2010-0011

2
O MARY CONCEIVED WITHOUT SIN, PRAY FOR US WHO HAVE RECOURSE TO THEE! THE EXECUTIVE OFFICERS 2010-2013: QUERUBIN JOHN ALBERT DUPAYA GURTIZA Chairman QUERUBIN RAFAEL OBREGON LICUP JR. Vice-Chairman-Internal Affairs QUERUBIN MARK JOSEPH MIRANDA RUIZ Vice-Chairman- External Affairs HIJA DE MARIA CORAZON BOTIL FULACHE Secretary HIJA DE MARIA ETHEL MAGPARANGALAN SALUDO and HIJA DE MARIA RACHEL SALMERO BODEGAS Assistant Secretaries HIJA DE MARIA SHELLA MAY ANULAO RIVERA Treasurer HIJA DE MARIA KRISTINE MAE TENORIO ESTACIO (Makati), SERAFIN ROEL RODRIGUEZ VARGAS (Pasig), HIJA DE MARIA ELSIE STA. CRUZ BARCENA (Taguig) Assistant Treasurers QUERUBIN JOSELITO ARBIN NORTE ASYAO, QUERUBIN JEFFREY BULAN, HIJA DE MARIA NIKOLE MOTA PASCUAL Public Information Officers HIJA DE MARIA JOSEPHINE MARCOS PASCUA Emeritus (June 2010) THE COMMUNITY HEADS 2010-2013: HIJA DE MARIA MICHAELLA FLORES PACIS (Makati), SERAFIN BRYAN PALOMAR OBRA (Pasig), QUERUBIN RAFAEL OBREGON LICUP JR. (Taguig-OIC), QUERUBIN MARK JOSEPH MIRANDA RUIZ (KOA-Sacristan Mayor) Pahina 1 ng 2 2010-0011 Ika-2 ng Hunyo, 2010 Kapistahan ni San Marcelino at San Pedro, mga Martir KANYANG BIYAYA †AMBROSIO GLAN TALICUG CABRERA, D.D., OMHS Obispo ng Diyosesis ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa APO MARIA HONESTA DE PADUA (Sis. Gaudencia Dolora Velasco Moreno) Pinunong Pang-Rehiyon, Rehiyon 5: Birhen ng Medalya Milagrosa PAKSA : ANG BANAL NA KATAHIMIKAN AT MGA ALITUNTUNIN TUWING MAYROONG BANAL NA PAGDIRIWANG CC : KAPARIAN NG DIYOSESIS, SERAFIN ALEXON FLORES DOMINGO, PINUNO NG R13; MGA PINUNO NG DISTRITO NG MGA APO, MGA NANAY MARIA, MGA KATUWANG NG TOKA 5 “Ngunit si Yahweh ay nasa kanyang banal na templo, tumahimik ang lahat sa harapan Niya.” Habacuc 2: 20 Ave Maria purissima, sin pecado con su vida! May mahalaga at mabigat na dahilan kung bakit kinakailangang panatilihin ang katahimikan bago, habang at pagkatapos ng Banal na Pagdiriwang, sa loob at labas ng bahay-dalanginan. Ayon sa Ang Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma, talata 29 na may pamagat na Ang Katahimikan ganito ang nakasaad: Ang banal na katahimikan ay kabilang din sa bumubuo sa pagdiriwang, at ito ay dapat mangyari sa itinakdang panahon. Ang layunin at kahulugan nito ay nakabatay sa bawat pinaggaganapang pagdiriwang. Sa pagsisisi ng kasalanan at pagkaraan ng paanyaya sa pagdalangin ang bawat isa ay makapagsasaloob sa diwa ng mga dapat gampanan sa pamamagitan ng pananahimik. Ito ay nagbibigay ng pagkakataong mapag-isipan ang mga pagbasa at ang homiliya matapos maipahayag ang mga ito. Pagkapakinabang, ang banal na katahimikan ay pagkakataong panuutin sa kalooban ang pagpupuri at pagdalangin sa Diyos. Nagiging kapansin-pansin na ang hindi magandang pag-uugali ng lahat ng mga kabataan tuwing Banal na Pagdiriwang. Nagiging palasak na ang pakikipagkwentuhan, pagtetext o pagtawag gamit ang cellphone, paglikom o pangongolekta ng kung anu-ano, mapa-salapi man o mga kasulatan, pagkain at pag-inom ng anuman (halimbawa, soft drinks), paggamit ng palikuran na madalas ay nagdudulot ng ingay, paglalakad-lakad at marami pang ibang bagay na