araling panlipunan - alonot.com · pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa dula-dulaan pamantayan...
Post on 29-Aug-2019
995 Views
Preview:
TRANSCRIPT
5
ARALING PANLIPUNAN
Patnubay ng Guro
YUNIT 4
2
ARALIN 1 Konteksto ng Reporma at Pagtatatag ng Monopolyang Tabako
Takdang Araw: 1 araw
Layunin
Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan
Reporma sa ekonomiya at pagtatatag ng monopolyang tabako
Paksang Aralin
Paksa: Konteksto ng Reporma at Pagtatatag ng Monopolyang Tabako
Kagamitan: powerpoint presentation, venn diagram, manila paper, pentel pen
Sanggunian: K to 12 – AP5PKB-IV-a-b-1
Yunit IV, Aralin 1, LM, ph. ______
Pilipinas Kong Hirang, Eleonor D. Antonio, et.al., ph. 158
Araling Panlipunan 4, Teacher’s Guide, ph. 62
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_epekto_ng_monopolyo_ng_tabako
https://link.quipper.com/en/classes/573ae1223c4bee1eef0002f5/courses
https://www.youtube.com/watch?v=29PperCg82c
Pamamaraan
A. Panimula
1. Tumawag ng mga boluntir. Gamit ang kanilang katawan, ipasulat ang mga letrang bumubuo sa
mga salitang, gawain at sibika. Ipahula sa pangkat o klase ang nabuong salita. Bigyan ng kredit
ang naunang nakahula.
2. Itanong:
Madali bang hulaan ang mga letra kapag isinusulat gamit ang katawan?
Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng salitang nabuo ninyo?
Sa palagay ninyo, ano ang ibig sabihin ng mga salitang, Monopolya?
3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata.
4. Iugnay ang mga ito sa aralin.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo, LM, pahina ___
2. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral.
3. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
4. Talakayin ang paksa.
5. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
Ipasagot ang mga tanong sa Gawain A.
Talakayin ang sagot ng mga bata.
3
Ipagawa ang Gawain B, p. _____. Ipasulat ang sagot sa notbuk.
Ipangkat ang klase at ipagawa ang Gawain C.
6. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____
Pagtataya
Ipagawa ang Natutuhan Ko, ph. _______ ng LM.
Susi sa Pagwawasto
Gawain A Ipabigay at iwasto ang mga sagot ng mga bata.
Gawain B
Kabutihang dulot ng monopolya ng tabako
Natupad ang mithiin ng Basco na lumaki ang kita ng pamahalaan at makapagsarili ang bansa.
Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong mamamayan.
Kasamaang dulot ng monopolyang tabako
Inabuso ng mga pinunong namahala rito ang kanilang tungkulin.
Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta kundi binawian pa ng
lupa.
Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal.
Gawain C
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Dula-dulaan
Pamantayan Pinakamahusay 4-5
Mahusay-husay 2-3
Mahusay 0-1
Pagbibigay ng Diyalogo
Malinaw, angkop ang lakas o hina ng boses
Hindi gaanong malinaw at angkop ang boses.
Malabo at hindi maintindihan ang pagbibigay ng dayalogo
Malikhain at Epektibong Galaw o Pagkilos
Malinaw at may paglalapat ang kilos- galaw, ekspresyon ng mukha, diyalogo, atbp.
Hindi gaanong malinaw at lapat ang pagkilos-galaw.
Walang pagkilos
Kawastuhan ng Diwang nais Ipahayag o Pinapagawa
Malinaw ang mensaheng nais iparating.
Hindi gaanong malinaw ang mensahe.
Malabo ang mensahe.
Malikhaing Pagbubuo at Paggamit ng mga
Epektibo ang mga materyales,
Hindi gaanong epektibo
Walang bisa ang materyales.
4
Materyales nakadagdag sa ikahuhusay ng pagtatanghal.
Nilalaman Malawak ang kaalamang ibinahagi
Hindi gaanong malawak ang kaalamang ibinahagi.
Walang bagong kaalaman na ibinahagi.
Natutuhan Ko
1.
2.
3.
4.
5.
Takdang Aralin
Ilarawan.
Sino sa mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Español ang higit mong hinangaan? Bakit?
5
ARALIN 2 Pag-aalsa sa Estadong Kolonyal
Takdang Araw: 4 na araw
Layunin
Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan
Mga pag-aalsa sa loob ng estadong kolonyal
Paksang Aralin
Paksa: Pag-aalsa sa Estadong Kolonyal
Kagamitan: powerpoint presentation, manila paper, pentel pen
Sanggunian: K to 12 – AP5PKB-IV-a-b-1.2
Yunit IV, Aralin 2, LM, ph. ______
Pilipinas Kong Hirang, Eleonor D. Antonio, et.al., ph. 140-152
Araling Panlipunan 4, Teacher’s Guide
https://link.quipper.com/en/classes/573ae1223c4bee1eef0002f5/courses
https://www.google.com
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magbalik tanaw sa nakaraang aralin.
2. Ipasagot: Sino sa mga bayaning Pilipino ang lumaban sa mga Español ang higit mong
hinahangaan? Anong katangian ang inyong nagustuhan? Tignan ang larawan sa LM, ph.____.
Pag-usapan ito.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM p. _____. Tanggapin
lahat ang sagot ng mag-aaral.
2. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
3. Talakayin ang paksa.
4. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
Ipasagot ang mga tanong sa Gawain A.
Talakayin ang sagot ng mga bata.
Ipagawa ang Gawain B, p. _____. Ipasulat ang sagot sa notbuk.
Cooperative Learning Technique (CLT). Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ipagawa ang
Gawain C sa LM, ph. _____ at ipaulat ito sa buong klase.
5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____
Pagtataya
Ipagawa ang Natutuhan Ko, ph. _______ ng LM.
6
Susi sa Pagwawasto
Gawain A 1. Katapangan 4. Pagmamahal sa kalayaan 2. Pagkakaisa 5. Kasipagan 3. Katalinuhan
Gawain B
Gawain C
Rubric sa Pangkatang Gawain
Pamantayan Puntos Natamong Puntos
1. Lahat ng kaanib ay nakilahok sa Gawain 3
2. Malinis ang pagkakagawa ng visual aid at may angkop na disenyo
3
3. May katamtamang lakas ng boses 3
4. Malikhain sa presentasyon ng output 3
5. Wasto ang impromasyon na tinalakay 3
Kabuuang Puntos 15
Natutuhan Ko
1. C. 4. C.
2. A. 5. C.
3. D.
Cagayan: Felipe Catabay at Gabriel Tayag
Ilocos: Diego at Gabriela Silang
Pangasinan: Andres Malong at Juan dela Cruz Palaris
Pampanga: Francisco Maniago
Manila: Lakan Dula at Rajah Sulayman
Quezon: Apolinario de la Cruz (Hermano Pule)
Panay: Tapar
Leyte: Bancao
Bohol: Tamblot at Francisco Dagohoy
7
ARALIN 3 Kilusang Agraryo ng Pilipinas
Takdang Araw: 2 araw
Layunin
Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan
Kilusang Agraryo ng 1745
Paksang Aralin
Paksa: Kilusang Agraryo ng Pilipinas
Kagamitan: powerpoint presentation, mapa ng Luzon, manila paper, pentel pen
Sanggunian: K to 12 – AP5PKB-IV-a-b-1.3
Pilipinas Kong Hirang, Eleonor D. Antonio, et.al.,
Araling Panlipunan 4, Teacher’s Guide
https://link.quipper.com/en/classes/573ae1223c4bee1eef0002f5/courses
https://www.google.com
Pamamaraan
A. Panimula
1. Balitaan. Pag-usapan ang napapanahong balita na may kaugnayan sa paksang aralin.
Halimbawa: Naniniwala ba kayo na maunlad na ang Pilipinas kung ihahambing sa nakalipas na
mga panahon?
