aralin 24

37
ARALIN 24 PANDAIGDIGAN AT PAMBANSANG PANANALAPI

Upload: reynaldo-san-juan

Post on 05-Dec-2014

1.619 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Aralin 24

ARALIN 24PANDAIGDIGAN AT PAMBANSANG PANANALAPI

Page 2: Aralin 24

MGA PAMANTAYAN SA PANDAIGDIGANG SISTEMA NG PANANALAPI

Simula pa noong ika-20 siglo, ang daigdig ay gumagalaw sa ilalim ng iba’t-ibang sistemang pananalapi. Ano-ano ba ang mga pamantayang sinusunod sa pagpapairal ng pandaigdigang sistema ng pananalapi? Ang mga pamantayang ipinaiiral sa pandaigdigang sistema ng pananalapi at ang kaugnayan nito sa pambansang pananalapi ang tatalakayin sa aralin na ito.

Page 3: Aralin 24

ANG GOLD STANDARD

Gold Standard ang pangunahing sistema ng palitan ng salapi bago ang 1914. lahat ng salapi ay may presyo katumbas ng itinakdang timbang ng ginto. Kung ang lahat ng salapi ay may tiyak na katumbas sa ginto, madaling malaman ang antas ng palitan. Halimbawa, ang isang ounce ng ginto ay Php.200 sa Pilipinas, samantalang $4 naman sa United States. Ang exchange rate ay Php.200/$4 o Php.50 bawat $1.

Page 4: Aralin 24

Upang maging epektibo ang ang gold standard, kailangang handang bumili at magbenta ang bawat bansa ng ginto sa tiyak na presyo. Hangga’t napananatili ng isang bansa ang kanilang salapi sa isang tiyak na halaga katumbas ng ginto, at handa silang bumili at magbenta ng ginto, ang exchange rate ay hindi magbabago.

Page 5: Aralin 24

Habang ang kabuuang balance of payments ay nananatiling balanse, walang gintong papasok o lalabas sa bansa at ang ekonomiya ay mananatiling nasa ekilibriyo. Ang balance of payments (BOP) ay talaan ng lahat ng transaksiyon ng ibang bansa sa ibang mga bansa. Tatalakayin sa Yunit IV ang iba pang detalye sa balance of payments.

Page 6: Aralin 24

Kung ang Pilipinas ay aangkat ng mas marami sa United States ngunit kaunti lamang ang angkat ng United States sa Pilipinas, magkakaroon ng deficit sa balace of paymets ng Pilipinas. Nangangahulugan na ang imbak na ginto ng Pilipinas aybababa. Samantala, madaragdagan naman ang ginto ng United States.

Page 7: Aralin 24

Sa ilalim ng gold standard, ang pagpasok ng ginto sa isang bansa ay magpapataas sa money supply nito, subalit ang paglabas ng ginto ay magpapaliit ng money supply nito.

Page 8: Aralin 24

Dalawang pangunahing suliranin ang may kaugnayan sa gold standard. Una, ang bansa ay walang kontrol sa money supply nito. Maaaring malutas ng isang bansa ang deficit sa balance of payments sa pamamagitan pagbabawas (contraction) sa money supply nito. Subalit maraming bansa ang nagnanais na bigyan ng proteksyon ang reserba nilang ginto kaya hindi nabibigyan ng solusyon ang suliraninng ito. Ikalawa, ang paggawa ng money supply batay sa dami ng ng ginto ay may hindi kabutihan.

Page 9: Aralin 24

Ang pagkakatuklas ng mina ng ginto sa California noong 1849 sa South Africa noong 1886 ay nagpataas sa suplay ng ginto sa buong daigdig. Kung gayon, tumaas din ang sulay ng salapi. Dapat alalahanin na ang mataas na money supply ay magpapababa sa aggregate demand. Ang resulta nito ay ang pagtaas ng antas ng presyo na maaaring humantong sa inflation.

