alamat ni daragang magayon pagsusuri

6
Tema Mga Tauhan Tagpuan Banghay Pagsusuring Pangkultural Mensahe Teorya -Ang Alamat ng Daragang Magayon ay isang trahedya. -Patungkol ito sa wagas na pag- iibigan, pagkainggi t, pagkagalit , at pagkapoot. Datu Makusog Isang mapagmahal na ama sa kanyang nag-iisang anak. Handa niyang ibigay ang lahat sa kanyang dalaga para sa ikaliligaya nito. Pinapahalagahan at iginagalang niya ang mga nagiging desisyon ng kanyang anak. Daragang Magayon Kaisa-isang anak ni Datu Makusog. Walang makapapantay sa taglay nitong kagandahan at kabaitan. Pihikan siya sa pagpili ng kanyang magiging kasintahan. Handa niyang isuko at isakripisyo ang kanyang mga kaligayahan mailigtas niya lamang ang kanyang ama sa kapahamakan. Ulap/Panganoron Magiting ngunit tahimik na mandirigma. Naglakbay magmula sa katagalugan masilayan lamang ang kagandahan ni Daragang Magayon. Handa niyang ipaglaban ang kanyang iniibig huwag lamang Naganap ang alamat na ito sa isang maliit na bayan ng Rawis Simula Sa isang payapang rehiyon ng Ibalong, sa isang maliit na bayan ng Rawis na pinamumunuan ni Datu Makusog at ng kanyang asawa na si Dawani na nagdadalang tao, sa kanyang pangnganganak ay namatay ito. Pinangalanan ng ama ang sanggol, Daragang Magayon. Pagpaigting na Galaw Dahil sa kagandahan ni Daragang Magayon, maraming kalalakihan ang ninais Makita ang dalaga upang ibaon ang kani-kanilang sibat sa lupa kung saan nakatayo ang balay nina Datu Makusog ngunit ni isa man sa kanila ay ‘di naibigan ng dalaga. Kahit ang magiting ngunit mapagmataas na si Pagtuga/Paratuga na naghandog pa ng ginto, perlas, at iba pang kayamanan. Isa lamang ang naibigan ng dalaga, si Ulap na nagligtas sa kanya nang siya ay madulas sa batuhan. Kanilang itinago ang kanilang relasyon, kinalaunan ay naglakas ng loo bang binatang harapin ang ama ni Magayon upang ipagtapat na sila ay tunay na nagmamahalan at kagustuhang pakasalan ang Ang “Ang Alamat ng Daragang Magayon” ay nagmula sa Bicol. Tungkol ito sa pinagmulan ng Bulkang Mayon na isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas na nagbibigay na malaking turismo sa ating bansa. Dahil dito ay nakatutulong ito sa pag- unlad ng ating bansa gayundin sa pag-unlad ng Panitikang Filipino. “Ang Wagas na Pagmamahalan ay Hindi Mahahadlangan ninuman Teoryang Romantisismo Nangngingibab aw ang Teoryang ito dahil sa pagmamahalan ng mga tauhan sa alamat sa kanilang pamilya, at kasintahan. Nangngingibab aw ang wagas na pag- iibigan nina Ulap at Magayon na kahit mayroong humadlang ay hindi sila sumuko namatay man silang dalawa ay nanatiling magkasama sa kani-kanilang piling. Nangngibabaw rin ang labis

Upload: lj-flores

Post on 19-Jun-2015

9.889 views

Category:

Education


23 download

DESCRIPTION

Alamat ni daragang magayon pagsusuri ito ay orihinal kung pagsusuri :) namay paghahambing sa isa pang akdang pang ibang bansa partikular sa hawaii..

TRANSCRIPT

Page 1: Alamat ni daragang magayon pagsusuri

Tema Mga Tauhan Tagpuan Banghay Pagsusuring Pangkultural

Mensahe Teorya

-Ang Alamat ng Daragang Magayon ay isang trahedya.

