wp12 04/01-tg

32
34567 ABRIL 1, 2012 Jesu-Kristo Mga Sagot sa Ating mga Tanong

Upload: others

Post on 15-Nov-2021

7 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: wp12 04/01-TG

34567ABRIL 1, 2012

Jesu-KristoMga Sagot saAting mga Tanong

Page 2: wp12 04/01-TG

LAYUNIN NG MAGASING ITO, Ang Bantayan, na parangalan ang Diyos na Jehova, ang Kataas-taasang Tagapamahala nguniberso. Noong sinaunang panahon, natatanaw ng isa mula sa bantayan ang mga nangyayari sa malayo. Sa katuladna paraan, ipinakikita ng magasing ito ang kahalagahan ng mga pangyayari sa daigdig ayon sa mga hula ng Bibliya.Inaaliw nito ang mga tao sa pamamagitan ng mabuting balita na di-magtatagal, wawakasan ng Kaharian ng Diyos,isang tunay na gobyerno sa langit, ang lahat ng kasamaan at gagawin nitong paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mgatao na manampalataya kay Jesu-Kristo, na namatay para magkaroon tayo ng pag-asang mabuhay nang walang hangganat namamahala na ngayon bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Ang magasing ito ay walang pinapanigan sa pulitika atpatuluyang inilalathala ng mga Saksi ni Jehova mula pa noong 1879. Sinusunod nito ang Bibliya bilang awtoridad.Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon.Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

34567 Limbag sa Bawat Isyu:42,182,000 SA 194 WIKA

APRIL 1, 2012

TAMPOK NA MGA ARTIKULO3 Paghahanap ng mga Sagot4 Jesu-Kristo—Mga Tanong na Sinagot8 Mahalaga ba ang mga Sagot?

REGULAR NA MGA SEKSIYON9 Alam Mo Ba?

10 Maging Malapıt sa Diyos—“Payagan Mo Sana Kaming Makabalik”

12 Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay

16 Matuto Mula sa Salita ng Diyos—Bakit Binabautismuhan ang mga Kristiyano?

23 Tularan ang Kanilang Pananampalataya—Nagprotekta, Naglaan, Nagtiyaga

29 Tanong ng mga Mambabasa—Sino ang Nagsugo ng “Bituin”?

30 Para sa mga Kabataan—Tumanggap si Moises ng Espesyal na Atas

SA ISYU RING ITO18 Apokripal na mga Ebanghelyo

—Itinagong mga Katotohanan Tungkol kay Jesus?

20 Pakikipag-usap sa Iba—Si Jesus ba ang Diyos?

Photo credits sa pahina 2 at 3, mula sa itaas sa kaliwa pakanan:˘ Massimo Pizzotti/age fotostock and Hagia Sophia;

˘ Angelo Cavalli/age fotostock; ˘ Alain Caste/agefotostock; ˘ 2010 SuperStock; Engravings by Dore

Page 3: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 3

ANG mga tao ay interesado kay Jesus. Mabenta ang mga aklattungkol sa kaniya. Pumatok din sa takilya ang mga pelikula

hinggil sa kaniya. Pero marami pa rin ang may tanong tungkol kayJesus. Iba-iba ang opinyon ng mga tao kung sino talaga si Jesus.

Ilang taon pa lang ang nakararaan, inanyayahan ng dalawangmamamahayag ang mga tao na sagutin sa Internet ang tanong na“Sino si Jesus?” Narito ang ilan sa mga sagot:˘ “Lumilitaw na siya ay isang rabbi (guro) na halimbawa sa pagka-

mahabagin.”˘ “Siya ay isang ordinaryong tao na ekstraordinaryo ang buhay.”˘ “Walang katibayan na umiral si Jesus.”˘ “Si Jesus ay Anak ng Diyos na isinilang, namatay, at binuhay-muli

para iligtas tayo sa kasalanan. Buhay siya ngayon, at babalik salupa.”

˘ “Naniniwala akong si Jesu-Kristo ang tanging anak ng Diyos, kapu-wa ganap na tao at ganap na diyos.”

˘ “Si Jesus ay isang kuwentong pambata na pinaniniwalaan ng ma-tatanda.”

Maliwanag na hindi puwedeng tama ang lahat ng opinyongiyan. Mayroon bang mapagkukunan ng mapagkakatiwalaang sa-got sa ating mga tanong tungkol kay Jesus? Naniniwala ang mga ta-gapaglathala ng magasing ito na ang Bibliya ay Salita ng Diyos atna iyon lang ang nagsasabi ng buong katotohanan tungkol kay Je-sus.�—2 Timoteo 3:16.

Sa susunod na artikulo, isasaalang-alang natin ang sagot ng Bi-bliya sa ilang karaniwang tanong tungkol kay Jesus. Siya mismoang nagsabi na ang daan sa kaligtasan ay bukas sa “bawat isa na na-nanampalataya sa kaniya.” (Juan 3:16) Inaanyayahan ka namingsuriin ang mga sagot at saka magpasiya kung kailangan mong ma-tuto pa nang higit tungkol kay Jesus at kung paano mananampala-taya sa kaniya.

� Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 2, “Ang Bibliya—Isang Ak-lat Mula sa Diyos,” sa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathalang mga Saksi ni Jehova.

Paghahanap ng mga Sagot“Halos lahat ay may kani-kaniyang teoriya kung sino [si Jesus]. Gaanuman kalaki

ang ating pananampalataya o pag-aalinlangan, itinatanong pa rin natin,‘Sino ang taong ito?’”—STAN GUTHRIE, AWTOR.

Page 4: wp12 04/01-TG

4

ITINANONG iyan ni Jesus sa kaniyang mga alagaddahil alam niyang iba-iba ang opinyon ng mga taotungkol sa kaniya. Pero walang dahilan para malito.Hindi lihim ang naging buhay ni Jesus. Nakisalamuhasiya sa mga taganayon at tagalunsod. Nangaral siyaat nagturo sa publiko dahil gusto niyang malaman ngmga tao ang katotohanan tungkol sa kaniya.—Lucas8:1.

Ang katotohanan tungkol kay Jesus ay malalamanmula sa kaniyang mga salita at gawa na nakaulat saapat na Ebanghelyo ng Bibliya—Mateo, Marcos,Lucas, at Juan. Nakasalig diyan ang sagot sa atingmga tanong tungkol kay Jesus.�—Juan 17:17.� Para sa pagtalakay sa pagkakaiba ng mga Ebanghelyo ng Bibliya at ng di-

tumpak na mga akda tungkol kay Jesus, tingnan ang artikulong “Apokripal na mgaEbanghelyo—Itinagong mga Katotohanan Tungkol kay Jesus?” sa pahina 18-19.

Jesu-KristoMga Tanong na Sinagot

“Sino ako ayon sa sinasabi ng mga pulutong?”—LUCAS 9:18.

34567Nais mo ba ng higit pang impormasyon o ng walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Pakisu-yong ipadala ang iyong kahilingan sa mga Saksi niJehova, na ginagamit ang isa sa mga adres sa kanan.Para sa kumpletong listahan ng mga adres, tingnanang www.watchtower.org/address.

Australia: PO Box 280, Ingleburn, NSW 1890. Britain: The Ridgeway,London NW7 1RN. Canada: PO Box 4100, Georgetown, ON L7G 4Y4.France: BP 625, F-27406 Louviers Cedex. Germany: 65617 Selters.Greece: Kifisias 77, GR 151 24 Marousi. Hong Kong: 4 Kent Road,Kowloon Tong, Kowloon. Italy: Via della Bufalotta 1281, I-00138Rome RM. Japan: 4-7-1 Nakashinden, Ebina City, Kanagawa-Pref,243-0496. Korea, Republic of: PO Box 33, Pyungtaek PO, Kyunggi-do,450-600. Malaysia: Peti Surat No. 580, 75760 Melaka. Philippines:PO Box 2044, 1060 Manila. Spain: Apartado 132, 28850 Torrejon deArdoz (Madrid). Taiwan: 3-12, Shetze Village, Hsinwu 32746. Thai-land: PO Box 7 Klongchan, Bangkok 10 240. United States of Ameri-ca: 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483.

The Watchtower (ISSN 0043-1087) is publishedsemimonthly by Watchtower Bible and Tract Society ofNew York, Inc.; L. Weaver, Jr., President; G. F. Simonis,Secretary-Treasurer; 25 Columbia Heights, Brooklyn,NY 11201-2483, and by Watch Tower Bible and TractSociety of the Philippines, Inc., PO Box 2044, 1060 Manila.Periodicals Postage Paid at Brooklyn, NY, and at additionalmailing offices.� 2012 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania.All rights reserved. Printed in Japan.

Vol.133, No. 7 Semimonthly TAGALOG

Page 5: wp12 04/01-TG

TANONG:Si Jesus ba ay talagang umiral bilangtao?SAGOT: Oo. Binabanggit ng sekular na mga istor-yador, kasama na sina Josephus at Tacitus noongunang siglo, na si Jesus ay umiral at naging baha-gi ng kasaysayan. Bukod diyan, nakakakumbinsiang ulat sa mga Ebanghelyo na nagpapakitang siJesus ay isang tunay na tao at hindi kathang-isiplang. Espesipiko at detalyado ang rekord nitotungkol sa panahon at lugar ng mga pangyayari.Halimbawa, ang manunulat ng Ebanghelyo na siLucas ay may binanggit na pitong namamaha-lang opisyal—na ang mga pangalan ay sinuporta-han ng sekular na mga istoryador—para matukoyang taon kung kailan sinimulan ni Jesus ang ka-niyang ministeryo.—Lucas 3:1, 2, 23.

Nakakakumbinsi ang ebidensiya na si Jesus ayumiral. “Sasang-ayon ang karamihan sa mga is-kolar na may isang taong nakilala bilang Jesusna Nazareno na nabuhay noong unang siglo,”ang sabi ng aklat na Evidence for the Historical Je-sus.

TANONG:Si Jesus ba ang Diyos?SAGOT: Hindi. Kailanman ay hindi itinuring niJesus na kapantay siya ng Diyos. Sa kabaligtaran,paulit-ulit niyang ipinakita na nakabababa siyakay Jehova.�Halimbawa, tinukoy ni Jesus si Jeho-va bilang “Diyos ko” at “ang tanging tunay naDiyos.” (Mateo 27:46; Juan 17:3) Tiyak na isangnakabababa lang ang gagamit ng gayong mga sa-lita para tukuyin ang iba. Kapag tinutukoy ngisang manggagawa ang kaniyang amo na “bossko” o “ang isa na nangangasiwa,” maliwanag na

� Sa Bibliya, Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.

itinuturing niyang nakabababa ang kaniyangsarili.

Ipinakita rin ni Jesus na hiwalay siya sa Diyos.Minsan ay sinabi ni Jesus sa mga mananalansangna humamon sa kaniyang awtoridad: “Sa inyongsariling Kautusan ay nakasulat, ‘Ang patotoo ngdalawang tao ay totoo.’ Isa ako na nagpapatotootungkol sa aking sarili, at ang Ama na nagsugo saakin ay nagpapatotoo tungkol sa akin.” (Juan 8:17, 18) Kung gayon, hiwalay si Jesus kay Jehova.Dahil kung hindi, paano sila maituturing nadalawang saksi?�

TANONG:Si Jesus ba ay isa lang mabuting tao?SAGOT: Hindi. Naunawaan ni Jesus na maramisiyang mahahalagang papel sa pagsasakatuparanng kalooban ng Diyos. Narito ang ilan:˘ “Bugtong na Anak ng Diyos.” (Juan 3:18) Alamni Jesus ang kaniyang pinagmulan. Matagal nasiyang nabubuhay bago pa siya isilang dito salupa. “Bumaba ako mula sa langit,” ang sabiniya. (Juan 6:38) Si Jesus ang unang nilalang ngDiyos, at tumulong siya sa paglalang ng lahat ngiba pang bagay. Dahil siya lang ang tuwirang ni-lalang ng Diyos, si Jesus ay matatawag na “bug-tong na Anak ng Diyos.”—Juan 1:3,14; Colosas 1:15, 16.˘ “Anak ng tao.” (Mateo 8:20) Maraming besesna tinukoy ni Jesus ang kaniyang sarili na “Anakng tao,” isang pananalitang halos 80 beses na lu-mitaw sa mga Ebanghelyo. Ipinahihiwatig nitona siya ay isang ganap na tao at hindi Diyos nanagkatawang-tao. Paano isinilang bilang tao angbugtong na Anak ng Diyos? Sa pamamagitan ng

� Para sa detalyadong pagtalakay, tingnan ang artikulong “Pa-kikipag-usap sa Iba—Si Jesus ba ang Diyos?” sa pahina 20-22.