2. Ipakita ang mga larawan ng paring Dominicano, Heswita, at Agustino. Talakayin at iugnay ito sa
aralin. Ilahad ang susing tanong sa Alamin Mo.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM p. _____. Tanggapin
lahat ang sagot ng mag-aaral.
2. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
3. Talakayin ang paksa.
4. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
Ipagawa ang Gawain A, maaaring pasagutan ito na pasalita o ipasulat ito sa notbuk.
Mga Tanong:
> Magkano ang ibinabayad sa lupa ng mga katutubong may asawa sa mga pari?
> Ano ang ginawa ng mga katutubo nang malaman ang anomalya sa kanilang lupain?
> Sino ang lubusang nakinabang sa mga lupain ng mga katutubo?
> Bakit nabuo ang kilusang agraryo? Ano ang mahihinuha mo sa pahayag na ito?
> Paano mo ilalarawan ang mga prayleng sangkot sa tinalakay na paksa?
Talakayin ang mga sagot ng bata.
8
Ipagawa ang Gawain B. Tignan ang mapa. Tukuyin ang mga lugar kung saan naganap ang
kilusang agraryo noong 1745.
Ipagawa ang Gawain C, ph._____. Talakayin at iwasto ang mga sagot ng bata.
5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____.
Pagtataya
Ipasagot ang Natutuhan Ko, ph. _______
Susi sa Pagwawasto
Gawain A
Talakayin ang mga sagot ng bata.
Gawain B
Cavite
Morong
Batangas
Bulacan
Laguna
Taguig
Hagonoy
Cavite
Paranaque
Gawain C
Tanggapin ang mga sagot ng bata. Iwasto.
Natutuhan Ko
1. Piso at limang sentimo 4. Tama 2. Dominicano 5. Tama 3. Katagalugan
Takdang Aralin.
Sagutin ang katanungan.
Paano mo ilalarawan ang mga prayleng sangkot kilusang agraryo ng 1745? Bakit tila abusado ang mga pari? Bakit kailangang mang-agaw sila ng mga lupaing hindi naman sa kanila?
9
ARALIN 4 Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose
Takdang Araw: 1 araw
Layunin
Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan
Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose
Paksang Aralin
Paksa: Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose
Kagamitan: powerpoint presentation
Sanggunian: K to 12 – AP5PKB-IV-a-b-1.4
Pilipinas Kong Hirang, Eleonor D. Antonio, et.al.,
Araling Panlipunan 4, Teacher’s Guide
https://link.quipper.com/en/classes/573ae1223c4bee1eef0002f5/courses
https://www.google.com
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magbalik-tanaw sa nakaraang aralin.
2. Pasimulan ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo, ph. ____
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM p. _____. Tanggapin
lahat ang sagot ng mag-aaral.
2. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
3. Talakayin ang paksa.
4. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
Ipasagot ang mga tanong sa Gawain A.
Talakayin ang sagot ng mga bata.
Ipagawa ang Gawain B, p. _____.
Ipagawa ang Gawain C, p._____. Talakayin at iwasto ang mga sagot ng bata.
5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____.
Pagtataya
Ipasagot ang Natutuhan Ko, ph. _______
10
ARALIN 5 Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Takdang Araw: 1 araw
Layunin
Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan
Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Paksang Aralin
Paksa: Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Kagamitan: powerpoint presentation, manila paper, pentel pen
Sanggunian: K to 12 – AP5PKB-IV-a-b-1.5
Araling Panlipunan 4, Teacher’s Guide
https://link.quipper.com/en/classes/573ae1223c4bee1eef0002f5/courses
https://www.google.com
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magbalik-tanaw sa nakaraang aralin.
2. Pasimulan ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo, ph. ____
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM p. _____. Tanggapin
lahat ang sagot ng mag-aaral.
2. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
3. Talakayin ang paksa.
4. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
Ipasagot ang mga tanong sa Gawain A.
Talakayin ang sagot ng mga bata.
Ipagawa ang Gawain B, p. _____.
Ipagawa ang Gawain C, p._____. Talakayin at iwasto ang mga sagot ng bata.
5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____.
Pagtataya
Ipasagot ang Natutuhan Ko, ph. _______
11
ARALIN 6 Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan
Takdang Araw 1-3 araw Layunin
Nakapagtatalakay ng mga pandaigdigang pangyayari bilang konteksto ng malayang kaisipan tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan.
- Nakapagpapaliwanag ng paglipas ng merkantilismo bilang ekonomikong batayan ng kolonyalismo.
Paksang Aralin Paksa: Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan Kagamitan: Task card, larawan Sanggunian: Code: K-12 AP5PKB-IV-c2, LM pp. REGIONAL WRITESHOP ON THE DEVELOPMENT OF INSTRUCTIONAL MATERIALS (IMS) BY
DO IT YOURSELF (DIY) METHOD IN HEKASI V Makabayan Kasaysayang Pilipino p. 108-109 Isang Bansa, Isang Lahi Evelina M. Viloria, Ed. D. et. al.
https://link.quipper.com/en/classes/573ae8e53c4bee0aee000429/courses www.google.com/image
Pamamaraan A. Panimula
1. Ipasuri at ipahambing sa mga mag-aaral ang dalawang larawan. Maaaring ilagay sa sa Venn Diagram ang kanilang mga sagot.
Ang Pilipinas Bago Dumating ang Mga Ang Pilipinas Nang Dumating ang Kastila mga Kastila
12
2. Iugnay ang mga sagot sa aralin.
Ang mga Pilipino noon ay wala pang konsepto ng nasyon o bansa. Bago pa dumating ang mga
Espanyol ang pamahalaang mayroon sa bansa ay mga nagsasariling barangay lamang. Walang iisang wika, tradisyon, relihiyon, o gawaing maaaring magbuklod sa lahat ng mga Pilipino noon. May ilang pangyayari noong ika-19 na siglo na nagbunsod sa pagsilang ng diwang makabansa.
B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM Pahina. 2. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin lahat ng sagot nila. 3. Ipabasa ang tekstong tumatalakay sa mga pandaigdigang pangyayari . 4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM. 5. Ipagawa ang mga sumusunod.
