ang ikaklit sa aming hardin

5
ANG IKAKLIT SA AMING HARDIN  Bernadette Villanueva Neri Mayroon akong dalawang nanay; sina Nay Daisy at Nay Lilia. Maliit ang bahay namin pero mayroon ditong munting halamanan na punung-puno ng mga bulaklak. Mahilig kasing magtanim ang aking mga nanay. Pinaliligiran ito ng rosas, daisy, xenia, magnolia, chrysanthemum, anthurium at iba pa. Napakabango ng halimuyak ng mga ito lalo na kapag humahangin. Kaya parang  Panagbenga palagi sa aming hardin! Dito kami madalas tumatambay at nagkukuwentuhan. Hindi ako nagsasawang pakinggan ang istorya ng pagkakakilala ng aking mga magulang. Sabi nila, nag-umpisa ang lahat dahil sa  pagkakahilig nila sa mga bulaklak at halaman.  Nakahiligan na akong ilibot ng aking mga magulang. Namamangka kami sa lawa ng Burnham Park sakay ng bangkang pato o kayay kabayong -dagat. Kung minsan naman ay namimitas kami ng strawberry sa Strawberry Farm. At dinadalaw din namin ang mga museo sa Baguio. Namamangha kami sa mga kalasag at matutulis na sibat, mga hikaw at kuwintas na gawa sa mga butil ng kahoy o kaya naman ay bato, at lalung-lalo na sa mga hinabing tela ng mga katutubo. “Kailangang alam natin ang ating pinagmulan,” laging sabi ni Nay Lilia na tubong Bontoc. Pero sa lahat ng aming pinupuntahan, pinakapaborito ko ang Botanical Garden. Dito kasi makikita ang iba pang klase ng bulaklak na maaaring itanim sa aming munting halamanan. Hinding-hindi ko malilimutan nang regaluhan ako nina nanay ng mga buto. Sabi nila ay binhi raw ito ng isang napakagandang bulaklak. Hindi nila sinabi kung anong klase ito ng bulaklak sapagkat isa raw itong surpresa. Maaari na akong magtanim sa aming hardin! Niyaya ko agad silang umuwi noon dahil sa kasabikang itanim ang kauna-unahan kong halaman. Tinulungan nila ako sa paghukay ng maliliit na butas sa lupa. At dahil malamig daw ang aking mga kamay, ako ang marahang nagpunla ng mga buto sa bawat uka. Dahan-dahan kong tinabunan ang mga ito at mahinay na diniligan. “Maselan ang mga halaman lalo na ang mga bagong tanim,” paalala ni Nay Daisy. “Kaya dapat, araw-araw mo itong didiligan.” “Kailangan ding tanggalin ang mga damong tutubo sa paligid. Naaagaw kasi ng mga ito ang sustansya ng lupa,” payo naman ni Nay Lilia.  “At higit sa lahat, kailangan ding nasisikatan n g araw ang mga ito,” da gdag pa nila.  “Parang mga sanggol?”tanong ko.  

Upload: florencio-munar-bernabe

Post on 15-Oct-2015

673 views

Category:

Documents


114 download

DESCRIPTION

BVNeri

TRANSCRIPT

  • 5/26/2018 Ang Ikaklit Sa Aming Hardin

    1/5

    ANG IKAKLIT SA AMING HARDIN

    Bernadette Villanueva Neri

    Mayroon akong dalawang nanay; sina Nay Daisy at Nay Lilia.

    Maliit ang bahay namin pero mayroon ditong munting halamanan na punung-puno ng

    mga bulaklak. Mahilig kasing magtanim ang aking mga nanay. Pinaliligiran ito ng rosas, daisy,

    xenia, magnolia, chrysanthemum, anthurium at iba pa. Napakabango ng halimuyak ng mga itolalo na kapag humahangin. Kaya parangPanagbengapalagi sa aming hardin!

    Dito kami madalas tumatambay at nagkukuwentuhan. Hindi ako nagsasawang pakingganang istorya ng pagkakakilala ng aking mga magulang. Sabi nila, nag-umpisa ang lahat dahil sa

    pagkakahilig nila sa mga bulaklak at halaman.

