ang kapangyarihan ng mga ekonomikong

37
ANG KAPANGYARIHAN NG MGA EKONOMIKONG ELITISTA: MAY KAKAYAHANG HUMUBOG NG KAISIPAN NG TAO Isang riserts na iniharap sa Kaguruan ng Kolehiyo ng Sining at Agham Departamento ng Filipino Pamantasan ng New Era, Lungsod Quezon

Upload: noel-saligue

Post on 21-Apr-2015

370 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

 

 

ANG KAPANGYARIHAN NG MGA EKONOMIKONG

ELITISTA: MAY KAKAYAHANG HUMUBOG

NG KAISIPAN NG TAO

 

 

 

Isang riserts

na iniharap

sa Kaguruan ng

Kolehiyo ng Sining at Agham

Departamento ng Filipino

Pamantasan ng New Era, Lungsod Quezon

 

 

 

 

Bilang bahagi ng Pagtupad

Page 2: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Sa mga Rekwayrment sa Pagtatamo ng Kursong

Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ni:

 

DARMO C. GAYOS III

 

 

 

Ika-10 ng Marso 2004

 

Pamantasan ng New Era

Page 3: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Kolehiyo ng Sining at Agham

Kagawaran ng Wika

Departamento ng Filipino

 

 

PAHINA NG PAGSANG-AYON

 

Sa parsyal na kaganapan sa mga rekwayrment sa sabjek na Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat, ang riserts na "ANG KAPANGYARIHAN NG MGA EKONOMIKONG ELITISTA: MAY KAKAYAHANG HUMUBOG NG KAISIPAN NG TAO", ay inihanda at isinimute ni Darmo C. Gayos III, unang taon ng kolehiyo sa kursong Batsilyer ng Sining, medyor ng Agham Pampulitika (AB Political Science), Lunes at Miyerkules n.u., ikalawang semestre 2003-2004.

Sinang-ayunan at tinanggap bilang ganap na katugunan sa kursong Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat na may markang __________.

 

 

 

Prop. ERLINDA CALDERON MIRAFUENTES-DELA CRUZ

Tagapagturo

 

 

 

Puna:_____________________________________________________________________________

Page 4: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

 

 

PASASALAMAT

Ang sulating pananaliksik na ito ay hindi maisasagawa kung wala ang tulong ng mga sumusunod:

 

Dr. Pedrito B. Placio, OIC Dean, sa kanyang mahuhusay na pamumuno sa College of Arts and Sciences at mabisang pagtataguyod ng Basic Education Curriculum (BEC);

Propesora Erlinda Dela Cruz, sa walang sawang pagtuturo at paggabay sa aming pananaliksik;

Sa mga Librarian ng CAS, Filipiniana, at Main Library, sa matiyagang nagpahiram sa akin ng sangkatutak na libro, at pinagtiyagaan ang aking pangungulit;

Sa aking ina na si Anita, na madalas mapuyat sa kagigising sa akin kapag napupuyat ako sa pag-eencode ng research na ito at may maaga pang klase;

Sa aking ate na si Maria Divina (Babs na lang!), na nagpagamit sa akin ng kanyang kompyuter na halos umusok kapag binitawan ko na, at napupuyat din sa kagigising sa akin,at madalas ko ding utangan ng pampa-print (‘wag muna bayad ngayon!);

Sa ating Tagapamahalang Pangkalahatan, sa pagpapatayo ng pamantasang pinakikinabangan ng lahat, mayaman man o dukha, kapatid man o pinsan (tanungin n’yo si Ma’am Dela Cruz kung anong ibig sabihin niyon);

Higit sa lahat, ang Itaas, sa patuloy na pagbibigay sa akin ng pagkakataong makapag-aral.

Marami pong salamat sa inyong lahat!

Page 5: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

 

Dcg3

 

Sa ating Panginoong Diyos…

Sa aking mga mahal sa buhay…

Sa aking mga kababayan…

Sa ating kaawa-awang Inang Bayan…

 

Ang aking hamak na akda ay taos-puso

kong iniaalay sa inyo….

 

 

Page 6: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Karl Marx(1818-1883)

 

"The ideas of the ruling class are in every epoch the ruling ideas: i.e., the class, which is the ruling force of the society, is at the same time its ruling intellectual force. The class which

has the means of material production at its disposal, has control over the means of mental production… The ruling

ideas are nothing more than the ideal expression of the dominant material relationships…

Page 7: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

The German Ideology

www.marxists.org

 

"The philosophers have only interpreted the world in various ways; the point however, is to change it."

Theses on Feuerbach

www.marxists.org

 

TSAPTER 1:

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

 

PANIMULA

Hindi natin maitatanggi na sa pamumuhay sa mundong ito ay kailangan natin ng salapi, ang tinatawag na "all-around commodity". Ito ang ating ipinambibili ng iba pang commodities o ng ating mga pangangailangan tulad ng pagkain, damit at gamot; ng mga serbisyo tulad ng kuryente, tubig, telepono, gupit, manicure at pedicure; at pati na rin ng mga luho tulad ng alahas, sportscar, mansiyon at iba pang mga kauri nito. Maari rin itong iimbak sa pamamagitan ng pagdedeposito sa bangko. Maari rin itong palaguin o paramihin sa pamamagitan ng pagpupuhunan o pag-iinvest sa negosyo (ang pag-aaral, na isang commodity sa ilalim ng kategoryang serbisyo, ay maituturing na isa ring uri ng pamumuhunang intelektuwal, sa kadahilanang sa pamamagitan nito, napapataas natin ang halaga ng ating lakas-paggawa; ang sahod ng isang dekano ay higit na mataas kaysa dyanitor dahil dito) At maari rin itong ibenta sa pamamagitan ng pagpapapalit nito sa salapi ng ibang bansa (hal.,$1=P55). Sa madaling salita, ang taong nagtataglay nito ay may kapangyarihang ekonomiko, sapagkat ang lahat ng mga ito ay may katapat na halaga sa salapi,na isa ring commodity, na maari niyang ipambili ng iba pang commodities na kanyang kinokunsumo, itinatago, pinapalago o muling ipinagbibili, ayon sa kanyang mga pangangailangan o nais.

