si selina

Post on 25-Oct-2014

481 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

SI SELINA: ANG BATANG

MATAPAT

Ako ay si Selina, sampung taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa aming lugar. Masasabi mang kakaiba pero di gaya ng ibang mga bata, gustong-gusto ko sa paaralan. Tuwang-tuwa ako sa mga makukulay na larawan na nakasabit sa aming silid-aralan, sa malawak na hardin ng aming paaralan, sa mga mababait kong guro at higit sa lahat sa aking mga masasayang kamag-aral.

Ngunit alam niyo na ba na nagkaroon ako ng isang hindi malilimutang karanasan? Isang hapon, habang ako ay mabagal na naglalakad palabas ng aming paaralan, ako ay nakapulot ng isang itim na pitaka sa damuhan. Lumingon ako sa paligid ngunit nag-iisa lamang ako. Sinilip ko ang laman ng pitaka at doon ay nakita ko ang isanlibong piso ngunit walang anumang pangalan o palatandaan ng nagmamay-ari. Dahil dito, mabilis ko itong inilagay sa aking bulsa at umuwi sa aming bahay.

Pagpasok ko kinabukasan ay nagulat na lamang ako sa balita-may magnanakaw raw ng pitaka. Ang pitaka palang napulot ko sa damuhan kahapon ay sa aming guro na si Ginoong Prospero. Galit na galit na sinabi niya sa amin na ang mahuhuling magnanakaw ay tiyak na dadalhin sa opisina ng prinsipal. Mabilis akong lumabas ng aming silid-aralan at tumakbo sa palaruan.

Sa palaruan, ako ay umiyak nang tahimik, alam kong hindi ko ninakaw ang pitaka ngunit natatakot ako na ako ay maparusahan. Pagkatapos ng matagal na pag-iisip, nagpasya ako. Tumayo ako, tahimik na nagdasal at pagkatapos ay mabilis na pumunta sa opisina ng aming guro. Sa kanyang opisina, malinaw kong ipinaliwanag ang mga pangyayari, natatakot man ako na hindi niya siya maniwala, alam ko na ang mga taong tapat ay hindi pababayaan ng Diyos

Alam niyo ba ang nangyari pagkatapos? Sa halip na ako ay pagalitan, niyakap ako ng aking guro at sinabi na siya ay natutuwa sa aking katapatan. Sobrang mahigpit ko siyang niyakap at nagpasalamat. Kinabukasan, binigyan ako ng parangal ng aming guro sa harap ng aking mga kaklase at sinabi na tularan ang aking pagiging matapat. Dahil doon, napatunayan ko sa aking sarili na ang mga taong matapat ay sadyang pinagpapala.

WIKA

Mababait na mga guroMalawak na hardinMakukulay na larawanMahigpit na niyakapMabagal na naglalakadTahimik na nagdasal

Makukulay na larawanMalawak na hardinMababait na guroMasasayang mga kamag-aral

PANG-URI

Mahigpit na niyakap Ubod ng lawak na hardin

Sobrang mabilis na lumabas

TANDAAN

Ang pang-uri ay salitang nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.Ang pang-abay ay salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

MGA URI NG PANG-ABAY

Ako ay nakapulot sa damuhan ng isang itim na pitaka.(saan naganap ang pandiwa?)

Pagpasok ko kinabukasan ay nagulat na lamang ako sa balita.(kailan naganap ang pandiwa?)

Tumayo ako, tahimik na nagdasal at pagkatapos ay mabilis na pumunta sa opisina ng aming guro.(paano naganap ang pandiwa?)

Paano nagawa, ginagawa o gagawin ang pandiwa?

PANG-ABAY NA PAMARAAN

Saan ginanap, ginaganap o gaganapin ang pandiwa?

PANG-ABAY NA PANLUNAN

Kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang isang pandiwa?

PANG-ABAY NA PAMANAHON

MGA HALIMBAWA:

Ako ay mabagal na naglalakad palabas ng aming paaralan.Ang pitaka palang napulot ko sa damuhan kahapon ay sa aming guro na si Ginoong Prospero.Ako ay umiyak nang tahimik sa palaruan.

MGA HALIMBAWA:

Dahil dito, mabilis ko itong inilagay sa aking bulsa at umuwi sa aming bahay.Sa kanyang opisina ay malinaw kong ipinaliwanag ang mga pangyayari.Tumakbo ako papunta sa palaruan.

PAGSASANAY

1. Anong gagawin mo kapag hinabol ka ng isang aso?

2. Saan ka nagpunta noong bakasyon?

3. Kailan ka huling namasyal kasama ng iyong pamilya?

4. Paano mo ilalarawan ang iyong ina?

5. Saan ka kumain ng almusal kanina?

PANGKATANG PAGSASANAY:

Unang Pangkat: Pang-abay na Pamaraan

Ikalawang Pangkat: Pang-abay na Panlunan

Ikatlong Pangkat: Pang-abay na Pamanahon

PAGLALAGOM:

Ang pang-uri ay mga salitang nagbibigay-turing sa ________________ habang ang pang-abay naman ay nagbibigay-turing sa _____________________. May tatlong uri ng pang-abay, ang una ay ang pang-abay na pamaraan na sumasagot sa tanong na ___________ ginawa ang isang pandiwa. Ang pang-abay naman na pamanahon ay sumasagot sa tanong na __________ at nagpapaliwanag _____________________. Ang panghuli ay ang pang-abay na panlunan na sumasagot sa tanong _________ at nagpapakita kung saan naganap, nagaganap at gaganapin ang pandiwa.

top related