z p araling panlipunan · 2021. 3. 16. · tagaguhit/tagakuha ng larawan: mara elim p. carreon...

16
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jerome E. Cordova Editor: Jnyl A. Segudan Tagasuri: Al R. Pastor Earl B. Neri Alma L. Carbonilla Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Isabelita M. Borres, CESO III Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan 8 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Zest for Progress Zeal of Partnership Ikatlong Markahan – Modyul 8: Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig

Upload: others

Post on 20-May-2021

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

1

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jerome E. Cordova

Editor: Jnyl A. Segudan

Tagasuri: Al R. Pastor

Earl B. Neri

Alma L. Carbonilla

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon

Tagalapat: Jnyl A. Segudan

Tagapamahala: Isabelita M. Borres, CESO III

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan

8

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Ikatlong Markahan – Modyul 8: Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig

Page 2: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jerome E. Cordova

Editor: Jnyl A. Segudan

Tagasuri: Al R. Pastor

Earl B. Neri

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon

Tagalapat: Jnyl A. Segudan

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

Page 3: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

3

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na

kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

1. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa

at iba’t ibang bahagi ng daigdig. AP8PMD-IIIi-10

Balikan Natin Gawain 1

1. Ano ang Napoleonic Wars?

2. Ano ang ginampanan ni Napoleon Bonaparte sa pagkakaisa ng mga

bansa sa Europe?

3. Paano sinakop ni Bonaparte ang iba’t ibang bansa sa Europe?

4. Bakit ninais ng mga pinuno sa Europe na ibalik ang pamahalaang monarkiya?

Dahil sa Rebolusyong Amerikano at Pranses ay nagkaroon ng malaking bunga sa kaayusang political ang mga bansa sa daigdig. Isang siglo matapos ang

mga ito’y ramdam pa rin ang bakas ng mga ideyang ipinaglaban. Tuklasin ang halaga nito sa Pagsibol ng damdaming nasyonalismo.

Page 4: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

4

Aralin

5

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba’t ibang

Bahagi ng Daigdig

Tuklasin

Gawain 2: PICTURE ANALYSIS!

Panuto: Tingnan at unawaing mabuti ang mga larawan sa bawat bilang. Tukuyin

ang bawat larawan kung ano ang nais na ipahayag. Piliin ang tamang sagot sa

loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

1. ______________________________ 2. ______________________________

3. _______________________________ 4. ______________________________

Nasyonalismo Soviet Union Demokrasya

Rebolusyon Digmaan

Page 5: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

5

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig

Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa Iba-ibang bahagi ng Daigdig

Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng Nasyonalismo, hindi maaaring

biglaan. Kailangan itong madama, at paghirapn ng mga tao upang matutuhan

nilang mahalin ang kanilang bansa. Sa iba, ang kahulugan nito ay damdamin ng

pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba, ito ay pagsasakripisyo pati ng

buhay.

Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba-ibang pamamaraan kung paano nadama

ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang

bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang

damdamin na humahantong sa digmaan.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union

Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong

malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos

doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa

Russia ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox) (CE) kaya tinawag siyang Vladimir

the Saint.

Tartar sa labanan ng Oka si Ivan the Great

Himagsikang Russo

Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang Reblusyon ng mga Russo

na naganap noong unang bahagi ng ika-20 na siglo. Bago nagkaroon ng

himagsikan, ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa mundo, kontrolado ito

ng mga maharlika at pulisya. Magsasakang nakatali sa lupa ang apat sa limang

Russo, walang karapatan at laging nakabaon sa utang. Maging ang industriya sa

ilalim ng Czar.

Nahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga paggawaan upang

pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila sa nagkaroon ng pagkakataong

makapag-aral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, lumikas ang ang intelektuwal na

Russo patungo sa Kanlurang Europe at doon nila nakatagpo ang mga disipolo ni

Kharl Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang mga ito ng dalawang partido.

Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef Stalin at Lion

Trotsky tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin ang dapat sundin ng

Russia. Si Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa

pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig. Samantala, ayon naman kay Stalin,

hindi ito napapanahon dahil mahina pa ang Russia. Nagtagumpay si Stalin at

napilitang tumakas si Trotsky. Nanirahan siya sa Mexico at doon namatay noong

1940.

Nasyonalismo sa Latin America

Pagkatapos ng United States ang kanilang kalayaan sa Great Britain, nag-alsa

ang mga lalawaigan sa Latin America laban sa Spain. Nagkabuklod-buklod sila sa

Page 6: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

6

kanilang pagkamunghi sa awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan,

walang kalayaang magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa pangangalakal.

Nakatulong ang heograpiya ng Latin America sa pagpapaliwanag kung bakit ito

umunlad bilang hiwa-hiwalay na bansa. Inihihiwalay ang Chile sa hanay ng

bundok Andes at ng Disyerto ng Atacama.

Nakalubog ang Paraguay sa malalim na gubat. Nahahati ang mga talampas at

bulkan ang Bolivia mula kanluran. Nahihiwalay sa isa’t isa ang Columbia,

Venezuela at Ecuador, ng mga bahagi ng bundok Andes.

Pagkakaiba ng Lahi Bilang Salik ng Nasyonalismo

Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin America tulad ng

Argentina, Uruguay, Costa Rica at Chile. Ang populasyon ng iba tulad ng Ecuador,

Peru, Bolivia, at Paraguay ay halos Ameican Indians. Sa Dominican Republic,

itinuturing ang ibang lahi na mababang uri. Ang populasyon ng Brazil ay lahing

Aprikano, Indian, at mga nanggaling ng Portugal, France, Spain Germany at Italy.

Maraming Europeo ang naninirahan sa ibang bansang Latin America ngunit sa

Brazil lamang nagkaroon ng pag-aasawahan ang iba-ibang lahi at nasyonalidad.

Ang mga Creole

Tinatawag na mga creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may

Lahing Europeo. Minamaliit ang mga bansang Latin America na creole ang

populasyon, tulad ng Argentina na may populasyong Indian at iba-ibang lahi. Sa

magkahalong populasyon, kasama ang mga mestizo (Espanyol at Indian), zambo

(Indian ay ibang lahi), at mulatto (puti at ibang lahi).

Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga bansang

Latin America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay nagsasalita ng Espanyol. Ngunit

ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga taga-Haiti ay nagsasalita

ng Pranses at maraming Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika.

Si Bolivar- Ang Tagapagpalaya

Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nagnais na palayain ang

South America laban sa mananakop. Siya ay si Simon Bolivar. Ang pagnanais na

ito ay pagpapatuloy lamang sa mga nasimulan ni Francisco de Miranda, isang

Venezuelan. Ang huli ay nag-alsa laban sa mga Espanyol noong 1811 ngunit hindi

siya nagtagumpay na matami ang kalayaan ng Venezuela mula sa Spain.

Kung si Bolivar ang naging bayani sa South America, si Jose de San Martin

(1788-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa mga Espanyol sa Argentina.

Namuno si San Martin sa kanyang grupo sa Andes. Tumulong ito sa liberasyon ng

Chile, gayundin sa Peru. Mayroon din siyang heneral na tulad ni Bernard o

Higgins, isang Chileno.

Naging malungkot ang mga huling taon ng buhay ni Bolivar. Maraming tao ang

nanghinala na nais niyang maging diktador. Binalak naman ng iba na patayin siya.

Nasira ang kanyang pangarap na magtayo ng isang nagkakaisang South

America nang mahati ito sa tatlong republika- ang Venezuela, Colombia, Ecuador.

Page 7: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

7

Ang Demokrasya at Nasyonalismo sa Latin America

Maraming pinuno ang Latin America na gumawa ng mga hakbang sa

pagpapaunlad ng demokrasya na sinalungat naman ng mga diktador. Halimbawa,

si Nivadavia, isang pinuno sa Argentina mula noong 1820 hanggang 1827, siya ang

nagtaguyod ng edukasyon, nagsikap na matamo ang karapatang bumuto para sa

lahat, at gumawa ng paraan upang magkaroon ng makatarungang sistemang legal.