Page 8: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Ayon kay Conwell (1:232), "Ang salapi ay Kapangyarihan." Madalas ding sabihin sa atin ng mga matatanda na "Pera-pera lang ‘yan!" kapag nagkakaroon halimbawa ng baligtaran sa prinsipyo, pulitika, militar, at maging sa litigasyon. Marami rin tayong madalas na makita’t marinig na mga tao na ibinubuhos ang buo nilang panahon, lakas, at buhay magkamal lamang at maparami ito. Hindi natin maikakaila ang reyalidad na sa pamamagitan ng ekonomikong kapangyarihang ito ng mga ekonomikong elitista ay napapasunod hindi lamang ang mga nasa pinakamababa, kundi pati na rin ang mga nasa pinakamataas na katungkulan sa ating pamahalaan. Kung ang mga tao ay handang magbuhos ng buo nilang panahon, lakas at buhay kumita lamang nito , at nakokontrol ng mga humahawak nito ang mga nagpapatakbo sa ating pamahalaan, maari rin kaya nitong baguhin ang ideolohiya o kaisipan ng mga tao? Ito ang nais alamin ng sulating pananaliksik na ito.

Ayon sa isang pulitikal na ideolohista, (2:11), ang ating kalagayang materyal at ekonomiko ang humuhubog sa ating pagpapahalaga, moralidad, ugali at mga pulitikal na institusyon..

Isang ekonomista naman ang nagsabi (3:424) na, ang mga mayayaman o mga burgis, upang gapiin ang mga kapwa burgis na kalaban nila, ay gumagamit ng mga mahihirap o proletaryo. At upang maisagawa nila ito, kanilang tinuturuan ang mga mahihirap ng pulitikal at pangkalahatang edukasyon.

Anang mga sosyolohista(4:290), ang kapangyarihang ekonomiko (hal. ang pag-aari at pagkakaroon ng kontrol sa malawak at maraming ari-arian) ay nagdudulot ng katanyagan, kapangyarihan at impluwensiya sa mga taong humahawak nito.

Ang pagkontrol ng mga mayayaman sa mga mamamayan ay hindi na isang bagong bagay. Ang tipikal na halimbawa ay ang pamilyang Medici ng Republika ng Florence sa Italya(5:1000-02). Sila ay nagkaroon ng kontrol pulitikal at ekonomiko, naging patron sa larangan ng sining at agham, nakapagluklok ng apat na papa sa Roma (Leo X, Clemente VII, Pio IV, at Leo XI), at nakapagmantine ng malaki at tapat na hukbo, na karamihan ay mahihirap, sa panahon ng kanilang pamumuno. At ang lahat ng mga ito ay dahil sa kanilang malaking kayamanan.

Ang paggamit ng mga ekonomikong elitista ng kanilang mga kayamanan at ari-arian ay nakapagbabago ng kaisipan o ideolohiya. Sapagkat ayon kay Karl Marx(6:293):

Page 9: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

"Hindi ang kamalayan ng tao ang nagpapasya ng kanyang pamumuhay, kundi ang kanilang panlipunang pamumuhay, ang nagpapasya ng kanilang kamalayan."

 

O sa mas ispesipikong salita, ang mga pagkakahati-hating pang-uri sa loob ng lipunang kinabibilangan nila. Ang mga naghaharing pananaw sa larangan ng moralidad, pulitika, relihiyon, batas, pilosopiya at sining ay ang pananaw ng mga naghaharing ekonomikong uri. Ayon kay Will Durant 7:202), ang unconscious o di-namamalayang proseso sa ibaba (pagnanasa o urges) ang siyang nagpapasya sa may-kamalayang itaas (reasoning o pag-iisip). At gayon nga ang nangyayari sa ating panahon ngayon. Ang pagnanasa sa ganansiya o pakinabang ng mga ekonomikong elitista ay nagbubunsod sa kanila magpalaganap at sumuporta ng mga kaisipan na lalo pang magpapasulong ng kanilang mga interes. Nasabi tuloy ni Marx (8:424) na:

"Ang lahat ng mga uring napunta sa naghaharing posisyon ay nagnanais na mapanatili ang kanilang naging kalagayan at mga naabot sa pamamagitan ng pang-aalipin sa

lipunan sa ilalim ng kanilang patakaran sa pagmamay-ari."

 

Sa madaling salita, ang pagtataguyod ng ideya, ideolohiya, kaugalian, batas, atbp. ng mga ekonomikong elitista ay depende sa kung ito ba ay salungat, o sang-ayon, sa kanilang pansarili at ekonomikong interes.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ito ang mga katanungan na nais mabigyan ng kasagutan ng panananaliksik na ito:

1. Nahuhubog nga ba ng mga ekonomikong elitista ang kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihang ekonomiko?

2. Ano ang isa sa mga halimbawa ng kaisipan na nagsusulong ng mga ekonomiko at pansariling interes ng mga ekonomikong elitista?

3. Kung kanila ngang nahuhubog ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan, ano ang isa sa marami nilang pamamaraan ng pagsasagawa nito?

