ang talambuhay ni manuel l. quezon

11
Ang Talambuhay ni Manuel L. Quezon by: Shannen Angellie C. Tolentino 4-St. Alphonsus

Upload: dale-robert-b-caoili

Post on 14-May-2015

42.065 views

Category:

Travel


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

Ang Talambuhay ni Manuel L.

Quezon

by: Shannen Angellie C. Tolentino

4-St. Alphonsus

Page 2: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

Manuel Luis Molina Quezon

Siya ay kinilala bilang “Ama ng Wikang Filipino at tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”

Siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo.

Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.

Page 3: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

Ang buhay ni Manuel L. QuezonSiya ipinanganak noong ika-19 ng

Agosto, 1877 sa Baler , Tayabas Quezon

Ang kanyang mga ay si Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang bayan

Page 4: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

Sa San Juan de Letran kung saan siya nagtapos sa sekondarya noong 1889 at nagtapos siya nagtapos ng summa cum laude sa kursong Bachelor of Arts sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) noong 1894.

Nag-aral si Quezon ng abogasya sa UST, ngunit pansamantalang natigil ito nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Pagkatapos ng digmaan, tinapos niya ang kursong abogasya sa UST at nakakuha siya ng pang-apat na puwesto sa Bar Exams noong 1903.

Page 5: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

Pagtakbo bilang pangulo

Si Quezon ay tumakbo sa unang halalan sa pagka-Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 1935 at nanalo siya laban kay Emilio Aguinaldo (dating Pangulo ng Rebolusyunaryong Republica Filipina, na dati ay pinagsilbihan niya bilang aide-de-camp), at Gregorio Aglipay.

Page 6: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

KontribusYon sa kanyang pagka pangulo

Noong 1936, inilabas ni Quezon ang E.O. No. 23, na naglalaman ng technical description at detalyadong espisipikasyon ng watawat ng Pilipinas.

 Masigasig na isinusulong ni Quezon ang panlipunang katarungan o social justice, kung kaya minsan ay kanyang winika: “Ang panlipunang katarungan ay higit na mas makatutulong kapag ang ginamit na batayan ay ang damdamin at pang-unawa at hindi ang batas.”

Page 7: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

Surian ng Wikang Pambansa,

• Itinatag ni Quezon noong Enero 1937

• Ito ay naglalayong lumikha ng isang pangkalahatang pambansang wika para sa mga Pilipino.

• Noong Nobyembre 1937 nirekomenda ng Surian na gawing pambansang wika ang Tagalog, kung kaya noong ika-30 ng Disyembre 1939 ay idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng Pilipinas. Noong Hunyo 1940 naman, iniutos niyang ituro ang pambansang wika bilang isa sa mga asignatura sa mga paaralan

Page 8: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

Batas Commonwealth 502• Itinatag noong ika-12 ng Oktubre, 1939 • Ito ay lumikha ng isang lungsod sa Diliman, na nasa dakong labas ng Manila. Ang lungsod na kanyang itinatag at pinagyaman upang maging kabisera ng bansa, kalaunan ay ipinangalan sa kanya – ang Lungsod ng Quezon

Page 9: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

Masigasig na isinusulong ni Quezon ang panlipunang katarungan o social justice, kung kaya minsan ay kanyang winika: “Ang panlipunang katarungan ay higit na mas makatutulong kapag ang ginamit na batayan ay ang damdamin at pang-unawa at hindi ang batas.”

Noong 1937, nilagdaan ni Quezon ang kauna-unahang batas para sa minimum wage sa Pilipinas. Noong taon ding iyon, unang bumoto ang kababaihang Pilipino sa isang plebisito tungkol sa karapatan ng mga babaeng bumoto o ang tinatawag na women’s suffrage.

Page 10: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

KAMATAYAN Namatay si Quezon sa sakit na tuberculosis noong ika-1 ng Agosto 1944

sa Saranac Lake, New York.

Una siyang inilibing sa Maine Memorial sa Arlington National Cemetery sa Washington D.C., pagkatapos ay hinukay muli ang kanyang mga labi at isinakay sa USS Princeton, at muling inilibing sa Manila North Cemetery noong ika-1 ng Agosto 1946.

Kalaunan, ito ay inilipat sa Manuel Quezon Memorial Shrine, sa loob ng bantayog sa Quezon Memorial Circle sa Lungsod Quezon, noong ika-19 ng Agosto 1979, araw na sana’y kanyang naging ika-102 kaarawan

Page 11: Ang talambuhay ni manuel l. quezon

SANGGUNIANNew York Times July 1911 edition.

New York Times September 1912 edition.

Nacionalista Party website. History of the Nacionalista Party.

Escape to Manila by Frank Ephraim. Book about Jewish refugees finding sanctuary in the Philippines.

U.S. Navy - A Brief History of Aircraft Carriers. History of USS Princeton.