nakakagambala sa iba habang ginaganap ang Banal na Pagdiriwang. Ito ay hindi katanggap-tanggap at dapat wakasan. Nais paalalahanan ng liham na ito, hindi lamang ang mga bagong hirang na mga katuwang kundi maging yaong mga matagal na sa kaganapan na ang Diyos ay marapat igalang at ang Banal na Pagdiriwang ay marapat panatilihing banal. Hinihikayat din ng liham na ito ang lahat na igalang ang kapuwa mananampalataya na nagnanais rin namang makapagpuri sa Diyos at maka-ulayaw ito sa panahon ng Banal na Pagdiriwang. Kung kaya, mahalagang ihanda ang sarili bago dumalo sa Banal na Pagdiriwang, itigil ang lahat ng gawain pagkasimula ng Banal na Pagdiriwang at manatiling nasa kabanalan sa pamamagitan ng pagsupil sa dila at pagtutuon ng buong sarili sa ginaganap. Kung kaya, kasama ng liham na ito ay ang mga tagubilin sa lahat ng mga katuwang na sana ay pagmalasakitang tupadin ng bawat isa hindi sa diwa ng pagsunod lamang bagkus, sa diwa ng paggalang sa Diyos at sa diwa ng pagpapanatili ng kabanalan ng sarili upang maging marapat sa ginaganap na Banal na Pagdiriwang. Ang mga tagubilin na ito nawa ay pamarisan ng lahat, bata man o matanda, na nais gumalang sa Diyos, sa kanyang kapuwa mananampalataya at sa ginaganap na Banal na Pagdiriwang. Ang mga tagubilin ay kinakailangang ipaskil sa mga bulletin boards ng bawat bahay dalanginan at kinakailangang basahin sa loob ng Banal na Pagdiriwang, sa bahaging Mga Pabatid sa ika-18 ng Hulyo (3 rd Sunday) at ika-25 ng Hulyo (4 th Sunday), 2010. APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH • DIOCESE OF THE QUEEN OF ANGELS REGION 13 TOKA 5 Makati Marikina Pasig Pateros Rodriguez San Mateo Taguig E-MAIL AD/FSTER: [email protected] WEBPAGE: www.themilagrosans.wordpress.com • FBOOK FUN PAGE: Mga Anak ng Mahal na Ina ng Medalya Milagrosa OFFICIAL CONTACT NUMBERS Internal Affairs : +63921.498.37.04 Gen. Financial Records : +63928.412.72.46 Info Officer-Makati : +63908.345.00.79 External Affairs/KOA : +63907.196.12.77 EATreasurer-Makati : +63939.887.75.45 Info Officer-Pasig : +63912.867.91.25 MEC Concerns : +63929.709.21.54 EATreasurer-Pasig : +63907.178.33.71 Info Officer-Taguig : +63912.962.20.22 Attendance : +63920.695.05.98 EATreasurer-Taguig : +63907.944.56.83 Minutes of Meetings : +63915.847.22.16 Comm. Head-Makati : +63922.356.08.03 Comm. Head-Pasig : +63928.237.19.39 Comm. Head-Taguig : +63921.498.37.04 EMPOWERMENT AND SPIRITUALITY FOR 2010 LAGDA NG PARI AT PETSA LAGDA NG NANAY MARIA AT PETSA LAGDA NG PINUNO DISTRITO NG MGA APO AT PETSA Encl.: Mga Alituntunin Para sa Lahat ng mga Katuwang Tuwing Bago, Habang at Matapos ang Banal na Pagdiriwang Reference: Ang Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma To be included in the Perpetual Index under the following subjects: HOLY MASS AUXILIARY DISCIPLINE The Official Organization of the Auxiliaries in the Diocese of Our Lady of the Miraculous Medal

Upload: john-albert-dupaya-gurtiza

Post on 10-Apr-2015

99 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 2010-0011

O M A R Y C O N C E I V E D W I T H O U T S I N , P R A Y F O R U S W H O H A V E R E C O U R S E T O T H E E !