INILALATHALA NA SA 194 WIKA: Acholi, Afrikaans, Al-banian, Amharic, Arabic, Armenian, Armenian (West),Aymara,� Azerbaijani, Azerbaijani (Cyrillic), Baoule,Bengali, Bicol, Bislama, Bulgarian, Cambodian, Cata-lan, Cebuano, Chichewa, Chinese (Simplified), Chi-nese (Traditional)� (audio Mandarin only), Chitonga,Chuukese, Cibemba, Croatian, Czech,� Danish,�Dutch,�� Efik, English�� (also Braille), Estonian, Ewe, Fi-jian, Finnish,� French,��� Ga, Georgian, German,��Greek, Greenlandic, Guarani,�� Gujarati, Gun, HaitianCreole, Hausa, Hebrew, Hiligaynon, Hindi, Hiri Motu,Hungarian,�� Icelandic, Igbo, Iloko, Indonesian, Isoko,Italian,�� Japanese,�� Kannada, Kazakh, Kikaonde, Ki-

kongo, Kikuyu, Kiluba, Kimbundu, Kinyarwanda, Kir-ghiz, Kiribati, Kirundi, Kongo, Korean,�� Kwangali,Kwanyama, Latvian, Lingala, Lithuanian, Luganda, Lun-da, Luo, Luvale, Macedonian, Malagasy, Malayalam,Maltese, Marathi, Marshallese, Mauritian Creole, Maya,Mixe, Mizo, Mongolian, Moore, Myanmar, Ndebele,Ndonga, Nepali, Ngabere, Niuean, Norwegian,� Nya-neka, Nzema, Oromo, , Otetela, Palauan, Pangasinan,Papiamento (Aruba), Papiamento (Curacao), Persian,Polish,�� Ponapean, Portuguese,��� Punjabi, Quechua(Ancash), Quechua (Ayacucho), Quechua (Bolivia),�Quechua (Cuzco), Quichua, Rarotongan, Romanian,Russian,�� Samoan, Sango, Sepedi, Serbian, Serbian

(Roman), Sesotho, Seychelles Creole, Shona, Silozi, Sin-hala, Slovak, Slovenian, Solomon Islands Pidgin, Span-ish,�� Sranantongo, Swahili, Swati, Swedish,� Tagalog,�Tahitian, Tamil, Tatar, Telugu, Tetum, Thai, Tigrinya, Tiv,Tok Pisin, Tongan, Totonac, Tshiluba, Tshwa, Tsonga,Tswana, Tumbuka, Turkish, Tuvaluan, Twi, Tzotzil, Ukrai-nian, Umbundu, Urdu, Uruund, Venda, Vietnamese,Wallisian, Waray-Waray, Wolaita, Xhosa, Yapese, Yoru-ba, Zande, Zapotec (Isthmus), Zulu

� Makukuha rin sa CD.� Makukuha rin sa MP3 CD-ROM.� Makukuha rin ang audio recording sa www.jw.org.

Page 6: wp12 04/01-TG

6 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

banal na espiritu, inilipat ni Jehova ang buhayng kaniyang Anak sa sinapupunan ng birhengJudio na si Maria, anupat naglihi ito. Dahil dito,si Jesus ay isinilang na sakdal at walang kasala-nan.—Mateo 1:18; Lucas 1:35; Juan 8:46.˘ “Guro.” (Juan 13:13) Nilinaw ni Jesus na angatas na ibinigay sa kaniya ng Diyos ay ang ‘mag-turo at mangaral ng mabuting balita’ tungkol saKaharian ng Diyos. (Mateo 4:23; Lucas 4:43) Sanapakalinaw at napakasimpleng paraan, ipinali-wanag ni Jesus kung ano ang Kaharian ng Diyosat kung paano nito isasakatuparan ang kaloobanni Jehova.—Mateo 6:9, 10.˘ “Ang Salita.” (Juan 1:1) Si Jesus ay nagsilbingTagapagsalita ng Diyos para magbigay ng impor-masyon at tagubilin sa iba. Ginamit ni Jehova siJesus para sabihin ang mensahe Niya sa mga taosa lupa.—Juan 7:16, 17.

TANONG:Si Jesus ba ang ipinangakongMesiyas?SAGOT: Oo. Inihula ng Bibliya ang pagdating ngMesiyas, o Kristo, na ang ibig sabihin ay “Pinahi-ran.”Ang Ipinangakong Isa na ito ay may gagam-panang napakahalagang papel sa pagsasakatupa-ran ng layunin ni Jehova. Minsan, sinabi ngisang babaing Samaritana kay Jesus: “Alam ko nadarating ang Mesiyas, na tinatawag na Kristo.”Ganito naman ang tugon ni Jesus: “Ako na nagsa-salita sa iyo ay siya.”—Juan 4:25, 26.

May katibayan bang si Jesus nga ang Mesiyas?May tatlong ebidensiya na parang fingerprint natumutukoy lang sa iisang persona. Kay Jesusnga kaya tumutukoy ang mga iyon? Tingnannatin:˘ Ang kaniyang pinagmulang angkan. Inihulang Bibliya na ang Mesiyas ay magmumula kayAbraham sa pamamagitan ng linya ng pamilyani David. (Genesis 22:18; Awit 132:11, 12) Silaang naging mga ninuno ni Jesus.—Mateo 1:1-16;Lucas 3:23-38.˘ Natupad na mga hula. Ang Hebreong Kasula-tan ay naglalaman ng napakaraming hula tung-kol sa buhay ng Mesiyas sa lupa, kasama na ang

mga detalye ng kaniyang kapanganakan at ka-matayan. Natupad kay Jesus ang lahat ng hula.Narito ang ilan: Isinilang siya sa Betlehem (Mi-kas 5:2; Lucas 2:4-11), tinawag siya mula sa Ehip-to (Oseas 11:1; Mateo 2:15), at namatay siyanang walang nabali sa kaniyang mga buto (Awit34:20; Juan 19:33, 36). Imposibleng namaniobrani Jesus ang kaniyang buhay para tuparin ang la-hat ng hula hinggil sa Mesiyas.�˘ Ang mismong patotoo ng Diyos. Nang isilangsi Jesus, ang Diyos ay nagsugo ng mga anghelpara sabihin sa mga pastol na ipinanganak naang Mesiyas. (Lucas 2:10-14) Sa ilang pagkakata-on noong ministeryo ni Jesus, nagsalita mis-mo ang Diyos mula sa langit para ipahayagang kaniyang pagsang-ayon kay Jesus. (Mateo 3:16, 17; 17:1-5) Binigyan ni Jehova ng kapangyari-han si Jesus para gumawa ng mga himala namagpapatunay na si Jesus ang Mesiyas.—Gawa10:38.

� Para sa listahan ng ilang hula na natupad kay Jesus, tingnanang pahina 200 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bi-bliya?

Page 7: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 7

TANONG:Bakit kailangang magdusa atmamatay si Jesus?SAGOT: Walang kasalanan si Jesus kaya hin-di siya nararapat magdusa. Ni hindi siya nara-rapat ipako sa tulos bilang isang kriminal atmamatay sa kahiya-hiyang paraan. Gayunman,inasahan ni Jesus ang gayong pagmamaltratoat tinanggap iyon.—Mateo 20:17-19; 1 Pedro 2:21-23.

Ayon sa mga hula, kailangang magdusa at ma-matay ang Mesiyas para sa mga kasalanan ng iba.(Isaias 53:5; Daniel 9:24, 26) Sinabi ni Jesus nadumating siya para “ibigay ang kaniyang kalulu-wa bilang pantubos na kapalit ng marami.” (Ma-teo 20:28) Ang mga nananampalataya sa halagang kaniyang sakripisyong kamatayan ay maypag-asang mailigtas mula sa kasalanan at kama-tayan at mabuhay nang walang hanggan sa Parai-so sa lupa.�—Juan 3:16; 1 Juan 4:9,10.

� Para sa higit pang impormasyon tungkol sa halaga ng kama-tayan ni Jesus bilang pantubos, tingnan ang kabanata 5 ng ak-lat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

TANONG:Mapaniniwalaan ba talaga natin nabinuhay-muli si Jesus?SAGOT: Oo. Inaasahan talaga ni Jesus na ibaba-ngon siya mula sa mga patay. (Mateo 16:21) Peromahalagang tandaan na hindi kailanman sinabini Jesus o ng mga manunulat ng Bibliya na kusasiyang babangon mula sa mga patay. Sa halip,sinasabi ng Bibliya: “Binuhay siyang muli ngDiyos sa pamamagitan ng pagkakalag sa mgahapdi ng kamatayan.” (Gawa 2:24) Kung tina-tanggap natin na may Diyos at na siya ang May-lalang sa lahat ng bagay, maniniwala tayong kayaniyang buhaying-muli ang kaniyang Anak.—He-breo 3:4.

Mayroon bang mapananaligang ebidensiya nabinuhay-muli si Jesus? Isaalang-alang ang sumu-sunod.˘ Patotoo ng mga nakasaksi. Mga 22 taon pag-kamatay ni Jesus, isinulat ni apostol Pablo namahigit 500 ang nakakita sa binuhay-muling siJesus at na karamihan sa kanila ay buhay pa nangsumulat si Pablo. (1 Corinto 15:6) Madalingbale-walain ang patotoo ng isa o dalawang saksi,pero mahirap itong gawin kapag 500 na angsaksi.˘ Kapani-paniwalang mga saksi. May-katapa-ngang ipinahayag ng mga unang alagad ni Jesus—mga nakasaksi sa totoong nangyari—na bi-nuhay ngang muli si Jesus. (Gawa 2:29-32; 3:13-15) Sa katunayan, itinuring nilang napaka-halaga sa Kristiyanong pananampalataya ang ka-niyang pagkabuhay-muli. (1 Corinto 15:12-19)Handang mamatay ang mga alagad na iyonsa halip na itatwa ang kanilang pananampala-taya kay Jesus. (Gawa 7:51-60; 12:1, 2) Tiyakna walang sinuman ang handang mamatay parasa isang bagay na alam niyang kasinungalinganlang!

Natalakay na natin ang mga sagot ng Bibliya saanim na mahahalagang tanong tungkol kay Je-sus. Nilinaw ng mga ito kung sino si Jesus. Peromahalaga ba talaga ang mga sagot na ito? Saibang salita, mahalaga ba kung ano ang pinani-niwalaan mo tungkol kay Jesus?

Page 8: wp12 04/01-TG

˘ Bakit ito mahalaga kay Jehova? Dahil ang“Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Gusto ni Jehovana mabuhay tayo nang masaya magpakailanman.Sinabi ni Jesus: “Gayon na lamang ang pag-ibig ngDiyos sa sanlibutan [ng sangkatauhan] anupat ibi-nigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upangang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay . . .magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan3:16) Isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak paramaging Manunubos natin at para magkaroon tayong pag-asang mabuhay magpakailanman sa Parai-so sa lupa, kaayon ng Kaniyang orihinal na layu-nin. (Genesis 1:28) Nananabik ang Diyos na ipag-kaloob ang buhay na walang hanggan sa mganatututo ng katotohanan tungkol sa kaniyangAnak at kumikilos ayon dito.—Roma 6:23.˘ Bakit ito mahalaga kay Jesus? Iniibig din ni Je-sus ang mga tao. Ipinakita niya ito nang ihain niyaang kaniyang buhay para sa atin. (Juan 15:13) Na-unawaan niya na sa pamamagitan nito ay mailala-an niya ang tanging daan sa kaligtasan. (Juan 14:6)

Dapat ba nating ikagulat na gusto ni Jesus na ma-raming makinabang sa kaniyang pantubos? Kayanaman, inutusan niya ang kaniyang tunay na mgatagasunod na ituro sa mga tao sa buong mundoang kalooban at layunin ng Diyos.—Mateo 24:14;28:19, 20.˘ Bakit dapat itong maging mahalaga sa atin? Isi-pin mo ang mga bagay na napakahalaga sa iyo.Gusto mo ba ng mabuting kalusugan at magan-dang buhay para sa iyo at sa iyong pamilya? Sa pa-mamagitan ni Jesus, inaalok kayo ni Jehova ngperpektong kalusugan at walang-hanggang buhaysa isang bagong sanlibutan, kung saan wala nangsakit at pagdurusa. (Awit 37:11, 29; Apocalipsis 21:3, 4) Gusto mo ba iyan? Kung oo, may kailangankang gawin.

Balikan natin ang teksto sa itaas: “Malalamanninyo ang katotohanan, at ang katotohanan aymagpapalaya sa inyo.” Ang katotohanan tung-kol kay Jesus at sa kaniyang papel sa katupa-ran ng layunin ng Diyos ay makapagpapalaya sa

atin mula sa pinakamalupitna pang-aalipin—ang pang-aalipin ng kasalanan at kama-tayan. Kaya kailangan mong‘malaman ang katotohanan.’Bakit hindi mo alamin nanghigit pa ang tungkol sa ka-totohanang ito at kung pa-ano ka makikinabang ditoat ang iyong mga mahal sabuhay? Matutulungan ka ngmga Saksi ni Jehova.

Mahalaga ba ang mga Sagot?“Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan aymagpapalaya sa inyo.”—JUAN 8:32.

ANG Bibliya ay naglalaman ng katotohanan na makapagpapalaya sa atin sa nakalilitoo nakaliligaw pa ngang mga paniniwala tungkol kay Jesus. Mahalaga ba talaga kungano ang pinaniniwalaan natin tungkol sa kaniya? Oo. Mahalaga ito kay Jehova.Mahalaga ito kay Jesus. Kaya dapat na maging mahalaga rin ito sa atin.

Page 9: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 9

ˇ Sa kaniyang kilalang Sermon sa Bundok,sinabi ni Jesus: “Kung ang isang may awto-ridad ay pumipilit sa iyo na maglingkodng isang milya, sumama ka sa kaniyang dalawang milya.” (Mateo 5:41) Mala-mang na naiugnay ng mga tagapakinigni Jesus ang kaniyang sinabi sa sapili-tang paglilingkod na maaaring ipagawa samga mamamayan ng isang nasa awto-ridad.