Binuo ang mga lahing puti ng mga mangangalakal na Arab, mga Asyano, at

mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang masalimuot.

Samantalang ang puting minorya (dalawang bahagdan ng populasyon) ay

nagtatatamasa sa kayamanan ng Africa, ang nakakaraming lahing itim (98

bahagdan ng populasyon) naman ay naghihirap.

Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malalayang bansa sa Africa-

Ethopia, Liberia, at Republic of South Africa. Sinasabing nagsimula ang una sa

pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa noong

1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng United

States ang kabisera ng Monrovia. Naging kasapi ng British Commonwealth of

Nations ang ikatlo noong 1910.

Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paglinang ng Nasyonalismo

Ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin, ito ay nag-uugat sa

pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng pilosopo at nagmumulat sa

katotohanan na ang bawat tao ay isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya,

at maging maligaya. Ang pagkakaroon ng kamalayang sila pala ay nasisikil ay

nagbubunga ng pagnanais na wakasan ang pang-aapi ng mga mananakop.

May mga bansang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang

paraan subalit marami ding mga bansa na may mga buhay na ibinuwis upang

lumaya tulad ng mga Pilipino, Amerikano, Hindu, at iba pa. Ang pagnanais na

makamtam ang kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan

upang magkaisa sa pagkakamit ng layunin. Nakahanda silang magbuwis ng buhay

upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban.

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Intelektuwal sa pagsibol ng damdaming

nasyonalismo

2. Ano ang ginampanan ng mga kaisipang radikal sa Rebolusyong Ruso?

3. Paano nakatulong ang wikang Latin at relihiyong Katolisismo sa pag-usbong ng

damdaming nasyonalismo sa Latin America?

Page 8: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

8

4. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba-ibang bahagi ng daigdig, kailan

nadarama ang nasyonalismo?

5. Ikaw, paano mo naipapakita ang iyong pagkamakabayan? Magbigay ng

halimbawa.

Pagyamanin Gawain 3: Maalaala Mo Kaya?

Panuto: Tukuyin ang mga konsepto, personalidad, o pangyayaring hinihingi sa

bawat bilang. Ang initial letter ay ibinigay bilang gabay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

S______B______ 1. Siya ang tiaguriang “Tagapagpalaya ng South America.”

C_____________ 2. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may

lahing Europeo.

V _____________ 3. Kilala sa tawag bilang Lenin.

O_______R______ 4. Rebulosyong pinasimulan ng mga Komunistang Soviet.

O_______________5. Relihiyong ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia.

J___D_S____M___6. Sumunod na nagpataboy ng mga Espanyol sa Argentina.

N_______________ 7. Pinuno ng Argentina na nagtaguyod ng Edukasyon.

S_______________ 8. Ang naghihiwalay sa black at Caucasoid Africa.

B_______________ 9.

P_______________10

Gawain 4: Word Hunt

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ng word hunt grid. Hanapin sa grid ang sagot at kulayan ito gamit ang krayola base sa kulay na nakalaan sa bawat

bilang. Maaaring pahalang o pababa ang mga salita. Iphotocopy ang bahaging ito ng modyul upang gamitin sa pagsagot.

1. Dilaw 2. Kahel 3. Luntian 4. Rosas 5. Pula

P T V L A D I M I R I M C D N C

E Y O R C C A D M E N O R E B G

R U P E O H M N U R A N E M O T

U Z L I B E R A T O R G O O L E

R P M S M I E S A T S O L K I Q

U O J B P N R Y T Y Y L E R V C

S M K A A A I O I R O U M A A Z

S B U K N U C N O E N N U S R A

Sinasabing unang tao sa Africa.