Gawain A
Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM.
Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk. Gawain B (Think Pair Share)
• Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM. • Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk. Group Work
Pangkatin ang mag-aaral sa apat. Bigyan ng taskcard ang bawat mag-aaral. Sabihin na dapat nilang sundin ang mga sumusunod na pamamaraang nakasulat sa taskard. Pagkatapos, ibabalik ng mga lider ang taskcard sa guro, babalik sa upuan, mananatiling tahimik at hihintaying matapos ang ibang pangkat. Maaaring gumamit ng sariling rubric upang maging gabay sa pagmamarka sa gawain ng bawat pangkat.
Task Card Task Card Task Card Task Card
Pangkat I Pangkat II Pangkat III Pangkat IV
Egg Hunting Mga Gawaing Dapat Sundin: 1. Kunin ng lider ang task card sa guro. 2. Hanapin ang mga itlog sa loob ng silid-aralan. 3. Kapag nakita na ang mga itlog, buksan at kunin ang papel na nasa loob nito. 4. Isulat sa “show-me-board”ang mga nakuhang
Role Playing Mga Paghahandang Dapat Gawin sa Loob ng Limang Minuto. 1. Maghanda para sa isang role playing. 2. Ipakita sa klase ang pagkakaiba ng dalawang uri ng paring Katoliko noon: ang paring regular at ang paring secular.
• Ipakita na ang paring regular ay yaong mgakabilang sa isang
Family Portrait Family Portrait Mga Paghahandang Dapat Gawin sa Loob ng Limang Minuto. 1. Hatiin sa dalawang grupo ang pangkat. Magkunwaring Family Portrait. • Ang unang grupo aymagpapakita ng tatlong paring martir. • Ang ikalawang grupo ay magpapakita
Family Portrait Family Portrait Mga Paghahandang Dapat Gawin sa Loob ng Limang Minuto. 1. Hatiin sa dalawang grupo ang pangkat. Magkunwaring Family Portrait. • Ang unang grupo aymagpapakita ng tatlong paring martir. • Ang ikalawang grupo ay magpapakita
13
tanong. 5. Ibalik sa guro ang task card, bumalik sa upuan, manatiling tahimik at hintaying matapos ang ibang pangkat.
• Paano naging ekonomikong batayan ng kolonyalismo ang merkantilismo ?
• Ano ang naging bunga sa mga Pilipino ng pagbubukas ng kalakalang pandaigdig?
• Ano ang nasyonalismo?
grupo o orden ng mgarelihiyoso at kilala bilang mga misyonerongunit hindi naman sila nagbibigay ng pantay na pagtingin sa mga paring Pilipino.
• Ipakita na ang paring sekular ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na mamahala sa parokya
ng tatlong paring martir na pinatay sa pamamagitan ng garote. 2. Maaaring gumamit ng mga props na makikita sa loob ng silid-aralan. 3. Tiyakin ng lider na lahat ng kasapi ng pangkat ay may papel na gagampanan sa iiasagawang role playing na tatagal lamang ng isang minuto.
ng tatlong paring martir na pinatay sa pamamagitan ng garote. 2. Maaaring gumamit ng mga props na makikita sa loob ng silid-aralan. 3. Tiyakin ng lider na lahat ng kasapi ng pangkat ay may papel na gagampanan sa iiasagawang role playing na tatagal lamang ng isang minuto.
6. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM at talakayin ang sagot.
Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa LM. Takdang Gawain Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Ano ang merkantilismo? May kinalaman ba ito sa kolonisasyon?
Susi sa Pagwawasto. Gawain A
1, 2, 5, 6, 7, 8, 9 X 3, 4, 10 Gawain B
1. nalaman nilang maaari naman pala silang
maging kapantay ng mga Espanyol
2. Napadali ang paglalakbay sa pagitan ng
Espanya at Pilipinas dahil dito.
3. dahil siya ay may kaisipang liberal
4. pagkamatay ng tatlong pari
5. pinatay sa pamamgitan ng garrote
14
Gawain C Gawing gabay sa pagmamarka ng Gawain ng mag-aaral ang nasa ibaba.
RUBRIC SA PAGMAMARKA NG DULA
Mga Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
1. Ipinakitang impormasyon sa dula
2. Angkop ang isinadula sa tema ng Gawain.
3. Maayos at makapukaw-pansin ang pagsasadula
Kabuuang Puntos
1
1- kung hindi sapat na naipakita ang impormasyon sa dula
2- kung sapat na naipakita ang
impormasyon sa dula
3- kung lubos na naipakita ang
impormasyon sa dula
2 1- kung hindi angkop sa tema ng gawain
2- kung angkop sa tema ng gawain 1- kung lubos na angkop sa tema ng
Gawain
3 1- kung hindi maayos ang dula 2- kung maayos ang dula 3 kung lubos na maayos at
makapukaw- pansin ang dula
15
ARALIN 7 Ang Kaisipang “La Ilustracion” Takdang Panahon 1-2 araw Paksang Aralin Layunin: Nakapagtatalakay ng mga pandaigdigang pangyayari bilang konteksto ng
malayang kaisipan tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan.
Nakapagpapaliwanag ng paglitaw ng kaisipang “La Ilustracion”. Paksa: Ang Kaisipang “La Ilustracion” Kagamitan: Task card, larawan Sanggunian: Code: K-12 AP5PKB-IV-c2
Regional Writeshop On The Development Of Instructional Materials (Ims) By Do It Yourself (Diy) Method In Hekasi V Makabayan Kasaysayang Pilipino V pahina 109-111 Pilipinas Kong Hirang pahina 215-216
https://link.quipper.com/en/classes/573ae8e53c4bee0aee000429/courses www.google.com/image Pamamaraan
A. Panimula 1. Ipalarawan ang nasa ibaba.
2. Itanong:
Anu-ano ang nalalaman mo tungkol sa kanila? Bakit kaya sila itinuturing na bayani?
3. Tanggapin lahat ng sagot ng mga mag-aaral. 4. Iugnay ang mga sagot sa aralin.
Nadama ng bayan ang pangangailangan ng pagbabago. Sa pamumuno ng mga batambatang Pilipinong kabilang sa mga ilustrado, binuo ang isang pangkat na nagtaguyod nito.
16
B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM. 1. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin lahat ng sagot nila. 2. Ipabasa ang tekstong tumatalakay sa merkantilismo bilang ekonomikong batayan ng
kolonyalismo. 3. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM. 4. Ipagawa ang mga sumusunod.
Gawain A Individual Work
Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM.
Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk.
Gawain B Think Pair Share
Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa LM pahina ____.
Ipasulat ang kanilang sagot sa meta cards.
Gawing gabay sa pagmamarka ng Facebook Profile ang sumusunod na rubric.
RUBRIC SA PAGMAMARKA NG FACEBOOK PROFILE
Mga Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
1. Wasto ang ipinakitang impormasyon
tungkol sa napiling propagandista.