Noong unang siglo C.E., sakop ng Romaang Israel. Kaya naman sapilitang napagta-trabaho ng mga Romano ang mga lalaki athayop o nakukuha ang anumang bagay nainiisip nilang kailangan para mapabilis angisang opisyal na gawain. Halimbawa, ino-

bliga ng mga sundalong Romano si Simonng Cirene na pasanin ang pahirapang tu-los ni Jesus hanggang sa lugar na pagpapa-kuan kay Jesus. (Mateo 27:32) Ang gayongpamimilit ay mapaniil at ayaw na ayaw ngmga Judio.

Hindi alam kung gaano kalayo maaaringpiliting magpasan ng isang bagay ang mgamamamayan. Pero malamang na hindina nila hihigitan ang hinihiling sa kanila.Kaya nang himukin ni Jesus ang kaniyangmga tagapakinig na sumama ng dalawangmilya, sinasabi niya sa kanila na gawinnang maluwag sa loob ang ipinagagawa sakanila ng mga nasa awtoridad.—Marcos12:17.

ALAM MO BA?

Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niyang sumamang dalawang milya?

ˇ Sa Bibliya, si Anas (Anano) ay tinawag na“punong saserdote,” at nasa gayong ka-tungkulan nang litisin si Jesus. (Lucas 3:2;Juan 18:13; Gawa 4:6) Sa katunayan, siyaang biyenan ni Caifas na mataas na saser-dote ng Israel. Pero si Anas ay naglingkoddin mismo bilang mataas na saserdotemula mga 6 o 7 C.E. hanggang mga15 C.E., nang patalsikin siya ng Romanongprokurador na si Valerius Gratus. Gayun-man, patuloy na naging makapangyarihansi Anas sa Israel. Ang lima sa kaniyang anakna lalaki at isang manugang ay naging ma-taas na saserdote rin.

Noong malaya pa ang bansang Isra-el, habambuhay na nanunungkulan angisang mataas na saserdote. (Bilang 35:25)Pero dahil sakop ng Roma, ang panunung-kulan ng mataas na saserdote sa Israel aynakadepende sa mga Romanong goberna-dor at sa mga haring itinatalaga ng Roma,

at puwede siyang patalsikin ng mga ito. Ini-ulat ng istoryador na si Flavius Josephus nainalis ni Quirinio, Romanong gobernadorng Sirya, ang isang Joazar bilang mataas nasaserdote noong mga 6 o 7 C.E. at ipinalitsi Anas. Lumilitaw na ang mga paganongtagapamahalang iyon ay pumipili ng ba-gong mataas na saserdote mula rin sa mgasaserdote.

Napakaganid at napakayaman ng pa-milya ni Anas. Malamang na yumaman siladahil kontrolado nila ang bentahan ngmga produktong kailangan sa paghahainsa bakuran ng templo, gaya ng kalapati,tupa, langis, at alak. Sinabi ni Josephusna si Anano (Ananias), anak ni Anas, aymay “mga tauhan na barumbado at . . .puwersahang kumukuha ng ikapu parasa mga saserdote; at hindi sila nangingi-ming bugbugin ang tumatangging mag-bigay.”

Sino ang Anas na binanggit sa mga ulat ngEbanghelyo?

Page 10: wp12 04/01-TG

10 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

“NANALANGIN ako kay Jeho-va na payagan sana niya

akong makabalik at patawarinniya ako dahil nasaktan ko siya.”Iyan ang sinabi ng isang baba-ing Kristiyano na naligaw ng lan-das at tumigil sa paglilingkod saDiyos. Nauunawaan mo ba angnadarama niya? Baka maitanongmo: ‘Ano kaya ang nadarama ngDiyos sa mga dating naglilingkodsa kaniya? Naaalaala kaya niyasila? Gusto ba niyang “makaba-lik” sila?’ Para masagot ang mga

iyan, suriin natin ang mga pananalitang isinulat niJeremias. Tiyak na maaantig ang iyong puso.—Ba-sahin ang Jeremias 31:18-20.

Ano ba ang kalagayan nang isulat ni Jeremias angmga pananalitang iyon? Noong 740 B.C.E., ilangdekada bago ang panahon ni Jeremias, pinahintu-lutan ni Jehova ang mga Asiryano na gawing bihagang sampung-tribong kaharian ng Israel.�Dinisipli-na ng Diyos ang kaniyang bayan dahil sa kanilangmalulubhang kasalanan, anupat paulit-ulit nilangbinale-wala ang babala ng kaniyang mga propeta.(2 Hari 17:5-18) Nagsisi ba sila nang magdusa sila,mahiwalay sa kanilang Diyos, at maging tapon saibang lupain? Tuluyan na ba silang kinalimutan niJehova? Tatanggapin ba niya silang muli?

“Nagsisi Ako”Habang bihag, nagsisi ang bayan. Nakita ni Je-

� Ilang daang taon bago nito, noong 997 B.C.E., ang mga Is-raelita ay nahati sa dalawang kaharian. Ang isa sa mga ito ayang dalawang-tribong kaharian ng Juda sa timog. Ang isa na-man ay ang sampung-tribong kaharian ng Israel sa hilaga, natinawag ding Efraim dahil ito ang pinakaprominenteng tribo.

hova na tunay ang kanilang pagsisisi. Pansininkung paano inilarawan ni Jehova ang saloobinat damdamin ng mga Israelita na tinukoy bilangEfraim.

“Narinig ko nga ang Efraim na naghihinagpispara sa kaniyang sarili,” ang sabi ni Jehova. (Tala-ta 18) Narinig niya ang panaghoy ng mga Israelitasa ibinunga ng kanilang mga kasalanan. Ang parira-lang “naghihinagpis para sa kaniyang sarili” ay ma-aaring mangahulugang “pagyugyog o pag-uga,”ayon sa isang iskolar. Ang mga Israelita ay parangisang suwail na anak na nagyuyugyog ng kaniyangulo, o napapailing, habang iniisip ang mga pagdu-rusang idinulot niya sa kaniyang sarili at habang ni-nanais na makabalik sa dati niyang buhay. (Lucas15:11-17) Ano ang sinabi ng bayan?

“Itinuwid mo ako . . . tulad ng isang guya na hindipa nasasanay.” (Talata 18) Tinanggap ng bayanang disiplina para sa kanila yamang sila ay parangisang guya na hindi pa nasasanay. Ang paghahalin-tulad na ito ay puwedeng mangahulugan na sila ayparang isang batang toro na hindi sana “masasak-tan ng tungkod na pantaboy kung hindi ito nagre-belde laban sa pamatok,” ang sabi ng isang repe-rensiya.

“Panumbalikin mo ako, at ako ay kusang-loob namanunumbalik, sapagkat ikaway si Jehova na akingDiyos.” (Talata 18) Nagpakumbaba ang mga Israeli-ta at nagsumamo sa Diyos. Naligaw sila ng landas,pero ngayon ay nagmamakaawa sila na tulunganniya silang makabalik sa kaniya. Ganito ang sabi ng

MAGING MALAP´IT SA DIYOS

“Payagan Mo Sana Kaming Makabalik”

Dati ka bang naglilingkod kay Jehova? Gusto mo bang maglingkod muli sa kaniyapero hindi mo tiyak kung tatanggapin ka pa niya? Pakisuyong basahin ang artikulongito at ang susunod na artikulo. Ang mga ito ay para talaga sa iyo.

��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SA ABRIL:˛ Jeremias 17-31

��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Page 11: wp12 04/01-TG

isang salin: “Ikaw ang aming Diyos—payagan mosana kaming makabalik.”—Contemporary EnglishVersion.

“Nagsisi ako. . . . Ako ay napahiya, at nakadamarin ako ng pagkaaba.” (Talata 19) Ang bayan aynagsisi at umamin sa kanilang mga kasalanan. Na-kadama sila ng pagkapahiya at pagkaaba, anu-pat mistulang dinadagukan ang kanilang dibdib.—Lucas 15:18,19, 21.

Tunay ang pagsisisi ng mga Israelita—lungkot nalungkot sila, inamin sa Diyos ang kanilang mga ka-salanan, at tinalikuran nila ang kanilang masasa-mang gawain. Mapalalambot kaya nila ang puso ngDiyos? Papayagan niya kaya silang makabalik?

“Tiyak na Kahahabagan Ko Siya”Si Jehova ay may espesyal na kaugnayan sa mga

Israelita. Sinabi niya: “Ako ay naging Ama ng Israel;at kung tungkol sa Efraim, siya ang aking panga-nay.” (Jeremias 31:9) Matatanggihan ba ng isangmapagmahal na ama ang nanunumbalik niyanganak na tunay na nagsisisi? Pansinin kung paanoipinahayag ni Jehova bilang Ama ang nadaramaniya para sa kaniyang bayan.

“Ang Efraim ba ay anak na mahal sa akin, oisang batang kinagigiliwan? Sapagkat kung paa-nong nagsasalita ako laban sa kaniya ay gayon konga siya aalalahanin nang higit pa.” (Talata 20) Ta-lagang nakaaantig ang mga pananalitang iyan!Gaya ng isang matatag pero mapagmahal na ma-gulang, nagsalita ang Diyos “laban” sa kaniyangmga anak, anupat paulit-ulit na nagbabala tung-kol sa kanilang masasamang paggawi. Nang hin-di sila nakinig, hinayaan niya silang maging ta-pon sa ibang lupain—sa diwa, pinaalis niya sila sakanilang “tahanan.” Pero kahit pinarusahan niyasila, hindi naman niya sila kinalimutan. Hinding-hindi niya magagawa iyan. Hindi kinalilimutan ngisang mapagmahal na ama ang kaniyang mgaanak. Ano naman ang nadama ni Jehova nang ma-kita niyang tunay na nagsisisi ang kaniyang mgaanak?

“Ang aking mga bituka ay nagkakaingay dahil sakaniya.� Tiyak na kahahabagan ko siya.” (Talata 20)

� May kinalaman sa pagkakaingay na ito ng bituka, ganitoang paliwanag ng isang reperensiya para sa mga tagapagsalinng Bibliya: “Para sa mga Judio, ang loob ng katawan ang sen-tro ng mga emosyon.”

Nanabik nang husto si Jehova sa kaniyang mgaanak. Naantig siya sa kanilang taimtim na pagsisisi,at gustung-gusto niyang magbalik sila sa kaniya.Gaya ng ama sa talinghaga ni Jesus tungkol sa ali-bughang anak, si Jehova ay “nahabag” sa kaniyangmga anak, anupat nananabik na tanggapin silangmuli sa kanilang pagbabalik.—Lucas 15:20.

“Pinayagan Ako ni Jehova na Makabalik!”Mula sa mga pananalita sa Jeremias 31:18-20, na-

unawaan natin na napakamahabagin at napakama-awain ni Jehova. Hindi kinalilimutan ng Diyos angmga dating naglilingkod sa kaniya. Paano kung gus-to na nilang bumalik sa kaniya? “Handang magpa-tawad” ang Diyos. (Awit 86:5) Hindi niya itataboyang mga lumalapit sa kaniya na tunay na nagsisisi.(Awit 51:17) Sa halip, masaya niyang tatanggapinsilang muli.—Lucas 15:22-24.

Ang babaing nabanggit sa simula ay kusang-loobna bumalik kay Jehova. Nagpunta siya sa isang kon-gregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang lugar.Noong una, kailangan niyang paglabanan ang ka-niyang negatibong mga damdamin. “Pakiramdamko’y wala akong halaga,” ang sabi niya. Pero pinati-bay siya ng mga elder sa kongregasyon at tinulu-ngang manumbalik ang kaniyang kaugnayan saDiyos. Kaya nasabi niya, “Laking pasasalamat ko napinayagan ako ni Jehova na makabalik!”

Kung dati kang naglilingkod kay Jehova at gustomong manumbalik sa kaniya, bakit hindi ka mag-punta sa kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa in-yong lugar? Tandaan na si Jehova ay mahabagin atmaawain sa mga nagsisisi at nagsusumamo sa kani-ya, “Payagan mo sana kaming makabalik.”

Page 12: wp12 04/01-TG

12 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

ANG AKING NAKARAAN: Isi-nilang ako sa Cyprus pero lumakisa Australia. Saksi ni Jehova angmga magulang ko. Ginawa nilaang lahat para mahalin ko si Jehova at ang kani-yang Salita, ang Bibliya. Noong tin-edyer ako,nagsimula akong magrebelde. Tumatakas ako sagabi para makipagkita sa ibang mga tin-edyer.Nangka-carnap kami at laging napapatrobol.

Noong una, inililihim ko pa iyon sa akingmga magulang dahil takot akong magalit sila saakin. Pero unti-unting nawala ang takot kongiyon. Nagkaroon ako ng mga kaibigang mas ma-tatanda kaysa sa akin na hindi umiibig kay Jeho-va, at naging masamang impluwensiya sila saakin. Nang maglaon, sinabi ko sa aking mgamagulang na ayaw ko na sa kanilang relihi-yon. Naging matiyaga sila sa pagtulong sa akin,

pero binale-wala ko ang lahatng kanilang pagsisikap. Lung-kot na lungkot ang mga magu-lang ko.

