wikang filipino sa edukasyong sekundarya - · pdf filenagiging kasangkapan ng pag-uunawaan ng...
TRANSCRIPT
7 February 2017
Publications
WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONG SEKUNDARYA Eden R. Leaño
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino?
Sa pag-aaral ng wikang Filipino, nararapat lamang na taglay ng bawat mag-aaral ang
makrong kasanayang pangwika: pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Ang pakikinig ay
isang makapangyarihang instrument ng komunikasyon na nagsisilbing impluwensiya upang
makipag-usap ng mabuti sa tulong na rin ng ating dalawang tenga. Naipaparating natin ang ating
naririnig o ang ating napakinggang tunog mula sa ating paligid. Pagsasalita, ito ay ang kakayahan
at kasanayan ng isang tao kung paano niya maipapaabot sa kanyang kinakausap ang ibig niyang
iparating ayon sa gamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kinakausap. Ang pagsasalita rin ang
nagiging kasangkapan ng pag-uunawaan ng dalawang tao. Pagbasa, ito ay nagiging daan upang
lubusan nating malaman ang isang bagay, sa pamamagitan ng pagbasa mas lumalawak ang ating
kaalaman at pag-unawa sa isang bagay o ideya. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang
kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et
al., 1998). Isang mabisang paraan rin ng pagpapahayag ng ating damdamin o saloobin sa isang
bagay ang pagsulat, malaya nating naipapahayag ang ating opinion sa mga bagay-bagay.
Kailangan sa pagtuturo ang ibat-ibang paksa na babasahin sa Filipino. Sa ganitong gawain,
masasanay ang mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip na hahamon upang maipahayag ang kanilang
mga saloobin sa mataas na kaisipan. Nararapat na hasain at sanayin ang mga mag-aaral sa wikang
Filipino upang maging handa sa pagtungtong nila sa kolehiyo. Sa pagbibigay at pagbasa ng
mahihirap na teksto, nalilinang at nagkakaroon sila ng mapanuring pag-iisip. Sa pamamagitan ng
pag gamit ng wikang Filipino, nalilinang ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa
pakikipagtalastasang pasalita at pasulat. Gayundin ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng
lubusang pag-unawa, malalim na pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga paksang narinig at
nabasa. Ang pag-aaral ng wikang Filipino sa sekundarya ay nagkakaroon ang mga mag-aaral ng
kakayahan at kasanayan sa pagkilala at paglikha ng ibat-ibang uri ng katutubong panitikan
gayundin ang kaalaman sa pananaliksik at pagsasaling wika.
7 February 2017
Publications
Hindi lamang sa loob ng klasrum o paaralan nalilinang ang kasanayan sa wikang Filipino,
ito’y naiaangat at napapabuti sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain sa labas
man ng paaralan. Sa pagakakaroon ng malawak na kaalaman at kasanayn sa wikang Filipino, ang
mga mag-aaral ay nakasusulat ng maayos at mahusay na komposisyon tungkol sa paksang
tinalakay ng guro. Malaya rin silang nakapagpapahayag ng mga kaisipan at pananaw sa
pamamaraang mahusay, wasto at epektibo.
http://www.slideshare.net/ghyj/apat-na-makrong-kasanayan-sa-wika https://prezi.com/stniibxydvb5/kahulugan-at-kahalagahan-ng-pakikinig/ http://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-pagsulat.html