6ap module iii

Click here to load reader

Upload: ruthferrera

Post on 20-Aug-2015

566 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

  1. 1. MODYUL 3: PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANGKAMALAYANPanimulaAng mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval angnagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sapaglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mgabagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sabuong daigdig.Sa Yunit na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ngdaigidg tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sakasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sapagharap sa pagbabago ng daigdig.Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang dahilan atepekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pag-usbongng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sadaigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, pulitika atekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang kamalayan? Handaka na bang sagutin ang mga tanong na ito? Kung gayon, simulan ang pagtuklas samga pangyayaring ito.Mga Aralin At Sakop Ng ModyulAralin 1: Paglakas ng EuropeAralin 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng EuropeAralin 3: PagkamulatSa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:Nasusuri ang konsepto ng bourgeoisie, merkantilismo, nationalmonarchy, renaissance, simbahang katoliko at repormasyonAralin 1Napahahalagahan ang kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo,national monarchy, renaissance, Simbahang Katoliko atrepormasyon sa daigdigNasusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon saEuropeAralin 2Natataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ngimperyalismo at kolonisasyon sa EuropeNasusuri ang mga kaganapan at epekto ng RebolusyongSiyentipiko, Enlightenment, at IndustriyalNasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ngImperyalismo258
  2. 2. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan ngAralin 3 mga Rebolusyong Pranses at Amerikano Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng konsepto ngNasyonalismo sa Europe at ibat ibang bahagi ng daigdigPAUNANG PAGTATAYAUpang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul naito, sagutin ang sumusunod na pagsusulit. Isulat ang letra ng wastong sagot sabawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subukingmuling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito.1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang PanahonMALIBAN sa anong aytem?A. mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparianB. tinagurian silang middle class o panggitnang uri.C. nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod.D. nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ngrebolusyong pampulitika at pang-ekonomiya.2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance?A. muling pagsikat ng Kulturang HelenistikoB. muling pagsilang ng kaalamang Griyego-RomanoC. panibagong kaalamang panrelihiyon sa EuropeD. panibagong kaalaman sa agham3. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?I. schism sa Simbahang KatolikoII. pagtawag ni Pope Paul III sa Council of TrentIII. pagpaskil ni Martin Luther ng Ninety-Five Theses sa pinto ngWittenberg ChurchA. I - II - IIIB. II - I - IIIC. III - I - IID. I - III II4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na Theend justifies the means ?A. Auman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tanggapkung mabuti ang kaniyang hangarin.B. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palagingmabuti ang bunga nito.259
  3. 3. C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan.D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraanng pamamahala.5. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao aynagmumula sa karanasan? Binigyang-diin niyang ang kaisipan ng tao ay maitutuladsa tabula rasa o blank slate.A. John LockeB. John AdamsC. Rene DescartesD. Jean-Jacques Rousseau6. Bakit itinuring na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Inquisition?A. Napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation satimog Europe.B. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong samaraming kamatayan ng walang sala.C. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo.D. Nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang Katoliko.7. Suriin ang mapa ng Italya. Ano kaya ang magiging implikasyon ng heograpiya saekonomiya nito?260
