33_edukasyon sa ikatlong republika.pdf

Upload: catherinerenante

Post on 01-Jun-2018

331 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    1/10

    H

    E

    K

    A

    SI

    5

    Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

    Distance Education for Elementary Schools

    SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

    EDUKASYON SA

    IKATLONG REPUBLIKA

    Department of Education

    BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION2nd Floor Bonifacio Building

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    2/10

    Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

    DepEd - Division of Negros Occidental

    under the Strengthening the Implementation of Basic Education

    in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

    This edition has been revised with permission for online distribution

    through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal

    Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

    “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However,

     prior approval of the government agency or office whereinthe work is created shall be necessary for exploitation ofsuch work for profit.”

    This material was originally produced by the Bureau of ElementaryEducation of the Department of Education, Republic of the Philippines. 

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    3/10

     

    GRADE V

    EDUKASYON SA IKATLONG REPUBLIKA

     Ang Ikatlong Republika ng pinasinayaan noong Hulyo 4, 1946.Nagkaroon ng Anim na Pangulong nanungkulan mula 1946 hanggang 1981.

    Sa kanilang panunungkulan di rin nakaligtas ang pagpapabuti sakalagayan ng edukasyon sa bansa.

     ALAMIN MO

    MANUEL A. ROXASHulyo 4, 1946 – Abril 15, 1948

    ELPIDIO QUIRINO Abril 17, 1948 – Disyembre 30, 1953

    RAMON MAGSAYSAYDisyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957

    CARLOS P. GARCIAMarso 17, 1957 – Disyembre 30, 1961

    DIOSDADO MACAPAGALDisyembre 30, 1961 – Disyembre 30,

    1965

    FERDINAND MARCOSDisyembre 30, 1965 – Pebrero 25,

    1986

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    4/10

     

    2

     Anu-ano kaya ang mga binigyang-diin sa edukasyon sa panahon ngIkatlong Republika?

    Ito ang tatalakayin natin sa modyul na ito.

    Handa ka na ba?

    Mahuhulaan mo kaya?

    1. Anong ang unang paaralang naitatag sa panahon ng Espanyol?

    2. Anong ang mga naging unang guro sa panahon ng Espanyol?

    3. Anong ang ginawang opisyal na wika ni Pangulong Laurel sa

    bansa?

    4. Anong ang tinawag sa mga gurong Amerikano?

    5. Anong ang mga paaralang binuksan upang sanayin ang mga

    nais maging guro sa mga paaralan?

    PAGBALIK-ARALAN MO

    T

    P

    M

    T

    N

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    5/10

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    6/10

     

    4

    Ipinagpatuloy ang maka-amerikanong sistema ng edukasyon. Itinuro parin ang mga kaisipang pangdemokrasya at Ingles pa rin ang wikang panturo.

    May ilang Pilipino na nabahala sa sistema ng edukasyon noon. Isa na rito

    si Arturo Tolentino, isang mambabatas na nagpasimuno ng pagsasaayos ngsistema upang maiangkop sa malayang Pilipino.

    Suriin mo sa kabilang pahina ang balangkas ng mga naging pagbabagosa edukasyon.

    Patakaran sa Edukasyonsa Panahon ng Ikatlong

    Republika

    Paggamit ng wikang pook bilangwikang panturo saBaitang I at II

    Ipinakilala ang mgapaaralangpampamayananupang maiangkopsa panahon ngkahirapan

    Ipinaturo angkatangi-tangingnagawa ng mgabayani. Isinalin saPilipino ang mgabatayang aklat.

    Nagkaroon ngtiwala sa sariliang mga bata atnakilahok sila satalakayan

    Itinuro ang mgagawaingmapakiki-nabangan sapagpapaunladng pamumuhaysa pook rural

    Ipinahayag ngBatas RepublikaBlg. 139 angpagtatag nglupon para sbatayang aklat

    Itinuro rin ang:

    Kalusugan at kalinisanMakaagham na pagsasaka

    Pag-aalaga ng manok at baboyPaluluto at pananahi

    Mga industriyang pantahanan

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    7/10

     

    5

    Bukod dito may mga programa pa ring sinimulan.

