ang teoryang naturalismo ni dante menor teodoro jr
TRANSCRIPT
ANGTEORYANG NATURALISMO
ULAT NI:DANTE M. TEODORO JR.
BSED III-A
NATURALISMO BILANG PINAKASUKDULAN NG TEORYANG
REALISMOMay mga pagkakataong
nadodominahan ang isang uri ng siyensiya; ang dominanteng siyensiya ang nagiging pangunahing batayan ng iba’t ibang sangay ng mga karunungan.
Kung ang ika-20 siglo ay nadominahan ng Pisika, ang ikalawang hati naman ng ika-19 na siglo ay nadominahan naman ng Biyolohiya. Bunga ito ng publikasyon ng librong Origin of the Species (1859) ni Charles Darwin na nagpakita ng siyentipikong batayan ng teorya ng ebolusyon.
Natural Selection – ginamit bilang aktuwal na modo at proseso ng ebolusyon. (sinasabi rin itong the preservation of favored races in the struggle for life.)
Social Darwinism – konseptong binuo ni Hubert Spencer na ibinandila ang katiyakan ng pag-unlad na panlipunan, pananatili ng pinakamahusay at ng pakikitunggali para mabuhay.
Kumalat ang mga ideyang ito sa larangan ng sining kaya’t inadap ang pananaw at prinsipyo ng likas na agham lalo na ang pananaw ng kalikasan kaya’t nabuo ang naturalismo.
Pinalawak ng naturalismo ang saklaw ng realismo. Tinangka kasi ng naturalismo ang mas matapat, di-pinipiling representasyon ng realidad, isang tiyak na hiwa ng buhay na ipinakita nang walang paghuhusga.
Scientific determinism – bingyang-diin ang namana at pangpisikal na likas ng tao kaysa mga katangiang pangmoral o rasyonal.
Hippolyte Taine – itinuturing na unang maimpluwensiyang manunulat ng naturalismo sa Pransiya.
History of English Literature (1871)“May dahilan ang ambisyon, katapangan
at katotohanan, katulad ng galaw ng masel na pantunaw o init ng katawang-hayop, ang produkto nito, mga kabutihan at bisyo.”
Emile Zola – ang kinikilalang lider ng Naturalist School.
Sa kanyang The Experimental Novel (1880) na itinuturing na manipesto ng naturalismo, sinabi ni Zola na ang manunulat ay hindi lamang isang tagamasid na nagbabala ng mga penomenon o di-karaniwang pangyayari subalit isang may batayang tagasubok….
ng kanyang mga tauhan upang makita rito ang mg kaalaman tungkol sa lipunan at emosyon ng tao, tulad ng “kimiko na nagsusuri sa mga tinunaw na komponent.” Sa gayong paraan, magkakaroon ng mahahalagang impormasyong praktikal tungkol sa mga kahinaan at mga bisyo na pinagmumulan ng kalungkutan at krimen.
heredity – itinakda ng kalikasan na ang mga kahinaan at mga bisyo ay bunga ng abnormalidad sa isang miyembro ng pamilya na walang sablay na isinasalin sa lahat ng kanyang mga angkan.
Suwerte na lamang kung maiiwasan ito. Sa palagay ni Zola ay malulunasan pa ito sa pamamagitan ng kumbinasyon ng medisina at edukasyon.
Mga Naisulat ni Zola:
Therese Raquin (1867) – unang aplikasyon ng kanyang teoryang siyentipiko.Pradeleine Ferat (1968)Monumental na Rougon-Macquart Cycle – may subtitle na The Natural and Social History of a Family Under the Second Empire na binubuo ng 20 tomong sinulat noong 1871-1892.