4. Ano ang ilan sa maraming kaugalian na isinusulong ng mga ekonomikong elitista na sa unang tingin, ay tumutulong lamang sa pagkamit ng ibang layunin,

Page 10: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

ngunit sa katotohanan ay nagsisilbi sa kanilang pansarili at ekonomikong interes?

5. Kung kanila ngang nahuhubog ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan, paano ito mapipigilan kung sakaling sila’y mang-abuso?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pagsasaliksik na ito ay mahalaga sapagkat nagnanais itong alamin kung paanong ang mga ekonomikong elitista ay nakapagmamanipula ng mga tao, ng kanilang mga kaisipan at institusyon upang magdulot ng kapakinabangan sa kanila.

Ang makikinabang na higit sa mga pagsasaliksik na tulad nito ay ang mga kumukuha ng kursong Agham Pampulitika, sa kadahilanang kanilang malalaman ang tunay na layunin ng mga ekonomikong elitista sa pagsusulong ng mga ng mga ideyang pangmoral, pampulitika, pangrelihiyon, pilosopikal, pangsining, atbp.

 

LAWAK AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pagsasaliksik na ito ay kumuha ng mga kinakailangang datos sa mga lokal at banyagang mga libro, mga pamanahunang papel, ibang mga sulating pananaliksik, at mga thesis na sumasaklaw sa mga larangan ng pilosopiya, kasaysayan, agham pampulitika, ekonomiks, sosyolohiya, sikolohiya, at mass communication.

Ang may-akda ay nilimitahan lamang ang pananaliksik sa mga epekto ng ekonomikong kapangyarihan ng mga ekonomikong elitista, at mga paraan ng paggamit nila nito sa pagpapalaganap ng kanilang mga pansarili’t ekonomikong interes. Ang tinutukan lamang ng may-akda na kaisipan, kaugalian at pamamaraan na nagsusulong ng pansarili’t ekonomikong interes ng mga elitista ay ang liberalismo, ang pagiging masunurin sa nakatataas,at ang media, ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod, sanhi ng kakapusan ng panahon at panustos.

 

Kahulugan ng mga Terminolohiya

Page 11: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

1. Mayayaman o mga Ekonomikong Elitista- sa madaling salita, ang mga nasa itaas na uri. Ito ang mga tao/grupo ng mga tao na nagtataglay ng malawak na ekonomikong kapangyarihan, katulad ng pagkakamal ng malaking halaga ng salapi, malalaki at malalawak na lupa, opisina, parika, atbp.Ito ang tinatawag ni Marx na mga bourgeoisie.

2. Tao o mga Mamamayan- pinagsama-sama na ng may-akda dito ang mga taong nasa panggitna, ang mga tinatawag na petty bourgeois,at ibabang uri, ang mga proletariat. Isinama na rin ng may-akda sa kategoryang ito ang mga tinatawag na "latak ng lipunan", o mga lumpenproletariat tulad ng magnanakaw, isnatser, prostityut, holdaper, at iba pang mga kauri nito.

3. Ekonomikong Kapangyarihan- kapangyarihang monetaryo, o kapangyarihang nakabatay sa salapi at ari-arian.

4. Kaisipan o Ideolohiya- sistema ng mga ideya na pinagpapasyahan ng ekonomikong paglalabanan ng uri, na sumasalamin at nagsusulong ng mga interes ng naghahari o nananaig na uri (6:41).

6. Media- radyo, tv, diyaryo, magasin, komiks, pelikula, at iba pang mga kauri nito.

7. Status quo- umiiral na sistema o sitwasyon.

 

TSAPTER 2

 

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

 

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kina Cordero at Panopio (1:290), ang pagkakaroon ng kapangyarihang ekonomiko ay nagdudulot ng katanyagan, kapangyarihan, at impluwensiya sa humahawak nito. Ayon naman kay Zulueta (2:6), ang mga aspetong ekonomiko katulad ng mga estadistika sa GNP (gross national product), balanse ng pagbabayad, deficits, savings, at credit economic cycles, at taunang

Page 12: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

kita, ay sumasalamin sa indibidwal na ugali, pakikipag-ugnayan sa ibang mga grupo, institusyonal na istruktura at layunin. Ang mga ekonomikong aktibidad ay malaki ang epekto sa kasanayan, kagamitan, kaalaman, motibasyon, ambisyon, at ideolohiya. Ito ay nakakaapekto ng malaki sa panlipunang norms, pagpapahalaga, at pansariling pakikipag-ugnayan sa loob ng lipunan.

Ating makikita sa kanilang pag-aaral na pag-aari o pagkakamal ng salapi at ari-arian ang pangunahing sukatan ng pagtatagumpay ng ating lipunan. Makikita rin na ang mga ekonomikong elitista ay may kakayahang hubugin ang kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang ekonomikong kapangyarihan. Bakit? Dahil sila ang may kontrol sa mga salapi na kanilang ipinambabayad, ng mga ari-ariang pinagkakabuhayan, ng mga tao. Dagdag pa nina Cordero at Panopio (3:265), ang ganitong sitwasyon ay nagreresulta sa paternalistikong employer-sunud-sunurang empleyadong relasyon, hindi pantay na pagkakabaha-bahagi ng per capita o sahod ng pamilya, mababang pambansang kita, kawalan ng sapat na probisyon sa pabahay, damit, gamot, paglilibang, kalusugan, work productivity, life expectancy, edukasyon, at ang kahirapan, kundi man ng imposibilidad, ng pagkakaroon ng impok, puhunan, at panlipunang mobilidad.