-Patungkol ito sa wagas napag-iibigan, pagkainggit, pagkagalit, at pagkapoot.

Datu MakusogIsang mapagmahal na ama sa

kanyang nag-iisang anak.Handa niyang ibigay ang lahat sa kanyang dalaga para sa ikaliligaya

nito.Pinapahalagahan at iginagalang niya ang mga nagiging desisyon

ng kanyang anak.

Daragang MagayonKaisa-isang anak ni Datu

Makusog.Walang makapapantay sa taglay nitong kagandahan at kabaitan.

Pihikan siya sa pagpili ng kanyang magiging kasintahan.

Handa niyang isuko at isakripisyo ang kanyang mga kaligayahan

mailigtas niya lamang ang kanyang ama sa kapahamakan.

Ulap/PanganoronMagiting ngunit tahimik na

mandirigma.Naglakbay magmula sa

katagalugan masilayan lamang ang kagandahan ni Daragang

Magayon.Handa niyang ipaglaban ang

kanyang iniibig huwag lamang ito mawala sa kanyang piling.

Pagtuga/ParatugaIsang magiting ngunit

mapagmataas na Datu ng IragaInaakala niyang ang kayamanan

ang batayan ng pagmamahal upang makuha niya ang loob ni

Daragang Magayon.Hindi siya marunong tumanggap

Naganap ang alamat na ito sa isang maliit na

bayan ng Rawis

SimulaSa isang payapang rehiyon ng

Ibalong, sa isang maliit na bayan ng Rawis na pinamumunuan ni Datu

Makusog at ng kanyang asawa na si Dawani na nagdadalang tao, sa

kanyang pangnganganak ay namatay ito. Pinangalanan ng ama ang sanggol, Daragang Magayon.

Pagpaigting na GalawDahil sa kagandahan ni Daragang

Magayon, maraming kalalakihan ang ninais Makita ang dalaga upang ibaon ang kani-kanilang sibat sa lupa kung saan nakatayo ang balay nina Datu Makusog ngunit ni isa man sa kanila ay ‘di naibigan ng dalaga. Kahit ang magiting ngunit mapagmataas na si Pagtuga/Paratuga na naghandog pa

ng ginto, perlas, at iba pang kayamanan. Isa lamang ang naibigan

ng dalaga, si Ulap na nagligtas sa kanya nang siya ay madulas sa batuhan. Kanilang itinago ang

kanilang relasyon, kinalaunan ay naglakas ng loo bang binatang

harapin ang ama ni Magayon upang ipagtapat na sila ay tunay na

nagmamahalan at kagustuhang pakasalan ang dalaga. Hindi na

tumanggi pa ang ama ni Magayon dahil nakikita naman nito na masaya

ang kanyang anak.Suliranin/Krisis

Nakarating agad ang balita kay Paratuga/Pagtuga na naghudyat

upang siya mamula sag alit. Habang nangngangaso si Datu Makusog ay

dinakip niya ito. Nagpadala ng

Ang “Ang Alamat ng Daragang Magayon” ay

nagmula sa Bicol. Tungkol ito sa pinagmulan ng

Bulkang Mayon na isa sa

pinakamagandang tanawin sa Pilipinas na

nagbibigay na malaking turismo sa ating bansa.

Dahil dito ay nakatutulong ito sa pag-unlad ng

ating bansa gayundin sa pag-

unlad ng Panitikang Filipino.

“Ang Wagas na

Pagmamahalan ay Hindi

Mahahadlangan ninuman ”

Teoryang RomantisismoNangngingibabaw ang Teoryang

ito dahil sa pagmamahalan ng mga tauhan sa alamat sa

kanilang pamilya, at kasintahan.

Nangngingibabaw ang wagas na pag-iibigan nina

Ulap at Magayon na

kahit mayroong humadlang ay

hindi sila sumuko

namatay man silang dalawa ay nanatiling

magkasama sa kani-kanilang

piling.