THE EXECUTIVE OFFICERS 2010-2013: QUERUBIN JOHN ALBERT DUPAYA GURTIZA Chairman QUERUBIN RAFAEL OBREGON LICUP JR. Vice-Chairman-Internal Affairs QUERUBIN MARK JOSEPH MIRANDA RUIZ Vice-Chairman- External Affairs HIJA DE MARIA CORAZON BOTIL FULACHE Secretary HIJA DE MARIA ETHEL MAGPARANGALAN SALUDO and HIJA DE MARIA RACHEL SALMERO BODEGAS Assistant Secretaries HIJA DE MARIA SHELLA MAY ANULAO RIVERA Treasurer HIJA DE MARIA KRISTINE MAE TENORIO ESTACIO (Makati), SERAFIN ROEL RODRIGUEZ VARGAS (Pasig), HIJA DE MARIA ELSIE STA. CRUZ BARCENA (Taguig) Assistant Treasurers QUERUBIN JOSELITO ARBIN NORTE ASYAO, QUERUBIN JEFFREY BULAN, HIJA DE MARIA NIKOLE MOTA PASCUAL Public Information Officers HIJA DE MARIA JOSEPHINE MARCOS PASCUA Emeritus (June 2010) THE COMMUNITY HEADS 2010-2013: HIJA DE MARIA MICHAELLA FLORES PACIS (Makati), SERAFIN BRYAN PALOMAR OBRA (Pasig), QUERUBIN RAFAEL OBREGON LICUP JR. (Taguig-OIC), QUERUBIN MARK JOSEPH MIRANDA RUIZ (KOA-Sacristan Mayor)

Pah

ina 1

ng 2

2010-0011 Ika-2 ng Hunyo, 2010

Kapistahan ni San Marcelino at San Pedro, mga Martir

KANYANG BIYAYA †AMBROSIO GLAN TALICUG CABRERA, D.D., OMHS

Obispo ng Diyosesis ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa

APO MARIA HONESTA DE PADUA (Sis. Gaudencia Dolora Velasco Moreno)

Pinunong Pang-Rehiyon, Rehiyon 5: Birhen ng Medalya Milagrosa

PAKSA : ANG BANAL NA KATAHIMIKAN AT MGA ALITUNTUNIN TUWING MAYROONG BANAL NA PAGDIRIWANG

CC : KAPARIAN NG DIYOSESIS, SERAFIN ALEXON FLORES DOMINGO, PINUNO NG R13; MGA PINUNO NG DISTRITO

NG MGA APO, MGA NANAY MARIA, MGA KATUWANG NG TOKA 5

“Ngunit si Yahweh ay nasa kanyang banal na templo, tumahimik ang lahat sa harapan Niya.” Habacuc 2: 20

Ave Maria purissima, sin pecado con su vida!