 

DAYUHANG LITERATURA

Ayon kay Macridis (4:111), ang ating kalagayang materyal at ekonomiko ang siyang humuhubog ng ating pagpapahalaga, moralidad, pag-uugali at mga pulitikal na institusyon. Halimbawa, ang isang komunidad ng mga mangangaso, ay may kaugalian, moralidad, at mga batas o patakaran na angkop sa kanilang komunidad, i.e., komunidad ng mangangaso. Gayundin naman sa isang industriyal na komunidad, ang mga kaugalian, moralidad at mga batas na kanilang ipinatutupad at sinusunod ay ayon sa kanilang materyal at ekonomikong kalagayan, i.e., kalagayang industriyal. Ayon pa sa kanya, ang pulitikal na ideolohiya ay isa lamang pangangatwiran sa pagpapanatili ng status quo o ng umiiral na kalagayan(5:2-3), i.e., ang pagiging dominante ng mga ekonomikong elitista.

Ayon kay Karl Marx (5:424), ang mga nasa dominante o naghaharing posisyon ay nagnanais na mapangalagaan at mapanatili ang kanilang kalagayan at mga naabot, ay nang-aaalipin sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pag-aari at tinuturuan ito ng kanilang pulitikal at pangkalahatang edukasyon.

Page 13: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Sa madaling salita, ang mga ekonomikong elitista ay bumubuo at nagsusulong ng mga kaisipan upang mapangalagaan, mapagyaman, at mapanatili, ang kanilang ekonomiko at pansariling interes.

Paano kaya nila ito naisasagawa?

Ayon kina Janda, et al. (6:212), ang "napakalaking mayorya,halos lahat ng mamamayang Amerikano ay naniniwala na ang media ang may malakas na impluwensiya sa kanilang pulitikal na institusyon...halos siyam sa sampung Amerikano ang naniniwala na ang media ay may malakas na impluwensiya sa opinyon publiko."

Ayon pa muli kay Marx (7:295), ang kasaysayan ng kultura ng sangkatauhan ay kasaysayan ng ideolohiya, ng mapanghikayat na relihiyon, pilosopiya at sistemang legal na pinapalabas na pangkalahatan at panghabampanahong katotohanan, ngunit sa katotohanan, ay kumakatawan lamang sa naghaharing uri at isinasalegal lamang ang kanilang pamumuno. Halimbawa, ang teoryang pulitikal ng mga Pranses na burgis (ang liberalismo) ay naghahangad ng kalayaan at pagkakapantay-pantay, na mukhang para sa ikabubuti ng sangkatauhan, ngunit sa katotohanan, ay nagsisilbi lamang upang bigyan ang kanilang uri ng kapangyarihang pulitikal, na wala sila. Gayundin naman ang Kristiyanismo (nota: lawakan lamang ng mga mambabasa ang kanilang pananaw) na pinangangaralan ang kanilang mga mananampalataya na sundin ang mga utos ng Diyos at gawing huwaran ang buhay ni Cristo. Ang mga ideya na ito na mukhang tumutugon lamang sa ispiritwal na layunin ay nagsisilbi upang isulong ang "political quietism" at "passive obedience" sa lahat pinunong sekular, na itinuturing na pinaging-banal ng Diyos. Ayon muli kay Macridis (8:2-3), ang pulitikal na ideolohiya ay pinangangatwiranan ang status quo, o ang umiiral na sistema. Kung lilimiin ang ang isinasaad ng mga banyagang awtor, iisa lamang ang nais nilang sabihin: ang mga ekonomikong elitista ay hinuhubog ang kaisipan mga tao upang mapangalagaan ang kanilang pansarili at ekonomikong interes.

Ngunit ano kayang sektor at/o pamamaraan sa media ang kanilang ginagamit sa pagsasagawa nito?

 

LOKAL NA PAG-AARAL

Page 14: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Ayon kina Caasi, et al. (9:16), ang media ang pinakapangunahing pinagmumulan ng kaalamang pulitikal ng mga kabataan, na kadalasan ay sa pamamagitan ng panonood sa telebisyon. Ayon kina Talastas, et al. (10:10):

"Ang telebisyon o TV ay may kakayahang hubugin ang ang buhay ng tao. May kakayahan itong maapektuhan ang pang-araw-araw na gawain ng isang tao at idikta sa kanya kung "kailan ang kailan". Maari din nitong baguhin ang mga pagpapahalaga at katangian ng mga tao, pati na rin ang kanilang mga gawi ito ay sa kadahilanang ang [pelikula at] TV ay mas direkta. Kaya nitong maghatid ng mensahe sa mas malaking bilang ng tagapanood, mas mabilis kaysa ibang medium…. Hindi lamang nito hinuhubog ang buhay ng mga tao, kundi pati na rin ang media mismo; ang pagnanais na mapunuan ang pangangailangan ng madla ay hindi lamang nakakaapekto sa mga tao kundi pati na rin sa pamahalaan."

Samakatwid, ang media, partikular na ang TV, ay naghuhubog ng kaisipan ng tao. Bilang halimbawa, hindi kaila sa atin na ang pamilya Lopez na pangunahing may-ari ng Bayantel, Maynilad Water, at Meralco, ay siya ring nagmamay-ari ng ABS-CBN, Studio 23, ANC (ABS-CBN News Channel), Cinema One, TFC (The Filipino Channel), at Knowledge Channel. Kapag nagkakaroon ng mga balita o pangyayari na hindi pabor sa kanilang interes (hal., ang utos ng Korte Suprema sa Meralco na ibalik sa mga mamamayan ang kanilang sobrang siningil sa kuryente), kanila itong itinatago o isinu-suppress, kung hindi man binibigyan ng ibang kulay, sa kanilang pagbabalita, na dapat sana ay naghahayag ng obhetibo at unbiased na mga pangyayari sa ating paligid.