Maraming mga manunulat ang na sumunod sa naturalismo:
Guy de MaupassantJack LondonHenrick IbsenStephen CraneTheodore DraiserJames T. FarellJohn Stainbech
Sumapit ang naturalismo sa Pilipinas matapos ang pangalawang Digmaang Pandaigdig. Kung minsan, ito ay purong namamayani sa kuwento tulad ng “Yaong Tinatawag na Habag” ni Eduardo Bautista Reyes. Kung minsan, nilalahukan ito ng romantisismo (protestang romantiko laban sa kalagayang panlipunan). Makikita natin ito sa mga kuwentong Tondo at slum areas nina Andres Cristobal Cruz, Dominador Mirasol atbp.
Mga Pananaw o Kakanyahan ng Naturalismo
a. Ang buhay ay tila isang marumi, mabangis at walang awang kagubatan.
Inuudyukan ang kalooban nito ng malalakas na “instinctive devices” at nililigalig ng mga puwersang pangkabuhayan at panlipunan ang kanyang buhay. Nagpapakita ito ng pakikipagsapalaran upang mabuhay.
b. Ipinapakita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.c. Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.d. Pesimista siya sa simula pa lamang.
Mahina ang hawak niya sa kanyang buhay.
e. Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin --- karaniwang nasa mga lugar (milieu) na marurumi, masusukal at mapaniil tulad ng slums.
slums – daigdig ng mga kriminal
ANG PAGSUSURI NG AKDA
BATAY SA TEORYANGNATURALISMO
SAPAGKAMATAY NGISANG NEWSBOY
ni Lamberto E. Antonio
Hindi na siya maaaring ibangon Ng mga pahinang naging pananggalang Sa kahubdan at matinding gutom.
Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon At ipagsangga lang sa mga langaw Sa huling pagkakataon.
Wala na siyang panahon upang gagapinAng mga pangyayaring nagpapaikot sa mundo. Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusalNg mga taong nahirati sa pagbasaNg balitang kasing-init ng kape’t pandesal.
Sayang at di na niya masisilayan Ang sariling retratong naligaw.
Sa espasyong batbat ng anunsiyo --- Newsboy na biktima ng isang kaskasero, Gumulong ang ulo na na parang
sensilyo.
PAGSUSURI:Hirap ng buhay sa lungsod --- na para kumita, ayon nga sa isang manunulat ay tila mga batang matador na sinasalubong ng mga newsboy ang mga dumadagundong na torong sasakyan --- ang paksa ng tulang ito na may malagim na wakas. Sinulat ang tulang ito noong 1970.
Nasagasaan na ang newsboy sa umpisa ng tula at ang makata na siyang higit na nakadarama ng kasawian ng iba (sapagkat siya ang konsiyensiya ng lipunan) ay tahimik na nagdadalamhati.
Hindi na siya maaaring ibangonNg mga pahinang naging pananggalangSa kahubdan at matinding gutom.
Patay na ang bata, nababalot ng mga tindang diyaryo. Kung saang bahagi ng katawan siya nahagip ng sasakyan (dyip? kotse? bus?) ay hindi pa muna sinasabi ng makata. Tahimik, hindi histerikal ang boses ng makata at sa katahimikan ding ito tumitingkad ang ang kanyang protesta.
Ginugunam-gunam ng makata: Upang mabuhay (ipinapahiwatig na “panangga lang”) at madamtan ang sarili (kahubdan), kailangang magtinda siya ng diyaryo. Ang maghanapbuhay sa kalsada ng lungsod ay isang gawaing laging nakahantad sa panganib.
At sinamang-palad ngang nasagasaan ang bata. Sino pa ang magbebenta ng diyaryo? Ano pa ang magagawa ng mga diyaryo kung wala na ang tagapagtinda?
Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon At ipagsangga lang sa mga langaw Sa huling pagkakataon.
