yunit v- ang ring pampanitikan
TRANSCRIPT
YUNIT V- Ang Panunuring Pampanitikan
PANANALIKSIK
Itoy isang pormal na ulat na naglalaman ng orihinal na ideyat opinyon maging ng mga katibayan na susuporta at magpapatunay sa iyong mga ideya.
Masasabi na ang pananaliksik ay susi sa kaunlaran dahil nabibigyang solusyon nito ang mga problemat suliranin. Ito rin ay sistematiko at gumagamit ng sayantipikong pamamaraan upang magkaroon ng makatotohanang resulta.
Dapat na malinaw sa pananaliksik kung: Bakit
ito ginagawa Ano ang layunin Paano o anu ang mga prosesong ginamit Para kanino ito Sino ang dapat gumawa nito
Sa pananaliksik, humahanap tayo ng mga impirikal na datos na magbibigay ng kalutasan sa isang umiiral na suliranin.
Layunin ng Pananaliksik
Makatuklas
ng mga impormasyon o datos Mabigyang solusyon ang isang problema Makapagpatotoo sa makatotohanang palagay at interpretasyon
Matuto
ang tao, partikular sa paaralan kung paano ang pananaliksik Maglinaw sa mga isyung pinagtatalunan
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Pananaliksik
PAGPILI NG PAKSA
PAKSA ito ang siyang pinaguusapan. Ito rin ang pinakasentral na ideya na siyang magiging batayan sa isinasagawang pananaliksik.
Dapat na maging mapili at mapanuri sa pagpili ng paksa. Isaalang-alang ang sariling kakayahan, talinot kabihasaan sa pagpili ng paksa.
Maari ring mapagkunan ng paksa ang: Sarili Radyo
at telebisyon Magasin Laybrari Awtoridad Lipunan o komunidad Pamilyat kaibigan
ANG KONSEPTONG PAPELHango sa salitang konsepto, ito ang magsisilbing gabay sa pagbuo ng iyong pag-aaral o pananaliksik.
Apat na Bahagi ng Konseptong PapelA.B.
C.D.
Rasyunal Layunin Metodolohiya Inaasahang resulta sa bahaging rasyunal
Iba pang mga hakbangin: PANGANGALAP
NG DATOS - sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat, pahayagan, magasin at pakikinig sa balita. Maaari ring makakuha ng datos sa pamamagitan ng serbey.
PAGSUSURI
SA MGA TALANG
NAKALAP - upang makita kung angkop sa paksa ang mga impormasyong nakuha at upang magkaroon ng tamang basehan sa pagpapatunay ng pananaliksik na ginagawa.
PAGGAWA
NG BALANGKAS
- upang maging organisado ang pananaliksik.
PAGSULAT
NG DRAF
- dito pinagsasamasama at pinagsusunud-sunod ang mga impormasyon sa di-pormal na ayos.
PAGREBISA
AT PAGWAWASTO
NG DRAF - sa paraang ito nagdaragdag at nagbabawas ng mga di angkop na impormasyon upang mas maging maayos ang pananaliksik.
PAGSULAT
NG PINAL NA PAPEL
- ito ang pinakahuling hakbangin na kung saan buo na ang pagaaral at isusulat na sa pormal at maayos na paraan ang mga impormasyong nakalap.
URI NG PANANALIKSIK
PAYAK NA PANANALIKSIKIto ay kadalasang isinasagawa sa isang laboratoryo at kadalasang tinatawag ding pundamental na pananaliksik.
PANG-AKADEMYAKaraniwang ginagamit ito ng mga estudyante. Sila ay nagsasaliksik upang masagot ang mga aralin. Nagtatala sila at naghahanap sa mga aklat upang maging tama ang impormasyon.
PANGKASAYSAYANSa pananaliksik na ito sinisiyasat ang mga personal na talaan, mga resibo, pahayagan, mga magasin at aklat, mga kagamitang pangkasaysayan at mga aparato.
PANG-WIKAPinag-aaralan dito kung paano ginagamit ng tao ang kanilang wika, paano nakaiimpluwensya ang kapaligiran sa kanilang pagsasalita. Sinusuri rin ang mga tunog, ang mga gawi at pamumuhay ng isang tao sa kanyang pook.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
OBHETIBO
ang pananaliksik ay kailangang walang kinikilingan, maingat, maayos at organisado ang mga datos. ang pananaliksik ay nangangailangan ng masistemang pamamaraan. Karapat-dapat ang pagpapatotoo sa isang bagay.