    Nakahiligan na akong ilibot ng aking mga magulang. Namamangka kami sa lawa ng

    Burnham Park sakay ng bangkang pato o kayay kabayong-dagat. Kung minsan naman aynamimitas kami ng strawberry sa Strawberry Farm. At dinadalaw din namin ang mga museo saBaguio. Namamangha kami sa mga kalasag at matutulis na sibat, mga hikaw at kuwintas na

    gawa sa mga butil ng kahoy o kaya naman ay bato, at lalung-lalo na sa mga hinabing tela ng mga

    katutubo.

    Kailangang alam natin ang ating pinagmulan, laging sabi ni Nay Lilia na

    tubongBontoc.

    Pero sa lahat ng aming pinupuntahan, pinakapaborito ko ang Botanical Garden. Dito kasi

    makikita ang iba pang klase ng bulaklak na maaaring itanim sa aming munting halamanan.

    Hinding-hindi ko malilimutan nang regaluhan ako nina nanay ng mga buto. Sabi nila ay binhiraw ito ng isang napakagandang bulaklak. Hindi nila sinabi kung anong klase ito ng bulaklak

    sapagkat isa raw itong surpresa. Maaari na akong magtanim sa aming hardin! Niyaya ko agad

    silang umuwi noon dahil sa kasabikang itanim ang kauna-unahan kong halaman.

    Tinulungan nila ako sa paghukay ng maliliit na butas sa lupa. At dahil malamig daw angaking mga kamay, ako ang marahang nagpunla ng mga buto sa bawat uka. Dahan-dahan kong

    tinabunan ang mga ito at mahinay na diniligan.

    Maselan ang mga halaman lalo na ang mga bagong tanim, paalala ni Nay Daisy. Kaya

    dapat, araw-araw mo itong didiligan.

    Kailangan ding tanggalin ang mga damong tutubo sa paligid. Naaagaw kasi ng mga ito

    ang sustansya ng lupa, payo naman ni Nay Lilia.

    At higit sa lahat, kailangan ding nasisikatan ng araw ang mga ito, dagdag pa nila.

    Parang mga sanggol?tanong ko.

  • 5/26/2018 Ang Ikaklit Sa Aming Hardin

    2/5

    Oo, anak, parang mga sanggol, sabi ni Nay Daisy. Kailangan ng mga ito ng sikat ng

    araw upang lumaking malusog. Pero dapat ay katamtaman lang dahil matutuyo naman ang mga

    buto kung masosobrahan sa init.

    Ginawa ko ang lahat ng kanilang mga paalala. At totoo nga! Hindi nagtagal at nakita ko

    na ang pag-usbong ng murang dahon ng aking mga tanim. Nakabaluktot ang mga supang sasimula pero ilang araw lang ay unti-unti na itong nagsiunat hanggang sa maging maliliit na

    sangang may mga talbos na nakatiklop.

    Isa, dalawa, tatlo,

    tatlong mga buto;

    apat, lima, anim,

    sa hardin, itinanim;

    pito, walo, siyam,

    laging didiligan;

    sampu, labing-isa,

    tutubo na sila.

    Inaawit ko iyon sa aking mga halaman tuwing umaga. Turo ito ng dalawa kong nanay.

    Sabi nila, makabubuting kausapin ko ang aking mga tanim upang lumaki ang mga ito nang

    mabuti.

    Kayat tulad ng pag-aalaga sa akin ng mga nanay ko, inaruga ko ang aking mga halaman.

    Itinuring ko ang mga ito na parang mga anak.

    Hindi na ako halos makapaghintay para sa unang araw ko sa paaralan. Lagi kongisinusukat ang bago kong uniporme at sapatos. Binibitbit ko rin ang kabibili kong bag.

    Pagkatapos ay naglalaro kami nina nanay ng eskuwela-eskuwelahan. Nagkukunwaring guro si

    Nay Lilia habang si Nay Daisy naman ang makulit kong kaklase.

    At dumating na ang pinakaaabangan ko. Araw na ng pasukan!