4
2. Angkop ang mga nakuhang datos para sa
gawain.
4
3. Maayos at organisado ang inilahad na
impormasyon sa Facebook profile.
2
Kabuoang Puntos
Gawain C
Group Work • Pangkatin ang mag-aaral sa apat. Bigyan ng taskcard ang bawat mag-aaral. Sabihin
na dapat nilang sundin ang mga sumusunod na pamamaraang nakasulat sa taskard. Pagkatapos, ibabalik ng mga lider ang taskcard sa guro, babalik sa upuan, mananatiling tahimik at hihintaying matapos ang ibang pangkat. Maaaring gumamit ng sariling rubric upang maging gabay sa pagmamarka sa gawain ng bawat pangkat
17
Task Card Task Card Task Card Task Card
Pangkat I Pangkat II Pangkat III Pangkat IV
Mga Gawaing Dapat Sundin: 1. Kunin ng lider ang task card sa guro. 2. Gumawa ng poster tungkol sa pag-usbong ng kaisipang “La Ilustarcion”. 3. Ipaliwanag ang poster na ginawa. 4. Ibalik sa guro ang task card, bumalik sa upuan, manatiling tahimik at hintaying matapos ang ibang pangkat
Mga Gawaing Dapat Sundin: 1. Ang lider ng pangkat ang mag-aayos ng kanilan gagawing sabayang bigkasan. Ako, Ikaw, Tayo sa Kilusang Propaganda Sabay-sabay na bibigkasin: Lagi nating gunitain ang ginawang pagbabago sa Kilusang Propaganda sa tulong ng ating mga bayani na sina Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at marami pang iba. Na ang layunin mapabuti ang edukasyon, pagsasaka at kalakalan (3 bata ang magsasabi) Ako,Ikaw, Tayo sa Kilusang Propaganda ating pag-ibayuhin Upang bansa natin ay umunlad. Lahat: Ako, Ikaw,Tayong lahat maipahayag ang kalayaan at karapatan ng bawat Pilipino. Ang Kilusang Propaganda ang nagbunsod sa ating mga Plipino upang matamo ang pantay-pantay na pakikitungo sa kapwa natin Pilipino.
Debate, na gagawin lamang sa Loob ng Limang Minuto: Mga Paghahandang Dapat Gawin sa Loob ng Limang Minuto. 1. Maghanda para sa isang Debate 2. Ipakita sa klase ang mga sumusunod na Gawain: Talakayin kung makatarungan o hindi ang hinihinging mga pagbabago ng mga Pilipino sa panahong ito. • Mga batang gaganap bilang mga Espanyol. 3. Maaaring gumamit ng props na makikita sa loob ng silid-aralan upang mapaganda ang debate. 4. Lahat ng kasapi sa debate ay makikilahok upang maayos at mahusay na maisagawa ang hinihingi ng paksa.
Group Discussion 1. Pag-usapan ang mga obserbasyong isinagawa ng bawat pangkat. 2. Ang bawat kasapi ng pangkat ay dapat maka- pagsabi ng kani-kaniyang obserbasyon. 3. Bigyan ng lider ng kani- kaniyang bilang ang bawat kasapi sa bawat presentasyon na gagawan ng obserbasyon. 4. Isulat ang mga obserbasyon sa “show- me-board”.
18
(1 Magsasalita) Mabuhay ang Kilusang Propaganda! Mabuhay ang Pilipino! (Lahat) Mabuhay!!!
Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM at talakayin ang sagot. Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa LM.
19
Aralin 8 Mga Reaksyon sa Kolonyalismo
Takdang Panahon: 2-3 araw
Layunin
1. Nasusuri ang mga naunang pag—aalsa ng mga makabayang Pilipino
Natatalakay ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksyon ng mga
Pilipino sa kolonyalismo (halimbawa : pagtutol ng mga katutubong Pilipino laban sa
Kristyanismo , pagmamalabis ng mga Espanyol)
Paksang Aralin
Paksa : Mga Reaksyon sa Kolonyalismo
Kagamitan : larawan ng mga bayani, tsart, talambuhay, manila paper, panulat
Sanggunian : Learner’s Material p. ________
Kto 12 – AP5PKB IVe-3
Ang Lahing 110-111
Pilipinas Kong Hirang 5 p. 140-146
Pamamaraan
A. Panimula
1. Ipanuod sa mga bata ang isang video clip tungkol sa mga unang pag-aalsa.
2. Iproseso ang gawain sa pamamagitan ng pagtanong sa mga sumusunod:
a. Sino-sino ang mga unang Pilipino na nag-alsa laban sa mga Espanyol?
b. Anu-ano ang mga dahlan ng pag-aalsa ng mga Pilipino?
c. Magbigay ng mga lugar kung saan naganap ang ilang pag-aalsa laban sa
mga Espanyol.
B. Paglinang
1. Bigay ang opinyon mo tungkol sa salitang nakalahad. Hayaan ang bata ang
sumulat ng kanilang sagot.
2.
3.
Pag-aalsa
20
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang LM, pp. _________
3. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo
4. Bigyan ang bawat grupo ng manila paper.
5. Pangkatin ang mga nag-alsang Pilipino ayon sa kanilang dahilan at ibigay ang
naging bunga nito.
Dahilan Mga Namuno Resulta
Labis na Tributo o
Buwis
Paggawa
Relihiyon
6. Ipabasa sa klase ang rubric ng pangkatang gawain upang mapanatili ang
kaayusan sa klase.
7. Ipaulat ang mga gawa sa bawat pangkat ang kanilang output.
8. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin Mo, p. _________ ng LM.
Gawain A
Ipasagot sa bawat mag-aaral ang Gawain.
Ipasulat ang mga sagot sa sagutang papel.
Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral sa pagsagot sa gawain.
Ipawasto ang mga kasagutan.
Gawain B
Ipasagot sa bawat mag-aaral ang Gawain.
Ipasulat ang mga sagot sa notbuk
Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral sa pagsagot sa gawain.
Ipawasto ang mga kasagutan.
Gawain C
21
Ipasagot ang tanong sa mga mag-aaral.
Ipasulat ang sagot sa sagutang papel.
Ipaulat sa klase ang mga sagot.
Tanggapin lahat ng sagot.
9. igyan diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, p. _______ ng LM.
Pagtataya
Ipasagot sa papel ang Natutuhan Ko, p. _______ ng LM.
Takdang Gawain
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang iyong pananampalataya
sa iyong relihiyon? Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.
Susi ng Pagwawasto
Gawain A
1. ____D____
____B____
2. ____D____
____B____
3. ____D____
____B____
4. ____D____
____B____
5. ____D___
____B___
Gawain B
1. Gabriela Silang
2. Hermano Pule
3. Francisco Dagohoy
4. Tamblot
5. Tapar
Gawain C
Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga mag-aaral.