Page 10: Aralin 24

FIXED EXCHANGE RATE AT SISTEMANG BRETTON WOODS

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang grupo ng mga ekonomista mula sa United States at Europe ang nagpulong upang bumalangkas ng bagong panuntunan sa pagpapairal ng exchange rate. Layunin nito na maiwasan ang mga kahinaan at kakulangan sa gold standard. Amg mga pamantayang nabuo ay nakilala bilang sistemang Bretton Woods, mula sa bayan ng New Hamsphire kung saan nagpulong ang mga delegado.

Page 11: Aralin 24

Sa ilalim ng sistemang Bretton Woods, ang mga bansa ay dapat magpanatili ng fixed exchange rate sa isa’t-isa. Sa halip na ibatay ang kanilang salapi sa ginto, ang salapi ay nakatakda batay sa dolyar ng United States, kung saan nakatalaga sa hanggang $35 bawat ounce ng ginto. Halimbawa, ang British pound ay nakatalaga sa $2.40. ibig sabihin, ang isang ounce ng ginto ay nagkakahalaga ng £14.6. ang mga bansang may suliranin sa balance of payments ay pinapayagang baguhin ang kanilang exchange rate. Sa gayon, ang exchange rate ay hindi talaga tiyak o fixed sa ilalim ng sistemang Bretton Woods.

Page 12: Aralin 24

Ang dahilan kung bakit pinapayagan ang mga bansa na baguhin ang halaga ng kanilang salapi ay upang maiwasan ang recession. Ayon sa karanasan ng mga ekonomiya sa Europe sa pagitan ng Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi rin mabuti na bigyan ng kalayaan ang mga bansa na baguhin ang kanilang exchange rate kung kailan nila gusto.

Page 13: Aralin 24

Nang maganap ang Great Depression, maraming bansa ang nag-devalue ng kanilang salapi upang bigyang proteksiyon ang panloob na output at empleo. Layunin nitong manghikayat ng pagluluwas (export) sa amamagitan ng pagtatakda ng mababang exchange rate na magiging dahilan upang mas maraming tumangkilik sa kanilang produkto. Sasabayan naman ito ng devaluation ng salapi ng ibang bansa upang labanan ang mababang halaga ng salapi ng iba pang bansa. Upang ang ganitong labanan, itinatag ng Bretton Woods Agreement ang International Monetary Fund (IMF). Isa sa mga bansang nakararanas ng suliranin sa kanilang balance of payments.

Page 14: Aralin 24

Maraming kakulangan ang sistemang Bretton Woods kaya hindi rin ito nagtagal. Tuluyan itong inalis noong 1971. Ang mga bansang nakararanas ng malaking deficit sa balance of payments ay obligadong mag-devaluate ng kanilang salapi o gumagamit ng ibang paraan upang magkaroon ng contraction sa ekonomiya. Hindi ito kaaya-aya dahil ang devaluation ay nangangahulugan ng pagtaas ng presyo at ang contraction ay nangangahulugan na tataas ang antas ng unemployment. Ang mga bansang may deficit sa balance of payments ay walang mapagpipilian. Ibig sabihin, mauubos ang kanilang foreign currencies at kailangan na ilang baguhin ang exchange rate.

Page 15: Aralin 24

Ang mga bansa namang may surlus sa balance of payments ay nakararanas ng pagdami ng reserbang foreign exchange. Bagama’t kailangang mag-revalue ng kanilang salapi upang maging balanse ang balance of payments, hindi naman sila obligadong gawin ito. Madali nilang mapanatili ang fixed exchange rate sa pamamagitan ng pagbili ng anumang labis na suplay ng foreign exchange gamit ang sarili nilang salapi, kung saan marami silang suplay.

Page 16: Aralin 24

Sa sistemang Bretton Woods, pinapayagan lamang ang devaluation kung ang bansa ay may labis na suliranin tungkol sa deficit sa balance of payments at nasa peligrong maubusan ng reserbang foreign exchange. Ibig sabihin, madaling mahuhulaan kung magkakaroon ng devaluatiion kaya madali itong samantalahin ng mga speculator.