Nang umalis ako sa bahaynamin, nagdroga ako, nagta-nim pa nga at nagbenta ng ma-rijuana. Naging imoral ako atlaging nasa mga night club. Na-ging magagalitin din ako. Ka-pag may sinabi ang isa o gina-wang hindi ko gusto, umuusokagad ako sa galit. Kadalasannang naninigaw ako at nanana-kit. Lahat ng ginagawa ko ay ka-baligtaran ng itinuro sa akin bi-lang Kristiyano.KUNG PAANO BINAGO NGBIBLIYA ANG BUHAY KO:

Naging malapıt kong kaibigan ang isang kasa-mahan ko sa pagdodroga na naulila sa amanoong bata pa. Madalas kaming abutin nghatinggabi sa pagkukuwentuhan. May mga pag-kakataon na nasasabi niya kung gaano niyanami-miss ang kaniyang tatay. Dahil bata palang ay alam ko na ang tungkol sa pag-asangpagkabuhay-muli, sinabi ko sa kaniya na si Jesusay bumuhay ng mga patay at nangangakong ga-gawin niya ulit ito sa hinaharap. (Juan 5:28, 29)“Isipin mo, makikita mong muli ang tatay mo,”ang sabi ko. “Lahat tayo ay puwedeng mabuhaymagpakailanman sa Paraiso sa lupa.” Naantigang puso ng kaibigan ko sa mga sinabi ko.

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY

BAKIT bumalik ang isang lalaki sa dati niyang relihiyon? Paano natagpuanng isang kabataan ang matagal na niyang hinahanap na kalinga ng isangama? Basahin ang kanilang kuwento.

“Dapat akongmanumbalik kayJehova.”—ELIE KHALIL

ISINILANG: 1976

BANSANG PINAGMULAN: CYPRUSDATING SUWAIL

Page 13: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 13

May mga pagkakataon ding napag-uusapannamin ang tungkol sa mga huling araw o Trini-dad. Ginagamit ko ang Bibliya niya para ipakitaang mga tekstong nagtuturo ng katotohanantungkol sa Diyos na Jehova, kay Jesus, at sa mgahuling araw. (Juan 14:28; 2 Timoteo 3:1-5) Ha-bang dumadalas ang pag-uusap namin tungkolsa Diyos, dumadalas din ang pag-iisıp ko tung-kol kay Jehova.

Unti-unti, ang mga binhi ng katotohanan saBibliya—na sinikap itanim ng mga magulang kosa aking puso—ay nagsimulang tumubo. Halim-bawa, kapag nasa parti ako at nagdodroga kasa-ma ng mga kaibigan ko, bigla ko na lang naiisipsi Jehova. Sinasabi ng mga kaibigan kong mahalnila ang Diyos, pero masama naman ang gina-

gawa nila. Ayokong maging gaya nila at alamkong may dapat akong gawin. Dapat akong ma-numbalik kay Jehova.

Siyempre pa, madali itong sabihin pero mahi-rap gawin. May mga pagbabagong madali kongnagawa, gaya ng paghinto sa pagdodroga. Ini-wan ko rin ang dati kong mga kaibigan, at nagsi-mulang mag-aral ng Bibliya sa tulong ng isangKristiyanong elder.

Pero nahirapan akong kontrolin ang aking ga-lit. Kung minsan, nakokontrol ko naman, perominsan ay sumasabog pa rin ako sa galit. Pagka-tapos ay nalulungkot ako at iniisip na hindi kokayang magbago. Lumapit ako sa elder na nag-tuturo sa akin ng Bibliya. Napakatiyaga niyaat napakabait sa akin. Minsan, ipinabasa niyasa akin ang isang artikulo sa Ang Bantayantungkol sa kahalagahan ng hindi pagsuko.� Pi-nag-usapan namin ang mga puwede kong ga-

� Ang artikulong “Tagumpay sa Pamamagitan ng Pagtitiya-ga” ay mababasa sa Ang Bantayan, isyu ng Pebrero 1, 2000,pahina 4-6.

win kapag nakadarama ako ng galit. Sa tulongng artikulong iyon at panalangin kay Jehova,unti-unti kong nakontrol ang aking galit. Atnoong Abril 2000, nabautismuhan ako bilangSaksi ni Jehova. Tuwang-tuwa ang mga magu-lang ko.

KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Nga-yon, mapayapa na ang isip ko at malinis angbudhi dahil hindi ko na pinarurumi ang akingkatawan sa pamamagitan ng droga at imorali-dad. Anuman ang ginagawa ko, nagtatrabaho,dumadalo sa Kristiyanong pagpupulong, o nag-lilibang, mas masaya na ako. Positibo na rin angpananaw ko sa buhay.

Nagpapasalamat ako kay Jehova dahil hindiako kailanman kinalimutan ng aking mga ma-gulang. Naiisip ko rin ang sinabi ni Jesus sa Juan6:44: “Walang taong makalalapit sa akin mali-bang ilapit siya ng Ama, na nagsugo sa akin.”Buti na lang, inilapit ako ni Jehova sa kaniyakaya nakabalik akong muli sa kaniya.

“Inilapit ako ni Jehova sakaniya kaya nakabalik akongmuli sa kaniya”

Page 14: wp12 04/01-TG

14 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

ANG AKING NAKARAAN: Pi-nalaki ako ng aking ina sa PuntaArenas, isang magandang lunsodsa Strait of Magellan malapit sa ti-mugang dulo ng Timog Amerika. Naghiwalayang mga magulang ko noong limang taonako, kaya naghahanap ako ng kalinga ng isangama.

Nakipag-aral ng Bibliya ang aking ina sa mgaSaksi ni Jehova, at isinasama niya ako sa mgaKristiyanong pagpupulong sa Kingdom Hall.Pero ayaw na ayaw kong dumalo sa mga pulongkaya madalas ay nag-aalboroto ako kapag pa-punta na sa Kingdom Hall. Nang 13 anyos ako,hindi na talaga ako dumalo.

Noong panahong iyon, nahilig ako sa musi-ka, at sa tingin ko, talento ko talaga iyon. Saedad na 15, tumutugtog na ako ng musikangheavy metal sa mga festival, bar, at pribadongsalu-salo. Dahil sa mga kasama kong mahuhu-say na musikero, nagka-interes ako sa classicalmusic. Nag-aral ako sa isang konserbatoryo saaming lugar. Noong 20 anyos ako, tumira ako saSantiago, kabisera ng Chile, para mag-aral. Patu-loy rin akong tumugtog kasama ng heavy-metalband.

Sa kabila nito, pakiramdam ko’y walang hala-ga ang buhay ko. Nagpakalunod ako sa alak atdroga kasama ang mga kabanda ko, na itinutu-

ring kong pamilya. Rebelyosoako, na kitang-kita naman sahitsura ko. Mahilig ako sa itimna damit, balbas-sarado, at ha-los hanggang baywang ang bu-hok.

Dahil sa ugali ko, lagi akongnapapaaway sa iba at napapa-trobol sa pulis. Minsan, nangmalasing ako, sinugod ko angisang grupo ng mga nagbeben-ta ng droga na nanggugulo saamin ng mga kaibigan ko. Bi-nugbog nila ako kaya nabasagang panga ko.

Pero ang pinakamasakit sa la-hat ay nang matuklasan kongmatagal na palang may rela-syon ang girlfriend ko at ang

best friend ko. At inilihim iyon sa akin ng lahatng kaibigan ko.

Bumalik ako sa Punta Arenas, kung saan nag-turo ako ng musika at nagtrabaho bilang manu-nugtog ng cello. Patuloy rin akong tumugtog atnagrekord kasama ng heavy-metal band. Nakila-la ko ang magandang babae na si Sussan, at nag-sama kami. Minsan, nang malaman ni Sussanna hindi ako naniniwala sa Trinidad gayong angnanay niya ay naniniwala rito, nagtanong siya,“Ano ang tama?” Sinabi ko sa kaniya na alamkong mali ang Trinidad pero hindi ko kayangpatunayan iyon gamit ang Bibliya. Pero may ki-lala ako na makagagawa nito. Sinabi ko sa kani-ya na maipakikita sa kaniya ng mga Saksi niJehova ang katotohanan mula sa Bibliya. Pagka-tapos, may ginawa ako na maraming taon konang hindi ginagawa—ang manalangin para satulong ng Diyos.

Pagkalipas ng ilang araw, nakita ko ang isanglalaking pamilyar sa akin at tinanong ko siyakung Saksi ni Jehova siya. Bagaman parang ki-nabahan siya dahil sa hitsura ko, sinagot namanniya ang mga tanong ko tungkol sa mga pulongsa Kingdom Hall. Kumbinsido ako na iyon ang

“Naghahanap ako ngkalinga ng isang ama.”—MARCO ANTONIO ALVAREZ SOTO

ISINILANG: 1977

BANSANG PINAGMULAN: CHILEDATING MIYEMBRO NGHEAVY-METAL BAND

Page 15: wp12 04/01-TG

sagot sa panalangin ko. Pumunta ako sa King-dom Hall at naupo sa likuran para hindi ako ma-pansin. Pero marami ang nakakilala sa akin. Na-tandaan nila na dumadalo ako roon noong batapa ako. Tinanggap nila ako at niyakap nang ma-higpit kaya napanatag ang kalooban ko. Parangumuwi ako sa sarili kong bahay. Nang makita koang lalaking nagturo sa akin ng Bibliya noongbata pa ako, hiniling ko na turuan niya akongmuli.KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANGBUHAY KO: Isang araw, nabasa ko ang Kawika-an 27:11: “Magpakarunong ka, anak ko, at pasa-yahin mo ang aking puso.” Mapasasaya pala ngisang hamak na tao ang Maylalang ng uniberso.Noon ko naisip na si Jehova ang Ama na mata-gal ko nang hinahanap!

Gusto kong pasayahin ang Ama ko sa langit atgawin ang kaniyang kalooban, pero maramingtaon na akong alipin ng droga at alak. Nau-nawaan ko ang turo ni Jesus sa Mateo 6:24,“Walang sinuman ang maaaring magpaalipinsa dalawang panginoon.” Habang nagsisikapakong magbago, malaki rin ang naging epektosa akin ng 1 Corinto 15:33: “Ang masasamangkasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang namga ugali.” Naisip kong hindi ko maihihintoang aking mga bisyo kung madalas pa rin akongpupunta sa dati kong mga pinupuntahan atmakikisama sa dati kong mga kaibigan. Mali-wanag ang payo ng Bibliya: Kailangan konggumawa ng malalaking pagbabago para maka-

kawala sa mga nagpapatisod sa akin.—Mateo5:30.

Dahil sa hilig ko sa musika, napakahirap parasa akin na itigil ang pagtugtog ng heavy metal.Pero sa tulong ng mga kaibigan ko sa kongrega-syon, nagawa ko ito. Hindi na rin ako naglala-sing at nagdodroga. Nagpagupit na rin ako ngbuhok at nag-ahit ng balbas. Hindi na rin puroitim ang damit ko. Nang sabihin ko kay Sussanna magpapagupit na ako, nagulat siya. “Sasamaako sa iyo sa Kingdom Hall para malaman kokung ano ang ginagawa mo dun!” ang sabi niyasa akin. Nagustuhan niya ang nakita niya roon,at di-nagtagal, nag-aral na rin siya ng Bibliya.Nang maglaon, nagpakasal kami ni Sussan. Atnoong 2008, nabautismuhan kami bilang mgaSaksi ni Jehova. Kasama na kami ni Inay sa pag-lilingkod kay Jehova.KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Naka-takas ako sa mundo ng huwad na kaligayahan attaksil na mga kasama. Mahilig pa rin ako sa mu-sika, pero mapamili na ako ngayon. Ikinuku-wento ko ang aking mga karanasan sa mga kapa-milya ko at sa iba, lalo na sa mga kabataan.Gusto kong makita nila na karamihan sa mgainiaalok ng sanlibutan ay parang kaakit-akit,pero “basura” ang lahat ng iyon.—Filipos 3:8.

Nakatagpo ako ng tapat na mga kaibigan sakongregasyong Kristiyano, kung saan may pag-ibig at kapayapaan. Higit sa lahat, dahil sa pagla-pit kay Jehova, natagpuan ko na rin sa wakas angaking Ama.

Page 16: wp12 04/01-TG

1. Ano ang kahulugan ng bautismo ng mgaKristiyano?

Ang bautismo ay isang kahilingan para magkaroonng mabuting kaugnayan sa Diyos. Kaya ang isang Kris-tiyano ay dapat magpabautismo, hindi kapag sanggolpa siya, kundi kapag nasa edad na siya para matutotungkol sa Diyos at maging alagad ni Jesus. (Gawa8:12; 1 Pedro 3:21) Tayo ay magiging alagad ni Jesus ka-pag natutuhan na natin at sinunod ang mga utos niya.—Basahin ang Mateo 28:19, 20.

Noong panahon ng mga apostol, marami ang kumi-los agad para matuto tungkol sa Diyos at kay Jesus. Ha-limbawa, nang malaman ng isang tao na binuksan ngkamatayan ni Jesus ang daan para sa kaligtasan, nag-desisyon siya agad na maging alagad. Sa ngayon, pini-pili ng maraming taimtim na tao na maging tagasunodni Jesus.—Basahin ang Gawa 8:26-31, 35-38.

2. Bakit nagpabautismo si Jesus?Si Jesus ay mga 30 anyos nang ilubog siya ni Juan na

Tagapagbautismo sa Ilog Jordan. Ang bautismo ni Je-sus ay sumasagisag sa kaniyang pasiya na gawin angkalooban ng Diyos para sa kaniya. (Hebreo 10:7) Kasa-ma rito ang paghahain ng kaniyang buhay para sa ka-salanan ng mga tao. Bago pa siya bumaba sa lupa, inii-big at sinusunod na ni Jesus ang kaniyang Ama salangit, si Jehova.—Basahin ang Marcos 1:9-11; Juan8:29; 17:5.