Nangngibabaw rin ang labis na pagmamahal ni Daragang Magayon sa kanyang amang si Datu Makusog.

Page 2: Alamat ni daragang magayon pagsusuri

ng pagkabigo at pagkatalo. mensahe si Paratuga/Pagtuga kay Magayon na kanyang papatayin ang

ama nito kung hindi siya magpapakasal dito.

KasukdulanWalang nagawa si Magayon kaya

kahit labag ito sa kanyang kalooban ay tinanggap niya ang kagustuhan ni Paratuga/Pagtuga kaya agad inihanda

ang kasalan ng dalawa at nang nalaman ni Ulap ay agad siyang

bumalik sa Rawis kasama ang mga magigiting na mandirigma. Sa halip na kasalan ang ipinagdiriwang ay

isang madugong digmaan ang naganap na sanhi ng pagkamatay ni

Paratuga/Pagtuga dahil sa duwelo nila ni Ulap. Masayang sasalubungin ni Magayon ang kanyang minamahal

ngunit sa ‘di inaasahan ay natamaan siya ng ligaw na palaso na naging sanhi ng pagkamatay ni Magayon gayundin si Ulap na tinamaan ng

sibat na gawa ng kawal ni Paratuga. Naghukay si Datu Makusog upang ilibing ang anak pati na ang nag-

iisang pag-ibig na si Ulap.Realisasyon/Wakas

Tumaas ng tumaas ang pinaglibingan ng dalawang nag-iibigan at

sinamahan pa ito ng pagyanig ng lupa at pagtilapon ng mga

nagbabangaang mga bato. At pinaniniwaalan ng mga matatanda na

kapag ganito ang nagyayari ay ginagalit daw ni Paratuga/Pagtuga

ang bulkan dahil gusto maibalik ang mga kayamanang kanyang ibinigay sa dalaga. At kapag natatakpan ng

ulap ang tuktok ng bulkan ay naghahalikan sina Ulap at Magayon.

Pagkatapos nito ay marahang dumadampi ang ulan sa libis ng

Page 3: Alamat ni daragang magayon pagsusuri

bulkanat ang pangalan na Magayon ay naging Mayon na sa kasalukuyang

panahon ay tinatawag na Bulkang Mayon.

Tema Mga Tauhan Tagpuan Banghay Pagsusuring Pangkultural

Mensahe Teorya

-Ang Alamat ng bulaklak ng Naupaka ay isang trahedya.

-Patungkol ito sa wagas napag-iibigan, pagkainggit, pagkagalit, at pagkapoot.

Dyosa Pele (Goddess Pele)

Siya ay sinasamba ng mga tao dahil siya ang nagbibigay

ng init o apoy sa kanilang bayan.

Sa kabila nito ay kinakatakutan pa rin siya ng mga tao dahil kapag nagalit

ito ay hindi siya magdadalawang-isip sirain ang lahat- lahat sa kanilang

isla.Hindi siya

mapagkakatiwalaan dahil lahat ng mayroon ang

kanyang kapatid ay gusto niyang agawin.

Hindi marunong tumanggap ng pagkabigo at pagtanggi

sa kanya.

Princesa NaupakaSiya ay isang mapagmahal at

marikit.Gusting-gusto rin siya ng mga tao dahil sa kanyang

kabaitan.Agad siyang nahumaling sa

isang mangingisda ng kanyang makita at agad ding umibig sa isang ordinaryong

tao.

Naganap ito sa isang Isla.

SimulaPanibagong mundo ang

sumalubong sa mga taong naninirahan sa isang isla.

Panibagong mundo dahil hindi na kailanman sumikat ang araw.

Lamig ang kanilang nadarama at pagod na sila kumain ng hilaw na mga pagkain at ang mga bundok ay malaki at kumpol-kumpol ang

mga bato.