Page 17: Aralin 24

FREE FLOATING SYSTEM

Sa ilalim ng freely floating system, ang pamahalaan ay hindi nakikialam sa pamilihan ng foreign exchange. Hindi sila bumibili o nagbebenta ng salapi dahil lamang sa layuning imanipula ang antas ng palitan.

Page 18: Aralin 24

MANAGED FLOATING SYSTEM Sa ilalim ng managed floating system, ang

pamahalaan ay nakikialam kung ang pamilihan ng foreign exchange ay pabago-bago, lalo na kung pakiwari ng pamahalaan na ito ay hindi makabubuti. Maaari ring manghimasok ang pamahalaan kung inaakala nitong ang salapi ay labis na tumataas o bumababa ang halaga. Sa pagbagsak ng sistemang Bretton Woods, ang pandaigdigang sistema ng exhange rate ay maaaring ilarawan bilang isang managed floating system. Isang mahalagang katangian ng sistemang ito ay ang malawakang pagbabago sa exchange rate na may mahalagang epekto sa pandaigdigang ekonomiya.

Page 19: Aralin 24

MGA PANDAIGDIGANG INSTITUSYON NG PANANALAPI

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan, maraming bansa ang nagtamo ng malaking pinsala. May mga pandaigdigang institusyon ng ananalapi na itinatag uang tustusn ang rekonstruksyon ng maraming ekonomiya. Sa kasalukuyan, mas pinalawak ang sakop na layunin ng mga institusyong ito.

Page 20: Aralin 24

INTERNATIONAL MONETARY FUND

Ang International Monetary Fund o IMF ay itinatag ng ang-internasyonal na kasunduan noong 1945 upang tumulong sa pagpapalaganap ng ng isang malusog na pandaigdigang ekonomiya. Ang punong tanggapan nito ay matataguan sa Washington. D.C. sa United States. Ito ay mula sa 186 na bansa.

Page 21: Aralin 24

Ang IMF ay sentral ng institusyon ng pandaigdigang sistema ng pananalappi. Ito ang sistema ng andaigdigang kabayaran at exchange rate ng mga salapi upang magkaroon ng kalakalan sa agitan ng mga bansa. Layunin nitong maiwasan ang krisis sa sistema sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga kasaping bansa na magpatupad ng mga epektibong patakarang pang-ekonomiya. Isa rin itong mpagkukunan ng pondo ng mga kasaping nangangailangan ng pansamantalang tulong uang malutas ang suliranin sa balance of payments.

Page 22: Aralin 24

Gawain ng IMF ang agsusulong ng balanseng pagpapalawak ng sa kalakalang pandaigdigan, pagapatatag ng exchange rate, pag-iwas sa devaluation ng salai para sa sariling interes lamang ng isang bansa, at ang tamang pagsasaayos ng suliranin ng bansa ukol sa balance of payments. Uang maisagawa ang mga ito, ang IMF ay:

1. Sumusubaybay sa ekonomiko at pinansyal na gawain at patakaran ng mga kasaping bansa. Nagbibigay rin ito ng payo ukol sa pagpapatupad ng mga patakaran.

Page 23: Aralin 24

2. Nagpapahiram sa mga kasaping bansa na may suliranin sa balance of payments, hindi lamang para sa pansamantalang pangangailangan kundi pati na rin suportahan ang mga repormang patakaran na naglalayong ituwid ang suliranin.

3. Nagbigay ito ng tulong na teknikal at pagsasanay sa pamahalaan at bangko sentrsl ng mga kasaping bansa.

Page 24: Aralin 24

Ang IMF ang tanging pandaigdigang ahensiya na nakipag-ugnayan sa mga kasaping bansa hinggil sa patakarang pang-ekonomiya. Maaaring talakayin sa IMF hindi lamang ang pambansang patakarang pang-ekonomiya kundi pati ang mga isyung mahalaga sa katatagan ng pandaigdigang sistema ng pananalapi. Kabilang dito ang pipiliing exchange rate at mga kinikilalang pandaigdigang pamantayan at kodigo para sa patakaran at institusyon. Sa pagsusumikap na mapatatag ang pandaigdigang sistema ng pananalapi at maisulong ang kaunlaran tungo sa pagpapaliit ng antas ng kahirapa ng mga kasaping bansa, ang IMF tumutulong upang maging epektibo ang globalisasyon para sa kapakinabangan ng lahat.