LOHIKAL
EMPIRIKAL dito ang mga obserbasyon at mga karansan ng mananaliksik ay kailangan. Nakabatay ang katotohanan sa mga praktikal na pamamaraan at walang kaugnayan ang siyentipikong teorya.
KRITIKAL ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng matapat na katotohanan at tamang paghatol. Nangangailangan din ito ng isang maingat na pagpapaliwanag sa mga isyu na tinanggap at hindi tinanggap.
BAHAGI NG PANANALIKSIK
1.
Suliranin at Kaligiran Nito
Ano ang suliranin? Bakit mo isasagawa ang pananaliksik? Bakit mo pag-aaralan ang paksa?
RASYONAL
Dito nakasulat ang mga kadahilanan kung bakit napili ang paksa at ang kahalagahan ng paksa.
LAYUNIN
a. b.
Nagtataglay ito ng dalawang uri: Pang-kabuuang layunin Tiyak na layunin
KAHALAGAHAN
NG PANANALIKSIK
Nakasaad dito kung sino ang makikinabang at paano magagamit ang pananaliksik sa kanilang sarili. BATAYANG
KONSEPTUWAL
Binubuo ito ng pagpapaliwanag ukol sa problema, nagsisilbi itong basehan sa pagbuo ng hinuha.
BATAYANG
TEORETIKAL
Naglalahad ito ng mga dahilan kung bakit nagsisiyasat ang mananaliksik ng mga panibagong datos na kanyang susuriin at pag-aaralan. Nagiging basehan ito upang maging maingat na mailarawan ang proseso ng pag-aaral.
SAKLAW
AT LIMITASYON NG PAG-
AARAL
Paglilimita ng paksa at saklaw ng pag-aaral. Dito ipinapakita kung para kanino ang pananaliksik, saan ang lugar ng pinagganapan, mga instrumentong ginamit sa pagsasagawa ng pananaliksik.
KATUTURAN
ng mga KATAWAGAN
Makikita rito ang mga terminolohiya o mga key terms na ginamit sa pag-aaral maging ang mga kahulugan ng mga iyon upang lubos na maunawaan ang paksa.
Dapat itoy nakaayos paalpabetiko.
2. MGA KAUGNAY NA LITERATURAMakikita sa bahaging ito ang ibat ibang literatura at pag-aaral na may kaugnayan at nakatulong sa pag-aaral ng mananaliksik. Ilagay ang pamagat ang mga aklat, artikulo at iba pang repesensya maging ang pangalan ng awtor at taon ng pagkakagawa nito.
KAUGNAY NA PAG-AARALKinapapalooban ito ng mga impormasyong hinango sa isang tesis. Kailangang pagbukurin ang mga ideya na hango sa lokal at dayuhang pag-aaral.
Halimbawa:Ayon kay NUNAN (1998) sa paghahanda ng isang kagamitang panturo, ang mga kagamitan ay dapat naglalaman ng mga gawain para sa interaksyon ng mga magaaral. - NUNAN (1998) ay isang halimbawa ng parenthetical citation na ang sorses ay nasa loob ng parentesis.
3.
MGA PAMAMARAANG GAMIT AT PINAGKUNAN NG DATOS Kailangang ipakita rito ang lugar ng pananaliksik, ang populasyon o kalahok sa pananaliksik, ang disenyo ng pananaliksik, mga hakbang sa pananaliksik, ang pagbuo ng pananaliksik, ang kabihasnan ng pananaliksik, ang pagrerebisa batay sa resulta ng pagtataya.
4. PRESENTSYON, PAG-ANALISA at INTERPRETASYON NG DATOS
Sa bahaging ito inuunawa ang mga datos at impormasyon na nakalap. 5. SAMARI, KONKLUSYON at REKOMENDASYONPinakahuling bahagi ng pananaliksik.
GROUP 3Maria Carmela R. Gerella Mharenz T. Gatus Kyle Fernando Branson Guevarra Francisco G Bea Angela Igpit Danica Paula Jimenez Kristine Javier Jelo Lamadrid Myra Lordan