6 july 2015 news

12
Petisyon ng Pilipinas sa West PH Sea, diringgin sa Netherlands simula Martes Diringgin ng permanent court of arbitration sa The Hague, Netherlands ang petisyong inihain ng Pilipinas upang maresolba ang maritime entitlement issues sa West Philippine Sea simula sa Martes, Hulyo 7. Tatagal ito hanggang sa Hulyo 13. Katuwang ang mga abogado mula sa Washington, D.C. law firm na Foley Hoag, ipipresinta ni Solicitor General Florin Hilbay ang mga argumento ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio 'Sonny' Coloma, Jr., bahagi ng delegasyon ng bansa si Executive Secretary Paquito Ochoa para sa ehekutibo, sina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte para sa lehislatura, at sina Supreme Court Justices Antonio Carpio at Francis Jardeleza para sa hudikatura. Binanggit ni Coloma na kumpiyansa ang pamahalaan na nasa katwiran ang posisyon nito sa pinag-aagawang teritoryo.

Upload: jamesmatthewwong

Post on 13-Dec-2015

231 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

News

TRANSCRIPT

Page 1: 6 July 2015 News

Petisyon ng Pilipinas sa West PH Sea, diringgin sa Netherlands simula Martes

Diringgin ng permanent court of arbitration sa The Hague, Netherlands ang petisyong inihain ng Pilipinas upang maresolba ang maritime entitlement issues sa West Philippine Sea simula sa Martes, Hulyo 7. Tatagal ito hanggang sa Hulyo 13.

Katuwang ang mga abogado mula sa Washington, D.C. law firm na Foley Hoag, ipipresinta ni Solicitor General Florin Hilbay ang mga argumento ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio 'Sonny' Coloma, Jr., bahagi ng delegasyon ng bansa si Executive Secretary Paquito Ochoa para sa ehekutibo, sina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte para sa lehislatura, at sina Supreme Court Justices Antonio Carpio at Francis Jardeleza para sa hudikatura.

Binanggit ni Coloma na kumpiyansa ang pamahalaan na nasa katwiran ang posisyon nito sa pinag-aagawang teritoryo.

Page 2: 6 July 2015 News

Poe: Bakit di kasama si Abaya sa kinasuhan dahil sa MRT deal?

Kinuwestyon ni Senador Grace Poe ang hindi pagkakasama ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya sa mga pinakakasuhan ng Ombudsman kaugnay ng anomalya sa Metro Rail Transit (MRT).

Ayon sa Senador, pag-aaralan niya ang resolusyon ng Ombudsman para matukoy kung bakit hindi kabilang dito si Abaya gayong nilagdaan umano nito ang maanomalyang maintenance contract.

Nilinaw naman ng senador na iginagalang niya ang findings ng Ombudsman at pabor siya sa paghahabla kay Vitangcol at sa limang incorporators ng Philippine Trans Rail Management and Services Corp. 

Nanindigan siyang dapat itong magsilbing babala sa kasalukuyang administrasyon ng MRT.

Anya, "This should serve as a severe warning to the current MRT administrators to get their acts together and that ineptness prompted by illegal motives shall be dealt with severely."

Page 3: 6 July 2015 News

Higit 100 pamilya sa Cebu, inilikas dahil kay 'Egay'

Inilikas ang mahigit 100 pamilyang nakatira malapit sa baybayin ng Talisay City, Cebu dahil sa hagupit ng Bagyong Egay. 

Ayon kay Talisay City Mayor Johnny Delos Reyes, giniba sa paghampas ng malalakas na alon ang 13 bahay sa Brgy. Cansojong at apat sa Brgy. Tangke. 

Halos 50 tahanan naman sa Sitio Litmon, Barangay Poblacion ang apektado sa bahang dulot ng pagtaas ng karagatan. 

Pansamantalang tumutuloy sa mga paaralan ang mga apektadong pamilya o kaya ay nakitira muna sa mga kaanak. 

Nabigyan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Talisay ng paunang tulong ang mga nasalanta.

Page 4: 6 July 2015 News

Nagpabaya sa lumubog na bangka sa Ormoc parusahan - Malacañang

Dapat parusahan kung sino man ang mapapatunayang nagpabaya sa paglubog ng isang bangka sa Ormoc City noong nakaraang Huwebes lalo pa’t umaabot na sa mahigit na 50 ang namatay ayon sa Palasyo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mahalagang matukoy kung may nangyaring kapabayaan lalo pa’t lumalabas sa mga ulat na overloading ang nasabing bangkang de motor.

Mahalaga aniyang magpatupad ng mahigpit na inspeksiyon upang matiyak na “seaworthy” ang mga naglalayag na mga bangka at barko.

May mga pagkakataon aniya na hindi na kontrolado ng gobyerno ang sitwasyon lalo pa’t kung ang naging sanhi ng aksidente ay ‘human error’.

Page 5: 6 July 2015 News

Hamon kay Ombudsman Morales Roxas, Baldoz kasuhan sa Kentex fire

Hinamon ng militant labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) si Ombudsman Conchita Carpio Morales na kasuhan sina Labor Secretary Rosalinda Baldoz at DILG Secretary Mar Roxas kaugnay ng naganap na Kentex fire.

Ang hakbang ay ginawa ng KMU nang sabihin kamakailan ni Morales na wala siyang sasantuhin sa pagsasampa ng batas maging kaalyado man ni Pangulong Aquino tulad ni dating PNP Chief Alan Purisima.