MATUTO MULA SA SALITA NG DIYOS

Bakit Binabautismuhanang mga Kristiyano?

Tinatalakay ng artikulong ito ang mgatanong na maaaring naiisip mo atipinakikita kung saan sa iyong Bibliyamatatagpuan ang sagot. Nais ng mgaSaksi ni Jehova na ipakipag-usap sa iyoang mga sagot na ito.

16 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

Page 17: wp12 04/01-TG

3. Bakit dapat magpabautismo ang isangKristiyano?

Iba ang sitwasyon natin kay Jesus—tayo ay ipinanga-nak na makasalanan. Pero dahil sa sakripisyong kama-tayan ni Jesus, naging posible na magkaroon tayo ngmabuting kaugnayan sa Diyos. (Roma 5:10, 12; 12:1, 2)Ang totoo, puwede pa nga tayong maging miyembrong Kaniyang pamilya. (2 Corinto 6:18) Paano? Sa pri-badong panalangin, iniaalay ng isa ang kaniyang sarilikay Jehova, anupat nananatang gagawin niya habam-buhay ang kalooban ng Diyos. Pagkatapos, para mala-man ng madla na nag-alay na siya, siya ay magpapaba-utismo.—Basahin ang Mateo 16:24; 1 Pedro 4:2.

4. Paano ka makapaghahanda sabautismo?

Ang mga Saksi ni Jehova ay nagtuturo ng Bibliya sasinumang gustong mapalapıt sa Diyos. Ang pag-aaralmo ng Bibliya at pagdalo sa mga Kristiyanong pagpu-pulong ay magpapatibay sa iyong pag-ibig at pana-nampalataya sa Diyos. Makatutulong din ito para mag-karoon ka ng mabubuting katangian at ugali. Angpag-ibig, pananampalataya, at iba pang mga katangi-an na gusto ng Diyos ay tutulong sa iyo para matupadang iyong panatang maglingkod kay Jehova magpaka-ilanman.—Basahin ang Juan 17:3; Hebreo 10:24, 25.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 18ng aklat na ito na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

ANO BA TalagaANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

17

Page 18: wp12 04/01-TG

18 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

“MALAKING isyu ito. Maraming tao ang madi-dismaya kapag nalaman nila ito.” “Binabago

nito ang kasaysayan ng unang Kristiyanismo.”Iyan ang sinabi ng mga iskolar na natuwa sa pagla-lathala ng “Ebanghelyo ni Hudas,” isang akda nainakalang mahigit 1,600 taong nawala (makikitasa itaas).

Muling nagkainteres ang mga tao sa gayongapokripal na mga ebanghelyo. Ayon sa ilan, isinisi-walat ng mga iyon ang matagal-nang-itinagongmahahalagang pangyayari at turo tungkol sa bu-hay ni Jesus. Pero ano ba ang apokripal na mgaebanghelyo? Nagtuturo ba talaga ang mga iyon ngkatotohanan tungkol kay Jesus at sa Kristiyanismo,na hindi natin mababasa sa Bibliya?

Kanonikal at Apokripal na mga EbanghelyoSa pagitan ng 41 at 98 C.E., isinulat nina Mateo,

Marcos, Lucas, at Juan ang “kasaysayan ni Jesu-Kristo.” (Mateo 1:1) Kung minsan, ang mga ito aytinatawag ding mga ebanghelyo, na nangangahu-lugang “mabuting balita” tungkol kay Jesu-Kristo.—Marcos 1:1.

Ang apat na Ebanghelyong ito lang ang itinutu-ring na kinasihan ng Diyos at nararapat na magingbahagi ng Banal na Kasulatan—anupat naglalaanng “katiyakan ng mga bagay” tungkol sa buhay atmga turo ni Jesus sa lupa. (Lucas 1:1-4; Gawa 1:1, 2;2 Timoteo 3:16, 17) Ang apat na Ebanghelyongito ay binanggit sa lahat ng sinaunang katalo-go ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Walangbasehan ang pagkuwestiyon sa pagiging tumpak

nito at pagiging bahagi ng kinasihang Salita ngDiyos.

Pero nang maglaon, may nagsulputang mgaakda na itinuring ding mga ebanghelyo. Ang mgaito ay tinawag na apokripal.�

Sa pagtatapos ng ikalawang siglo, isinulat ni Ire-naeus ng Lyon na ang mga nag-apostata sa Kris-tiyanismo ay may “napakaraming apokripal atdi-tumpak na mga akda,” kabilang na ang mgaebanghelyong “isinulat mismo nila, para guluhinang isip ng mga mangmang.” Kaya nang maglaon,itinuring na mapanganib hindi lang ang pagbaba-sa, kundi pati ang pagmamay-ari ng apokripal namga ebanghelyo.

Gayunman, noong Edad Medya, patuloy na ki-nopya at iningatan ng mga monghe at tagakopyaang mga akdang ito. Noong ika-19 na siglo, tumin-di ang interes dito at maraming natuklasang ko-leksiyon ng mga akda at mapanuring mga edisyonng apokripa, kasama na ang ilang ebanghelyo. Sangayon, may mga edisyong inilathala na sa mara-ming pangunahing modernong wika.

Apokripal na mga Ebanghelyo:Di-kapani-paniwalang mga Ulat

Tungkol kay JesusKaraniwan nang nakapokus ang apokripal na

� Ang terminong “apokripal” ay mula sa salitang Griego nanangangahulugang “itago.” Ang salitang ito noong una ay tu-mutukoy sa isang akda na para lang sa mga tagasunod ng isangpartikular na paniniwala, na itinago naman sa mga hindi taga-sunod niyaon. Pero nang maglaon, ginamit na ito para tumu-koy sa mga akdang hindi kasama sa kanon ng Bibliya.

Apokripal namga Ebanghelyo

ITINAGONGMGA KATOTOHANANTUNGKOL KAY JESUS?

KennethG

arrett/NationalG

eographicStock

Page 19: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 19

mga ebanghelyo sa mga taong minsan lang o hin-di pa nga nabanggit sa kanonikal na mga Ebang-helyo. O naglalaman ang mga ito ng mga kuwentona diumano’y nangyari noong bata pa si Jesus.Narito ang ilang halimbawa.˛ Ang “Sinaunang Ebanghelyo ni Santiago,” na ti-natawag ding “Ang Kapanganakan ni Maria,” aybumabanggit tungkol sa kapanganakan at pagka-bata ni Maria, pati na ang pagpapakasal niya kayJose. Kaya naman itinuturing itong isang relihi-yoso at kathang-isip na kuwento. Itinataguyodnito ang walang-hanggang pagkabirhen ni Mariaat maliwanag na isinulat para luwalhatiin siya.—Mateo 1:24, 25; 13:55, 56.˛ Ang apokripang akda na “Ebanghelyo ni Tomas”ay nakapokus naman sa pagkabata ni Jesus—mgaedad 5 hanggang 12—at naglalaman ng mga hima-lang mahirap paniwalaang ginawa niya. (Tingnanang Juan 2:11.) Inilalarawan nito si Jesus bilang sal-bahe, magagalitin, at mapaghiganting bata na gu-magamit ng kapangyarihan para gumanti sa kani-yang mga guro, kapitbahay, at ibang bata, anupatang ilan ay binulag niya, nilumpo, o pinatay panga.˛ Ang ilang apokripal na mga ebanghelyo, gaya ng“Ebanghelyo ni Pedro,” ay nakasentro sa paglilitis,kamatayan, at pagkabuhay-muli ni Jesus. Ang ibanaman, gaya ng “Mga Gawa ni Pilato,” na baha-gi ng “Ebanghelyo ni Nicodemo,” ay nakapokussa mga taong konektado sa mga pangyayaringiyon. Dahil inimbento lang ang mga detalye attauhan sa mga akdang ito, hindi ito mapagka-katiwalaan. Sa “Ebanghelyo ni Pedro,” pinawa-walang-sala si Poncio Pilato, at inilalarawan sa di-makatotohanang paraan ang pagkabuhay-muli niJesus.

Apokripal na mga Ebanghelyoat Apostasya Mula sa Kristiyanismo

Noong Disyembre 1945, sa isang lugar malapitsa Nag Hammadi sa Mataas na Ehipto, di-sinasad-yang natagpuan ng mga magbubukid ang 13 ma-nuskritong papiro na may 52 akda. Ang ikaapat-na-siglong mga dokumentong ito ay iniuugnay sarelihiyoso at pilosopikal na kilusang tinatawag naGnostisismo. Dahil sa pinaghalu-halong mistisis-mo, paganismo, pilosopiyang Griego, Judaismo,at Kristiyanismo, naging masamang impluwensi-

ya ang kilusang ito sa ilang nag-aangking Kristiya-no.—1 Timoteo 6:20, 21.

Ang “Ebanghelyo ni Tomas,” “Ebanghelyo ni Fe-lipe,” at “Ebanghelyo ng Katotohanan,” na kabi-lang sa “Nag Hammadi Library,” ay may iba’tibang mistikong ideya ng Gnostisismo na parabang nagmumula kay Jesus. Ang “Ebanghelyoni Hudas” na natagpuan kamakailan ay isa ringGnostikong ebanghelyo. Inilalarawan nito si Hu-das bilang ang tanging apostol na talagang na-kakakilala kay Jesus. Ayon sa isang eksperto saebanghelyong ito, inilalarawan nito si Jesus bilang“isang guro at tagapagsiwalat ng karunungan atkaalaman, hindi bilang isang tagapagligtas na na-matay para sa kasalanan ng sanlibutan.” Itinutu-ro ng kinasihang mga Ebanghelyo na si Jesusay namatay bilang isang hain para sa kasalananng sanlibutan. (Mateo 20:28; 26:28; 1 Juan 2:1, 2) Maliwanag, ang layunin ng Gnostikong mgaebanghelyo ay para pahinain, sa halip na patiba-yin, ang pananampalataya natin sa Bibliya.—Gawa20:30.

Ang Kahigitan ng Kanonikalna mga Ebanghelyo

Kapag sinuring mabuti ang apokripal na mgaebanghelyo, masisiwalat na huwad ang mgaito. Kapag ikinumpara naman sa kanonikal namga Ebanghelyo, maliwanag na makikitang hin-di kinasihan ng Diyos ang mga ito. (2 Timoteo1:13) Dahil isinulat ng mga hindi nakakakilalakay Jesus o sa kaniyang mga apostol, ang mgaito ay walang maisisiwalat na itinagong mga ka-totohanan tungkol kay Jesus at sa Kristiyanis-mo. Sa halip, naglalaman ang mga ito ng di-tumpak, inimbento, at di-makatotohanang mgaulat na hindi makatutulong para makilala si Jesusat malaman ang kaniyang mga turo.—1 Timoteo4:1, 2.

Samantala, sina Mateo at Juan ay kabilang sa 12apostol; si Marcos ay malapıt kay apostol Pedro atsi Lucas naman kay apostol Pablo. Isinulat nila angkanilang Ebanghelyo sa patnubay ng banal na es-piritu ng Diyos. (2 Timoteo 3:14-17) Dahil dito,ang apat na Ebanghelyo ay naglalaman ng lahatng kakailanganin ng isang tao para maniwalang“si Jesus ang Kristo na Anak ng Diyos.”—Juan20:31.

Page 20: wp12 04/01-TG

20 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

Ang sumusunod ay ang karaniwang ekse-na kapag nakikipag-usap sa iba ang isangSaksi ni Jehova. Kunwari, si Karen ang Sak-sing dumadalaw kay Samantha.�������������������������������������������������������������������������������������������

Totoo Bang Hindi KayoNaniniwala kay Jesus?

Samantha: Sabi ng pastor namin hindi rawnaniniwala ang mga Saksi ni Jehova kay Jesus.Totoo ba ’yon?

Karen: Naniniwala kami kay Jesus. Ang to-too, naniniwala kami na para maligtas ang isa,dapat siyang manampalataya kay Jesus.

Samantha: ’Yan din ang paniniwala ko.Karen: Pareho pala tayo. Ako nga pala si Ka-

ren. Ikaw?Samantha: Samantha.Karen: Nagtataka ka siguro kung bakit sina-

sabi ng iba na hindi kami naniniwala kay Je-sus?

Samantha: Bakit nga ba?Karen: Alam mo Samantha, ang totoo, napa-

kalaki ng pananampalataya ng mga Saksi ni Je-hova kay Jesus. Pero hindi lahat ng sinasabi ngmga tao tungkol sa kaniya ay pinaniniwalaannamin.

Samantha: Gaya ng ano?

Karen: Sinasabi ng iba na si Jesus ay isalang mabuting tao. Pero hindi kami sang-ayond’yan.

Samantha: Ako rin.Karen: Pareho pala tayo ng pinaniniwalaan.

Isa pa, hindi rin sang-ayon ang mga Saksi ni Je-hova sa mga turong salungat sa sinabi mismoni Jesus tungkol sa kaugnayan niya sa Ama.

Samantha: Ano’ng ibig mong sabihin?Karen: Maraming relihiyon ang nagtuturo

na si Jesus ang Diyos. ’Yan din ba ang itinuturosa inyo?

Samantha: Oo, sabi ng pastor namin, angDiyos at si Jesus ay iisa.

Karen: Para malaman natin ang totoo tung-kol kay Jesus, ’di ba mas maganda kung pag-aaralan natin mismo kung ano ang sinabi ni Je-sus tungkol sa kaniya?

Samantha: Tama.

