ako ang simula (paperpp19)

10
AKO ANG SIMULA ni Jose Angelo V. Gomez Ayon sa CIA World Factbook, sa taong 2009, ang populasyon ng mga tao sa bansa ay umabot na sa 97,976,603 at patuloy pang tumataas. Sinaad sa website na Answers.com na ilan sa mga maaaring kadahilanan ng paglobo ng populasyon ay ang pagbaba ng mga bilang ng namamatay, at ang pagtaas ng bilang ng mga ipinapanganak. Upang masolusyunan ang problema sa mataas na populasyon, ipinakilala ang paggamit ng kontraseptibs sa layon na makokontrol ang huli. Ang kontraseptibs ay binigyang kahulugan ng Ontario Consultants on Religious Tolerance bilang mga kasangkapan na nagdudulot ng pag-iwas sa pagbubuntis na maaaring nasa anyong gamot o bagay. Pinipigilan nito ang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpigil sa ovulation o paglabas ng ovum mula sa ovary, conception o pagsasama ng spermatozoa sa ovum, at ang pagkapit ng zygote sa uterus. Ang kontraseptibs ay nasa iba’t ibang anyo. Ito ay sinadya para sa kapakanan ng mga kalalakihan at kababaihan. Ayon kay Dr. 1

Upload: jose-angelo-villegas-gomez

Post on 19-Nov-2014

175 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Isang sanaysay ukol sa kontraseptibs

TRANSCRIPT

Page 1: Ako Ang Simula (Paperpp19)

AKO ANG SIMULA

ni Jose Angelo V. Gomez

Ayon sa CIA World Factbook, sa taong 2009, ang populasyon ng mga tao sa bansa ay

umabot na sa 97,976,603 at patuloy pang tumataas. Sinaad sa website na Answers.com na ilan sa

mga maaaring kadahilanan ng paglobo ng populasyon ay ang pagbaba ng mga bilang ng

namamatay, at ang pagtaas ng bilang ng mga ipinapanganak. Upang masolusyunan ang problema

sa mataas na populasyon, ipinakilala ang paggamit ng kontraseptibs sa layon na makokontrol ang

huli. Ang kontraseptibs ay binigyang kahulugan ng Ontario Consultants on Religious Tolerance

bilang mga kasangkapan na nagdudulot ng pag-iwas sa pagbubuntis na maaaring nasa anyong

gamot o bagay. Pinipigilan nito ang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpigil sa ovulation o

paglabas ng ovum mula sa ovary, conception o pagsasama ng spermatozoa sa ovum, at ang

pagkapit ng zygote sa uterus.

Ang kontraseptibs ay nasa iba’t ibang anyo. Ito ay sinadya para sa kapakanan ng mga

kalalakihan at kababaihan. Ayon kay Dr. Willke, ang kontraseptibs ay maaaring pansamantala at

permanente. Ang mga pansamantalang kontraseptibs ay nahahati sa mekanikal tulad ng

condoms, diaphragms, at IUD, at kemikal tulad ng spermicidal gel, at mga oral contraceptives

gaya ng pills, adjucin, at iba pang gamot. Ang mga permanenteng uri ng kontraseptibs naman ay

ginagamitan ng operasyon at halimbawa ng mga ito, ayon kay Evan Burgess (2009), ay

vasectomy para sa mga lalaki, at tubal ligation at hysterectomy para sa mga babae. Ang iba pang

paraan ng kontraseptibs ay ang withdrawal o pagtanggal ng ari bago labasan ng similya, at

abstinence o pag-iwas sa pakikipagtalik.