Ayon sa KMU, si Baldoz at Roxas ay inereklamo na sa Ombudsman ng mga pamilya ng mga survivors at namatay sa nagdaang Kentex fire noong June 8 pero hanggang sa ngayon ay wala pang aksiyon hinggil dito si Morales.

Dagdag pa ng grupo, sa kabila na inereklamo nila sa Ombudsman si Baldoz ay ito pa mismo ang nagdala sa Department of Justice ng criminal charges  sa mga may-ari ng Kentex.

Sinasabi ng KMU na malaki ang pananagutan nina Roxas at Baldoz sa naganap na Kentex fire dahil sa kapabayaan nila sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin kayat naganap ang trahedya.

Page 6: 6 July 2015 News

Senado magsasagawa rin ng biometrics registration

Magsasagawa na rin sa Senado ng biometrics registration ang Commission on Elections (Comelec) upang mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng Mataas na Kapulungan na makapagparehistro at makuha ang kanilang data.

Layunin ng nasabing batas na linisin ang listahan ng Comelec mula sa mga “ghost voters”.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, mahalagang masunod ang batas at matiyak na lahat ay sumailalim sa biometrics registration upang makaboto sa 2016.

Balak ring hilingin ng senador sa Comelec na payagan ang mga miyembro ng Senate media na makuha ang kanilang biometrics dahil marami aniya sa kanila ang hindi na nakakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Ilang Senate employees na naka-rehistro sa Visayas o Mindanao, ay wala pa ring biometrics data registration na kinakailangan sa pagpapatupad ng automation election law.

Page 7: 6 July 2015 News

China ayaw humarap sa UN tribunal

Hindi na ikinagulat ng Palasyo ang pahayag ng China na ang paghahain ng kaso ng Pilipinas sa UN Arbitration Tribunal hinggil sa West Philippine Sea dispute ay political provocation.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ganito talaga ang posisyon ng China dahil ayaw idepensa ang mga ginagawang reclamation sa harap ng tribunal.

Ayon kay Usec. Valte, naniniwala at naninindigan silang ang paghahain ng kaso sa tribunal ay sang-ayon sa commitment na resolbahin ang agawan ng teritoryo sa payapang paraan.

Nauna nang tumatanggi ang China na pasailalim sa tribunal arbitration at iginigiit ang bilateral approach.

Page 8: 6 July 2015 News

PDEA nagtanim ng 550 puno

Nagtanim ng may 550 puno ang mga opisyal at empleado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bulubunduking kagubatan sa Tanay, Rizal.

Pinangunahan ni PDEA Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga tauhan kasama ang mga participants mula sa lokal na pamahalaan ng Tanay, PNP Police Regional Office 4A, Philippine Army’s 2nd Infantry Division, NGOs, Cuyambay High School Boys/Girls Scouts, Cuyambay elementary students na nagtanim ng 550 saplings ng dalandan at iba’t ibang fruit-bearing trees malapit sa PDEA/Tanay Park.

Layon ng National Greening Program na makapagtanim ng may 1.5 bilyong puno sa loob ng anim na taon na nagsimula noong 2011 hanggang sa 2016.

Ang bawat mag-aaral at empleado ng pamahalaan ay required na magtanim ng 10 puno kada taon habang ang private sectors at civil society groups ay inaanyayahang makiisa sa greening program.

Page 9: 6 July 2015 News

PNoy pinaiimbestigahan ang paglubog ng bangka sa Ormoc

Iniutos ni Pangulong Aquino sa Philippine Coast Guard (PCG) ang mabilisang imbestigasyon sa lumubog na bangka sa Ormoc City kung saan nasa 45 pasahero ang nasawi.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inaasahan ng Pangulo na agarang matukoy ng PCG ang dahilan ng paglubog ng MV/Kim Nirvana-B na may lulang 173 pasahero at 14 crew ilang minuto matapos umalis sa Port of Ormoc.

Sa huling ulat ay naiahon nang lahat ang 45 na nasawi sa lumubog na bangka at wala nang hinahanap habang 142 ang nakaligtas.

Sa inisyal na ulat ng PCG ay hindi naman overloaded ang nasabing motorized banca pero tinitignan nila ang human error na sanhi ng paglubog ng bangka.

Nakiramay naman ang Pangulo sa mga naulila ng trahedya at nangako sa mabilis na imbestigasyon sa insidente upang mapanagot ang mga may sala.

Page 10: 6 July 2015 News

Pinoy Tasty, Pandesal may tapyas presyo

Magkakaroon ng bawas sa presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal simula Hulyo 14.

Sinabi ni Nestor Constancia, pangulo ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking), na P0.50 ang mababawas sa Pinoy Tasty kaya bababa ito sa P36.

Makakaltasan naman ng P0.25 ang Pinoy Pandesal na mula sa dating P22.25 ay magmumura sa P22.

Paliwanag ni Constancia, magiging posible ito dahil umano maghahalo sila ng mas murang imported flour sa local na harina at sisiguruhin na ang quality o uri ng tinapay ay hindi magbabago.

Tiniyak naman ni Trade and Industry Undersecretary Vic Dimagiba na patuloy na tututukan ng kanyang ahensya ang presyo ng harina sa bansa para mapababa pa ang bentahan ng tinapay.