sarsuwela, severino reyes/lola basyang, uri ng dula ayon sa anyo

Post on 10-Feb-2017

2.638 Views

Category:

Education

30 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Sino nga ba si Severino Reyes?

• Nakilala sa tawag na LOLA BASYANG

• Sumulat ng dulang “Walang Sugat”.

• Ama ng Sarsuwelang Tagalog

• Nagsimula sumulat ng dula noong 1902

Kwento sa likod ng pangalang LOLA BASYANG• Si Severino Reyes ay naging kilala

sa mga kwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang.

• Nagsimula ang Lola Basyang noong siya (Reyes) ay naging punong-patnugot sa Liwayway.

• Nang sinabihan siya ng kanyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na ispasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kwento upang umabot sa takdang oras.

• At ng kanyang matapos isulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalanan na maaaring ilagay bilang may-akda ng istoryang ito.

• Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kanyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang.

• Kaya naman, matapos nito, ang mga kwento na sinusulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925.

Ang Sarsuwela at ang mga Uri ng Dula ayon sa

Anyo

Ano ang SARSUWELA

?• Isang komedya o melodramang may

kasamang awit at tugtog na nahihingil sa mga punong damdamin ng tao o tungkol sa mga suliraning panlipunan/pampolitika.

• Magkahalong diyalogong ginagamit dito- patula at pasalita.

• Bukod sa diyalogo, ito ay ginagamitan ng komposisyon na maaring awitin.

• Ito ay binubuo ng tatlong yugto.

• Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katatawanan. (Melodrama o Tragikomedya)

• Ipinakilala noong panahon ng Espanyol.

Uri ng Dula Ayon sa Anyo1. KOMEDYA

- katawa-tawa2. TRAHEDYA

- nakakaiyak, nakakalunos ang mga tauhan, nagwawakas ng malungkot

3. MELODRAMA o SOAP OPERA- namimiga ng luha ng mga manunuod, puro problema ang kinahaharap ng tauhan

4. TRAGIKOMEDYA- katatawanan at kasawian; sa huli nagiging malungkot dahil nasasawi ang bida

5. SAYNETE- paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo

6. PARSA- puro tawanan walang saysay

7. PARODYA- mapanudyo; ginagaya ang mga kilos, pananalita at ugali ng isang tao; katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin

8. PROBERBYO- ang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain; nagsisilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

top related