 

 

BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon sa survey na isinagawa nina Nevitte at Gibbins (11:135) sa iba’t-ibang pamantasan sa Australia, Britanya, Canada, New Zealand, at Estados Unidos sa kung ano ang nagungunang sektor sa paghubog at pag-impluwensiya sa mga tao. Iisa ang kanilang sagot: ang media. Pumapangalawa lamang ang mga negosyante o kapitalista, ngunit itinuturing pa rin na napakamaimpluwensiya, sa kadahilanang sila ay may kontrol, kundi man direktang pag-aari, sa mga media firm (12:137). Kung lilimiin, ang media ay isang "bantay-pinto na humuhubog ng opinyon publiko, ang "nagpapaikot" sa mga pangyayaring publiko ng ating panahon" (13:137). Ayon kay Rothman (14:137), ang mga teknolohikal na pag-unlad ay nagdulot ng biglaang paglaki at pagtaas ng kapasidad o kakayahan na magpadala at tumanggap ng impormasyon. Ang

Page 15: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

posisyon ng media ay istratehiko sa kadahilanang "ito [media] ang nagsasaayos (o sa madaling salita, humuhubog) ng napakaraming impormasyon mula sa komplikadong mundo." Ayon kina Iyenga at Kinder (15:33), "ang balitang pantelebisyon ay hinuhubog ang pulitikal na prayoridad ng mga mamamayang Amerikano. Makikita natin sa kanilang mga pag-aaral na hindi na kataka-taka ang pagsisikap ng mga ekonomikong elitista na makontrol ang media, ang pinagkukunan ng impormasyon ng tao, sa pagnanais na mapasunod sila [tao] ayon sa kanilang pansarili at ekonomikong interes.

 

KAANGKUPAN NG REBYU NG LITERATURA AT PAG-AARAL SA KASALUKUYANG PANAHON

Ang kaangkupan ng pag-aaral na ito ay batay sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan. Maraming tao ang kumakatig, tumututol, nagbabaligtaran, naglalabanan, at nagpapatayan dahil sa mga ismo, mga ideya o kaisipang gustong pababain ang langit sa lupa, na naglalayon lamang na palaguin, pangalagaan, at panatilihin ang mga ekonomiko at pansariling interes ng mga ekonomikong elitista. Ang pananaliksik na ito ay hindi maituturing na kumpleto o perpekto. Marami pa ang mas malinaw, magaling, tumpak, at kumpletong pananaliksik ang maisasagawa ng iba.

 

TSAPTER 3

PARAAN NG PANANALIKSIK

 

Sa Tsapter 2, nakita ng mga mambabasa ang mga datos na may kaugnayan sa paksang sinasaliksik ng may-akda. Tinalakay sa nabanggit na tsapter ang mga literatura at mga pag-aaral na naisagawa hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa partikular na sa Amerika at Canada. Sa tsapter na ito, tatalakayin naman ang mga isinagawang paraan at pamamaraan ng may-akda sa pananaliksik, pati na rin ang disenyo ng riserts at paghahanap ng datos.

 

Page 16: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang paraang ginamit ng may-akda sa pananaliksik na ito ay ang dokumentaryong pamamaraan. Ayon sa The New Grolier International Dictionary of the English Language (1:294), ang terminong nabanggit ay tumutukoy, o hinalaw, sa mga dokumento. Ang kahulugan naman ng terminong dokumento sa nabanggit ding diksyonaryo (2:294)ay nakasulat o nakaimprentang papel na pinagmumulan ng impormasyon o evidensya. sa madaling salita, nakabatay ang pananaliksik na ito sa pagsusuri sa mga libro, magasin, diyaryo, at iba pang mga kauri nito. Sinaliksik ng may-akda ang mga libro, mga pamanahong papel at thesis ng mga naging mag-aaral ng pamantasang ito. Sanhi ng kawalan ng di-isinalibrong pag-aaral, napilitan na lamang ang may-akda na gumamit ng mga isinalibrong pag-aaral.

Marami ring binasang libro ang may-akda na hindi isinama dito, halimbawa, ang Das Kapital ni Karl Marx at ang mga akda ni Sigmund Freud, ngunit nakatulong sa pagpapabilis ng paghabol sa deadline ng pagsasaliksik na ito at nakapagpalawak ng pananaw ng may-akda.

 

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang unang ginawa ng may-akda sa pagsasagawa ng pananaliksik naito ay ang pag-iisip ng maayos at kapaki-pakinabang na paksa. Kailangan na ito ay akma sa kursong kanyang kinukuha, hindi masyadong bago o luma, at kailangang mayroong mahahanap na referensiya. Ang sumunod na ginawa naman ng may-akda ay ang pagsulat ng kanyang naisip na paksa sa ½ crosswise na yellow pad paper, na kanyang ipinasa sa kanyang propesora para sa approval. Inabot din ng mga dalawang linggo ang may-akda bago maaprubahan ang kanyang naisip na paksa.Pagkatapos na mabigyan ng approval ng kanyang propesora ang naisip na paksa, nagsaliksik na ang may-akda sa mga aklatan ng pamantasan. Sa pagsasaliksik sa pamantasan, nilimitahan lamang ng may-akda ang mga libro at iba pang babasahin na gagamitin sa pananaliksik ayon sa mga pangunahing kinasasaklawan ng paksa. Siya ay nag-surf din sa internet at nagbasa ng iba pang mga libro upang makakuha pa ng mga mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa paksang kanyang sinasaliksik, na kung hindi man niya magamit sa mga pagsisitas dito, ay maaari namang makapagpalawak ng kanyang pananaw at kaalaman sa paksang sinasaliksik (Tingnan ang IBA PANG MGA BABASAHIN sa bandang hulihan ng Appendices kung nais na malaman ang mga akda at awtor na binabanggit ng mananaliksik.) . Upang hindi makalimutan ang mga mahahalagang datos na kanyang nakalap, isinulat

Page 17: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

ito ng may- akda sa 5x8" na index cards, bilang pagsunod sa paraang ipinahayag nina Belvez, P., et al. (3:235). Upang maging organisado ang mga datos, at malaman kung saang mga tsapter maaring gamitin ang mga ito, ito ay sinuri at isinaayos ng may-akda.

