ang sarsuwela at ang mga uri ng dula

12
ANG SARSUWELA AT ANG MGA URI NG DULA AYON SA ANYO

Upload: charlene-eriguel

Post on 16-Apr-2017

1.814 views

Category:

Education


55 download

TRANSCRIPT

ANG SARSUWELA AT ANG MGA URI NG DULA AYON SA

ANYO

SARSUWELA• Ang Sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.• Ang Sarsuela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang Sarsuela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito. • Severino Reyes ay kilala bilang Ama ng Sarsuela• Kadalasan ang Sarsuela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuela ay pahaplis at pahapyaw lamang.

• Mga pininturahang telon ang nagtatakda ng tagpo sa bawat eksena. Nakikilala naman ang bida at kontrabida sa pamamagitan ng kanilang pag-arte at pananamit.

• Isang maliit o malaking orkestra ang sumasabay sa mga kanta, na karaniwang isinasama ang kundiman, balitaw, balse, danza, fox-trot at kung anu man na sikat sa naturang panahon.

• Isang pangkalahatang direktor ang nagsasanay sa mga aktor at nakikipag-ugnayan sa direktor ng musika, na kumukumpas ng orkestra; maestro del coro (choir master), na nagsasanay sa pag-awit ng mga aktor; tramoista (technician), na gumagawa ng mga telon at props; electricista na nangangalaga sa ilaw na gagamitin sa sarswela; apuntador (prompter) na nagdidikta mula sa concha (shell) sa harap ng entablado; at ang iba pang mga tauhan na kasama sa pagtatanghal.

MGA HALIMBAWA NG SARSUWELA• Ang sarswela ay maaaring maglarawan ng mga tema nang pagmamahal sa bayan sa panahon ng rebolusyon, tulad ng Walang Sugat (Not Wounded), 1902 ni Severino Reyes; panlilibak sa mga kahinaan ng pagkatao ng mga Pilipino, tulad ng Paglipas ng Dilim (After the Darkness), 1920; pagtuligsa sa mga baluktot na gawain, tulad ng mataas na interes sa pautang, sa Bunganga ng Pating (At the Mercy of the Sharks), 1921; at paglalahad ng isang nakawiwiling kwento ng pag-ibig, gaya ng Anak ng Dagat (Child of the Sea), 1921 at Dalagang Bukid (Country Maiden),1919.

DULA“Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.” -SaucoAng Dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.

MGA SANGKAP NG DULA• Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.• Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.• Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

• Tauhan - ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula.• Tagpuan - ang panahon at pook kung saan naganap ang mga

pangyayaring isinasaad. • Sulyap sa Suliranin - pagpapakilala sa problema ng kwento.

Pagsasalungatan ng mga tauhan, o kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa.

• Saglit na Kasiglaan - ito ay ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.

• Tunggalian - maaaring sa pagitan ng mga tauhan ; tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian.

• Kasukdulan - sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng tauhan. Dito pinakamatindi at pinakamabugso ang damdamin o ang pinakakasukdulan ng tunggalian.

• Kakalasan - ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.

• Kalutasan - dito nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula.

MGA URI NG DULA AYON SA ANYO• Komedya - ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.

• Trahedya - isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas.

• Melodrama o Soap Opera - nag wawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't ang uring ito'y may malulungkot na sangkap kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida. Ginagamit ang melodrama sa mga musikal na dula. Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.

• Tragikomedya - magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli'y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang mga bida.• Saynete - isang tulang pandulaan na ang layunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari sa dulang ito ay hindi pangkaraniwan o kakaiba. Ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.• Parsa - magdulot ng katatawanan sa tagapanood. Ito`y gumagamitng eksaheradong pantomina,pagbobobo (clowning), mga nakakatawa atnakatutuwangpagsasalita.

• Parodya - isang Dula na nagsasaad ng kilos o galaw at nagpapakita ng emosyon na minsan nakakatawa at nakakalungkot . • Proberbyo - kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay

INIULAT NILA: Jherlyn Nicole AlbayCharlene EriguelJustine TanChristine Kate Fonseca