teoryang humanismo

Post on 19-Jun-2015

682 Views

Category:

Education

13 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

isa sa teoryang pampanitikan

TRANSCRIPT

Ang Humanismo ay tradisyong pampanitikan na nagmula sa Europa sa panahon ng Renaissance o Muling Pagsilang. Sa panahong ito, nagtuon ang mga pilosopo at intelektuwal sa pagpapahalaga sa tao.

Sa kasalukuyang panahon, binibigyan kahulugan ng International Humanist and Ethical Union ang Humanismo bilang isang dekmokratiko o etikal na katayuan , na nagpapatibay sa pananaw na ang taong ay may karapatan at responsibilidad na bigyang –kahulugan ang kanyang sariling buhay.

Sa panunuring pampanitikan, ang tradisyong Humanismo ay kumikilala sa kakayahan ng tao para mag-isip at magpasya sa kanyang sariling tadhana.

Ayon kay Cicero sa kanyang On the Orator, ang tunay na tao ay iyong humani, ang tao na naging sibilisado sa pamamagitan ng angkop na pag-aaral ng kultura. Humanitas o humanism ang tawag sa kulturang lumilinang ng nasabing tao.

Ngunit naiiba naman anag pananaw ni Cicero sa Humanismo na sumulpot sa panahon Renacimiento sapagkat ang Humanismo sa panahon ng Renacimiento ay isang sistema ng pananaw o paniniwala na laban sa teolohiya, pilosopiya, sining at mga akda noong Kalagitnaang Panahon.

Si Francisco Petrarch(1304-1376) ang isa sa mga kinikilalang Humanista, pinaniniwalaan niya na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay, ang pinakaubod nito ay nagtatanghal ng kalayaan ng saloobin ng tao, ang pangingibabaw nito sa kalikasan at ang natatangi nitong relasyon sa Lumikha.

Sa pananaw humanismo, walang higit na kawili-wiling paksa kaysa sa tao. Kung pumasok man ang kalikasan sa likhang-sining ay upang higit na maipakita ang mga na katangian ng tao.

Mataas ang halaga ng indibiduwalismo. Binibigyang-halaga ang kalayaan ng isipan ng tao at taglay na katangian ng indibiduwal.

1. Pangunahing paksa ng panitikan at sining ay ang tao, ang kanyang mga saloobin at damdamin.

2. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino, kakayahan at kalikasan ng tao.

4. Itinaguyod ang relihiyong nagtuturo ng moralidad na nagtatakda kung ano ang maling asal at pagpapahalaga.

5. Binibigyang-pansin ng mga manunulat ang mga problemang nadarama o nararanasan sa kasalukuyan kaysa mga darating ng panahon.

Ang humanismong pansining at pampanitikan ay nagsimula noong ika-14 dantaon(A.D.) na panahon ng Renacimiento.

Ito ay panahon nina Petrarca(1304-1374), Erasmus (1466-1536), Boccaccio(1313-1375),Leonardo da Vinci, Shakespeare(1564-1616), Newton(1642-1727, Kepler(1571-1630)

Galileo(1564-1642)

top related