tula

Post on 10-Dec-2015

26 Views

Category:

Documents

2 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

..because poems are kickass.

TRANSCRIPT

Karapatan Ipaglabanni: Gregorio V. Bituin Jr

Yayamang pagkilala sa karangalanPantay, di maikait na karapatan

Ng lahat ng pamilya ng tao’t bayanAng siyang saligan nitong kalayaan.

Sa pagkamit ng lahat ng katarunganAt sa kaganapan sa sandaigdigan.

Yayamang yaong pagwawalang-bahalaPag-aalipusta’t pagbabalewala.

Sa karapatang pantao’y nagbunga manNg gawang malupit na lumapastangan

Sa budhi ng bayan at sangkatauhanAt ang pagtatamasa ng kalayaan.

Sa pagpahayag at paniwala nilaAt kalayaan din mula sa pangamba

At pagnanasa ay ipinahayag naBilang matayog na hangarin ng masa.

Yayamang kung wala nang pagpipilianAt kailangan bilang huling takbuhanAng maghimagsik laban sa pang-aapiKaysa naman magsisi sa bandang huli.Upang tuluyan nang maipagsanggalangAng ating angking pantaong karapatan.

Yayamang dapat at kinakailangangItaguyod ang pagsulong ng ugnayang

Pakikipagkaibigan sa pagitanNg iba’t ibang bansa’t ng mamamayan.

Yayamang mamamayan ng bawat bansaAy nagkasundo’t may pagsampalataya

Sa pangunahing karapatang pantaoSa dangal at halaga ng bawat tao

At sa pagkakapantay ng karapatanNg kalalakihan at kababaihan.

Nagpasyang itaguyod ang panlipunangPag-unlad at mas magandang pamantayan

Ng buhay sa mundong sadyang mas malayaSa lahat ng tao sa lahat ng bansa.

Mga kasaping Estado’y namanataNa tutulong sa Nagkakaisang BansaItaguyod ang daigdigang paggalang,

Karapatan, at batayang kalayaan.

Yayamang itong pagkakaunawaanNg lahat ng karapatan, kalayaan

Ay may napakalaking kahalagahanUpang panata’y maisakatuparan

At itong Pangkalahatang KapulunganAy nagpapahayag ng PandaigdigangPahayag nitong Pantaong Karapatan

Bilang isa nang ganap na pamantayanNg lahat na ng kahanga-hangang bagay.

Para sa tao’t bayang nagkakaugnayNa sa huli, ang bawat tao’t lipunan

Na pinananatili sa kaisipanAng Pahayag na ito ay magsumikap.

Sa pagtuturo’t pag-aaral ng ganapUpang itaguyod itong karapatanPati kalayaan sa pamamagitan

Ng maunlad na hakbang, sa pambansa man.

Maging ito rin nama’y pandaigdiganAt kilalanin ng kasaping EstadoAt ng tao sa kanilang teritoryo

Itong lahat ng karapatang pantaoNa dapat tamasahin ng buong mundo.

top related