Pagkatapos itong maisagawa, sinimulan na ng may-akda ang pagbuo ng burador ng Tsapter 1, na ipinasa niya sa kanyang propesora, na kanya namang nirebisa, pagkatapos ng pagtatama ng propesora sa ginawang burador.

Pagkatapos ng paggawa ng Tsapter 1, sinimulan naman ng may- akda ang paggawa ng burador ng Tsapter 2, at ipinasa niya ito sa kanyang propesera. Pagkatapos ng pagtatama ng propesera, kanya itong nirebisa.

Pagkatapos na ito ay maisagawa ng may-akda, kanya namang ginawa ang burador ng mga natitirang mga tsapter, Tsapters 3-5. Pagkatapos niya itong maisagawa, kanya itong ipinasa sa kanyang propesora. Pagkatapos niya itong maipa-check, agad niya itong nirebisa.

Pagkatapos ng Tsapters 3-5, inasikaso naman ng may-akda ang paggawa ng burador ng Bibliografi ng isinagawang pananaliksik. Kanya itong nirebisa pagkatapos ipa-check sa kanyang propesor.

Narebisa na ng may-akda ang lahat ng tsapter, pati na rin ang Bibliografi, na kanyang ipinasa sa propesora, upang maaprubahan na ang pagpapa-binding, ang bahaging kinasasabikan nila ng kanyang mga kaklase sa pananaliksik.

Sa kabuuan, inabot ang mananaliksik ng dalawang buwan sa paggawa ng riserts na ito.

 

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang riserts na ito ay may disenyong dokumentasyon. Ito ay nangangahulugan na ang may- akda ay kailangang magtala ng mga pagyayari at impormasyon may kaugnayan sa kanyang paksang sinasaliksik, sapagkat ayon muli sa Grolier’s Webster Dictionary(4:294), ito ay tumutukoy sa paggamit ng dokumentaryong evidensiya.

 

PAGHAHANAP NG DATOS

Page 18: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Pagkatapos na maaprubahan ang paksa ng may- akda ay nagsimula na siya sa pagsusulat ng Tsapter 1 ng sulating pananaliksik, na may pamamamatnubay ng kanyang propesora sa Filipino 2.

Ang sumunod na hakbang ay ang pagsasaliksik ng mga impormasyon na may kaugnayan sa paksang pinili, bilang bahagi ng pagsusulat ng Tsapter 2. Ang pagsusulat nito ang gumugol ng pinakamalaking bahagi ng panahon ng pagsasaliksik ng may-akda, na kung saan ay may mga pagkakataong kinakailangan niyang magpuyat upang makahabol sa deadline ng pagpasa ng mga burador. Hinihingi ng makabagong panahon ang paggamit ng kompyuter at internet, kaya ginamit din ito ng may-akda sa paggawa ng kanyang pananaliksik. Ngunit may kamahalan ang paggamit ng mga ito. Kaya hanggang maaari, kumukuha ang may-akda ng informasyon sa mga libro. Malaking bahagi ng mga informasyong kanyang nakuha ay nagmula sa mga librong nasa aklatan ng College of Arts and Sciences, Filipiniana, at Main Library. Ang ibang mga imformasyon na kanyang kinakailangan sa pagsasaliksik ay kanyang kinuha sa personal niyang mga libro.

Sinunod ng may-akda ng paraang ipinahayag nina Belvez p., et al. (5:235) sa pangangalap ng tala. Sa bahaging ito, gumamit ang may- akda ng 5x8" na index card, na kanyang sinulatan ng mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa isinagawang pananaliksik.

Mula sa maraming informasyong naitala ay bumuo ang may-akda ng mga konklusyon at rekomendasyon para sa Tsapter 5 ng pananaliksik na ito.

Ang lahat ng burador ng Tsapters 1-5 ng may akda ay kanyang ipinapa-print upang mabasa nang maayos ng propesora ang kanyang gawa. Matapos nito ay ang marami pang beses na pagrerebisa. Sa kabuuan, ito ay tumagal sa buong panahon ng pagsusulat ng pananaliksik.

TSAPTER 4:

PRESENTASYON, ANALYSIS, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

(nota: walang tsapter 4 ang riserts na ito dahil ang mga ito ay para sa thesis lamang)

 

Page 19: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

 

TSAPTER 5

 

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

 

Ang lahat ng may simula ay mayroon ding hangganan. Ang pananaliksik na ito ay hindi isang eksempsiyon. Nawa ay pakinabangan ng mga mambabasa ang mga nilalaman nito.

Ito ang mga naging konklusyon ng may-akda sa kanyang isinagawang pananaliksik:

1. Nahuhubog nga ba ng mga ekonomikong elitista ang kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihang ekonomiko?

Konklusyon 1:

Nahuhubog nga ng mga ekonomikong elitista ang kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang ekonomikong kapangyarihan.

2. Ano ang isa sa mga halimbawa ng kaisipan na nagsusulong ng mga ekonomiko at pansariling interes ng mga ekonomikong elitista?

Konklusyon 2:

Ang liberalismo ang isa sa mga isinisulong na kaisipan ng mga ekonomikong elitista upang maisulong ang kanilang pansarili at ekonomikong interes (1:201).

 

3. Kung kanila ngang nahuhubog ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan, ano ang isa sa marami nilang pamamaraan ng pagsasagawa nito?