Page 9: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

9

I C S I Y R T A R T A R L Y M R

A S T N C U A L N O L I A A A T

I S A G H D N I V A D A V I A S

I F L F L G A S I G S N T N T R

U J I R O U T M B H M S O I I A

S Q N N E T R O T S K Y P O N B

Mga Tanong:

1. Si Simon Bolivar ay tinaguriang tagapagpalaya o __________________?

2. Ang masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang

kanyang Kalayaan at karangalan?

3. Pangkat ng tao na nagmula sa Asya at sinakop ang mga mamamayan ng

Russia nang mahigit sa 200 taon.

4. Siya ay naniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng

rebolusyong pandaigdig.

5. Ang bansang tinaguriang pinakamalaking burukrasya sa mundo, bago

nagkaroon ng himagsikan.

Gawain 5: Wall of Fame!

Panuto: Isulat sa nakalaang kahon ang mga mga ambag/nagawa ng mga

sumusunod na personalidad sa pagsibol ng Nasyonalismo sa kani-kanilang mga bansa. Gawin ito sa sagutang papel.

KONTRIBUSYO

N

VLADIMIR I SIMON

BOLIVAR ANTONIO JOSE

DE SUCRE

JOSE DE SAN

MARTIN

NIVADAVIA

Page 10: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

10

Isaisip

Gawain 6: Kusigrama

Panuto: Buuin ang kusigrama sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pangkat ng salitang naglalarawan dito.

PAHALANG

1. 1. Ang mga creole na populasyon na

2. may lahing Espanyol at Indian. 3. 2. Pangkat ng tao na nagtataglay ng

4. magkatulad at natatanging pisikal na

5. katangian. 6. 3. Sumakop sa mamamayan ng

Russia 7. ng mahigit 200 taon.

8. 4. Tawag sa emperor ng Russia.

9. 5. Creole na Indian ang lahi. 6. Unang namahala sa Africa.

7. Dating pangalan ng bansang Malawi.

8. Pangulo ng America na ipinangalan ang ikalawang pamahalaan ng

Africa.

PABABA

9. Ang creole na lahing puti at ibang lahi.

10. Ang naghihiwalay sa black at Caucasoid Africa.

11. Populasyong minamaliit sa bansang

Latin America 12. Kontinenteng may tatlong

malalayang

bansa bago nagsimula ang 1914. 13-14 sinasabing unang tao sa Africa.

15. Bansa sa Africa na dumanak ang dugo

bago nakamtan ang kalayaan.

1.

2.

8.

3.

4.

5.

6.

7.

9. 10.

11.

12. 13.

14.

15.

Page 11: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

11

Gawain 7: Gawan Mo Ako ng Tula!

Panuto: Sumulat ng tatlong talatang tula tungkol sa nabasang paksa. Bawat saknong ay dapat binubuo ng tig apat na taludtod. Gawin ito sa sagutang papel. Ang

gawaing ito ay mamarkahan gamit ay rubric.

15 10 5

Pagkakabuo Angkop at wasto ang

mga salitang ginamit sa pagbubuo.

May iilang salitang

ginamit na hindi angkop at wasto.

Walang

kaugnayan at hindi wasto ang

mga salitang

ginamit.

Nilalaman Mabisang naipahayag ang

mensahe ng tula.

Hindi gaanong naipahayag ng

mabisa ang mensahe ng tula.

Hindi naipahayag ng mabisa ang

nilalaman ng tula.

Organisasyon Maayos ang

pagkakasunod-sunod ng mga

impormasyon.

Tama ang

pagsasaayos ngunit napasobra sa mga

detalye na

bahagyang nagpasira sa

gawain.

Hindi maayos ang

pagkakasunod-sunod ng mga

impormasyon.

Pagkamalikhain Simple ngunit nakakamangha.

Malinis at may kaugnayan sa

paksang tinalakay.

Maraming disenyo ngunit may iilan na

walang kinalaman sa paksa.

Hindi gaanong malikhain ang

pagkakagawa at walang

kaugnayan ang

mga disenyo sa paksa.