    Isang programang inilunsad sa panahong ito ay ang “Mag-aral muna bagomagbayad”. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang may

    kakayahan na makapagpatuloy ng pag-aaral. Bukod dito, nagkaloob din ng mgaiskolarsip sa mga mag-aaral na mahihirap ngunit matatalino.

    Mayroon ba sa iyong mga kamag-anak na nabiyayaan na ng mgaprogramang iskolarsip?

    Ibig mo rin bang maging iskolar? Ano ang nararapat mong gawin?

     A. Tingnan mong muli ang tsart tungkol sa mga patakaran sa Edukasyon sapanahon ng Ikatlong Republika upang masagot mo ang sumusunod namga tanong:

    1. Sa anong baitang pinagamit ang wika ng pook bilang wikang panturo? Ano ang naging resulta nito?

    2. Bakit nagbuo ng mga paaralang pampayanan? Anu-ano ang mgaitinuro rito?

    3. Ano ang ginawa sa mga aklat na nakalimbag sa Ingles?

    B. Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang edukasyon sa panahon ngHapones at sa panahon ng Ikatlong Republika?

    Panahon ng Hapon Panahon ng IkatlongRepublika

    Paaralan

    Wikang Panturo

    Mga Binigyang – diin saPagtuturo

    Mga Guro

    Mga Aklat

    PAGSANAYAN MO

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    8/10

     

    6

      Itinakda ang paggamit ng wika ng pook bilang wikang panturo saBaitang I at II.

      Nagsagawa ng mga proyekto at programa upang mapaunlad angsistema ng edukasyon sa bansa.

    Isulat mo sa iyong kuwadernong sagutan ng iyong sagot. Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon?

    1. Ikaw ay nabiyayaan ng programang “Mag-aral muna bago magbayad”. 2. Ikaw ay napagalitan dahil hindi nakakaintindi ng wikang Ingles.

    Nais mo bang gumawa ng manyikang basahan? Ihanda mo angsumusunod na gamit:

    Mga basahan Pentel penPanali Gunting

    Sundan mo ang sumusunod na hakbang.

    1. Gupitin ang mga basahan ayon sa laki ng manyika na iyong gagawin.2. Kumuha ng isang bilog na bagay na ilalagay sa basahan na siyang

    magiging mukha.3. Itali mo ito4. Gumawa ka ng pangkamay at para sa paa.5. Itali mo ito sa kaliwa at kanang bahagi.

    TANDAAN MO

    ISAPUSO MO

    GAWIN MO

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    9/10

     

    7

    Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong kuwadernong sagutan.

    1. Ang mga sumusunod ang naglalarawan tungkol sa kalagayan ngedukasyon matapos ang ikalawang digmaan maliban sa isa. Alin ito?

    a. nasira ang mga gusaling pampaaralanb. nawalan ng mga kagamitanc. maraming aklat ang ginamit sa klased. lumaki ang bilang ng mga nagsisipag-aral

    2. Bakit nagtalaga ng mga paaralang pampamayanan?a. upang maituro ang mga gawaing mapapakinabangan sa

    pagpapaunlad ng pamumuhayb. upang matamo ang mga pangunahing pangangailanganc. upang lumaki ang kinikitad. upang mabago ang ugali sa pamayanan

    3. Paano nakatulong sa mga mag-aaral ang programang “Mag-aral munabago magbayad”?

    a. marami ang pumasok nang libre sa paaralan

    b. napabuti ang pamumuhay ng mag-aaralc. nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang may

    kakayahang makapag-arald. walang pagkakataon ang mahihirap na makapag-aral

     Anim ang naging pangulo sa panahon ng Ikatlong Republika. Pumili ka ngisang pangulo na nais mong tularan. Magsaliksik ka ng tungkol sa kanyangtalambuhay.

    PAGTATAYA

    PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

  • 8/9/2019 33_Edukasyon sa Ikatlong Republika.pdf

    10/10

     

    8

    Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mo

    na ngayong simulan ang susunod namodyul.