parabula ng alibughang anak
TRANSCRIPT
Ang Parabula
ng Alibughang
AnakLukas 15:11-32
May isang lalaking may dalawang anak na lalaki.
Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa
kaniyang ama: Ama, ibigay mo sa akin
ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol
sa akin.
Nagulat ang ama ngunit wala
siyang nagawa.
Kung iyan ang iyong
kagustuhan!
Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan.
Malayong LugarLumipas ang ilang araw, pagkatipon
ng lahat ng sa kaniya, ang
nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo
siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang
kaniyang ari-arian.
100100100100
Party! Party!
Party! Party!
Siya ay namuhay ng magulong pamumuhay.
Ngunit nang magugol na
niya ang lahat,
nagkaroon ng isang
matinding taggutom sa lupaing iyon at nagsimula
siyang mangailangan
.
!
Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay sinugo niya sa mga bukirin upang
magpakain ng mga baboy.
OINK!!OINK!!
OINK!!
Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy na ipinakakain sa
mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.
Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan.
Sagana sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom.
Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin.
Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo
akong isa sa iyong mga upahang utusan.
Bahay
Puno ng pagsisisi umuwi ang alibughang anak sa
bahay ng ama.
Sa pagtayo niya, pumunta
siya sa kaniyang ama, ngunit malayo
pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa
kaniya.
Ang ama ay tumakbo at niyakap
at hinagkan siya.
Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin.
Hindi na ako
karapat-dapat na tawaging anak mo.
Father I have sinnedagainst heaven
and against you...
Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga
alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na
kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay
kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at
panyapak para sa kaniyang mga paa.
Party Party
Party Party
Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat ang
anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay
nagsimulang magsaya.
At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay
dumarating at malapit na sa bahay,
nakarinig siya ng tugtugin at
sayawan. Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga
lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga
bagay na ito.
Sinabi ng lingkod sa kaniya:
Dumating ang kapatid mo.
Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay
natanggap niyang ligtas at malusog.
Nagalit siya at sumagot siya sa kaniyang ama.
Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming
taon. Kahit minsan ay hindi ako
sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan
ng maliit na kambing upang makipagsaya
akong kasama ng aking mga kaibigan.
Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng
iyong kabuhayan
kasama ng mga patutot.
Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin aysa iyo.
Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat
ang kapatid mong ito ay namatay at
muling nabuhay. Siya ay
nawala at natagpuan.