Gawain 8: SABIHIN MO!

Panuto: Magbigay ng mga ideya sa hinihiling na konsepto sa bawat aytem.

Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Bakit pinaalis ng mga Ruso ang kanilang pinunong czar?

2. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-

araw na

pamumuhay bukod sa pagbili ng produktong Pilipino?

3. Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata na isabuhay ang

prinsipyo ng

nasyonalismo?

Page 12: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

12

Gawain 9: LESSON CLOSURE: A GOOD ENDING

Panuto: Punan ang lesson closure note. Tiyaking tapat at sinsero sa pagsulat ng

mga impormasyon. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

LESSON CLOSURE

Sa araling Pagsibol ng Nasyonaismo….

Isa sa mahalagang kaisipan ay …

Ito ay mahaaga sapagkat …

Isa pang mahalagang ideya ay …

Nararapat itong tandaan dahil …

Sa pangkabuuan …

Page 13: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

13

Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangangusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Siya ang naging punong kalihim ng Partidong Unyong Sobyet na pumalit kay

Lenin bilang pinuno ng Unyong Sobyet. A. Josef Stalin B. Leon Trotsky C. Friedrich Engels D. Juan Manuel de

Roxas

2. Sino ang nagpalaganap ng Kristiyanismong Griyego (Orthodox)sa Russia? A. Napoleon Bonaparte C. Vladimir I

B. Ivan the Great D. Trotsky 3. Alin sa mga sumusunod ang Hindi katangian ng bansang Russia bago naganap

ang himagsikang Ruso? A. Pinakamalaking burukrasya sa mundo

B. Malayang nakapag-aaral ang mga mamayan nito

C. Kontrolado ng mga maharlika at mga pulis ang burukrasya nito D. Ang industriya nito ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar

4. Ano ang tawag sa mga ipinapanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo?

A. Mestizo B. Creole C. Mulatto D. Zambo 5. Ito ay masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang

kaniyang kalayaan, karangalan at karapatan. A. Demokrasya B. Komunista C. Nayonalismo D. Awtokrasya

6. Siya ang Venezuelan na nagpatuloy ng nasimulan ni Francisco Miranda na

palayain ang South America laban sa mga mananakop. A. Simon Bolivar C. Manuel de Rosas

B. Jose de San Martin D. Antonio Jose de Sucre 7. Maraming pinuno ang Latin America na gumawa ng mga hakbang sa

pagpapaunlad ng demokrasya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naging hadlang nito?

A. Maraming mga tao ang tumututol nito. B. Sinalungat ito ng mga diktador.

C. Ayaw ng mga tao na may mamumuno sa kanila.

D. Nagkakaroon na naman ng digmaan. 8. Kailan naganap ang Rebolusyon ng mga Ruso na isa sa mga himagsikang

nakagimbal sa daigdig? A. Noong ika 18 na siglo. B. Noong unang bahagi ng ika-19 na siglo.

C. Noong ika 17 na siglo D. Noong unang bahagi ng ika-20 na siglo. 9. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga pagpapakahulugan sa Nasyonalismo,

Maliban sa;

A. Ito ay pagnanais na sakupin ang isang bansa upang mapalawak ang teritoryo. B. Panatikong pagmamahal sa bayan.

C. Ito ay damdaming matapat at mapagmahal sa bansa o pagsakripisyo ng buhay.

D. Ito ay pagnanais ng mga tao na ipagmamalaki ang kanilang bansa. 10. Sino ang namumuno o naghahari pagkatapos na mamatay si Lenin.

A. Leon Trotsky B. Karl Marx C. Joseph Stalin D. Friedrich Engels

Page 14: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

14

Susi sa Pagwasto

Page 15: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

15

Sanggunian:

Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng Daigdig).

inilathala ng Kagawaaran ng Edukasyon.

Page 16: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Mara Elim P. Carreon Tagalapat: Jnyl A. Segudan Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.