    Ganoon pala ang itsura ng aming paaralan. Puno ng makukulay na larawan ang mga

    dingding. May mga nakapintang malalaking bulaklak at puno, at mga batang naglalaro. Mayroon

    pa ngang larawan ng isang bahay na may nanay, tatay at isang batang mukhang masayang-

    masaya. Bakit kaya walang drowing ng bahay na dalawang nanay naman ang nasa loob kasamang kanilang masaya ring anak?

  • 5/26/2018 Ang Ikaklit Sa Aming Hardin

    3/5

    Isa-isa kaming pinatayo sa harap ng klase ng aming guro, at pinagkuwento tungkol sa

    aming naging bakasyon. Ibinida ko ang iniregalong mga buto sa akin ng dalawa kong nanay.

    Sinabi ko sa aking mga kaklase kung paano ko itinanim ang mga ito at kung paano sila nagsitubo.

    Hinihintay ko na ngang mamulaklak ang mga ito, buong pagmamalaki kong sinabi sa

    kanila. Dahil ibibigay ko ang magiging bulaklak sa dalawa kong nanay.

    Nagulat ako nang magtanong ang aking mga kaklase.

    Bakit dalawa ang nanay mo?

    Di ba dapat isa lang ang nanay sa pamilya?

    Wala ka bang tatay?

    Wala akong naisagot. Ang totoo ay noon lang ako napaisip kung bakit dalawang nanay

    ang aking mga magulang. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong tatay. At lalong hindi koalam kung kailangan ko pa bang magkaroon nito.

    Tinukso ako ng mga kaklase ko.

    Siguro tomboy ang mga nanay mo!

    Baka kaya wala kang tatay!

    E di putok ka lang sa buho!

    Sinuway sila ng aming guro pero hindi ko na napigilan ang mapaiyak.

    Sinundo ako ng dalawa kong nanay. Dumaan muna kami sa palengke para bumili ngpaborito kong diket. Pero tahimik lang ako hanggang sa makauwi na kami sa aming bahay.

    Inayos nina Nay Daisy at Nay Lilia ang mga upuan sa may hardin. Inihanda rin nila angaming meryenda. Doon kami kumain sa harap ng halamanan naming punung-puno ng mga

    bulaklak.

    Nay, ayoko na pong pumasok sa eskuwela.

    Bakit naman, anak? gulat na tanong ni Nay Lilia.

    May umaway ba sa iyo sa klase? pag-aalala ni Nay Daisy.

    Gusto ko sanang isumbong ang panloloko sa akin ng mga kaklase ko. Gusto kong

    sabihing umiyak ako sa paaralan dahil sa mga panunukso nila. Gusto kong itanong kung ano angtomboy at kung bakit ayaw ito ng mga nanunutil kong kaklase. Gusto kong malaman kung

    bakit ayon sa kanila ay alangan ang pamilya ko dahil hindi ito kumpleto.

  • 5/26/2018 Ang Ikaklit Sa Aming Hardin

    4/5

    Bakit po wala akong tatay?

    Nagulat akong hindi sila nabigla sa tanong ko. Tumingin lang sila sa akin at hinawakanang aking mga kamay.

    Anak, ang pamilya ay parang isang halamanan, malumanay na sabi ni Nay Lilia.Hindi mahalaga kung sino ang nagtanim sa mga punla. At hindi rin mahalaga kung babae ba o

    lalaki ang nag-aalaga ng mga ito. Ang importante ay kung paano ito inaarugang mabuti,

    paliwanag niya.

    Tiningnan ko ang aming hardin. Matitingkad ang mga kulay na taglay ng ibat ibang

    bulaklak at mayayabong ang mga dahon nito. Malulusog sila at buhay na buhay. Napansin koang ilang piraso ng damong tumutubo sa gilid ng aking mga tanim. Agad akong tumayo upang

    bunutin ang mga ito. Pinagmasdan ko ang aking mga halaman. Malalaki na ang mga ito, pero

    nagtaka ako dahil may maliliit at namimintog na usbong ang dulo ng kanilang mga sanga.