1

Page 2: Ako Ang Simula (Paperpp19)

Sa pagpapakilala at paggamit ng kontraspetibs, maraming suliranin ang lumutang, at iba’t

ibang sektor panlipunan ang nagtaas ng kani-kanilang isyu. Ilan dito ay sa aspetong sosyolihikal,

sa larangan ng medisina at kalusugan, at sa pananampalataya sa Simbahang Katoliko o ang

relihiyon. Gayumpaman, maipapaliwanag ito ng inyong lingkod na naniniwalang mas

makabubuti ang paggamit ng kontraseptibs, ngunit hindi ang pagpapalaglag. Ilalahad dito ang

mga kasagutan sa mga FAQ’s ukol sa kontraseptibs na siya namang maaaring maging gabay sa

mga mambabasa tungo sa inaasam nilang solusyon sa problema ng kahirapan na isa sa mga ugat

ay malaking populasyon. Ang papel na ito ang maaaring magsilbing pamulat-mata sa mga

mambabasang nangagapa pa sa mga usaping kontraseptibs at maging daan sa simula ng

pagbabago.

Ang pagtalakay sa kontraseptibs sa aspetong sosyolohikal ay madali lamang sapagkat ito

ay mahihinuha sa kilos ng tao sa paligid, at maraming pag-aaral ang maaaring sumuporta dito.

Ang pagpaplano sa pamilya o family planning ay nakatuon sa pagdedesisyon ng isang pamilya

kung ilang anak ang nais nila o gaano kalaki ang pagitan ng taon sa gitna ng bawat pagbubuntis

para sa matiwasay nilang pamumuhay. Ito ang isa sa mga paraang isinusulong ng DSWD at ng

iba pang ahensya ng pamahalaan, at ilang mga NGO’s sa layuning matulungan ang bawat

pamilya na mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak at maitaguyod ang matiwasay na

pamumuhay ng kanilang pamilya. Ang paraan o proseso ng tamang family planning, ayon sa

Wikipedia, ay sexuality education, pre-conception counseling and management, at iba pa.

Kabilang dito ay ang paggamit ng kontraseptibs. Ito ang paraan ng ginagawa ng dalawang

katauhang aking nakapanayam – sina Richard at Apple. Si Richard ay gumagamit ng condom.

Nagdesisyon siyang gumamit nito upang hindi muna masundan ang kaniyang panganay na anak.

2

Page 3: Ako Ang Simula (Paperpp19)

Si Apple naman ay gumagamit ng pills sa katulad na dahilan ni Richard ngunit ngayon ay

nagpatali na (ligation) upang hindi na masundan ang ikalawang anak. Ang mga paraang ginawa

nila ay maaaring maliit lamang ngunit malaking ambag sa pagliit ng population growth rate ng

bansa.

Sa kabilang banda, ang hindi paggamit ng kontraseptibs ay maaaring makadulot ng

maaga at hindi inaasahang pagbubuntis. Ito ay laganap lalo na sa mga kabataan. Ayon sa Global

Health Council, mula 1995 hanggang 2000, halos 300 milyong kaso sa buong mundo ng hindi

inaasahang pagbubuntis ang naitala na nagdulot ng halos 700,000 kaso ng pagkamatay dahil sa

hindi tamang panganganak at pagpapalaglag. Ang hindi inaasahang pagbubuntis ay maaaring

makadagdag sa lumulobong populasyon ng bansa at maaaring makaantala sa pag-unlad ng

ekonomiya nito. Sa atin, ayon sa pag-aaral ng Guttmacher Institute, 6 sa 10 babae ang nakaranas

na ng hindi inaasahang pagubuntis, at marami dito, lalo na sa Metro Manila, ay nauwi sa

pagpapalaglag na umaabot sa 473,000 bawat taon. Ang pagbubuntis naman sa kabataan edad 15-

19, taon-taon, ayon sa Lisa Wiltse Photography, ay umaabot sa 13% ng kabuuang bilang nila.