  4. 4. A. Hindi hiwa-hiwalay ang bahagi nito na mahalaga sa pagkakaisa.B. May mapagkukunan ng yamang-dagat.C. Bukas ang ibat ibang ruta nito sa kalakalan.D. Madali itong masakop ng ibang bansa.8. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe?A. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe.C. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa angkanilang Pangangailangan.D. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.9. Sa ika-15 siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation-state na nagpaligsahan sakapangyarihan. Nagbunga ang paligsahang ito ay sa pagpapalawak ng mga nation-state.Alin sa sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain?A. SpainB. EnglandC. PortugalD. Netherlands10. Angt cartoon sa ibaba ay kumakatawan sa mga estado sa America. Ano angmensaheng ipinakikita nito kung nangyari ito sa panahon ng rebolusyon laban saBritish?A. Kailangang maging matalino sa paglaban tulad ng isang ahas.B. Pagkakaisa ang susi upang magtagumpay sa laban.C. Mag-ingat sa British na kawangis ng ahas.D. Walang maaapi kung walang nagpapaapi.261
  5. 5. 11. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyangpanahon?1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita.2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay.3. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sasariling bansa.4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan atkulturang Pilipino.A. 1,2,3,4B. 1,2,3C. 2,3,4D. 3,412. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at England. Nangmagsimula ang Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng tulong militar ang Francesa United States na malaki ang tulong sa pananagumpay ng huli. Batay dito, anoang pinakaangkop na hinuha ang mabubuo?A. Magkakampi ang France at United StatesB. Magkasabay na nilabananan ng Inglatera ang United States at France. C.Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States. D.Ginamit na pagkakataon ng Pransya ang Rebolusyong Amerikano upangmapabagsak ang Inglatera.13. Naisakatuparan ang rebolusyong politikal matapos umusbong ang mgakaisipang liberal at radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng RebolusyongPangkaisipan sa Rebolusyong Politikal?A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ngRebolusyong Politikal.B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganapng Rebolusyong Pangkaisipan.C. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamangng renaissance sa Europe.D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal atRebolusyong Pangkaisipan.14. Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, ginamit na dahilan ngmga Europeo ang ideya ng white mans burden upang bigyang katwiran angkanilang pananakop. Ano ang white mans burden?A. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga puti ng karapatan naangkinin ang daigdig.B. Paniniwalang mga puti ang superior na lahi sa mundo.C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin angkanilang kabihasnan sa kanilang sinakop.D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod samga kagustuhan ng mga Europeo.262
  6. 6. 15. Maraming makabagong ideya at imbensyon ang nabuo noong RebolusyongSiyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alin sasumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mgaKanluranin?A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito.B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang- agham sa Europa.C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob.D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin.16. Nagdulot ang Rebolusyong Industriyal ng pag-unlad sa lipunan atekonomiya ng Europe, kasabay ang suliraning idinulot nito. Alin sa mga sumusunodang pinakamabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang idinulot ngRebolusyong Industriyal?A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula sa mga probinsya.B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy.C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho.D. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika.17. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses?A. Pagtanggal ng sistemang piyudalB. Pagpirma ng Deklarasyon ng Karapatan ng TaoC. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republikaD. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran18-20) Tama o MaliSuriin ang bawat pahayag . Makatutulong ang nakasalungguhit na mga salita sapagsusuri ng ideya sa bawat bilang. Pillin ang letra ng wastong sagot.Gamitin ang sumusunod na option sa bilang 18-20.A. Tama ang una at ikalawang pangungusap.B. Mali ang una at ikalawang pangungusap.C. Tama ang unang pangungusap.D. Tama ang ikalawang pangungusap.18.I. Ang Humanismo ay kilusang kultural na nagsimula sa Italyaat lumaganap sa kabuuan ng Europa.II. Isa sa pinakamahalagang salik sa paglaganap ng kilusang kulturalang pagkakaimbento ng movable press ni Johan Gutenberg.19.I. Bago pa man nabuhay si Martin Luther ay marami nangrepormista ang nabuhay upang hamunin ang katuruan atkapangyarihan ng Simbahang Katolika.263