Ano ang Sinabi ni Jesus?Karen: Tingnan natin ang isang teksto sa Bi-

bliya na puwedeng makatulong sa atin. Pansi-nin mo ang sinabi ni Jesus sa Juan 6:38: “Bu-maba ako mula sa langit upang gawin, hindiang kalooban ko, kundi ang kalooban niya nanagsugo sa akin.” Kung si Jesus ang Diyos, ’diba parang nakakalito ang tekstong ito?

Pakikipag-usap sa Iba

Si Jesus ba ang Diyos?

NATUTUWA ang mga Saksi ni Jehova na ipakipag-usapang Bibliya sa iba. May gusto ka bang malaman tungkolsa Bibliya? May tanong ka ba hinggil sa mga paniniwalao gawain ng mga Saksi ni Jehova? Kung oo, huwag kangmahiyang magtanong kapag may nakausap kang Saksi.Matutuwa siyang sagutin ang mga tanong mo.

Page 21: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 21

Samantha: Ano’ng ibig mong sabihin?Karen: Hindi ba sinabi ni Jesus na bumaba

siya mula sa langit para gawin hindi ang kani-yang sariling kalooban?

Samantha: Oo, sinabi niya na bumaba siyapara gawin ang kalooban ng nagsugo sa kaniya.

Karen: Tama. Kaya kung si Jesus ang Diyos,sino ang nagsugo sa kaniya mula sa langit? Atbakit ang kalooban ng Isang iyon ang ginawaniya?

Samantha: Okey, pero isang teksto lang iyan.Karen: O sige, tingnan naman natin ang si-

nabi ni Jesus sa Juan 7:16. Puwedeng pakiba-sa mo.

Samantha: Sige. “Sumagot naman si Jesus sakanila at nagsabi: ‘Ang itinuturo ko ay hindi saakin, kundi sa kaniya na nagsugo sa akin.’”

Karen: Salamat. Ayon sa nabasa mo, kaninoraw nanggaling ang itinuturo ni Jesus?

Samantha: Ang sabi niya, sa nagsugo sa ka-niya.

Karen: Tama. Kaya bumabangon na namanang tanong na ‘Sino ang nagsugo kay Jesus? Atkanino nanggaling ang mga katotohanang iti-nuro n’ya?’ Hindi kaya sa Isa na nakatataas kay-sa kay Jesus? Tutal, mas mataas naman talagaang nagsugo kaysa sa isinugo.

Samantha: Oo nga ’no! Alam mo, ngayon kolang nabasa ’yan.

Karen: Tingnan pa natin ang sinabi ni Jesussa Juan 14:28: “Narinig ninyo na sinabi ko sainyo, Aalis ako at paririto akong muli sa inyo.Kung iniibig ninyo ako, magsasaya kayo na akoay paroroon sa Ama, sapagkat ang Ama ay masdakila kaysa sa akin.” Batay sa tekstong ito, anosa palagay mo ang tingin ni Jesus sa sarili niyakung ikukumpara sa Ama?

Samantha: Ang sabi niya, ang Ama ay masdakila kaysa sa kaniya. Kaya sa palagay ko, iti-nuturing niyang mas mataas sa kaniya angDiyos.

Karen: Tama Samantha. Pansinin mo namanngayon ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga

alagad na nakaulat sa Mateo 28:18: “Ang lahatng awtoridad ay ibinigay na sa akin sa langit atsa lupa.” Sinabi ba rito ni Jesus na dati na ni-yang taglay ang lahat ng awtoridad?

Samantha: Hindi, ibinigay raw iyon sa ka-niya.

Karen: Kaya kung si Jesus ang Diyos, anopang karagdagang awtoridad ang ibibigay sakaniya? At sino ang magbibigay sa kaniya nito?

Samantha: Hmm . . . maganda ngang pag-isipan ’yan.

Sino ang Kinakausap Niya?Karen: May iba pang teksto na magiging na-

kakalito rin kung si Jesus nga ang Diyos.Samantha: Ano ’yon?Karen: Ang ulat ng Lucas 3:21, 22 tungkol sa

bautismo ni Jesus. Puwedeng pakibasa mo?Samantha: “Nang mabautismuhan ang lahat

ng mga tao, si Jesus din ay binautismuhan at,habang nananalangin siya, ang langit ay na-buksan at ang banal na espiritu sa hugis ng ka-tawang tulad ng isang kalapati ay bumaba sakaniya, at isang tinig ang nanggaling sa langit:‘Ikaw ang aking Anak, ang minamahal; ikaw ayaking sinang-ayunan.’”

Karen: Napansin mo ba kung ano ang gina-gawa ni Jesus nang bautismuhan siya?

Samantha: Nananalangin.Karen: Ngayon ang tanong ay, ‘Kung si Jesus

ang Diyos, kanino kaya siya nananalangin?’Samantha: Oo nga ’no. Itatanong ko ’yan sa

pastor namin.Karen: Isa pa, ’di ba nang umahon si Jesus sa

tubig, may nagsalita mula sa langit? Ano’ng si-nabi nung nagsalita?

Samantha: Sinabi Niya na si Jesus ang Kani-yang Anak, ang minamahal Niya at sinasang-ayunan.

Karen: Tama. Kaya kung si Jesus talaga angDiyos, sino ang nagsalitang ’yon mula sa la-ngit?

Samantha: Oo nga ’no.

Page 22: wp12 04/01-TG

22 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

Bakit “Ama” at “Anak”?Karen: Heto pa ang isang puwede mong pag-

isipan Samantha: Nabasa natin na tinawag niJesus ang Diyos bilang Ama niya sa langit. Atnang bautismuhan naman si Jesus, tinukoysiya ng isang tinig mula sa langit bilang Kani-yang Anak. Sa katunayan, tinutukoy mismo niJesus ang kaniyang sarili bilang Anak ng Diyos.Ngayon, kung gusto mong ituro sa akin namagkapantay ang dalawang indibiduwal sa pa-milya, paano mo kaya sila ilalarawan?

Samantha: Magkapatid.Karen: Tama, o baka kambal pa nga. Pero ti-

nukoy ni Jesus ang Diyos bilang Ama at tinu-koy naman niya ang kaniyang sarili bilangAnak. Sa tingin mo, ano kaya ang gustong ipa-hiwatig ni Jesus?

Samantha: Na may isang nakatatanda at masmay awtoridad kaysa sa kaniya.

Karen: Tama Samantha. Pag-isipan mo: Paraipakitang magkapantay ang dalawang indibi-duwal sa pamilya, naisip mo kanina ang mag-kapatid o kambal. Kung si Jesus talaga angDiyos, hindi kaya niya maiisip bilang Daki-lang Guro ang ilustrasyon ding iyon—o bakaisang mas malinaw na halimbawa pa nga anggamitin niya?

Samantha: Oo nga ’no.Karen: Pero sa halip, ginamit niya ang mga

terminong “Ama” at “Anak” para ilarawan angkaugnayan niya sa Diyos.

Samantha: May punto ka d’yan.

Ano ang Itinuro ng Unangmga Tagasunod ni Jesus?

Karen: Pero bago ako umalis Samantha,isang bagay pa ang gusto ko sanang mapag-isipan mo.

Samantha: Ano ’yon?Karen: Kung si Jesus talaga ang Diyos, ’di ba

aasahan natin na iyan din ang ituturo ng kani-yang mga alagad?

Samantha: May katuwiran ka.Karen: Pero, wala tayong mababasa sa Bibli-

ya na ganiyan ang itinuro nila. Sa halip, pansi-

nin mo ang isinulat ng isa sa unang mga taga-sunod ni Jesus na si apostol Pablo. Sa Filipos2:9, sinabi niya kung ano ang ginawa ng Diyospagkatapos buhaying-muli si Jesus: “Dinakilasiya [si Jesus] ng Diyos sa isang nakatataas naposisyon at may-kabaitang ibinigay sa kaniyaang pangalang nakahihigit sa lahat ng iba pangpangalan.” Batay sa tekstong ito, ano ang gina-wa ng Diyos kay Jesus?

Samantha: Ang sabi rito, dinakila ng Diyos siJesus sa isang nakatataas na posisyon.

Karen: Tama. Kaya kung si Jesus ay kapantayng Diyos bago siya mamatay at pagkatapos aydinakila siya ng Diyos sa isang nakatataas naposisyon, lalabas na magiging mas mataas pasiya sa Diyos? Posible ba ’yon?

Samantha: Hindi nga.Karen: Kaya batay sa mga napag-usapan na-

tin, itinuturo ba ng Bibliya na si Jesus angDiyos?

Samantha: Parang hindi nga. Ang sabi ng Bi-bliya, siya ay Anak ng Diyos.

Karen: Ganun nga Samantha. At bilang mgaSaksi ni Jehova, napakalaki ng paggalang na-min kay Jesus. Naniniwala kami na dahil sa ka-matayan niya bilang ang ipinangakong Mesi-yas, naging posible na maligtas ang lahat ngtapat na tao.

Samantha: Naniniwala rin ako diyan.Karen: Pero baka maitanong mo, ‘Paano

kaya natin mapahahalagahan ang pagbubuwisni Jesus ng kaniyang buhay alang-alang saatin?’�

Samantha: Naisip ko nga ’yan.Karen: Gusto ko sanang bumalik muli para

mapag-usapan natin ang sagot ng Bibliya tung-kol diyan. Nandito ka lang ba sa bahay sa susu-nod na linggo sa ganito ringoras?

Samantha: Oo.Karen: Sige, babalik ako.

� Para sa higit pang imporma-syon, tingnan ang kabanata 5 ng ak-lat na Ano ba Talaga ang Itinuturong Bibliya?

Page 23: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 23

Hindi madaling sabihin ang masamang balitasa kaniyang mahal na asawang si Maria, pero ni-lakasan ni Jose ang kaniyang loob. Sinabi niyakay Maria ang kaniyang panaginip tungkol saisang anghel na nagsabi sa kaniya ng mensahengito ng Diyos: Gustong patayin ng haring si Hero-des ang kanilang munting anak! Kailangan ni-lang umalis agad. (Mateo 2:13, 14) Alalang-alalasi Maria. Bakit kaya gustong patayin ang kani-lang inosente at walang-kalaban-labang anak?Hindi ito maunawaan nina Maria at Jose. Peronagtiwala sila kay Jehova at naghanda sa pagla-lakbay.

Malalim na ang gabi nang lisanin nina Jose,Maria, at Jesus ang Betlehem. Habang naglalak-bay patimog at sumisikat na ang araw sa sila-ngan, malamang na iniisip ni Jose kung ano angmangyayari sa kanila. Paano kaya mapoprotekta-han ng isang hamak na karpintero ang kaniyangpamilya mula sa makapangyarihang mga puwer-sa? Mapaglalaanan kaya niya sila ng kanilangmga pangangailangan? Magiging matiyaga kayasiya sa pagtupad sa mabigat na atas na ibinigayng Diyos na Jehova sa kaniya, ang pangalagaan atpalakihin ang natatanging batang ito? Mabibigatna hamon ang hinarap ni Jose. Habang isina-saalang-alang natin kung paano niya napag-tagumpayan ang mga ito, makikita natin kungbakit kailangan ng mga ama sa ngayon—at na-ting lahat—na tularan ang pananampalataya niJose.

Pinrotektahan ni Jose angKaniyang Pamilya

Halos dalawang taon bago nito, sa kaniyangbayang Nazaret, ang buhay ni Jose ay nagbagobuhat nang makipagtipan siya sa anak ni Heli.Kilala ni Jose si Maria bilang isang birhen at tapatna babae. Pero nalaman niyang nagdadalang-taoito! Gusto niya sanang diborsiyuhin si Marianang palihim para protektahan siya mula sa is-kandalo.� Pero isang anghel ang nakipag-usap sakaniya sa panaginip at ipinaliwanag na si Ma-ria ay nagdalang-tao sa pamamagitan ng banalna espiritu ni Jehova. Idinagdag pa ng anghel naang anak na lalaking ito na dinadala ni Maria ay‘magliligtas sa kaniyang bayan mula sa kanilangmga kasalanan.’ Tiniyak pa niya kay Jose: “Hu-wag kang matakot na iuwi si Maria na iyong asa-wa.”—Mateo 1:18-21.

Ganiyan ang ginawa ng matuwid at masunu-ring si Jose. Binalikat niya ang pinakamabigat naatas: palakihin at pangalagaan ang isang anak nahindi kaniya, pero napakahalaga sa Diyos. Nangmaglaon, bilang pagsunod sa kautusan ng im-peryo, isinama ni Jose sa Betlehem ang nagdada-lang-taong si Maria para magparehistro. Doonipinanganak ang sanggol.�

Hindi bumalik si Jose at ang kaniyang pamilya

� Noong panahong iyon, ang magkatipan ay itinuturing napara na ring mag-asawa.� Tingnan ang artikulong “Tularan ang Kanilang Pananam-

palataya—Bumuo Siya ng ‘mga Palagay sa Kaniyang Puso’” saOktubre 1, 2008, isyu ng Ang Bantayan.

TULARAN ANG KANILANG PANANAMPALATAYA

Nagprotekta, Naglaan,NagtiyagaIPINASAN ni Jose sa likod ng asno ang isa pang kargada. Habang pi-nagmamasdan ang nayon ng Betlehem sa kadiliman ng gabi, tinatapik

niya ang tagiliran ng kaniyang asno. Tiyak na nasa isip niya ang gagawin nilang mala-yong paglalakbay patungong Ehipto! Isang banyagang bansa, wika, at mga kaugalian—makakayanan kaya iyon ng kaniyang pamilya?