May mahalaga at mabigat na dahilan kung bakit kinakailangang panatilihin ang katahimikan bago, habang at pagkatapos ng Banal na Pagdiriwang, sa loob at labas ng bahay-dalanginan. Ayon sa Ang Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma, talata 29 na may pamagat na Ang Katahimikan ganito ang nakasaad: Ang banal na katahimikan ay kabilang din sa bumubuo sa pagdiriwang, at ito ay dapat mangyari sa itinakdang panahon. Ang layunin at kahulugan nito ay nakabatay sa bawat pinaggaganapang pagdiriwang. Sa pagsisisi ng kasalanan at pagkaraan ng paanyaya sa pagdalangin ang bawat isa ay makapagsasaloob sa diwa ng mga dapat gampanan sa pamamagitan ng pananahimik. Ito ay nagbibigay ng pagkakataong mapag-isipan ang mga pagbasa at ang homiliya matapos maipahayag ang mga ito. Pagkapakinabang, ang banal na katahimikan ay pagkakataong panuutin sa kalooban ang pagpupuri at pagdalangin sa Diyos. Nagiging kapansin-pansin na ang hindi magandang pag-uugali ng lahat ng mga kabataan tuwing Banal na Pagdiriwang. Nagiging palasak na ang pakikipagkwentuhan, pagtetext o pagtawag gamit ang cellphone, paglikom o pangongolekta ng kung anu-ano, mapa-salapi man o mga kasulatan, pagkain at pag-inom ng anuman (halimbawa, soft drinks), paggamit ng palikuran na madalas ay nagdudulot ng ingay, paglalakad-lakad at marami pang ibang bagay na nakakagambala sa iba habang ginaganap ang Banal na Pagdiriwang. Ito ay hindi katanggap-tanggap at dapat wakasan. Nais paalalahanan ng liham na ito, hindi lamang ang mga bagong hirang na mga katuwang kundi maging yaong mga matagal na sa kaganapan na ang Diyos ay marapat igalang at ang Banal na Pagdiriwang ay marapat panatilihing banal. Hinihikayat din ng liham na ito ang lahat na igalang ang kapuwa mananampalataya na nagnanais rin namang makapagpuri sa Diyos at maka-ulayaw ito sa panahon ng Banal na Pagdiriwang. Kung kaya, mahalagang ihanda ang sarili bago dumalo sa Banal na Pagdiriwang, itigil ang lahat ng gawain pagkasimula ng Banal na Pagdiriwang at manatiling nasa kabanalan sa pamamagitan ng pagsupil sa dila at pagtutuon ng buong sarili sa ginaganap. Kung kaya, kasama ng liham na ito ay ang mga tagubilin sa lahat ng mga katuwang na sana ay pagmalasakitang tupadin ng bawat isa hindi sa diwa ng pagsunod lamang bagkus, sa diwa ng paggalang sa Diyos at sa diwa ng pagpapanatili ng kabanalan ng sarili upang maging marapat sa ginaganap na Banal na Pagdiriwang. Ang mga tagubilin na ito nawa ay pamarisan ng lahat, bata man o matanda, na nais gumalang sa Diyos, sa kanyang kapuwa mananampalataya at sa ginaganap na Banal na Pagdiriwang. Ang mga tagubilin ay kinakailangang ipaskil sa mga bulletin boards ng bawat bahay dalanginan at kinakailangang basahin sa loob ng Banal na Pagdiriwang, sa bahaging Mga Pabatid sa ika-18 ng Hulyo (3rd Sunday) at ika-25 ng Hulyo (4th Sunday), 2010.

A P O S T O L I C C A T H O L I C C H U R C H • D I O C E S E O F T H E Q U E E N O F A N G E L S • R E G I O N 1 3 • T O K A 5

M a k a t i • M a r i k i n a • P a s i g • P a t e r o s • R o d r i g u e z • S a n M a t e o • T a g u i g E-MAIL AD/FSTER: [email protected] • WEBPAGE: www.themilagrosans.wordpress.com • FBOOK FUN PAGE: Mga Anak ng Mahal na Ina ng Medalya Milagrosa

OFFICIAL CONTACT NUMBERS

Internal Affairs : +63921.498.37.04 Gen. Financial Records : +63928.412.72.46 Info Officer-Makati : +63908.345.00.79

External Affairs/KOA : +63907.196.12.77 EATreasurer-Makati : +63939.887.75.45 Info Officer-Pasig : +63912.867.91.25

MEC Concerns : +63929.709.21.54 EATreasurer-Pasig : +63907.178.33.71 Info Officer-Taguig : +63912.962.20.22

Attendance : +63920.695.05.98 EATreasurer-Taguig : +63907.944.56.83 Minutes of Meetings : +63915.847.22.16