Page 25: Aralin 24

Ang IMF ay nagsisilbing tagapayo ng mga kasaping bansa tungkol sa kabuuang kakayahan ng isang ekonomiya na tinatawag na macroeconomic performance. Saklaw nito ang ang kabuuang paggasta, output, empleo at inflation, kasama rin ng balance of payments ng isang bansa.

Page 26: Aralin 24

Nakatutok ang IMF sa mga patakarang may kaugnay sa badyet ng pamahalaan, pangangasiwa ng interest rate, salapi, pautang exchange rate, mga patakaran ng sektor ng pananalapi, kasama ang regulasyon at superbisyon ng mga bangko at iba pang institusyon ng pananalapi. Sa karagdagan, binibigyan ng pansin ng IMF ang mga patakarang may epekto sa labor market na nakaaapekto sa empleo at pasahod. Pinapayuhan nito ang bawat kasapi kung paano isasaayos ang mga atakaran upang magkaroon ng maayos at epektibong pagkamit ng mga hangarin tulad ng mataas na antas ng emleo, mababang inflation, at tuluy-tuloy na pagsulong ng ekonomiya.

Page 27: Aralin 24

Ang IMF ay nagpapautang ng foreign exchange sa mga bansang may problema sa balance of payments. Ang salaping inutang ay inaasahang magpapagaan sa suliranin ng bansa uang maipantay ang gastos sa kita at maiwasto ang problema sa balance of payments. Ang mga kondisyong kaugnay sa pangungutang sa IMF ay makatutulong upang matiyak na hindi mababaon sa utang ang bansa, mapatatatag nito ang ekonomiya, at makakabayad ng utang. Ang IMF at bansang uutang ay kailangang magkasundo sa ipatutupad na atakarang kailangan.

Page 28: Aralin 24

WORLD BANK

Ang World Bank ay isa sa mga pandaigdigang institusyon na pinagmumulanng pondo upang suportahan ang pamahalaan ng mga kasaping bansa para sa pamumuhunan sa paaralan at sentrong pangkalusugan (health center); paglalaan ng tubig at koryente; at pangangalaga ng kapaligiran. Ang suportang ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapautang at kaloob pati na rin ng mga tulong-teknikal, payo, at pag-aaral.

Page 29: Aralin 24

Layunin ng World Bank na pababain ang kahiraan at maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa mga bansang may maliit at katamtamang kita.

Itinatag ang World Bank noong 1944 bilang International Bank for Reconstruction and Development na sa kalaunan ay tinawag na World Bank. Ito ay itinatag matapos ang pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kasalukuyan, mayroon itong 186 na kasapi sa buong mundo. Ang World Bank ay binuo dahil sa lumalawak na pangangailangan at patuloy na pagdami ng mga kasapi nito.

Page 30: Aralin 24

1. International Bank fo Reconstruction and Development (IBRD)

nagbibigay ng tulong sa mga bansang may katamtamang kita. Ang pondo nito ay nanggaling sa pagbebenta ng bonds sa pandaigdigang pamilihan ng kapital.

2. International Development Association (IDA)

tumutulong sa mahihirap na bansa na may per capita income na hindi bababa sa $885. Nagbibigay ito ng pautang na walang tubo, tulong-teknikal, at payo ukol sa pagpapatupad ng mga patakaran.

Page 31: Aralin 24

3. International Finance Corporation (IFC)

naglalayong maitaas ang antas ng pagsulong ng isang ekonomiya sa pamamagitan ng pamumuhunan ng pribadong sektor.