Natutuhan Ko
1. D
2. B
3. D
4. B
5. A
22
Aralin 9 Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan
Takdang Panahon: 1 araw
Layunin
1. Naipapaliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa
pagpapanatili ng kanilang kalayaan
Paksang Aralin
Paksa : Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan
Kagamitan : larawan ng mga muslim, tsart, manila paper, panulat
Sanggunian : Learner’s Material p. ________
Kto 12 – AP5PKB IVe-3
Pilipinas Kong Hirang p. 147-148
Pamamaraan
A. Panimula
1. Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng
mga sinaunang Muslim.
2. Iproseso ang Gawain saa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:
a. Anu-ano ang mga katangian ng mga Muslim?
b. Saan lugar sila sa Pilipinas matatagpuan?
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM, p. _____.
Itanong: Ano ang pamahalaang sultanato?
Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa pagsupil sa mga Pilipinong Muslim?
2. Pakinggan ang mga sagot ng mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng kanilang sagot.
3. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtatalakay sa mga katangian ng sultanato at
mga pananaw ng mga katutubong Muslim.
4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM, p. ____.
5. Ipagawa ang mga Gawain.
Gawain A
Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina _____
Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk.
23
Gawain B
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.
Pasagutan ang tanong na nakalaan sa bawat grupo.
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat sa paggawa.
Ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang output.
Gawain C
Ipasagot sa bawat mag-aaral ang gawain
Ipasulat ang sagot sa notbuk.
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat sa paggawa.
Ipawasto ang mga kasagutan.
6. Bigyan diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, p. _______ng LM.
Pagtataya
Ipasagot sa papel ang Natutuhan Ko, p. _______ ng LM.
Susi sa Pagwawasto
Gawain A
1. / 2. / 3. / 4. × 5. /
Gawain C
1. C 2. D 3. B 4. E 5. A
Natutuhan Ko
1. A 2. B 3. A 4. D 5. D
24
Mga Pagbabago sa Kolonya at Pag – usbong ng Pakikibaka ng Bayan (Ika-18 dantaon
hanggang 1815)
ARALIN 4 Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag - aalsa
Takdang Panahon: 5 araw
Layunin
1. Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan)
sa pakikibaka ng bayan.
Paksang Aralin
Paksa : Partisipasyon
Kagamitan : mga larawan, chart, video clips
Sanggunian : Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal 5
Lazelle Rose Pelingo at Ela Rose Sablaon (Mga May Akda)
pp. 66 – 71, pp. 110 – 125
Isang Bansa, Isang Lahi
Evelina M. Viloria, Ed. D.
Maria Annalyn P. Gabuat
Mary Christine F. Quizol
Chona P. Reig
pp. 194 – 207
Curriculum Guide – AP5PKB-IVf-4
internet websites / internet links
o https://www.translate.com/english/francisco-dagohoy-ay-humantong-ang-
pinakamahabang-pag-aalsa-laban-sa-mga-espanyol-sa-pilipinas-sa-
ka/34326438
o http://elearning.nhcp.gov.ph/pinaglabanan-shrine/ang-kababaihan-sa-
himagsikan/
Pamamaraan
A. Panimula
1. Balitaan – pag-usapan ang mga kkasalukuyang pangyayari sa paligid sa
pamamagitan ng isang pag-uulat
2. Magpakita ng video clip/s mula sa youtube na nagpapakita ng pag-aalsa ng
mga Pilipino noong unang panahon na dumating ang mga Espanyol sa bansa
noong panahon ng Sultanato.
3. Itanong ang mga sumusunod na mga katanungan:
a. Sino ang mga unang naghimagsik sa pananakop ng mga kastila?
25
b. Bakit sila tutol sa nais na pamumuno ng mga kastila?
c. Anu-ano kaya marahil ang saloobin ng mga sinaunang mga Pilipino
tungkol sa nais at mithiin ng mga Kastila na pamunuan ang mga Pilipino?
d. Anu-ano ang kanilang mga ginawa upang ipakita at ipahatid ang
kanilang mga saloobin sa mga kastila tungkol sa kanilang pananakop sa
bansa?
e. Kung mayroong hindi ibig ang pananakop ng mga kastila, sinu-sino
naman ang pumayag sa pananakop ng mga Kastila? Bakit?
f. Magbigay ng iyong saloobin ukol dito.
4. Sabihin sa mga mag-aaral na sa loob ng 5 araw ay pag-aaralan ng klase ang
mga iba’t-ibang rehiyon at sector ng kababaihan na nakibaka para sa bayan at
sa isusunod na lingo naman ay tungkol sa kalakalang galyon at mga epekto nito
sa mga Pilipino at sa bansa.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pagsasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina
_____
2. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng
kanilang mga kasagutan.
3. Tanungin ang mga mag-aaral kung sinu-sino ang mga kilala nila na nag-aklas
o namuno sa mga pag-aaklas laban sa mga kastila? Tanungin kung sinu-sino
ang mga kilala nilang mga babae na nag-aklas laban sa mga kastila.
3. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan o video clips ng mga naunang
mga pag-aaklas laban sa mga kastila. Itanong ang mga sumusunod na mga
katanungan:
a. Sinu-sino ang mga nabanggit na mga tauhan na nakibaka para sa
bayan?
b. Sa paanong paraan sila nakibaka laban sa mga kastila?
c. Bakit nila ginawa nga kanilang pakikibaka?
d. Anu-ano ang naging epekto o bunga nga kanilang pakikibaka?
4. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na tukuyin kung anu-ano ang naging
partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor sa pakikibaka laban sa mga
Kastila. Ibigay sa bawat pangkat ang mga sumusunod na gabay na maari nilang
hanapin:
a. Mga kababaihan
b. Mga pangkat o samahan ng relihiyon
c. Mga nagmula sa iba’t ibang rehiyon o lalawigan
4. Pag-uulat ng mga pangkat ayon sa gabay ng guro.
5. Pagtatalakay at pagsusuri sa mga ulat ng bawat pangkat.
6. Paggawa ng bawat pangkat ng Table na naglalaman ng mga sumusunod ayon
sa nakatalagang paksa:
a. tao o pangkat na nakibaka
b. taon o panahon ng pakikibaka
c. mga kasama sa pakikibaka
d. dahilan ng pakikibaka
e. epekto nga pakikibaka
7. Pag-uulat ng bawat pangkat ayon sa gabay ng guro.
26
8. Pagsusuri at pagtalakay sa ulat ng bawat pangkat.
9. Pasagutan sa mga mag-aaral ang tsart upang matukoy kung anu-ano o sinu-
sino ang tinutukoy na kaugnay na salita na nasa gitna ng buong Graphic
Organizer:
A.
B.
Mga kababaihan na nakibaka at
ang kanilang mga ginawa
Mga bahagi ng pangkat ng mga mangagawa na
nakibaka at ang kanilang mga ginawa
27
C.
10. Pag-uulat ng bawat pangkat ayon sa gabay ng guro.
11. Pagsusuri at pagtatalakay ng mga kasagutan.
12. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga gawain sa Gawain
Mo mula sa LM, pp. _____
Gawain A
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa Gawain A
kapag natapos na ang aralin tungkol sa panimula ng pakikibaka ng
iba’t ibang rehiyon at sector sa bansa.
