga butil ng ginto at tanging mga gold dust ang pinayagang ipagbili sa kalakalan. Sa ganitong paraan, napanatili ang mataas na halaga ng ginto.

Sa panahong ito, ginagamit ng mga African ang ginto upang ipambili ng asin, Ginagamit ng mga African ang asin upang magpreserba ang kanilang mga pagkain.

Mali

Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu. Bukod dito, lumaganap rin ang relihiyong Islam at tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga iskolar na Muslim. Ang Sankore Mosque ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325.

Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai?

Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?

Front Page

Larawan ng Kontribusyon

First Page

Ipaliwanag ang kahalagahan

Ng kontribusyon sa kasalukuyang panahon sa:

Daigdig

Pilipinas

Second Page

Sumulat ng maikling

pahayag na naglalaman

ng iyong adbokasiya

upang mapangalagaan ang

kontribusyon na iyong napili

Pagsalakay

ng mga Barbaro

Pagbaba ng Moralidad ng mga Roman

Pagkawala ng Katuturan ng Pagkamama-mayang Roman

Paghina ng Hukbong Roman

Paglubha ng krisis Pang-kabuhayan

Kakulangan bg mga Tapat at may kakayahang Pinuno

Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman?

Mula sa binasa, paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong Roman?

Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan, at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampolitika bilang pinuno ng estado ng Vatican.

Ang salitang Pope ay nangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na Papa. Noong unang panahon itinuturing ng mga Kristiyano ang Papa bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kaniya sa kasalukuyan.

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag ng isang organisasyon? Ipaliwanag.

Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa

Ang salitang Crusade ay nagmula sa Latin na crux na nangangahulugang cross. Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.

Ang Krusada ay isang ___________________________________ na inilunsad ng

Mga taga Europe sa panawagan ni ____________________. Layunin nito na

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Sa kasalukuyan, maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay ang _______________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga nailunsad na Krusada dahil

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ang mga bourgeoisie ay _______________________________________________

Halaga sa Lipunan

(Noon at Ngayon)

Katangian ng mga bourgeoisie

Sino-sino ang mga bourgeoisie?

Ang pag-unlad ng isang bagong doktrinang tinatawag na merkantilismo ay makatulong din sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-estate sa Europe. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang itinaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Bagamat kadalasang ikinakatergorya bilang patakarang pang-ekonomiya, ang merkantilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig.

Ang doktrinang bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapngyarihan ang naturang bansa.

MERKANTILISMO