Page 24: wp12 04/01-TG

24 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

sa Nazaret. Sa halip, nanatili sila sa Betlehem,mga ilang milya lang mula sa Jerusalem. Mahi-rap lang sila pero ginawa ni Jose ang lahat paraprotektahan sina Maria at Jesus mula sa kakapu-san o pagdurusa. Pansamantala silang nanirahansa isang simpleng bahay. Pagkatapos, nang luma-ki-laki na si Jesus—malamang na mahigit isangtaong gulang na—biglang nagbagong muli angkanilang buhay.

Dumating ang isang grupo ng mga lalaki, mgaastrologo mula sa Silangan, na malamang aymula pa sa Babilonya. Sinundan nila ang isangbituin patungo sa bahay nina Jose at Maria paramakita ang bata na magiging hari ng mga Judio.Napakagagalang ng mga lalaking ito.

Alam man nila o hindi, nailagay ng mga astro-logo ang batang si Jesus sa malaking panganib.

Sa halip na sa Betlehem, inakay muna sila ng bi-tuin sa Jerusalem. Sinabi nila sa napakasamangharing si Herodes na hinahanap nila ang bata namagiging hari ng mga Judio, anupat nag-alab sagalit at inggit ang hari.—Tingnan ang artikulong“Tanong ng mga Mambabasa—Sino ang Nagsu-go ng ‘Bituin’?” sa pahina 29.

Buti na lang, may kumilos na mga puwersangmas makapangyarihan kaysa kay Herodes. Paa-no? Ang mga dumalaw ay may dalang regalo,pero wala silang hininging kapalit. Tiyak na ta-kang-taka sina Jose at Maria dahil bigla na langsilang nagkaroon ng “ginto at olibano at mira”—mamahaling mga produkto! Sasabihin talagang mga astrologo kay Haring Herodes kung saannila natagpuan ang bata. Pero kumilos si Jehova!Sa pamamagitan ng panaginip, inutusan niyaang mga astrologo na dumaan sa ibang ruta pau-wi.—Mateo 2:1-12.

Pagkaalis ng mga astrologo, tumanggap si Joseng babala mula sa anghel ni Jehova: “Bumangonka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tu-makas ka patungong Ehipto, at manatili ka roonhanggang sa sabihin ko sa iyo; sapagkat hahana-pin na ni Herodes ang bata upang patayin ito.”(Mateo 2:13) Kaya gaya ng nabasa natin sa simu-la, sumunod agad si Jose. Inuna niya ang kaligta-san ng bata at nagpunta sila sa Ehipto. Dahil saibinigay na mga regalo ng mga astrologo, mayro-on na sila ngayong pag-aari.

Nang maglaon, pinaganda ng apokripal namga alamat ang kuwento tungkol sa paglalakbaysa Ehipto. Sinasabi nito na makahimalang pina-ikli ng batang si Jesus ang kanilang paglalak-bay, pinabait ang mga bandido, at pinayukoang mga palmang datiles para mapitas ng ka-niyang ina ang mga bunga nito.� Pero ang to-too, iyon ay isang mahaba at mahirap na pagla-lakbay.

Maraming matututuhan kay Jose ang mga ma-gulang. Itinigil niya agad ang kaniyang trabahoat isinakripisyo ang kaniyang sariling kaalwanan

� Malinaw na ipinakikita ng Bibliya na ang unang himala niJesus ay ginawa niya matapos siyang bautismuhan. (Juan 2:1-11) Para sa ilan pang ulat ng apokripal na ebanghelyo, ting-nan ang artikulong “Apokripal na mga Ebanghelyo—Itinagongmga Katotohanan Tungkol kay Jesus?” sa pahina 18.

Kumilos agad si Jose at nagsakripisyo paraprotektahan ang kaniyang anak

Page 25: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 25

para protektahan ang kaniyang pamilya. Maliwa-nag na itinuring niya na ang kaniyang pamilyaay ipinagkatiwala mismo ni Jehova sa kaniya. Sangayon, pinalalaki ng mga magulang ang kani-lang mga anak sa maligalig na sanlibutang ito napuno ng mga elementong magsasapanganib,magpapasama, o sisira pa nga sa buhay ng mgakabataan. Kahanga-hanga ang mga ina at ama natumutulad kay Jose, anupat nagsisikap na protek-tahan ang kanilang anak mula sa gayong mgaimpluwensiya!

Naglaan si Jose Para sa Kaniyang PamilyaLumilitaw na sandali lang nanatili sa Ehipto

ang pamilya dahil di-nagtagal, ipinaalam ng ang-hel kay Jose na patay na si Herodes. Isinama niJose ang kaniyang pamilya pabalik sa kanilanglupang tinubuan. Isang sinaunang hula ang nag-sabi na tatawagin ni Jehova ang kaniyang anak“mula sa Ehipto.” (Mateo 2:15) Nakatulong siJose sa katuparan ng hulang iyan, pero saan nasila pupunta ngayon?

Maingat si Jose. Alam niyang dapat din niyangkatakutan ang humalili kay Herodes na si Arque-lao dahil marahas at mamamatay-tao rin ito. Sapatnubay ng Diyos, isinama ni Jose ang kaniyangpamilya sa hilaga, malayo sa Jerusalem at sa lahatng masasamang nangyayari doon, pabalik sa Na-zaret ng Galilea kung saan siya isinilang. Doonna nanirahan ang kanilang pamilya.—Mateo 2:19-23.

Simple lang ang buhay nila—pero hindi itomadali. Tinukoy ng Bibliya si Jose bilang karpin-tero, isang salita na may malaking kaugnayan sakahoy, gaya ng pagputol ng puno, paghakot samga ito, at pagpapatuyo para magamit sa pagga-wa ng mga bahay, bangka, maliliit na tulay, kari-ton, gulong, pamatok, at lahat ng iba pang kaga-mitan sa pagsasaka. (Mateo 13:55) Mabigat natrabaho ito. Ang karpintero noong panahon ngBibliya ay karaniwan nang nagtatrabaho sa labaslang ng kaniyang bahay o sa isang malapit na ga-waan.

Napakaraming gamit ni Jose sa pagkakarpinte-ro na ang ilan ay malamang na minana pa niya sakaniyang ama. Maaaring gumamit siya ng esku-wala, hulog, yeso, palataw, lagari, daras, martil-

yo, malyete, pait, barena, iba’t ibang pandikit, atmarahil ay mga pako, bagaman napakamahalnito.

Maiisip natin ang maliit na batang si Jesus ha-bang pinapanood ang nagtatrabaho niyang ama-amahan. Halos ayaw kumurap ni Jesus sa pagba-bantay sa bawat kilos ni Jose. Hangang-hangasiya sa lakas ng malalapad na balikat at maskula-

dong mga bisig ni Jose, sa bihasang mga kamaynito, at sa talinong nakikita sa mga mata nito.Marahil ipinakita ni Jose sa kaniyang maliit panganak ang ilang simpleng trabaho, gaya ng pagki-kinis ng kahoy sa pamamagitan ng pinatuyongbalat ng isda. Malamang na itinuro niya kay Jesusang pagkakaiba ng mga kahoy na ginagamit niya—gaya ng sikomoro (igos-mulberi), ensina, oolibo.

Alam din ni Jesus na ang malalakas na kamayna nagpatumba ng puno, gumawa ng mga biga,at pumukpok sa mga hugpungan ay siya ringmga kamay na nag-aruga sa kaniya, sa kaniyangina, at sa kaniyang mga kapatid. Oo, lumakiang pamilya nina Jose at Maria. Nagkaroon pasila ng anim na anak bukod kay Jesus. (Mateo13:55, 56) Kailangang magtrabahong mabuti si

Nagtrabahong mabuti si Jose para paglaananang kaniyang pamilya

Page 26: wp12 04/01-TG

26 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

Jose para mapangalagaan silang lahat at mapa-kain.

Pero alam ni Jose na ang pinakamahalaga parin ay ang espirituwal na pangangailangan ng ka-niyang pamilya. Kaya naglaan siya ng panahonpara turuan ang kaniyang mga anak tungkol saDiyos na Jehova at sa Kaniyang mga kautusan.Regular na isinasama nina Jose at Maria ang ka-nilang mga anak sa sinagoga, kung saan ang Kau-tusan ay binabasa nang malakas at ipinalili-wanag. Malamang na napakaraming tanong niJesus pagkagaling sa sinagoga, at sinikap namanni Jose na masapatan ang pagkagutom ng anaksa espirituwal na mga bagay. Isinasama rin niJose ang kaniyang pamilya sa relihiyosong mgakapistahan sa Jerusalem. Sa taunang Paskuwa,mga dalawang linggo ang kailangan ni Jose paramaglakbay ng mga 112 kilometro, dumalo saokasyon, at makauwi.

Ganiyan din ang ginagawa ng mga ulo ng Kris-tiyanong pamilya sa ngayon. Sila ay nagsasakri-pisyo para sa kanilang mga anak, anupat laginginuuna ang pagsasanay sa espirituwal kaysa saibang mga bagay kasama na ang materyal na ka-

alwanan. Sinisikap nilang maisama ang kanilangmga anak sa mga Kristiyanong pagpupulong, saKingdom Hall man o sa mga asamblea. Tulad niJose, alam nilang iyon na ang pinakamahalagangmaipamamana nila sa kanilang mga anak.

“May Pagkabagabag ng Isip”Nang 12 anyos si Jesus, isinama ni Jose ang ka-

niyang pamilya sa Jerusalem gaya ng lagi niyangginagawa. Paskuwa noon, isang masayang oka-syon, at sama-samang naglalakbay ang malala-king pamilya. Habang papaakyat sila sa Jerusa-lem, marami ang kumakanta ng kabisado nilangmga awit ng pagsampa. (Awit 120-134) Halos di-mahulugang-karayom ang kapal ng tao sa lun-sod. Pagkatapos ng okasyon, nagsimula nangmaglakbay pauwi ang mga pamilya. Marahil sadami ng inaasikaso, inakala nina Jose at Maria nakasama si Jesus ng ibang naglalakbay, baka ngmga kamag-anak nila. Lumipas pa ang isangaraw bago nila natuklasang nawawala si Jesus!—Lucas 2:41-44.

Natataranta silang bumalik sa Jerusalem nahalos wala nang katau-tao noon. Binabagtas nila

Regular na isinasama ni Jose ang kaniyang pamilya sa Jerusalem para sumamba sa templo

Page 27: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 27

ang mga lansangan habang tinatawag ang kani-lang anak. Nasaan kaya si Jesus? Sa ikatlong arawng kanilang paghahanap, naisip kaya ni Jose nabinigo niya si Jehova sa ipinagkatiwala sa kani-ya? Nagtungo sila sa templo at nakarating saisang silid kung saan nagkakatipon ang mara-ming edukadong lalaki na bihasa sa Kautusan.Natagpuan nila si Jesus na nakaupo sa gitna ngmga lalaking ito. Nakahinga nang maluwag sinaJose at Maria!—Lucas 2:45, 46.

Nakikinig si Jesus sa mga lalaki at maramisiyang tanong. Namangha ang mga lalaki sa kau-nawaan at mga sagot ni Jesus. Natigilan sina Joseat Maria. Sa ulat, tahimik lang si Jose. Pero sapatna ang sinabi ni Maria para malaman natin angnasa isip ni Jose: “Anak, bakit mo kami pinakitu-nguhan nang ganito? Narito, ang iyong ama atako ay naghahanap sa iyo nang may pagkabaga-bag ng isip.”—Lucas 2:47, 48.

Sa ulat na ito, binibigyan tayo ng Salita ngDiyos ng ideya tungkol sa pagiging magulang.Maaari itong magdulot ng stress kahit na perpek-to pa ang anak! Sa mapanganib na daigdig sangayon, mas lalo nang ‘nakababagabag ng isip’ang pagpapalaki ng anak. Pero nakaaaliw para samga ama at ina na malaman na ang Bibliya aymay sinasabi tungkol sa mga hamong kinakaha-rap nila.

Buti na lang, nanatili si Jesus sa isang lugarkung saan nadama niyang napakalapit niya sakaniyang Ama sa langit, si Jehova, anupat sabikna sabik na matuto. Kaya naman ganito ang sa-got niya sa kaniyang mga magulang: “Bakit kaila-ngang hanapin ninyo ako? Hindi ba ninyo alamna ako ay dapat na mapasabahay ng aking Ama?”—Lucas 2:49.

Tiyak na maraming ulit na pinag-isipan ni Joseang mga salitang iyon. Marahil ay nakadama siyang pagmamalaki. Tutal, talaga namang sinikapniyang ituro sa kaniyang anak-anakan na magka-roon ng ganoong damdamin para sa Diyos na Je-hova. Bagaman bata pa, alam na ni Jesus ang ka-hulugan ng pagiging isang maibiging ama dahilna rin sa nakita niya kay Jose.

Bilang isang ama, naiisip mo ba kung gaanokalaking pribilehiyo na tulungan ang iyong mgaanak na magkaideya kung ano ang isang mapag-

mahal at mapagsanggalang na ama? Sa katuladna paraan, kung mayroon kang anak-anakan oampon, tandaan ang halimbawa ni Jose at itu-ring na natatangi at mahalaga ang bawat isa. Tu-lungan silang maging mas malapıt sa kanilangAma sa langit, ang Diyos na Jehova.

