parabula ng mayamang hangal

Post on 12-Jun-2015

2.000 Views

Category:

Documents

23 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroroon, "Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid kong ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa aming mana.”

Sumagot siya, "Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?" At sinabi niya sa kanilang lahat, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga. "Isang mayaman ang umani nang sagana sa kanyang bukirin.

Kaya’t nasabi niya sa sarili,

‘Ano ang gagawin ko ngayon?

Wala na akong paglagyan ng

aking mga ani!

Alam ko na! Ipagigiba ko

ang aking mga kamalig!

At magpapatayo ako ng mas

malaki!

Doon ko ilalagay ang aking ani at

ibang ari-arian. 

Pagkatapos, ay sasabihin ko sa aking

sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya’t magpahinga

ka na lamang, kumain, uminom, at

magpasarap sa buhay!’

"Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi

ring ito’y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong

sarili?

Ganyan ang sasapitin ng

sinumang nag-iipon ng

kaymanan para sa sarili, ngunit

dukha naman sa paningin ng

Diyos."

top related