arab adab.doc

3
Wagas na Ilusyon Ni Shaira A. Cariño Doon sa malayo, sa di ko matanaw Di ko maisip sa makatang pananaw Ang ibig sabihin nitong nadarama Ng pusong pilit nakikipagsapalaran. Pag ika’y nakikita nitong mga mata Di maipaliwanag nadaramang galak. Ikaw ang laging laman ng aking panaginip Iyong mukhang mala-anghel ang laging naiisip. Nabubuo ang araw tuwing ika’y nakikita Pulso pati puso, ibang iba ang silakbo Lahat sa paligid nagiging kaaya aya Naglalaho pati sariling problema Sa pagmumuni-muni, aking natanto, Pag-ibig ko pala’y maihahalintulad Sa isang punong kahoy na hitik at mayabong Na puno ng ligaya, ni walang panaghoy. Hanggang ngayon ay naguguluhan Ang pusong itong tunay na nahihirapan Pagmamahal na ni minsan hindi nagkulang O ito nga ba’y sadyang ilusyon lamang?

Upload: shaira-aguilar-carino

Post on 15-Nov-2015

10 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Wagas na IlusyonNi Shaira A. Cario

Doon sa malayo, sa di ko matanaw

Di ko maisip sa makatang pananaw

Ang ibig sabihin nitong nadarama

Ng pusong pilit nakikipagsapalaran.

Pag ikay nakikita nitong mga mata

Di maipaliwanag nadaramang galak.Ikaw ang laging laman ng aking panaginip

Iyong mukhang mala-anghel ang laging naiisip.

Nabubuo ang araw tuwing ikay nakikita

Pulso pati puso, ibang iba ang silakbo

Lahat sa paligid nagiging kaaya aya

Naglalaho pati sariling problema

Sa pagmumuni-muni, aking natanto,

Pag-ibig ko palay maihahalintulad

Sa isang punong kahoy na hitik at mayabong

Na puno ng ligaya, ni walang panaghoy.

Hanggang ngayon ay naguguluhan

Ang pusong itong tunay na nahihirapan

Pagmamahal na ni minsan hindi nagkulang

O ito nga bay sadyang ilusyon lamang?

Pag-asa sa Pag-aalsa

Ni Shaira A. Cario

Sa likod ng mga imprastraktura sa Roma,

Tumatagaktak ang pawis ng mga plebiyanong alila.

Alilang lung minsay nagiging mandirigma

Na nagsisilbing aliwan ng mga mariwasa.

Pamahalaang Roma at mga Komitiya!

Centuriata, Curiata at kaming taga-Tributa,

Kamiy may bahagi din sa pamahalaan

Ngunit heto kamit dukha pa rin at walang sapat na lupa.

Nag-aalab na dugot naghihimagsik na damdamin

Walang api, walang sahol, ang tangi naming dinadalangin

Pare-pareho lamang tayo iniluwal dito sa lupain

Ngunit anot kaming nagpapagod ang siya pang walang makain?

Ako si Spartacus, tubong Roman na inalilat binilanggo

Habang mga kasamahan ko namay nilatigot ipinako

Kamiy tao na may karapatat damdaminSubalit binaboy, inabusot sinaktan pa rin.

Bago pa dumating ang bukang liwayway

Kamiy naghanda na sa pakikipagtagisan ng lakas

Upang mapasakamay dangal at ari-arianAt mapawa ang uhaw na matagal ng inaasam.Dugong dumanak ay naglalagaslas

Dulot ng bangis at walang pakundangang dahas

Hindi maduduwag sa kamay ni Crassus

Maaaring humadlang ay kamatayan sa krus.

Isang Malapitan