  7. 7. II. Isa sa mga katuruang humamon sa Simbahan ang paniniwalangang personal na relasyon ng tao sa Diyos ang makapagliligtas, hindiang Simbahang sinasabing may hawak ng susi ng kalangitan.20.I. Kung ihahambing ang mabuti at masamang bunga ngpananakop, nakahihigit ang kabutihang idinulot nito sa daigdig.II. Sapagkat maraming alipin ang nakuha mula sa Africa atnakatulong sa pagtatanim sa ilang bahagi ng America at Asia.ARALIN 1: PAGLAKAS NG EUROPENagmumula sa Europe ang pinakamayayamang mga bansa sa daigdig.Malaki ang bahaging ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europebilang isa sa pinakamauunlad na kontinente sa daigdig. Kailan nga ba nagsimulaang paglakas ng mga mangangalakal na malaki ang naging bahagi sa paglakas ngEurope sa bahaging ito ng kasaysayan.ALAMINMatapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga paunangtanong sa mga aralin ng Modyul na ito, malalaman mo kung paano mulinglumakas ang Europe at kung ano-anong bagong ideya at pamana ang nagingambag nito sa transpormasyon ng mga bansa sa ibat ibang bahagi ng daigdig.Tuklasin ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa paglakas ng Europe.Lilinangin mo ang mga bagong kaalaman at kasanayan na magdadala sa iyo salubos na pag-unawa. Halinat iyong simulan...Gawain 1: Word HuntHanapin at bilugan sa puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa bawatkahon sa kasunod na pahina. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabaysa paghahanap ng bawat salita.264
  8. 8. A L A M E R K A N T I L I S M OD I M B S E T N A T S E T O R PV S I O L P R O T S E T O R P RC O K A T O L I K O W H P S E IE M D K E R A L S E A R L K E ST S K U Y M T T A P T K N G P RN I R S F A G U M O Y A S O O UM N L W C S B S N R B N C T R KP A T P L Y A S H R E O P Y U GE M Y M B O U R G E O I S I E AR U L R E N A I S S A N C E S PY H C R A N O M L A N O I T A N1. B____________R Nagmamay-ari o namamahala ng bangko2. B____________E Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe3. E____________E Pangalawa sa pinakamaliliit na kontinente ng daigdig4. H____________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik atpagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano5. K____________O Nangangahulugang universal6. M____________O Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ngbansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak7. N____________L Dahil sa pagkatatag nito, muling lumakas ang kapangyarihanng M____________Y hari8. P____________E Mga tumutol o sumalungat sa turo ng Simbahang Katoliko9. R____________E Nangangahulugan itong muling pagsilang10. R____________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang bansang Katoliko ayyumakap sa ibang relihiyonMatapos mong matukoy ang mahahalagang salita sa aralin ay subukin mongbumuo ng kaisipan tungkol sa paglakas ng Europe.Sa tulong ng nabuong mga salita.Isulat mo ang iyong konsepto sa rectangle callout.265
  9. 9. Pamprosesong tanong1. Ano-ano ang iyong nahanap at nabuong mga salita?2. Batay sa mga salitang iyon, alin sa mga ito ang pamilyar sa iyo? Bakit?3. Paano nabuo ang iyong sariling konsepto o kaisipan mula sa mga salitangiyong pinagsama-sama? Ano-ano ang iyong naging batayan upang mabuoang kaisipan?GAWAIN 2: Kilalanin Mo!Suriin ang sumusunod na mga larawan. Kilalanin ang bawat nakalarawan atisulat sa patlang ang tungkulin o gawain ng bawat isa.266
  10. 10. Pamprosesong tanong1. Sino ang ipinakikita sa bawat larawan?2. Mayroon ka bang kilala na may pagkakatulad sa nasa larawan?3. Anong panahon kaya sa kasaysayan nagmula at nakilala ang mga nakalarawan?4. Nakatutulong ba sa kasalukuyan ang nasa larawan? Patunayan.GAWAIN 3: Think Pair- Share!Sa tulong ng gawaing ito, masusukat mo ang kaalaman at pag-unlad sa pag-unawang aralin.Panuto: Pumili ng kapareha sa gawaing ito at basahin ang katanungan sa aralin.Sagutin ang kahong itinakda sa inyo bago pagsamahin ang mga ideya. Iwanangwalang sagot ang dalawang nasa ibabang kahon at balikan ito sa huling bahagi ngaralin.TANUNGAN SA ARALINPaano nakaapekto ang paglakas ngEurope sa transpormasyon ng mgabansa at rehiyon sa daigdig at sapagbuo ng pandaigdigangkamalayan?AKING KAPAREHAAKING KASAGUTAN(Sagot ng Mag-aaral) (Sag ot ng Kapare h a )PINAGSAMANG IDEYA(Sagot ng Magkapareha)(Sa bahaging ito, isulat ng magkapareha ang pinal na kasagutan pagkatapos ng aralin)Mga Sanggunian/ Batayan(Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website at iba pa)Nagtatapos ang bahagi ng Alamin sa puntong ito.Pagkatapos masuri ang sariling mong kaalaman tungkol sapaksang tatalakayin, natitiyak kong gusto mong malaman kung tamaang iyong mga sagot sa talahanayan. Masasagot ito sa susunod nabahagi ng Modyul . Sa iyong pagsasagawa ng ibat ibang gawain,suriin kung tumutugma ang iyong mga dating alam sa mga bagongkaaalamang matututuhan mo sa modyul na ito.267