Page 20: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Konklusyon 3:

Ang pangunahin sa marami nilang pamamaraan ng paghuhubog ng kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan ay ang paggamit ng media.

 

4. Ano ang ilan sa maraming kaugalian na isinusulong ng mga ekonomikong elitista na sa unang tingin, ay tumutulong lamang sa pagkamit ng ibang layunin, ngunit sa katotohanan ay nagsisilbi sa kanilang pansarili at ekonomikong interes?

Konklusyon 4:

Ang pagiging masunurin sa mga nakatataas ang isa sa mga isinusulong na kaugalian ng mga ekonomikong elitista upang maisulong ang kanilang pansarili at ekonomikong interes.

 

5. Kung kanila ngang nahuhubog ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan, paano ito mapipigilan kung sakaling sila’y mang-abuso?

Konklusyon 5:

Kailangang magkaroon ng pantay-pantay na distribusyon o pagkakabaha-bahagi ng mga ari-arian at kayamanan upang mapigilan ang mga ekonomikong elitista sa paghuhubog ng kaisipan ng mga tao kung sakaling sila ay mang-abuso (2:118).

 

REKOMENDASYON

Ang rekomendasyong ito ay hindi lamang para sa mga mag-aaral ng Agham Pampulitika, kundi sa lahat ng mga Pilipino na nagmamahal sa kapakanan at kinabukasan ng bayan, at ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga mata ay kailangang buksan, ang isip ay kailangang palawakin, upang malaman ang katotohanan, gaano man ito kasakit, gaano man ito kapait. Ang tunay na katapangan ay nakabatay sa pagtanggap ng katotohanan, ayon man o hindi sa

Page 21: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

ating kalooban, taliwas man sa ating mga paniniwala. Nawa ay pakinabangan ng lahat ang sulating pananaliksik na ito. Narito ang mga rekomendasyon ng may-akda sa kanila:

 

1. Limitahan, kung hindi man alisin, ang paggamit ng mga ekonomikong elitista ng kanilang ekonomikong kapangyarihan sa paghubog ng kaisipan ng mga tao.

2. Kailangang kondenahin kung hindi man supilin, ang liberalismo, sa kadahilanang ang kaisipang ito ay ginagamit lamang ng mga ekonomikong elitista upang isulong ang kanilang pansarili at ekonomikong interes.

3. Kailangang higpitan ang media upang maiwasan ang mga ekonomikong elitista na gamitin ito sa paghubog ng kaisipan o ideolohiya ng mga tao maisulong lamang ang kanilang pansarili at ekonomikong interes.

4. Kailangang piliin ng mga tao ang kanilang sinusunod.

5. Kailangang magkaroon ng pantay-pantay na distribusyon o pagkakabaha-bahagi ng mga ari-arian upang maiwasan ang mga ekonomikong elitista na hubugin ang kaisipan ng mga tao, sa pamamagitan ng mapayapang paraan hangga’t maaari, sa pamamagitan ng mabagsik at marahas na paraan kung kinakailangan. Ang kanilang ginagawa ay nag-ugat sa kanilang pagnanasa na mapangalagaan, maparami, at mapanatili, ang kanilang mga ekonomiko at pansariling interes. Kailangang magawa rin ng mga tao ang kanilang ginagawa at magkaroon ng anumang mayroon sila upang mabalanse, kundi man tuluyang maalis ang masamang epekto, ng kanilang paghuhubog ng kaisipan ng mga tao upang maisulong ang kanilang pansarili at ekonomikong interes. Ito ay sa kadahilanang kapag umabot na sa sukdulan ang pang-aabuso ng mga ekonomikong elitista sa paggamit ng kanilang kapangyarihang ekonomiko mapangalagaan lamang ang kanilang pansarili at ekonomikong interes, ang mabangis at mapangwasak na rebolusyon ay hindi na maiiwasan; ito ay kinakailangan na. Ang mga taong gutom at hirap ay mas mapanganib pa sa mga gutom na leon. Huli na nang malaman ito ni Luis XVI at ng kanyang mga asawa, pati na rin ng mga Romanov, na siyang dahilan ng kanilang masakit, marahas, at kahiya-hiyang pagkalipol. Ang mga gutom na leon ay maaring makapatay ng tao, ngunit ang mga gutom at naghihirap na mga tao ay kayang lipulin hindi lamang ang lahat ng mga leon, kundi pati na rin ang buong sangkatauhan. Nawa ay huwag nang hintayin ng mga ekonomikong elitista na mahuli ang lahat para sa kanila.

Page 22: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Maraming Salamat Po!

 

"Ideas are deadlier than guns."-Nikolai Lenin (Vladimir Ilich Ulyanov)

 

BIBLIOGRAFI

 

TSAPTER 1

1. ___________. Webster’s Pocket Quotation Dictionary of the English Language. USA: Trident Press Int., 2000ed.

2. Macridis, Roy C. Contemporary Political Ideologies, 4th ed. USA: Scott, Foresman & Co., 1989.

3. Marx, Karl H., Friedrich Engels. Manifesto of the Communist Party, Great Books Vol.50. USA: Encyclopaedia Brittanica, 1982.

4. Cordero, Felicidad V., Isabel S. Panopio. General Sociology. Quezon City: Ken Inc., 1977.

5. ___________. The New Encyclopaedia Brittanica Vol. 7. Chicago: Encyclopaedia Brittanica Inc., 1977.

