filipino 9 ang tagahuli ng ibon sa impiyerno

Post on 15-Apr-2017

1.028 Views

Category:

Education

15 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

ANG TAGAHULI NG IBON SA IMPIYERNO

“HINDI SAPAT NA TANGGAPIN AT

PAGSISIHAN ANG KASALANAN, BAGUHIN

ANG NAKAGAWIAN NANG MAIWASAN ANG

KAMALIAN”

PAUNANG GAWAIN: Gumawa ng talaan ng mga

pinakamahalagang nagawa mo sa iyong buhay

AKTIBIDAD:Salita Salitang-Ugat Kasingkahul

uganKasalungat

Naglalahong 1. nawala 2.

Pinagkakakitaan 3. pinagkakagastahan

4.

Kumikitil 5. 6. Bumubuhay

Yama: Ako ang hari ng Impiyerno, si Yama! At nandito ako upang dumalo sa pulong ng anim na paraan. Yai, yai, nandyan ba ang aking mga alalay?Mga Demonyo: Ha! Narito kami.Yama: Kapag may dumating na mga makasalanan, itaboy niyo sila sa Impiyerno.Mga Demonyo: Masusunod po mahal na hariKiyoyori: Lahat ng tao’y makasalanan, at dahil hindi ako naiiba sa karamihan ano ba ang dapat kong ikatakot?

Kiyoyori: Ako si Kiyoyori, isang tagahuli ng ibon. Isang bantog na tagahuli sa kapatagan. Pero ang buhay ko’y umabot na sa katapusan. Tinangay ako ng hangin at ngayo’y naglalakbay sa kadiliman. Walang bahid ng pait ay iniwan ko ang mundong aking kinamulatan. Sa aking palagay, sa langit pa arin ako mahihimlay.Mga Demonyo: Ha! Ha! May naaamoy akong parating na tao. Sigurado akong isa itong makasalanan, at may hihirap na kami sa’yo Haring Yama. Mahal na hari, ang unang makasalanan ay dumarating na.

Yama: Bilisan ninyo’t itulak kaagad siya sa Impiyerno.Mga Demonyo: Abot-kamay lang ang impiyerno kaya halika na. Ang langit ay hindi madaling marating kaya sumama ka na. Halika na. Yai! Yai! Ibang klase ito sa mga makasalanan sa balat ng lupa. Ano ba’ng pinagkakakitaan mo sa lupa?Kiyoyori: Ako si Kiyoyori, ang kilalang tagahuli ng ibon.Demonyo: Tagahuli ng ibon? Kumikitil ka ng buhay mula umaga hanggang gabi. Mabigat ang kasalanan mo. Nasisiguro kong sa impiyerno ang tuloy mo.

Kiyoyori: Ang katotohanan ay hindi ako kasinsama ng katulad ng iinisip niyo. Mas makakabuti siguro kung sa langit ninyo ako papuntahin.Unang Demonyo: Hindi puwede! Itatanong ko muna sa Hari ang tungkol sa kaso mo. Ipagpaumanhin ninyo mahal na hari!Yama: Ano’ng kailangan?Unang Demonyo: Sabi ng bagong dating na makasalanan na isa raw siyang tagahuli ng ibon sa kapatagan. Kaya sabi ko sa kanya na dahil kumikitil siya ng buhay araw’t gabi, nakagawa siya ng mabigat na kasalanan at karapat-dapat lamang na pagdusahan niya ito sa impiyerno. Pero ayaw niyang sumang-ayon at iniisip niyang hindi patas ang panghuhusga natin sa kanya.

Yama: Dalhin mo’ng makasalanan na’yan dito.Kiyoyori: Susunod ako.Demonyo: Heto na po ang makasalanang pinatawag ninyo.Yama: Halika rito ikaw na makasalanan! Nalaman kong buong buhay mo ay ginugol mo sa panghuhuli ng ibon. Iyan ay paglapastangan sa buhay. Ngayon din ay dapat kang mapunta sa impiyerno.Kiyoyori: Hindi kayo nagkakamali sa tinuran ninyo tungkol sa akin, pero ipinakakain sa mga palkon ang mga ibong hinuhuli ko. Wala namang nasasaktan sa ginagawa ko.

Yama: Isang uri din ng ibon ang palkon, di ba?Kiyoyori: Isang Tama kayo.Yama: Sa tingin ko ay hindi nga ganoong kabigat ang iyong kasalanan.Kiyoyori: Mabuti naman po at umaayon kayo sa akin. Mas kasalanan naman talaga ng palkon ‘yon kaysa sa akin. Kaya hinihiling ko pong ako’y papuntahin ninyo sa langit.Yama: At dahil hindi pa ako nakatitikim ng ibon sapul na ako’y maging hari, ihuli mo ako ng isa, at gusto kong matikman ngayon din. Pagkatapos ibibigay ko sa iyo ang hiling mo nang walang away.

Kiyoyori: Napakadali niyan. Manghuhuli ako ng ilang ibon ngayon at iaalay ko sa inyo.Koro: Manghuli, manghuli kailangang manghuli at lumabas na nga sila, isang kumpol na ibon, at pinukol na ang panang panghuli upang sa gayon ay maihaw na at maialay sa hari ng impiyernong may kapangyarihang taglay.Yama: Sige, sige! Titikman ko. Meri, meri! Yum, Yum! Ang sarap, ibang-iba ang lasa!Kiyoyori: (sa mga demonyo) Gusto n’yo bang titikman?Mga Demonyo: Salamat, gusto namin. Hmmmm…masarap nga.

Yama: Wala pa akong natikmang kasinsarap nito. Dahil sa napakasarap ang handog mo sa amin, maaari ka ng bumalik sa lupa. Doo’y puwede kang manghuling muli ng mga ibon sa loob ng tatlong taon pa.Kiyoyori: Tatanawin ko itong malaking utang na loobKoro: Babalik sa lupa, upang doon manghuli ng ibon. Iba’t-ibang klase na hindi makatatakas sa iyong patibong. Pero bago siya tuluyang bumalik pinabaonan siya ng koronang sa bato ay hitik. Babalik na siya sa kapatagan at doo’y magsisimula ng bagong buhay.

MGA TANONG: Sino si Yama? Ano ang utos niya sa kanyang

mga kasama? Ilarawan si Kiyoyori. Ano ang kanyang

pinagkukuhanan ng kita noong nabubuhay pa siya?

Sa iyong palagay, bakit sinabi ng mga demonyo na mas madaling magpunta sa impiyerno kaysa langit? May katotohanan ba ito? Ipaliwanag.

MGA TANONG: Bakit sinabihan ni Yama si Kiyoyori na

naiiba ang kaso niya? Ano ang mabuting aral na iniiwan ng

dula sa mga babasa nito?

MGA ELEMENTO NG DULANG PANGTANGHALAN

1. Banghay Simula – dito pinapakilala ang

mga tauhan at tagpuan ng dula Gitna – dito makikita ang mga

problema o tunggalian sa dula Wakas – dito matatagpuan ang

resolusyon at pagtatapos ng dula

2. Dayalogo Ito ay ang usapan ng mga tauhan

sa dula Pinakadiwa ng isang dula

3. Yugto at Eksena Yugto – pinakakabanatang

paghahati sa dula Eksena – ito ay paglabas-pasok ng

mga tauhan sa tagpuan ng lugar ng pinagtatanghalan.

4. Direktor Siya ang nagpapakahulugan sa isang

iskrip, nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

5. Tema Ito ay ang pinakapaksa ng dulang

itinatanghal

top related