Nagtiyaga si Jose Nang May KatapatanKaunti lang ang ulat ng Bibliya tungkol kay

Jose, pero mahalagang isaalang-alang ito. Maba-basa natin na si Jesus ay “patuloy [na] nagpa-sakop sa kanila”—sa kaniyang mga magulang.Nalaman din natin na “si Jesus ay patuloy na

Alam natin na buhay pa si Jose noong 12 an-yos si Jesus. Mga ganiyang edad natututu-han ng maraming kabataang Judio ang tra-baho ng kanilang ama, at sa edad na 15 aynakatutulong na sila sa kanilang ama. Lumi-litaw na bago pa mamatay si Jose, naturuanna niya ng pagkakarpintero si Jesus. Buhaypa ba si Jose nang simulan ni Jesus ang kani-yang ministeryo sa edad na mga 30? Parangimposible. Binanggit na buhay pa ang ina atmga kapatid ni Jesus noong panahong iyon,pero hindi si Jose. Minsan ay tinawag panga si Jesus na “anak ni Maria,” hindi anakni Jose. (Marcos 6:3) May ulat din na si Ma-ria ay kumilos at nagpasiya nang walang ki-nokonsultang asawa. (Juan 2:1-5) Hindiiyan pangkaraniwan noong panahon ng Bi-bliya, malibang siya ay biyuda. Bilang pang-huli, bago malagutan ng hininga si Jesus,inihabilin niya kay apostol Juan ang kani-yang ina. (Juan 19:26, 27) Hindi iyan gaga-win ni Jesus kung buhay pa noon si Jose.Kung gayon, masasabing namatay si Josenoong halos adulto na si Jesus. Bilang pa-nganay, tiyak na si Jesus ang nangasiwa sakanilang hanapbuhay na pagkakarpintero atnangalaga sa kanilang pamilya hanggang samabautismuhan siya.

Kailan Namatay si Jose?

Page 28: wp12 04/01-TG

28 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

sumulong sa karunungan at sa pisikal na paglakiat sa lingap ng Diyos at ng mga tao.” (Lucas 2:51, 52) Ano ang ipinahihiwatig ng mga salitangito tungkol kay Jose? Marami. Natutuhan natinna patuloy na nanguna si Jose sa kaniyang pamil-ya dahil iginalang ng kaniyang perpektong anakang awtoridad niya bilang ama at patuloy na nag-pasakop sa kaniya.

Nalaman din natin na patuloy na sumulong sakarunungan si Jesus. Tiyak na napakalaki ngkontribusyon dito ni Jose. Noon, may matagalnang kasabihan ang mga Judio. Sinasabi nito natanging ang mga lalaking may libreng pana-hon ang talagang nagiging marunong, pero angmga manggagawa gaya ng karpintero, magsasa-ka, at panday ay “hindi makapaghahayag ng ka-

tarungan at kahatulan; at hindisila masusumpungan kung saanmay usapan tungkol sa mgatalinghaga.” Nang maglaon, pi-natunayan ni Jesus na hinditotoo ang kasabihang iyan. No-ong bata siya, maraming ulit ni-yang narinig na mahusay nanagturo tungkol sa “katarunganat kahatulan” ni Jehova ang ka-niyang ama-amahan, bagamanito ay isang karpintero lang.

Makikita rin natin ang im-pluwensiya ni Jose sa paglakini Jesus. Dahil napangalagaangmabuti, si Jesus ay lumakingmalakas at malusog. Isa pa, sina-nay ni Jose ang kaniyang anakna maging bihasa sa trabaho.Nakilala si Jesus hindi lang bi-lang anak ng karpintero kundibilang “ang karpintero.” (Mar-cos 6:3) Kaya naging matagum-pay ang pagsasanay na gina-wa ni Jose. Tinutularan ng mgaulo ng pamilya si Jose, anupatpinangangalagaan ang kanilang

mga anak at binibigyan ng praktikal na pagsasa-nay para matiyak na masusuportahan ng mga itoang kanilang sarili.

Kapag binabasa na natin ang ulat ng Bibliyatungkol sa bautismo ni Jesus sa edad na 30, ma-papansing hindi na binabanggit si Jose. Ipinahi-hiwatig ng ebidensiya na biyuda na si Marianang simulan ni Jesus ang kaniyang ministeryo.(Tingnan ang kahong “Kailan Namatay si Jose?”sa pahina 27.) Gayunman, nag-iwan si Jose ngmagandang halimbawa ng isang ama na nagpro-tekta sa kaniyang pamilya, naglaan sa kanila, atnagtiyaga nang may katapatan hanggang wakas.Makabubuting tularan ng lahat ng ama, ulo ngpamilya, at ng sinumang Kristiyano ang pana-nampalataya ni Jose.

Sinanay ni Jose ang kaniyanganak para maging karpintero

Page 29: wp12 04/01-TG

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012 29

ˇ Nakakita ka na ba ng Belen o ng isinadulang pag-dalaw ng tatlong hari, o mga pantas na lalaki, sabagong-silang na si Jesus habang siya ay nasa sab-saban? Ayon sa kuwento, gumamit ang Diyos ngisang bituin para akayin ang tatlong hari sa Betle-hem. Kabisado pa nga ng mga bata ang mga pa-ngalan nila—Melchor, Gaspar, at Baltazar. Pero kaa-yon ba ng sinasabi ng Bibliya ang popular nakuwentong ito? Hindi. May mga detalye ito na di-tumpak.

Una, sino ba ang mga lalaking iyon? Sa orihinalna Griego, hindi sila tinutukoy ng Bibliya na mgahari o mga pantas na lalaki. Sila ay mga mago, opaganong astrologo. Lumilitaw na nanghuhula silabatay sa posisyon ng mga bituin. Hindi sinasabi saBibliya kung ano ang mga pangalan nila o kungilan sila.

Ikalawa, kailan ba dumalaw ang mga lalakingiyon? Tiyak na hindi na isang sanggol sa sabsabansi Jesus nang dumalaw sila. Ganito ang sinabi ngmanunulat ng Ebanghelyo na si Mateo: “Nang pu-masok sila sa loob ng bahay ay nakita nila ang batana kasama ni Maria na kaniyang ina.” (Mateo 2:11)Pansinin na si Jesus ay hindi na isang bagong-silangna sanggol, kundi isang “bata.” At sina Maria atJose ay hindi na nakatuloy sa isang kuwadra, kundisa isang bahay.

Ikatlo, sino ang nagsugo ng “bituin” na umakaysa mga astrologo? Karaniwan nang itinuturo nga-yon ng mga lider ng relihiyon na ang Diyos angnagsugo nito. Siya ba talaga? Tandaan, hindi saBetlehem unang inakay ng “bituin” ang mga astro-logong iyon, kundi kay Haring Herodes sa Jerusa-lem. Naibunyag nila sa inggitero at makapangyari-hang mamamatay-taong iyon ang pagsilang niJesus na magiging “hari ng mga Judio,” kaya lalongnasuklam si Herodes sa bata. (Mateo 2:2) Sinabi-han sila ni Herodes na bumalik at ipaalam sa kaniyaang eksaktong kinaroroonan ng bata dahil gustorin daw niyang magbigay-pugay rito. Pagkatapos,inakay ng “bituin” ang mga astrologo kina Jose at

Maria. Muntik nang maipahamak ng mga astrolo-go ang bata kung hindi ito hinadlangan ng Diyos.Galıt na galıt si Herodes nang hindi bumalik sa ka-niya ang mga astrologo. Dahil dito, ipinapatay niyaang lahat ng batang lalaki, mula dalawang taonggulang pababa, sa loob at sa palibot ng Betlehem.—Mateo 2:16.

Nang maglaon, tinukoy ni Jehova si Jesus na“aking Anak, ang minamahal, na aking sinang-ayunan.” (Mateo 3:17) Pag-isipan ito: Ang ma-ibigin at matuwid na Ama bang ito ay pipiling paganong mga astrologo—na nagsasagawa ngokultismong ipinagbabawal sa kaniyang Kautu-san—para maging mga mensahero niya? (Deutero-nomio 18:10) Magsusugo ba siya ng isang bituinpara akayin sila sa mapanganib at makapangyari-hang mamamatay-taong si Herodes, taglay angisang mensaheng tiyak na ikagagalit nito nang hus-to? At gagamitin ba ng Diyos ang bituin at ang mgaastrologo ring iyon para ibunyag ang kinaroroonanng kaniyang walang-kalaban-labang anak?

Bilang paglalarawan: Isinugo ng isang mahusayna kumander ang kaniyang pinakamagaling nasundalo sa teritoryo ng mga kalaban para sa isangmisyon. Ibubunyag ba niya sa mga kalaban ang ki-naroroonan ng kaniyang sundalo? Siyempre hindi!Sa katulad na paraan, isinugo ni Jehova ang kani-yang Anak sa mapanganib na daigdig na ito. Ibu-bunyag ba Niya sa napakasamang si Haring Hero-des kung nasaan ang Kaniyang Anak na noo’y batapa at walang kalaban-laban?

Kung gayon, sino ang nagsugo ng “bituin,” o tu-lad-bituing bagay na iyon? Isipin mo, sino ba tala-ga ang may gustong ipapatay ang batang si Jesuspara hindi na magawa ni Jesus ang misyon niya salupa? Sino ba ang nanliligawsa mga tao at nagtata-guyod ng kasinungalingan, karahasan, at pagpa-tay? Ipinakilala mismo ni Jesus kung sino angisa na “sinungaling at ama ng kasinungalingan,”ang isa na “mamamatay-tao nang siya ay magsi-mula”—si Satanas na Diyablo.—Juan 8:44.

TANONG NG MGA MAMBABASA

Sino ang nagsugo ng “bituin”?

Page 30: wp12 04/01-TG

30 ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2012

– PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG EXODO 3:1-14; 4:1-17.

Ano kaya ang hitsura ng nagniningas na palumpong?�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Ano kaya ang naging reaksiyon ni Moises—ang hitsura at tono ng kaniyang bo-ses—nang marinig niyang tinawag siya ng Diyos, gaya ng nasa Exodo 3:4? ������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Anong damdamin ang napansin mo sa boses ni Moises habang nagtatanongsiya kay Jehova, gaya ng nakaulat sa Exodo 3:11, 13 at 4:1, 10? �����������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

— PAG-ARALANG MABUTI.

Magsaliksik tungkol sa pariralang “Ako ay magiging gayon sa anumang akoay magiging gayon.” (Exodo 3:14) Bakit kaya iyan ang isinagot ni Jehova nangmagtanong si Moises tungkol sa Kaniyang pangalan?� ��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

PARA SA MGA KABATAAN

Tumanggap si Moises ngEspesyal na AtasTagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto,isipin mong napapanood mo ang nangyayari. Ilarawan sa iyong isip ang eksena.Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mgatauhan. Gawing buhay na buhay sa iyong isipan ang kuwento.Pangunahing mga tauhan: Ang Diyos na Jehova at si MoisesSumaryo: Inatasan ni Jehova si Moises na ilabas sa Ehipto ang mga Israelita.

� Ang mga Saksi ni Jehova ay naglalathala ng maraming aklat at brosyur na makatutulong sa iyopara sa mas malalim na pag-aaral ng Bibliya. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan samga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.

Page 31: wp12 04/01-TG

Sa palagay mo, bakit parang ayaw makipag-usap ni Moises kay Paraon? (Clue: Basahin angBilang 12:3.)�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Bakit parang ayaw ni Moises na puntahan atkausapin ang kaniyang mga kapuwa Israelita?����������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

˜ GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN.ISULAT ANG IYONG NATUTUHANTUNGKOL . . .

Sa tendensiya ng tao na mawalan ng tiwalasa sarili.�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Sa pagtitiwala ni Jehova sa iyo at sa iyongmga abilidad. �����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

PARA MAGAMIT PA ANG IYONGNATUTUHAN.

Sa anong mga gawain ka nawawalan ng tiwalasa iyong sarili?�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Paano ka maaaring magamit ng Diyos na Jeho-va sa kabila ng iyong mga limitasyon? ��������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

™ ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANGPINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

KUNG WALAKANG

BIBLIYA,HUMILING NITO SA

MGA SAKSI NI JEHOVA, OBASAHIN ITO SA WEB SITE NAwww.watchtower.org

°

Kung gusto mong i-download at/o i-print angartikulong ito, magpunta sa www.jw.org

Page 32: wp12 04/01-TG

Kahit napakaraming problema sa daigdig ngayon, puwede ka pa ring maging maligaya sa tulong ng tumpak nakaalaman sa Bibliya tungkol sa Diyos, sa kaniyang Kaharian, at sa kaniyang napakagandang layunin para sa mgatao. Kung nais mo ng higit pang impormasyon o gusto mong may dumalaw sa iyo para magdaos ng libreng pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, PO Box 2044, 1060 Manila, o sa isa sa mga adres sa pahina 4.

Saan natin makikita ang mapananaligangimpormasyon tungkol kay Jesus?TINGNAN ANG PAHINA 3-7.

Naaalaala pa rin ba ni Jehova ang mga humiwalaysa kaniya? TINGNAN ANG PAHINA 10-11.

Paano natagpuan ng isang lalaki ang matagal naniyang hinahanap na kalinga ng isang ama?TINGNAN ANG PAHINA 14-15.

Ano ang matututuhan natin mula sa ama-amahanni Jesus na si Jose? TINGNAN ANG PAHINA 23-28.

www.watchtower.org wp12 04/01-TG

Gusto mo bang may dumalaw sa iyo?