Aakitin ng dugo ang mga langaw at ito ang unang naturalistikong detalye sa tula at para siya huwag langawin, ang mga tinda niya mismong diyaryo ang itatakip ng iba sa kanya. Pananggalang niya sa gutom, ang pinagkukunan niya ng ikabubuhay (at maging ng pamilya rin niya marahil) ang diyaryo, ngunit sa pagkakataong ito, ang diyaryo ay hindi na pananggalang sa buhay kundi panang-
galang sa langaw. Ang takpan ng diyaryo ang huling silbi ng diyaryo sa kanya.
Kay batang namatay (musmos na nawalan ng pulso) ng newsboy. Itutuloy ng makata ang imahen ng pulso:
Wala na siyang panahon upang gagapin Ang mga pangyayaring nagpapaikot sa
mundo.
Ang paggagap (paghawak) ay akto ng kamay. Ginagamit din ito sa pag-unawa. Akto ng isip. Namatay ang newsboy nang hindi man lamang nauunawaan ang mga bagay-bagay sa mundo. Totoong mahirap ang buhay ngunit bakit mahirap? Dahil ito sa antas ng ating ekonomiya. Naiisip din kaya ng newsboy na balang-araw ay manliligaw rin siya? Iya’y sa antas na personal. Ngunit hindi niya inabot ang gulang para maintindihan ang mga ito.
Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusal Ng mga taong nahirati sa pagbasa Ng balitang kasing-init ng kape’t pandesal.Umaga --- mga alas siyete o pasado marahil--- naaksidente ang bata. Hindi muna mahalaga sa makata kung sino ang nakasagasa. Naiisip ng makata ang mga mas masuwerteng taong ngayong umaga’y hindi tatanggap ng diyaryo ng kanilang ilaladlad sa mesa habang nagkakape.
Ano kaya ang nangyari sa bansa at sa mundo kahapon? Sino kaya ang nanalo sa basketball o sa golf? At marami pang iba. Depende sa kanilang interes ang pananabik sa sariwang balita (“kasing init ng kape”).
Mula sa mga taong hindi tatanggap ng rasyong diyaryo, muling pagninilayan ng makata ang larawan ng nakabulagtang newsboy:
Sayang at di na siya masisilayanAng sariling retratong naligaw.
Iniwang nakabitin ang huling linya (run-on line) sapagkat tigtatatlong linya lamang ang bawat saknong at sa porma ng tula’y di dapat dagdagan pa. sayang, ngayon lamang sana mareretrato ang newsboy sa diyaryo --- Tempo, Abante, Philippine Daily Inquirer o People’s Tonite? --- pero di na niya makikita.
Ang retrato niya’y isisingit sa mga advertisement. Ang mga diyaryo ay kailangan ding mabuhay at natutuwa ito kapag may advertisement.
Sayang at di na niya masisilayan Ang sariling retratong naligaw.
Sa espasyong batbat ng anunsiyo --- Newsboy na biktima ng isang kaskasero, Gumulong ang ulo na na parang sensilyo.
Isisingit sa advertisement ang kanyang retrato. Sino ba siya? Hindi mahalaga kung sino siya. Ang mahalaga ay ang paraan ng kanyang pagkamatay. Hahanapbuhayin din ng diyaryo ang kanyang kamatayan. Ang kamatayan ng isa ay hanapbuhay ng iba.
Kaskasero, drayber ng mekanikal na toro, ang nakasuwag sa newsboy. Sensilyo (“Barya po lamang”) ang karaniwang ibinabayad sa pasahe. Kapag nabitiwan ang sensilyo, gumugulong ito. Nakita na ninyo ito. Sa paghahanapbuhay o paghahanap ng sensilyo (sagisag ng pera) naaksidente ang newsboy. Gumulong ang ulo.
Ganyan ang naturalismo. Totoo mang nangyayari ay malagim. Nakakikilabot. Ibig nating tumili ngunit preno-preno lang, kailangang tingnan din natin ang kalagayan na ito upang maalala man lamang natin at tayo’y tablan ng sawimpalad na buhay ng ating kapwa.
MARAMINGSALAMAT
PO!!!