Comm. Head-Makati : +63922.356.08.03 Comm. Head-Pasig : +63928.237.19.39 Comm. Head-Taguig : +63921.498.37.04

E M P O W E R M E N T A N D S P I R I T U A L I T Y F O R 2 0 1 0

LAG

DA

NG

PA

RI A

T P

ETSA

LAG

DA

NG

NA

NA

Y M

AR

IA A

T P

ETSA

LAG

DA

NG

PIN

UN

O D

ISTR

ITO

NG

MG

A A

PO

AT

PET

SA

Encl.: Mga Alituntunin Para sa Lahat ng mga Katuwang Tuwing Bago, Habang at Matapos ang Banal na Pagdiriwang Reference: Ang Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma To be included in the Perpetual Index under the following subjects: HOLY MASS AUXILIARY DISCIPLINE

The Official Organization of the Auxiliaries in the Diocese of Our Lady of the

Miraculous Medal

Page 2: 2010-0011

O M A R Y C O N C E I V E D W I T H O U T S I N , P R A Y F O R U S W H O H A V E R E C O U R S E T O T H E E !

THE EXECUTIVE OFFICERS 2010-2013: QUERUBIN JOHN ALBERT DUPAYA GURTIZA Chairman QUERUBIN RAFAEL OBREGON LICUP JR. Vice-Chairman-Internal Affairs QUERUBIN MARK JOSEPH MIRANDA RUIZ Vice-Chairman- External Affairs HIJA DE MARIA CORAZON BOTIL FULACHE Secretary HIJA DE MARIA ETHEL MAGPARANGALAN SALUDO and HIJA DE MARIA RACHEL SALMERO BODEGAS Assistant Secretaries HIJA DE MARIA SHELLA MAY ANULAO RIVERA Treasurer HIJA DE MARIA KRISTINE MAE TENORIO ESTACIO (Makati), SERAFIN ROEL RODRIGUEZ VARGAS (Pasig), HIJA DE MARIA ELSIE STA. CRUZ BARCENA (Taguig) Assistant Treasurers QUERUBIN JOSELITO ARBIN NORTE ASYAO, QUERUBIN JEFFREY BULAN, HIJA DE MARIA NIKOLE MOTA PASCUAL Public Information Officers HIJA DE MARIA JOSEPHINE MARCOS PASCUA Emeritus (June 2010) THE COMMUNITY HEADS 2010-2013: HIJA DE MARIA MICHAELLA FLORES PACIS (Makati), SERAFIN BRYAN PALOMAR OBRA (Pasig), QUERUBIN RAFAEL OBREGON LICUP JR. (Taguig-OIC), QUERUBIN MARK JOSEPH MIRANDA RUIZ (KOA-Sacristan Mayor)

Pah

ina 2

ng 2

Ayon kay Apostol San Pablo sa Unang Liham niya sa mga mananampalataya sa Corinto, "...gawin ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at maayos na paraan, " (I Corinto 14: 40). Siya nawa. Lubos na gumagalang,

(Signed)

QUERUBIN JOHN ALBERT DUPAYA GURTIZA Executive Chairman, COLMM Qjadg Nabatid ni: Contrariis quibuslibet minime obstantibus

Anything to the contrary notwithstanding Ang lahat ng mga salungat dito ay pinawawalang-bisa

(Signed) (Signed) APO MARIA HONESTA DE PADUA †AMBROSIO GLAN TALICUG CABRERA, D.D., OMHS

Sis. Gaudencia Dolora Velasco Moreno Obispo ng Diyosesis ng Birhen ng Medalya Milagrosa

Pinunong Pang-Rehiyon, Rehiyon 5 BAGO ANG BANAL NA PAGDIRIWANG

1. Sikaping dumating ng 1 oras bago ang Banal na Pagdiriwang upang makapagbihis ng malinis at plantsadong sutana bago makiisa sa pag-aalay ng 5 misteryo ng Santo Rosaryo. Ang pagbibihis ng malinis na sutana bago ng Banal na Pagdiriwang ay paghahandang pisikal, samantalang ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay paghahanda ng espiritu sapagkat ito ay nakapagpapalinis ng sarili at budhi.