4. Multilateral Invesment Guarantee Agency (MIGA)

tumutulong upang mahikayat ang dayuhang pangangapital sa pamamagitan ng pagkakaloob ng garantiya laban sa pagkalugi dulot ng mga panganib sa pangangapital sa mga papaunlad na bansa. Dahil dito, nagkaroon ng oportunidad para sa pamumuhunan.

Page 32: Aralin 24

5. International Center for Settlement of Invesment Disputes (ICSID)

nagkakaloob ng pasilidad upang isaayos, mamagitan, at ayusin ang hindi pagkakaunawaan ng dayuhang namuhunan at mga bansang binigyan ng puhunan.

Layunin ng World Bank ang pagbibigay ng tulong pinansyal at payo sa mga kasaping bansa na labanan ang kahiraan. Hindi tulad ng mga bangkong komersyal, ang World Bank ay kalimitang nagpapautang ng may maliit o walang interes sa mga bansang hindi makalikom ng salapi para sa kaunlaran. Ang mga bansang umuutang ay binibigyan din ng mahabang panahon upang makabayad. Sa ilang pagkakataon, magsisimula pa lang silang magbayad pagkatapos ng 10 taon.

Page 33: Aralin 24

Ang World Bank ay nagbibigay ng dalawang uri ng pagpapautang: utang para sa pangangapital sa kalakal, trabaho, at serbisyo upang suportahan ang panlipunan at pang-ekonomiyang proyektong pangkaunlaran; at pautang upang suportahan ang patakaran at repormang institusyonal. Ang pautang ay ipinagkakaloob sa mga kasaping bansa sa pamamagitan ng IBRD at IDA.

Page 34: Aralin 24

Sa panahon ng negosasyon sa pagpapautang, nagkakasundo ang bansa at World Bank hinggil sa layunin ng proyekto o programa at plano kung paano maisasakatuparan ang naturang adhikain. Kapag ipinagkaloob na ang utang, kailangang isakatuparan ng umutang ang proyekto batay sa kondisyong napagkasunduan. Sinusubaybaya din ng World Bank kung paano ginagamit ang pondong inutang at nararapat lamang na ang operasyon ng pagsasagawa ng proyekto ay ekonomikal, makatao, at makakalikasan.

Page 35: Aralin 24

Ang Piliinas ay umuutang sa World Bank upang tustusan ang mga programang magapapaunlad sa bansa. Ilan sa mga proyektong inaprubahan ng World Bank ay matutughayan sa Talahanayan 24.1.

Page 36: Aralin 24

TALAHANAYAN 24.1: MGA PROYEKTONG TINUSTUSAN NG PAUTANG MULA SA WORLD BANK

Proyekto

Petsa Kailan Naaprubahan

Laguna de Bay Community Carbon Finance Project

Hunyo 30, 2006

Laguna de Bay Community Watershed Rehabilitation

Hunyo 30, 2006

National Sector Support for Health Reform Hunyo 29, 2006

Support for Strategic Local Development and Investment Project

Hunyo 29, 2006

National Support for Basic Education Hunyo 20, 2006

20 MW Palinpinon II Geothermal Optimization Project

Disyembre 9, 2005

Manila Third Sewerage Project Hunyo 21, 2005

Land Administration and Management II Project Mayo 31, 2005

Second Women’s Health and Safe Motherhood Abril 21, 2005

Philipines: Northwind Bangui Bay Project Disyembre 9, 2004

Page 37: Aralin 24

Diversified Farm Income and Market Development Project

Hunyo 22, 2004

Electric Cooperative System Loss Reduction Project

Abril 29, 2004

Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community Participation

Disyembre 4, 2003

Rural Power Project Disyembre 4, 2003

Supplemental Project to the Rural Power Project Disyembre 4, 2003

Judicial Reform Support Project August 19, 2003

ARMM Reform Support Project Disyembre 5, 2002

Second Agrarian Reform Communities Development Project

Nobyembre 26, 2002

Kapitbisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services

Setyembre 17, 2002

2nd Social Expenditure Management Project Hunyo 4, 2002