    Nay, tingnan nyo po!

    Agad na lumapit ang dalawa kong nanay.

    Bulaklak ang mga iyan, anak, nakangiting sabi ni Nay Daisy. Ilang araw na lang at

    mamumukadkad na ang mga ito. Magaling at matiyaga ka kasi sa pag-aalaga.

    Pumasok pa rin ako sa eskuwela ng sumunod na araw, at ng mga sumunod pa. Inaral

    kong mabuti ang aming mga aralin. At kapag may hindi ako naiintindihan ay nagpapaturo ako saaking mga nanay. Kaya laging matataas ang nakukuha kong marka. Gustung-gusto ko kasing

    nakikita ang malalaki nilang ngiti sa tuwing pasasalubungan ko sila ng starna nakamarka sa

    aking palad.

    Hindi pa rin huminto sa panunukso ang iba kong mga kaklase. Pero hindi na nila ako

    napapaiyak sapagkat hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila.

    Kung mahal kayo ng nanay at tatay ninyo, mahal din ako ng dalawa kong nanay,

    sagot ko. Ipinagmalaki ko sa kanilang ipinagluluto ako ng aking mga magulang, kinukwentuhan

    bago matulog, tinuturuan sa mga aralin, at nililibot sa ibat ibang lugar. Kaya kahit wala akongtatay, alam kong buo ang pamilya ko dahil sa dalawa kong nanay, sabi ko.

    Hindi nagtagal at nalaman kong hindi lang pala ako ang sentro ng panunukso sa aming

    paaralan. Putok din daw sa buho si Mikoy dahil may mga kapatid siya sa hindi niya nanay.Ganon din ang biro kay Tintin dahil hindi daw siya tunay na anak. Si Sheryl naman, laging

    niloloko dahil di niya kilala ang kanyang mga magulang. At pareho pala kami ni Pati na walang

    tatay. Pero tulad ko, masaya rin siya sa piling ng kanyang ina kahit pa mag-isa lang ito.

    Lahat kami, tinutukso. Pero ang hindi nila alam, masaya at kontento kami sa aming mga

    pamilya. Dahil tulad ng mga magagaling na maghahalaman, mayroon kaming mga mahuhusayna magulang na nagpunla sa amin ng pagmamahal.

  • 5/26/2018 Ang Ikaklit Sa Aming Hardin

    5/5

    At tulad ng pag-aalaga ko sa mga supang ng aking mga tanim, buong pag-iingat kaming

    inaaruga ng aming mga magulang. Higit sa lahat, alam kong alam din nina Tintin, Mikoy, Sheryl

    at Pati na magtitiyaga ang aming mga maghahalaman sa pagdidilig at pag-awit hanggang sa

    mamukadkad kami bilang malulusog na mga bulaklak.

    Isinama ko sina Tintin, Mikoy, Sheryl at Pati sa amin para magmeryenda kasama ngdalawa kong nanay. Doon kami kumain sa harap ng aming halamanan. Ipinakita ko sa kanila ang

    aking mga tanim. Laking gulat ko nang may mga kulay dilaw na bulaklak na ang mga ito. Ito ang

    surpresa sa akin nina nanay! Kay gaganda ng mga bulaklak! Para itong mga araw sa gitna ngaming hardin!

    Ano ang tawag diyan, Ikaklit? tanong ng mga kaklase ko.

    Hindi ko rin alam ang sagot kayat tiningnan ko ang dalawa kong nanay.

    Nay, ano po ang pangalan ng mga tanim ko?

    Ngumiti sila. Ikaklit, sagot nina Nay Lilia at Nay Daisy. Tulad ng pangalan mo, anak.

    TALAHULUGANAN

    Bontocisa sa pitong tribo ng mga katutubo na matatagpuan sa Cordillera

    Diketisang uri ng kakanin o puto ng mga taga-Cordillera

    Ikaklitsalitang Bontoc para sa sunflower

    Panagbenga taunang pista ng mga bulaklak sa Baguio City na idinaraos tuwing buwan ng

    Pebrero

    Putok sa buhoidyoma para sa anak sa labas