2. Siguraduhing kumain ng sapat at uminom ng tubig bago pumunta sa Banal an Pagdiriwang. Itinatagubilin ang pagpipigil sa sariling kumain o kaya ay uminom isang oras bago ang Banal na Pagdiriwang bilang pagtitiis o sakripisyo para sa Banal na Pagdiriwang.

3. Kung ang lahat na ito ay naganap na ng isang luklukan at hindi pa nagsisimula ang Banal na Pagdiriwang, panatilihin ang katahimikan sa sarili. Ito naman ay mabisang panahon upang magnilay at magsuri ng budhi.

4. Alam ng isang mabuting luklukan ng anghel na siya ay inaasahang nasa harapan ng altar sa panahon ng pagganap ng Banal na Pagdiriwang o anumang gawaing pangkabanalan. Ang mga lalake ay nasa gawing kanan kung nakaharap sa altar samantalang ang mga babae naman ay nasa gawing kaliwa kung nakaharap sa altar. Dito siya inaasahang mananatili bago, habang at hanggang sa matapos ang Banal na Pagdiriwang. Ito ay hindi na dapat ipinaaalala pa sa isang mabuting luklukan.

HABANG GINAGANAP ANG BANAL NA PAGDIRIWANG 1. Supilin ang dila at italaga ang buong sarili: diwa at puso sa ating Panginoon. Iwaksi ang lahat ng alalahanin at damahin sa

tulong ng pananampalataya ang Makapangyarihan at Banal na Diyos. Itigil ang anumang gawain: halimbawa, pamimigay ng sobre, pagreresibo at anu pa man na hindi naman bahagi ng pagluwalhati sa Diyos. Ang lahat ng ito ay dapat isagawa bago ang pagdiriwang, maaari rin naman matapos ang Santa Misa.

2. Supilin ang pagnanais na makipagtext o makipag-usap sa iba gamit ang telepono/cellphone habang nagmimisa. Igalang ang kabanalan ng ginaganap, ang nakikimisa at ang Diyos sa pamamagitan ng paglalagay sa silent mode o mas maigi, pagpatay ng cellphone o anumang communication device.

3. Hangga't maaari, iwasan ang paglalakad-lakad o paglilipat-lipat ng puwesto. Panatilihin ang lugar na kinauupuan habang at hanggang sa matapos ang Santa Misa. Hangga't maaari, iwasan ang paggamit ng palikuran.

4. Gumanap bilang isang katuwang na luklukan ng anghel sa Banal na Pagdiriwang. Halimbawa, pag-awit sa koro, pagbabasa ng mga Salita ng Diyos, pagbabakod, paglilikom ng mga alay at iba pa.

5. Sumabay sa pag-awit ng koro at makiisa sa mga panalangin.

MATAPOS ANG BANAL NA PAGDIRIWANG 1. Sinupin ang lahat ng mga ginamit sa Banal na Pagdiriwang. Panatilihin ang kalinisan ng bahay-dalanginan. Isalansan sa tama

ang mga upuan. Ang bahay-dalanginan ay lugar ng kabanalan. Panatilihin pa rin ang katahimikan. 2. I-off ang lahat ng mga electronic devices na ginamit sa Banal na Pagdiriwang. Ang pagtitipid ng kuryente maging ng tubig o

anumang kaloob ng Diyos ay tanda ng mabuting pamamahala sa lahat ng yamang ipinagkatiwala sa atin. 3. Maaaring ituloy ang lahat ng gawaing pansamantalang itinigil subalit alalahanin ang tungkuling mapanatili ang kaayusan at

kabanalan ng tahanan ng ating Diyos.

LAG

DA

NG

PA

RI A

T P

ETSA

LAG

DA

NG

NA

NA

Y M

AR

IA A

T P

ETSA

LAG

DA

NG

PIN

UN

O D

ISTR

ITO

NG

MG

A A

PO

AT

PET

SA