  11. 11. PAUNLARINSa bahaging ito, inaasahang matututunan mo angmahahalagang kaalaman tungkol sa paglakas ng Europe. Angbahaging ginampanan ng Bourgeoisie, ng sistemang Merkantilismo,pagkatatag ng National Monarchy, Renaissance, at maging ngsimbahang Katoliko at Repormasyon ay makatutulong upang lubos namaunawaan ang mga pagbabagong naganap sa Europe sa panahongito. Maaaring balikan ang mga tanong sa unang bahagi matapos angpag-aaral sa bahaging ito ng aralin. Inaasahan ding maiwawasto angmga maling pag-unawa pagkatapos ng aralin.GAWAIN 4: Pamana ng Nakaraan!Natalakay sa Aralin 3 ng Modyul 2 ang mahahalagang pamana ng bayanat lungsod sa panahong Medieval. Malaki ang naitulong ng mga pamanang ito sapag-usbong ng Europe. Makikita sa dayagram ang mga pamanang ito.Panuto: Suriin ang dayagram at sagutin ang mga katanungan.Diagram Blg. 1.1Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat Para sa IkatlongTaon) nina Vivar et.al, pahina 156268
  12. 12. Pamprosesong tanong1. Sa mga pamanang inilahad sa dayagram, alin sa mga itopinakamahalaga? Bakit?2. Sa iyong palagay, paano makaaapekto ang mga pamanang ito sapaglakas ng Europe?Simulan mo na ang pag-aaral tungkol sa mga bourgeoisiena malaki ang papel na ginampanan sa paglakas ng Europe.GAWAIN 5: Burgis ka!Malaki ang bahaging ginampanan ng mga bourgeoisie sa paglakas ngEurope. Gusto mo ba silang makilala?Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeosie. Iyong itala angmahahalagang datos na nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept mapng nasabing datos tunkol sa bourgeoisie.269
  13. 13. PAG-USBONG NG BOURGEOISIEAng terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mgabayan sa medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Angmga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mgakagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang.Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sapamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ayhindi ang manor o simbahan kundi ang pami lihan. Hindi nakatali ang mga kasaping uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindinanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa,ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sasistemang piyudal at binanayaran sila sa kanilang paggawa.Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersaang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker(nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagmamay-ari ng mgabarko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilangsa kanila ang mga artisano na sa panahong ito ay maiuuri na sa mgamanggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan atpakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilangkapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang.Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sapagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sapakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalanat pagmamay-ari.Nagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisiepagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon,at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo.Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al pp.209-211Ang mga bourgeoisie ay ____________________________________________________________________________270
  14. 14. PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIESino-sino ang mga Katangian ng Halaga sa LipunanBourgeoisie? mga Bourgeoisie (Noon at Ngayon) _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ _______________________________ ________________Dahilan ng kanilangPaglakasEpekto sa Paglakasng Europe________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________Pamprosesong tanong1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng bourgeoisie?2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie?3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe?4. Sino ang maituturing natin na Bourgeoisie sa kasalukuyan?5. Paano nakatutulong ang bourgeoisie sa kasalukuyan sa ating bansa at magingsa daigdig?Hindi lamang ang paglakas ng bourgeoisie ang matutunghayan sa bahaging itong kasaysayan ng paglakas ng Europe, bahagi rin ng pangyayari sa panahong ito angpag-iral ng sistemang nagbigay daan sa paghahangad ng mahahalgang metal mayroonang ibang panig ng daigdig maliban sa Europe. Paano ba ito nagsimula? Ano ba angmerkantilismo? Paano ito nakaapekto sa ekonomiya at lipunan ng Europe?271