Ang St. Louise University ay nagbigay ng mga dahilan dito – kakulangan ng kaalaman,

kagustuhan ng kasintahan, pampalipas-oras, at kawalan ng gabay mula sa pamilya at

pamahalaan. Maraming hindi magagandang epekto ang maagang pagbubuntis hindi lamang sa

babae kundi sa kabuuan ng bansa. Ayon sa Teen Pregnancy Statistics, Prevention and Facts, 2/3

sa mga maagang nabubuntis ay hindi nakakapagtapos ng hayskul. Ito ay maaaring makasanhi sa

pagbaba ng bilang ng mga mahuhusay at mapakikinabangang mamamayan o productibve human

resources. Nasa pagsusuri naman na ang mga kabataang malapit sa pamilya at Diyos ay maliit

ang pagkakataong makipagtalik ng basta basta. Sinabi ng University of Califrornia, San

3

Page 4: Ako Ang Simula (Paperpp19)

Francisco (UCSF), base sa kanilang pag-aaral, na ang paggamit ng kontraseptibs sa family

planning ay nakatutulong sa pagbaba ng bilang ng hindi inaasahang pagbubuntis. Ngunit marami

ang nangangamba na ang paglaganap ng kontraseptibs ay maaaring makaengganyo, lalo na sa

mga kabataan, na makipagtalik ng hindi pa kasal o pre-marital sex. Ang mga ito naman ay

maaaring maiwasan sa tamang disiplina at suporta na nanggagaling sa mga tao sa paligid nila, at

pagtitiyak sa mga responsibilidad nila.

Marami ang nag-aalangan sa paggamit ng kontraseptibs para sa magiging epekto nito sa

kanilang katawan ngunit ang hindi nila alam, ang ilang kontraseptibs ay maaaring makadulot ng

pagbuti ng kalusugan. Mula sa pag-aaral ng Purdue University, bumababa ng 3-10% ang

pagkakataong magkaroon ng mga sakit sa buto tulad ng osteoporosis ang mga gumagamit ng

pills na may calcium. Lingid sa kaalaman ng iba, ang mga oral contraceptives ay hindi

nakadudulot ng pagtaas ng pagkakataong magkaroon ng breast cancer ayon sa pag-aral ng

Women’s Contraceptive and Reproductive Experiences. Kung mayroong iwas-sakit, mayroon

namang ilang kontraseptibs na kadalasa’y hindi nagiging epektibo, kung hindi sa pag-iwas ng

pagbubuntis ay sa pag-iwas sa sakit, at nakapagdudulot ng side-effects sa katawan pagkagamit.

Halimbawa ay ang condoms. Napag-alaman ni Dr. Willke na maaaring maging epektibo ang

paggamit sa condom bilang kontraseptibs ngunit hindi ang bilang kalasag sa paglipat ng virus ng

AIDS. Tinatayang nasa 5 microns sa dayametro ang sukat ng butas ng condom, 10 beses na mas

maliit sa similya ngunit 50 beses na mas malaki sa AIDS virus na 0.1 microns lang ang sukat.

Ang condom ay maaaring mabutas at mapunit sanhi ng friction sa pagitan ng ari na may

posibilidad na makapagdulot ng pagbubuntis. Sinabi ni Richard na ang hindi magandang epekto

ng condom sa kaniya ay ang pagbaba ng kasiyahang nakukuha niya mula sa pakikipagtalik, Ang

4

Page 5: Ako Ang Simula (Paperpp19)

mga pills naman, ayon kay Apple, ay nakapagdudulot sa kanya ng minsanang pagsakit ng ulo at

pagdagdag ng timbang. Ang mga IUD naman na gawa sa copper, kung pumalpak, ayon kay

Fitzmaurice, ay maaaring makasanhi ng anemia at impeksyon sa pagbubuntis. Ayon naman sa

Talk Medical, maaaring magdulot ang ilang oral contraceptives ng pagkirot ng dibdib, pulikat, at

pagbabago ng ugali sa pakikipagtalik. Ang mga nabanggit sa itaas ay maaari namang maiwasan

sa tulong ng wastong paggamit ng kontraseptibs at tamang pag-iingat. Mas makabubuting

humingi muna ng payo sa mga dalubhasa bago gumamit ng mga kontraseptibs at kung may mga

kakaibang nararamdaman sa paggamit nito.