Gawain B
Piliin mula sa kahon ng mga salita na angkop na kasagutan
batay sa pangungusap sa bawat bilang.
Gawain C
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungan.
Gawain D
Unawain ang mga pangungusap. Tukuyin kung ito ay katotohanan
o hindi
Mga pakikibaka sanhi ng relihiyon
at ang kanilang mga ginawa
28
13. Talakayin kasama ng mga mag-aaral ang mga naging bunga o kinahitnan ng
mga pakikibaka na binigyang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa
bansa laban sa mga kastila.
14. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, pp. ___ ng LM.
Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko sa pp. ___ ng LM.
Takdang Aralin
Sumulat ng limang kahalagahan na naidulot ng pakikibaka ng iba’t ibang rehiyon at
sector laban sa mga kastila.
Pangwakas na Gawain
Punan ng tamang kasagutan ang tsart na nasa ibaba.
DAHILAN NAMUNO LUGAR
Labis na Tributo o Buwis
1.
2.
3.
Paggawa
4.
5.
6.
Relihiyon
7.
8.
9.
RUBRICS
Pangtalakayan
Pamantayan 1 2 3 Puntos
Sarili Klase
Kaayusan Magulo Minsan maayos, minsan magulo
Naging maayos mula simula hanggang matapos
Ingay Maingay ang lahat ng kasapi
May ilang kasapi na maingay
Maayos na nagsalita ang lahat ng kasapi
Resulta Walang naibabahagi
Kaunti l;amang ang naibabahagi
Maraming naibahagi sa klase
Kabuuang Puntos
29
Pagsasalita sa Klase
Pamantayan 1 2 3 Puntos
Sarili Klase
Boses Mahina Katamtaman Malakas
Pagsasagot at Pagpapaliwanag
Maikli at hindi wasto
Maikli ngunit wasto
Mahusay at maraming paliwanag
Pagtayo Hindi maayos Maayos paminsan-minsan
Nananatiling maayos
Pakikiugnay Nakayuko Sa guro lamang tumitingin
Tumitingin sa guro
Kabuuang Puntos
30
Mga Pagbabago sa Kolonya at Pag – usbong ng Pakikibaka ng Bayan (Ika-18 dantaon
hanggang 1815)
ARALIN 4 Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag - aalsa
Takdang Panahon: 5 araw
Layunin
1. Natatalakay ang kalakalang galyon at ang epekto nito sa bansa.
Paksang Aralin
Paksa : Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa
Kagamitan : mga larawan, chart, video clips, manila paper, tiled print-outs
Sanggunian : Banghay Aralin sa MAKABAYAN 5, Hekasi V Pokus: Kasayasayan 2003 Edition
Huminada B. Balbuena
pp. 44 – 46
Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal
Lazelle Rose Plingo at Ela Rose Sablaon
pp. 32 – 36
Isang Bansa, Isang Lahi
Evelina M. Viloria, Ed. D.
Maria Annalyn P. Gabuat
Mary Christine F. Quizol
Chona P. Reig
pp.160 – 167
Curriculum Guide – AP5PKB-IVh-6
Pamamaraan
A. Panimula
1. Balitaan – pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa
pamamagitan ng isang pag-uulat
2. Magpakita ng mga larawan ng mga Pilipinong hindi nalipat ng tirahan noong
unang panahon. Hayaang tukuyin ng mga mag-aaral kung anu-ano ang kanilang
mga napansin o napapansin sa mga larawang Pilipinas.
3. Balik aral – Magpakita ng larawan ng daungan ng Maynila. Ipaliwanag na dati
ay hindi pa ito nabubuksan. Talakayain sa mga mag-aaral kung anu-ano ang
mga maaring naging epekto ng pagbubukas ng daungan ng Maynila sa
kalakalan ng bansa.
31
4. Pagpapakita ng larawan tungkol sa aralin tulad ng sistema ng sinaunang
kalakalan sa bansa (barter), merkantilismo, daungan ng Maynila, galyon, iba’t
ibang uri ng halaman na dala ng kalakalang galyon
5. Sabihin sa mga mag-aaral na sa loob ng 5 araw ay pag-aaralan ng klase ang
kalakalang galyon at mga epekto nito sa mga Pilipino at sa bansa at sa susunod
na lingo naman ay ang pagkakawatak-watak at pagkakaisa ng mga Pilipino sa
mga mahahalagang pangyayari at ang mga epekto nito sa naunang mga pag-
aalsa ng mga Pilipino.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pagsasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina
_____
2. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng
kanilang mga kasagutan.
3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang ga sumusunod na mga katanungan:
a. Nakinabang ba ang mga katutubo sa kalakalang galyon? Sa paanong
paraan kaya?
b. Bakit napabayaan ng mga pinunong –bayan ang pagpapaunlad sa
agrikultura at industriya ng bansa?
c. Anu-ano ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa mga Pilipino
lalo’t higit sa kanilang pamumuhay?
4. Ipabasa at talakayin sa klase kung anu-ano ang dahilan kung bakit hindi
napaunlad ang mga lupang sakahan ng mga Pilipino noong panahon ng
pananakop ng mga espanyol.
5. Talakayin ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa buhay ng mga
Pilipino. Pangkatin ang mga mag-aaral upang mapag-usapan nila ang mga
naging epekto ng kalakalang galyon sa mga Pilipino at hayaang iulat ng bawat
pangkat ang kanilang napag-usapan. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng
nakatalagang kanilang pag-uusapan sa pangkat:
a. agrikultura (pananim)
b. kalikasan
c. industriya
d. pamilya
e. pakikipagkalakalan
6. Pag—uulat sa gabay ng guro.
7. Pagsusuri at pagtatalakay sa mga iniulat ng bawat pangkat.
8. Hayaang tukuyin at pangkatin ng mga mag-aaral kung alin sa kanilang mga
nabanggit ang mabubuti at hindi mabuting epekto ng kalakalang galyon sa mga
Pilipino.
9. Pag-uulat sa gabay ng guro
Pagsusuri at pagtatalakay sa mga iniulat ng bawat pangkat.
10. Ayon sa mga napag-usapan, pabunutin ng salita na nakasulat sa mga papel
na tiniklop ang bawat pinuno ng pangkat. Ang kanilang nabunot ay gagawan nila
ng isang role play batay sa kung anu-ano ang mga naging epekto ng kalakalang
galyon sa Pilipinas gayundin sa mga Pilipino.
11. Pagsasadula ng bawat pangkat sa bagay ng guro.
32
12. Matapos ang pagpapakita ng dula ng bawat pangkat, itanong sa mga mag-
aaral kung ano ang kanilang saloobin dito.
13. Ipagawa ang mga Gawain sa Gawin Mo, pp. ____
Gawain A
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa Gawain A
kapag natapos na ang aralin tungkol sa panimula ng kalakalang
galyon.