  15. 15. GAWAIN 6: Magbasa at Unawain!Panuto: Basahin mo at unawain ang teksto hingil sa merkantilismo. Pagkatapos aysagutin ang mga pamrposesong tanong.Ang pag-unlad ng isang bagongdoktrinang tinawag na merkantilismo aynakatulong din sa pagkabuo at paglakas ngmga nation-state sa Europe. Nabuo angprinsipyo ng merkantilismo upang itaguyodang kaunlarang pang-ekonomiya atkapangyarihang politikal ng isang bansa.Bagamat kadal asang ikinakategorya bil angpatakarang pang-ekonomiya, angmerkantilismo ay isang sistema na angpangunahing mga layunin ay politikal. Angmga layuning ito ay ang magkaroon ngmalaking kitang magbibigay-daan upang anghari ay makapagpagawa ng mga barko,mapondohan ang kaniyang hukbo, atmagkaroon ng pamahalaang katatakutan atrerespetuhin ng buong daigdig.Ang doktrinang bullionism ay sentralsa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ngdoktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansaay masusukat sa dami ng mahahalagangmetal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin,kung mas maraming ginto at pilak angmakukuha ng isang bansa, mas maramingpera ang malilikom nito bilang buwis.Nangangahulugan ito na mas magigingmayaman at makapangyarihan ang naturangbansa.Hango ang ideyang ito sa karanasanng Spain na yumaman at nagingmakapangyarihan dahil sa mahahalagangmetal na nanggaling sa mga kolonya nito saSouth America at Central America. Gayundin,kinailangan nila ng mga kolonyangmagkakaloob ng mga ginto at pilak.Ang isang bansang walangkakayahang makakuha ng ginto at pilak nangmadalian ay dapat na mas paunlarin pa angkalakalan nito sa iba pang bansa. Kungtitiyakin lamang ng pamahalaan na masmarami ang iniluluwas kaysa inaangkat, masmaraming ginto at pilak ang papasok sabansa. Sa gayong paraan, mapananatili nitoang kalamangan sa balance ng kalakalan.Isang elemento ng merkantilismo nanakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mganation-state ay ang tinatawag nanasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito,kayang tustusan ng isang bansa ang sarilinitong pangangailangan. Sa pamamagitan ngpagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto,hindi na aasa ang bansa sa mga produktongdayuhan.Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina GraceEs tela C.Mateo et al pp. 211-212MERKANTILISMO272
  16. 16. Pamprosesong tanong1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naipahayag sa teksto, anoang kahulugan ng merkantilismo?2. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika rinanglayunin ng merkantilismo?3. Paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakasng Europe?4. Mayroon pa bang merkantilismo sa kasalukuyan? Patunayan.5. Pabor ka ba na ito ang gamiting sistemang pang-ekonomiya ng atingbansa? ng daigdig? Bakit?Ang paglakas ng bourgeoisie at paggamit ng sistemangmerkantilismo ay naging daan upang muling manumbalik angkapangyarihan ng hari. Paano nga ba muling nagingmakapangyarihan ang hari? Paano rin nakatulong ang mgabourgeoisie sa pagiging makapangyarihan ni la muli? Tunghayanmo ang mga pangyayari sa bahaging ito ng ating kasaysayan.GAWAIN 7: Hagdan ng Pag-unawa!Panuto: Paano nga ba nakatulong ang pagtatatag ng National Monarchy sapaglakas ng Europe? Sa tulong ng kasunod na teksto, itala mo sa ladder diagramang mga kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national monarchy.273
  17. 17. PAGTATATAG NGNATIONAL MONARCHYEase modyul 10Malaki ang naitulong ngpagtatatag ng national monarchysa paglakas ng Europe.Matatandaan na sa panahon ngpiyudalismo, walangsentralisadong pamahalaan.Mahina ang kapangyarihan nghari. Ang naghahari ay ang mganoble na sila ring mgapanginoong maylupa. Ang hari ayitinuturing lamang napangunahing panginoong maylupa.Subalit nabago angkatayuan ng monarkiya sa tulongng mga bourgeoisie. Ang hari nadating mahina ang kapangyarihanay unti-unting namayagpag sapamamagitan ng pagpapalawakng teritoryo at pagbubuo ngmatatag na sentralisadongpamahalaan. Humirang siya ngmga mamamayang nagpatupadng batas at nagsagawa ngpaglilitis at pagpaparusa sa korteng palasyo. Bilang resulta, angkatapatan ng mamamayan aylumipat mula sa panginoongmaylupa tungo sa pamahalaan namay kakayahang protektahan sila.Handa silang magbayad ng buwispara sa proteksiyong ito.Sa pamamagitan ng buwis,nagkaroon ng pondo ang hariupang magbayad ng mga sundalo.Dahil dito, nakalaya ang hari mulasa proteksiyon na dating ibinibigayng mga knight ng panginoongmaylupa. Dahil ang katapatan ngmga sundalo ay nasa hari, maaarisilang gamitin ng hari laban sa mgaknight ng panginoong maylupakung kinakailangan. Bukod dito,maaari nang humirang ang hari ngmga edukadong mamamayanbilang kolektor ng buwis, hukom,sekretarya, at administrador.Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig ninaAno-ano ang salik na nakatulong samuling paglakas ng kapangyarihanng hari?_________________________________________________________________________________________________________________________________________________274
  18. 18. PAG-USBONG NG MGA NATION- Tungkulin ng hukbo na palawiginSTATE ang teritoryo at kapangyarihanng monarkiya kahitSa pagbabago sa konsepto ng mangahulugan ito ng digmaan.monarkiya. naitatag na rin ang mga Nagsimula rin ang institusyon ngbatayan ng mga nation-state sa burukrasya sa mga opisyal oEurope. Angnation-state ay kawani na may kasanayan paratumutukoy sa isang estado na patakbuhin ang pamahalaanpinananahanan ng mga mamamayan ayon sa kautusan ng monarkiya.na may magkakatulad na wika, Kabilang sa katungkulan ng mgakultura, relihiyon, at kasaysayan. opisya at kawani angDahil sa kanilang pagkakahalintulad pangongolekta ng buwis,na kultural, ang mga mamamayan ay pagpapatupad ng batas, atisang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagkakaloob ng hustisya.pagiging nasyon, isa rin silangestado sapagkat nananahan sila sa Dahil saisang tiyak na teritoryo at may makapangyarihan ang mgapamahalaan silang may soberanidad nation-state, nagpakita ngo kasarinlan. Isa silang ibayong lakas ang Europe.nagkakaisang lahi na may katapatan Nabuo sa Europe ang mgasa kanilang bansa. bagong institusyong pampolitika,panlipunan, at pang-ekonomiya.Mahalagang katangian ng Ang paglakas ng Europe aynation-state sa panahong ito ang nagbigay-daan din sapagkakaroon ng sentralisadong pagpapalawak nito ngpamahalaan sa ilalim ng isang impluwensiya. Naganap ito sapambansang monarkiya na may panghihimasok at pananakop ngkakayahan at kapangyarihan na mga Europeong nation-state samagpatupad ng batas sa buong Asya, America, at nangnasasakupan. May mga bagong kinalaunan, sa Africa.institusyon na umusbong bunga ngpagiging nation-state. Isa rito ang Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdignina Grace Estela C.Mateo et al pp. 212-pagkabuo ng isang hukbo ng mga 213propesyunal na sundalo na tapat sahari.Paano nakatulong ang mga nation-statesa paglakas ng Europe?______________________________________________________________________________________________________________________________________________________275
  19. 19. Pamprosesong tanong1. Ano-ano ang salik na nagpabago sa konsepto ng monarkiya atnagpalakas sa kapangyarihan ng hari?2. Ano-anong bansa sa kasalukuyan ang pinamumunuan pa rin ng hari atreyna?3. Paano nakatulong ang nation-state sa paglakas ng Europe.4. Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba na ang mamuno sa ating bansa ayhari at reyna? Bakit?Bukod sa mga unang natalakay na aralin, tatalakayin rin angbahaging ginampanan ng simbahan sa paglakas ng Europe.GAWAIN 8: Discussion WeBPANUTO1. Pagkatapos basahin ang teksto, bumuo ng limang pangkat na may parehongbilang .2. Talakayin ang tanong sa pangkat at bumuo ng ebidensya at suporta sapanig ng Oo at Hindi.3. Suriin ang tanong at itala ang mga impormasyon at pahayag ng bawatmiyembro bawat pangkat kung ang sagot ay Oo o Hindi.4. Magtulungan ang bawat pangkat sa pagbuo ng dahilan at kongklusyon.5. Panghuli, pumili ng tagapagsalita para maibahagi ang inyong pananawsa buong klase.276
  20. 20. PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPEHabang nababawasan ang katapatan ngordinaryong mamamayan sa mgapanginoong maylupa, nakikita naman nilaang Simbahan bilang bagong sentro ngdebosyon. Sa loob mismo ng Simbahan aytinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari nanaging dahilan upang lalong lumakas angkapangyarihan ng Papa.Sa pagsapit ng 1073, naging masmakapangyarihan ang Simbahan nangitakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan aybahagi ng kaayusang banal nanapapasailalim sa batas ng Diyos. Bilangpinakamataas na lider-espiritwal attagapagmana ng Simbahang Katoliko mulakay San Pedro, ang Papa ang maypinakamataas na kapangyarihan sapananampalataya at doktrina. Kaugnay nito,ang lahat ng Obispo ay dapat namapasailalim sa kanya, gayundin