pambansang kita by group 1 (10-ohsp)

Post on 14-Apr-2017

382 Views

Category:

Education

20 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

PAMBANSANG KITA10-OHSP

KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA• 1.Ang sistema ng pagsukat sa pambasang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antasng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakitganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa

• 2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin angdireksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng isang bansa

• 3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mganagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya namakapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng isang bansa

• 4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambasang kita, haka-haka lamangang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindikapani-paniwala

• 5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaring masukat ang kalusugan ngekonomiya

GROSS NATIONAL INCOME (GNI)• Ang Kabuuang Pambansang Produkto (Ingles: Gross National Product

o GNP) ang halagang pamilihan ng lahat ng mga produkto at serbisyong prinodyus sa isang taon ng trabaho at pag-aaring sinuplay ng mga residente ng isang bansa. Hindi tulad ng kabuuang produktong domestiko(GDP) naglalarawan ng produksiyon batay sa heograpikal na lokasyon ng produksiyon, ang GNP ay naglalaan ng produksiyon batay sa pag-aari. Ang GNP ay hindi nagtatangi sa pagitan ng kwalitatibong mga pagpapabuti sa katayuan ng mga teknikal na sining (e.g. papataas na bilis ng pagpoproseso ng kompyuter) at mga pagtaas na kwantitibo sa mga kalakal(e.g. bilang mga kompyter na pinrodyus) at isinasaalang ang parehong ito na mga anyo ng "paglagong ekonomiko"

MGA HINDI ISINASAMA SA GNI• May tinatawag na underground economy tulad ng mga sumusunod:

1.Naglalako ng paninda sa kalsada2. Nagkukumpuni ng sirang kasanngkapan sa mga bahay-bahay3. Nagbebenta sa tabi ng bangketa4. Segundamano atbp.

GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP)• Ang kabuuan ng gawang katutubo (KGK) o ang kabuuang

domestikong produkto (Ingles: Gross domestic product o GDP) ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Ang KGK bawat tao ay kadalasang itinuturing paghihiwatig ng pamantayan ng pamumuhay;[2][3] ang KGK bawat capita ay hindi isang sukat ng pansariling sahod. Sa ilalim ng teoriyang ekonomiko, ang KGK bawat tao ay ganap na katumbas ng kabuuang katutubong sahod (Gross domestic income o GDI) bawat tao. Ang KGK ay nauugnay sa mga pambansang kuwenta na isang paksa sa makroekonomika. Ang GDP ay hindi dapat ikalito sa Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product o GNP) na naglalaan ng produksiyon batay sa pag-aari.

GAMIT NANG GNP

• Ginagamit ng Estados Unidos ang GNP bilang pangunahing sukat nito ang kabuuang gawaing ekonomiko bago ang 1991 nang simula itong gumamit ng GDP.[3] Sa paglipat, ang Bureau of Economic Analysis (BEA) ay nagbanggit na ang GDP ay nagbibigay ng mas madaling paghahambing ng ibang mga sukat ng gawaing ekonomiko ng Estados Unidos at ang halos lahat ng mga bansa ay kumuha na ng GDP bilang kanilang pangunahing sukat ng produksiyon.

GNI VS GDP

• Ang Kabuuang Pambansang Produkto(GNP) ay kadalasang sinasalungat sa Kabuuang produktong domestiko(GDP). Bagaman ang GNP ay sumusukat ng mga output na nalilikha ng mga negosyo ng isang bansa(kahit pa ito ay pisikal na nasa bansa o nasa ibang bansa), ang GDP ay sumusukat ng kabuuang output na nilikha sa loob ng mga hangganan ng isang bansa kahit ito ay nilikha ng sariling lokal na negosyo ng bansa o ng mga negosyo ng dayuhan. Kapag ang kapital ng bansa o mga magpakukunang trabaho ay ginamit sa labas ng mga hangganan nito o kapag ang isang negosyo ng dayuhan ay pinapatakbo sa teritoryo nito, ang GDP at GNP ay maaaring lumikha ng iba't ibang mga sukat ng kabuuang output. Halimbawa noong 2009, tinantiya ng Estados Unidos ang GDP nito sa $14.119 trilyon at ang GNP nito sa $14.265 trilyon.

HALIMBAWA:

MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GNI1.Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach)a.Gastusing personal (C)b.Gastusin ng mga namumuhunan (I)c. Gastusin ng pamahalaan (G)d.Gastusin ng panlabas na sector (X – M)e.Statistical discrepancy (SD)f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)

FORMULA:GNI = C + I + G + (X – M) SD + NFIFA

2. PARAAN BATAY SA PINAGMULANG INDUSTRIYA (INDUSTRIAL ORIGIN/VALUE ADDED APPROACH)

• 3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)–Sahod ng mga manggagawa –Net Operating Surplus –Depresasyon –Di-tuwirang buwis–Di-tuwirang buwis–Subsidiya

CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES GROSS NATIONAL PRODUCT• Ang Gross National Income sa kasalukuyang presyo (current o

nominal GNI) ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo. • Ang Real o GNI at constant prices ay kumakatawan sa

kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o base year.

•Sa pagsukat ng kasalukuyan at totoong GNI, kailangan munang malaman ang Price Index. Sinusukat ng Price Index ang average na pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo

PRICE INDEX

REAL GNP

GROWTH RATE

• Ito ay sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon.

GROWTH RATE

INCOME PER CAPITAL•Masusukat kung hahatiin ang Gross Domestic Product sa kabuuang populasyon ng bansa. • Sinusukat nito ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan.• Tinataya nito kung sasapat ang kabuuang halaga ng produksiyon ng bansa upang tustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito.

LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA•Hindi pampamilihang gawain• Impormal na sektor•Externalities o epekto•Kalidad ng buhay

GOLDEN ACRES NATIONAL HIGHSCHOOL

• GROUP 1LEADERS: ANGELO JACKO HERNANDEZMEMBERS: FARAH MAE CRISTOBAL AILEEN ILAGAN KATE EDROSO

top related