Gawain B
o Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagpapangkat at hayaang
pag-usapan ng pangkat ang mga epekto ng kalakalang
galyon sa bansa.
o Bigyan ng panahon na makapag-isip at makapaghanda
ang bawat pangkat para sa kanilang pag-uulat.
Gawain C
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungan.
Gawain D
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungan.
13. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, pp. ___ ng LM.
Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko sa pp. ___ ng LM.
Takdang Aralin
Bumuo ng isang maikling awit / rap / jingle na naglalaman ng aralin.
Pangwakas na Gawain
Punan ang tsart na nasa ibaba kung anu-ano ang mga mabubuti at hindi mabuting
naidulot ng Kalakalang Galyon sa mga Pilipino at sa bansa.
MABUTI DI MABUTI
.
33
RUBRICS
Pangtalakayan
Pamantayan 1 2 3 Puntos
Sarili Klase
Kaayusan Magulo Minsan maayos, minsan magulo
Naging maayos mula simula hanggang matapos
Ingay Maingay ang lahat ng kasapi
May ilang kasapi na maingay
Maayos na nagsalita ang lahat ng kasapi
Resulta Walang naibabahagi
Kaunti l;amang ang naibabahagi
Maraming naibahagi sa klase
Kabuuang Puntos
Pagsasalita sa Klase
Pamantayan 1 2 3 Puntos
Sarili Klase
Boses Mahina Katamtaman Malakas
Pagsasagot at Pagpapaliwanag
Maikli at hindi wasto
Maikli ngunit wasto
Mahusay at maraming paliwanag
Pagtayo Hindi maayos Maayos paminsan-minsan
Nananatiling maayos
Pakikiugnay Nakayuko Sa guro lamang tumitingin
Tumitingin sa guro
Kabuuang Puntos
Malikhaing Pagtatanghal ng Dula o Role Play
Pamantayan 1 2 3 Puntos
Sarili Klase
Kahandaan Maraming nagkamali
May ilang hindi handa o nagkamali
Napakaayos at walang pagkakamali
Impact o dating sa klase
Mahina lamang ang palakpak
Katamtaman ang palakpak
Malakas ang palakpak
Angkop sa pinag-aralan o
topic
Walang kaugnayan sa pinag-aralan ang ipinakita
Ilang bahagi lamang ng pinag-aralan ang ipinakita
Lahat ng napag-aralan ay makikita sa dula / role play
Kabuuang Puntos
34
Mga Pagbabago sa Kolonya at Pag – usbong ng Pakikibaka ng Bayan (Ika-18 dantaon
hanggang 1815)
ARALIN 4 Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag - aalsa
Layunin
1. Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa mga
mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa
kolonyalismong Espanyol.
Paksang Aralin
Paksa : Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa
Kagamitan : mga larawan, chart, video clips, tiled print-outs, ppt. presentation, speaker
Sanggunian : Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal 5
Lazelle Rose Pelingo at Ela Rose Sablaon (Mga May Akda)
pp. 110 – 125
Isang Bansa, Isang Lahi
Evelina M. Viloria, Ed. D.
Maria Annalyn P. Gabuat
Mary Christine F. Quizol
Chona P. Reig
194 – 207
Curriculum Guide – AP5PKB-IVg-5
Internet : www.youtube.com
Pamamaraan
A. Panimula
1. Balitaan – pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari sa paligid sa
pamamagitan ng isang pag-uulat.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral at hayaan ang bawat pangkat na gumawa ng
isang maikling awit o rap o jingle na may kaugnayan sa nakaraang pinag-aralan.
3. Pagpapamalas ng awit/rap/jingle ng bawat pangkat sa gabay ng guro.
4. Magpakita ng 2 video clip kung saan ay sa isa ay nagtagumpay ang
paghihimagsik o ng pakikibaka laban sa mga kastila at sa isa naman ay hindi
nagtagumpay ang naging paghihimagsik. Itanong ang mga sumusunod:
a. Ano ang dahilan ng kanilang pakikibaka?
b. Laban kanino ang kanilang pakikibaka?
c. Batay sa iyong napanood, nagtagumpay ba sila sa kanilang
pakikibaka? Bakit?
35
d. Maliban sa iyong napanood, anu-ano pa kaya ang iba pang mga
maaring maging dahilan kung bakit ang pakikibaka ay hindi
nagtatagumpay?
5. Sabihin sa mga mag-aaral na sa loob ng 5 araw ay pag-aaralan ng klase ang
mga pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa mga mahahalagang
pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa
kolonyalismong Espanyol.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pagsasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina
_____
2. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng
kanilang mga kasagutan.
3. Bigyan ng meta cards ang bawat nabuong pangkat at hayaang paghiwalayin
nila ang mga pag-aaklas kung ito at nagtagumpay o kaya naman ay kung hindi
ito nagtagumpay.
Mga nilalaman ng Meta cards:
o Lakandula
o Sumuroy
o Katipunan
o Propaganda
o Tamblot
o Dagohoy
o Hermano Pule
o Diego at Gabriela silang
o Reporma
3. Pag-uulat ng bawat pangkat ayon sa gabay ng guro.
4. Pagtatalakay at pagsusuri sa ulat ng bawat pangkat.
5. Pagpapakita ng video clip/s tungkol king Diego Silang at Gabriela Silang
6. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na makabuo ng isang maikling dula
na nagpapakita kung papaano nagsimula ang pag-aaklas at kung ano ang
naging kinahinatnan ng pag-aaklas at kung anu-ano ang mga naging dahilan
kung bakit hindi ito naging matagumpay o hindi.
7. Pagsasadula ng mga pangkat ayon sa gabay ng guro.
8. Pagtatalakay at pagsusuri sa mga dula ng bawat pangkat.
9. Pasagutan sa mga mag-aaral o sa bawat pangkat ang mga sumusunod na
graphic organizer upang matukoy kung anu-ano ang mga mabuti at hindi
mabuting pangyayari na naging dahilan upang maging matagumpay o hindi
ang kanilang pag-aaklas.
36
37
38
12. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga gawain sa Gawain
Mo mula sa LM, pp. _____
Gawain A
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa Gawain A
kapag natapos na ang ang unang aralin.
Gawain B
Piliin ang titik ng tamang kasagutan.
.
Gawain C
Tukuyin kung ang mga sumusunod na mga pangungusap ay
Sanhi o Bunga.
Gawain D
Mula sa mga posibleng kasagutan sa kahon, tukuyin kung alin
ang tinutukoy sa bawat pangungusap.
13. Talakayin kasama ng mga mag-aaral kung anu-ano ang mga kadahilan
upang maging matagumpay ang mga naganap na pag-aaklas o rebolusyon
gayundin ang mga dahilan kung bakit karamihan sa mga ito ay hindi naging
matagumpay.
14. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, pp. ___ ng LM.
Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko sa pp. ___ ng LM.
Takdang Aralin
Sumulat ng limang kahalagahan na naidulot ng pakikibaka ng iba’t ibang rehiyon at
sector laban sa mga kastila.