ang mgahari na ang kapangyarihan ay dapat lamangdiumanong gamitin sa layuning Kristiyano.May karapatan ang Papa na tanggalin sahari ang karapatang mamuno kung hinditumupad ang hari sa kanyang obligasyongKristiyano.Ang Investiture Controversy aysumasalamin sa tunggalian ng interesng Simbahan at pamahalaan kaugnayng mga ideya ni Papa Gregory VII. Hindinagustuhan ng Haring German na siHenry IV ang ideya ni Papa Gregory VII.Para kay Henry, ang relihiyongpanatisismo ni Papa Gregory VII aytuwirang nakaapekto sa mga kaugalianat usaping politikal sa Germany. Dahildito, humingi ng tulong ss Henry IV samga obispong German na pababain nasa puwesto ang Papa. Bilang tugon,idineklara ng Papa na ekskomulgado siHenry IV sa Simbahang Katoliko.Hiniling ng hari na alisin angekskomulgasyon sa kaniya. Nang hindiito gawin ng Papa, tumayo si Henry IVnang nakayapak sa labas ng palasyo ngCanossa sa hilagang Italya ng tatlongaraw noong 1077. Hiniling niya na alisinna ang parusang ekskomulgasyon.Bagaman pinatawad dinkalaunan ng Papa si Henry, angnasabing insidente ay lalong nagpatibaysa kapangyarihan ng Simbahan.Kalaunan, upang malutas ang nasabingisyu, nagkaroon ng kompromiso sapagitan ng Simbahan at ni Henry V. Itoang tinatawag na Concordat of Wormsnoong 1122 na kumilala sa dalawangtungkulin ng Obispo bilang lider-espiritwalng Simbahan at panginoongmaylupa. Kinilala nito ang Simbahanbilang isang nagsasariling institusyon napinamumunuan ng Papa na hindinapapasailalim sa sinumang hari.277
  21. 21. Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages.Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugaliat moralidad. Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kayaniyang utusan o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang nagingpapel nito sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ngEurope bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano ang Republica Christiana napinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa.Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 siglo hanggang sa ika-13 siglo aylumakas. Lumaki ang populasyon, nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan,umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay mga nation-state, at lumakas angkapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang nagbigay-daan sa paglakas ngEurope at sa kaganapan sa mga susunod na panahon.Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al pp. 214 -216Pamprosesong tanong1. Ano ang naging papel ng Simbahan sa paglakas ng Europe?2. Bakit mahalaga ang impluwensiya ng Simbahan sa paglakas ng Europe?3. Paano nakatulong ang Simbahan sa paglakas ng Europe attranspormasyon ng daigdig?4. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng simbahan sa kasalukuyan?Patunayan.GAWAIN 9: OO o HINDI!Pagkatapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at kaalaman sanaging aralin, iyong malalaman kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaraltungkol sa paglakas ng Europe.278
  22. 22. Panuto: Basahin at suriin mo ang mga pahayag hinggil sa aralin. Idikit mo anghawak mong sign sa bahagi ng OO kung naunawaan mo na ito at sa bahagi namanng HINDI kung hindi pa malinaw sa iyo ang konseptong ito ng aralin. Pagkatapos aysuriin ang bilang ng mga nakaunawa at hindi pa naging malinaw ang pagkaunawa.KONSEPTO/ KAALAMANOO HINDI(NAUNAWAAN) (NAUNAWAAN)1. Ang bourgeoisie ay binubuo ngmga mamamayan na kabilang sapanggitnang uri ng lipunan.2. Dahil sa impluwensiya ng mgaBourgeoisie nasimulan nila angmga reporma sa pamahalaan.3. Ang merkantilismo ay isangsistemang pang-ekonomiya nalumaganap sa Europe nanaghahangad ng pagkakaroon ngmaraming ginto at pilak bilangtanda ng kayamanan atkapangyarihan ng bansa.4. Sa pagkawala ngkapangyarihan ng mgapanginoong maylupa, ang hariang nagsilbing pinuno atnagpatingkad sa pagtatatag ngnational monarchy.5. Ang simbahan ang nagsilbingtagapangalaga ng kalinangan saimperyo noong panahongMedieval.Sa nakalipas na pagtalakay natutuhan mo ang mgapangyayaring nagbunsod sa paglakas ng Europe. Sa bahaging ito ngaralin ay iyong pag-aaralan ang pagsilang ng Renaissance sahuling bahagi ng ika-14 na siglo.279