Sa usaping moral pumapasok ang Simbahang Katoliko kung dapat ba o hindi dapat

gumamit ng kontraseptibs. Ayon kay Austin Cline, ang simbahang katoliko, tulad ng ilang

relihiyon, ay pro-life. Ibig sabihin, pinahahalagahan nila ang pagubuntis, pagkakaroon ng anak,

at pagbuo ng buhay. Biyaya ito ng Diyos ika nga. Kung gayon, maitutuon ang isip na mas

makabubuting huwag kalabanin ang simbahan at humanap na lamang ng ibang paraan upang

maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis. Mahirap man ngunit ang pinakaangkop na paraan

ay ang abstinence sa pagtatalik. Mula pa noong 1930’s mahigpit nang ipinagbabawal ng

simbahan ang paggamit ng kontraseptibs dahil pumipigil ito sa pagbuo ng buhay, at sa pag-iisip

na katuwang ng kontrasepsyon ay ang aborsyon na pumapatay ng buhay. Ang impluwensya ng

simbahan sa atin ay malaki dahil ito ang nagtuturo sa atin kung ano ang tama o mali, ang dapat

sa hindi dapat. Kung kaya’t maraming relihiyoso ang mas nanaising sundin ang simbahan nang

sa gayo’y hindi sila masunog sa impyerno. Isa sa mga isyung mainit na pinagtatalunan ay ang

naisin ng pamahalaan na isama sa kurikulum ng mga mag-aaral sa mababang paaralan ang sex

education na mariing kinukondena ng simbahan at iba pang mga konserbatibong mamamayan.

5

Page 6: Ako Ang Simula (Paperpp19)

Sinasabi ng simbahan na ang paggamit ng kontraseptinbs ay makasalanan ngunit mayroong apat

na tuwirang sinabi at ipinagbawal si Hesu-Kristo sa larangan ng sekswalidad ayon sa banal na

aklat– ang diborsyo, pagnanasa, pakikipag-usap sa Samaritana, at pangangaliwa – mula sa

Ontario Consultants on Religious Tolerance. Malinaw na makikita na walang ipinagbawal si

Hesus na magplano ng pamilya gamit ang mga kontraseptibs, na noon pa man ay mayroon na sa

Ehipto at ilang unang sibilisasyon, para sa kabutihang panlahat. Maraming katoliko na ang

gumagamit ng kontraseptibs, hindi dahil sa nais nilang balewalain ang batas ng simbahan, kundi

upang mapabuti ang kani-kanilang pamilya. Marami na ang nagbago simula nang lumaganap ang

kristiyanismo at isa dito ay ang paglobo sa populasyon. Ano kaya ang sasabihin ni Hesus kung

makita niya ang kalagayan natin? Nanaisin niya bang maghirap tayo? Mahirap maipit sa pagitan

ng pinaniniwaalan at kinakailangan, ngunit kung mapapalaki ng maayos ang mga bata dahil sa

matiwasay na family planning, mas mapagtutuunang pansin nila ang pagiging malapit sa pamilya

at sa simbahan, at magiging instrumento ng pangkalahatang pag-unlad.

“Failing to Plan = Planning to Fail”

Iyan ang sinabi ni Brent Hardesty na nakatuon sa paghahanda sa kasalukuyan para sa

hinaharap. Kapag ang isang bagay ay pinagplanuhan, ito ay magiging mas epektibo at

kapakipakinabang. Kung gagamit ng cost-benefit analysis, tunay na maraming hindi maganda sa

paggamit ng kontraseptibs lalo na sa kalusugan at paniniwala, ngunit kung gagamit ng

mapanuring pag-iisip, mas maraming magandang maidudulot ang paggamit nito. Ang ilan ay

makikita sa paligid at sariling tahanan. Ang ilan ay nararamdaman. Walang magaganap na pag-

unlad kung walang kikilos. Marami na ang nagsimula at gumawa ng paraan tungo sa pagbabago.

Ikaw naman. Ako naman. Tayo naman ang maging simula.

6