Pangwakas na Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral. Hayaang talakayin ng bawat pangkat kung ano ang
naging dahilan ng pagkabigo ng mga relbolusyon o pakikibaka para sa bayan at kung ano dapat
ang ginawa ng mga Pilipino noong unang panahon upang naiwasan sana ang mga pangyayari.
39
RUBRICS
Pangtalakayan
Pamantayan 1 2 3 Puntos
Sarili Klase
Kaayusan Magulo Minsan maayos, minsan magulo
Naging maayos mula simula hanggang matapos
Ingay Maingay ang lahat ng kasapi
May ilang kasapi na maingay
Maayos na nagsalita ang lahat ng kasapi
Resulta Walang naibabahagi
Kaunti l;amang ang naibabahagi
Maraming naibahagi sa klase
Kabuuang Puntos
Pagsasalita sa Klase
Pamantayan 1 2 3 Puntos
Sarili Klase
Boses Mahina Katamtaman Malakas
Pagsasagot at Pagpapaliwanag
Maikli at hindi wasto
Maikli ngunit wasto
Mahusay at maraming paliwanag
Pagtayo Hindi maayos Maayos paminsan-minsan
Nananatiling maayos
Pakikiugnay Nakayuko Sa guro lamang tumitingin
Tumitingin sa guro
Kabuuang Puntos
Malikhaing Pagtatanghal ng Dula o Role Play
Pamantayan 1 2 3 Puntos
Sarili Klase
Kahandaan Maraming nagkamali
May ilang hindi handa o nagkamali
Napakaayos at walang pagkakamali
Impact o dating sa klase
Mahina lamang ang palakpak
Katamtaman ang palakpak
Malakas ang palakpak
Angkop sa pinag-aralan o
topic
Walang kaugnayan sa pinag-aralan ang ipinakita
Ilang bahagi lamang ng pinag-aralan ang ipinakita
Lahat ng napag-aralan ay makikita sa dula / role play
Kabuuang Puntos
40
ARALIN 7. Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa
Takdang Araw: 5 araw
Layunin
1. Nakapagbibigay-katwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga
makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan na tinatamasa ng mga mamamayan
sa kasalukuyang panahon.
2. Nakabubuo ng kamalayan ukol sa mga pangyayaring naganap bago nakamit ang
kasarinlan.
Paksang Aralin
Paksa: Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa
Kagamitan: powerpoint presentation, video clip,
Sanggunian: K to 12 – AP5PKB-IVi-7
Pilipinas Kong Hirang 5, Eleanor D. Antonio et. al., ph. 140-141,146-147
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magpakita ng larawan. Ipalarawan ito sa mga bata.
2. Itanong:
Ano kaya ang naging dahilan ng pag-aaalsa ng mga sinaunang Pilipino?
Ano kaya ang sitwasyon natin ngaun kung hindi nagkaroon ng mga pag-aalsa?
41
Sa palagay ninyo, ano kaya ang naidulot ng hindi mabilang na pag-aalsa ng mga
sinaunang Pilipino?
2. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata.
3. Iugnay ang mga ito sa aralin.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo, LM, pahina ___
2. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ang sagot ng mag-
aaral.
3. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
4. Talakayin ang paksa.
5. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
Ipabigay ang mga tanong sa Gawain A.
Talakayin ang sagot ng mga bata.
Ipagawa ang Gawain B, p. _____. Ipasulat ang sagot sa notbuk.
Ipangkat ang klase at ipagawa ang Gawain C.
6. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____
Pagtataya
Ipagawa ang Natutuhan Ko, ph. ___ ng LM
Takdang Aralin
Gumawa ng likhang sining na maaring magpakita ng iyong pagpapahalaga sa kasarinlan na
tinatamasa ng ating bansa.
Susi ng Pagwawasto
Gawain A
1. Pang-aabuso ng mga opisyal na Espanyol
2. Pangkawala ng kalayaan
3. Sapilitang paggawa
4. Pangangamkam ng lupa
5. Pagpapataw ng mataas ng buwis.
42
Gawain B
Dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa
a. pagkakawatak-watak ng mga Pilipino
b. kakulangan sa pinunong may kaalaman sa pakikidigma
c. kakulangan sa armas
d. kawalan ng plano at pagsanib ng ilan Pilipino sa mga Espanyol.
Gawain C
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Poster
Pamantayan Pinakamahusay 4-5
Mahusay-husay 2-3
Mahusay 0-1
Kawastuhan ng Diwang nais Ipahayag
Malinaw ang mensaheng nais iparating.
Hindi gaanong malinaw ang mensahe.
Malabo ang mensahe.
Malikhaing Pagbubuo at Paggamit ng mga Materyales
Epektibo ang mga materyales, nakadagdag sa ikahuhusay ng pagtatanghal.
Hindi gaanong epektibo
Walang bisa ang materyales.
Nilalaman Malawak ang kaalamang ibinahagi
Hindi gaanong malawak ang kaalamang ibinahagi.
Walang bagong kaalaman na ibinahagi.
Natutuhan Ko
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama
43
ARALIN 9 Ang Kahalagahan ng Pagganap ng Sariling Tungkulin sa Pagbuo
ng Nasyon
Takdang Araw: 5 araw
Layunin
Naipapahayag ang saloobin sa kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong
ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon
Paksang Aralin
Paksa: Ang Kahalagahan ng Pagganap ng Sariling Tungkulin sa Pagbuo ng Nasyon
Kagamitan: powerpoint presentation, manila paper, pentel pen
Sanggunian: K to 12 – AP5PKB-IVj-8
Araling Panlipunan 4, Teacher’s Guide
https://link.quipper.com/en/classes/573ae1223c4bee1eef0002f5/courses
https://www.google.com
Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.
2. Ipabasa nang malakas ang tula. Bigyang-konteksto ito.
Magpakita ng mga larawan sa klase.
Nagkalat na kabataan sa ilalim ng tulay
Masasaya at malulusog na kabataan
Naggagandahang tulay at parke
Nag-aaral na mga kabataan, magandang pasilidad ng paaralan
Nakalbong kalikasan
Nakangiting mga pahinante o manggagawa
Mayabong na kalikasan
Payapang komunidad
3. Tanungin ang mga mag-aaral kung ang larawan ay nagpapakita ng kaunlaran o hindi.
Tanungin din kung bakit nila ito nasabi.
4. Itanong: Paano makatutulong sa pagsulong at pag-unlad ng bayan ang sarili mong
pagpapaunlad ng mga ito?
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM p. _____.
Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral.
2. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
3. Talakayin ang paksa.
44
4. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
Ipasagot ang mga tanong sa Gawain A.
Talakayin ang sagot ng mga bata.
Ipagawa ang Gawain B, p. _____.
Ipagawa ang Gawain C, p._____. Talakayin at iwasto ang mga sagot ng bata.
5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____.
Pagtataya
Ipasagot ang Natutuhan Ko, ph. _______
top related