  23. 23. GAWAIN 10: Magtulungan Tayo!Panuto: Nakita mo na ba ang larawan na MONA LISA? Nabasa mo na rin ba angkuwentong Romeo at Juliet? Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito?Kung gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin. Pagkatapos ay ihanda mo angiyong sarili para sa pangkatang gawainPAG-USBONG NGRENAISSANCEDahil sa pag-unlad saagrikultura bunga ng mga pagbabagosa kagamitan at pamamaraan sapagtatanim, umunlad ang produksiyonsa Europe noong Middle Ages.Humantong ito sa paglaki ngpopulasyon at pagdami ngpangangailangan ng mga mamamayanna natugunan naman ng maunlad nakalakalan. Ang mga lungsod-estado sahilagang Italy ay nakinabang sakalakalang ito. Noong ika-11 hanggangika-12 siglo, umunlad ang mga itobilang sentrong pangkalakalan atpananalapi sa Europe. Monopolisadorin ng hilagang Italy ang kalakalan sapagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mgalungsod-estadong umusbong ay angMilan, Florence, Venice, Mantua,Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa.Ang yaman ng mga lungsod-estado naito ay hindi nakasalalay sa lupa kundisa kalakalan at industriya. Sakatunayan, kung nangangailangan ngpera ang Papa, hari, o panginoongmaylupa, nanghihiram sila sa mgamangangalakal at banker ng mgalungsod-estado na ito. Ang mga Medicisa Florence ay halimbawa ng isangpamilya ng mangangalakal at banker.Kasaysayan ng Daigdig nina GraceEstela C.Mateo et al pp. 219-220Sa pagtatapos ng MiddleAges sa huling bahagi ng ika-14 nasiglo, isinilang ang Renaissance.Ang Renaissance aynangangahulugang mulingpagsilang o rebirth. Maaari itongilarawan sa dalawang paraan. Una,bilang kilusang kultural ointelektuwal na nagtangkang ibalikang kagandahan ng sinaunangkulturang Greek at Roman sapamamagitan ng pag-aaral sapanitikan at kultura ng mganasabing sibilisasyon. Ikalawa,bilang panahon ng transisyon mulasa Middle Ages tungo sa ModernPeriod o Modernong Panahon.Mula sa iyong pagkakaunawasa tekstong binasa, ano angRenaissance?____________________________________________________________________________________________________________________________280
  24. 24. BAKIT SA ITALY?Italy angpinagmulan ngkadakilaan ngsinaunang Romeat higit na maykaugnayan angItalyano sa mgaRomano kaysaPagtataguyod ng mgamaharlikang angkan samga taong mahusay sasining at masigasig sapag-aaral.Itinuturing na isa samaraming dahilan kungbakit naging tunay nasinilangan ng Renaissanceang Italy, ay magandanglokasyon nito. Dahil dito,nagkaroon ng pagkakataonang mga lungsod dito namakipagkalakalan saKanlurang Asya at Europe.Mahalagang papel angginampanan ng mgaunibersidad sa Italy,naitaguyod at napanatilingbuhay ang kulturangklasikal at ang mgateolohiya at pilosopiyangkaalaman ng kabihasnangGriyego at Romano.http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpgBatay sa mga impormasyonginilahad, bakit nga ba sa Italy sumibolang Renaissance?____________________________________________________________________________________________________________________________281
  25. 25. ANG MGA HUMANISTASa pagtatapos ng Middle Ages,nagkaroon ng bagong kapangyarihanang mga hari samantalang angkapangyarihan naman ng Simbahanay sinimulang tuligsain. Ang mgadigmaan, epidemya, at suliraningpang-ekonomiya ay tuluyan nangnagwakas. Nagbigay-daan ang mgakaganapang ito sa pagsilang ngbagong pananaw na dulot ng interessa pag-aaral ng sinaunang Greece atRome, ang humanismo.Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaralsa klasikal na sibilisasyon ngGreece at Rome ay tinawag nahumanist o humanista, mula sasalitang Italian na nangangahulugangguro ng humanidades, partikular ngwikang Latin. Pinag-aaralan saHumanities o Humanidades angwikang Latin at Greek, Komposisyon,Retorika, Kasaysayan, at Pilosopiya,at maging ang Matematika at Musika.Sa pag-aaral ng mga ito, napagtantong mga humanista na dapat gawingmodelo ang mga klasikal na ideyangmatatagpuan sa mga asignaturang ito.Kasaysayan ng Daigdig nina GraceEstela C.Mateo et al pp. 220-221Ang humanismo ay isang kilusangintelektuwal noong Renaissance nananiniwalang dapat pagtuunan ngpansin ang klasikal na sibilisasyonng Greece at Rome sa pag-aaraldahil naglalaman ito ng lahat ng aralna dapat matutuhan upangmagkaroon ng isang moral atepektibong buhay.Ano ang pagkakaiba ng pagtingin ngmga humanista ng sinaunang panahonsa pagtingin ng mga iskolar ng MiddleAges?____________________________________________________________________________________________________________________________MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBAT IBANG LARANGANSa Larangan ng Sining at PanitikanFrancesco Petrarch (1304-1374). Ang Ama ngHumanismo. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyanoang Songbook, isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibigsa pinakakamahal niyang si Laura.Goivanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan niPetrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikangpiyesa ay ang Decameron, isang tanyag na koleksyon nanagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay.282