Pagpaigting na GalawIsang araw, isang kislap ang

kanilang nakita sa isang madilim na kapaligiran, Dyosa Pele, ang ngalan nito. Sinasamba siya ng

mga tao dahil siya ang nagbigay ng apoy upang magkaroon ng

liwanag, pampainit sa kawawang mga nilalang na matagal nang

nakararanas ng lamig at nakakapagluto na rin sila ng

pagkain. Mayroong kapatid ang Dyosa si Prinsesa Naupaka.

Suliranin/KrisisLaging kinaiinggitan ni Dyosa Pele

ang kanyang kapatid dahil inaakala niyang mas mahal ito ng mga tao kaysa sa kanya na wala

naman katotohanan. Pati na rin sa

Ang “Ang Alamat ng Bulaklak ng

Naupaka” ay isang malaking ambag sa

panitikan ng bansang Hawaii dahil sa

kakaibang katangian ng bulaklak na ito. Bulaklak na may

kalahating talulot na pinaniniwalaan ng mga tagarito na ito

ay mula sa pagmamahalan ng dalawang tao na pinaghiwalay na

nagkatawang bulalak sa tabing dagat at sa bundok. Ang alamat na ito ay pinakakilala

at pinakasikat sa bansa ng Hawaii

“Ang Wagas na

Pagmamahalan ay Hindi

Mahahadlangan ninuman ”

Teoryang Romantisismo

Nangngingibabaw ang Teoryang

ito dahil sa pagmamahalan

ng mga nina Prinsesa Naupaka

at Kaui

Nangngingibabaw ang wagas na pagmamahalan

nina Kaui at Naupaka na

hanggang sa huli ay dala-dala nila

sa pagkakatawang

bulaklak.

Page 4: Alamat ni daragang magayon pagsusuri

Nasawi siya dahil sa kagagawan ni Dyosa Pele.

KauiIsang makisig at masipag na

mangingisda na nagtatrabaho para sa

kanyang mga magulang.Minahal niya rin si Prinsesa

Naupaka.Nasawi ito dahil sa

kagagawan ni Dyosa Pele.

usaping pag-ibig ay tila kinaiingitan ang kapatid dahil

umiibig ang kanyang kapatid sa isang mangingisda na kanyang

nagustuhan din.

KasukdulanNagpasyang puntahan ni Dyosa

Pele ang mangingisdang kinuwento ng kanyang kapatid at nabatid nito na tunay na makisig at kaakit-akit ang mangingisda.

Inalok ng Dyosa na magsama sila habambuhay na agarang tinaggihan ni Kaui dahil

nagmamahalan na sila ni Prinsesa Naupaka na nagbigay hudyat

upang magalit ng tuluyan si Dyosa Pele. Kaya pinaagos niya ang lava pababa ng dagat at agad tumakbo

si Kaui ngunit bigo itong nakaligtas. Iniligtas din ni Prinsesa

Naupaka ang kanyang sarili at nagtago sa tuktok ng bundok dahil

alam niyang walang kakayahan ang kanyang kapatid na

paakyating muli ang lava pabalik ng bundok ngunit mali ang

kanyang pag-aakala. Sa sobrang galit ni Dyosa Pele ay nagawa

niyang pabalikin mula itaas ang umaapaw na apoy kaya nasawi rin si Prinsesa Naupaka sa bundok na

kanyang kinalalagyan.

Realisasyon/WakasDumaan ang ilang araw, mayroong tumubong halaman sa dagat kung

saan dito nasawi si Kaui. Isang makintab na dahon at bulaklak na

Page 5: Alamat ni daragang magayon pagsusuri

kalahati lang ang pagtubo gayundin sa bundok kung saan nasawi si Prinsesa Naupaka na

mayroon rin tumubong halaman ngunit kalahati lamang ang bulaklak nito. Kaya sa isla mayroong dalawang uri ng

halaman, Naupaka Makai na tumutubo sa dalampasigan at

Naupaka Mauka na tumutubo sa Bundok.