Page 23: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

6. Lavine, T. Z. From Socrates to Sartre: The Philosophic Quest. USA: Bantam Books, 1989.

7. Durant, Will. The Story of Philosophy. USA: Washington Square Press, 1953.

8. Marx & Engels, op. cit.

 

TSAPTER 2

1. Cordero & Panopio, op. cit

2. Zulueta, Francisco M. General Sociology. Quezon City: Pancratius Print Inc., 1998.

3. Cordero & Panopio, op. cit.

4. Macridis, op.cit.

5. Macridis, op.cit.

6. Janda, Kenneth et al. The Challenge of Democracy: Government in America, 3rd edition. USA: Houghton Mifflin Co., 1992.

7. Marx & Engels, op.cit.

9. Lavine, op. cit.

10. Macridis, op. cit.

11. Caasi, Michelle, et al. "Media, Family & School as Agents for Political Socialization". New Era University, 1999.

12. Talastas, Celeste, et al. "TV, & Motion Picture: A Powerful Medium". New Era University, 1997.

13. Neville, Neil, Roger Gibbins. New Elites in the Old States. Canada: Oxford University Press, 1990.

14. Nevitte & Gibbins, op. cit.

Page 24: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

15. Iyenga, Shanto & Donald R. Kinder. News that Matters: Television and American Opinion. Chicago: Chicago University Press, 1987.

16. Nevitte & Gibbins, op. cit

13. Nevitte & Gibbins, op. cit.

 

 

 

TSAPTER 3

1. _______. The New Grolier’s Webster International Dictionary. USA: The English Language Institute of America, Inc., 1976.

2. Grolier’s Dictionary, op.cit.

3. Belvez, Paz M., et al. Gamiting Filipino: Pagbasa at Komposisyon. Manila: Rex Bookstore Inc., 1996.

4. Grolier’s Dictionary, op.cit.

5. Belvez, et al., op. cit.

 

TSAPTER 5

1. Durant, op.cit.

2. Durant, op.cit.

 

 

 

APPENDICES

Page 25: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

 

I. IBA PANG MGA BABASAHIN

1. Best, Michael H. & William A. Connoly. The Politicized Economy. USA: D.C. Heath & Co., 1976.

2. Freud, Sigmund. Selected Works, Great Books Vol.54. USA: Encyclopaedia Brittanica Inc., 1982.

3. Hegel, Georg Wilhelm. Reason in History (excerpt), Classics of Western Thought: The Modern World. USA: Harcourt, Brace & World, Inc., 1968.

4. Marx, Karl H. Das Kapital (Capital), Great Books Vol. 50.USA: Encyclopaedia Brittanica Inc., 1982.

5. Marx, Karl H. Critique of Political Economy (Zur Kritik der Politischen Öekonomie), Marxist Internet Archives. www.marxists.org (internet website)

6. Marx, Karl H. Third Manuscript: The Critique of Hegelian Dialectic and General Philosophy (Kritik der Hegelschen und Deutschen Philosophie), Economic and Philosophical Manuscripts. Printout from [email protected] (internet website).

7. Smith, Adam. The Wealth of Nations, Classics of Western Thought.USA: Harcourt, Brace & World, Inc., 1968.

8. Ulyanov, Vladimir Ilich (Nikolai Lenin). Imperialism, the Highest Stage of Capitalism, Marxist Internet Archives. www.marxists.org (internet website).

9. Ulyanov, Vladimir Ilich (Lenin). State and Revolution, Marxist Internet Archives. www.marxists.org

 (internet website)

 

II. TUNGKOL SA MAY-AKDA

Page 26: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Address: Block 8 Lot 12 Phase C-1, Francisco Homes, San Jose Del Monte City, Bulacan

Contact No. 09157066181 (cell)

Website Adress: www.freewebs.com/darmoiii/

e-Mail Address: [email protected]

 

 

Pamantasan ng New Era: Kasalukuyang nag-aaral ng AB Political Science, umaasang magtatapos sa 2007.

Unang pinasukang pamantasan: Bulacan State Unuiversity, AY 2001-02

Mga nakamit: 1st Place, English Quiz Bee Competition, 2001

News Editor ng student newsletter, 2002

Unang kinuhang kurso: Bachelor of Industrial Technology major in Electronics

Hayskul: Francisco Homes Learning Academy, 2000

Elementarya: Francisco Homes Learning Academy, 1996

Pangalawang pinasukang elementarya: Lagro Elementary School, 1991-94

Mga nakamit: 4th Honors, 1993

1st Honors, 1994

Page 27: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Unang pinasukang elementarya: Jose L. Basa Elementary School, 1990

Philosophy of Life: "Follow your own bent no matter what people say."- Karl Marx

 

 

 

 

III. PAGHAHANDOG

Panginoon na aming Diyos

Nawa po’y iyong tanggapin

Ang gawa ng iyong abang lingkod

Nawa po’y makapaghatid ito

Kahit na kaunting kaluguran sa Iyo.

 

Nawa po

Ay patuloy na ipagkaloob sa akin

Ang pagkakataon

Na makapag-aral

Na makakalap

Ng maraming kaalaman

Ng maraming kasanayan

Na aking magagamit

Page 28: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Sa buhay na ito

At kung

Kinakailangan,

Sa aking patuloy na mga paglilingkod sa Iyo.

 

Huwag mo po sanang itulot

Na mauwi sa wala

Ang aking mga pagpapagal

 

Nawa po’y

Ipagkaloob Mo sa akin

Ang ibayong pagtatagumpay

Sa aking pamumuhay

Sa aking pag-aaral

Sa buhay pong ito

Higit sa lahat,

Sa paghawak

Ng Kahalalan

Na ipinagkatiwala Mo sa akin.

 

---Darmo C. Gayos III

 

Page 29: Ang Kapangyarihan Ng Mga Ekonomikong

Copyright © 2005 by Darmo C. Gayos III

Get a free website at Webs.com